PAUNANG SALITA
I'm Celestine Nicole Quintana. 15 year's old, a highschool student with High Honour. Wala ng mapipintas sa'kin sabi ng iba bukod sa matalino, maganda, mapagkumbaba at maunawain ay lahat na daw sinalo ko na.
Pero...
Mali sila dahil mukhang tulog ako ng nagpaulan ang langit ng Pagmamahal. Hindi ko alam kung paano makuha 'yun o kung nabibili ba 'yon. Hindi naman ako mahirap pero bakit namumulubi ako pagdating sa pag-ibig.
Hindi ko naramdaman na mapansin nila daddy and mommy ng matagal. Kahit na marami pa akong ilatag na medals sa harap nila, also my first boyfriend left me nang makilala niya ang kambal ko sa hospital.
Am I unworthy of being love by someone?
Kahit na ganoon kontento parin ako, mamahalin ko nalang ang sarili ko dahil 'yun ang nararapat. Pero, paano kung pati ang buhay na iniingatan ko, ay kunin din nila ng puwersahan sa akin?
Hahayaan ko parin ba sila?
Hindi rin ba ako karapat-dapat para sa buhay na meron ako?
Instead of cheer me up to fight against on my Brain Cancer.
They kill me forcibly that called Euthanasia and be a donor for my twin sister.
Kahit dito, hindi ko parin hawak ang buhay ko at ang pinakamasakit, hindi parin nila ako pinili.
KABANATA 1
Nakaconfine si Celestine Pearl Quintana sa Hospital at hinihintay na nang mga doktor ang pagtulog niya para maisagawa ang heart transplant sa kaniyang kambal.
“Anak. Patawarin mo si mommy and daddy,” panghihingi ng ina ng tawad habang naiyak. Napapikit naman si Celestine habang pinipilit ikuyom ang kamao ng mariin.
Isang patak ng luha ang dumaloy mula sa mga mata ni Celestine. “Mom... Makakaya ko pa naman mabuhay, daddy pigilan niyo si Mommy!” halos ‘di tumitigil ang kan’yang luha sa pag-iyak habang pinipilit na makagalaw at ‘di matulog. Dahil nakahiga lang siya sa hospital bed at paralisado ang katawan. Nais man niyang tumakbo o tumakas ngunit 'di niya magagawa.
“Mom, anak niyo rin ako 'diba? Tsaka, may paraan pa naman para matanggal ang Tumor ko sa utak kaya ‘wag niyo po sa’kin gawin ito. Please!” pagmamakaawa niya pa na nailing ang ulo pero mukhang ‘di na mababago ang pasya ng kaniyang magulang.
Tinawag naman niya ang kaniyang ama upang humanap ng kakampi.
“Dad?” Nagbingi-binghan lang din ito at ‘di s’ya nilingon.
Kahit na bumibigat na ang talukap ng kan’yang mga mata ay pinipigilan n'ya parin sapagkat maaring hindi na siya magising pa kung sakali man na siya’y makatulog.
“Mom? Kahit kelan ba hindi niyo ako kayang piliin? Kahit dito lang?” ‘Di mapigilang umagos ang kaniyang luha habang pinapanood siya ng kaniyang mga magulang na mamatay. Hindi n’ya lubos maiisip na masisikmura ng kan’yang magulang ang manuod lamang at ipagdasal ang kaniyang kamatayan.
Tumingin siya ng matalim sa kanila at napansin nilang nagdudugo ang labi ni Celestine. Dahil sa sarili nitong kagat mapigilan lang niyang 'di makatulog. Halos mabalot ng pagkaputla ang mukha ni Celestine at unti-unti naring nanghihina. Gustong niyang sumigaw at magsalita ng masasakit ngunit paralisado ang buong katawan n'ya at wala na magagawa kundi ang tumitig sa kanila.
“Mom. Dad. I... Ikinaya kong magpaubaya sa lahat... Ngunit kung mismong buhay ko na ang hihingin niyo-” Napalunok naman si Celestine ng laway bago ulit nagsalita. “Parang sobra na po yata."
Sila nga tunay na mga magulang ni Celestine. Ngunit sa paggawa nang desisyon na patayin ang sariling anak. Upang maging donor sa puso sa kambal nito, ay hindi makatarungan.
Buong buhay niya ay lagi siyang nagpapaubaya sa kaniyang kambal, dahil may sakit ito. Hindi niya rin nagawang makihati sa atensyon ng kanilang magulang, sapagkat ayaw niyang makaramdam ito ng pag-iisa sa loob ng hospital. Habang nagdiriwang ng kaarawan ang kambal nito sa loob ng Hospital, ay hindi manlang sumasagi sa isip nila si Celestine.
Kahit kelan ay hindi sila nag-alala sa buhay ni Celestine. Nang ma-diagnosed siya ng Brain Tumor ay inakalang mapapansin na rin s’ya ng kaniyang magulang pero nagkamali siya. Kahit may kakayahan pa silang ipagamot si Celestine ay 'di nila ginawa sapagkat bilang nalang ang araw ng paborito nilang anak. Ang tanging paraan nalang para mabuhay ito ay ang puso na meron si Celestine, kaya puwersahan nila na gustong kinuhain ito.
Halos isumpa ni Celestine ang kaniyang mga magulang sa kaniyang isip at itanong kung saan nga ba siya nagkulang?
Subalit luha na lamang ang maitutugon ni Celestine habang dahan-dahang nanlalabo ang paningin. Dahil narin sa Sleeping pills na sapilitang pina-inom sa kaniya, para maisagawa na agad ang Surgery.
Samantala, bago isinagawa ang plano ay sinigurado naman nila ipapalabas itong isang Euthanasia. Dahil may Brain Tumor din si Celestine ngunit ito gano’n kalala at makakaya pang tanggalin.
Ang Euthanasia ay isang uri ng legal na pagpatay sa pasyente upang matapos na ang paghihirap nito. Maaring maging ilegal ito kung ang pasyente ay may kakayahan pang mabuhay at walang abiso sa pagpatay.
‘Mahal ko sila at lagi ko sila inuunawa, pero ngayon hindi ko na kaya pa. Dahil kinuha nila ang pinakamahalagang bagay na meron ako, at ito ay ang aking puso.’
‘Kahit dito, hindi ko parin hawak ang buhay ko at ang pinakamasakit, hindi parin nila ako pinili.’ Daing ni Celestine sa sarili bago lagutan ng hininga.
...
Months Ago
“Daniel, bakit mo pala ako pinapunta sa gan’tong lugar? Siguro may surprise ka? Nakakahiya naman,” sabik habang namumulang kausap n’ya kay Daniel, na kaniyang boyfriend at medyo kinikilig. Hindi naman niya napaghandaan ang paglabas nila kaya nahihiya s’ya ng bahagya.
“Dapat sinabi mo na may date tayo para nakapagsuot ako ng maganda,” pakunwaring naiinis niya para magpakipot, ngunit hindi s’ya pinansin nito at halatang balisa.
“Ayos ka lang? Hindi ba tayo maglilibot?”
“Daniel!” tawag pa niya dito kaya nag-alala na siya at sinuri kung may sakit ba ito. Nang lalapit siya dito ay agad itong umatras palayo sa kaniya kaya bahagya siyang nagtaka.
“Sorry Celestine,” ang sabi lang nito at ‘di parin maunawaan ni Celestine ang pinagsasabi ng kaniyang boyfriend kaya nag kunwari nalang siyang walang narinig.
“Ano ka ba bakit ka nanghihingi ng tawad, tara na gala na tayo.” Hinila niya naman si Daniel para maka-pagpahangin sakaling may gumugulo lang sa isip nito, ngunit hindi umalis sa p’westo si Daniel.
Tumingin lang ng malamig at direkta si Daniel at si sinabing.
“Let’s Break up.”
Halos mapailing si Celestine at biglang namumula na ang kan’yang mata na sa kahit ano mang oras ay maaring may tumulong luha.
“Joke ‘yan right? Siguro may plano kang iprank ako. Teka, saan nakatago ang camera?” Nilibot ni Celestine ang paningin niya sa gilid at umaasang may nakatutok na camera sa kanila.
“Daniel, hindi nakakatawa ‘yang sinasabi mo!” sigaw niya sa boyfriend n’ya pero mukhang hindi ito nagbibiro.
“Minamahal ko na si Celine. Nang una ko palang s’yang makita kahit nasa hospital lang, ay nagkagusto na ako sa kan’ya. Actually palihim akong pumupunta sa hospital para lang dumalaw, dahil masaya ako pagnakikita siya,” paliwanag niya.
“May gusto ka sa kambal ko kahit na aware ka na boyfriend kita?” Halos ‘di si Celestine makapaniwala lalo pa’t ang karibal niya pa, ay ang mismong kambal n’ya. Hindi naman mapigilang tumawa ni Celestine habang naiyak sapagkat matagal na pala s’yang mukhang tanga sa relasyon na meron sila.
“Girlfriend mo ako pero nanliligaw ka kay ate Celine? Binibiro mo ba ako!” galit na sigaw ni Celestine at 'di mapigilang sampalin si Daniel dahil sa nalaman.
“Bakit mo nagawa sa’kin ‘to? Mahal kita at kahit kelan hindi ako nanghinala at nagbulag-bulagan parin ako sa mga nakikita kong kilos mo!” sumbat niya habang pinaghahampas si Daniel sa dibdib.
“I’m sorry Celestine. Sana ‘di ka magalit kay Celine dahil ako ang may kasalanan. Nagmamahalan lang kami at gusto kong iparamdam sa kaniya ‘yon. Na kahit may sakit siya sa puso ay makakaya n’ya paring magmahal,” paliwanag ni Daniel at napahawak nalang si Celestine sa ulo niya.
“Paano ako, porque ba wala akong sakit kailangan kong magparaya. Lagi nalang ba gan’to ang mangyayari, pati ba naman boyfriend ko kailangan ko pang ipaubaya?” Sa sobrang iyak ni Celestine ay sumisikip ang dibdib niya dahilan para 'di siya makahinga.
‘Hindi ba pwedeng ako naman, Kahit sa ngayon lang?’ tanong sa sarili n’ya. Gusto niyang ilabas ang kan’yang mga hinaing sa lahat at lalo na sa kay Celine ngunit natatakot siyang maatake ito sa puso at maging dahilan ng pagkasawi nito.
“Alam mong maikli nalang buhay ni Celine kaya gusto ko siyang makasama kahit sa ganitong paraan lang. Patawarin mo ko Celestine, siguro may iba pang mas karapat-dapat na lalaki para sa pagmamahal mo.” Huling sinabi niya bago tuluyang iwan sa gitna ng Theme Park ng mag-isa si Celestine.
“Daniel, huwag mo kong iwan!” sigaw ni Celestine pero hindi man lang siya nilingon.
“Bakit sa dami-rami pa ng magiging karibal ko sa’yo bakit si Ate pa? Alam ninyo na hindi ko kaya magalit kay ate Celine.”
“Bakit mo nagawa sa’kin ito?”
Halos pagtinginan ng maraming tao si Celestine ngunit ‘di niya ito pinansin at binuhos parin ang luha na matagal na niyang kinimkim.
‘Lahat sila lagi akong iniiwan, kaya bakit dumagdag ka pa.’
“Habang buhay nalang bang ako mag-isa?” Napahawak siya sa dibdib niya habang nakaupo sa sahig at hinihiling na panaginip lang ang nangyari.
Makalipas ang ilang araw ay bumalik ang kinatatakutan n’ya. Kung saan walang kahit na sinong tao ang handang kumausap sa kan’ya. Kahit kaibigan ay kusang lumalayo sa iba’t-ibang dahilan ng mga ito.
Ang pamilya, kaibigan, at kasintahan, iniiwan siya at 'di nagtatagal.
‘Sumpa ba talaga ako?’ pagiisip niya dahil sa nangyayari kamalasan na meron siya.
“Celestine!” pagsigaw ng kanilang guro na kanina pa tinatawag ang pangalan niya. Napatayo naman si Celestine pero kita parin sa mata niya ang lungkot.
“Ma’am lagi po siyang gan'yan kaya masanay kana po. Hahaha,” pagpahiya ng isa n’yang kaklase kaya nagsi-pagtawanan lahat.
“Siguro gan'yan talaga lahat ng matalino, gumagawa ng sariling mundo o ‘di kaya nababaliw.” Umalingaw-ngaw ulit ang tawanan kaya pinatahimik sila ni Ms Tina.
“Ms Quintana, What is a Momentum?” Biglang tanong pa nito na inaasahang 'di masasagot ni Celestine dahil tulala ito sa oras ng discussions.
“Momentum, is a product of the mass of a particle and it’s velocity.” Biglang sagot ni Celestine kaya napahanga ang marami.
“Grabe kahit ‘di ka nakikinig ay alam mo na agad ang sagot,” mangha ng mga katabi niya.
“Mga libro po kasi ang libangan ko. Kaya, medyo advance ako sa lesson –“ ‘di natapos si Celestine ng sinasabi nang magalit ang guro nila at hampasin ang desk.
“Kahit advanced ka man ng lesson, kailangan mo parin na makinig sa tinuturo ko. Hindi porque matalino ka, ay ipagma-mayabang mo na sa lahat!” galit na sigaw ng guro.
“Opo” ikling sagot niya para ‘di niya humaba pa ang sermon. Agad naman siyang umupo, pero sa mismong pag-upo n’ya ay nakaramdam siya ng pananakit ng ulo na halos may kung anong bumibiak dito.
“Aray! Ang sakit ng ulo ko!” pasigaw na daing niya. Napahawak s’ya sa ulo at halos sabunutan ang buhok, makaraos lang sa sakit na iniinda.
“Tulong!” sigaw pa niya dahil mas lalong lumala ang sakit habang tumatagal, na parang may bumabarena rito. Hindi niya naman na kinaya at sa ilang minuto lang ay unti-unti ng nagblack-out ang paligid na nakikita niya.
Nagpanic naman agad ang guro.“Tumawag kayo ng Emergency!”
Matapos mawalan ng malay ni Celestine dahil sa Sleeping pills, ay agad na isinagawa ang operations kay Celine. Masakit ito para kanilang magulang pero kailangan nilang mamili sa dalawa nilang anak at napagdesisyonan nilang si Celestine ang mamatay. Dahil sakit iyon sa utak at para naman maging malaya na si Celine sa hospital. Alam naman nilang mauunawaan ito ni Celestine sa kabilang buhay, dahil kahit kelan hindi nakakatapak at nakakagala sa labas si Celine. Kumpara sa kay Celestine na malayang nakakagalaw araw araw.“Satingin mo hindi naman tayo naging malupit sa kaniya, diba?” Nakokonsenyang tanong ng ina sa tatay nila. Tumango ang tatay at nagyakapan naman sila para kumalma.Hinalikan naman niya ito sa noo at sinabing. “Alam nating mabait si Celestine at mauunawain, kaya sigurado akong 'di niya tayo sisisihin” pagpapakalma ng kanilang ama. Ramdam parin ang panginginig ng Ina habang nakatingin sa Operating Room.“Pero, alam nating
“Congratulations, Celine!”“Bagay talaga kayo ni Daniel.”Lahat naman nakatingin sa magsing-irog na bida ng gabi sa Engagement Ceremony. Halos mapuno rin ng mga mahahalagang tao sa lipunan ang event upang batiin lang sila.Si Celine Dana Quintana ang hiredera ng Palace Company ay malapit nang ikasal sa lalaking sampung taon na niyang boyfriend nasi Daniel Lesley Selvestre, ang ex-boyfriend din ng kaniyang kambal.“Let's greet today's stars, Celine Dana Quintana and Daniel Lesley Selvestre!” pabungad ng emcee. Nag-umpisa naman silang lumakad ni Daniel papunta sa harap ng magkasama. Hindi maiwasang ngumiti ni Celine nang abot tainga dahil sa mga papuring natatanggap niya mula sa mga nakadalo.Smiled“Daniel, alagaan mo ang anak namin alam mong napakahalaga ni Celine. Bukod sa maganda na, matalino rin para pamahalaan ang Palace Company,” bida ng daddy niya rito. Bahagya namang nasami
‘Nang makaalis si Celestine sa Celebration ay biglang sumulpot sa harap niya ang reaper na gumising sa kaniya.“Natatakot ka ba na baka pasabugin ko 'to para mamatay na ang mga peste sa loob?” Walang emosyon na tanong ni Celestine at tumingin siya sa reaper.“Bryan Timothy Scoth ay mali dahil gawa-gawa mo lang pala ‘yun. Kilala ka pala bilang si Black Bone Reaper,” ani niya pa.“ ‘Wag kang mag alala hindi ko pa gagawin ang balak ko kaya ‘di pa ako magiging sagabal sayo. Hanapin mo nalang ang masamang goblin baka nasa paligid lang siya at pinagmamasdaan kang mabaliw kakahanap sa kaniya.” Nag-iwan naman ng malakas na ulan si Celestine bago umalis sa Engagement Ceremony.Pagkaalis ni Celestine ay agad nakaramdam ng pagkahilo si Daniel na isa rin sa umpisang plano niya.“Ayos ka lang ba? Bakit bigla kang namutla?” Pag-aalala ni Celine pero umiling lang siya.“Kailangan
(Daniel' s POV)“Mukhang balisa ka ata? May kasalanan ka ba sa’kin?” Lumihis naman ang tingin ko kay Celine at pilit na tinatakpang mabasa niya ang kilos ko.Mabilis siya manghinala at natatakot ako na ipahanap niya si Celestine at may gawing masama rito katulad sa mga pinagselosan niya noon.“Love, I almost forgot about CEO's meeting in Raven Group of Companies. I'll gotta go.” Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin n‘ya at umalis agad.(Calling..)“Hello, nahanap mo na ba?” Tanong ko sa kabilang linya pero napabuntong hininga siya."Sir Daniel, siguro po ba kayo na balak niyo po halungkatin ang lahat ng tungkol sa information ng kahawig na babae ni Celestine?"“Bakit hindi ba pwede?” Taka ko at napahilamos ng mukha."Sir, may problema po at sigurado akong walalan tayo ng position sa Raven Group of Companies pati narin ang Palace Company madadamay."
...(Daniel's POV)“Sa Condo Unit project natin na itatayo sa Palawan, ay mas maganda ang presentation number 3. Bukod kasi sa safe ang mga design, and area na gagawin niya ay medyo economic friendly din. Although, maraming tourist dahil sa area na pagtatayuan, pero hindi nating mapagkakailang hindi siya kagaya ng Cities Near in Manila na...-” habang napapaliwanag ang nagpakilala sa'min bilang anak ni director, ay ‘di ko makalihis ang tingin ko sa kaniya.Naaalala ko parin ang nangyari sa‘min. Napaka detalyado parin no’n sa isip ko. Nakakapagtaka lang ng iba ang nasa CCTV, at isa pa ay paanong sobrang hawig ni Celestine sa kaniya?May hindi ba ako alam sa tunay na pagkamatay niya?Napailing naman ako dahil kung anu-ano pumapasok sa isip ko.Impossible paring mabuhay s’ya dahil na kay Celine ang puso niya. Kahit hindi man mangyaring inilipat ang puso ni Celestine, ay mamatay parin siya dahil s
... “Hindi!” “Patay na siya.” Pag-kukumbinsi ni Celine matapos ma-bangungot tungkol ulit kay Celestine. “Celine, are you alright?” Nag-alala naman ang kaniyang ina at agad pumunta sa kwarto n’ya nang marinig na nasigaw si Celine. “Mommy, buhay siya! Nandito siya para kunin ang puso n’ya. Mommy! nararamdaman ko na buhay pa siya!” Namumutla at mala-bata ang itsura ngayon ni Celine habang ginakagat ang kaniyang kuko sa daliri para mawala ang pangangatog nito. “Wala na siya, impossibleng mabuhay pa si Celestine kaya tumahan kana,” pagpapakalma nang kaniyang ina at napayakap. Nilingon ni Celine ang bawat paligid at nang mahawi ang kaniyang mata sa bintana ay, nahagip niya ang imahe ni Celestine. “Wuah! Lumayo ka!” sigaw ni Celine at tinulak nang marahas ang kaniyang ina. Hindi niya mapigilan ang kaniyang katawan na mangatog at manlisik ang mata na parang baliw. “Mommy! Nasa bintana siya! Sabi ko sayo buhay siya! Mommy, buhay
...(Celine's POV)“Promise, ‘di na kita paghinalaan kaya sana, iwan na muna na'tin ang mga problema na'tin sa Maynila,” ngiti kong sabi sakaniya kahit na hindi niya ako pinapansin, dahil busy siya sa pagmamaneho.Buti naman lalayo na kami sa malanding Celestine o kung si Aubrey man siya, basta pareho lang sila na karibal ko.Sisiguraduhin kong akin lang si Daniel sa oras na ‘to at wala ng pipigil saming dalawa.Ngumiti naman ako at nag-scroll sa social media account ko gamit ang cellphone ko. “Saan kaya magandang puntahan? Mas mas maganda sa beach para masulit talaga natin ang trip. Sa El Nido resort nalang kaya, perfect yun para sa couple na katulad natin diba?” Pinilit ko namang maging masayahin kahit na ‘di niya ako pinapansin.“O, sige.” Walang expression niyang sang-ayon at mukhang napipilitan lang.“Kahit na mukhang napilit
...(Third Person's POV)Kinabukasan ay nagsi-pagdatingan na si Ella Jane Uy and Cheska Shaine Seledo na kaibigan ni Celine.“Where is the poison pill?” Bungad agad ni Celine sa kanila.“Well actually hindi na kami bumili,” sagot nila at hindi na mabasa sa galit ang mukha ni Celine.“What! Para saan pa na pumunta kayo rito!” sigaw sa kanila.“Hindi na kami bumili kasi nalaman ng Daddy mo yung about sa kahawig ni Celestine na lumalandi sa Boyfriend kaya sabi niya... Siya na daw bahala sa lahat,” paliwanag pa nila at nabuhayan naman si Celine ng pag asa dahil nakakasigurado siyang mawawala na salandas niya si Aubrey lalo na't nakisali na ang Daddy niya.“Talaga, So what's my Dad's Plan?” Curious na tanong niya.“He hired a man to assassinate Aubrey and said you not to worry about it,” they explained.“So, magandang palabas pala ang ma
Someone's POV.Habang nasa office at nag aasikaso ng documents ay biglang lumagapak ang pintuan at bumungad ang isang bababeng naka cloak na itim at itim ang aura sa paligid."It's been a while, Celestine," bati ko sa pumasok. Kahit hindi masyadong kita ang pagmukha niya ay halata ang pagkainis."Mukhang galit ka? Hindi mo parin ba nakikita ang hinahanap mo?" tanong ko. Direderetso lang siyang pumasok at umupo sa swivel chair sabay cross arm."Nasa tingin mo magtutugma ang landas namin ng evil goblin?" tanong niya na napakangiti sakin. Inayos ko muna ang papel na hawak ko pero mukhang katulad ng dati ay wala siyang pinag bago. Ayaw niya nang pinaghihintay siya."Masyado siyang malakas kaya hindi mo siya basta basta mapapatay o mahahanap. Tandaan mong New goblin ka lang," paalala ko sa kaniya.Nang tanggalin niya ang cloak niya ay bumungad sakin ang agandang mukha ni Celestine ngunit nababalit ng pagkalungkot at galit kaya masyadong nakakatakot."Anong gusto mo, patagalin ko pa ang pan
Nilingon ni Celestine nang may matang panlilisik si Celine at walang pagdadalawang-isip na itinaas ang kutsilyo handang saksakin si Celine. Dahil walang magawa ay napapikit nalang si Celine at itiniklop ang palad niya.Hindi kinakayang masaksihan ni Bryan ang unti unting paglapit nh punyal kay Celine at agad na inalala ang pangako niya kay Esperanza. "H'wag!" umalingaw-ngaw ang sigaw ni Bryan at pinilit makawala sa kapangyarihan ni Celestine.Isang patak ang luha ang tumulo sa pisngi ni Bryan bago nagsalita, "Celestine, maawa ka. H'wag mong patayin si Esperanza!" bulaslas na sigaw niya kaya napahinto si Celestine at nagdalawang isip sa narinig na sinabi ni Bryan.Pinagmasdan niya si Celine na may pagkakataka at umiling iling. "Esperanza?" taka niya at nilingon si Bryan.Nakahinga naman ng maluwang si Celine na halos namumula na ang ang mata sa pagluha. 
Celestine POV.'Nasa'n ako?''Anong lugar ito?'Naatingin ako bigla sa mabigat na damit na nakasuot sa'kin. "Filipiniana nanaman?" taka ko at binuhat ang mabigat at mahabang palda para makalabas ng kwarto."Gracia?"Nilingon ko ang tumawag at isang kasing tanda ni mommy ang lumapit sa'kin."Sino ka?" taka ko at humakbang papalayo. Ngumiti lang siya at lumapit sa'kin."Ikaw talaga, napakamapagbiro mo. Hali kana't hinihintay na tayo sa kumbento," yaya sa'kin at hinila ako palabas. Anong nangyari? Nasaan na si Daniel?Nang makarating kami sa pinto ng kumbento ay napahinto ako. "May mali rito. Mukhang nasa panaginip nanaman ako tungkol sa nakaraan.""Gracia, ano ang iyong iniisip? Pumasok kana rito at magsisimula na ang misa," aniya kaya dahan dahan akon
...Tok!Tok!Tok!Magkasunod na katok ang narinig mula sa labas ng pinto nila Celine."Celine, ikaw ba 'yan? Bakit napa gabi ka yata ng uwi!" saway ng Ina sa pag aakalang si Celine ang nakatok at kakauwi lang galing sa trabaho. Ngunit napatuloy ang katok at hindi sinagot ang tanong ni Mrs Quintana."Celine?" tawag ulit niya. Lalong tumaas ang balahibo ni Mrs Quintana ng napatuloy lang ito sa pagkatok."Celine! Magsalita ka nga d'yan! Pinapakaba mo ako e!" saway uli niya t'saka huminto ang katok. Huminga muna si Mrs Quintana ng malalim bago binuksan ang pinto at napalingon siya sa kaliwa't kanan pero walang tao."S-Sino naman 'yon? Hay, baka mga bata lang sa kapitbahay." Agad sinara ni Mrs Quintana ang pinto at nang tumalikod siya sa pinto ay bumungad si Celestine."Mommy," direktang tawag ni
..." Hindi... hindi!" Agad napabalikwas ng bangon si Celine at hinabol ang kaniyang hininga."B-Buti panaginip lang..." maluwang na hinga niya at napatingin sa repleksyon n'ya sa salamin na malapit sa higaan. "Paano kung, bumalik siya at singilin ako?" Taka niya na napalitan ng pagkumbinsi sa sariling malabong iyon."Hindi!.. Impossibleng bumalik siya, hindi pwede."Napahawak si Celine dibdib niya at kinuyom ang kamao. "G-Gusto ko ng magbagong buhay," dugtong pa niya at inalala ang kaniyang kambal na si Celestine.Flashback..."Ate Celine!!" masayang tumakbo papasok si Celestine sa kwarto ng kaniyang kambal at may dalang make up kit. Lumundag ito pa upo sa kama at may matang mapungay sabay abot sa kit."Teka, bakit nagmamadali ka ata? May humahabol ba sayo?" tanong ni Celine. Hinabol mo Celestine ang hininga niya bago nagsali
After One Week...Isang sulat ang lumitaw mula sa hangin at lumapit kay Celestine."Ito na ang impormasyon na nakalap ko tungkol sayo. Sa iba pang detaltye ay hindi ko na nagawang buklatin dahil isang nakapaitim na aura ang nababalot sa loob ng Ospital. Ang masasabi ko lang ay hindi basta bastang tao lang ang nasa likod ng pagkamatay mo," ang nakasulat sa maliit na papel bago niya buksan ang envelope.Ikinalaki ng mata niya at nabitawan ang papel nang mabasa ang nasa Medical data."H-Hindi... Hindi 'to totoo. Fake 'to! Ilayo n'yo sa'kin 'yan!" sigaw niya. Lumitaw naman ang isang multo na galing sa Omniscient Pavillion.'Hindi po naglalabas ng maling impormasyon ang Pavillion, kung ano po ang nasa loob ng papel yan ay iyon ang katotohanan."Muling binasa ni Celestine ang nasa Medical data. "Anemia?""Anemia lang ang sakit ko?" ta
Sa Rooftop ng Raven Company Building ay may isang naka itim na Gown ang nagpaikot ikot habang may hawak na bottled wine at nasisinagan nang liwanag ng buwan."Whoo, I won! Wala bang masaya para sa'kin? Congratulations to myself!" sigaw niya at nang maubusan ng hininga kaka sigaw ay humito siya at bumungisngis."CHEERS!" sigaw niya ulit at nalagok ang wine sabay hampas nito sa sahig."Master, tumigil na po kayo," naiiyak na ani ni Jianah habang saksi sa tuluyang pagkabaliw ni Celestine. Nilingon naman siya ni Celestine."H'wag mo akong iyakan, balang araw babaliktarin mo rin ako katulad nila. Hanggang sa sarili ko nalang ang matira, 'diba? Haha!""Master, pangako po kahit sa pangalawang buhay ko, kayo parin ang paglilingkuran ko.""Tumigil ka, hindi mo hawak ang oras kaya h'wag kang magbibitiw ng panata."Sigh
Naglakad papaalis ng lugar na iyon si Celestine at kung saan nalang dahil ng paa niya hanggang sa nakarating siya sa isang parke. Parke kung saan siya iniwan ni Daniel Sampung taon na ang nakakaraan. Napatawa siya kasabay nang pag-alala sa break up nila ni Daniel. Maya-maya may bumuhos na malakas na ulan kasabay ng luha ni Celestine."Pare-Pareho lang sila!""Pinagmumukha nila akong tanga!"Humalakhak siya ng nakapakalakas sa gitna ng ulan habang naiyak. Ang dating maraming tao ang nakatingin sa kaniya ay ngayon ay buhos ng ulan nalang ang saksi sa pagkalungkot niya. Lalo pang lumakas ang ulan na kagagawan niya."Aubrey!" May isang sumigaw mula sa malayo na may boses babae at natanaw niya ang isang babaeng nakapayong na dilaw na papalapit. Sa pag aakalang si Jianah iyon ay nagkamali siya. Bumungad sa kaniya ang mukha ng kambal niya na so Celine kaya tiningnan niya ito ng seryo
Ilang oras nang nawawala si Bryan at kahit si Celestine ay hindi matagpuan ang aura niya.Samantalang ang katotohanan ay nagtungo siya kung saan naroon si Celine. Kasalukuyan naghahanap ng trabaho upang makaraos sa biglaang hirap."Sorry po ma'am pero late na po kayo, tapos na po ang interview para sa mga applicant." Harang sa kaniya ng guard matapos lumagpas sa oras ng interview."Ano ka ba! Hindi mo ba ako kilala? Ako lang naman ang dating may-ari ng Palace Company kaya dapat priority ako dito!" bulyaw ni Celine kahit aplikante lang siya."Palace Company?" -guard"Oo, Palace Company nga kaya paraanin mo ako. I need to talk your superior!""Wait ma'am, kayo 'yung sikat na babaeng naging CEO ng ilang araw 'diba? Haha, tama! ikaw 'yung dahilan kung bakit nalugi ang Palace Company!" Isang babaeng mukhang architect sa company na t-trabahuhan ni