Beranda / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 50 - Isa Sa Mga Plano Ni NIca

Share

Chapter 50 - Isa Sa Mga Plano Ni NIca

Penulis: Alshin07
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-26 01:53:19

Hindi ko inalis ang tingin ko sa pamilya ko. Tumayo si Mama at nagsimulang maglakad-lakad sa paligid ng dining area, tila hindi makapaniwala. "Kasalanan ng batang iyon! Bakit ba kasi kung saan-saan siya pumupunta? Ano bang meron sa Puerto Moco? Paano siya mabubuhay sa ganoong lugar?"

Sa una ay parang sinisisi niya pa ako pero nang lumaon, napaluhod siya sa sahig at napahagulgol. "Diyos ko... anong gagawin namin ngayon?"

Niyakap siya ni Papa at inalalayan patayo. "Kalma ka lang. Sigurado ka ba na nasa Puerto Moco nga siya, Denver?"

"Dahil magulo ang sitwasyon doon ngayon, gumamit ako ng connection para maghanap. Hindi ko siya nakita nang personal, pero may isang lalaki roon na nagsabing may babaeng kamukha ni Ria. Base sa timeline ng pagkawala niya at sa sugat niya sa bewang— parehong lugar kung saan siya nasugatan sa suot niyang wedding dress— malaki ang posibilidad na siya nga iyon."

"Ang anak ko..." Napaupo si Mama sa sahig, yakap ang sarili habang umiiyak. "Mahal, pumunta na tayo
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 51 - Ang Salarin!

    Naalala ko pa ang gabing iyon— ilang araw bago ang kasal ko. Kinuha ni Mama ang dapat sana ay regalo para sa akin at ibinigay kay Nica. Wala akong matinong alahas na maisusuot ng mga oras na iyon.Galit na galit si Lola noon. Kaya’t ibinigay niya sa akin ang kwintas na ito— ang alahas na minsang pagmamay-ari din ng mga ninuno niya pa.Sabi niya, kahit papaano ay dapat ikasal ako nang disente.Sa alaala ko ay ramdam ko pa rin ang marahang pagsuklay ni Lola sa aking buhok at ang ningning sa kanyang mga mata habang inaayos niya ang kwintas sa leeg ko. Pero wala pang dalawampu't apat na oras mula nang isuot ko iyon ay namatay na ako.Nang humarap ako kay Nica, punong-puno ng sakit ang dibdib ko.Bakit?Nakuha na niya ang lahat. Si Denver, ang pagmamahal niya, at ang lahat ng atensyon. Noong gabing mismo ng kasal namin, si Denver ay para na sa kanya.Nanalo na siya. Pero bakit kailangan niya pa akong patayin? Ako ang tunay niyang kapatid!Biglang naningkit ang malalabo nang mga mata ni Lo

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 52 - Naloko Na!

    Sa sobrang galit ay sinunggaban ni Lola ang kuwelyo ni Nica. "Wala kang puso! Kapatid mo siya! Paano siya mabubuhay nang wala siyang daliri?"Nanlamig ang mga mata ni Nica. Hindi maintindihan ni Lola ang kahulugan ng tingin niya— pero ako, alam ko.Alam kong ang gusto niyang sabihin ay wala na akong kinabukasan. Alam niyang wala na akong buhay. Pero hindi niya iyon sasabihin kay Lola. Hindi pa ngayon."Kaya kung gusto mong bumalik siya nang buhay," aniya, "Pirmahan mo na ang transfer agreement."Lalong bumilis ang paghinga ni Lola sa galit. "Hayop ka! Tatawagan ko ang mga magulang mo!"Napangisi si Nica at iniunat ang kanyang mga kamay na parang wala siyang pakialam. "Sige, subukan mo."Kaagad na dinial ni Lola ang numero ni Papa."Umuwi ka kaagad! Ang apo mo, hindi nagpunta sa Puerto Moco. Dinukot siya ni Nica! Pinutol niya ang daliri ni Ria!"Pero imbes na mag-alala, malamig lang ang sagot ni Papa."Mama, ano na naman iyang pinagsasasabi mo? Hindi ka na naman ba natulog nang maayos?

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 53 - Ang Buong Katotohanan

    Pagkapirma pa lang ng kasunduan ay nakuha na ni Nica ang lahat ng gusto niya. Wala nang silbi para sa kanya si Lola.Alam ko na kung ano ang susunod niyang sasabihin. Sa sobrang kaba kaagad akong pumosisyon sa harap ng lola ko at pilit siyang pinoprotektahan."Nica, huwag mong sabihing... Lumayas ka rito! Lumayas ka!"Kahit na halos sumabog na ang boses ko sa lakas, hindi nila ako naririnig o nakikita.Bakit ba ako namatay nang ganito kasama? Habang ang kaaway ko ay nakatayo sa harapan ko nang walang hadlang?Sa kalagayan ngayon ng lola ko ay hindi na siya dapat ma-stress nang ganito. Sa kagustuhang malaman ang kalagayan ko ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Nica."Anong ibig mong sabihin? Anong nangyari sa apo ko? Bakit hindi ko na siya makikita?"Ngumiti si Nica nang malamig. "Anong ibig kong sabihin? Literal na namatay na si Ria, matagal na."Nanigas ang mukha ni lola. Tila hindi makapaniwala sa narinig niya. Mahina at basag ang kanyang tinig nang tanungin niya ulit. "A-Anon

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 54 - Mabuti Na Lang

    Nang makita niya ang sumunod na larawan, kung saan aktwal nang binabalatan ang aking katawan ay napuno ng galit ang kanyang puso. Itinaas niya ang kanyang tungkod at buong lakas na hinampas si Nica sa ulo."Hayop ka! Mamamatay-tao ka! Hindi ka papatawarin ng langit!"Pero matanda na si Lola. Kahit ibinuhos niya ang lahat ng lakas niya sa hampas ay mabilis itong nailagan ni Nica. Dahil dito, nawalan ng balanse si Lola at bumagsak sa sahig."Lola!"Napakalakas ng pagbagsak niya. Sinubukan kong yakapin siya. Humampas ang malakas na hangin sa loob ng bahay ay nilipad ang kanyang kulay-abo nang buhok.Pero dumaan lang ang kanyang katawan sa mga braso ko na para bang hangin lang ako.At sa isang iglap— lumagapak siya sa sahig."Lola, ayos ka lang ba!"Lumuhod ako sa tabi niya at pinagmamasdan siya habang nangangatog ang katawan ko sa matinding takot."Tulungan niyo kami! May tao ba riyan!"Sumigaw ako nang desperado. Nagbabasakali na may makarinig sa akin.Dahan-dahang lumapit si Nica kay

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 55 - Wala Nang Saysay Denver

    Naroon ang gulo sa loob ng silid— kalat-kalat ang mga gamit at sa labas ay bumabagyo. Ang malakas na hangin ay nagdadala ng ulan sa loob, pinabasa ang mga kasulatan ng libro na nakalagay sa may bintana.Nakahandusay si Lola sa sahig at hindi na gumagalaw. Hindi ko alam kung nawalan lang siya ng malay o ano. Ayokong isipin ang mas malalang posibilidad.Sa sahig ay may mga basag na plato.Alam kong may likas na paggalang si Mama kay Lola. Kahit minsan ay nagrereklamo siya nang pabulong, mahal pa rin niya ito sa kanyang puso.Nang makita niya ang eksena kaagad siyang napasigaw at dali-daling lumapit kay Lola.Si Nica naman ay tila hindi inaasahan ang biglaang pagdating ni Mama. Isang saglit na nagpakita ng matinding kasamaan ang kanyang mga mata ngunit mabilis itong nawala at kaagad siyang nagpalit ng ekspresyon."Ma, bigla na lang akong sinugod ni Lola! Sinubukan ko siyang alalayan, pero hindi ko siya naabutan kaya siya natumba... Kasalanan ko ito!"May mga bakas ng sampal sa mukha niya

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 56 - Impyerno!

    Parang binuhusan ng malamig na tubig si Denver sa sinabi ni Mueller dahil napatigil siya.Nang makita naman ni Mueller na sobrang pangit ng ekspresyon sa mukha ni Denver ay nagsalita pa siya ulit. "But sometimes, miracles happen. Maybe the person you're looking for is still alive."Kahit sino, mararamdaman na lang ang kasinungalingan sa sinabi niyang iyon.Hindi ko na inintindi ang reaksyon ni Denver. Mas gusto kong malaman kung nasasaktan ba si Papa ngayong nalaman niyang nasa panganib ako.Madilim sa loob ng sasakyan. Nakapikit si Papa habang nakasandal sa upuan. Kita ko ang mahigpit niyang pagkakapigil sa armrest at ang madiin na pagkakapirmi ng kanyang manipis na labi.Naalala ko ang dati niyang pagmamahal sa akin— noong nawala si Nica, itinuring niya akong kayamanan, parang prinsesa sa palad niya. Noon, palaging may ngiti sa kanyang mukha tuwing kasama ako. Pero mula nang mahulog ako sa patibong ni Nica, unti-unting nawala ang tiwala ng pamilya ko sa akin. At dahil masyadong pina

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 57 - Sukdulang Kasamaan

    Yumuko ang lider at nagsabi. "Over here. Please follow me."Sinubukan kong takpan ang aking tainga upang hindi marinig ang mga desperadong sigaw ng mga inosenteng babae, ngunit kahit anong gawin ko ay ramdam ko pa rin ang kanilang paghihirap sa hangin.Ang totoong bangungot ay hindi pa nagsisimula.Sa dulo ng pasilyo ay may nakita akong ilang lalaking maiitim ang mga mukha, ang kanilang mga mata ay malamig at nakakatakot. Nakatayo sila roon, may hawak na AK-47, mahigpit ang hawak nila rito na parang handang gamitin anumang oras.Kahit patay na ako, ramdam ko pa rin ang takot mula sa titig ng mga mabangis na taong iyon.Sa sahig na tiles ay may nakikitang mga bahid ng dugo— hindi pa ito tuluyang natutuyo. Base sa kulay nito, malinaw na may nasaktan o namatay rito ilang oras lang ang nakalipas. Hindi ko pinagdududahan na hindi lang panakot ang mga baril nila. Sa lugar na ito ay wala talagang halaga ang buhay ng tao.Ang mga lalaking ito, sigurado akong sila ang sinasabing mga mercenary

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 58 - Hindi Pa Pala

    Nararamdaman ko kung bakit kinakabahan si Denver— ang babaeng nakatalikod sa amin ay may pagkakahawig sa akin, mula sa hubog ng katawan hanggang sa kulay ng balat.Hindi niya matanggap. Asawa niya iyon, pero ganito na lang siya tratuhin ng ibang lalaki?Ang babaeng nasa kama ay hindi gumalaw ni sumagot man lang. Samantala, walang pakialam ang manager na nagsindi ng sigarilyo. "Are you here to redeem this?"Walang sinuman ang nakahula sa gagawin ni Denver. Sa kabila ng kanyang pino at marangal na pagkilos noon, bigla siyang nagpaputok ng baril at mabilis na sinipa ang manager, dahilan para lumipad ito at bumangga sa pader.Bago pa makabawi ang manager, kaagad siyang sinunggaban ni Denver, hinawakan sa kwelyo ng kanyang makulay na polo, at sinuntok nang malakas sa mukha.Pulang-pula ang mga mata ni Denver, parang isang demonyong nagmula sa impiyerno."Who gave you the right to touch my wife!"Biglang may pumutok na baril. Hindi alam kung sino ang nagpaputok, pero umalingawngaw ito sa bu

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-26

Bab terbaru

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 75 - Wala Na Bang Puso (Part2)

    Bumaba si Denver ng kotse at padabog na isinara ang pinto. Nakapormal na siya, suot ang itim niyang amerikana, pero hindi iyon nakatulong para itago ang lamig sa kanyang mga mata."Papa, paano kung hindi na bumalik si Ria?"Pinandilatan siya ng mga mata ni Papa. "Denver, nabalitaan ko na ang sinabi ni Julia. May problema sa utak ang babaeng iyon kaya hindi mo dapat pinapaniwalaan! At ikaw naman, kakagising mo lang mula sa anesthesia, tapos ngayon ay kung anu-ano na ang sinasabi mo?"Hindi naniniwala sa mga bagay na hindi niya nakikita si Papa. 'To see is to believe' siya na tao. Sa narinig niya tungkol sa mga sinabi ni Julia ay napapailing na lang siya. "Napaka-imposible. Ang mga patay ay dapat lumisan na. Hindi ito mundo ng mga multo o kaluluwa. Kung may mga patay na bumabangon pa para gumanti, sana puno na ang mundo ng mga kaluluwang naghahanap ng hustisya. Denver, mataas ang pinag-aralan mo kaya hindi ka dapat nagpapaniwala sa mga pamahiin!"Akala ko maaapektuhan si Denver ng sinab

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 75 - Wala Na Bang Puso? (part1)

    Namumula ang mga mata ni Denver habang patuloy siyang tumatakbo nang walang sapatos. Halata sa kanyang mukha ang pinaghalong emosyon— pagkalito, kaba, at determinasyon.Pagdating niya sa exit ay hinarang siya ng mga bodyguard ng pamilya De Leon."Sir, hindi po kayo maaaring lumabas," mariin nilang sabi."Lumayas kayo!" galit na sigaw ni Denver."Pasensya na, sir, ngunit utos ni Miss Nica na hindi kayo palabasin. Wala pa kayong sapat na lakas at kung may mangyari sa inyo ay hindi namin kayang akuin ang responsibilidad."Napatingin ako kay Denver— nakasuot pa rin siya ng maluwag na hospital gown, walang sapatos, at magulo ang buhok. Sa sobrang pula ng kanyang mga mata ay parang hindi siya galing sa isang marangyang pamilya, kung hindi isang pasyenteng nakatakas mula sa isang mental hospital.Hindi iyon alintana ni Denver. Hinawakan niya nang mahigpit ang kwelyo ng bodyguard at galit na nagtanong. "Nakikita mo ba siya?"Nagkatinginan ang mga bodyguard. "Sir, sino po ang tinutukoy ninyo?"

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 74 - Guni-guni

    Nadatnan nila si Denver na kanina pa lumilingon-lingon."Anong nangyayari sa iyo, Kuya DJ?" nagtatakang tanong ni Nica."Nakikita ba ninyo siya?" biglang tanong ni Denver.Kinilabutan naman si Mama. Lalo pa at mahilig siyang maniwala sa mga pamahiin.Nagsimulang magpaliwanag ni Denver tungkol sa mga sinabi ni Julia.Halata ko sa mukha ni Nica ang pagbigla. Sa lahat ng tao ay siya lang naman itong may kinalaman sa pagkamatay ko. At ang kabang nararamdaman niya ngayon ay kaba na baka mahuli siya. Para siyang nalunod sa sarili niyang emosyon. Hindi niya napigilan ang ekspresyon niya— kitang-kita sa mukha niya ang kaba at takot. "Huwag kang magsalita nang ganyan, kuya!"Kahit ang nanay ko ay halatang natakot din, pero agad niyang tinapik ang balikat ni Nica para pakalmahin ito. "Nica, huwag kang matakot. Ayos lang iyan."Pero alam kong hindi ganoon kadali ang sitwasyon. Kahit paano, mas matibay ang psychological status ni Nica kaysa sa karaniwang tao. Ilang sandali lang at naibalik niya a

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 73 - Karma Mo Iyan Denver!

    Kahit hindi na nanganganib ang buhay ni Julia ay kailangan pa rin niyang manatili sa ICU dahil sa matindi niyang tinamong mga sugat. Ang pamilya Casas ay naiyak na lang— masyadong malupit ang buhay para sa kanilang anak. Samantala ay hindi umalis si Denver sa ospital buong araw. Gabi na nang payagan siya ng doktor na makita si Julia, pero tatlong minuto lang. Kahit hindi alam ni Aling Merna kung bakit ganoon na lang ang malasakit ni Denver sa anak niya ay hindi rin niya ito matanggihan— lalo pa at ito ang nagligtas sa buhay ni Julia. Tahimik na nagbihis si Denver ng sterile suit, dumaan sa proseso ng disinfection, at pumasok sa ICU. Agad akong sumunod sa kanya. Pero bago pa ako makapasok, iniisip ko na si Julia. Kumusta na kaya siya? Makikita niya kaya ako ulit? Nasa malalim na pag-iisip si Denver buong araw at halatang mabigat ang kanyang pakiramdam. Pareho lang ng bigat ng kanyang mga hakbang. Hanggang sa tuluyan naming makita si Julia. Nakahiga siya sa kama ng ospital, n

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 72 - Hindi Pa Rin Naniwala

    Tagos sa buto.Parang kidlat na tumama sa sala ng pamilya De Leon ang mga salitang binitiwan ni Julia. Biglang nanlamig ang paligid at ang kanina ay maiingay na usapan ay naputol na parang pinutol ng matalim na kutsilyo.Nakatutok ang tingin ng lahat kay Julia. Narinig ko ang nanginginig na boses ni Mama."Ano’ng sinabi mo?" Halata ang takot sa kanyang tinig. "Sino ang patay na!"Hindi natinag si Julia. Blangko ang tingin niya at para bang nasa ibang mundo. Bigla siyang tumakbo palapit sa lumang family photo namin at itinuro ang ulo ko roon saka muling sumigaw."Patay na siya! Umuulan... ang daming dugo!"Halos mapatid ang hininga ko.Si Mama, agad na hinablot ang jacket ni Julia at desperadong may gustong malaman. "Saan mo nakita iyan? Paano siya namatay!"Napaatras si Julia at namutla saka napayakap sa sarili. Parang may kung anong sumapi sa kanya dahil bigla siyang nagsimulang umiyak at magtakip ng ulo."Huwag! Huwag niyo akong saktan! Hindi na ako tatakas, hindi na talaga!"Napako

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 71 - Rebelasyon

    Napatingin si Kuya Marco kay Julia at ngumiti. "Ah, ito ang family photo namin. Kilala mo naman siguro lahat ng nandito. Pero teka, hindi ba nagkaroon kayo ng koneksyon ni Ria dati?"Bago pa matapos ni Kuya ang sinasabi niya, biglang napasigaw si Julia."Patay! Patay!"Nanlaki ang mata ko. Bigla akong kinabahan.Si Julia… imposible. Pero kung tama ang hinala ko ay maaaring may nakita siya noong gabing namatay ako.Hindi ko napigilang lumapit sa kanya at bulungan, kahit alam kong hindi niya ako maririnig. "Julia, ano'ng nakita mo? Sabihin mo!"Lahat ng nasa pamilya De Leon ay napatingin sa kanya, habang nagsalita ang ina ni Julia."Pasensya na po, bagong taon pa naman, tapos ganitong mga sinasabi niya. Pasensya na po."Napakunot ang noo ni Mama. Hindi siya naniniwala sa mga pamahiin, pero ayaw din niyang makarinig ng mga ganitong salita lalo na sa umpisa ng taon."Oo nga naman, kung anu-anong sinasabi. Huwag kang magsalita ng ganyan!"Nagpaumanhin ang ina ni Julia. "Pasensya na po, ila

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 70 - Frame Up

    Tuluyang nasira ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Kaagad na nagbago ang expression sa mukha ni Denver— mula sa pagnanasa patungo sa malamig na pagkahinahon.Mabilis siyang tumayo at lumayo kay Nica. Nakita ko na ang eksenang ito nang maraming beses, kaya naman ay hindi na ako nagulat.Sa totoo lang, masasabi kong maginoo si Denver. Ilang taon ko na siyang kasama at kahit noong nagkabalikan kami anim na buwan na ang nakalipas, isang beses lang talaga may nangyari sa amin— noong gabi ng aming pagkalasing.Gabi rin iyon nang mabuo sa sinapupunan ko ang anak namin.Pagkatapos noon, bihira na siyang makipagtalik kay Nica. Siguro, minsan lang niyang natikman ang tukso ng laman, pero sa ngayon para bang wala na siyang pakialam. Ni hindi niya ito ginagalang.Si Nica, halos hubo’t hubad habang nakaluhod sa sahig, habol ang hininga. Samantalang si Denver, maayos pa rin ang itsura— kailangan lang niyang ayusin ang sinturon at puwede na siyang umalis kahit ano mang oras.Lumapit siya sa mesa a

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 69 - Ganoon Kababaw

    Sa likod ng bakal na pinto ay may isang maliit na silid ang lumantad. Walang tao sa loob, ngunit sa bawat sulok ng dingding ay puno ng mga larawan.Dahan-dahang lumapit si Denver, pinagmasdan ang mga ito nang mabuti at doon niya napagtantong siya ang bida sa lahat ng mga litrato.Kahit noon pa man ay may hinala na akong hindi malinis ang nararamdaman ni Nica kay Denver. Hindi ko inasahan na aabot ito sa ganitong nakakatakot na level.Sinuri ko ang bawat larawan. Maingat itong inayos mula noong unang beses siyang pumasok sa pamilya Victorillo kasama ang umampon sa kanya na si Aurora na madrasta naman ni Denver.Karamihan sa mga larawan ay patagong kinunan. Makikita na may halong lamig sa kanyang mga mata, lalong-lalo na kapag si Nica ang kaharap niya. Puno ng pagkamuhi ang kanyang tingin, waring isang matinding insulto para sa kanya ang presensya nito.Mahal na mahal niya ang kanyang ina, kaya hindi niya kailanman matanggap ang pangalawang pagpapakasal ng kanyang ama lalo na at ang nap

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 68 - Ano Iyon?

    Nagkasundo sina Denver at ang kanyang tiyuhin na simulan ang plano laban kay Nica.Kahit alam kong hindi ako nakikita ni Vicento ay marahan akong bumulong sa kanyang tainga bago umalis. "Salamat…."Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan pero napagtanto kong hindi siya kasinglamig at kasingwalang-puso gaya ng sinasabi ng iba. Bago sumara ang pinto ay parang may narinig akong mahina at malungkot na buntonghininga."Ria..."Napahinto ako. Tama ba ang dinig ko?Nang subukan kong makinig pang mabuti, wala na akong narinig kung hindi katahimikan.Nalaman ni Denver na nasa bahay ng mga De Leon si Nica, kaya palihim siyang pumasok sa kwarto nito para maghanap ng anumang bakas na may kaugnayan sa akin.Mula nang aminin ni Nica ang kanyang tunay na pagkatao sa pamilya De Leon, bihira na siyang maglagi sa bahay ng pamilya Victorillo.Kapag wala si Denver dahil sa mga business trip ay umuuwi siya sa mga De Leon. Kapag bumalik naman si Denver ay babalik din siya sa pamilya Victorillo upa

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status