CHAPTER 11: LOST IMMORTALS
It has been a week since the combat training happened. After anyone knowing that I forgot how to wield magic, Celeste, Scarlet and our Masters and Mistresses helped to attend or do different training that could bring back my capability on how to wield magic.
I knew that it was really impossible for me to wield any kind of spell of magic because I wasn't belong to their races, pero dahil hindi naniniwala sina Celeste at Scarlet sa mga pilit kong sinasabi sa kanila na hindi ako si O'Brien ay kailangan kung um-attend ng iba't ibang klase ng training na sinasabi nila kahit hindi na kaya ng katawan ko at ayaw ko na.
Wala akong magawa kun'di ang sumunod sa kanila, though I couldn't also deny that I really learned something from them. And because my abili
I sighed as I sat down on the chair set for me here in the dining hall area of our dormitory. I am here with Celeste, Scarlet and Starlet at a round table made of thick glass.It's already seven o'clock in the evening, at katatapos pa lang ng aking training. Mahigit isang linggo kasi akong hindi dumalo sa training namin kaya nangangapa ako, at nasa unang lebel pa lang ng pagsasanay. Habang sila'y nasa ikatlong lebel na, ang Power Training Abilities o Potrabilities.Honestly, they finished their training early, but they waited for me to finish my training. But the good thing was, I finished Physical Training Abilities or Phytrabilities all day.It's very tiring, yes. Sino'ng hindi mapapagod sa pagtakbo nang fifty times paikot ng napakalaking training field? Tapos hindi
HINDI namin alam ni Scarlet kung ilang minuto na kaming nagbubulungan dahil sa lalaking kasama namin na mukhang galit dahil sa bilis niyang maglakad.We were already at Utopia Palace and we just followed the man we didn’t expect to be with us going here, Yazenth.“Is he mad at us?” asked Scarlet as she turned around and that made me shocked. She seemed to be enjoying her gown here in a wide hallway that seemed to have no end in length.Everything I see is pure diamond. The whole palace is made of a huge diamond that even when no sun or moon rises is still bright because of its unique brilliance. It's already night but it's still like morning or noon because of its light that doesn't hurt the eyes.
Minutes had passed, after I heard the siren as a sign that it was 12 o'clock already and time for our Clandestine class, I felt someone move around. It was like she was preparing for her departure and I'm sure it was Celeste.I just kept closing my eyes first and pretending to be still asleep to wait for her to go.Yes, Scarlet convinced me to enter our class again because Hearlet is right. Kailangan kong pumasok ulit sa klaseng iyon if I really want to be strong and get justice for my parents. Well, there's nothing wrong with trying what she wants me to do. But being the key to the past and truth of Infinity? I don't think so. I need to think about it carefully. And it takes time before I can make a final decision because they are giving me a heavy duty. It's not just about Infinity, it is also for the future of the entire Therra Un
Sa sandaling naitapak ko ang mga paa ko sa loob ng Genesis Forest ay may naramdaman na agad akong kakaiba sa paligid.Nakakabingi at kakaibang katahimikan agad ang sumalubong sa akin. Wala akong maramdamang simoy ng hangin, at kahit tunog ng mga ibon ay wala akong marinig.Madilim ang buong paligid pero hindi na ito bago sa akin dahil minsan na akong pumasok dito, but what I was feeling right now is quite different from what I felt before. I guess something weird is really happening here right now that I need to know.Of course, this forest is dangerous, and I am aware of that, but if you are a Clandestine or if you have a high position in the Royal Palace, you have nothing to worry about the dangerous creatures living in here. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng takot, la
The spell that I chanted just disappeared in thin air because I lacked the strength and power to do what I wanted—to stop the time even for a moment, so that I could get stuck here in the Genesis Forest.Ramdam ko na kasi ang panghihina at patuloy na panginginig ng aking katawan, marahil ay dahil ito sa lason sa palaso na tumama sa tagiliran ko."Poor, Green. Why did you come back? You are too ambitious. Kailanman ay hindi mo kami kayang pantayan. Isa ka lamang hamak na Legacy, isang mababang uri ng nilalang dito sa Utopia. I don't even know what you have and why you are with us. You are not that special. Okay . . . let's say you have a strong power, but it's still not enough for you to be part of Clandestine!" Celeste said stupendously. I could feel the anger on her voice, and I don't know where it came from dahil wala n
I woke up with a startle, like I came from a nightmare. I scanned the whole place the moment that I realised I wasn't in our room in the dormitory of Royal Academy.Hindi familiar sa akin ang silid na ito at hindi rin naman ito isang infirmary dahil wala akong ibang makita rito sa loob kun'di isang lamesa lamang sa tabi ng malaking kama na hinihigaan ko ngayon.The whole place shouts silver mixed with emerald green—the curtains, the walls, even the soft, canopy bed I'm on.Sinubukan kong umupo mula sa pagkakahiga, pero napangiwi na lang ako nang biglang kumirot ang ulo ko. Ramdam ko ang kakaibang bigat ng aking katawan na para bang may nakadagan sa aking mabigat na bagay. Pakiramdam ko rin ay parang miikot ang buong paligid.
Kinaumagahan ay pinayagan na akong umalis sa palasyo, at bumalik na sa Royal Academy upang maghanda sa nalalapit na Potrabilities (Power Training Abilities).Marami ang mga nagtaka sa bigla kong pagkawala ng isang linggo. Tanging sina Yazenth at Scarlet lang ang nakakaalam kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa akin, at bakit ngayon lang ako nakabalik dito.Hindi na rin lingid sa kaalaman ng lahat na ako ang susi sa nakaraan at katotohanan sa likod ng pagkawala ni Infinity. Kung kaya ay iniisip ng iba na iyon ang dahilan kung bakit ako nawala bigla. Pero hindi rin naman ako makakatakas sa negatibo nilang mga komento tungkol sa tungkulin na iniatang sa akin. At hindi ko sila masisisi dahil araw-araw silang nagsasanay para sa katungkulan nilang ninanais. Habang ako ay nakakayanang lumabas mula sa eskuwelahang ito para gampana
Palubog na ang araw nang naisipan kong tumigil sa pagsasanay. Halos wala na rin akong kasama rito sa malawak na kapatagang aming pinagsasanayan, kaya pabagsak akong umupo sa damuhan, at saka huminga nang malalim.Basang-basa na ang halos lahat ng parte ng uniporme ko dahil sa pawis. Pero mabuti na lamang ay wala itong amoy. Kaya mas minabuti ko na lamang na hayaan ito at niyakap ang aking mga tuhod saka iginala ang paningin sa paligid na unti-unti nang kinakain ng dilim.Hindi ko maipaliwanag ang pagod na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako mamaya dahil nasobrahan yata ako sa pagsasanay. Kaya hinayaan ko lamang ang aking sarili na magpahinga at magpalamig muna saglit bago bumalik sa dormitoryo upang makapagbihis na dahil anumang sandali ay maghahapunan na rin kami.
THIRD PERSON'S POVTatlumpung minuto bago sumapit ang gabi ay magkakasama nang nagtipon sina Queen Affinity, Headmaster Rain, God Astrid, Goddess Heldy, kasama na sina Yazenth, at Leaves malapit sa tarangkahan ng akademya para sa pag-alis nina Alpha Goddess Hely at Green papuntang Helia. Nakatakda silang umalis ngayon ng akademya upang isagawa ni Alpha Goddess Hely ang kaniyang plano — ang natitirang paraan upang ibalik muli ang nawalang kapangyarihan at alaala ng itinakdang nilalang na magtatapos sa kasamaan ni Alpha God Tartarus — si Green.Nakatakda rin ang pag-alis ni Headmaster Rain patungong Emerald upang alamin ang suliraning nagaganap doon na hinihinalaan na may kinalaman ang yumao niyang isang anak na si Finn. Hinala ng karamihan ay may alam si Finn tungkol sa kung anuman ang nangyayari ngayon sa buong Therra Universe. Nakahanda na rin siya upang umalis simula pa kagabi ngunit gusto niyang mauna munang makaalis sina Alpha Goddess Hely at ang kaniyang pamangkin na si Green upa
CHAPTER 119: FINDING ANOTHER WAYTHIRD PERSON'S POVKinaumagahan ay magkakasama sina Green, Celeste, at Scarlet patungo sa girl’s dormitory, ito ay sa kagustuhan ni Green dahil gusto niyang makilala ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga bagay o lugar na sentimental value sa kaniya. Hindi kasi niya mapigilan ang makaramdam ng kalungkutan sa kung anuman ang magaganap mamaya pagsapit ng gabi. Umaasa siya na sa ganitong paraan ay maaari niyang maibalik ang kaniyang alaala at kapangyarihan nang walang magsasakripisyo ng buhay. Kaya kailangan niyang maghanap ng ibang paraan upang ibalik ang kaniyang nakaraan. Sa kaniyang mga nalaman — ang pinagdaanan niya, maging ang lahat ay hindi niya mapigilan ang makunsensya. Marami nang nadamay sa kaniyang kapalaran na siya lang dapat ang kailangang humarap. Marami na ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa kaniya. Husto na ang lahat na iyon, kaya niya ito ginagawa.Ngunit habang naglalakad sila papunta sa dormitoryo ay hindi nila naiwasan na makas
THIRD PERSON'S POVHindi makapaniwala si Scarlet sa mga tunuran ni Celeste sa kaniya. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit napansin niyang parang may nagbago kay Green noong nakita niya ito kanina. Tila ba hindi niya alam kung saan siya papunta no’ng nakita niyang naglalakad siyang mag-isa kanina. Tila rin hindi siya nito naaalala, ngunit minabuti lamang niya itong hindi pansinin dahil naiintindihan niyang marami siyang iniisip, at saka nagagalak siyang makita siyang muli na nakabalik na. Wala kasi siyang kaalam-alam sa nangyari kay Green, kahit noong kinalaban niya sina Queen Affinity, Leaves, at Yazenth. Ngayon lamang niya ito nalaman kaya hindi niya mapigilan ang mabigla at makaramdam ng awa sa pinagdaanan ni Green. She has been through a lot starting when she was still a baby. Naiisip niya na kung sakaling nasa katayuan siya ngayon ni Green ay wala siyang gagawin kun’di ang sumuko na lang sa bigat ng responsibilidad niya. Kaya malungkot siyang lumapit kay Green na nanatili
THIRD PERSON'S POVDala ng kuryusidad ni Green sa lugar ay hindi niya sinunod ang sinabi sa kaniya ni Celeste — na huwag lumabas ng kaniyang silid.Maliwanag ang paligid dahil sa laki at pula ng buwan na parang may ibinabadya itong panganib. Dumagdag pa ang nakabukas na mga ilaw ng mga gusali ng akademya, at mga nagkalat na mga ilaw sa iba’t ibang parte nito.Alas-tres na ng madaling araw nang tingnan kanina ni Green ang orasan sa silid kung saan siya nagising kanina kasama ang maraming mga nilalang na hindi niya kilala. Gayunpaman ay tanging mga kawal pa lang ang nakakasalubong niya sa daan, na nagbibigay sa kaniya ng paggalang.Hindi naman niya nakakalimutan ang isang habilin ni Celeste sa kaniya kanina — na huwag siyang magsasalita tungkol sa nangyayari sa kaniya. Sinunod niya iyon, tanging malawak na ngiti lamang ang iginagawad niya sa lahat ng nakakasalubong niya. Ngunit hindi pa rin maiwasan ng mga ito na magtaka sa kaniya dahil nagbibigay din ito nang paggalang, gaya ng ginagaw
THIRD PERSON'S POVMatapos ang ilang minuto ay nakarating din si Celeste sa harap ng pinto ng opisina ng Headmaster. Bago siya pumasok ay kumatok muna siya, at may narinig naman siya sa loob na pinahihintulutan siyang pumasok. Kaya agad niyang pinihit ang door knob at maingat na binuksan ang pinto. Nadatnan niya sina Headmaster Rain, Queen Affinity, at Leaves sa loob na abala sa pag-uusap dahilan upang mapayuko siya.“Paumanhin kong naabala ko ang inyong pag-uusap, Your Royal Majesty, Queen Affinity, Headmaster Rain, at Your Highness, Leaves,” paghingi niya ng kapatawaran at saka itinaas muli ang tingim at magtama ang mga mata nilang dalawa ni Queen Affinity.Ginawaran siya ng isang ngiti ni Queen Affinity ngunit mapapansin sa kaniyang mga mata ang lungkot na nadarama dahil sa nangyayari ngayon sa kaniyang anak na si Green, at sa planong pagsasakripisyo ni Alpha Goddess Hely. Ilang araw at gabi na rin siyang walang pahinga kaya namumutla na rin siya.Ngumiti naman siya pabalik at muli
THIRD PERSON’S POV“Argh! Naguguluhan ako sa mga sinasabi mo . . . Nakakahilo,” she said, complaining and giggling because she didn't believe what Leaves was saying to her. She didn't believe in such things like fantasies, magical worlds, magics, and magical creatures.“True? Kapatid kita, seriously?” hindi makapaniwalang tanong niya at saka natawa na lang bigla.Umirap naman si Leaves sa naging reaksyon ni Green. Kanina pa siya nagtitimpi upang hindi niya masampal o masakal si Green pero namumuro na ito.“Can you just please listen to me? Yes, you heard it right, kapatid kita — kambal tayo. Haven't you noticed the girl wearing a green dress earlier? She’s our mother. She’s a Queen, and we are Princesses. Kanina pa tayo rito pero hindi mo man lang mapansin na may resemblance tayong dalawa, hello?” she stupendously said as she glared at her once again.“At gaya nga ng sinabi ko, ikaw ang itinakda ng propesiya na lulupig kay Alpha God Tartarus, na siyang may gawa rin kung bakit wala kan
THIRD PERSON'S POVAlpha Goddess Hely, together with Queen Affinity, God Astrid, Goddess Heldy, Headmaster Rain, Yazenth, and Virgo were currently in the hall discussing something about how they could bring Green back to normal — to an immortal Goddess of Infinity, and of course Yazenth and Leaves’ mission in Emerald. Alpha Goddess Hely and Headmaster Rain were confused on their sudden mission without her knowledge.Leaves, on the other hand, was left with Green in the room to explain everything to her — about what really happened to her.“A-ano ang tinutukoy mong natitirang paraan upang maibalik ang aking anak sa rati, Alpha Goddess Hely? We can’t just sit here without doing anything. Hindi natin alam kung kailan ulit tayo susugurin ni Alpha God Tartarus. Kaya kailangan nating maayos ang lahat bago mangyari iyon, at alam mo iyan,” seryosong tanong at sabi ni Queen Affinity. “Sabihin mo lang kung ano ang maaari nating gawin . . . u-upang magawa ko na ito . . . ” she continued. She re
THIRD PERSON'S POV“A-ano ang ibig mong sabihin, Alpha Goddess Hely? Anong sinasabi mong isa na siyang mortal? P-paano? Paano nangyari iyon? A-ano ang nangyayari?” hindi makapaniwala at natatarantang mga katanungan ni Queen Affinity.She didn’t want to believe it, but coming from an Alpha Goddess Hely was something she must believe on the reason why she couldn’t help but be emotional and lost her mind of what she found out.Nagulat din ang lahat sa nalaman. Lahat sila ay nag-aalalang tumingin kay Green na mahimbing pa rin na natutulog kahit maingay na ang silid dahil sa mga bulungan nila.Naglakad si Alpha Goddess Hely palapit kay Green habang nakatitig sa kaniya. May mga planong dumadaloy sa kaniyang isipan ngunit nagdadalawang isip siya kung gagawin niya ito, ngunit alam niyang ito na lang ang natitira nilang pag-asang lahat.“Kagagawan ito ni Tartarus. Isinagawa nito sa Demiana dahilan upang magawang kontrolin si Green. Ito ang plano nito simula pa lamang kaya gusto nitong makuha si
THIRD PERSON’S POVPagkagat ng dilim ay nagpaalam na sina Leaves at Yazenth kay King Llwen, maging kay Goddess Eyelet pabalik ng Utopia — sa Royal Academy. Hindi sila maaaring magtagal pa sa Emerald dahil may nga suliranin din silang kailangan harapin, at mga katungkulan na kailangan gampanan.Wala namang magagawa si King Llwen kun’di ang hayaan sila sa kanilang pag-alis kahit pa man maiiwan ulit siyang mag-isa sa Emerald dahil sa kaniyang sariling tungkulin din. Lungkot at muling pangungulila ang nararamdaman niya habang paalis sina Leaves at Yazenth. Ngunit kailangan niya itong itago, kaya isang pilit na ngiti lamang ang gumuhit sa bibig niya habang hinihintay na mawala sa kaniyang paningin ang dalawa. Hindi na niya maihahatid ang mga ito papuntang borders ng Emerald dahil wala na siyang panahon pa upang gawin iyon.Nagawa naman niya ang mga dapat niyang gawin bago sila umalis. Kaya sapat na iyon para sa kaniya dahil iniisip na lang niya na pagkatapos ng kaguluhan ay muli silang mag