ILANG araw ang lumipas, agad na nakarating ang mga magulang ni Annie ng makarating sa kanila ang balita. Humingi ng tawad si Calvin sa nangyari dahil sa sinapit ng kasintahan.“Hijo, kami ang dapat na humingi ng tawad sa ginawa ng aming anak. Matigas talaga ang ulo niya and she’s a spoiled brat, akala namin ay nagbago na siya ng makilala ka niya ngunit nagkamali pala kami. Calvin, sorry sa nagawa ng aming anak. Napahamak kayo ng dahil sa kaniya. marahil ay ginawa niya ang bagay na iyon para pagbayaran ang pagkakamali niyang ginawa. Bukas ay ipapa-crimate na namin siya at dadalhin sa America. Doon na lamang siya upang palagian naming siyang madalaw. Again, I’m sorry.” Wika ng ama ni Annie at niyakap si Calvin upang ipaalam na wala silang nararamdamang hinanakit sa nangyari sa anak.“Tito, Tita, I’m Really sorry.” Muling hingi ng tawad ni Calvin. matamis naman ngumiti ang mag-asawa at muling nagpaalam sa kaniya. sinundan na lamang ni Calvin ng tingin ang papalayong sasakyan ng mag-asawa
“MAHAL, aalis muna kami ni Reece, may bibilhin lang ako sa mall.” Paalam ni Isabella kay Calvin habang naka-upo ito sa swivel chair.“Gusto mo ba na samahan ko kayo?” tanong naman nito. “Nag-aalala ako, kahit isang linggo na ang nakakalipas, alam ko na naghihintay lang ng pagkakataon si Andrew, I don’t want to take that risk.” Paliwanag ni Calvin. ngunit ngumiti lang si Isabella at yumakap sa leeg nito.“Mahal, huwag mo na kaming alalahanin ng anak mo, marami kang naiwan na trabaho at kailangan mo na itong tapusin. Magiging maayos lang kami ng anak mo. marami kaming bodyguards na kasama at sigurado na hindi basta makakalapit sa amin si Andrew sakaling magpakita man siya,” paliwanag nito.Humugot ng malalim na hinga si Calvin saka hinawakan ang magkabilang pisngi ni Isabella. “Ano man ang mangyari, itawag mo kaagad sa akin. Hindi mo maaalis sa akin ang mag-alala ngayon lang tayo nagkasama-sama kaya hindi ko hahayaan na magkaroon ng pagkakataon ang baliw na si Andrew na makuha kayong mu
“PAKAKAWALAN ko lang sila kung gagawin ni Isabella na barilin ka. siya mismo ang papatay sa iyo. Dahil doon magiging malinis ako at siya ang makukulong. Magiging labas ako sa kaso sa pagpatay sa iyo.” Sabay tawa ng malakas. “Akalain mo, isang lalaking bilyonaryo, pinatay ng pinakamamahal niyang babae, Pero huwag kang mag-alala, palagi kitang dadalawin sa kulungan.” nakangiting wika ni Andrew, habang naka-akbay rito.“Hayop ka! hindi ko gagawin ang nais mong buwisit ka!” sigaw ni Isabella kay Andrew habang inaalis ang braso sa kaniyang balikat. “Nasisiraan ka na talaga ng ulo, sa tingin mo gagawin ko ang nais mo?”“Sige, pumapayag ako. Basta ipangako mo na pakakawalan mo sila.” Sabat ni Calvin sabay tingin kay Isabella, “mahal ko, gawin mo kung iyon lang ang paraan para makaalis kayong dalawa ni Reece.” aniya, habang nakatingin sa mga mata nito.Bakas ang pagkagulat sa mga mata ni Isabella dahil sa pagpayag nito sa gusto ni Andrew. “No! i’m not doing it, Calvin! Sigurado na may ibang p
Makalipas ang ilang buwan simula ng mahuli si Andrew, he was sentence guilty, by killing Renaldo Martinez, the man who killed by Andrew dela Cruz.Bago ilabas nang korte si Andrew nilapitan ito ni Calvin upang kausapin. “Andrew, nais lang kitang maka-usap kahit sandal lang.” paki-usap niya rito. tumango si Andrew at humarap sa kaniya.“Ano pa ba ang nais mong sabihin, alam ko na masaya ka na dahil sa wakas ay nabigyan na nag katarungan ang pagkamatay ni Ginoong Martinez. Habang buhay na ang sintenysa sa akin. Kaya magdiwang ka na.” tila inis na wika ni Andrew ngunit hindi ito tumitingin dito.“Andrew, alam ko naman na nagawa mo lang ang bagay na iyon ay dahil nais mo lang magkaroon nang maginhawang buhay. Aaminin ko na nagalit ako sa iyo at namuhi. Ngunit mayroon naman akong…” pinutol niya ang nais niyang sabihin at saka inilahad ang kamay rito. “Pinatatawad na kita. Sana ay maging magkaibigan tayong muli. Inaasahan ko na sana sa muli natin pagkikita ay napatawad mo na rin ang sarili
ABALA ang lahat nang tao sa mansyon sa pag-aasikaso. “Reece, ready ka na ba?” tanong ni Calvin sa anak ng pasukin niya ito sa silid nito. Nakita niyang tumango ito habang inaayos ang kurbata. Nakita niya na tila hirap ito sa pagbubuhol ng maayos kaya naman nilapitan niya ito at inagaw ang pag-aayos nito. “Pasensya na, Dad. Kadalasan talaga si Mommy ang nag-aayos ng kurbata ko.” Anito, habang tinitignan sa salamin ang ginagawa ng ama. “Reece, you’re old enough to fix this things all by yourself, huwag kang umasa lagi sa mommy mo. puwede ka naman lumapit sa akin kapag may kailangan ka. I told you that if you need something, just tell me. Don’t ever hesitate to ask.” Wika nito sa anak. Nang matapos nito ang pagbubuhol ng kubata ng anak matiim na tinitigan niya ito. “I’m so happy and lucky to have a son like you. Ilang taon kitang hindi nakasama, hindi ko nakita kung paano ka lumaki, pero sa kabila ng lahat ng naranasan mo sa kamay ni Andrew naging matatag ka. huwag kang magbabago, a
"ANONG balita?""Nakabalik na sila, kadarating lang nila nitong umaga." pagbabalita nito. Ano na ang gagawin natin, Boss Andrew?""Wala kang ibang gagawin kung hindi ang maghintay." anito, saka tumingin sa likod nang kausap. "Narito na pala ang inaasahan kong bisita." tumayo si Andrew saka sinalubong ng yakap ang bagong dating."Kuya!" pagbati nito. matapos salubungin ang pagyakap ng nakatatandang kapatid."Susan, kumusta bunso? Akala ko pababayaan mo na lang ang pinakamamahal mong kuya rito sa kulungan." wika ni Andrew sa nakababatang kapatid."Ano ka ba naman kuya magagawa ko ba sa iyo yon!?" anito na may paghawak sa kamay ng kapatid. kung alam mo lang kung gaano ako pinagalitan ni Papa dahil hinayaan kitang makulong rito. inaasikaso na ni Attorney ang paglabas mo rito." saad nito."Magaling, Susan. pakisabi na rin kay papa na maraming salamat." wika ni Andrew sa kapatid."Kuya, remember? hindi tumatanggap si Papa ng Thank you, kaya humanda ka pag-uwi mo sa bahay." natatawang sabi n
MASAYANG naglalakad si Calvin papasok ng kaniyang opisina habang kasunod na pumasok ang kaniyang sekretarya. “Sir Calvin, narinig mo na po ba ang balita?” tanong nito na ipinagtaka naman ni Calvin. “Bakit? Anong balita naman ang nahagap mo?” tanong nito rito. “Ang balita sir, nakita na raw ni Juanito lopez ang nawawala niyang anak!” pagbabalita nito, na ikinakunot ng noo ni Calvin. “Talaga? Akalain mo nga naman, all this years nagawa pa rin niyang makita ang kaniyang anak.” anito, “sigurado ako na one of this days ay ipapakilala na niya ito sa publiko.” Seryosong wika niya sa kaniyang sekretarya. “Tama ka, Sir. Marami na ang nag-aabang sa bagay na iyan. Pero, sir, Hindi ka ba kinakabahan tungkol dito?” “No, why?” sagot ni Calvin dito. “Sir, ang mga Lopez ang matinding kakompitensya ng mga Del Fierro pagdating sa negosyo,” “I don’t have to worry about it. Matatag na ang kompanya.” Kampante niyang sagot rito. “Ang mabuti pa bumalik ka na sa mesa mo, balik na sa trabaho.” “Ye
“DUMATING ba sila?” tanong ni Andrew sa kaniyang sekretarya, habang inaayos ang kaniyang kurbata. “Sorry sir, pero walang Del Fierro ang dumating.” Sagot nito. “Ganoon ba, nagiging mautak ka na talaga, Calvin. Hindi ka na katulad ng dati na kaya ko pang utuin, dahil matalik pa tayong magkaibigan. Ngayon na halos magkaribal na tayo sa lahat, wala nang lugar ang pagkakaibigan. Tignan na lang natin kung sino ang mananalo sa pagkakataong ito, at sisiguraduhin ko na hindi ka na talaga makakabangon pa.” Wika ni Andrew habang nasa harap ng salamin at tinitignan ang sarili. Matapos niyang makalabas sa kulungan ilang linggo ang nakakalipas, agad na ipinaasikaso ng kaniyang ama ang isang pagtitipon. Ito na nga ang araw na isasapubliko na ang pagpapakilala sa kaniya bilang anak ng isa sa mayamang pamilya. Ang mga Lopez. “Pumapanig pa rin sa akin ang suwerte, gagamitin ko ito para mailagay ka sa dapat mong kalagyan.” Aniya, tumalikod siya sa salamin at taas-noong naglakad palabas ng kaniy
“Ano ba ang pag-uusapan natin?” tanong ni Andrew sa dalawang matanda.“About the business,” sagot ni Juanito sa anak. “We decided to merge th two Company, sa ganoon ay magiging mas malakas ito, sigurado na wala nang tatalo kapag pinagsama ang Del Fierro at Lopez.” Masayang pagbabalita ni Juanito sa dalawa.“Pero Papa, sigurado na ba kayong dalawa sa desisyon niyo?” tanong ni Andrew.“Oo nga, siguradong magiging malaking usapin ito lalo na sa mga board of directors.” Dagdag ni Calvin. Alam nilang magkapatid na malaking katanungan ito lalo na sa mga empleyado nang dalawang kumpaniya.“Andrew, Calvin. Kayong dalawa ang magiging tagapamahala ng lahat. Oo nga at pagsasamahin natin ang dalawang kumpaniya, pero hindi iyon nangangahulugan na isa lang ang mamamahala.” Ani Ronaldo, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“Ilang araw na rin namin pinag-uusapan at maiging pinag isipan ang lahat ni Ronaldo, matanda na kami at gusto na naming mag-enjoy sa buhay.” Wika ulit ni Juanito kasunod
“Pupunta ba talaga si Del fierro at Lopez?” tanong ni Nyx nang mapansin ang magkapatid na lang ang wala sa grupo.“Ang sabi ni Calvin, magsasabay na silang magkapatid sa pagpunta rito.” Sagot ni Ricardo.Ilang saglit pa ay nakita na nilang papasok ang magkapatid kasunod si Mark at Maynard.“Wow, para kayong nag-usap a! sabay pa talaga kayong apat na dumating!” ani Nyx na may pagkairita sa tinig.“Nyx the Grumpy, hindi ka ba naka score sa Girlfriend mo kaya ka ganiyan?” birong wika ni Ben sa kaibigan.“Shut up, Ben!” inis na sambit ni Nyx. “Tumigil na kayo, ang importante narito na kami atleast hindi kami nahuli.” Ani Mark ng makaupo.“Anong hindi nahuli? Huli kayong pumasok ni Gutierrez kaya sagot niyo lahat ang iinumin natin ngayon.” Nakangising wika ni Ricardo sa kaibigan.“Iyon lang ba, walang problema kung gusto niyo dagdagan niyo pa,” natatawang sagot ni Mark.Agad na naghiyawan ang grupo matapos nang sinabi ni Mark, kaya naman um-order sila ng isang expensive na whiskey. “Ngay
“Calvin, sa tingin mo ba na ito na ang tamang oras ka kausapin ang anak mo?” nag-aalangan na tanong nito sa kapatid.“Kuya, ikaw na ang nagsabi hindi matatapos ang problema kung hindi pag-uusapan.” Sagot naman ni Calvin. Kaya muli itong kumatok.“Anak, papasok na ako.” Pagbukas niya nang pinto nakita niya si Reece na abala sa pagpipinta. “bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa kita tinatawag,” aniya sa anak,“Sorry dad, wala lang po akong gana kumain,” sagot nito habang nananatili ang atensyon sa ginagawa.“Reece, tell me, is it about your tito Andrew?” Malakas na napabuntong hininga si Reece nang mabanggit nang ama ang pangalan na ayaw na niyang marinig kahit kailan.“Dad, bakit ba siya narito? Alam ko na kailangan ko siyang respetuhin, pero hindi ko maiwasan na magalit sa kaniya.” Anito, na kaagad na binitawan ang paint brush at pallet na hawak.Naglakad ito at naupo sa gilid nang kama, “Dad, ang totoo, ayoko siyang Makita. Galit ako sa kaniya lalo na kapag naiisip ko ang mga masas
Maagang nagising si Calvin dahil sa pagtawag nang kapatid na si Andrew.“Calvin, may gagawin ka ba mamaya?” seryosong wika ng nasa kabilang linya.“Oo, may mga appointment ako ngayong araw. And by the way good morning!” natatawang wika naman ni Calvin sa kausap. Pagak na natawa naman ang nasa kabilang linya. “Sorry for waking you up this early.” Hingi naman nito nang paumanhin. “Nah! Kailangan ko rin naman gumising nang maaga, nakatoka akong magluto ngayon, kailangan kong ipagluto nang almusal ang pamilya ko. Maaga ang pasok ni Reece ngayon dahil may Exam sila, at ayoko naman abalahin ang asawa ko dahil puyat siya sa pag-aasikaso kay Anikha.” Paliwanag nito habang nakatingin sa salamin sa loob ng banyo.“Okay, ayos lang ban a magkita tayo mamaya, dinner?” “Kuya, magpunta ka na lang dito, magpapaluto ako kay manang isama mo si Itay, total Saturday bukas, mag-bonding tayo.” Aya naman nito na saglit namang ikinatigil nang nasa kabilang linya.“Still there, kuya?” “Yeah, sige.” Sagot
“Mukhang nagkakatuwaan kayong magkapatid,” wika nang bagong pasok sa pintuan.“Isabella!” masayang pagbati ni Calvin at Andrew rito.“Mahal ko!, mabuti naman at naisipan mo nang dalawin ang mokong na ito. Kanina pa nagtatanong ito kung kailan ka dadalaw sa kaniya.” Pagsusumbong nito sa asawa.“Ano ba naman iyan, tol! Para kang bata kung magsumbong sa asawa mo!” natatawang biro ni Andrew sa kapatid.Agad na lumapit si Calvin kay Isabella at yumakap rito. “Sa kaniya lang naman ako ganito,” nakalabing wika naman nito.“Tumigil na nga kayong dalawa.” Natatawang awat naman ni Isabella. “nakakatuwa lang na nagbalik na kayo sa dati, masaya ako para sa inyong dalawa.”“Mabuti naman at napadalaw ka, iniisip ko tuloy na baka ayaw mo na akong makita, dahil sa mga nagawa kong pagkakasala sa inyong mag ina.” Malungkot ang mukhang wika ni Andrew, habang nakayuko ang ulo.Nagkatinginan ang mag-asawa kaya naman lumapit si Isabella at nagsalita, “Nagawa kang patawarin nang asawa ko, dapat ganoon rin a
Abala si Juanito sa pagbabasa nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang ospital. Agad na nagmadali sa pagbibihis si Juanito. Mabilis siyang sumakay nang kaniyang sasakyan at agad na sinabi sa kaniyang driver kung saan ospital. Hindi nagtagal nakarating siya kaagad kung saan ospital dinala ang anak. Kinakabahang nagtanong siya sa isang nurse na kaagad naman nitong sinagot. Mabilis ang mga hakbang na nagtungo siya sa operating room. Papalapit na siya nang makita niya ang isang pamilyar na tao, “Calvin, anak, anong ginagawa mo rito?” tanong nito. “Tay, ikaw, anong ginagawa mo rito?” balik tanong nito sa ama. “Tumawag sa akin ang ospital na 'to, ang sabi narito ang anak kong si Andrew.” sagot nito. Agad na bumakas ang pagtataka at pagkagulat sa mukha ni Calvin sa sinabi ng ama. “What? Anak mo si Andrew?” Tila nagkagulatan pa ang mag-ama sa nalaman kaya naman humarap si Juanito sa anak. “Anak, sabihin mo sa akin ang mga nangyari, makik
CHAPTER Sixty-Six“Mahal, may appointment ako ngayon kay Doktora magpapahatid na lang ako kay Manong Reynante” wika ni Isabella sa asawa habang kumakain ng agahan.“Okay, ibilin mo na lang kay Manang si Anikha. Baka gabihin na rin ako nng uwi mamaya Dahil may mga meetings na kailangan kong puntahan.” sagot naman ni Calvin sa asawa.Kaya naman nng matapos ang mag-anak na mag-agahan, agad silang nag-asikaso. Bago umalis si Isabella binilinan niya ang anak na si Reece na umuwi nang maaga.“Opo, may mga projects akong tatapusin sa studio ni Dad mamaya.” anito, habang inilalagay ang ibang gamit sa bag.“Maiingat ka,” bilin ni Isabella sa anak “ikaw rin po,” nakangiting sagot naman nito sa ina.Nakasakay na nang sasakyan si Isabella at medyo malayo na sila nang mapansin niyang biglang nag-iba ang direksyon na tinatahak nila.“Manong Reynante, bakit dito tayo dumaan?” nagtatakang tanong ni Isabella sa kaniyang driver.“Pasensya na po, Mam.” napapakamot ng batok na sagot nito. “ito po kasi a
Nang maka-uwi si Juanito sa kaniyang tahanan, masaya ito mahabang mahinang sumisipol. Iyon ang nakita ni Andrew sa ama habang minamasdan ito papasok. “Look who’s happy! Is it about the business?” tanong nito.“Well, more than that!” masayang sagot nito saka ito umupo sa sofa.“Bakit nanalo ka ba sa lotto?” pabirong wika ni Andrew sa ama.Mas lalong lumapad ang ngiti ni Juanito, nais man niyang sabihin kaagad dito ang nangyari sa muli nilang pagkikita nang anak na si Evren, ngunit nanatili na lamang siyang nakangiti at minabuti na huwag na lang munang sagutin ang tanong nang anak.“Dad, I’m curious like a cat, why don’t you tell me?” ani Andrew.Alam ni Juanito na hindi titigil ang anak sa pagtatanong kaya naman sinagot niya ito, “Andrew, sasagutin ko ang tanong mo na iyan sa takdang oras, sa ngayon. Masaya ako at wala nang sasaya pa sa arawna ito.” nakangiting wika ni Juanito.Tumayo ito at nagtungo sa sarili nitong silid.Naiwan naman sa salas si Andrew habang nagtataka sa ikinikilo
Ang usapan nila na dapat ay sa negosyo, naging isang masayang kuwentuhan sa mag-ama. “I’m sure Ronaldo will be surprise, when he will find out that you are my son.” Wika ni Juanito sa anak, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“About that, I’m planning to tell him, what if, sumama ka lang sa akin para magkasama natin sabihin sa kaniya.” mungkahi nito sa ama.“Mabuti pa nga,” sagot naman nito. Saka nito tinapos ang pagkakape at tumayo na mula sa pagkaka-upo. “Nais ko rin maka-usap ang iyong tito tungkol sa iyong ina, gusto kong magpaliwag.” Anito, na seryoso ang mukha. Agad naman tumayo si Calvin, at sinundan ang ama.Nagkasundo sila na duon na lang magkita dahil may mga dala silang sariling sasakyan.Abala si Ronaldo sa pag-aalaga ng kaniyang apo nang makarinig ng sasakyan sa labas. “Nagsabi ba sa ‘yo si Calvin na uuwi siya nang maaga?” Tanong nito kay Isabella na abala ring nag-aasikaso sa kusina. “Hindi po, Tito.” Sagot nito.Kaya naman nagtungo siya sa pinto upang salubungin i