Huminto ang motor sa tapat ng isang karinderya. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Chase bago tingnan si Luna.
"What are we doing here?" tanong niya nang makababa sa motor.
"Ano pa ba? Kakain!" sagot ni Luna pagkatapos patayin ang makina at bumaba sa kanyang motor.
Hindi na nakaangal pa si Chase nang hilahin siya ng dalaga palapit sa karinderya. Umupo sila sa kahoy na upuan.
"Ate, dalawang order nga po ng Sinigang tapos apat na rice," sabi ni Luna sa tindera.
Muling nilingon ni Chase si Luna na ngayo'y pinagmamasdan lang ang kilos ng tindera habang hinahanda ang order nila.
"Apat na rice? Dalawa lang tayong kakain, ah."
Sunday, December 2, 2018Maagang nagising si Chase para sa misa. Nagsuot lang siya ng polo at pantalon na tinernuhan ng puting sapatos bago lumabas ng kuwarto. Pagdating sa sala'y nakita niya Amanda na inaayos ang kwelyo ni Enrico."Good morning, honey," bati ni Amanda sa anak. Hinalikan niya sa pisngi ang binata at bahagyang kinalikot ang kwelyo nito. "Ang guwapo talaga ng anak ko.""Let's go. Baka mahuli tayo sa misa," biglang sambit ni Enrico.Hindi pa man nakakapagsalita si Amanda'y naglakad na palabas si Enrico."He's still mad," usal ni Chase."I'm so sorry, honey. Magiging maayos din ang lahat, hmm?" ani Amanda bago ngitian a
Kinabukasan ay maagang nagpunta si Chase sa school. Agad niyang p-in-ark ang sasakyan sa parking lot bago tahimik na nagtungo sa classroom. Pagpasok niya'y wala pang professor kaya napunta ang atensyon ng lahat sa kanya. Mabilis na lumakas ang bulungan habang may hawak ang mga ito na cellphone. Hindi na lang niya pinansin ang kakaibang nangyayari bagkus ay diretso siyang naglakad patungo sa upuan katabi nina Cody at Bryan.Gaya ng karamihan, may hawak ding phone sina Cody at Bryan. Mahina silang nagbubulungan para hindi marinig ni Chase ngunit nabigo sila."What's happening?" tanong ni Chase sa dalawa na agad nagtago ng phone."Ah! N-Nothing.." si Cody.Kumunot ang noo ni Chase, nagpapahiwatig na hindi siya naniniwala sa sinabi ng kai
Isang maingay na party music at boses ng iba't ibang tao ang sumalubong kina Chase, Cody, at Bryan nang makapasok sa loob ng bahay ni Alex. Patay-sindi rin ang ilaw sa paligid. Kung titingnan ang buong lugar, nagmistulang bar ang dating payapa at tahimik na bahay ni Alex."Chase!" tawag ni Alex mula sa 'di kalayuan. Hinawi niya ang mga tao sa daanan upang puntahan ang pwesto nila Chase na nasa tapat ng nakasarang pinto."Happy birthday, Lex!" bati ni Cody nang makalapit si Alex sa kanila.Marahan namang tinapik ni Alex ang balikat ni Cody. "Salamat!""Mukhang nagsisimula na ang party, ah," ani Bryan habang tahimik pinagmamasdan ang paligid.Napakamot sa ulo si Alex. "Pasensya na. 'Yo
"Kailan mo pa nalaman?" tanong ni Luna habang nakalublob at nakasandal sa gilid ng pool.Inilipat ni Chase ang tingin sa salamin na pinto ng bahay ni Alex kung saan tanaw niya sa loob ang mga taong hindi magkamayaw sa pagsayaw at pag-inom ng alak. Magkatabi sila ni Luna at parehas nakalublob ang katawan sa pool habang nakasandal sa gilid. Ngunit hindi tulad kanina'y wala na itong damit pang-itaas. Tanging pantalon na lang ang naiwang saplot sa kanyang katawan."Matagal na. Sinabi sa akin ni Bryan," pagsisinungaling ni Chase.Hanggang ngayo'y palaisipan pa rin kay Chase kung paano nalaman ni Bryan ang lahat sa buhay ni Luna. Matagal na silang magkaibigan ngunit kahit kailan ay hindi nabanggit ni Bryan sa kanya ang ugnayan nilang dalawa ni Luna.
Maingat binuksan ni Luna ang pinto ng kanyang kuwarto. Nakaabang naman si Chase sa bawat galaw niya. Nang tuluyang mabuksan ay pumasok agad ang binata sa loob. Napailing na lang si Luna sa inakto ng kasama."Akala mo kung sino, hindi naman niya kuwarto 'to.." bulong niya sa sarili.Kaunti lang ang gamit sa loob ng dorm ni Luna. Isang maliit na sofa, kama, monobloc chair, maliit na table, at maliit na sink lang ang makikita sa loob. May maleta rin na naglalaman ng mga damit ng dalaga. Ang mga sapatos nama'y nakalagay sa gilid ng pintuan. May isang pinto lang sa loob para sa CR.Umupo si Chase sa sofa. Kung hihiga siya rito'y lagpas na ang kanyang paa dahil sa liit. Sa tingin niya'y dalawang tao lang ang kakasyang umupo roon."Cha
Napatingin si Chase sa pinto ng kanyang kuwarto nang bumukas ito. Pumasok si Amanda na marahan pang kinukusot ang mga mata. Naka-pantulog pa ito na tila naalimpungatan."Hey, honey. Where have you been?"Hindi pinansin ni Chase ang tanong ng kanyang nanay. Inilipat na lang muli niya ang tingin sa kasambahay na nasa harap niya ngayon. Nakahawak ito sa ulo, tila nahihilo."Manang, why are you here?" tanong pa ni Amanda sa kasambahay.Pumikit nang mariin ang kasambahay na tila tinitiis ang pananakit ng ulo. Ilang segundo lang ang nakalipas ay agad naman itong nawala. Umangat ang tingin niya kina Chase at Amanda. Sunod ay nilibot niya ang mata sa paligid. Doon lang niya napagtanto na nasa kuwarto siya ni Chase.
"So, totoo na natulog ka sa dorm ni Luna kagabi?" tanong ni Cody habang tinitingnan ang dashboard sa bagong sasakyan ni Chase.Nakaupo siya sa driver's seat at kanina pa namamangha sa ganda ng sasakyan ng kaibigan. Si Chase na nga ang umupo sa passenger seat sa tabi niya dahil ayaw nitong tantanan ang pagkalikot sa loob ng kotse."Yes. But I told you, walang nangyari. Ni hindi nga kami nagdikit kagabi," depensa ni Chase."How can you explain the viral photo?" tanong naman ni Bryan na nakahilig ang ulo habang nakatingin sa repleksyon ni Cody sa rear view mirror. Kanina pa siya hindi mapakali sa kinikilos ni Cody dahil mukha itong bata na ngayon lang nakakita ng sasakyan."I also told you earlier, it's edited! Someone who's expert in Ph
"Chase, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Bryan. Hawak niya ang braso ng kaibigan habang nakatitig kung paano tiisin ni Chase ang pananakit ng ulo.Nang hindi tumugon si Chase ay nilingon ni Bryan si Cody. "Ihatid mo muna si Chase sa kanila. Ako na ang bahala sa lalaking 'yan. Akin na ang camera."Kumunot ang noo ni Cody. "No. I'll go with—""If you want to come with me, ihatid mo muna si Chase then puntahan mo ako sa police station."Sumang-ayon si Cody sa sinabi ng kaibigan. Iniwan muna niya ang camera kay Bryan bago hinatak si Chase papunta sa sasakyan niyang naka-park sa 'di kalayuan. Hindi naman nagreklamo si Chase. Tulala at tahimik lang itong sumakay sa loob. Umikot si Cody papunta sa driver's seat upang paandarin ang
"Nasa bar kasi ako kagabi dahil magkikita kami ng mga highschool friends ko. Then ayun, nakita ko si Hillary kasama itong guy na 'to," kuwento ni Maila habang tinuturo ang picture na hawak ni Diane.Nagkatinginan sina Chase, Bryan, at Cody. Bigla nilang naalala ang sinabi ni Alex sa library. Nakita raw nito na may kasama si Hillary kagabi sa bar at narinig pa niyang nabanggit sa pinag-uusapan nila ang pangalan ni Luna."Are you sure?" paninigurado ni Chase. "Baka namalikmata ka lang?"Lumayo nang bahagya si Maila kay Diane upang harapin si Chase. "Hindi ako puwedeng magkamali. Alam kong si Hillary at ang lalaking 'yon ang nakita ko kagabi. Kung hindi kayo naniniwala sa akin, try n'yong kausapin si Hillary."Alam ni Chase na walang mot
Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Chase. Bawat hakbang niya'y may kapalit na hindi maipaliwanag na pakiramdam.Sinilip niya si Luna na ngayo'y tahimik na naglalakad kasabay niya. Hindi niya masabi kung ano'ng nararamdaman nito. Parehas kaya sila? O mas lamang ang kasabikan dahil malalaman na nito kung sino ang taong nagtangkang manakit sa kanya?Huminto sila sa paglalakad nang makarating sa tapat ng pintuan ng opisinang sadya nila. Ang kaninang magkahalong emosyon sa dibdib ni Chase ay biglang napalitan ng determinasyon malaman ang katotohanan."Ladies first," sambit ni Chase bago pagbuksan si Luna ng pinto at papasukin ito.Naglakad si Luna papasok habang si Chase naman ay sumunod sa kanya.
"Nakapag-review na ba kayo?"Saglit na nagawi ang tingin nina Chase at Bryan kay Cody na ngayo'y maingat nilalabas ang kanyang reviewer mula sa bag."Sunday night lang ako nakapag-review," maikling wika ni Chase bago muling ituon ang atensyon sa binabasang libro."Saturday whole day lang ako nag-aral," boses naman ni Bryan habang minamarkahan ang kanyang reviewer ng highlighter."Sana all. Hindi ako nakapag-review this weekend, eh," ani Cody.Sumulyap sa kanya si Bryan. "Why? Ano na namang kalokohan ang ginawa mo?"Ngumisi si Cody. "Pagkatapos kasi nating magpunta sa presinto kahapon, nagkita kami ni Jessa."
"My decision is final, Luna. Hindi ka na titira sa dorm mo. You are going to stay with me."Umawang ang bibig ni Luna sa narinig. Kumurap ang mapupungay niyang mata bago nagsalita, "Are you out of your mind?"Tumitig si Chase sa dalaga. Seryoso ang mga mata niya upang ipabatid na seryoso siya sa kanyang desisyon.Walang pagpipilian si Chase. Gustuhin man niya o hindi, kailangan niyang humantong sa gano'ng desisyon upang protektahan si Luna. Iyon ang pangunahing dahilan kung bakit niya gustong umalis ito sa dorm na tinutuluyan."Nagbibiro ka, Chase." Tumawa nang mapakla si Luna. "Hindi puwede 'yang sinasabi mo.""Sa tingin mo hindi ako seryoso rito?"
Today's December 9, 2018. Yes, time flies so fast. Kapag marami kang iniisip at ginagawa, hindi mo namamalayan ang oras. No one can beat the time. That's the fact. Laging ikaw ang mag-a-adjust para umayon lahat ng ginagawa mo sa panahon at oras na gusto mo.In this rewind time, oras ang kalaban ni Chase. Hindi niya namalayan na masyadong mabilis ang oras, at sa loob lang ng isang linggo, walo na lang ang natitirang cluesa kanya.Unang pumasok sa utak ng binata ang pang-apat na katotohanan na nalaman niya. Luna suffered from bullying. Wala siyang alam dati na ang babaeng laman ng balita sa school nila noon ay ang babaeng nililigtas niya ngayon.Sunod na sumagi sa isip niya ang isa pang katotohanang nalaman niya tungkol sa pagkrus ng landas nila noon ni Luna sa isang resta
Be with her for as long as you can. Save her no matter what happens.Simula nang magising si Chase na iba na ang takbo ng oras, ang mga salitang 'yon ang itinatak niya sa kanyang isipan. Wala siyang ibang dapat tutukan sa mga oras na 'to kundi si Luna dahil maigsi lang ang panahong ibinigay sa kanya.1 Month. Isang buwan lang ang ibinigay sa kanyang panahon upang iligtas ang dalaga hanggang sa magbalik ang lahat sa normal.9 Memories. Siyam na lang ang natitirangcluena magsisilbing gabay ni Chase sa kanyang paglalakbay. Dahil sa mga alaalang nakikita, nagkaroon siya ng pagkakataong maliwanagan sa mga nangyayari sa kanyang misyon.Kailangan tipirin ni Chase ang oras at ang kapangyarihang ibinigay sa kanya.
"Let's go, Hillary."Napatingin si Hillary kay Chase. Gusto niyang magsalita ngunit walang lumabas na boses sa bibig niya. Bukod sa natameme siya sa mga sinabi ni Luna, hilong-hilo na rin siya para maisipan pang kausapin si Chase.Hindi gumalaw si Hillary sa kinatatayuan kaya si Chase na ang kumuha ng bag nito sa couch bago hawakan ang dalaga upang hilahin palabas ng bar.Paglabas ay hinanap agad ng mata ni Chase si Luna ngunit hindi na niya ito mahagilap. Napailing na lang siya dahil mukhang umuwi na ito mag-isa. Pinasok na lang niya si Hillary sa sasakyan at nag-umpisa nang magmaneho.Tahimik silang dalawa buong byahe. Wala ni isa ang naglakas-loob na bumasag sa matinding katahimikan.
Ang sabi nila, kailanma'y hindi mananaig ang kasamaan laban sa kabutihan. Palaging nasa panig ng Diyos ang tama. Maaaring makatikim ng panalo ang kaaway ngunit ito'y panandalian lamang. Darating ang panahon na matutuldukan ang kasamaan at magwawagi ang kabutihan. Huminto sa paglalakad sina Chase, Cody, at Bryan sa tapat ng isang pinto kung saan lahat ng estudyanteng napapadpad dito ay nakararamdam ng matinding kaba. Huminga nang malalim si Chase habang sina Bryan at Cody nama'y hindi mapakali. Ngayon na lang ulit nila naramdaman ang mabilis na kabog ng dibdib. "D*mn! Bakit ba tayo kinakabahan? Magsusumbong lang naman tayo, 'di ba?" tinig ni Cody na nakatitig sa pintong nasa harap niya. "The last time we went here, they filed a 3 weeks suspension for us and our parents were very furi
"Chase, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Bryan. Hawak niya ang braso ng kaibigan habang nakatitig kung paano tiisin ni Chase ang pananakit ng ulo.Nang hindi tumugon si Chase ay nilingon ni Bryan si Cody. "Ihatid mo muna si Chase sa kanila. Ako na ang bahala sa lalaking 'yan. Akin na ang camera."Kumunot ang noo ni Cody. "No. I'll go with—""If you want to come with me, ihatid mo muna si Chase then puntahan mo ako sa police station."Sumang-ayon si Cody sa sinabi ng kaibigan. Iniwan muna niya ang camera kay Bryan bago hinatak si Chase papunta sa sasakyan niyang naka-park sa 'di kalayuan. Hindi naman nagreklamo si Chase. Tulala at tahimik lang itong sumakay sa loob. Umikot si Cody papunta sa driver's seat upang paandarin ang