Tumayo si Chase at hinila si Luna palayo sa restroom. Naglakad sila hanggang sa makarating sa parking lot.
"Chase," tinig ni Luna. Nilingon naman agad siya ng binata. Bumaba ang tingin ni Luna sa magkahawak nilang kamay bago muling nagsalita, "Kamay mo."
Nang maintindihan ni Chase ang pahiwatig ng dalaga'y agad niyang binitawan ang kamay nito. Inirapan lang siya ni Luna bago huminto sa paglalakad. Napahinto rin tuloy si Chase.
"Uuwi na ako. Sabihan mo na lang ako sa Monday kung anong—"
"Why did you say that?"
Kumunot ang noo ni Luna. "Ang alin?"
"Na pinapayagan mo na akong manligaw."
Humalukipkip si Luna. "Ang sabi mo'y tulungan kita na magkabalikan kayo ni Hillary. So, ano'ng mali sa sinabi ko?"
Umiling lang si Chase. Gusto pa sana niya magtanong kung bakit sa lahat ng puwede sabihin, 'yon pa ang naisip nito. Ngunit mas pinili na lang niya manahimik. Wala siyang magagawa dahil tapos na. Nangyari na. Narinig na ni Hillary ang sinabi ni Luna.
"Huwag ka na nga magreklamo riyan! Ikaw 'tong humihingi ng tulong sa 'kin tapos nagrereklamo ka pa. At saka, doon rin papunta 'yon, sa pekeng panliligaw para mapagselos mo siya. Swerte ka nga at pumayag ako."
"Okay, fine. Gawin nating makatotohanan 'to. Simula ngayon, gagawin ko ang mga bagay na ginagawa ng isang manliligaw."
Papayag na sana si Luna nang mapagtanto kung ano-ano ang mga ginagawa ng isang lalaki kapag nanliligaw sa babae:
Kain sa labas, nagbibigayan ng regalo, palaging magkausap, palaging updated sa isa't isa, at ang pinakamalala sa lahat ay palaging magkasama.
"Wait, wait!" tutol ni Luna. "Hindi naman natin kailangan magpanggap kapag wala si Hillary, 'di ba?"
Ang pinaka-priority ni Chase ay ang madikit kay Luna. Lahat dapat ng kilos at galaw nito'y alam niya. Kaya kung ang pagpapanggap niya bilang manliligaw ni Luna ang makatutulong sa kanya upang mapadali ang misyon, hindi siya magdadalawang-isip na gawin 'to.
Hindi pinansin ni Chase ang sinabi ni Luna. "Pahiram ako ng phone mo. Makiki-text lang ako."
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Luna. "Ang yaman-yaman mo tapos wala kang load? Tss."
Hindi nagsalita si Chase kaya walang nagawa si Luna kundi pahiramin ang binata ng cellphone. Agad namang kinuha ito ni Chase at nagtipa ng mensahe roon.
To: 0926-356-xxxx
Luna's numberPagtapos mag-send ay nilabas naman ni Chase ang kanyang phone. Nang makita ang text na s-in-end sa sarili gamit ang number ni Luna'y agad niyang s-in-ave ang number ng dalaga. Binura muna ni Chase ang message thread sa inbox ni Luna bago isauli ang phone.
"I'll text you tomorrow."
"Ano?" hindi makapaniwalang sambit ni Luna. "Sunday bukas. Uuwi ako sa amin mamaya pagkatapos ko kunin ang mga gamit ko sa dorm. Sunday night na ulit ako babalik dito."
"Saan ka ba umuuwi?"
Naningkit ang mata ni Luna. Naiinis na siya ngunit tinitiis lang niya. "Giving personal information is not required sa pagpapanggap nating ito."
Aangal sana si Chase pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Bigla niyang naisip na baka matakot sa kanya si Luna at magmukhang stalker na may masamang balak.
Ang gusto lang naman ni Chase ay maligtas ang dalaga ngunit mukhang mahihirapan siya kung hindi makikipag-cooperate si Luna sa kanya.
"Fine, hindi na ako magtatanong. Pero puwede bang hayaan mo akong ihatid ka sa dorm mo?" malumanay na sambit ni Chase.
"No."
Magsasalita pa lang sana si Chase nang biglang marinig ang boses nina Bryan at Cody sa likuran. Nilingon niya ang dalawa.
"Dude!" sigaw ni Cody.
"Chase!" boses naman ni Bryan.
Napailing na lang si Chase. Nang muli niyang ibalik ang atensyon kay Luna'y nagulat siya nang bigla itong nawala. Agad niyang nilibot ang mata sa paligid ngunit kahit anino ni Luna ay hindi niya mahagilap.
"Tsk. Tinakasan niya ako," dismayadong sambit ni Chase.
"What are you doing here?" bungad ni Cody nang makalapit kay Chase.
"At sino 'yong babaeng kausap mo kanina?" dugtong ni Bryan.
"I told you not to wait for me. Why are you still here?"
"Syempre hinihintay ka namin!" masayang wika ni Cody bago akbayan ang badtrip na si Chase. "'Di ba nga sabi ko sa 'yo mag bi-billiard tayo ngayon?"
Napapikit na lang si Chase dahil sa inis. Alam niyang badtrip siya kay Luna pero ang napapagbuntungan niya ng inis ay ang mga kaibigan.
"Fine," walang ganang sambit ni Chase bago kuhain sa bulsa ang susi ng sasakyan at ibato ito kay Cody. "Pero ikaw ang magmamaneho. Wala ako sa mood."
"Sure!" nakangising lahad ni Cody. "Let's go!"
Sabay-sabay silang tatlo naglakad patungo sa sasakyan ni Chase. Agad siyang umupo sa backseat habang si Bryan naman ang pumwesto sa passenger seat sa tabi ni Cody.
Habang nasa byahe'y tahimik lang si Chase na nakatingin sa bintana. Kahit malakas ang party music na pinatugtog ni Cody sa sasakyan ay wala itong pakialam. Sobrang lalim ng iniisip niya at parang dinadala siya nito sa kabilang mundo.
"Bro, tahimik yata si Chase," puna ni Bryan.
"Nilakasan ko na 'yong music pero parang wala lang sa kanya," komento pa ni Cody na pa-simpleng sumisilip sa rear view mirror.
"Tawagan kaya natin si Hillary?"
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Cody. "Ano ka ba! Kapag ginawa mo 'yon, lalong masasaktan ang kaibigan natin."
"Then what should we do? Hayaan na lang natin na ganyan?"
Ngumisi si Cody at mahinang tinapik ang balikat ni Bryan. "Don't worry! Kaya nga natin 'to ginagawa, 'di ba? Para makalimot siya sa break-up nila ni Hillary!"
"But—"
"We're here!" malakas na boses ni Cody nang ihinto niya ang sasakyan.
Nagising ang diwa ni Chase dahil sa ingay ng kaibigan. Pinatay naman ni Bryan ang music bago lingunin si Chase.
"Are you okay?"
Hindi sinagot ni Chase ang tanong ni Bryan. Binuksan lang niya ang pinto ng sasakyan at lumabas. Kinuha niya ang sigarilyo na nakatago sa bulsa at agad itong sinindihan.
Ilang saglit pa'y lumabas na rin sina Bryan at Cody. Sabay-sabay silang nagtungo sa loob ng bilyaran.
Pagpasok sa loob ay ingay at dami ng tao ang sumalubong sa kanila. Masyadong magulo ang paligid ngunit dahil walang pakialam si Chase ay hindi na lang niya ito pinansin. Diretso siyang naglakad patungo sa isang bakanteng upuan at taimtim na tinitigan ang mga naglalaro.
Sina Bryan at Cody nama'y nakatayo sa gilid habang binabati ang mga kakilala nilang nanonood din.
Halos isang oras din tumambay ang tatlo sa bilyaran ngunit sina Cody at Bryan lang ang naglalaro. Humihithit lang ng sigarilyo si Chase at walang ibang ginawa kundi manood.
Mayamaya pa'y napunta ang atensyon niya sa entrance ng bilyaran. Nanlaki ang mata niya nang makita si Luna na may kasamang lalaki na papasok sa loob. Pamilyar ang lalaki sa kanya ngunit hindi niya maalala kung saan ito nakita.
Hindi siya tumayo. Pinagmasdan lang niya ang galaw ni Luna hanggang sa huminto ito sa isang billiard table malayo sa kanila.
"Ano'ng ginagawa niya rito? Akala ko ba uuwi na siya sa kanila?" tanong ni Chase sa kanyang isipan.
Ilang minuto niyang pinanood ang dalaga hanggang sa lumabas ito sa bilyaran. Susunod sana siya ngunit nahagilap niya ang bag ni Luna na naiwan sa billiard table. Dahil doon ay alam niyang babalik si Luna sa loob.
Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin ito bumabalik. Halos kalahating oras na ang nakalipas pero walang Luna na pumasok sa entrance.
Hindi na niya napigilan ang sariling tumayo. Napatingin sa kanya si Bryan habang si Cody nama'y naka-pokus sa paglalaro.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Bryan nang harangin niya ang daan ng kaibigan.
"Lalabas lang. Naiinitan ako rito sa loob," rason ni Chase.
Ilang segundo hindi kumilos si Bryan dahil sa pag-aalangan ngunit sa huli'y pinadaan na niya ang kaibigan.
Paglabas ni Chase ay nilibot agad niya ang tingin sa paligid ngunit wala siyang Luna na nahagilap.
"Namamalikmata lang ba ako kanina?"
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
Agad na nilingon ni Chase ang pinanggalingan ng boses. Nakita niya si Luna na nakasandal sa pader sa gilid ng bilyaran habang kumakain ng chips at may hawak na bote ng juice.
Humakbang si Chase palapit sa dalaga. "Ako ang dapat magtanong sa 'yo niyan. Ang sabi mo sa akin kanina'y uuwi ka sa inyo?"
Tumaas ang kilay ni Luna. "Kailangan ko bang mag explain sa 'yo?"
"Kung gano'n ay hindi ko rin kailangan mag explain sa 'yo kung bakit ako nandito."
Ngumisi si Luna. "Hulaan ko. Nandito ka dahil badtrip ka sa 'kin at gusto mo muna magpalamig kaya sumama ka sa mga kaibigan mo. Tama ba?"
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Chase. Hindi siya makapaniwala na nahulaan ni Luna ang rason niya.
"Paano mo nalaman?"
"Huli ka!" natatawang wika ni Luna. "'Yon pala ang rason mo, ha. Tsk tsk."
Naging tamad ang tingin ni Chase sa kanya. Naisahan na naman siya ng babaeng wirdo.
Inubos ni Luna ang kinakain na chips at mabilis na ininom ang juice bago itapon ang balat ng mga ito sa katabing basurahan. Inangat niya ang likod mula sa pagkakasandal sa pader bago pinagpagan ang sarili.
"Nag lunch ka na?"
Napaisip si Chase sa tanong na 'yon. Simula nang matapos ang klase niya'y hindi pa siya kumakain. Sigarilyo lang ang hinihithit niya kanina pa.
"Hindi pa," tugon niya.
Ngumisi si Luna bago hinatak ang binata patungo sa motor na naka-park. Kulay pink ang motor at halatang babae ang may-ari dahil sa mga stickers.
"Isuot mo 'to," wika ni Luna sabay hagis ng ekstrang helmet kay Chase na kulay pink din.
Magtatanong sana siya kung saan sila pupunta ngunit mabilis na sinuot ni Luna ang helmet na puti. Sumakay ito sa motor at binuhay ang makina. Hindi pa rin gumagalaw si Chase sa kinatatayuan.
"Huwag mo sabihing takot ka sumakay sa motor?" pang-aasar ni Luna.
Mabilis namang umiling si Chase. Hindi siya takot sumakay sa motor, nagtataka lang siya kung bakit gano'n makitungo si Luna sa kanya samantalang kanina'y halos ipagtabuyan siya nito.
"Sakay na, dali!"
Walang nagawa si Chase kundi sumakay. Humawak siya sa bakal na nasa likod bago pinaandar ni Luna ang motor.
Huminto ang motor sa tapat ng isang karinderya. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Chase bago tingnan si Luna."What are we doing here?" tanong niya nang makababa sa motor."Ano pa ba? Kakain!" sagot ni Luna pagkatapos patayin ang makina at bumaba sa kanyang motor.Hindi na nakaangal pa si Chase nang hilahin siya ng dalaga palapit sa karinderya. Umupo sila sa kahoy na upuan."Ate, dalawang order nga po ng Sinigang tapos apat na rice," sabi ni Luna sa tindera.Muling nilingon ni Chase si Luna na ngayo'y pinagmamasdan lang ang kilos ng tindera habang hinahanda ang order nila."Apat na rice? Dalawa lang tayong kakain, ah."
Sunday, December 2, 2018Maagang nagising si Chase para sa misa. Nagsuot lang siya ng polo at pantalon na tinernuhan ng puting sapatos bago lumabas ng kuwarto. Pagdating sa sala'y nakita niya Amanda na inaayos ang kwelyo ni Enrico."Good morning, honey," bati ni Amanda sa anak. Hinalikan niya sa pisngi ang binata at bahagyang kinalikot ang kwelyo nito. "Ang guwapo talaga ng anak ko.""Let's go. Baka mahuli tayo sa misa," biglang sambit ni Enrico.Hindi pa man nakakapagsalita si Amanda'y naglakad na palabas si Enrico."He's still mad," usal ni Chase."I'm so sorry, honey. Magiging maayos din ang lahat, hmm?" ani Amanda bago ngitian a
Kinabukasan ay maagang nagpunta si Chase sa school. Agad niyang p-in-ark ang sasakyan sa parking lot bago tahimik na nagtungo sa classroom. Pagpasok niya'y wala pang professor kaya napunta ang atensyon ng lahat sa kanya. Mabilis na lumakas ang bulungan habang may hawak ang mga ito na cellphone. Hindi na lang niya pinansin ang kakaibang nangyayari bagkus ay diretso siyang naglakad patungo sa upuan katabi nina Cody at Bryan.Gaya ng karamihan, may hawak ding phone sina Cody at Bryan. Mahina silang nagbubulungan para hindi marinig ni Chase ngunit nabigo sila."What's happening?" tanong ni Chase sa dalawa na agad nagtago ng phone."Ah! N-Nothing.." si Cody.Kumunot ang noo ni Chase, nagpapahiwatig na hindi siya naniniwala sa sinabi ng kai
Isang maingay na party music at boses ng iba't ibang tao ang sumalubong kina Chase, Cody, at Bryan nang makapasok sa loob ng bahay ni Alex. Patay-sindi rin ang ilaw sa paligid. Kung titingnan ang buong lugar, nagmistulang bar ang dating payapa at tahimik na bahay ni Alex."Chase!" tawag ni Alex mula sa 'di kalayuan. Hinawi niya ang mga tao sa daanan upang puntahan ang pwesto nila Chase na nasa tapat ng nakasarang pinto."Happy birthday, Lex!" bati ni Cody nang makalapit si Alex sa kanila.Marahan namang tinapik ni Alex ang balikat ni Cody. "Salamat!""Mukhang nagsisimula na ang party, ah," ani Bryan habang tahimik pinagmamasdan ang paligid.Napakamot sa ulo si Alex. "Pasensya na. 'Yo
"Kailan mo pa nalaman?" tanong ni Luna habang nakalublob at nakasandal sa gilid ng pool.Inilipat ni Chase ang tingin sa salamin na pinto ng bahay ni Alex kung saan tanaw niya sa loob ang mga taong hindi magkamayaw sa pagsayaw at pag-inom ng alak. Magkatabi sila ni Luna at parehas nakalublob ang katawan sa pool habang nakasandal sa gilid. Ngunit hindi tulad kanina'y wala na itong damit pang-itaas. Tanging pantalon na lang ang naiwang saplot sa kanyang katawan."Matagal na. Sinabi sa akin ni Bryan," pagsisinungaling ni Chase.Hanggang ngayo'y palaisipan pa rin kay Chase kung paano nalaman ni Bryan ang lahat sa buhay ni Luna. Matagal na silang magkaibigan ngunit kahit kailan ay hindi nabanggit ni Bryan sa kanya ang ugnayan nilang dalawa ni Luna.
Maingat binuksan ni Luna ang pinto ng kanyang kuwarto. Nakaabang naman si Chase sa bawat galaw niya. Nang tuluyang mabuksan ay pumasok agad ang binata sa loob. Napailing na lang si Luna sa inakto ng kasama."Akala mo kung sino, hindi naman niya kuwarto 'to.." bulong niya sa sarili.Kaunti lang ang gamit sa loob ng dorm ni Luna. Isang maliit na sofa, kama, monobloc chair, maliit na table, at maliit na sink lang ang makikita sa loob. May maleta rin na naglalaman ng mga damit ng dalaga. Ang mga sapatos nama'y nakalagay sa gilid ng pintuan. May isang pinto lang sa loob para sa CR.Umupo si Chase sa sofa. Kung hihiga siya rito'y lagpas na ang kanyang paa dahil sa liit. Sa tingin niya'y dalawang tao lang ang kakasyang umupo roon."Cha
Napatingin si Chase sa pinto ng kanyang kuwarto nang bumukas ito. Pumasok si Amanda na marahan pang kinukusot ang mga mata. Naka-pantulog pa ito na tila naalimpungatan."Hey, honey. Where have you been?"Hindi pinansin ni Chase ang tanong ng kanyang nanay. Inilipat na lang muli niya ang tingin sa kasambahay na nasa harap niya ngayon. Nakahawak ito sa ulo, tila nahihilo."Manang, why are you here?" tanong pa ni Amanda sa kasambahay.Pumikit nang mariin ang kasambahay na tila tinitiis ang pananakit ng ulo. Ilang segundo lang ang nakalipas ay agad naman itong nawala. Umangat ang tingin niya kina Chase at Amanda. Sunod ay nilibot niya ang mata sa paligid. Doon lang niya napagtanto na nasa kuwarto siya ni Chase.
"So, totoo na natulog ka sa dorm ni Luna kagabi?" tanong ni Cody habang tinitingnan ang dashboard sa bagong sasakyan ni Chase.Nakaupo siya sa driver's seat at kanina pa namamangha sa ganda ng sasakyan ng kaibigan. Si Chase na nga ang umupo sa passenger seat sa tabi niya dahil ayaw nitong tantanan ang pagkalikot sa loob ng kotse."Yes. But I told you, walang nangyari. Ni hindi nga kami nagdikit kagabi," depensa ni Chase."How can you explain the viral photo?" tanong naman ni Bryan na nakahilig ang ulo habang nakatingin sa repleksyon ni Cody sa rear view mirror. Kanina pa siya hindi mapakali sa kinikilos ni Cody dahil mukha itong bata na ngayon lang nakakita ng sasakyan."I also told you earlier, it's edited! Someone who's expert in Ph
"Nasa bar kasi ako kagabi dahil magkikita kami ng mga highschool friends ko. Then ayun, nakita ko si Hillary kasama itong guy na 'to," kuwento ni Maila habang tinuturo ang picture na hawak ni Diane.Nagkatinginan sina Chase, Bryan, at Cody. Bigla nilang naalala ang sinabi ni Alex sa library. Nakita raw nito na may kasama si Hillary kagabi sa bar at narinig pa niyang nabanggit sa pinag-uusapan nila ang pangalan ni Luna."Are you sure?" paninigurado ni Chase. "Baka namalikmata ka lang?"Lumayo nang bahagya si Maila kay Diane upang harapin si Chase. "Hindi ako puwedeng magkamali. Alam kong si Hillary at ang lalaking 'yon ang nakita ko kagabi. Kung hindi kayo naniniwala sa akin, try n'yong kausapin si Hillary."Alam ni Chase na walang mot
Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Chase. Bawat hakbang niya'y may kapalit na hindi maipaliwanag na pakiramdam.Sinilip niya si Luna na ngayo'y tahimik na naglalakad kasabay niya. Hindi niya masabi kung ano'ng nararamdaman nito. Parehas kaya sila? O mas lamang ang kasabikan dahil malalaman na nito kung sino ang taong nagtangkang manakit sa kanya?Huminto sila sa paglalakad nang makarating sa tapat ng pintuan ng opisinang sadya nila. Ang kaninang magkahalong emosyon sa dibdib ni Chase ay biglang napalitan ng determinasyon malaman ang katotohanan."Ladies first," sambit ni Chase bago pagbuksan si Luna ng pinto at papasukin ito.Naglakad si Luna papasok habang si Chase naman ay sumunod sa kanya.
"Nakapag-review na ba kayo?"Saglit na nagawi ang tingin nina Chase at Bryan kay Cody na ngayo'y maingat nilalabas ang kanyang reviewer mula sa bag."Sunday night lang ako nakapag-review," maikling wika ni Chase bago muling ituon ang atensyon sa binabasang libro."Saturday whole day lang ako nag-aral," boses naman ni Bryan habang minamarkahan ang kanyang reviewer ng highlighter."Sana all. Hindi ako nakapag-review this weekend, eh," ani Cody.Sumulyap sa kanya si Bryan. "Why? Ano na namang kalokohan ang ginawa mo?"Ngumisi si Cody. "Pagkatapos kasi nating magpunta sa presinto kahapon, nagkita kami ni Jessa."
"My decision is final, Luna. Hindi ka na titira sa dorm mo. You are going to stay with me."Umawang ang bibig ni Luna sa narinig. Kumurap ang mapupungay niyang mata bago nagsalita, "Are you out of your mind?"Tumitig si Chase sa dalaga. Seryoso ang mga mata niya upang ipabatid na seryoso siya sa kanyang desisyon.Walang pagpipilian si Chase. Gustuhin man niya o hindi, kailangan niyang humantong sa gano'ng desisyon upang protektahan si Luna. Iyon ang pangunahing dahilan kung bakit niya gustong umalis ito sa dorm na tinutuluyan."Nagbibiro ka, Chase." Tumawa nang mapakla si Luna. "Hindi puwede 'yang sinasabi mo.""Sa tingin mo hindi ako seryoso rito?"
Today's December 9, 2018. Yes, time flies so fast. Kapag marami kang iniisip at ginagawa, hindi mo namamalayan ang oras. No one can beat the time. That's the fact. Laging ikaw ang mag-a-adjust para umayon lahat ng ginagawa mo sa panahon at oras na gusto mo.In this rewind time, oras ang kalaban ni Chase. Hindi niya namalayan na masyadong mabilis ang oras, at sa loob lang ng isang linggo, walo na lang ang natitirang cluesa kanya.Unang pumasok sa utak ng binata ang pang-apat na katotohanan na nalaman niya. Luna suffered from bullying. Wala siyang alam dati na ang babaeng laman ng balita sa school nila noon ay ang babaeng nililigtas niya ngayon.Sunod na sumagi sa isip niya ang isa pang katotohanang nalaman niya tungkol sa pagkrus ng landas nila noon ni Luna sa isang resta
Be with her for as long as you can. Save her no matter what happens.Simula nang magising si Chase na iba na ang takbo ng oras, ang mga salitang 'yon ang itinatak niya sa kanyang isipan. Wala siyang ibang dapat tutukan sa mga oras na 'to kundi si Luna dahil maigsi lang ang panahong ibinigay sa kanya.1 Month. Isang buwan lang ang ibinigay sa kanyang panahon upang iligtas ang dalaga hanggang sa magbalik ang lahat sa normal.9 Memories. Siyam na lang ang natitirangcluena magsisilbing gabay ni Chase sa kanyang paglalakbay. Dahil sa mga alaalang nakikita, nagkaroon siya ng pagkakataong maliwanagan sa mga nangyayari sa kanyang misyon.Kailangan tipirin ni Chase ang oras at ang kapangyarihang ibinigay sa kanya.
"Let's go, Hillary."Napatingin si Hillary kay Chase. Gusto niyang magsalita ngunit walang lumabas na boses sa bibig niya. Bukod sa natameme siya sa mga sinabi ni Luna, hilong-hilo na rin siya para maisipan pang kausapin si Chase.Hindi gumalaw si Hillary sa kinatatayuan kaya si Chase na ang kumuha ng bag nito sa couch bago hawakan ang dalaga upang hilahin palabas ng bar.Paglabas ay hinanap agad ng mata ni Chase si Luna ngunit hindi na niya ito mahagilap. Napailing na lang siya dahil mukhang umuwi na ito mag-isa. Pinasok na lang niya si Hillary sa sasakyan at nag-umpisa nang magmaneho.Tahimik silang dalawa buong byahe. Wala ni isa ang naglakas-loob na bumasag sa matinding katahimikan.
Ang sabi nila, kailanma'y hindi mananaig ang kasamaan laban sa kabutihan. Palaging nasa panig ng Diyos ang tama. Maaaring makatikim ng panalo ang kaaway ngunit ito'y panandalian lamang. Darating ang panahon na matutuldukan ang kasamaan at magwawagi ang kabutihan. Huminto sa paglalakad sina Chase, Cody, at Bryan sa tapat ng isang pinto kung saan lahat ng estudyanteng napapadpad dito ay nakararamdam ng matinding kaba. Huminga nang malalim si Chase habang sina Bryan at Cody nama'y hindi mapakali. Ngayon na lang ulit nila naramdaman ang mabilis na kabog ng dibdib. "D*mn! Bakit ba tayo kinakabahan? Magsusumbong lang naman tayo, 'di ba?" tinig ni Cody na nakatitig sa pintong nasa harap niya. "The last time we went here, they filed a 3 weeks suspension for us and our parents were very furi
"Chase, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Bryan. Hawak niya ang braso ng kaibigan habang nakatitig kung paano tiisin ni Chase ang pananakit ng ulo.Nang hindi tumugon si Chase ay nilingon ni Bryan si Cody. "Ihatid mo muna si Chase sa kanila. Ako na ang bahala sa lalaking 'yan. Akin na ang camera."Kumunot ang noo ni Cody. "No. I'll go with—""If you want to come with me, ihatid mo muna si Chase then puntahan mo ako sa police station."Sumang-ayon si Cody sa sinabi ng kaibigan. Iniwan muna niya ang camera kay Bryan bago hinatak si Chase papunta sa sasakyan niyang naka-park sa 'di kalayuan. Hindi naman nagreklamo si Chase. Tulala at tahimik lang itong sumakay sa loob. Umikot si Cody papunta sa driver's seat upang paandarin ang