...
“Hindi!”
“Patay na siya.” Pag-kukumbinsi ni Celine matapos ma-bangungot tungkol ulit kay Celestine.
“Celine, are you alright?” Nag-alala naman ang kaniyang ina at agad pumunta sa kwarto n’ya nang marinig na nasigaw si Celine.
“Mommy, buhay siya! Nandito siya para kunin ang puso n’ya. Mommy! nararamdaman ko na buhay pa siya!”
Namumutla at mala-bata ang itsura ngayon ni Celine habang ginakagat ang kaniyang kuko sa daliri para mawala ang pangangatog nito.
“Wala na siya, impossibleng mabuhay pa si Celestine kaya tumahan kana,” pagpapakalma nang kaniyang ina at napayakap. Nilingon ni Celine ang bawat paligid at nang mahawi ang kaniyang mata sa bintana ay, nahagip niya ang imahe ni Celestine.
“Wuah! Lumayo ka!” sigaw ni Celine at tinulak nang marahas ang kaniyang ina. Hindi niya mapigilan ang kaniyang katawan na mangatog at manlisik ang mata na parang baliw.
“Mommy! Nasa bintana siya! Sabi ko sayo buhay siya! Mommy, buhay
...(Celine's POV)“Promise, ‘di na kita paghinalaan kaya sana, iwan na muna na'tin ang mga problema na'tin sa Maynila,” ngiti kong sabi sakaniya kahit na hindi niya ako pinapansin, dahil busy siya sa pagmamaneho.Buti naman lalayo na kami sa malanding Celestine o kung si Aubrey man siya, basta pareho lang sila na karibal ko.Sisiguraduhin kong akin lang si Daniel sa oras na ‘to at wala ng pipigil saming dalawa.Ngumiti naman ako at nag-scroll sa social media account ko gamit ang cellphone ko. “Saan kaya magandang puntahan? Mas mas maganda sa beach para masulit talaga natin ang trip. Sa El Nido resort nalang kaya, perfect yun para sa couple na katulad natin diba?” Pinilit ko namang maging masayahin kahit na ‘di niya ako pinapansin.“O, sige.” Walang expression niyang sang-ayon at mukhang napipilitan lang.“Kahit na mukhang napilit
...(Third Person's POV)Kinabukasan ay nagsi-pagdatingan na si Ella Jane Uy and Cheska Shaine Seledo na kaibigan ni Celine.“Where is the poison pill?” Bungad agad ni Celine sa kanila.“Well actually hindi na kami bumili,” sagot nila at hindi na mabasa sa galit ang mukha ni Celine.“What! Para saan pa na pumunta kayo rito!” sigaw sa kanila.“Hindi na kami bumili kasi nalaman ng Daddy mo yung about sa kahawig ni Celestine na lumalandi sa Boyfriend kaya sabi niya... Siya na daw bahala sa lahat,” paliwanag pa nila at nabuhayan naman si Celine ng pag asa dahil nakakasigurado siyang mawawala na salandas niya si Aubrey lalo na't nakisali na ang Daddy niya.“Talaga, So what's my Dad's Plan?” Curious na tanong niya.“He hired a man to assassinate Aubrey and said you not to worry about it,” they explained.“So, magandang palabas pala ang ma
...(Third Person's POV)Napahawak naman si Aubrey sa robe niya at halatang nag-aalinlangang tangalin kaya lalo na curious si Celine.“Ayoko, hindi ako sanay. Tsaka ayoko mapahiya ka," nauutal na sabi ni Aubrey at ‘di makatingin kay Celine."“Mapahiya? Paraan saan? Baka ikaw ang mapahiya kasi may tinatago ka samin,” pataray na ani ni Celine.“Tumigil kana, conservative na tao si Aubrey. Mister Selvestre, pagsabihan mo ang fiance mo.” Pangingisali ni Bryan at tumingin kay Aubrey. Ngumiti naman sa kaniya si Aubrey kaya na halata n’yang may binabalak na naman itong hindi maganda.“Daniel. 'Diba, kaya mo lang naman siya nagustuhan dahil kamukha siya ng kambal ko? Kaya siguro gusto mo rin malaman kung anong tinatago niya sa katawan niya? Gusto ko lang ipaalam, nang dumalaw kami sa puntod ni Celestine. Walang nakitang bakas ng bangkay niya, ilang araw matapos ang engagement ceremony, ay n
Dahil sa kahihiyang nagawa ni Celine sa Beach ay mas lalo siyang hindi pinansin ni Daniel.“So, hindi nga talaga siya pala talaga siya si Celestine,” pagkumpirma ni Ella.“Ikaw kasi Ella, napahiya tuloy tayo,” paninisi ni Cheska sa kaniya.Nairita naman bigla si Celine kaya siya napasigaw. “Can you please, shut your fucking mouth!”Nanahimik naman agad sila ng makita nilang nanlilisik na ang mata ni Celine sa kanila. Lumapit naman siya sa salamin at mabilis itong binasag gamit ang vase dahil sa galit.“Nakakainis siya!” sigaw pa niya. Pinakalma siya agad ni Cheska bago pa niya masira ang buong room ng hotel.“Kumalma kana muna Celine, may plan B pa naman 'diba?” pagpapahinahon ni Ella.“Ano gusto mo, na lagi nalang akong umasa kay daddy!” sigaw ni Celine at walang pasabing hinampas ang piraso nang nabasag na salamin kay Ella.“May dugo!&rd
“Mr Scoth, mukhang mag-isa nanaman po kayo dito.” Pangiting kausap ni Celine kay Bryan. Napatingin naman si Celine kay Aubrey na nakikipag-usap kay Daniel.“Hindi po ba kayo na babahala na kasama ngayon ni Aubrey ang boyfriend ko?”Napatingin naman sa kaniya si Mr Scoth at uminom ng wine.“Doon siya masaya kaya bakit pipigilan ko siya?”Umupo naman sa tabi ni Mr Scoth si Celine. “Napatanto ko nga rin mo na hindi napipilit ang pag-ibig ng tao kaya siguro susuko na ako kay Daniel. Kung mahal niya talaga si Aubrey ay 'di na ako manggugulo.” Nahalata naman agad ni Mr Scoth si Celine sa peke nitong intensyon.“Gano'n ba?”Tumayo naman si Celine at nagkunwaring napatapilok kaya napahiga s'ya sa hita ni Mr Scoth.“P-Pasensya na po.” Agad namang humingi ng paumanhin si Celine at nang aalis na sana sa pagkakahiga ay natanggal pa ang ribbon ng bra niya sa likod.
...(Bryan's POV)“Ginoo, Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nais kong tayo'y mag-isang dibdib agad sapagkat iyo mo na akong nahawakan. Wala nang tatanggap sa babaeng katulad ko.” Pinipilit kong makita ang mukha niya ngunit malabo parin ito.“Ginoo, saan ka papatungo! Kailangan mong panagutan ang iyong panghihipo! Hindi ko gustong mawalan ako ng puri bilang marangal na dalagita!”Maya-maya, unti-unting naglaho ang mga emahe nila sa paligid. Nang makaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.“Gising ka na pala. Narinig kitang kapos sa hininga kaya pumunta ako sa kwarto mo, para tingnan ka," walang emosyong paliwanag ni Celestine habang pinupunasan ang aking noo.“Galit ka parin ba sa'kin?” 'Di na ako nag-atubiling magtanong dahil nasa harapan ko rin naman siya. Agad namang umiling si Celestine at ngumiti.“Hindi, s'ya nga pala may aasikasuhin akong sa Project kaya kailangan ko nan
...(Celestine's POV)“Ms. Belleza, maayos naman po lahat nang tools at pati po ang mga materials na gagamitin ay nasa safety place naman po,” paliwanag sa'kin ng assistant ko na nagsurvey sa paligid.“E. Yung mga equipment and machinery?”“Ayos din po.”“Ok, you may go now.”Napatulala naman ako sa building nang 'di malaman dahil siguro sa mga sinabi ko kay Bryan. Mukhang kahit ako gusto ko rin sa piling niya.“Aish!”Ano ba itong nasa isip ko!Hindi pwede at impossibleng tumibok ulit ang puso ko sa tao at kahit kelan 'di ko na kayang magmahal!Napaisip naman ako sa sinabi ni Jianah sa'kin. Mabait pa rin ba talaga ako?“Slash!”Matapos kong hiwaan ang sarili ko ay hinintay kong may tumulong dugo dito.“Hay! Ano ba ang iniisip ko? Nagbabakasali ka talaga na may tutulong dugo sayo at dadaloy, dah
...(Third Person's POV)Halos manginig sa takot ang hitman dahil sa lumulutang na babae sa harapan n'ya. Unti-Unting bumabaon sa lupa ang kaniyang katawan pero 'di siya makasigaw ng tulong sa pagkabigla.“M-Maawa ka.”‘Di siya pinansin ni Celestine hanggang sa lumubog at umabot hanggang leeg. Bigla naman may lumitaw na lalaki at niyakap si Celestine.“‘Wag mo ‘tong gawin, ‘Wag mong kalimutan na bawal tayong makialam sa mga buhay na tao. Celestine, ipagsawalang bahala mo muna ang galit mo,” pagpapakalma sa kaniya ni Bryan pero siniko lang siya ni Celestine at napatalsik na s'ya sa lakas nito.“Sino ka para utusan ako? Isa ka lang reaper! at kahit kela hindi n'yo mararamdaman kung gaano kasakit ang nararamdaman ko!”Umaninag kay Bryan ang mukha ni Celestine na naluha
Someone's POV.Habang nasa office at nag aasikaso ng documents ay biglang lumagapak ang pintuan at bumungad ang isang bababeng naka cloak na itim at itim ang aura sa paligid."It's been a while, Celestine," bati ko sa pumasok. Kahit hindi masyadong kita ang pagmukha niya ay halata ang pagkainis."Mukhang galit ka? Hindi mo parin ba nakikita ang hinahanap mo?" tanong ko. Direderetso lang siyang pumasok at umupo sa swivel chair sabay cross arm."Nasa tingin mo magtutugma ang landas namin ng evil goblin?" tanong niya na napakangiti sakin. Inayos ko muna ang papel na hawak ko pero mukhang katulad ng dati ay wala siyang pinag bago. Ayaw niya nang pinaghihintay siya."Masyado siyang malakas kaya hindi mo siya basta basta mapapatay o mahahanap. Tandaan mong New goblin ka lang," paalala ko sa kaniya.Nang tanggalin niya ang cloak niya ay bumungad sakin ang agandang mukha ni Celestine ngunit nababalit ng pagkalungkot at galit kaya masyadong nakakatakot."Anong gusto mo, patagalin ko pa ang pan
Nilingon ni Celestine nang may matang panlilisik si Celine at walang pagdadalawang-isip na itinaas ang kutsilyo handang saksakin si Celine. Dahil walang magawa ay napapikit nalang si Celine at itiniklop ang palad niya.Hindi kinakayang masaksihan ni Bryan ang unti unting paglapit nh punyal kay Celine at agad na inalala ang pangako niya kay Esperanza. "H'wag!" umalingaw-ngaw ang sigaw ni Bryan at pinilit makawala sa kapangyarihan ni Celestine.Isang patak ang luha ang tumulo sa pisngi ni Bryan bago nagsalita, "Celestine, maawa ka. H'wag mong patayin si Esperanza!" bulaslas na sigaw niya kaya napahinto si Celestine at nagdalawang isip sa narinig na sinabi ni Bryan.Pinagmasdan niya si Celine na may pagkakataka at umiling iling. "Esperanza?" taka niya at nilingon si Bryan.Nakahinga naman ng maluwang si Celine na halos namumula na ang ang mata sa pagluha. 
Celestine POV.'Nasa'n ako?''Anong lugar ito?'Naatingin ako bigla sa mabigat na damit na nakasuot sa'kin. "Filipiniana nanaman?" taka ko at binuhat ang mabigat at mahabang palda para makalabas ng kwarto."Gracia?"Nilingon ko ang tumawag at isang kasing tanda ni mommy ang lumapit sa'kin."Sino ka?" taka ko at humakbang papalayo. Ngumiti lang siya at lumapit sa'kin."Ikaw talaga, napakamapagbiro mo. Hali kana't hinihintay na tayo sa kumbento," yaya sa'kin at hinila ako palabas. Anong nangyari? Nasaan na si Daniel?Nang makarating kami sa pinto ng kumbento ay napahinto ako. "May mali rito. Mukhang nasa panaginip nanaman ako tungkol sa nakaraan.""Gracia, ano ang iyong iniisip? Pumasok kana rito at magsisimula na ang misa," aniya kaya dahan dahan akon
...Tok!Tok!Tok!Magkasunod na katok ang narinig mula sa labas ng pinto nila Celine."Celine, ikaw ba 'yan? Bakit napa gabi ka yata ng uwi!" saway ng Ina sa pag aakalang si Celine ang nakatok at kakauwi lang galing sa trabaho. Ngunit napatuloy ang katok at hindi sinagot ang tanong ni Mrs Quintana."Celine?" tawag ulit niya. Lalong tumaas ang balahibo ni Mrs Quintana ng napatuloy lang ito sa pagkatok."Celine! Magsalita ka nga d'yan! Pinapakaba mo ako e!" saway uli niya t'saka huminto ang katok. Huminga muna si Mrs Quintana ng malalim bago binuksan ang pinto at napalingon siya sa kaliwa't kanan pero walang tao."S-Sino naman 'yon? Hay, baka mga bata lang sa kapitbahay." Agad sinara ni Mrs Quintana ang pinto at nang tumalikod siya sa pinto ay bumungad si Celestine."Mommy," direktang tawag ni
..." Hindi... hindi!" Agad napabalikwas ng bangon si Celine at hinabol ang kaniyang hininga."B-Buti panaginip lang..." maluwang na hinga niya at napatingin sa repleksyon n'ya sa salamin na malapit sa higaan. "Paano kung, bumalik siya at singilin ako?" Taka niya na napalitan ng pagkumbinsi sa sariling malabong iyon."Hindi!.. Impossibleng bumalik siya, hindi pwede."Napahawak si Celine dibdib niya at kinuyom ang kamao. "G-Gusto ko ng magbagong buhay," dugtong pa niya at inalala ang kaniyang kambal na si Celestine.Flashback..."Ate Celine!!" masayang tumakbo papasok si Celestine sa kwarto ng kaniyang kambal at may dalang make up kit. Lumundag ito pa upo sa kama at may matang mapungay sabay abot sa kit."Teka, bakit nagmamadali ka ata? May humahabol ba sayo?" tanong ni Celine. Hinabol mo Celestine ang hininga niya bago nagsali
After One Week...Isang sulat ang lumitaw mula sa hangin at lumapit kay Celestine."Ito na ang impormasyon na nakalap ko tungkol sayo. Sa iba pang detaltye ay hindi ko na nagawang buklatin dahil isang nakapaitim na aura ang nababalot sa loob ng Ospital. Ang masasabi ko lang ay hindi basta bastang tao lang ang nasa likod ng pagkamatay mo," ang nakasulat sa maliit na papel bago niya buksan ang envelope.Ikinalaki ng mata niya at nabitawan ang papel nang mabasa ang nasa Medical data."H-Hindi... Hindi 'to totoo. Fake 'to! Ilayo n'yo sa'kin 'yan!" sigaw niya. Lumitaw naman ang isang multo na galing sa Omniscient Pavillion.'Hindi po naglalabas ng maling impormasyon ang Pavillion, kung ano po ang nasa loob ng papel yan ay iyon ang katotohanan."Muling binasa ni Celestine ang nasa Medical data. "Anemia?""Anemia lang ang sakit ko?" ta
Sa Rooftop ng Raven Company Building ay may isang naka itim na Gown ang nagpaikot ikot habang may hawak na bottled wine at nasisinagan nang liwanag ng buwan."Whoo, I won! Wala bang masaya para sa'kin? Congratulations to myself!" sigaw niya at nang maubusan ng hininga kaka sigaw ay humito siya at bumungisngis."CHEERS!" sigaw niya ulit at nalagok ang wine sabay hampas nito sa sahig."Master, tumigil na po kayo," naiiyak na ani ni Jianah habang saksi sa tuluyang pagkabaliw ni Celestine. Nilingon naman siya ni Celestine."H'wag mo akong iyakan, balang araw babaliktarin mo rin ako katulad nila. Hanggang sa sarili ko nalang ang matira, 'diba? Haha!""Master, pangako po kahit sa pangalawang buhay ko, kayo parin ang paglilingkuran ko.""Tumigil ka, hindi mo hawak ang oras kaya h'wag kang magbibitiw ng panata."Sigh
Naglakad papaalis ng lugar na iyon si Celestine at kung saan nalang dahil ng paa niya hanggang sa nakarating siya sa isang parke. Parke kung saan siya iniwan ni Daniel Sampung taon na ang nakakaraan. Napatawa siya kasabay nang pag-alala sa break up nila ni Daniel. Maya-maya may bumuhos na malakas na ulan kasabay ng luha ni Celestine."Pare-Pareho lang sila!""Pinagmumukha nila akong tanga!"Humalakhak siya ng nakapakalakas sa gitna ng ulan habang naiyak. Ang dating maraming tao ang nakatingin sa kaniya ay ngayon ay buhos ng ulan nalang ang saksi sa pagkalungkot niya. Lalo pang lumakas ang ulan na kagagawan niya."Aubrey!" May isang sumigaw mula sa malayo na may boses babae at natanaw niya ang isang babaeng nakapayong na dilaw na papalapit. Sa pag aakalang si Jianah iyon ay nagkamali siya. Bumungad sa kaniya ang mukha ng kambal niya na so Celine kaya tiningnan niya ito ng seryo
Ilang oras nang nawawala si Bryan at kahit si Celestine ay hindi matagpuan ang aura niya.Samantalang ang katotohanan ay nagtungo siya kung saan naroon si Celine. Kasalukuyan naghahanap ng trabaho upang makaraos sa biglaang hirap."Sorry po ma'am pero late na po kayo, tapos na po ang interview para sa mga applicant." Harang sa kaniya ng guard matapos lumagpas sa oras ng interview."Ano ka ba! Hindi mo ba ako kilala? Ako lang naman ang dating may-ari ng Palace Company kaya dapat priority ako dito!" bulyaw ni Celine kahit aplikante lang siya."Palace Company?" -guard"Oo, Palace Company nga kaya paraanin mo ako. I need to talk your superior!""Wait ma'am, kayo 'yung sikat na babaeng naging CEO ng ilang araw 'diba? Haha, tama! ikaw 'yung dahilan kung bakit nalugi ang Palace Company!" Isang babaeng mukhang architect sa company na t-trabahuhan ni