Halos isang oras akong nakatitig sa mga larawan ko at nanghihina akong tumayo at umupo sa kama. Paano ba ako lalaban nito kung tama lahat ang paratang ni Rafael sa Ate ko? Hinila ko ang unan at niyakap ito at humagulgol ako sa halo-halo kong emosyon. Ang dami ko pa ring tanong sa buhay ko na hindi ko magawa makuha ang sagot tapos nadagdag pa ang ganitong sitwasyon. Hindi ko na kakayanin pa kung anong susunod na gagawin ni Rafael. Hindi niya nga ako sinaktan ng physical pero ang target naman niya ang emosyon ko. Unti-unti niyang dinudurog ang puso ko sa mga ginagawa niya. Bakit ba ang lakas ng epekto niya sa akin? Biglang bumukas ang pinto ng silid ngunit masyado na akong nasaktan at hindi na tinignan kong si Rafael nga ba ang bumalik. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at mabuting manahimik na lamang ako. Sa isang iglap sumara muli ang pinto. Tahimik lang akong humikbi hanggang may naramdaman akong umupo sa aking tabi. Biglang kumabog ng napakalakas ang aking puso at hindi ko mag
Hindi matapos tapos ang sumisigaw na ligaya saking puso at ang mga paru paro sa aking tiyan ay patuloy ang paglipad. Matapos ang intimate kiss namin ni Rafael kanina nakita ko kung paano kuminang ang kanyang mga mata na para bang ako lang ang babaeng pinaglalaanan niya ng mapupusok na halik. Nilagay ko ang mga kamay ko sa aking braso habang umaawit. Ang saya sa pakiramdam para na akong mababaliw."Diane!" Napapitlag ako ng marinig ang sigaw ni Rica. Minulat ko ang aking mata at dinampot ang walis sa gilid. "Ano yun?" tanong ko na hindi tumitingin sa kanya."Anong nangyari sayo?" Pag-usisa nito. Umiling lamang ako at nagsimulang magwalis sa sala. Hindi na muli kumibo si Rica pero ramdam ko ang titig niya sakin habang nagwawalis ako. Nagtatalo ang isipan ko kung sasabihin ko ba sa kanya niya o huwag na muna. Bigla siyang lumapit sakin tapos kinuha ang walis."Malinis naman dito. Bakit linis ka ng linis?" tanong niya. "Madumi pa kaya," dahilan ko pero mabilis niya itinaas ang baba ko
Pagmulat ko napasinghap ako ng makita kong gaano kalapit ang mukha ni Rafael. Nagkatitigan kami ng ilang saglit hanggang naalala ko ang mga sinabi ni Monica. Mabilis ako tumayo at lumayo sa kanya. Kunot ang noo niyang lumapit muli sakin. Napalunok ako at iniwasan ang tingin niya na nakakatunaw."Is there any problem?" Umiling ako at akmang maglalakad papasok sa silid ng bigla niyang hawakan ang aking kamay. Kumabog ng malakas ang aking puso at hinila ko ito."May kailangan po ba kayo?" "Why are you so formal?" He said in a husky voice. Huminga ako ng malalim at buong tapang siyang hinarap."Tama na!" Umarko ang kilay niya at sa isang iglap tumawa ng malakas. Umiling ako at nanlilisik ang mga matang tumitig sa kanya. "Nakaka- enjoy ba na nakakasakit ka na ng iba?" Huminto siyang tumawa at akmang hahawakan akong muli ng mabilis akong tumalikod. Nakahinga lamang ako ng maluwag ng marinig ang pagbagsak ng pinto. I am changing my perspective now about Rafael. He will never look at me wit
"Are you falling in love with Rafael?" Ang matamlay na boses ang nagpagising sakin sa katotohanan."Sa tingin mo magugustuhan ko siya?" Humarap ako kay Matt at tinaas ko ang kamay na nakaposas. Umiling lang ito at may kinuha sa kanyang bulsa. Napangiti ako ng makita kong ano ito. "Pasalamat ka, I contact Monica to came here." Kunot ang noo kong tumitig sa kanya. Napakablangko ng mukha niya habang tinanggal ang posas sa kamay ko. "Bakit?" Napangiti si Matt at tumikhim. "Hindi talaga thank you ang sagot mo? Your different. Rafael is right." Umiling ako at tumayo ngunit bigla kumirot muli ang sikmura ko. Hinawakan ko ito at napaupo ulit sa sofa. Napasigaw ako nang may gumuhit na sakit sa aking puson. "What's happening to you?" Hinawakan niya ako pero binitawan ulit tapos naglakad-lakad sa aking harapan na hindi malaman kung anong gagawin. "Help me!" Sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na matiis ang sakit. Mabilis niya akong binuhat at nagmamadaling isinakay ako sa sasakyan. Sa labing li
Hindi ako makakibo kay Rafael habang nakatingin sa kanyang blangkong mukha. Makalipas ang ilang minuto nanginginig ang kalamnan ko at pinagpawisan ako ng malagkit sa sobrang tahimik ng silid."Are you not going to answer me? Bakit? Natatakot ka bang makulong?" Kunot noo tanong niya. "Hindi! Dahil wala naman akong kasalanan." giit ko.He smirked and directly glared at me. "Are you not tired of pretending?" My spine quivered and my face reddened. Pretending? Alam naman ba niya ang totoo? Hindi ko mapigilan at napasantinig ko ang nasa isipan. "Alam mo? Naniniwala ka na sakin?" Umiling ito at lumapit sakin. Bagsak ang balikat kong tumingin sa bintana."Diane, can you stop telling people here that you are Michaela, especially Rica. Natutuwa ka bang nauuto mo siya!" Kuyom nito ang kamao niyang nanggigigil. Umiling ako at humiga muli sa kama. Wala akong lakas na makipagtalo sa kanya hanggang unti-unti kong naramdaman ang antok at napapikit na lamang ako.—Mabibilis ng mga yabag at nagsisi
Halos kalahating oras na ang pagkukwento ng kung ano-ano ni Rafael. Daig pa niya ang lasing. He did not stop telling me the love stories of his friends. I can’t believe this man. Is he serious that he will explain to me what love is? Hindi ba dapat pinapakita niya hindi sinasabi. Hindi ko pa naranasan makipagrelasyon pero sa pagkakatanda ko dapat nararamdaman ito at naipapakita sa taong mahal hindi pinapaliwanag. Tumango na lang ako sa mga sinasabi niya kahit hindi naman ako nakikinig. Ibang iba siya ngayon. Bumuntong hininga ako at tumingin sa bintana. Hindi pa ba ako pwedeng umalis dito. "Alam mo yang si Matt…" Napatayo ako ng marinig ang pangalan na yun at humarap sa kanya. Huminto naman siyang magsalita at nakabuka ang bibig. Tinaas ko ang kilay ko at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Are you interested to Matt?" Kunot noo ko siyang tinignan. Si Matt lang naman kilala ko sa lahat ng pinagsasabi niyang tao kaya gusto kong marinig kong ano ang kwentong ibabahagi niya tungkol
"Let me help you." Tinulak ko si Rafael pero pilit pa rin niya akong binuhat palabas ng banyo. Naglakad siya palabas at nakatuon ang atensyon sa paligid ng silid. Maingat niya akong hiniga sa kama at tahimik na lumingo sakin. May hibla ng buhok ang tumakip sakin mukha. Akmang aayusin ko ito ng pigilan niya ang kamay ko. Ngumiti siya at dahan-dahan tinanggal ang mga hibla ng buhok sa mukha ko. Napasinghap ako nang nagkalapit ang mga mukha namin. Ang mga mata niya ay mapupungay na para bang may gusto sabihin. Napakapit ako sa kumot."What is this?!" Sabay kaming tumingin sa may pinto. Ang mga kilay ni Monica ay nakataas at umuusok ang kanyang ilong at tainga. Mabilis siyang lumapit samin. "You! Can you stop flirting with my boyfriend?!""Hindi—" Isang malakas na sampal ang nagpahinto sakin. Namumula siya sa galit habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Hawak ko ang mukhang ko at hindi makakibo. "Don't you dare hold or touch Rafael! He is mine!" Napatingin ako kay Rafael na nakatulala l
Naglakad ako palapit sa kama at kinuha ang mga bulaklak. Tuwang-tuwa ang puso ko pero binitawan ko ito. Nag-echo ang boses ni Monica sa utak ko. Pinaglalaruan lang ako ni Rafael. Hindi dapat ako magpadala. Itinabi ko sa gilid ng kama ang mga bulaklak at humiga. Bukas sigurado babalik na sa dati si Rafael. I should prepare myself for his next move in his vengeance. Hindi ko namalayan unti-unti na kong nilamon ng antok.Nagising ako sa ingay ng pagkatok sa labas ng silid. Nagmulat ako. Humikab nang napakahaba bago bumangon. Mas mabuti na ang pakiramdam ko ngayon. "Sandali lang." Nagmadali ako magbukas ng pinto at nagtama kami ng tingin ni Matt. Kunot noo akong tumingin sa hawak niya. Ito ay mga gamit panlinis. "See this? Rafael told me to give it to you." Inabot niya sakin at tumalikod."Wait!" Pigil ko sa kanya. "May na kaaway ka ba?" Hindi ko mapigilang itanong dahil namamaga na ang labi niya. Kung kahapon daplis lang ngayon naman putok na ang labi niya."It is none of your business.
Michaela's Point of View Hindi ako makakilos nang marinig ang sinabi ng aking anak at biglang yumakap kay Rafael. Halatang nagulat siya sa narinig at nalito. Mabilis ko hinila si Raffy at pinapasok sa loob ng bahay. Akmang susundan ko ang bata ng tinawag ako ni Rafael. Pilit ako nakikiusap sa kanya na hayaan na niya si ate Diane pero mukhang mabibigo ako. Huminga ako ng malalim at lumuhod sa harap niya upang makiusap pero hinila niya ako patayo. Bago pa niya ako mayakap biglang dumating si Matt at si ate Diane ay yumuko sa harap niya. "Kung anong magiging hatol sa akin tatanggapin ko, Rafael. Marami akong naging kasalanan kay Michaela… at kinausap ko na siya tungkol dito." Sabi ni ate Diane sa pagitan ng mga hikbi niya. Sinalubong niya ang mga matatalim na tingin ni Rafael. "Minahal ko rin nang sobra si James. Patawad kong naging mahina ako at nahulog sa patibong ni Mackenzie." Hindi kumibo si Rafael pero hinawakan siya sa braso ni Matt. "What are you doing here?" Naiirita na sabi
Rafael's Point of ViewPatuloy ako sa pagtakbo at hindi alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Matapos kong marinig ang mga salitang iyon kay Matt para akong nabunutan ng tinik. Napahinto lang ako ng maalala ang bata, bumigat na naman ang kalooban ko. Tinanaw ko ang villa. Bakit nga ba siya nandito? Sino ba talaga ang batang iyon? Mabagal akong naglakad palapit at tumapat sa gate. Tinanaw ko ang bintana. May mga nagtatawanan sa taas at may boses lalaki rin. Hindi nga ako trinaydor ni Matt pero hindi pa rin maikakaila na may anak na siya. Nahilamos ko ang palad ko sa mukha ko at tumalikod."Sino po kayo?" Napalingon ako sa matinis na boses ng batang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nagimbal ako ng makita ang mga mata niya na hugis oval at ang perpektong hugis ng mukha niya. Para kong nakikita ang sarili ko noong bata pa ko. Lumunok ako ng ilang ulit at hindi ko mahanap ang tamang salita. Nananaginip ba ko? Kumurap ako ng ilang ulit at ginaya naman ako ng bata. Lumapit
Rafael's Point of ViewFive years have passed, but the pain in my chest keeps nagging me to find her—the woman who stole my heart. I planned my revenge until I succeeded in abducting her, but in turn out, I fell for her. Sino ka nga ba talaga Michaela Clementon? Hindi ako makapaniwala na totoo lahat ng sinabi niya. Matapos ng may mangyari sa amin five years ago doon ako kinutuban na hindi nga talaga siya si Diane pero wala pa rin akong lakas ng loob harapin ang katotohanan. Pinili kong tumakas pero hanggang ngayon hinahabol pa rin ako ng katotohanan. Nakatanggap ako ng mensahe sa isang business partner ko sa Pilipinas na nahuli na raw si Mackenzie Cruz at kailangan kong umuwi upang sampahan siya ng kaso pagpatay sa kuya ko. Sa wakas makakamit ko na rin ang tagumpay ngunit nagimbal akong makita ang larawan na kasama niya si Diane. She is not the woman I love. The Diane in the picture has long blonde hair with a spoiled brat aura, and the woman I know has an innocent look with gleaming
Yumuko ako at nagmamakaawa kay Macky at ate Diane. "Please, huwag niyong idamay ang anak ko." Pakiusap ko sa kanila. Ngumisi si Macky at tinitigan si Raffy. Akmang lalapitan niya ito ng biglang kinagat ni Raffy ang lalaking may hawak sa kanya at nabitawan siya. Mabilis siyang tumakbo pero si Macky hinila niya ang baril sa tagiliran ng lalaking kasama niya. Hindi na ko nagdalawang isip pa at sinipa sa maselang bahagi ang lalaki may hawak sakin at tumakbo kay Raffy. Kasabay noon ang lakas ng putok ng baril at unti-unting lumabo ang aking paningin. "M-Mommy!" Umalingawngaw ang iyak ni Raffy sa garden at mabilis na dumating ang mga magulang ko. Bago ko pa makita ang buong pangyayari tuluyan nang bumigat ang talukap ng mga mata ko. I can give all for my little angel, even my life; I can surrender it for his safety. —Mabigat ang katawan ko ng magising ako. Lahat sa paligid ay puro puti at naramdaman ang maliit na ulo na nakadagan sa tiyan ko. Pagyuko ko si Raffy pala ang natutulog sa ta
Hindi ako makatingin ng diretso kay ate Diane. Mula ng pagdating niya kagabi hindi na siya umalis. Buti na lang mahaba ang pasensya ni mama at hindi siya pinapatulan pero si papa mukhang punung-puno na."Ano ba talagang ipinunta mo rito?" tanong niya kay ate Diane habang tahimik kaming nag-aagahan sa dining room. "Bakit Pa, bawal na akong pumunta sa inyo?" Tumawa siya na ikinagulat ni Raffy at yumakap sakin. Tinaasan siya ng kilay ni Diane. "Hello little kid, you must be Raffy. Alam mo bang kamukhang-kamukha mo ang mga Jones?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero mas lalo akong nagulat ng makita siyang naluluha na para bang may dinaramdam. "Alis na po ako." Biglang sabi niya at diretsong lumabas ng pinto. "Mukha may problema siya, hon." Sabi ni mama kay papa. Tumikhim lang si papa at umiling. Bumuntong hininga ako habang pinagmasdan si Raffy. Wala ngang duda na kamukha niya si Rafael. "Hayaan na lang natin siya. May tumawag sakin kanina. Naghiwalay na daw sila ng boyfriend n
Hindi ko ubod akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko. Nakangiti ang mama at papa ko habang nagtatago sa likod ng puno. Akala ko noon hindi na muli silang magkakaayos pero heto ngayon, masaya na muli kami bilang isang buong pamilya. Ngumiti ako hanggang nakita ko ang batang bersyon ni Rafael. Kahit wala na akong narinig tungkol sa kanya umaasa pa rin akong balang araw makikita niya ang anak namin."Granny, I can see you," Matunog na tawa ang binitawan ng aking anak na si Raffaello. Umiling ako. Kung gaano kasungit si Rafael ganon naman ang kabaligtaran ng anak namin. Masayahin siya pero sobrang pilyo. "Mommy! I caught lolo and lola," Masaya niyang sabi habang tumatakbo papunta sakin. Ngumiti ako at niyakap siya."Are you hungry?" Tumango siya. "I want fried chicken!" sigaw niya habang lumulundag."Nakakapagod nang makipaglaro sa apo natin ngayon," bulong ng papa ko sa mama ko pero rinig namin ang mga reklamo niya."Lolo!" maktol sabi ni Raffaello. "Raffy, don't shout to your
Halos dalawang linggo akong nananatili sa ospital dahil na rin sa request ni mama. Minsan natatawag ko pa rin siyang Ginang Letisha at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Dapat kasi pinilit ko na lang na operahan na lang ang braso ko at taihan para magaling na agad. "Ang lalim ng iniisip mo." Bulong ni Rica sakin. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan siya."Ano sa tingin mo?" Nagkibit balikat siya at kinuha ang bag sa kama."Sa tingin ko. Magpagaling ka muna bago mag-isip ng kung ano-ano. Tignan mo nga may sling pa rin ang braso mo. Kailangan mo pa daw magpahinga pero bakit ganun?" Kumunot ang noo ko sa biglang pagtataka niya."Anong ibig mong sabihin?" Lumapit siya sakin at tinignan ang braso ko."Di ba naka schedule ka para maoperahan. Bakit iniba nila kahapon? Bilin pa ng doktor na dapat hayaan na lang daw maghilom tapos dapat puro gulay at prutas na lang ang kainin mo. Pati mga gamot mo tinanggal." Lalo akong napaisip sa sinabi niya. Bago
Bumigat ang pakiramdam ko at hindi makatingin kay ate Diane. Ang mga tingin niya ay makahulugan at nanonoot parang may alam siya na napakahalaga. "Bakit hindi ka makasagot?" Taas kilay na sabi niya. "Alam mo bang na-kidnap ako?" Tanong ko. Nawala ang ngiti niya sa labi at tumingin sa malayo. "Bakit ikaw naman ngayon ang hindi makasagot?" Umiling siya at lumapit sakin. "Sa huling balita ko tungkol sayo, nag-enjoy ka naman dito." Tumawa siya ng malakas. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko at ramdam ko ang pagpapawis ng kamay ko. "What?" Sita niya ng hindi ako makasagot. "Michaela, thank you." Dagdag niya at tuluyan ng naglakad papunta sa kotse nila. Nakatitig lang ako sa kanila at pinaandar na nila ang kotse. Ilang pulgada palang ang layo nila sakin ng biglang may dumating na mga pulis at hinarang sila. "Diane at Mildred Clementon, iniimbitahan namin kayo sa prisinto. May karapatan kayong manahimik at kumuha ng inyong abogado. Lahat ng sasabihin niyo ay maaaring gamitin laban sa
Tahimik lang ako nakamasid sa bintana habang tahimik na nagmamaneho si Lance. Nadaanan namin ang karatula ng villa Letisha at hindi ko mapigilan maluha. Hindi man lang ba ako magpapaalam kay Rica at Ginang Letisha?"Lance," Tumingin sa rearview mirror si Lance. "Pwede ba muna akong magpaalam sa kaibigan kong si Rica." Huminga siya ng malalim at hininto sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Lumingon siya sakin."Saan ba siya nakatira? Akala ko bang magkasama kayo sa bahay na yun? Bakit lalaki ang kasama mo roon?" Salubong ang kilay niyang nakatingin sakin. Ngayon ko lang napansin ang gamit niya sa passenger seat. "Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo. Huwag mong sabihin sakin matapos mo akong makausap kahapon agad ka nang nag-book ng flight pabalik dito sa Pilipinas?""Hindi pa ba obvious. Kausap pa lang kita kahapon agad na akong nag-book ng flight. Lalo na delikado ang buhay mo." Binulong niya lang ang huli niyang sinabi pero malinaw ko pa rin itong naintindihan."Anong alam mo?" t