NAGISING si calvin na wala na sa kaniyang tabi ang babaeng mahal niya, kaya nagmadali siyang magbihis, dahil naisip niya nab aka maabuta pa niya ito. ngunit ng magtanong siya sa babaeng nasa front desk. Sinabi nito na ilang ras na ang nakakalipas ng umalis ito sa condo. Bagsak ang balikat na nagbalik sa kaniyang unit si Calvin.“Isabella,” aniya, habang pikit ang mga mata. hindi nagtagal umalis na rin siya ng condo at umuwi nang mansyon. Pagdating niya roon, nakita niya si Annie ng naka-upo sa sofa at tila hinihintay siya. Nang makita siya nito, mabilis itong lumapit at mahigpit siya nitong niyakap.“where have you been? Kanina pa ako tumatawag sa iyo, pero hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Sinubukan ko naman tumawag sa opisina mo, pero ang sabi ng secretary mo hindi ka raw pumasok.” Tanong nito, ngunit hindi sinagot ni Calvin ang mga tanong nito. Bagkos ay kumalas ito sa pagkakayakap kay Annie at naglakad ito paakyat ng hagdan. “Sorry, wala lan ako sa mood makipag-usap. Magpapahin
MASAYA at nagmamadaling sumakay si Calvin sa kaniyang sasakyan, dalhin nais makipagkita ng anak sa kaniya. nagpaalam siya kay Annie na may mahalagang tao siyang kikitain ng araw na iyon ngunit hindi niya sinabi na si Reece ang taong iyon. Mabilis lang niyang binaybay ang daan patungo sa lugar kung saan ang fastfood na tiniutukoy ng anak.Pagkatapos niyang i-park ang sasakyan agad siyang lumabas at mabilis na naglakad patungo sa loob ng nasabing fastfood. Pagpasok sa loob, nakita niya si Reece na tahimik at palingalinga habang maka-upo sa upuan, kaya lumapit na siya rito at nakangiting binati. “Reece, Hijo!” aniya. Tumingin ito sa kaniya ngunit hindi nagsalita matapos niya itong batiin. “Something wrong, hijo?” nag-aalalang tanong niya rito. ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Kaya naman nilapitan niya ito at tinignan ang bawat parte ng katawan nito, braso, likod, mukha. Ngunit wala naman siyang nakitang senyales na sinaktan ito ni Andrew.“Tito, what are you doing?” tanong ito.Tumingi
“KALOKOHAN iyang sinasabi mo,” sambit ni Andrew sa private investigator na kaniyang kausap. “Paano mangyayari iyon e, malinaw na ipinakita sa akin ni Alex ang mga litrato kung saan nakalibing si Evren, nagpakita rin ng mga evidence na namatay ito, kinuhanan rin ito ni Alex, nakita ko iyong lahat.”“Pero sir, maaaring gawa-gawa lang ito ng mga pulis para palabasin na nagpakamatay ito. Sir maniwala ka mayroon akong witness na magpapatunay na buhay si Evren Morales.” Wika nito kay Andrew.“Kung ganoon iharap mo siya sa akin at saka ako maniniwala!” giit ni Andrew sa imbestigador. Kaya naman agad na tinawagan nito ang taong tinutukoy. Hindi naglipat oras ay may kumakatok na sa pintuan ng bagong opisina ni Andrew. Mabilis na tumayo ang private investigator at binuksan ang pinto.“Come in, mabuti naman at dumating ka.” wika nito sa babaeng papasok ng silid.Laking gulat ni Andrew ng makilala ang bagong pasok. “Ikaw?” sambit niya dahilan para mapatayo siya sa kaniyang upuan.Nakangising luma
“ANO ba ang isi-celebrate natin at kailangan pa na kasama kaming mag-ina?” inis na tanong ni Isabella habang nasa likod naman si Reece at naka-earphones habang abala sa pakikinig ng musika sa likod ng sasakyan. Hindi naman sumasagot si Andrew habang seryosong nagmamaneho. “Andrew, sabihin mo na. alam mong hindi rin ako titigil sa pagtatanong kapag hindi mo sinabi sa akin.”“Sweetheart, kapag sinabi ko sa iyo, hindi na iyon magiging surpise. Be patience, my dear. malapit na tayo.” Anito, habang lumilinga ng kaliwa’t kanan, hanggang makarating sila sa lumang bahay na pagmamay-ari ng dating mag-asawang Martinez.“Andrew, what are doing in here?” kinakabahang tanong ni Isabella,“Oh my dear wife, narito ang supresa ko sa inyong mag-ina,” wika nito, habang nakangiti.Nang makita ni Isabella ang paraan ng pagngiti ng asawa, alam niya na may binabalak ito. “I know that smile, Andrew,” aniya, saka tumingin sa anak na abala pa rin sa pakikinig.“Really? Kung ganoon hulaan mo kung ano ang mero
“EVREN!” sambit ni Andrew sabay tawa ng malakas. “Akalain mo nga naman, naitago mo ang sarili mo sa katauhan ni Calvin Del Fierro. Ang isang criminal na katulad mo nagbago dahil sa isa kang heredero ng matandang Del Fierro. Napakasuwerte mo!” natatawa man si Andrew ngunit kalakip nuon ay ang galit at pagkamuhi rito.“Paano mong nalaman ang lahat ng iyan? wala kaming ibang pinagsabihan nito.” Saad ni Calvin rito. nakita niyang ngumisi si Andrew at tumingin kay Annie.“I have my sourse here,” habang marahang hinahaplos ang pisngi ni Annie na panay ang iyak. “Alam mo ban a kusang lumapit sa akin ang babaeng ito at sinabi sa akin ang lahat?”Dahil sa narinig napatingin si Calvin kay annie, “Bakit?” tanong niya rito.“Mabuti pa na siya na ang magsabi sa iyo. Ayoko naman na lumabas na paki-alamero ako hindi ba, Miss Salvacon?” nakangiting tumingin sa Andrew rito at mabilis na tinanggal ang takip sa bibig ni Annie.“Calvin, I’m sorry!” wika ni Anie habang umiiyak. “Ayoko lang na mawala ka s
“MAAYOS na ba ang lahat?” tanong ni Andrew sa kaniyang abogado, “Maghanda ka, dahil kapalit ng buhay ng mga bihag ay ang malaking kayaman ng pamilya nito. “He took Everything to me, kaya triple dapat ang kapalit. Malaki ang nawala sa akin kaya kailangan mabawi mo ito sa kaniya. Sa laki ng kayaman ng mga Del Fierro, maaari akong magbuhay hari. Lahat ng resources nila, kayaman at pag-aari sa iba’t ibang bansa. Kahit katulong, magbubuhay mayaman sa pera nila.” Nakangiting wika ni Andrew habang iniisip ang mga gagawin. “Bukas na bukas, tatawagan natin ang matandang Del Fierro, kailangan mapasunod natin siya sa gusto natin. kayo na ang bahala sa kaniya. babalik na muna ako sa bahay para makapagpahinga. Batayang mabuti ang mga bihag,” utos ni Andrew saka naglakad palabas ng lumang bahay.Sa kabilang silid kung saan naroon sina Annie, Calvin at ang kaniyang mag-ina. Wala namang magawa si Annie kung hindi tumangis dahil hindi naman niya malapitan si Calvin dahil nakatali siya sa kama. Ang ma
“HINDI!” sigaw ni Calvin ng isang katawan ang humarang sa kaniya. agad niyang sinalo ito ang katawan nito ng makita niyang patumba na ito. mabilis na pinaputukan ni Calvin si Andrew, ngunit sa balikat lamang ito tinamaan. Mabilis na nakatakas si Andrew sa tulong ng isa sa kaniyang tauhan. Hindi na magawang iwanan ni Calvin ang duguang babae sa kaniyang harapan. “Bakit?” tanong ni Calvin, habang ang mga palad ay nakalapat sa tiyan kung saan ito tinamaan.“Sorry,” wika nito, habang tila nawawalan na ito ng malay sa bisig nang lalaking pinakamamahal. “P-patawarin mo ako.” Nanghihinang wika nito.“Annie, bakit mo ito ginawa? Ang mabuti pa huwag ka na magsalita, magpapatawag na ako ng ambulansya. Panatilihin mo lang na dilat ang mata mo, paki-usap, Annie.” sambit ni Calvin habang marahan na tinatapik ang pisngi ng kasintahan.“C-calvin, patawarin mo ako sa nagawa ko. Alam ko na galit ka sa akin kaya nais kong bumawi. Bumalik ako upang protektahan ka sa kaniya at hindi naman ako n-nabigo.”
ILANG araw ang lumipas, agad na nakarating ang mga magulang ni Annie ng makarating sa kanila ang balita. Humingi ng tawad si Calvin sa nangyari dahil sa sinapit ng kasintahan.“Hijo, kami ang dapat na humingi ng tawad sa ginawa ng aming anak. Matigas talaga ang ulo niya and she’s a spoiled brat, akala namin ay nagbago na siya ng makilala ka niya ngunit nagkamali pala kami. Calvin, sorry sa nagawa ng aming anak. Napahamak kayo ng dahil sa kaniya. marahil ay ginawa niya ang bagay na iyon para pagbayaran ang pagkakamali niyang ginawa. Bukas ay ipapa-crimate na namin siya at dadalhin sa America. Doon na lamang siya upang palagian naming siyang madalaw. Again, I’m sorry.” Wika ng ama ni Annie at niyakap si Calvin upang ipaalam na wala silang nararamdamang hinanakit sa nangyari sa anak.“Tito, Tita, I’m Really sorry.” Muling hingi ng tawad ni Calvin. matamis naman ngumiti ang mag-asawa at muling nagpaalam sa kaniya. sinundan na lamang ni Calvin ng tingin ang papalayong sasakyan ng mag-asawa
“Ano ba ang pag-uusapan natin?” tanong ni Andrew sa dalawang matanda.“About the business,” sagot ni Juanito sa anak. “We decided to merge th two Company, sa ganoon ay magiging mas malakas ito, sigurado na wala nang tatalo kapag pinagsama ang Del Fierro at Lopez.” Masayang pagbabalita ni Juanito sa dalawa.“Pero Papa, sigurado na ba kayong dalawa sa desisyon niyo?” tanong ni Andrew.“Oo nga, siguradong magiging malaking usapin ito lalo na sa mga board of directors.” Dagdag ni Calvin. Alam nilang magkapatid na malaking katanungan ito lalo na sa mga empleyado nang dalawang kumpaniya.“Andrew, Calvin. Kayong dalawa ang magiging tagapamahala ng lahat. Oo nga at pagsasamahin natin ang dalawang kumpaniya, pero hindi iyon nangangahulugan na isa lang ang mamamahala.” Ani Ronaldo, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“Ilang araw na rin namin pinag-uusapan at maiging pinag isipan ang lahat ni Ronaldo, matanda na kami at gusto na naming mag-enjoy sa buhay.” Wika ulit ni Juanito kasunod
“Pupunta ba talaga si Del fierro at Lopez?” tanong ni Nyx nang mapansin ang magkapatid na lang ang wala sa grupo.“Ang sabi ni Calvin, magsasabay na silang magkapatid sa pagpunta rito.” Sagot ni Ricardo.Ilang saglit pa ay nakita na nilang papasok ang magkapatid kasunod si Mark at Maynard.“Wow, para kayong nag-usap a! sabay pa talaga kayong apat na dumating!” ani Nyx na may pagkairita sa tinig.“Nyx the Grumpy, hindi ka ba naka score sa Girlfriend mo kaya ka ganiyan?” birong wika ni Ben sa kaibigan.“Shut up, Ben!” inis na sambit ni Nyx. “Tumigil na kayo, ang importante narito na kami atleast hindi kami nahuli.” Ani Mark ng makaupo.“Anong hindi nahuli? Huli kayong pumasok ni Gutierrez kaya sagot niyo lahat ang iinumin natin ngayon.” Nakangising wika ni Ricardo sa kaibigan.“Iyon lang ba, walang problema kung gusto niyo dagdagan niyo pa,” natatawang sagot ni Mark.Agad na naghiyawan ang grupo matapos nang sinabi ni Mark, kaya naman um-order sila ng isang expensive na whiskey. “Ngay
“Calvin, sa tingin mo ba na ito na ang tamang oras ka kausapin ang anak mo?” nag-aalangan na tanong nito sa kapatid.“Kuya, ikaw na ang nagsabi hindi matatapos ang problema kung hindi pag-uusapan.” Sagot naman ni Calvin. Kaya muli itong kumatok.“Anak, papasok na ako.” Pagbukas niya nang pinto nakita niya si Reece na abala sa pagpipinta. “bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa kita tinatawag,” aniya sa anak,“Sorry dad, wala lang po akong gana kumain,” sagot nito habang nananatili ang atensyon sa ginagawa.“Reece, tell me, is it about your tito Andrew?” Malakas na napabuntong hininga si Reece nang mabanggit nang ama ang pangalan na ayaw na niyang marinig kahit kailan.“Dad, bakit ba siya narito? Alam ko na kailangan ko siyang respetuhin, pero hindi ko maiwasan na magalit sa kaniya.” Anito, na kaagad na binitawan ang paint brush at pallet na hawak.Naglakad ito at naupo sa gilid nang kama, “Dad, ang totoo, ayoko siyang Makita. Galit ako sa kaniya lalo na kapag naiisip ko ang mga masas
Maagang nagising si Calvin dahil sa pagtawag nang kapatid na si Andrew.“Calvin, may gagawin ka ba mamaya?” seryosong wika ng nasa kabilang linya.“Oo, may mga appointment ako ngayong araw. And by the way good morning!” natatawang wika naman ni Calvin sa kausap. Pagak na natawa naman ang nasa kabilang linya. “Sorry for waking you up this early.” Hingi naman nito nang paumanhin. “Nah! Kailangan ko rin naman gumising nang maaga, nakatoka akong magluto ngayon, kailangan kong ipagluto nang almusal ang pamilya ko. Maaga ang pasok ni Reece ngayon dahil may Exam sila, at ayoko naman abalahin ang asawa ko dahil puyat siya sa pag-aasikaso kay Anikha.” Paliwanag nito habang nakatingin sa salamin sa loob ng banyo.“Okay, ayos lang ban a magkita tayo mamaya, dinner?” “Kuya, magpunta ka na lang dito, magpapaluto ako kay manang isama mo si Itay, total Saturday bukas, mag-bonding tayo.” Aya naman nito na saglit namang ikinatigil nang nasa kabilang linya.“Still there, kuya?” “Yeah, sige.” Sagot
“Mukhang nagkakatuwaan kayong magkapatid,” wika nang bagong pasok sa pintuan.“Isabella!” masayang pagbati ni Calvin at Andrew rito.“Mahal ko!, mabuti naman at naisipan mo nang dalawin ang mokong na ito. Kanina pa nagtatanong ito kung kailan ka dadalaw sa kaniya.” Pagsusumbong nito sa asawa.“Ano ba naman iyan, tol! Para kang bata kung magsumbong sa asawa mo!” natatawang biro ni Andrew sa kapatid.Agad na lumapit si Calvin kay Isabella at yumakap rito. “Sa kaniya lang naman ako ganito,” nakalabing wika naman nito.“Tumigil na nga kayong dalawa.” Natatawang awat naman ni Isabella. “nakakatuwa lang na nagbalik na kayo sa dati, masaya ako para sa inyong dalawa.”“Mabuti naman at napadalaw ka, iniisip ko tuloy na baka ayaw mo na akong makita, dahil sa mga nagawa kong pagkakasala sa inyong mag ina.” Malungkot ang mukhang wika ni Andrew, habang nakayuko ang ulo.Nagkatinginan ang mag-asawa kaya naman lumapit si Isabella at nagsalita, “Nagawa kang patawarin nang asawa ko, dapat ganoon rin a
Abala si Juanito sa pagbabasa nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang ospital. Agad na nagmadali sa pagbibihis si Juanito. Mabilis siyang sumakay nang kaniyang sasakyan at agad na sinabi sa kaniyang driver kung saan ospital. Hindi nagtagal nakarating siya kaagad kung saan ospital dinala ang anak. Kinakabahang nagtanong siya sa isang nurse na kaagad naman nitong sinagot. Mabilis ang mga hakbang na nagtungo siya sa operating room. Papalapit na siya nang makita niya ang isang pamilyar na tao, “Calvin, anak, anong ginagawa mo rito?” tanong nito. “Tay, ikaw, anong ginagawa mo rito?” balik tanong nito sa ama. “Tumawag sa akin ang ospital na 'to, ang sabi narito ang anak kong si Andrew.” sagot nito. Agad na bumakas ang pagtataka at pagkagulat sa mukha ni Calvin sa sinabi ng ama. “What? Anak mo si Andrew?” Tila nagkagulatan pa ang mag-ama sa nalaman kaya naman humarap si Juanito sa anak. “Anak, sabihin mo sa akin ang mga nangyari, makik
CHAPTER Sixty-Six“Mahal, may appointment ako ngayon kay Doktora magpapahatid na lang ako kay Manong Reynante” wika ni Isabella sa asawa habang kumakain ng agahan.“Okay, ibilin mo na lang kay Manang si Anikha. Baka gabihin na rin ako nng uwi mamaya Dahil may mga meetings na kailangan kong puntahan.” sagot naman ni Calvin sa asawa.Kaya naman nng matapos ang mag-anak na mag-agahan, agad silang nag-asikaso. Bago umalis si Isabella binilinan niya ang anak na si Reece na umuwi nang maaga.“Opo, may mga projects akong tatapusin sa studio ni Dad mamaya.” anito, habang inilalagay ang ibang gamit sa bag.“Maiingat ka,” bilin ni Isabella sa anak “ikaw rin po,” nakangiting sagot naman nito sa ina.Nakasakay na nang sasakyan si Isabella at medyo malayo na sila nang mapansin niyang biglang nag-iba ang direksyon na tinatahak nila.“Manong Reynante, bakit dito tayo dumaan?” nagtatakang tanong ni Isabella sa kaniyang driver.“Pasensya na po, Mam.” napapakamot ng batok na sagot nito. “ito po kasi a
Nang maka-uwi si Juanito sa kaniyang tahanan, masaya ito mahabang mahinang sumisipol. Iyon ang nakita ni Andrew sa ama habang minamasdan ito papasok. “Look who’s happy! Is it about the business?” tanong nito.“Well, more than that!” masayang sagot nito saka ito umupo sa sofa.“Bakit nanalo ka ba sa lotto?” pabirong wika ni Andrew sa ama.Mas lalong lumapad ang ngiti ni Juanito, nais man niyang sabihin kaagad dito ang nangyari sa muli nilang pagkikita nang anak na si Evren, ngunit nanatili na lamang siyang nakangiti at minabuti na huwag na lang munang sagutin ang tanong nang anak.“Dad, I’m curious like a cat, why don’t you tell me?” ani Andrew.Alam ni Juanito na hindi titigil ang anak sa pagtatanong kaya naman sinagot niya ito, “Andrew, sasagutin ko ang tanong mo na iyan sa takdang oras, sa ngayon. Masaya ako at wala nang sasaya pa sa arawna ito.” nakangiting wika ni Juanito.Tumayo ito at nagtungo sa sarili nitong silid.Naiwan naman sa salas si Andrew habang nagtataka sa ikinikilo
Ang usapan nila na dapat ay sa negosyo, naging isang masayang kuwentuhan sa mag-ama. “I’m sure Ronaldo will be surprise, when he will find out that you are my son.” Wika ni Juanito sa anak, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“About that, I’m planning to tell him, what if, sumama ka lang sa akin para magkasama natin sabihin sa kaniya.” mungkahi nito sa ama.“Mabuti pa nga,” sagot naman nito. Saka nito tinapos ang pagkakape at tumayo na mula sa pagkaka-upo. “Nais ko rin maka-usap ang iyong tito tungkol sa iyong ina, gusto kong magpaliwag.” Anito, na seryoso ang mukha. Agad naman tumayo si Calvin, at sinundan ang ama.Nagkasundo sila na duon na lang magkita dahil may mga dala silang sariling sasakyan.Abala si Ronaldo sa pag-aalaga ng kaniyang apo nang makarinig ng sasakyan sa labas. “Nagsabi ba sa ‘yo si Calvin na uuwi siya nang maaga?” Tanong nito kay Isabella na abala ring nag-aasikaso sa kusina. “Hindi po, Tito.” Sagot nito.Kaya naman nagtungo siya sa pinto upang salubungin i