ChantriaSa mga susunod na ilang oras ay tahimik lang kaming dalawa. Tumataas na ang sikat ng araw at ramdam ko na rin ang init at pagod pero wala pa rin kaming nakikitang pagkain o maiinom. Hindi lang ako nagsasalita pero nagsisimula na akong mag-alala. Kung hindi malalagyan ng kahit ano ang mga tiyan namin ay mas mahihirapan kaming matapos ang course. Parang na-jinx ko pa nga yata talaga dahil pahirap nang pahirap ang course na daraanan namin.May nakita kami kaninang mas maayos at madaling daan pero hindi iyon ang tinuturo ng mapa. Kaya kahit nag-aalangan ay kailangan naming sundin kung ano ang nasa mapa kung ayaw naming maligaw. Hindi nga kami naligaw pero humirap naman ang bawat course.May mga nakahandang activities sa gitna ng bundok kaya alam naming nasa tamang daan pa kami. May ilan sa mga ‘yon ang kailangang akyatin ang mga puno dahil hindi kami makakatawid sa parte ng lupa na puro putik. May maliit na palatubigan din doon kaya doon kami nakainom ng tubig kahit papaano. Ma
ChantriaI thought for a moment. “Na-miss kong panoorin ang ulan. This is a rare moment. I should cherish it.”Naramdaman ko ang pagtingin niya sa ‘kin. “Why is it a rare moment? Pwede mo namang panoorin ulit kapag umulan.”“It’s different. I don’t think I can watch it again with someone else. Kaya salamat at nandito ka. Although it’s entirely coincidental.”“Well, you can watch it again with Iwatani. Hindi ba at boyfriend mo naman siya. You can ask him to watch it with you.”Kumunot ang noo ko. “Iwatani’s not my boyfriend.”Napaawang ang bibig niya at tila naghahanap ng sasabihin. “But… I though… Makino said you’re in a relationship.”Agad akong umiling. “Nope. We’re not. We’re just friends.” Hindi ko inaasahan na hindi pa rin pala niya alam ‘to. I thought Lorreine already cleared the misunderstanding. Hindi pa rin pala. I should do it myself, then.Napatango-tango siya bago umayos ng upo. “Sobrang close niyo kasing dalawa kaya akala ko. The others thought that too, by the way. Hindi
ChantriaKasalukuyan kaming nag-aayos ng mga gamit sa pag-uwi namin. Ngayon ko naramdaman ang pagod kaya halos hindi ko maiangat ang mga braso ko para mag-ayos. Pero hindi ko naman mahingi ang tulong nina Louella at Lorreine dahil alam kong pagod rin sila gaya ko.Matapos talaga ang saya at enjoyment, pagod ang kasunod. It’s not that I’m complaining, though. Gusto ko lang talaga humilata na at magpahinga.Paglabas namin ng cabin ay halos naroon na ang lahat. Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Iwatani na naglalagay na ng gamit sa bus. Matapos niyang mag-ayos ay mabilis niya akong nahanap at nilapitan.“Wala ka bang nakalimutan?” tanong niya habang inaabot ang mga dala ko.“Wala na. Ito na lahat ang mga dala ko.”Tumango lang siya at nauna na sa paglalagay ng mga gamit ko. Napatingin naman ako kay Lorreine na nasa tabi ko na. “Sana all may tagabitbit ng gamit. Kailan ko kaya mahahanap ang tutulong sa ‘kin?”Mahina kaming natawa ni Louella. “Hindi hinahanap ang mga lalaki, Lorreine,” a
ChantriaNapatingin ako sa paligid nang mapagtantong nasa isa kaming restaurant. Knowing Gab and his humongous house, I know that he’s rich. At least his parents are. Kaya naman hindi na ako nagulat nang dalhin niya ako rito sa isang mamahaling restaurant.“I told you,” sabi ko, “we could have gone to a cheaper restaurant. Hindi naman ako mapili.”Napaawang ang bibig niya at napaisip. Nilapit niya ang mukha sa ‘kin at sinabi, “This is supposed to be a secret, but I’m telling you anyway. I don’t really eat cheap stuff. Sumasakit ang tiyan ko kapag gano’n.”“Seriously?”Tumango siya. “Seriously. Ayokong maging picky sa pagkain pero hindi talaga natanggal ‘yon sa ‘kin. I’m allergic to many foods so let me do this. It’s my treat anyway. Sabihin na lang nating sinamahan mo ‘kong kumain. This is the least I can do.”Muli na naman akong napangiti dahil sa sinabi niya. I don’t know if he’s really allergic to cheap foods pero hinayaan ko na. Mukhang gusto niya talaga akong pakainin dito sa mam
ChantriaAs expected, sobrang awkward sa tuwing naiiwan kaming dalawa ni Iwatani lalo na ngayong sina Louella at Lorreine ang nakapila para sa pagkain naming apat. Actually, Louella insisted na siya naman ang sumama imbis na si Iwatani.Wala naman akong nagawa dahil kailangang may maiwan sa table namin para hindi kami maagawan. Ayoko rin namang iwan dito mag-isa si Iwatani. Pero sa totoo lang, gustong-gusto kong umalis ngayon sa kinauupuan ko dahil sa sobrang pagkailang.Alam kong may alam si Louella. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ‘yon o talagang masyado lang kaming obvious ni Iwatani. Sa tuwing may nangyayari kasi sa ‘min ay para bang alam agad ni Louella. Maybe she’s good at reading the atmosphere. I don’t know. Pero natutuwa ako dahil kahit papaano, binibigyan niya kami ng space and privacy. Hindi naman kasi siya nagtatanong. Dumating na’t lahat sina Louella at Lorreine ay tahimik pa rin kami ni Iwatani. But unlike before, kinakausap ko naman sina Lorreine na para bang wa
ChantriaNang maihatid ako ni Gab sa bahay ay saka ko lang siya tiningnan. Mas maayos na ang itsura niya kumpara kanina. Mukhang kahit papaano ay napagaan ko naman yata ang pakiramdam niya.His problems didn’t disappear, but at least napagaan ko ang loob niya kahit saglit lang. From here on out, siya na ang bahala kung paano niya mareresolba ang problema niya. Basta kahit anong mangyari, nandito lang ako. After all, this is his life, not mine. Nandito lang ako para magbigay ng advice.“Thank you so much for today, Seanne,” ani niya. “Hindi ko ‘to makakalimutan.”I smiled. “You’re welcome. Kung kailangan mo ulit ng masasandalan at makakakwentuhan, nandito lang ako. We’re friends, after all.”Hindi agad siya sumagot. “Right. We’re friends.”Hindi na ako nakasagot dahil nakita ko na ang sasakyan ni Iwatani na nag-park sa harap ng bahay nila. Binalik ko ang tingin ko kay Gab na ngayon ay nakatingin na rin kay Iwatani na lumalabas ng sasakyan. “Anyway, maaga pa ang klase bukas. Tiyak magi
ChantriaSa sobrang daming ginagawa sa school ay hindi ko na namalayang palapit na nang palapit ang graduation namin. Naghahanda na kami para sa defense namin mamaya at hindi na naman ako mapakali.Alam kong naghanda kami para sa araw na ‘to pero hindi pa rin talaga mawala ‘yong mga daga sa tiyan ko dahil sa sobrang kaba. Miski sina Lorreine at Louella ay pabalik-balik na at paulit-ulit sa pagkakabisa ng mga sasabihin nila.Tanging si Iwatani nga lang ang kalmado at nakapikit lang sa isang gilid na para bang handang-handa na siyang sumabak kanina pa.“I’ll really pay a lot to get that confidence of yours, Iwatani,” komento ni Lorreine. “Hindi ko alam kung paano mo nagagawang maging kalmado sa mga ganitong pagkakataon.Dinilat ni Iwatani ang kaniyang mga mata at saka tiningnan si Lorreine. “I’m also nervous. Ganito lang ang paraan ko para pakalmahin ang sarili ko.”Napatango na lang ito. “Hindi halata, ah? Ang kalmado mo kayang tingnan.”Hindi na namin naituloy ang sasabihin namin nang
ChantriaI’m glad Iwatani and I are becoming friends. As in, iyong totoong magkaibigan. Hindi ‘yong gawa-gawang childhood friends lang. Dahil sa naging confession ko, we got to rest and think about everything.Unti-unti na naming nakikilala kung sino nga ba kami. We’re becoming proper friends.Pero ang hindi ko nagugustuhan ko ngayon ay ang awkwardness sa pagitan namin ni Gab sa tuwing naiiwan kaming dalawa na magkasama. Madalang mangyari ‘yon pero hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot.That’s when I realized how that kind of feeling can get in between two friends. Kapag may isa sa mga magkakaibigan ang nahulog, it’s just one of the two. One, they both will have feelings for each other. And two, they’ll stop being friends because the other one doesn’t feel the same way.Nakakalungkot lang dahil kailangang mangyari sa ‘kin ‘yon. I’m really glad na magkaibigan kami ni Gab. Natutuwa ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na maiintindihan ako to an extent. I’m happy being friends with Lo
ChantriaDahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko pero agad rin napapikit dahil sa sakit ng ulo ko. Pero nang bumalik sa ‘kin ang lahat ng nangyari ay mabilis akong bumangon mula sa kama ko. Hindi ko na ininda pa ang kumikirot kong sentido dahil isa lang ang gusto kong makita ngayon.“Carleigh!” bulalas ko nang makarating ako sa sala ng bahay namin ni Chanel. Sabay na napalingon sa ‘kin sina Chanel at Iwatani na naglalaro ng xbox. Agad na hininto ni Iwatani ang nilalaro nila para kausapin ako.“She’s in the kitchen,” sagot ni Chanel. “She said she wanted to cook for you.”Hindi ko na tinapos ang sinasabi niya at kumaripas na ng takbo sa kusina. There I saw her back turned on me. Naghahalo siya ng kung ano sa kawali. Muli na namang tumulo ang luha ko sa mga mata. I can’t believe that she’s really here. Hindi panaginip ang lahat. Nandito nga siya sa harap ko.“Carleigh…”Napaharap siya saglit, gulat sa biglaan kong pagsasalita. “Chantria, you’re awake. Okay na ba ang pakiramdam mo? Na
Chantria “Woah! Woah! Calm down, princess,” ani Lance habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. “Ang sabi mo kaibigan mo si Iwatani. You lied to me!” “Hindi ako nagsinungaling, binibini. Best friend ko si Iwatani.” “Kung kaibigan mo siya, bakit mo kasama ang isang ‘to?” Tinutok ko ang baril kay Gab na kalmado lang na nakatayo malapit sa isang sasakyan. Nakasandal pa siya roon habang nakatitig sa ‘kin na para bang hindi siya natatakot sa hawak ko. “Si Isaac? Bakit? Hindi ko siya best friend pero kaibigan ko rin siya. Kilala mo ba siya?” “Hindi ko lang siya kilala. Kilalang-kilala ko siya.” Napatingin siya sa kaibigan niya nang nagtatanong kaya sumagot si Gab. “Siya si Chantria, Lance. O mas kilala mo bilang si Seanne.” Nalaglag ang panga ni Lance at tila naestatwa sa kinatatayuan niya. “Ito ‘yong babaeng kinababaliwan mo? Hindi ko inaasahang ganito pala ang tipo mo.” Sinubukan kong huwag magpaapekto sa sinabi ni Lance. Baka nagsisinungaling siya. Hindi. Tiyak na nagsisinungali
Chantria Matapos ang mahabang araw ko sa trabaho ay dumeretso ako sa bahay namin ni Chanel. And yes, we’re still living together. Iyon nga lang, madalang kaming magkita bukod sa umaga bago pumasok. Pero nagulat ako dahil ang aga niyang nakauwi ngayon. “You’re early,” bungad ko. Sumalampak din ako sa sofa at dumukot ng kinakain niyang chichirya. “Para bago naman. I need a break.” Saglit kaming natahimik habang nanonood sa TV nang bigla siyang magsalita. “I heard the one who killed Carleigh is caught.” Mahina ang boses niya, sapat lang para marinig ko. “I don’t know yet. Pero ayon kay Lorreine, may kinalaman ‘yong lalaking nahuli nila sa nangyari. Hindi ko alam kung siya na ba ‘yong pumatay o may iba pa.” “Bakit parang nagdadalawang isip ka pa? This is what we’ve been waiting for, right? Ang mahanap ang killer.” “Hindi ko alam. I don’t think I can face him yet.” Pinatay niya ang TV bago ako hinarap. “Let me ask you something. Ano bang gusto mong gawin? Anong paghihiganti ba ang p
Chantria Binaba ko ang cap na suot ko para itago ang mukha ko kahit papaano. In-adjust ko rin ang pekeng salamin ko para makita nang maayos ang dinadaanan. Nagpatuloy ako sa pagtulak ng mga gamit panglinis papunta sa elevator. May ilan akong nakasabay na binati ko. Binati naman nila ako pabalik ngunit hindi na nang-usisa pa. I need to act as natural as possible. Ayokong mahuli ako matapos ang lahat ng ginawa ko para lang sa misyong ‘to. Hindi ako aalis sa hotel nang wala akong nakikitang ebidensya laban sa kanila. Nang makarating ako sa ikalabing-dalawang palapag ay bumaba na ako. Patuloy kong tinutulak ang mga panlinis papunta sa room ni Gab. Tumingin muna ako sa kanan at kaliwa bago pinasok ang card at nag-swipe. Pigil-hininga ko pa ‘yong ginawa hanggang sa tumunog ang lock hudyat na bumukas na ang pinto. Maaasahan talaga si Lorreine sa mga ganitong gawain. At tiyak naman babatukan ako ni Chanel kapag nalaman niya ‘to. Iwatani doesn’t want me to do these things too kaya hindi
ChantriaTulala ako habang nakatingin sa kawalan. Hindi pa rin mawala sa ‘min ang naging tagpo sa 7/11 kanina. Hindi ako makapaniwalang nakita ko ulit siya matapos ang maraming buwan.And he was not looking for me, he said. Hindi siya magpapakita kung ayaw ko siyang makita. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa sinabi niyang ‘yon o ano. But one thing is for sure, he still loves me. Chanel is right. He loves me. Well, hindi siya sigurado kung mahal ba talaga niya ako o hindi pero sabi niya, hindi nagbago ang nararamdaman niya.There’s something inside me, hoping na sana ay nagsasabi siya ng totoo. May parte sa ‘kin na naniniwalang wala talaga siyang kinalaman sa kung ano man ang ginagawa ng dad niya. Naipit lang siya.Ngayon, I just have to wait. Maghintay sa kung ano man ang plano niyang gawin. Hindi ko alam kung anong klaseng plano ang gagawin niya, but I will believe in him.“Akin na nga lang ‘yang ice cream mo.” Hinablot na ni Chanel ang hawak kong ice cream bago pa ako maka
Chantria“Congratulations on passing the interview,” ani HR manager na si Ma’am Dianne Guttierez. “From here on out, you’ll be assigned to different leaders to guide you. I want to introduce to you Miss Anna Marshall, the head of the marketing department.”Nagpakilala naman ang isang matangkad na babaeng may suot na eyeglasses. Matapos n’on ay pinakilala sina Lorreine at Louella na silang magiging apprentice ni Miss Marshall.“And Miss Yao Lu, the head of the general management.” Siya naman ‘yong mas maliit na babae na may suot ding eyeglasses pero mas makapal.Tumango naman kami ni Chanel nang tawagin niya ang pangalan namin. Sa kaniya kami naka-assign. Tanging si Ma’am Dianne lang ang nakakaalam kung sino kaming dalawa ni Chanel para na rin maiwasang ang favoritism sa kompanya. Ayaw rin namin magkaroon ng priviledge sa pagiging apprentice namin dito. Malaki na ngang tulong na nakapasok kami rito kahit na magkokolehiyo pa lang kami. Ayaw naman naming sagarin ang impluwensya namin. M
Chantria“Bakit naman gulat na gulat ka na makita ako?” tanong niya. “I told you I’m coming today, right? Nakalimutan mo ba?”Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti pero hilaw ang kinalabasan n’on. “I–I’m just… yeah. I forgot.”Mahina siyang natawa. “That’s okay. I’ll wait for you here para makapag-ayos ka. We’re going somewhere, and you’re going to love it.”Tumalikod siya at akmang babalik sa sasakyan niya nang tawagin ko siya. Humarap siya sa ‘kin nang may nagtatanong na tingin.“What? May problema ba?” He ambled near me. Inilahad niya ang kamay niya sa ‘kin pero hindi ko ‘yon tinanggap.“Let’s not go today. I’m not feeling well.”Hindi niya pinansin ang hindi ko pagtanggap sa kamay niya at hinawakan na lang ang noo ko. “You don’t have a fever. Pero kung masama ang pakiramdam mo, let’s go there next time. Teka at bibilhan kita ng gamot.”Before I could stop him, nakaalis na siya. Napabuntonghininga na lang ako bago pumasok sa loob. Kailangan kong makaisip ng paraan para mapaalis siya
ChantriaHumigop ako sa baso ko na may kape bago humarap kay Iwatani. Narito kami sa sala para ipakilala sa ‘kin ang mga importanteng tao sa mundo ng business. Ito ang unang hakbang sa gagawin kong paghihiganti. Syempre, kailangan kong malaman kung sino ba ang mga makakabangga ko. Hindi naman pwedeng bangga lang ako nang bangga nang walang alam.“First of all, ang Zima Company. Ang kompanya ng dad mo.” Aangal na sana ako pero hindi niya ako hinayaan. “Kahit na ikaw ang tagapagmana nito, alam kong hindi mo pa kilala ang lahat ng mga tauhan ng dad mo. Tama ba?”Napaisip naman ako pero tama nga siya. Wala akong kilala. Alam kong si Joaquin ang sekretarya ni dad noon pero nang mawala siya ay hindi ko na alam kung sino ang pumalit. Miski ang member ng boards ay hindi ko pa opisyal na na-meet dahil din sa nangyari.Nilapag niya ang litrato ni dad sa mesa na agad kong dinungaw. “Philippio Geronimo Zima. Ang presidente at CEO ng Zima Corp. As you may know, may mga pag-aari siyang hotels, res
Chantria“So, who’s the other guy?” tanong niya habang nakatingin sa mga kaibigan ko na mukhang nakahinga na rin nang maluwag nang makitang hindi na tumataas ang tensyon sa pagitan naming dalawa.Napatingin ako sa mga kaibigan ko dahil hindi ko sigurado kung sino ang tinutukoy niya. “Who? Iwatani?”“The other one. The cute one.” Naningkit ang mga mata ko dahil parehong cute sina Iwatani at Gab. “The new one. I already met that Japanese-looking guy. The other one. The Spanish-looking one.”Napatango naman ako. “That’s Gab. My boyfriend.”Napataas ang isang kilay niya sa dereksyon ko. “I thought the other one was your boyfriend.”“No, he’s not. He’s my bodyguard. What about that guy? Your boyfriend?”Napairap siya. “My bodyguard, Chantria. Hindi lang ikaw ang binigyan ni dad ng bodyguard. And he’s annoying. There’s no way in hell he’s my boyfriend.”Natawa naman ako sa sinabi niya. “You two look cute together.”Napangisi naman siya dahil sa sinabi ko. “You and your bodyguard look cute t