Home / Romance / Revenge of the Billionaire / Chapter twenty-three

Share

Chapter twenty-three

Author: Alliyahmae22
last update Last Updated: 2022-11-20 01:11:26

“SAAN ka galing?” istriktong tanong ni Andrew ng makita ang anak na pumasok ng pintuan.

“Dad! I’m sorry.” Hingi nito nang paumanhin sa ama. Alam ni Reece nag alit ito dahil inabot ito ng kaniyang curfew.

“Ipaliwanag mo, bakit ngayon ka lang?” galit pa rin tanong ni Andrew sa anak.

“Dad, I’m with—“ naputol ang kaniyang sasabihin ng lumitaw si Calvin sa likod ng binata.

“He’s with me,” matapang na sambit nito kay Andrew. Tila nagulat naman si Andrew nang makita ito na kasama ang anak. “Sorry, Mr. Dela Cruz, kung ginabi siya ng uwi, galing siya sa bahay, because I invite him to have dinner with me. Medyo na libang kasi si Uncle sa pakikipagkuwentuhan sa kaniya. Kaya nagmalasakit na akong ihatid ang anak mo.” Paliwanag ni Calvin. Agad na nawala ang galit ni Andrew nang makita si Calvin. Kaya naman masaya niya itong binati.

“Mr. Del Fierro, naging pasaway ba ang anak ko? mana talaga ito sa nanay niya, matigas ang ulo!” wika ni Andrew. Pasimple siyang tumingin kay Reec
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat sa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Twenty-four

    PAGKATULOG ni Annie ay umalis na si Calvin sa bahay ng dalaga. Pagkarating niya sa mansyon, nakita niya si Don Ronaldo na naka-upo sa sofa. Kaya naman nilapitan niya ito at nagbigay galang. “Uncle, bakit gising ka pa, hindi ka na naman ba makatulog?” nag-aalalang tanong niya rito. Tumango ito at ngumiti sa kaniya. “Hindi lang ako makatulog, naiisip ko lang ang binatang si Reece, nakakatuwa ang batang iyon at halatang sabik sa ama, mukhang hindi talaga siya pinagtutuunan ng pansin ni Andrew. Kung ako lang ang papipiliin mas gusto kong ikaw ang ama niya. Dahil mas bagay kayong maging mag-ama.” Anito, napangiti lang si Calvin sa tinuran ng kaniyang uncle, kaya naman tinapik niya ito sa balikat, “Uncle, ang mabuti pa magpahinga ka na, dis-oras na nang gabi ihahatid na kita sa silid mo.” Aniya,kaya naman inalalayan niya ito hanggang sa sild nito, Nang makita na niya itong maayos ay nagpaalam na siya rito at pumasok na sa kaniyang sariling silid.Pagkahubad niya nang kaniyang damit

    Last Updated : 2022-11-20
  • Revenge of the Billionaire   Chapter twenty-five

    MAAGANG gumising si Calvin upang bumalik sa bahay ni Annie, pagkarating niya roon nakita niyang nagluluto na ito ng almusal. “Annie,” tawag niya rito. Nang marinig nito ang kaniyang pagtawag agad na nagliwanag ang mukha nito at mabilis na lumapit sa kaniya. “Calvin!” anito, at mahigpit siya nitong niyakap. “I am so happy! Akala ako hindi mo na naman ako babalikan.” Wika nito na may bahid ng pagtatampo. Kaya naman masuyong hinaplos ni Calvin ang pisngi ni Annie at banayad na hinalikan sa labi. “I’m sorry, gusto kong bumawi sa iyo. I want you to dress up and refresh your self, cause we are going out of town.” Aniya, malapad na ngumiti si Annie at mabilis na hinalikan siya sa labi. “Just give me ten minutes,” anito saka muling humalik sa labi ni Calvin at nagmamadaling umakyat ng hagdan. Sinundan lang ito ng tingin ni Calvin at naupo sa sofa. Hindi nagtagal pababa na ito ng hagdanan, naka simple floral dress ito na tinernohan ng flat sandals, inilugay lang niya ang kaniyang l

    Last Updated : 2022-11-20
  • Revenge of the Billionaire   Chapter twenty-six

    SA isang hotel muna nanatili ang magkasintahang Calvin at Annie. Dahil napasarap ang kuwentuhan at pakikipag-usap ni Annie kay Isabella, hindi na nila napansin ang oras. Kaya naman nagdesisyin na ang dalawa na doon na magpalipas ng gabi. Kaya naman pagkahatid ni Calvin kay annie sa kanilang hotel room nagpaalam siya rito na lalabas at may bibilhin. Pumayag naman ang dalaga rito, kaya naman bago ito tuluyang makalabas ng silid, humalik muna ito sa labi nang kasintahan. “Bilisan mo, pagbalik mo naka-ready na ako.” Tila nang-aakit na wika nito kay Calvin. Ngumiti lang ito at saka naglakad palabas ng kuwarto. Pagkalabas nito mabilis itong naglakad patungo sa hagdan. Pagkarating niya sa kasunod na floor nakita nito si Isabella kasama si Andrew. Papasok na ang mga ito sa sariling silid nang mapansin siya ni Isabella. Pumasok ito at ilang saglit lang ay nakita niya na palabas na ito ng silid. Agad siya nitong sinundan sa fire exit, kung saan naghihintay si Calvin habang nakaupo sa hagdan. Pa

    Last Updated : 2022-11-20
  • Revenge of the Billionaire   Chapter twenty-seven

    PAGDATING ni Calvin sa mansyon, naabutan niya ang kaniyang Uncle na nag-aalmusal kaya naman lumapit siya rito at nagbigay galang. “Kumusta ang lakad n’yo ni Annie?” tanong nito habang nakatingin kay Calvin na paupo na sa katapat na upuan sa lamesa. “Good, bukod doon may nakita kaming hindi inaasahan.” Aniya sa kaniyang tito, habang kumukuha nang pagkain at inilalagay sa plato. “Sino o ano?” tanong nito. Ngumiti ito at saka sinagot ang tanong sa kaniya, “Sino, nakita namin doon ang mag-asawang Dela Cruz, they say they are celebrating their Wedding anniversary. So I grab the chance to know more about him. Alam ko na magkaibigan kami dati pero hindi ko alam kung nagsasabi ba siya sa akin nang totoo. Kung nagawa niya akong traydurin, sigurado ako na marami pa siyang mga itinatago sa akin. And I’m sure that he’s hiding so much skeleton in his closet at Isisiwalat ko ang mga iyon.” Seryosong wika nito, habang napapadiin ang kapit nito sa hawak na kubyertos. Agad namang napansin ito

    Last Updated : 2022-11-20
  • Revenge of the Billionaire   Chapter twenty-eight

    SA LAGUNA, kung saan nakapagtrabaho si Andrew kasama ang dating kaibigan na si Evren, ngayon ay sarado na dahil inilipat na sa ito ibang lugar. Abandonado na ito at wala nang kahit na sino ang nakatira roon, habang si Andrew ay naghihintay sa dating opisina ng namayapang amo, nakarinig siya ng tunog ng isang sasakyan na papasok ng compound. Ilang saglit lang ay may kumatok na sa pintuan nang, kaya naman agad na pinatuloy ni Andrew ang bagong dating. “Alex! Mabuti naman at nakarating ka na, kanina pa ako naghihintay sa iyo.” Nakangiting wika ni Andrew, ngunit nakita niya ang galit na mukha nito. “Ang balita ko magri-resign ka na, bakit? May dapat ba akong malaman?” seryosong tanong niya rito. ngunit nanatili itong tahimik na nakatingin sa kaniya. “Alex, utang mo sa akin kung ano man ang tinatamasa mo ngayon. Ano man ang sekreto ko ay sekreto mo na rin, magkaibigan tayo hindi ba? Ilang taon na ba ang lumipas? Labing lima? No, maglalabing pitong taon na, Alex. Ano sa tingin mo ang gi

    Last Updated : 2022-11-20
  • Revenge of the Billionaire   Chapter twenty-nine

    “OKAY, good job!” wika ni Calvin sa kaniyang secretarya at isa sa mga tao na kaniyang pinagkakatiwalaan si Martin. Isang private investigator at malapit na niyang kaibigan. “Lahat ay naa-ayon sa plano, ipagpatuloy n’yo lang ang lahat, thank you sa inyong dalawa.” Pasasalamat ni Calvin, lumapit siya rito saka kinamayan nang may ngiti sa labi. Maaari na muna kayong magpahinga ngayong araw, ngayon titignan natin kung ano ang kaniyang magagawa, ngayong wala na ang lahat ng kaniyang inaasahan.” “Sir Calvin, there’s something I want to tell you,” wika ni Martin sa kaniya, “it’s about Mr. Dela Cruz, mukhang tama po kayo ng hinala sa kaniya, mukhang tama po kayo ng hinala sa kaniya, sir.” Anito, dahil doon napatitig si Calvin at kunot nuong nagtanong rito. “What do you mean?” “Sir, what you have told me, Andrew Dela Cruz was hiding lots of skeleton on his closet. Pagkasabi mo sa akin niyon ay agad akong nag-imbestiga at napakarami kong nalaman. But, I still gathering more and solid ev

    Last Updated : 2022-11-20
  • Revenge of the Billionaire   Chapter thirty

    “NASAAN ang mommy mo?” tanong ni Calvin kay Reece nang ihinto na niya ang sasakyan sa harap ng gate ng bahay nito. “Siguradong nasa loob po siya, ayaw siyang palabasin ni Dad, nag-away sila nuong isang araw, hindi ko alam kung anong ang dahilan. Sobrang na akong nag-aalala sa kaniya dahil ilang araw na siyang hindi lumalabas ng kuwarto niya.” Malungkot na saad ni Reece. Dahil sa sinabi ni Reece, napa-isip si Calvin kasabay ng pag-aalala sa dating kasintahan. “Hayaan mo na, alagaan mong mabuti ang mommy mo, hayaan mong ikaw ang maging lakas niya, huwag mo siyang iiwan. Kailangan lagi kang nasa tabi niya.” Aniya, habang nakahawak sa balikat nito, kasunod ang paggulo ng buhok nito. Bahagyang napangiti si Reece dahil sa ginawa ng kaniyang tito Calvin. Kaya naman napatitig siya rito. “Bakit? May problema ba? may nararamdaman ka bang masakit?” nag-aa;a;ang tanong ni Calvin sa binata. Napangiti ito at yumakap sa kaniya. “Salamat po sa pagpapa-check-up sa akin. Sa totoo lang p

    Last Updated : 2022-11-20
  • Revenge of the Billionaire   Chapter Thirty-one

    “Mommy!” tawag ni Reece sa ina mula sa pintuan, dala ang isang paper bag laman ng mga aborito nitong pagkain mula kay Calvin at isang bungkos ng bulaklak. Agad na bumukas ang pinto ng silid at nakita niya ang kaniyang ina, ngumiti ito sa kaniya at yumakap. “Saan ka galing pumunta ako sa silid mo ngunit wala ka roon.” Anito, nakita niyang may mga dala ito, agad siyang napangiti rito. “lumabas ka pala, bakit hindi ka nagpaalam sa’kin, nag-alala tuloy ako” ani Isabella sa anak habang hawak ito sa magkabilang pisngi. “Mom, I’m okay. Para to sa iyo. Maaari ba akon pumasok?” paalam niya sa ina, kaya naman niluwagan ni Isabella ang pagkakbukas ng pinto at pinapasok ang anak. Pina-upo niya ito sa upuan at kinuha ang mga hawak nito. “binili mo ba ito para sa akin?” tanong ni Isabella sa anak. “May nagpapabigay niyan, pati itong mga pagkain. Ang sabi niya kainin mo raw ang mga ito, para umaan ang pakramdam mo.” Wika ni Reece, na ipinagtaka ni Isabella. “Ang mg salitang iyon, isang t

    Last Updated : 2022-11-27

Latest chapter

  • Revenge of the Billionaire   Chapter seveny-two

    “Ano ba ang pag-uusapan natin?” tanong ni Andrew sa dalawang matanda.“About the business,” sagot ni Juanito sa anak. “We decided to merge th two Company, sa ganoon ay magiging mas malakas ito, sigurado na wala nang tatalo kapag pinagsama ang Del Fierro at Lopez.” Masayang pagbabalita ni Juanito sa dalawa.“Pero Papa, sigurado na ba kayong dalawa sa desisyon niyo?” tanong ni Andrew.“Oo nga, siguradong magiging malaking usapin ito lalo na sa mga board of directors.” Dagdag ni Calvin. Alam nilang magkapatid na malaking katanungan ito lalo na sa mga empleyado nang dalawang kumpaniya.“Andrew, Calvin. Kayong dalawa ang magiging tagapamahala ng lahat. Oo nga at pagsasamahin natin ang dalawang kumpaniya, pero hindi iyon nangangahulugan na isa lang ang mamamahala.” Ani Ronaldo, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“Ilang araw na rin namin pinag-uusapan at maiging pinag isipan ang lahat ni Ronaldo, matanda na kami at gusto na naming mag-enjoy sa buhay.” Wika ulit ni Juanito kasunod

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Seventy-one

    “Pupunta ba talaga si Del fierro at Lopez?” tanong ni Nyx nang mapansin ang magkapatid na lang ang wala sa grupo.“Ang sabi ni Calvin, magsasabay na silang magkapatid sa pagpunta rito.” Sagot ni Ricardo.Ilang saglit pa ay nakita na nilang papasok ang magkapatid kasunod si Mark at Maynard.“Wow, para kayong nag-usap a! sabay pa talaga kayong apat na dumating!” ani Nyx na may pagkairita sa tinig.“Nyx the Grumpy, hindi ka ba naka score sa Girlfriend mo kaya ka ganiyan?” birong wika ni Ben sa kaibigan.“Shut up, Ben!” inis na sambit ni Nyx. “Tumigil na kayo, ang importante narito na kami atleast hindi kami nahuli.” Ani Mark ng makaupo.“Anong hindi nahuli? Huli kayong pumasok ni Gutierrez kaya sagot niyo lahat ang iinumin natin ngayon.” Nakangising wika ni Ricardo sa kaibigan.“Iyon lang ba, walang problema kung gusto niyo dagdagan niyo pa,” natatawang sagot ni Mark.Agad na naghiyawan ang grupo matapos nang sinabi ni Mark, kaya naman um-order sila ng isang expensive na whiskey. “Ngay

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Seventy

    “Calvin, sa tingin mo ba na ito na ang tamang oras ka kausapin ang anak mo?” nag-aalangan na tanong nito sa kapatid.“Kuya, ikaw na ang nagsabi hindi matatapos ang problema kung hindi pag-uusapan.” Sagot naman ni Calvin. Kaya muli itong kumatok.“Anak, papasok na ako.” Pagbukas niya nang pinto nakita niya si Reece na abala sa pagpipinta. “bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa kita tinatawag,” aniya sa anak,“Sorry dad, wala lang po akong gana kumain,” sagot nito habang nananatili ang atensyon sa ginagawa.“Reece, tell me, is it about your tito Andrew?” Malakas na napabuntong hininga si Reece nang mabanggit nang ama ang pangalan na ayaw na niyang marinig kahit kailan.“Dad, bakit ba siya narito? Alam ko na kailangan ko siyang respetuhin, pero hindi ko maiwasan na magalit sa kaniya.” Anito, na kaagad na binitawan ang paint brush at pallet na hawak.Naglakad ito at naupo sa gilid nang kama, “Dad, ang totoo, ayoko siyang Makita. Galit ako sa kaniya lalo na kapag naiisip ko ang mga masas

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Sixty-nine

    Maagang nagising si Calvin dahil sa pagtawag nang kapatid na si Andrew.“Calvin, may gagawin ka ba mamaya?” seryosong wika ng nasa kabilang linya.“Oo, may mga appointment ako ngayong araw. And by the way good morning!” natatawang wika naman ni Calvin sa kausap. Pagak na natawa naman ang nasa kabilang linya. “Sorry for waking you up this early.” Hingi naman nito nang paumanhin. “Nah! Kailangan ko rin naman gumising nang maaga, nakatoka akong magluto ngayon, kailangan kong ipagluto nang almusal ang pamilya ko. Maaga ang pasok ni Reece ngayon dahil may Exam sila, at ayoko naman abalahin ang asawa ko dahil puyat siya sa pag-aasikaso kay Anikha.” Paliwanag nito habang nakatingin sa salamin sa loob ng banyo.“Okay, ayos lang ban a magkita tayo mamaya, dinner?” “Kuya, magpunta ka na lang dito, magpapaluto ako kay manang isama mo si Itay, total Saturday bukas, mag-bonding tayo.” Aya naman nito na saglit namang ikinatigil nang nasa kabilang linya.“Still there, kuya?” “Yeah, sige.” Sagot

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Sixty-eight

    “Mukhang nagkakatuwaan kayong magkapatid,” wika nang bagong pasok sa pintuan.“Isabella!” masayang pagbati ni Calvin at Andrew rito.“Mahal ko!, mabuti naman at naisipan mo nang dalawin ang mokong na ito. Kanina pa nagtatanong ito kung kailan ka dadalaw sa kaniya.” Pagsusumbong nito sa asawa.“Ano ba naman iyan, tol! Para kang bata kung magsumbong sa asawa mo!” natatawang biro ni Andrew sa kapatid.Agad na lumapit si Calvin kay Isabella at yumakap rito. “Sa kaniya lang naman ako ganito,” nakalabing wika naman nito.“Tumigil na nga kayong dalawa.” Natatawang awat naman ni Isabella. “nakakatuwa lang na nagbalik na kayo sa dati, masaya ako para sa inyong dalawa.”“Mabuti naman at napadalaw ka, iniisip ko tuloy na baka ayaw mo na akong makita, dahil sa mga nagawa kong pagkakasala sa inyong mag ina.” Malungkot ang mukhang wika ni Andrew, habang nakayuko ang ulo.Nagkatinginan ang mag-asawa kaya naman lumapit si Isabella at nagsalita, “Nagawa kang patawarin nang asawa ko, dapat ganoon rin a

  • Revenge of the Billionaire   Chapter sixty-seven

    Abala si Juanito sa pagbabasa nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang ospital. Agad na nagmadali sa pagbibihis si Juanito. Mabilis siyang sumakay nang kaniyang sasakyan at agad na sinabi sa kaniyang driver kung saan ospital. Hindi nagtagal nakarating siya kaagad kung saan ospital dinala ang anak. Kinakabahang nagtanong siya sa isang nurse na kaagad naman nitong sinagot. Mabilis ang mga hakbang na nagtungo siya sa operating room. Papalapit na siya nang makita niya ang isang pamilyar na tao, “Calvin, anak, anong ginagawa mo rito?” tanong nito. “Tay, ikaw, anong ginagawa mo rito?” balik tanong nito sa ama. “Tumawag sa akin ang ospital na 'to, ang sabi narito ang anak kong si Andrew.” sagot nito. Agad na bumakas ang pagtataka at pagkagulat sa mukha ni Calvin sa sinabi ng ama. “What? Anak mo si Andrew?” Tila nagkagulatan pa ang mag-ama sa nalaman kaya naman humarap si Juanito sa anak. “Anak, sabihin mo sa akin ang mga nangyari, makik

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Sixty-six

    CHAPTER Sixty-Six“Mahal, may appointment ako ngayon kay Doktora magpapahatid na lang ako kay Manong Reynante” wika ni Isabella sa asawa habang kumakain ng agahan.“Okay, ibilin mo na lang kay Manang si Anikha. Baka gabihin na rin ako nng uwi mamaya Dahil may mga meetings na kailangan kong puntahan.” sagot naman ni Calvin sa asawa.Kaya naman nng matapos ang mag-anak na mag-agahan, agad silang nag-asikaso. Bago umalis si Isabella binilinan niya ang anak na si Reece na umuwi nang maaga.“Opo, may mga projects akong tatapusin sa studio ni Dad mamaya.” anito, habang inilalagay ang ibang gamit sa bag.“Maiingat ka,” bilin ni Isabella sa anak “ikaw rin po,” nakangiting sagot naman nito sa ina.Nakasakay na nang sasakyan si Isabella at medyo malayo na sila nang mapansin niyang biglang nag-iba ang direksyon na tinatahak nila.“Manong Reynante, bakit dito tayo dumaan?” nagtatakang tanong ni Isabella sa kaniyang driver.“Pasensya na po, Mam.” napapakamot ng batok na sagot nito. “ito po kasi a

  • Revenge of the Billionaire   Chapter sixty-five

    Nang maka-uwi si Juanito sa kaniyang tahanan, masaya ito mahabang mahinang sumisipol. Iyon ang nakita ni Andrew sa ama habang minamasdan ito papasok. “Look who’s happy! Is it about the business?” tanong nito.“Well, more than that!” masayang sagot nito saka ito umupo sa sofa.“Bakit nanalo ka ba sa lotto?” pabirong wika ni Andrew sa ama.Mas lalong lumapad ang ngiti ni Juanito, nais man niyang sabihin kaagad dito ang nangyari sa muli nilang pagkikita nang anak na si Evren, ngunit nanatili na lamang siyang nakangiti at minabuti na huwag na lang munang sagutin ang tanong nang anak.“Dad, I’m curious like a cat, why don’t you tell me?” ani Andrew.Alam ni Juanito na hindi titigil ang anak sa pagtatanong kaya naman sinagot niya ito, “Andrew, sasagutin ko ang tanong mo na iyan sa takdang oras, sa ngayon. Masaya ako at wala nang sasaya pa sa arawna ito.” nakangiting wika ni Juanito.Tumayo ito at nagtungo sa sarili nitong silid.Naiwan naman sa salas si Andrew habang nagtataka sa ikinikilo

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Sixty-four

    Ang usapan nila na dapat ay sa negosyo, naging isang masayang kuwentuhan sa mag-ama. “I’m sure Ronaldo will be surprise, when he will find out that you are my son.” Wika ni Juanito sa anak, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“About that, I’m planning to tell him, what if, sumama ka lang sa akin para magkasama natin sabihin sa kaniya.” mungkahi nito sa ama.“Mabuti pa nga,” sagot naman nito. Saka nito tinapos ang pagkakape at tumayo na mula sa pagkaka-upo. “Nais ko rin maka-usap ang iyong tito tungkol sa iyong ina, gusto kong magpaliwag.” Anito, na seryoso ang mukha. Agad naman tumayo si Calvin, at sinundan ang ama.Nagkasundo sila na duon na lang magkita dahil may mga dala silang sariling sasakyan.Abala si Ronaldo sa pag-aalaga ng kaniyang apo nang makarinig ng sasakyan sa labas. “Nagsabi ba sa ‘yo si Calvin na uuwi siya nang maaga?” Tanong nito kay Isabella na abala ring nag-aasikaso sa kusina. “Hindi po, Tito.” Sagot nito.Kaya naman nagtungo siya sa pinto upang salubungin i

DMCA.com Protection Status