Home / Romance / Rekindled Romance After Divorce / Chapter 17.1: Inagaw at Inangkin

Share

Chapter 17.1: Inagaw at Inangkin

last update Last Updated: 2025-03-27 18:10:27

NILAGPASAN LANG SILA ni Everly na parang walang anumang narinig at dumiretso sa kanyang sasakyan. Tahimik na sinundan ng dalawa ng tingin ang babae. Pinatunog niya ang sasakyan at sinubukan niyang sumakay na dito. Para sa kanya ay walang silbi ang apology ni Lizzy. Blangkong papel na hindi man lang niya kakitaan ng emosyon ng pagsisisi. Saka ano? Dati sila magkaibigan kaya kailangan na kalimutan na lang? Kung si Roscoe ay kaya nitong paikutin sa mga kamay niya, siya ay hindi. Nungkang kausapin niya pa ito. Alam naman niya na basta na lang niyang sinabi iyon dahil naroon si Roscoe at nakikinig o masabing nag-sorry na siya sa kasalanan niya. Hindi niya na dapat pang kinakausap ang mga ganitong klase ng tao.

“Everly…” mahinang tawag na din sa kanya ni Roscoe upang kausapin siya.

Akmang lalapit pa sana sa sasakyan niya si Roscoe nang hawakan na siya ni Lizzy sa kamay para pigilan. Mapang-asar ang ngiti na nilingon na sila ni Everly nang makita niya iyon sa gilid ng kanyang mga mata. As if
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Purple Moonlight
Manipulator si Lizzy, kuhang-kuha ang inis mo?
goodnovel comment avatar
Purple Moonlight
Malalaman niya iyan, kalmahan mo lang po.
goodnovel comment avatar
Virginia Luna
gumising kana Roscoe niloloko ka lng ni Lizzy, si Everly ang talagang nagligtas sau.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 17.2: Tanga at Bobo

    KINABUKASAN AY MAAGANG nagising si Everly. Iyong tipong kahit inaantok pa siya ay kinakailangan niya ng bumangon dahil may lakad nga siya. Kasalukuyang nakaharap siya sa salamin at naglalagay ng make-up habang kausap niya sa naka-loudspeaker na cellphone si Monel dahil hindi niya iyon magawang hawakan.“May sampung importanteng orders ang nakalagay sa black market cart natin ngayong umaga, Boss. Interested ka bang malaman kung ano ang kailangan nila?” may kalokohan na sa tono ng boses nito.“Ano?” nakatingin pa rin sa salamin ang mata ni Everly, patapos na siya sa paglalagay ng kanyang lipstick at pinapantay na lang iyon. Ngumiti pa siya sa sarili kung saan lumabas ang natural niyang maputing ngipin.Matingkad na pula ang lipstick niya na hindi niya madalas gamitin dahil fan siya ng light colors lang gaya ng pink, bumagay naman iyon sa mukha niya na mas naging kaakit-akit. Pinapungay niya pa ang mga mata. Ngumisi siya nang matawa sa mga ginagawa niya. Hindi niya iyon sinadyang gawin s

    Last Updated : 2025-03-27
  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 17.3: Late

    NAGSIMULA NG KUMULO ang dugo ni Everly at uminit ang bunbunan sa dating asawa. Hindi niya maintindihan kung ano pa ang ginagawa nito sa oras na iyon gayong ito naman ang nagmamadaling ma-divorce na sila. Napakamot pa siya sa kanyang leeg, bumalatay na rin sa mukha ang labis niyang inis.“Subukan mo lang talaga na hindi ako siputin sa araw na ito, Roscoe! Malilintikan ka sa akin!”Sampung minuto pa ang lumipas at walang Roscoe na dumating. Bumaba na si Everly ng sasakyan niya. Nagpalakad-lakad na siya sa harap ng tanggapan. Wala na siyang ibang choice kung hindi ang tawagan ang lalaki para alamin kung pupunta pa ba ito o hindi na. Ngunit bago niya ma-dial ang numero ni Roscoe, isang tawag ang rumihistro sa screen ng cellphone niya; ang Lola ni Roscoe, si Donya Kurita De Andrade.“Sa lahat ng araw, bakit ngayon pa siya tatawag? Ang mag-Lola talagang 'to, inuubos ang pasensya ko!” Napahawak na sa dibdib niya si Everly nang mahimasmasan ng ilang sandali. Alam na kaya ng matanda ang magig

    Last Updated : 2025-03-27
  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 18.1: Aberya

    LIHIM NA NAGDIWANG ng kalooban niya si Roscoe. Hindi niya batid kung bakit natutuwa pa siya na problemado na ang kaharap na si Everly. Pakiramdam niya, lalo itong gumaganda sa paningin niya kahit na nandidilat na ang mga mata nito at minsan pa ay panay ang irap sa kanya. Parang ang sarap nitong yakapin at lambingin. Bigla siyang napailing. Agad na winaglit sa isipan ang bagay na iyon. Hindi iyon dapat ang laman ng kanyang isipan. Oo, napansin niyang nagbago na talaga ang babae. Sa sobrang laki noon feeling niya ay hindi na ito ang asawa. At hindi iyon dahilan upang magbago ang pagtingin niya.“Ano pang hinihintay mo? Sumakay ka na lang muna.” bukas ni Roscoe ng pintuan ng sasakyan na parang may sariling buhay na bigla na lang gumalaw, “Resolbahin muna natin ang problema kay Lola bago ang sarili nating suliranin. Makakapaghintay naman iyan, si Lola ang hindi na, please lang Everly...”Hindi siya sinunod ni Everly na humalukipkip bilang tugon sa kanya. Pinagtaasan pa siya nito ng isang

    Last Updated : 2025-03-28
  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 18.2: Agam-agam

    MULI LANG SIYANG sinulyapan ni Roscoe gamit ang gilid ng mata ngunit hindi pa rin ito nagkomento dito. Napansin niya pang bagay talaga dito ang makeup. Iyon ang paulit-ulit na umuukilkil sa kanyang utak. Hindi lang ito maayos sa kanyang sarili noon na simple lang, pero ngayon masasabi niyang para itong artista sa taglay na ganda. Iba kung maka-attract kumpara sa ibang mga babae na nakikita ng kanyang mga mata. Maganda rin naman si Lizzy, pero napuna niyang iba talaga ang ganda ni Everly. Iyong tipong hindi niya pagsasawaang tingnan kahit na anong panahon. Bakit noon lang niya ito napansin? Napansin niyang cute ito noong highschool sila, pero hanggang doon lang. Akala niya normal lang ang hitsura nito.“Kaya dapat iyon ang inuna natin. Maling desisyon talaga ‘to. Kung nakinig ka lang sa akin, pareho na sana tayong malaya ngayon Roscoe, sa legal na paraan. Wala na sana tayong ibang iisipin pa dahil natapos na.” tuloy pa ni Everly na halatang ayaw bitawan ang topic na iyon para ipaalala

    Last Updated : 2025-03-28
  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 18.3: Fabricated

    HINDI NA MAPIGILAN na maghanap ang mga mata ng mag-asawa kung ano pa bang kulang sa naging alibi nila para tuluyang mapaniwala ang matanda. Pakiramdam nila ay may nakukutuban na sa bawat kilos nila ang matanda. Kailangan nilang mailipat ang kahina-hinala nitong paninitig bago pa sila makaamin.“Walang usok kung walang apoy. Marahil ay nag-file na kayo ng divorce kung kaya maaga kayong umalis.” panghuhuli pa ng matanda nang sa ganun ay mapaamin niya ang dalawa kung totoo ang nalaman niya.“Lola, ako ‘to si Everly. Magsisinungaling ba naman ako sa’yo? Sino po ba ang nagsabi sa inyo noon? Gumagawa lang sila ng kwento. Bakit po ba kayo nagpapaniwala sa mga narinig niyo lang? Hmm?”Nanatili ang tingin ni Roscoe kay Everly na nilalambing-lambing pa ang matanda para maniwala. Close talaga sila at gustong-gusto rin ito ng Lola niya. Hindi niya iyon maitatanggi. Bagay na hindi magawa ng matanda kay Lizzy kahit pa alam nitong siya ang nagligtas sa buhay ng kanyang apo. Si Everly pa rin talaga.

    Last Updated : 2025-03-28
  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 19.1: Maling Akala

    PAGKASABI NOON AY tumayo na ang matanda. Senyales iyon na aalis na ito at tapos na ang sadya sa kanilang dalawa. Tumayo na rin sina Everly at Roscoe upang sumunod sa mabagal na paglabas ng matanda ng kanilang villa. Saglit na huminto si Everly para lang lingunin si Roscoe na agad tumingin naman sa kanya. Binuka niya ang bibig pero walang salita doong kumawala. Tahimik na binasa iyon ni Roscoe.“Pupunta tayo mamaya ng Civil Affairs Bureau,” senyas ni Everly para ipaalala iyon sa dati niyang asawa.Mahirap na, baka nakakalimutan nito ang usapan nila kanina. Gusto na niyang matapos na doon ang lahat nang hindi na siya pabalik-balik. Gusto na niyang kumawala sa anino ng kanyang dating asawa.“Oo na, pupunta tayo mamaya.” maikling sagot ni Roscoe na sapat lang ang lakas para marinig ni Everly.Ngumiti ang matanda sa kanilang dalawa nang marating ang kanyang sasakyan upang magpaalam na. Sinuklian naman iyon ni Everly at Roscoe. Lumapit ang isang bodyguard sa Donya at nagsalita. “Donya Kuri

    Last Updated : 2025-03-29
  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 19.2: Pakiusap

    HINDI DAHILAN NI Everly na hindi niya kayang talikuran ang kasal nila ni Roscoe na sa tingin niya ay iyon ang iniisip ng mokong. Ang kapal naman nito. Ayaw na nga niya. Ngunit kailangan din niyang isipin ang kalagayan ng matanda, sabihin man niyang wala siyang pakialam pero ilang taon din itong naging bahagi ng buhay niya bilang namuhay siyang maybahay ni Roscoe. Kumbaga ay naging mahalaga na rin ang matanda.“Bilang dati mong asawa, maaari pa rin naman akong makipag-cooperate sa’yo para mapasaya ang Lola mo. Huwag kang mag-alala. Hindi ako maglalahong parang bula. Hindi mo ako kailangang pagbintangan dahil unang-una, wala na akong pakialam sa’yo. Wala akong mapapala, napagod pa ako. Naiintindihan mo?”Ipinakita ni Everly ang pagkadisgusto kay Roscoe. Noong mahal niya pa ito, grabe kung pagtakpan niya ang kabulastugan nitong mga ginagawa kahit na sobrang nasasaktan na siya at huling-huli na rin ito sa akto. Ni minsan ay hindi niya rin ito sinisi sa mga nangyayari. Wala naman siyang pa

    Last Updated : 2025-03-29
  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 19.3: Makipaglaro

    MANGHANG SALIT-SALITAN NA ang naging tingin ni Everly sa kanyang pamilya. Noon lang din niya nakitang maglabas ng saloobin ang kanyang ama na binigyan pa ng pangalan ang kanyang dating asawa. Nanatiling tikom ang bibig niya.“Titus, ayan ka na naman. Hayaan mo na. Mukhang gusto niya pang makipaglaro sa aking apo.” si Don Juan na may kakaibang ngisi sa labi, “Makipaglaro ka sa kanya, Everly. Talunin mo siya. Ilampaso mo ang mukha sa kalsada at ipakita mo kung sino ka talaga. Hindi magtatagal at makikita mo, mag kakaibang resulta ang gagawin mong iyon sa kanya.” “Dad, isa ka pa!” sambit ni Sharie, ina ni Everly. “Oo nga apo, tama ang Lolo mo. Makipaglaro ka sa kanya.” singit na ni Donya Toning. “Nabalitaan ko na bulabog ngayon ang mga businessman ng buong Legazpi sa paghahanap ng ulasimang bato para gawing regalo sa birthday party niya.” tumawa ang matanda, noon lang naisip ni Everly ang tungkol dito.“Lola, gaano ba kahalaga ng herbal na gamot na iyon?” upo na ni Everly upang harapin

    Last Updated : 2025-03-30

Latest chapter

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 33.3: Tampered

    BAGO PA MAKAPAGSALITA si Lizzy ay pumagitna na si Donya Kurita sa mas umiinit na sitwasyon at mariin na iringan at titigan ng dalawang babae sa kanyang harapan.“Hija, hindi na kailangang humantong pa kayo doon. Huwag naman sanang ganito. Huwag kang gumawa ng eskandalo sa mismong kaarawan ko. Hmm? Ako na ang nakikiusap sa’yo, Everly…” Nakahanda na sanang pumayag noon si Lizzy, dahil alam niyang hindi iyon papayagan ng Lola ni Roscoe. Magiging kontrobersyal ang kaarawan nito. Kagalang-galang pa naman ang pamilya nila, at ang sitwasyong iyon ay magbibigay ng matinding gulo. “Sige na hija, please? Huwag niyo ng palakihin pa ang isyu sa pagitan niyong dalawa.” pakiusap na rin ng ina ni Roscoe na halatang naiinis na sa naumpisahan nilang komosyon ni Lizzy doon.Lumibot na sa paligid ang mga mata ni Everly kung saan ay masusing nakatingin sa kanila ang halos lahat ng mga bisita at naghihintay ng kakalabasan ng pag-uusap nilang apat sa gitna noon. “Ano pa bang ipinaglalaban ng asawa ng ap

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 33.2: Hamon

    BAHAGYANG NARINIG NI Lizzy ang naging pakiusap ni Donya Kurita kay Everly na palampasin na lang iyon kahit na alam nitong fake talaga ang ilan sa mga regalong ibinigay niya. Kung kaya naman pakiramdam ng babae ay siya ang kinakampihan ng Donya. Ang hindi niya alam ay ayaw lang ng matandang magkagulo sa pa-okasyon niya. Gustong samantalahin ni Lizzy ang pagkakataong iyon nang sa ganun ay makuha niya pang lalo ang atensyon ng matanda kung kaya naman gumawa pa siya ng isyu para mas palalain ang sitwasyon na kinasasangkutan nila.“Lola, hindi po fake ang iba sa mga ulasimang-bato na bigay ko. Masyado lang pong mainit ang panahon kung kaya naman nalanta na ang iba habang papunta dito.” giit ni Lizzy na talagang pinanindigan ang kasinungalingan niya upang huwag lang mas mapahiya, masama ang hilatsa ng mukhang hinarap niya na si Everly. “Alam ko ang dahilan mo kung bakit mo ako pinapahiya ngayon, Everly. Nagseselos ka lang sa akin at kay Roscoe. Di ba? Aminin mo!” malakas nitong akusa na par

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 33.1: Fake

    HINDI NA NAKATIIS pa ang matandang Donya sa kung anong kuro-kuro ng mga bisitang naroroon patungkol sa relasyon ng paborito niyang apo. Hindi pwede na mananahimik na lang siya doon at walang anumang gagawin na harap-harapan nilang nilalait si Everly at Roscoe at kung anu-anong ibinibintang dito.“Huwag nga kayong magsalita ng walang kwenta. Maayos ang relasyon ng mga apo ko!” Nanahimik ang lahat sa tinurang iyon ng matanda. Syempre naman, sino ang maglalakas ng loob na i-offend ang isang Donya Kurita De Andrade? Siya ang kagalang-galang na ancestor ng kanilag pamilya.“Everly, hindi ka naman siguro pumunta dito ng walang dala di ba?” si Lizzy iyon na bahagya pang umubo upang kunin lang ang atensyon ni Everly na hindi naapektuhan sa alam niyang nais palabasin ni Lizzy.“Oo naman. Ako pa? Hindi naman ako pupunta dito nang wala akong regalo. Hindi ko ipapahiya ang sarili ko.” sagot ni Everly na umayos pa ng tayo upang harapin lang ang mga kuryusong mata ng mga bisita roon.“Kung ganun

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 32.3: Walang Regalo

    MARAHANG TINAPIK NG matanda ang ulo ni Desmond, dahilan upang kumalas na ito ng yakap. Para sa matanda ay hindi na rin ito iba sa kanya na kung ituring ay parang sariling apo na rin.“Ikaw naman, kailan mo ipapakilala sa Lola ang girlfriend mo ha? Hindi ka na bumabata hijo. Dapat sa taong ito ay magpakasal ka na at bumuo na ng iyong magiging sariling pamilya. Hmm?” Napakamot na si Desmond sa kanyang batok. Nahihiyang iniikot na ang paningin sa paligid. “Lola, bakit mo naman ako minamadaling mag-asawa? Hindi pa ako sawa maging binata. Dapat pala hindi na lang ako nagpakita sa’yo, tuwing nagpapakita ako palagi mo akong minamadali eh.”“Eh ano pa bang hinihintay mo? May pera ka na, stable na trabaho. Bakit ayaw mo pang lumagay sa tahimik at humanap ng magiging asawa ha? Bigyan mo na ako ng apo sa’yo, Desmond…” Natawa si Desmond na halatang bored ang Lola ng kanyang kaibigan kung kaya naman siya ang pinagtri-tripan. Mukha rin na wala pa doon si Roscoe kung kaya naman siya ang kinukulit

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 32.2: Spotlight Grabber

    NAPATDA NA ANG mga mata ni Lizzy sa likod ng matanda na nagkukumahog na magtungo sa pintuan upang salubungin si Everly. Bagama't nakahinga siya sa pressure na nararamdaman niya kanina, pakiramdam niya ay nabastos pa rin siya na siya ang kaharap pero nang marinig ang pangalan ni Everly, kulang na lang ay liparin nito ang daan patungo sa labas upang sumalubong. Hindi niya tuloy mapigilan na makagat ang labi habang ginagala ang mga mata sa paligid nila. Nakuha na rin ng pangalan ni Everly ang atensyon ng ibang mga bisitang naroroon. Ano ba ang mayroon ang Everly na iyon? Mukhang mas mahalaga ang presensya ng babaeng iyon sa herbal.‘Kahit kailan, mang-aagaw ka talaga ng spotlight, Everly!’ Dahan-dahan bumukas ang pintuan ng venue kung saan ang lahat ng mga mata ay nakatuon, maging ang live camera ng mga media na pumunta na kanina ay nakatutok lang kay Lizzy. Nang makita ang pagpasok doon ni Everly, napahinga nang malalim ang halos lahat ng bisita at maging ang kanilang mga mata ay puno

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 32.1: Alinlangan

    SA GILID NI Lizzy ay nakatayo ang kanyang kasamang assistant na may tulak na malaking box kung saan nakalagay umano ang regalo nitong ulasimang-bato. Dalawang daan ang kulang nito, gayunpaman ay hindi iyon alintana ng babae na nakataas pa ang noo. Nang makita iyon ng mga naunang bisita ay agad na silang napatayo upang makita lang ang dala ni Lizzy na ayon sa balita ay aabot ng limang daan ang bilang. Upang punan ang kakulangan sa bilang, gumawa ng paraan si Lizzy na magawang limang-daan iyon kahit na ang karagdagang dalawang daan ay pawang mga peke. Mariing tinikom ni Lizzy ang bibig. Sumidhi pa ang kaba niya nang makitang tumapat na sa kanya ang live camera ng naturang event. Ngumiti naman si Donya Kurita sa ginawang pagbati ni Lizzy sa kanya.“Gaya po ng pinangako ko, narito ang ulasimang-bato na may bilang na limang daan, Lola Kurita.”Nagsimulang magbulungan ang mga taong naroon. Mga bulungan na hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ni Lizzy na lalo pang na-conscious na noon.“A

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 31.3: Ganti

    NAMILOG PA ANG mga mata ni Lizzy na taliwas sa hitsura ng waiter na malapad na ang ngiti sa kanya. Inilabas nito ang listahan ng wine na umano ay nabuksan at ini-abot na iyon kay Lizzy. “Heto po ang listahan ang ng mga wine na nabuksan. Kailangan niyo po itong bayaran.”Pahaklit na kinuha ni Lizzy ang listahan ng papel at mas lumaki pa ang mata niya sa halaga noon. Pitong bote ng wine ang nabuksan at ang halaga noon ay makahulog panga rin ang laki. Oo, mayaman siya ngunit hindi niya mapigilan na magulantang sa nakadeklarang halaga noon.“Ano po ang gagamitin niyo Miss Rivera? Card or cash?” Dumilim na ang mukha ni Lizzy. Hindi na niya kaya pang magpanggap na okay lang ang lahat. Nilamukos niya ang listahan ng mga bote ng alak na nabuksan. Nagtaas at baba na ang kanyang dibdib. Hindi na maayos ang kanyang pakiramdam ng mga sandaling iyon at makikita na iyon sa kanyang mukha. Hindi na niya kayang magpanggap pa na ayos lang sa kanya ang lahat ng iyon.‘Humanda ka sa akin, Everly! Talag

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 31.2: Problemado

    MAKAILANG BESES NA umiling si Lizzy at gamit ang nangangatal na kanyang kamay ay tinawagan na ang kanilang tauhan upang malaman kung ano ang nangyari sa conversation nila ni Lord S. Imposible na wala itong history gayong kausap niya nga ito. Doon niya napag-alaman na naka-blacklist siya umano sa black market ng S Camp. Nanatiling nakatayo pa rin si Everly doon na pinagmamasdan ang pagkataranta ni Lizzy. Medyo nakakaawa ang hitsura nito pero sa palagay niya ay deserve ng babae ang mapahiya sa mismong harap niya dahil sa kahunghangan.“Lizzy—” “Shut up, Everly!” malakas niyang sigaw na sa kanya na binunton ang galit at sama ng loob. “Pwede ba huwag ka ng dumagdag pa?! Umalis ka na nga sa harap ko!” turo pa nito sa pintuan. “Alam mo Lizzy, ayos lang naman sa akin kung aaminin mo na hindi mo talaga kilala ang Lord S na iyan eh. Sa iyo na nga galing na hindi basta-bastang normal na tao si Lord S kung kaya mahirap itong makita, huwag mo ng ipilit. Naiintindihan kita. Sobrang desperada ka

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 31.1: Walang History

    ILANG ULIT NA napakurap ng kanyang mga mata si Lizzy. Nang sulyapan niya ang orasan, twenty minutes na ang lumipas. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi lalo na nang makita niyang titig na titig sa kanya ang mga mata ni Everly na naghihintay ng magiging sagot niya. Napalunok na siya ng laway. Pilit na kinakalma ang kanyang sarili dahil baka mamaya ay hindi na naman siya siputin ng sinumang Lord S na ‘to.“Maghintay ka. Kung hindi ka na makapaghintay, pwede ka naman ng umalis.” mataray niyang sagot.Nagkibit ng balikat si Everly na sa halip na tumayo ay inayos pa ang kanyang pagkakaupo. “Bakit ako aalis? Wala rin naman akong gagawin ngayon. Hihintayin ko na lang siya.” Napalabi na si Everly na pilit pinigilan ang mapangiti dahil para siyang shunga na hinihintay ang kanyang sarili na dumating doon. Siya si Lord S kaya nakakatawa talaga ang mga pinagsasabi ngayon ni Lizzy dito.“Alam mo Everly, nawe-weirdu’han na talaga ako sa’yo. Hindi naman lingid sa kaalaman mo ang relasyon n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status