Share

CHAPTER 2

Author: TIAJ
last update Last Updated: 2023-05-29 22:43:19

“Ma’am! Puno na po ‘yung baso!”

Nagising ang diwa ko sa sigaw ng isang staff ko. Dali-dali akong kumuha ng basahan para punasan yung tubig na kumalat sa counter.

“Sorry!” taranta kong saad.

“Ma’am, okay ka lang po ba?” Pagaalalang tanong ng staff kong si Amy.

Tinignan ko lang siya at binigyan ng ngiti.

“Oo naman okay lang ako,” Pagsisinungaling ko, sa totoo lang hindi na maganda ang pakiramdam ko mula kaninang umaga.

“Ma’am wag ka ngang magsinungaling hindi ka okay, pero pumapasok ka pa rin at pilit tumutulong dito. Edi sana po hindi na kayo kumuha ng trabahador.” pabiro ni Amy.

Tumawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Lagi niya kasi ‘to sinasabi tuwing nandito ako sa café. Isa siya sa mga staff na matagal ng nagtatrabaho dito at pinakamalapit sa akin. Kaya sanay na ako sa ugali nito.

“Alam mo Amy, ikaw ang kailangan ng day off, you deserve it, ” sabi ko at hinawakan ang balikat niya.

Sa sobrang sipag ba naman ng batang ‘to kailangan niya rin ng bakasyon. Sa araw-araw na bukas ‘tong café ko hindi mo makikitaan ni isang absent si Amy.

“Nako ma’am! Kung pwede lang ginawa ko na kaso kailangan, kasi ako lang naman ang bumubuhay sa mga kapatid ko,” saad niya.

Kitang kita ko sa mukha niya ang lungkot, ngunit hindi ito mahahalata dahil nahaharangan ito ng mga ngiti at tawa sa kaniyang mga labi.

“I already told you Amy, you can take a vacation at hindi ko ibabawas yun sa sweldo mo,” sabi ko.

Bigla siyang bumuntong hininga sabay tumayo sa kinauupuan niya at ngumiti sa akin.

“Ma’am, ‘wag ka nang mag-alala sa akin, okay? Ang unahin mo ma’am ay ‘yang sarili mo. Alam kong masama ang manghimasok sa buhay ng iba, pero ma’am alam kong hindi ka po okay,” wika niya.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabi nito, pero parang may pumitik na kung ano sa puso ko.

Naalintana ang pag-uusap namin nang dumating ang isang customer.

Pumunta muna ako sa office ko at umupo para magpahinga.

Ibinagsak ko ang ulo ko sa lamesa dahil sa hilo na nararamdaman ko.

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi saakin ni Amy.

Unahin ang sarili bago ang iba.

 ‘Yun ang pagkakaintindi ko. Paano nga ba, hindi ko alam kung saan ko uumpisahan ang mga bagay na ‘yon.

Hinawakan ko ang ulo ko ng makaramdam muli ako ng kirot. Bakit naman ganito nararamdaman ko wrong timing dahil nasa trabaho ako.

Sana pala hindi nalang ako umiyak ng umiyak kagabi at tinulog ko nalang edi sana hindi na ‘to sumasakit.

Tumayo ako saglit para tumingin sa salamin, nakita ko ang mga labi kong maputla at parang nawalan na ng kulay. Namamaga ang mata ko halatang halata ito dahil hindi naman ako naglalagay ng make up sa mukha.

Ganito na ba talaga ako?

Hindi na kaaya-aya ang mukha ko.

Babalik na sana ako sa upuan para magpahinga nang maramdaman ko ang pag-ikot ng paligid.

Tuluyan ng bumagsak ang katawan ko nang mawalan ako ng balanse sa aking pagkatayo. Pilit kong tinatayo ang aking katawan subalit hindi ko ito magawa. Unti-unti nang dumidilim ang paningin ko ng maaninag ko ang isang paa’ng papunta sa akin at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nakakasilaw na liwanag ang tumama sa mata ko ng buksan ko ito.

“Bes gising kana!” dinig ko ang boses sa gilid ko.

Si Krisha lang pala na nakatayo sa gilid ko. Medyo masakit pa ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit.

“Salamat at nagising kana, ano bang ginagawa mo ha!” sermon ni Krisha sa akin.

Nakahawak lang siya sa kamay ko at kitang kita sa mga mata niya ang awa at pag-aalala.

Ano nga ba talaga ang nangyari sa akin, ang naalala ko lang nasa office ako at oo!

Naalala ko na, nawalan pala ako ng malay.

“Ano kaba bes ayos na ako,” saad ko.

Sa sobrang pag-iyak ko at kulang sa tulog ganito na ang nangyari sa akin.

“Sabi ko sa’yo kung pagod ka magpahinga ka. Masyado mong ino-overwork yung katawan mo,” inis na sabi niya sa akin.

“Alam mo naman ‘yun nalang pinagkakabalahan ko.”

“Alam ko naman pero bes! Sana naman pagpahingahin mo yung katawan mo.”

Nginitian ko siya at niyakap.

“Hoy, anong ginagawa mo? Mahiga kalang,” dagdag pa niya.

“Alam mo ang swerte ko talaga at may kaibigan akong tulad mo, ” sabi ko.

“Aba! Syempre magkaroon ka ba naman nang magandang kaibigan at sexy swerte mo talaga.” pabiro ni Krisha at sabay kaming tumawa.

Sobra akong nagpapasalamat sa kanya, kasi hindi niya ako iniwan pag may problema ako lagi siyang nasa tabi ko. Magkaibigan na kami simula high school palang hanggang ngayong nanatili pa rin ang pagkakaibigan namin.

“Oh, eto kumain ka muna.” Inabot saakin ni Krisha yung mga prutas na nasa lamesa.

“Salamaaat! Wala ka bang trabaho?” tanong ko sabay kagat sa apple na hawak ko.

“Meron, pero noong tumawag sa akin yung isang staff mo nagpaalam ako sa boss ko,” sabi niya.

“Okay na ako dito pwede mo na ako iwan, masyado kanang naabala, bes.”

“Ano kaba! Ayos lang saakin ‘yun alam mo naman na grabe akong mag-aalala kaysa sa asawa mo.”

“Ikaw nalang nga aasawahin ko,” pabiro kong usal kay Krisha.

Inikutan niya lang ako ng mata at parang sinasapian si gaga.

“Kung lalaki lang ako, kaso ‘di tayo talo girl,” sabi niya, “Wala talagang kwenta ang asawa mo no? Hindi ka man lang pinuntahan dito,” dagdag pa niya.

Ano pa bang aasahan ko kay Bryson. Lagi naman siyang wala sa tabi ko, kasi nandoon siya sa totoong mahal niya.

“Sanay na ako bes tsaka baka busy lang ‘yon sa work niya alam mo naman CEO ‘yon ng kompanya,” pagdadahilan ko.

“Work? Work niya muka niya baka na kay Camille,” inis niyang sabi.

“Kung ako sa’yo kainin mo na ‘yang hinihiwa mong mansanas. Nakakatakot kana bes feeling ko makakapatay ka eh.”

“Nako baka nga makatadtad ako ng wala sa oras!”

Sa sobrang inis nito hindi na niya napapansin na malapit nang mapino yung hinihiwa niyang mansanas.

Makalipas ang ilang oras, nakumbinse ko na siya na pumasok na sa trabaho niya. Naiwan akong mag-isa sa ospital. Sa totoo lang ayoko muna umuwi sa bahay para mabawasan yung mga ‘di ko nakikitang maganda. Iba kasi yung dulot sa akin nito, stress at pagod. Gusto ko muna ng payapang lugar at mapag-isa.

Tiningnan ko ang singsing sa daliri ko na ni minsan hindi ko nakitang nakasuot kay Bryson. Simula noong nawala ang lolo’t lola namin hindi ko na ‘yon nakita pa.

My lolo and his lola are friends parehas kaming lumaki sa piling ng lolo’t lola namin.

The arranged marriage are already planned before we came. Magkaibigan sila simula noong bata pa at nangako sila na ang mga magiging apo nila ay ipapakasal sa isa’t-isa.

Ito na, mag-asawa na nga kami. Lahat ng yaman nila ay napunta na sa amin ni Bryson. Dahil nga sa tanda, hindi na kinaya ng katawan nila kaya matapos kaming ikasal doon sila namaalam na sobrang nakakabigla at hindi ko inaasahan sa lahat.

Bago sila nagpaalam sa mundong ‘to na-fulfill nila ang pangako nila sa isa’t isa.

Dahil sa pangako na ‘yon nandito ako sa sitwasyon na sobrang nagpapahirap at nagpapadusa sa akin.

“Mrs. Carter your medicine is here.”

Bungad sa akin ng nurse na nasa pinto. Inilagay niya sa gilid ang mga gamot at isang basong tubig.

Hawak ko ang gamot para inumin ng biglang tumunog ang cellphone kong nasa gilid ng lamesa.

Tinignan ko ito at namilog ang mga mata ko ng makita ko ang pangalan ni Bryson sa messages ko.

[ From: Bryson ]

Where the hell are you?

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa text niya. Halo-halo ang emosyon ko ngayon, dahil sa sampung taon, ngayon lang ako nakatanggap ng text galing sa kaniya.

Ano kaya ang nakain ng lalaking ‘to bakit niya ako minessage.

Related chapters

  • Remarried to CEO   CHAPTER 3

    Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buo kong katawan ng makita ko ang papel na ibinigay niya sa akin. Blanko lang ang mukha ni Bryson at walang gana itong tumitig sa akin.“A-ano ‘to?” my voice croaked habang tinatanong siya.“Isn’t obvious? Divorce paper,” mariin niyang saad habang umiigting ang panga.“Di-divorce, why?”Hindi ko mapigilan ang panghihina ng tuhod ko. Pilit kong nilalabanan ang panghihinang ‘yon.“Why?” He smirked. “Why are you asking if you already know the answer?” sarkastikong wika ni Bryson.Halo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Lahat ng excitement na naramdaman ko kanina dahil sa iisa niyang message na sobra kong ikinagalak ay biglang naglaho at napalitan ng pagkadurog.Lahat ng iyon ay maling akala ko lang pala. Akala ko pa naman, he is worried about me. Iyun pala ay hinahanap niya ako para mapirmahan ko na ang divorce papers.Bakit ba ako nag expect, nagmukha na naman tuloy akong tanga.Hindi, may pag-asa pa. Hindi ko ito matatanggap.“Hi

    Last Updated : 2023-05-29
  • Remarried to CEO   CHAPTER 4

    Ilang araw ng hindi umuwi si Bryson sa bahay. Natural naroon na naman siya kay Camille. Hindi ko naman siya masisi kung nandoon siya sa taong nagpapasaya sa kaniya.Ilang araw na rin pala akong nakakulong sa bahay. Buong magdamag, wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak at mag-isip.Yung isip kong gusto nang bumitaw sa lahat ng pasakit na nararanasan ko. Pero itong puso ko pilit pa rin akong pinipigilan.Mukha na akong desperada sa lahat ng ginagawa ko kahit sa pagmamakaawa ko palang sa kaniya na ‘wag akong iwan.Hinawakan ko ang aking dibdib na nakatapat sa puso ko at ito’y hinaplos ng dahan-dahan nagbabakasakaling kahit konti ay maibsan ang sakit na nadarama.Mas masakit pala pag emosyonal ka na sinaktan kesa sa pisikal.Lahat ng sama ng loob ay naiipon sa puso ko. Pero bakit ganun kahit anong sakit na nararamdaman ko hindi ko parin kayang iwan si Bryson.Tumayo ako sa higaan ko at lumabas sa balkonahe. Dama ko ang malakas at malamig na hangin na bumabalot sa aking katawan. T

    Last Updated : 2023-05-29
  • Remarried to CEO   CHAPTER 5

    Bumangon ako sa aking higaan ng marinig kong ang tumunog ang alarm clock.Tanghali na pala hindi ko man lang namalayan. Anong oras na rin kasi kami nakauwi ni Krisha at mag -aalas dos na ng madaling araw.Medyo masakit pa ang ulo ko dahil na rin sa hangover at kulang na kulang ako sa tulog.Pero kahit papaano nakalimutan ko lahat ang problema ko noong gabing ‘yun.Sana lagi nalang pagsasaya ang ginagawa natin sa buhay, pero hindi eh. Hindi natin matatakasan ang problema, babalik at babalik pa din ito.Bumababa na ako sa sala nang matapos akong mag-ayos. Pero napatigil ako ng makita ko si Bryson sa sala.Nakaupo siya at nagbabasa ng magazine. Seryosong-seryoso ito habang magkasalubong ang mga kilay nito.Sa totoo lang napakagwapo ng lalaking ‘to. Matangos na ilong, mahahaba ang pilik mata, makapal ang kilay may mapupulang labi, dagdag mo na rin ang hazel eyes niya na sobrang napakaganda, at higit sa lahat ang matipuno niyang katawan. Dahil sa suot niyang polo blouse bumabakat ang mga

    Last Updated : 2023-05-29
  • Remarried to CEO   CHAPTER 6

    “Bes ayos na ba 'to?” Tanong saakin ni Krisha at pinakita ang damit na napili niya. Narito kasi kami sa mall bumibili ng mga damit at iba pang bagay na kailangan ng babaeng 'to. Niyaya niya ako dahil na rin sa day off n'ya ngayong araw. Bonding na rin namin 'to kasi minsan lang naman mag day off itong si Krisha. “Sigurado ka ba bes diyan parang kinulang nanaman 'yan sa tela ah?” Tanong ko sa kaniya. Paano ba naman ang napili nanaman niyang damit e, yung kita dibdid minsan naman kung hindi kita dibdib may hiwa naman banda sa legs yung dress nito. “Baliw ka talaga this is fashion, why don't you try this dress?" Ngiting saad saakin ni Krisha. “Hindi mo ako mapapasuot niyan,” sabi ko. Sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig sa mga damit na revealing kaya ni minsan hindi ako napasuot nitong kaibigan ko. “Ang kj mo naman! Dali na.” Pagpupumilit saakin ni Krisha at hinahatak pa ako. “N-nooo bes ayoko talaga.” Pigil ko sa kaniya. “No, your face! Try mo naman magsuot nito at mag-

    Last Updated : 2023-06-01
  • Remarried to CEO   CHAPTER 7

    6yrs ago“Apo, are you alright?” Tanong saakin ni lolo at tinabihan ako.Marami kasing bumabagabag sa isip ko at ito lang naman ang paraan ko para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko ang magpahangin sa labas ng bahay.Binigyan ko ng malawak na ngiti si lolo at tumingin sa bulaklak na nasa harapan ko.“Yes, I’m okay Lolo,” sabi ko.“Sorry for causing you trouble.” Rinig ko ang mahinahon na boses ni lolo.Ewan ko ba sa tuwing nakikita ko si lolo at humihingi ng tawad saakin mas lalo akong nasasaktan.“Bakit mo naman sinasabi 'yan Lo?” Tanong ko sa kaniya at patawa-tawa pa.I look at him, his eyes are so sad and it's really makes me hurt more.“Kasi pinakasal kita sa taong hindi mo naman kilala.” Natahimik ako sa sinabi ni Lolo.Gusto ko ng hampasin 'tong dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko rito sa aking puso.“No don't be sorry Lolo,” sabi ko sa kaniya at hinawakan ang kamay nito.“Sana hindi kita nakikitang umiyak." Malungkot na saad saakin ni lolo.Medyo nagulat ako sa si

    Last Updated : 2023-06-02
  • Remarried to CEO   CHAPTER 8

    “I'm sorry for disrupting you, Bes.” Bungad saakin ni Krisha.Aligaga itong pumasok sa front seat ng kotse ko na para bang may nangyaring masama.“What happened?” I asked.She sent me a text message and she said it was urgent. Kaya naman nagmadali akong pumunta sa work place niya.Wala rin naman ako ginagawa sa Cafe kaya hindi na ako nagdalawang isip pang pumunta.She sighed at bakas sa mukha niya ang inis.“As always, my brother is in trouble,” sagot niya at napahinilot nalang sa kanyang sentido.Nasasagap ko yung negative energy when it comes to her twin brother. Ang laging nagpapasakit lang naman sa ulo niya kundi ang kanyang kapatid.Wala nga siyang boyfriend na nagpapasakit sa ulo niya, pero naman siyang brother na ubod ng tigas ng ulo.A troublemaker, a playboy. Noong nagpaulan si Lord ng pagiging babaero mukhang nasalo niya ang lahat.They are very opposite kung si Krisha ay may malaking galit sa manloloko. Ito namang kambal niya ay isang manloloko.Sobrang stress lagi 'to si K

    Last Updated : 2023-06-03
  • Remarried to CEO   CHAPTER 9

    Krisha's POV“Are you contemplating something, Twinny?” Topher approached me and sat next to me.Humarap ako sa kanya ng upo.“What's bothering you?” He asked again.Kanina ko pa kasi iniisip si Letitia, she's my bestfriend since highschool and I know how she act in everything.Especially sa pagsisinungaling, hindi ko na alam ang gagawin sa babaeng iyon napaka tigas ng ulo.She's an approachable and nice person, in addition to being a beautiful woman. Pero napunta lang siya sa walang kwentang lalaki.I can't stop Letitia's actions. Syempre hindi ko naman pwedeng kontrolin ang damdamin niya.She loves Bryson at kitang kita ko sa mga mata niya 'yun. I thought at first magiging masaya siya sa buhay niya pero akala ko lang pala lahat 'yon.Naalala ko pa kung paano itinulak ni Bryson si Letitia. Napaupo yung kaibigan sa sobrang lakas ng pagkatulak nito.Naabutan ko nalang na nasa lapag na si Leti, he's totally insane.Kaya niyang saktan si Leti para lang sa Camille na 'yun.Letitia and Cam

    Last Updated : 2023-06-04
  • Remarried to CEO   CHAPTER 10

    Letitia's POV"Ma'am please, the invitation card," saad saamin ng babae.She's dressed formally, and it seems she's one of the staff members here, yet she looks familiar?Kinilatis ko ang mukha niya, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.Medyo gulat ako sa kanyang reaksyon ng makita niya ako ng maigi. Para ba itong nakakita ng multo."M-Mrs. Carter?" Paninigurado niya.Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Kilala mo ako?"Nakaramdam ako ng kilig ng banggitin niya ang salitang Mrs. Carter.Madalang lang naman akong tawagin ng ganoon kaya may malaking epekto ito saakin."Y-yes nice to meet you po, I’m Joey and Mr. Carter’s Secretary," aniyaBakas sa kanya ang kagalakan na makita ako.Hinawakan pa nito ang kamay ko para makipag kamay.Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa kanyang kinikilos."I'm Letitia and this is Krisha my best friend, nice to meet you Joey!”Hinawakan nito muli ang kamay ko, agad din naman niyang binitawan ang aking kamay dahil siguro nakaramdam ito hiya.Kay

    Last Updated : 2023-06-05

Latest chapter

  • Remarried to CEO   CHAPTER 61

    Letitia’s POV WARNING! 18+ I don’t know where am I right now tanging hilo lang ang aking nararamdaman. Minulat ko ang mata ko, naglalakad ako? Or someone is helping me to walk properly. Ugh! I’m so dizzy! “Letitia, drink some water,” saad ng pamilyar na boses. I couldn't figure out his face, but I knew he was a man. I can't remember if I met someone in the bar. I’m so wasted, nararamdaman ko ang init sa aking katawan. Gusto kong maghubad. “Shit! What are you doing?” sigawa noong lalaking kasama ko. “It’s hot!” I answered. Tinanggal ko ang aking pantaas at itinapon ito. Sinandal kong muli ang ulo ko sa sofa. The smell of this place is familiar kahit hindi ko maaninag masyado. I know it's my house, but how does that man know the address? "I'm trying to stop this kind of feeling," he says, "but there are some things that are more difficult to get rid of." I don't know him, but his abundant voice makes me want to see him. I'm curious as to what's going on. I tried to open my eye

  • Remarried to CEO   CHAPTER 60

    Letitia's POV“Letitia, I miss you.”Damang-dama ko ang simoy ng hangin sa aking balat subalit napapalitan ito ng init nang yakapin ako ni Archer mula sa likod. Mas lalong nag-init ang dalawa kong pisngi nang banggitin niya ang mga katagang iyon.Nakakabingi ang katahimikan tanging naririnig ko lang ang tibok ng puso naming dalawa.Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala na sa mga nalaman ko. Matagal nang alam ni Chloe ang tungkol sa akin, at pinagmukha nanaman nila akong tanga.Humarap ako kay Archer. “Gago ka ba!” malakas ko siyang sinampal sa kaliwa niyang pisngi.“Pinagloloko mo ba ako?” tanong ko at hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking mga kamay. “Niloloko ninyo akong lahat!” sigaw ko. Hindi na napigilan ng luha at bumagsak na ito ng tuluyan.“Letitia! Let me explain okay!” saad niya sa matigas na tono.“Ano pa bang ipapaliwanag mo!?”“Please, just listen! It's okay with me if you don't forgive or believe me; I just need to explain myself." Ngayon lang Le

  • Remarried to CEO   CHAPTER 59

    Archer's POVReally, I have no idea what to do at all. Nakaupo lang ako sa sofa and I can't even move. Why did this happened right now when there is an important talk to be had.Nakatingin lang ako sa natutulog na si Letitia habang ako nakaupo kahit nakakaramdam na ang hita ko ng ngalay. Siguro kalahating oras na rin ganito ang aking puwesto. Habang pinagmamasdan ko ang babaeng 'to. Hindi mawala-wala sa isip ko ang ginawa niya. Fck it! I really don't she was like that when she was drunk.Pero mas nangingibaw pa rin sa akin ang iniisip ko dahil sa mga nangyari sa limang taon. I was not aware, wala man lang akong kamalay-malay na mag-isa lang siya sa limang taon na 'yun. Mas pinairal ko pa ang pagiging makasarili ko. “I thought if you chose him, you'll be happy,” usap ko sa natutulog na si Letitia. Inayos ko ang buhok niyang nakaharang sa kaniyang mukha. “Akala ko talaga siya na ang pinili mo, napakamanhid mo na hindi iyon maramdaman,” dagdag ko.Sabi ko sa aking sarili na hindi ko si

  • Remarried to CEO   CHAPTER 58

    Letitia's POVKung p'wede lang iiyak lahat ng sakit pero hindi e, iiyak ka lang para kahit papaano mabawasan yung sakit na nararamdaman mo. Tanging simoy lang ng hangin ang naririnig ko. Sobrang lamig nito pag tumatama sa aking balat. Nakatayo lang ako at nanatiling nakatitig kay Archer. Inaantay ang magiging sagot niya sa aking mga tanong.“Letitia....” Paunti-unti siyang naglakad papunta sa akin. Hindi ko alam ang iniisip niya ngayon pero naramdaman ko ang pagkabog ng puso sa paglapit niya.Nang malapit na siya sa akin, napalingon kaming dalawa sa nagsalita.“Archy?”“Chloe?” usal ni Archer. “What are you doing here?” dagdag niya.Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Pinunasan ko agad ang aking mga luha at pilit ngumiti kay Chloe.“Oh, Hi Letitia!” aniya sa akin at kumaway-kaway pa.Nginitian ko lang siya at tinaas ko ang mga palad ko. “H-Hi.” Hindi ko alam kung nakikita niya ang namumugto kong mga mata. Hangga't maari ayokong ipakitang umiyak ako. Baka kasi anong isipin niya, wa

  • Remarried to CEO   CHAPTER 57

    Letitia's POVPasilip-silip ako sa asawa ni Archer at anak nila na sa sala habang ginagawa ko ang inumin nila. Dahil nga bungad agad ng sala ang kitchen area sa bahay, nakikita nila ang kilos ko. Hindi ko man ipahalata sa kaniya ang kabang nararamdaman ko kaso hindi nakikiayon ang mga kamay ko. Nanginginig ito at kaunting galaw ko lang may natatabig na agad akong gamit. Sino ba naman kasi hindi kakabahan sa mga oras na 'to kung ang na sa harapan mo ngayon ay asawa ng minahal mo dati diba at hanggang ngayon mahal ko pa.Hindi ko talaga maiwasan na humanga sa kagandahan nito. Halata naman na half-half ang lahi niya. Yung ganda ay napaka natural lang hindi na niya kailangan mag lagay ng koloretes sa mukha. Siguro kung maglalagay man siya nako paniguradong mas maganda siya. Impossible talagang hindi siya mabibighani sa kagandahan nito.Habang pinagmamasdan ko siya nagtama ang mga mata naming dalawa. Ngumiti siya sa akin at naglakad papunta sa akin. “Nakalimutan ko pala ibigay sa'yo ito

  • Remarried to CEO   CHAPTER 56

    Letitia's POV“Hay!” buntong-hininga ko matapos kong ilipat lahat ng gamit sa sala. Hindi na kasi ako nagpatulong pa sa mga nagdeliver nang napamili kong furnitures at appliances. Naiplano ko na rin kasi kung saan ko ilalagay lahat ng furnitures ko. Mayroon na akong sketch kung anong magiging design sa sala kitchen at kuwarto. Matapos kong mai-ayos lahat ng gamit binagsak ko ang aking katawan sa mahabang sofa.Cozy type lang naman ang ginawa ko, gusto ko kasi malinis at binabagayan ang paligid dahil nasa Baguio ako ngayon. Gusto ko refreshing lang ang style ng mga gamit sa bahay. The house is not that big, sliding door na agad ang bubungad pagpapasok ka mula sa gate. Makikita mula sa labas ang sala at kitchen. Pag pumasok ka sa loob ng bahay mauuna ang sala at sumunod naman ang kitchen area. Mayroon din naman akong kuwarto sa itaas. A simple bedroom na tanging harang lang din ang sliding door, may coffee table sa labas ng balkonahe sa kuwarto at may mini office room din ako. Sa labas

  • Remarried to CEO   CHAPTER 55

    Letitia’s POVSumimsim ako sa aking tasa habang nakatingin sa malayo nang biglang magsalita si Krisha.“Bes! Mukhang hindi kita masasamahan sa pagbili ng mga appliances,” saad niya.Panigurado about nanaman ito sa kaniyang trabaho dahil matapos naming mamili ng mga damit niya biglang may tumawag sa cellphone nito."Don't mind me bes, if it's an emergency, then you can go," sagot ko at nginitian ko siya. Gusto ko matawa sa ekpresyon na para bang ayaw umalis.“Babalik ako agad matapos lang ‘to,” aniya at sinukbit niya sa kaniyang balikat ang bag niya.Tumango-tango ako at hinawakan ang balikat niya. “Welcome na welcome ka bes don’t worry.”Nang ma-assure ko si Krisha agad naman itong umalis. Gusto talaga nito ng assurance ni Krisha. Nagpaalam na rin ako sa mga staffs ko dahil aasikasuhin ko pa yung bago kong titirhan, naipalinis ko naman ‘yun. Ang kulang nalang talaga ay appliances and furnitures.Dahil hindi makakasama si Krisha sa pagbili ng mga gamit ko sa bahay ako na lang ang mag-i

  • Remarried to CEO   CHAPTER 54

    Letitia's POV5yrs ago“Congratulations bes!” ngiting bati sa akin ni Krisha at agad akong niyakap ganoon din naman ako.“Thank you!” sagot ko. “Buti at nakarating ka akala ko pa naman busy ka sa work mo,” dagdag ko sabay kalas sa pagkayap niya.Abala kasi ito sa kanyang trabaho kaya akala ko talaga ay hindi siya makakapunta ngayong araw. “Bes! Hindi ko papalagpasin 'tong newly open branch mo no!” sabi niya.Sa loob ng limang taon, limang branch na ang naipatayo ko sa iba't-ibang lugar. Nakakatuwa dahil nagbunga lahat ng pinagpagudan ko. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang buong haligi ng bago kong cafe shop. “Grabe no, paunti-unti mong na aabot lahat ng pangarap mo bes,” napalingon ako kay Krisha na abala rin sa pagtitig sa buong gusali ng cafe.Tumingin siya saakin at ngumiti. “I'm so proud of you!”Natawa ako ng bahagya at hinila ang kamay niya papasok sa cafe.Hindi ko rin naman magagawa 'to lahat kung hindi ako sinuportahan ni Krisha. Hindi ko mabubuo lahat 'to kung hindi n

  • Remarried to CEO   CHAPTER 53

    Letitia’s POV“I love you, I always Letitia.”Nanlamig ang buo kong katawan ng makita ko si Archer na papalayo saakin. Pilit ko siyang hinahabol pero para lang akong tangang takbo nang takbo pero hindi ko man lang siya mahawakan.“No! Please don’t leave me!” sigaw ko at patuloy pa rin ako sa paghahabol hanggang sa nanghina na ang aking tuhod. “Archer! Mahal kita!” dagdag ko at humagulgol.“ARCHER!”Parang nabiyak ang ulo ko sa naramdaman kong sakit pero mas pumukaw ng atensyon ko ay buong paligid.“Hoy! Gaga ka! You’re awake!”Nakita ko si Krisha naluluha sa aking gilid. Mabilis siyang tumawag ng doctor sa labas at bumalik agad saakin.Anong nangyari saakin at teka bakit nandito ako sa hospital?Nasilaw ako sa liwanag na tumapat saaking mata.“She’s still in recovery at mas makakabuti kung magpapahinga muna siya. Para matignan natin kung anong naging epekto ng pagkabagok niya.”“Talaga ba Doc? Thanks God!” parang nabunutan ng tinik si Krisha.“Maiwan ko na kayo at ikaw Ms. Letitia you

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status