"Why are you working so hard?" The boy in a waiter's clothes asked Al who's now changing its uniform into normal one. Nakatalikod siya sa kasamahan kaya hindi niya makita kung ano ang nilalabas na ekspresyon sa mukha nito. "I have a family that needed to provide." Diretsang sagot niya. Hindi naman niya itinatago ang katotohanan na may anak siya. Saka wala rin namang maniniwala na siya ang nagluwal dito dahil parang nasa tunay lang siya na mundo kung saan walang lalaki ang nabubuntis. Depende lang kung may rare condition ka na p'wede kang manganak. Akala ni Al napunta na siya sa Parallel World kung saan lahat ay p'wede na mabuntis kahit anong gender ka pa. Kaso wala e'. Pero may parte pa rin sa kaniyang isipan na nagpapasalamat siya. Hindi niya na kailangan pang magsabi ng kung anu-ano. Malalaman na agad nila na baka may kinakasama siyang babae at iyon ang ina. Mabilis niya ring maitatanggi na may kinakasama siya at ang ina ay namat-y na. Nang sa gan'on wala ng ibang tanung-tanong pa. "Grabe! Bilib din ako sa iyo, Cy. Ang bata-bata mo pa pero kumakayod ka na para sa kanila. Hindi tulad ng mga batang ama na kilala ko, wala man lang silbi. Hinahayaan lang ang anak na magsumikap sa pamilya nila. May mga ama rin na nasa tamang edad na pero mga tamad." Pumupuring anito sa lalaking nakapagpalit na ng damit. "Kapag may kailangan ka, huwag kang mahiyang magsabi sa akin o sa iba pa. Kinahahangaan namin ang mga katulad mo. Huwag kang magbabago, Cy." Dagdag nito sa sinabi kaya tanging tango na lang ang naging sagot niya. "Then, I'll go." Paalam niya rito bago maglakad na upang lumabas sa employees' changing room. Pumunta muna siya sa manager ng restaurant na pinagtatrabahunan niya upang makapagpaalam lang at nang makatanggap ng 'OK' sign ay nagsimula na nga siyang tumapak papalayo sa restaurant. Binigyan pa siya nito ng take out na pagkain na nakahanda na talaga para sa kaniya. Kaya nagpasalamat siya at tuluyan na ngang nilisan ang loob. Sa isang restaurant na kilalang-kilala sa mga mayayaman na tao. They can serve you Western Food, C Food, and many more that can guarantee it's tasty or delicious. Mga professional chef ang kinukuha ng may-ari na galing sa iba't ibang bansa. Hindi dapat masira ang reputasyon nila sa pagkain na ihahain nila kaya kailangan ng propesyonal na alam na alam ang kusina. Marami ring mga alak na si-ne-serve sa bartending area. Ang ilan dito ay mamahalin pa na tanging mga mayayaman lang ang may kaya na bumili. Minsan nag-se-serve si Al sa bartending site kapag kailangan na kailangan niya ng pera pero dahil ayaw niyang iwan ang mga bata sa maliit na apartment tuwing gabi, pinagkakasya na lang niya ang sweldo niya sa isang buwan. Hindi naman maselan sa pagkain ang magkambal, may mga araw na gusto nilang tulungan ang ama nila na magtrabaho. Sa murang edad iyon na agad ang naiisip nila kaya nakakaramdam si Al ng awa sa dalawa. Gusto niyang humingi ng tawad dahil nagkaroon sila ng ganitong ama na kakarampot lang ang pera. Pero nauunahan na agad siya ng mga ito. Palagi nilang sinasabi na mahal na mahal nila ang ama nila. Kaya ang nagagawa na lang ni Al ay magsumikap. Mabuti na lang palagi niyang dala-dala ang wallet at lumang cellphone sa bulsa niya. Nakasanayan na niya ito noon kaya hindi na nawawala sa sistema niya. Mayroong bank card sa wallet, nang tingnan niya ang laman sa bangko, he sighed in relief. Mayroon itong 30,000 Yon (Yon: tawag sa pera nila. Nagkakatumbas ng 1 Yon- 1 Peso) Tama lang para makabili ng pansamantala na tirahan na mumurahin. Foods good for in 1 month. Down payment for his twins' tuition in kindergarten. At ang natira ay itatabi na lang niya. Habang nag-aaral sa umaga at hapon ang mga anak niya, siya naman ang nagtatrabaho sa restaurant na ito na nakita niya dahil medyo malapit lang sa direksyon ng apartment niya. Sakto na hiring for waiter kaya kinuha na agad niya. Hindi niya alam kung bakit tinanggap na agad siya kahit na wala pang interview. Wala sa isipan ni Al na dahil iyon sa kaniyang pagiging magandang lalaki na panigurado na papatok sa mga kababaihan. At maski na rin sa kalalakihan. Isang tingin pa lang ng manager ng restaurant kay Al nang nagmamasid ito sa labas ng restaurant, may kung ano sa puso nito na gusto niyang hilahin papasok sa loob ang binata, at offer-an ng trabaho dahil sayang kung hindi gagamitin. Saka sakto rin na kulang ng waiter sa restaurant. Pero hindi siya nagpadalos-dalos, naghintay siya na pumasok ang binata. May parte sa isipan niya na papasok ito sa loob. At tama nga ang kaniyang hinuha. Pero hindi inaasahan na naghahanap ito ng trabaho kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Tinanggap na niya ito nang hindi kailangan ng interview. Alam niyang gan'on din ang magiging reaksyon ng may-ari dahil sayang kung palalagpasin nila ang mukhang artistahin o modelo na si Al. Simula ng tanggapin niya sa trabaho si Al, parami na nang parami ang mga kumakain sa restaurant nila na dati'y sapat na. Ngayon lang nila napatunayan na ang iniisip nila na sapat ay kulang na kulang pa pala. Kaya kapag malaki ang kinikita ng restaurant, palihim kung magbigay ang Manager ng red envelope sa kasipagan na meron si Al. Hindi man iyon husto sa pangangailangan ng mag-aama, atleast nakakatulong siya sa kanila. Noong una hindi makapaniwala ang manager na may supling na ang binata na ito. Akala niya ay single pa lang ito at naghahanap ng mapapangasawa. Pero akalain mo nga naman... kapag tinamaan ka talaga ng pagmamahal, hindi inaasahan na may lalabas na lang sa tiyan. Kaso walang nakakaalam na si Al talaga ang nagluwal at hindi babae. At lalong wala ring kaalam-alam ang lahat ng mga nakakasalamuha niya sa tunay na pangalan niya. Ibinigay niya lang na palayaw ay 'Cy' nakuha sa pangalawa niyang pangalan na Cyriel. Subalit napagtanto rin niya na magkaparehas pala sila ng orihinal na may-ari ng katawan na ito. Kapag ginamit niya ang Cy, mapagtatanto nila na siya ay si Cyll. Kaso huli na siya, kaya naisip niya na baka hindi rin nila mapansin ito. Pero hindi pa rin natatahimik ang kaniyang damdamin. Paano kung alam nila ang itsura niya? Kahit na ilang taon na ang nakalipas na hindi sila nagpapakita. 'Hah!' *** "Dad! Welcome back!" "Daddy! Welcome home!" Masayang bati ng dalawang bata pagkabukas ng pinto at nakita sa harapan ang ama nila na may labi-labit ang kanang kamay. Nagtatakbo pa sila papalapit dito saka niyakap ang ama na hindi na nagulat pa sa akto ng mga ito. "I'm home." Nakangiti niyang sagot sa mga ito bago isa-isang hinalikan sa ituktok ng ulo ang magkambal. Napahagikhik naman ang dalawa pero ang isa ay napalingon sa dala ng ama. Mabilis niyang kinuha sa kamay ng ama ang paper plastic na hawak nito habang sabik na sabik ang mukha kung ano ang nasa loob. "Kidlat, don't snatch it without dad's permission!" Sita ng panganay sa bunso na parang walang narinig. Dire-diretso ito pagpasok sa may kusina. Binuksan ang laman ng paper plastic at nakita sa loob ng styro ang ulam na curry na gustong-gusto nila. "Wow!" Manghang usal nito. May cake rin na sapat lang sa kanilang magkapatid ang nandito. Inilagay niya ang ulam sa babasagin na mangkok at ang cake naman ay sa plato. Nang matapos na siya sa paglagay, itinabi naman niya ito sa kabinet nila upang hindi makuha ng ligaw na mga pusa. Maaga pa naman para kumain, saktong alas sais pa lang ng hapon nang makauwi si Al sa bahay. Sanay na siya sa ginagawa ng bunso, napapangiti na lang siya kapag nakikita na inilalagay na ng anak niya ang pagkain sa tamang lalagyan, at itatabi sa secured na lugar. Hindi nito nakakalimutan na lagyan ng plastic ang mangkok at maski ang cake, may chansa na langgamin ito kapag nagkataon. Gustuhin man niya na itama ang anak na dapat ilagay na sa kaserola para diretso iinitin na lang kaso naalala niya na palaging nasa mataas na parte ang mga ito kaya siya na lang ang nag-a-adjust. As long as his son love to help him. Tanging si Zefhan lamang talaga ang hindi kayang makita ang kapatid na gan'on ang ginagawa. Gusto niya kasi na magsabi muna bago kunin kung ano man ang nais niya. Lahat ng mga pangaral ng ama nila ay siya ang nag-se-seryoso. Maski na rin ang guro nila na tinuturuan sila nang tamang asal. Samantalang si Kidlat naman ay bibo at makulit. Nag-se-seryoso rin naman ito pero kapag patungkol na sa ama niya. Ayaw niya na may naririnig na kung anu-ano na salita sa ibang tao kung anong klaseng ama si Al. Doon lamang nabubuhay ang pagiging malamig niyang bata kapag kapakanan na rin ng ama nila. Sa murang edad, ang tangi lamang gusto ni Kidlat ay ang ama niya. Wala na siyang pakealam sa kung sino ba ang isa pa sa ama nila. Dahil noong naghihirap ang ama nila, nasa'n ito?
"Daddy, we're going!" Masiglang paalam ni Kidlat sa ama sabay halik sa pisngi nito.Gan'on din ang ginawa ng panganay habang sinasakbit ang kaniyang bag."Dad, see you." Tugon nito saka sabay na silang naglakad papasok sa kanilang room na ngayon ay kakaunti pa lang ang studyante.Malapit lang din ang paaralan sa apartment kunting lakad lang ay nandito ka na. Kaya hinahayaan na niya ang dalawa na umuwi kapag hapon, may dala naman itong mga baon sa tanghali upang hindi na mag-abala pa na umuwi.Pinapaalalahanan na lang ni Al ang dalawang bata na huwag sasama sa hindi kilala. Sumigaw kapag may sumusunod o hindi kaya ay tumakbo kapag malayo pa. Huwag kukunin ang candy o pera na ibinibigay. At kung anu-anong paalala na tanging kaligtasan lamang nila ang iniisip niya."Take care. Always remember my reminders, okay?" "Yes, dad/daddy!" Masunurin naman nilang tugon kaya nakangiti lang na pinisil ni Al ang pisngi ng magkambal bago magpaalam upang pumunta na sa trabaho niya.***"Sakto nandito
"By the way, I'm Jin Weilan. If I give you 5 million Yon, will you now share your name?" Tanong nito kay Al nang may seryoso ang mukha. Lahat ng mga taong nasa direksyon niya ay nagulat at namangha.Sino bang hindi masisindak?Kung bibigyan ka ng gan'ong kalaki na halaga para lang sa pangalan mo. Subalit napaisip din sila na kulang pa ang pera na iyan para sa pangalan ng nag-iisang True Beauty sa harapan nila.Kaya nagsimula na rin ang iba na taasan ang presyo. Animo'y nasa loob sila ng isang entablado kung saan may mga produkto na nasa gitna ng mga tao at patuloy na nagtataas ng bid. Kapag wala ng nagtaas pa ay siya na ang panalo."Thank you but I hope everyone respect my privacy. You can call me Cy...""Why? May pinagtataguan ka ba?" Pananabat na naman ni Jin Weilan kay Al kaya natahimik siya.Lumakas din ang tibok ng puso ni Al dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin.Gusto niyang isigaw sa mukha nito na;'Oo, meron. Kayo iyon!'Pero kalmado lang siyang ngumiti sa lalaki at
Naghihintay nang ilang minuto pa si Al na makapagsalita ang nasa harapan niya. Baka nagulat niya ito dahil sa kaniyang pambubungad. Subalit kapansin-pansin na tulala pa rin ito sa kaniyang harapan. Hindi na alam ni Al ang gagawin, gusto niyang kamutin ang kaniyang ulo dahil sa pagkabalisa, kahit na hindi naman halata sa kaniyang mukha na kalmado."Hi, I'm asking you what are you doing here?" Muling tanong niya.Winawagayway pa niya ang kanang palad sa mukha ng lalaki upang makuha lang ang atensyon nito kaya napabalik ito sa diwa. Mabilis na yumuko upang humingi ng tawad sa naging asal nito sa kaniya."I'm sorry for coming into your house without notice. I am Yin Felix, younger brother of your twins' teacher. And I am also the owner of PRIME Mod & Film Incorporation. To tell you the truth, I was fascinated with your sons beauty, that's why I came here to talk to their parents." Paliwanag agad nito sa pagpunta. Isinama na rin nito ang pag-introduce ng pangalan nito sa kaniya.Napatang
Sumapit ang tatlong araw nang tawagan si Al ni Felix upang pumunta sila sa company nito. Binigyan sila ng address nito kaya naging madali lang sa mag-aama ang makarating doon.Halata sa dalawang bata ang kasabikan. Maski ang pagsisimula ng photoshoot, pagsuot ng mga pangbata na damit for summer, ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanilang labi.Kaya ang nag-pi-picture sa kanila ay nahahawa rin sa pagiging bibo nila sa camera. Gan'on din si Al. Sa katunayan ay nababahala siya, ang dami-daming bagay na pumapasok sa kaniyang isipan. Minsan ay sinisisi na lang niya ang sarili nang palihim.Kung may pera lang ba siya, gagawin pa rin ba ng mga bata ang ganito?May pumasok din sa kaniyang isipan na baka pinipilit lang nila na interesado sila sa ganitong pag-mo-model kahit sa totoo lang ay wala talaga.Pero ngayon napagtanto niya na mali ang kaniyang mga haka-haka.Kitang-kita talaga ang pagiging malapit ng dalawa sa mga nakikilala pa lang nila. Hindi naging mahirap sa photographer ang p
"If I gave you 20 million Yon, will you share your name with me?"Para namang gustong itapon ni Felix ang nainom niyang juice. Sakto kasi na umiinom siya ay saka naman nagsalita ang lalaking ito.Kung hindi lang ito sikat sa mundo ng Entertainment Industry, gan'on din ang kakambal nito, kanina pa sinaboy ni Felix ang nainom niyang juice sa pagmumukha nito.Sino ba naman kasi ang hindi magugulat? For only the name of his friend, magwawalgas ito ng gan'on kalaking pera?Kung hindi niya lang kilala si Al, iisipin niya na i-ga-grab na nito ang offer. Kaso hindi e'. Al respects his privacy.If not? Is he still willing to make an effort to take down that person who spread his half-naked body?"I'm Cy." "But that's not your real name. Just what Weilan's said." Nakangiting pahayag nito kay Al habang nakatingin pa rin kung paano ba siya kumain.Kitang-kita rin sa peripheral vision ni Al kung paano sumilay sa labi nito ang kakaibang ngisi.'Can they stop bothering me?' nakikiusap na wika ni A
>>Jin Residence
AL CYRIEL'S POV:Matapos kong ihatid ang magkambal sa paaralan nila, saka na rin ako nagsimulang dumiretso sa aking pinagtatrabahunan.Ilang buwan na nga ba kami nanatili rito? Siguro apat na buwan na.Matagal-tagal na rin pala." Cy!" Biglang tawag sa aking palayaw ng manager ng restaurant nang buksan ko ang glass door.May kasama itong lalaki na matangkad. Medyo tanned ang kaniyang balat pero kahit na gan'on ay angat na angat pa rin ang kulay ng mga mata niya.Contact lenses lang ba ang nasa mga mata niya?Imposible kasi na may tao na may dilaw na kulay ng mga mata, napakabangis pa. Nakatitig kasi sa akin na parang anytime ay gusto akong lapain gamit lang ang kaniyang mga mata."Hello, Manager." Magalang kong bati rito sabay yuko pa sa harapan niya."Goodluck for today, Cy. And as you can see, this is Sinian, the new employee. Ikaw na ang bahala sa kaniya ng mga dapat gawin niya sa restaurant. Ayos lang ba? Kaya mo ba?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin kaya tipid naman akong ngum
AL CYRIEL'S POV: "Sorry!" Hinging paumanhin ko kay Sinian nang mahismasmasan na ako sa nangyari. Saka bakit nga ba ako nagulat? "It's okay. Don't worry." Nakangiti niyang wika pero bakit parang may kakaiba sa pagngiti niya? Para kasing pamilyar? 'Tsk. Don't think too much, Al. You're just hallucinating.' Asik ng aking utak bago kami nagsimulang maglakad ulit papunta sa second floor ng building. Hanggang pangatlong palapag lang ang meron dito. Medyo may kalumaan na rin pero hindi naman masasabing panganib na sa buhay ng mga naninirahan dito. Mas matibay pa sa relasyon ng iba. Just kidding. "Gusto mong pumasok?" Alok ko rito nang makarating na kami sa mismong pinto ng apartment ko. "Later." Pahayag niya sa akin. Hindi siya nagsabi ng kahit anong dahilan niya kung bakit ayaw niyang pumasok. Yumuko siya matapos sabihin iyon at nagpaalam na rin sa akin na siya'y papasok na sa kaniyang apartment kaya wala na rin akong nagawa kundi sumang-ayon. "Dad, who are you talking to earli
SANO'S POV: "Hey, Sano! Don’t you ever wonder about your younger brother?" Keith asked, his voice brimming with curiosity as he leaned against the wall, arms crossed. He was my childhood best friend and, as fate would have it, my doctor, too. I felt a familiar weight settle in my chest, a mix of nostalgia and sorrow. "Hmm… not this again. He’s been happy with his family," I replied, attempting to stave off the painful memories that threatened to surface. The image of my brother turning away from us—a door slamming shut—haunted me, lurking in the shadows of my mind. "Just for a moment? It’s hard to believe you didn’t even try for two decades. He’s still your brother, after all," Keith pressed, his brow furrowing as if he were unraveling a tangled knot of emotions in my head. "On paper, yes. But in reality, we’re like strangers," I admitted, bitterness beginning to seep into my tone. "And honestly, it’s our fault. If we hadn’t been so wrapped up in our business or made time to binge
AL CYRIEL’s POV:“The President of the Ying Group.” “Huh?” Sabay-sabay pa naming saad sa hindi inaasahang kataga na lalabas sa bibig ni Raize.Ako? Gustong makita ng President ng Ying Group? Para saan naman? Anong ginawa kong mali? Aalisin na ba nila ako sa village na ito kaya direkta na ako sa president talaga.Pero nawala lang ang pag-aalala ko nang marinig ang mahinang pagtawa ng kabilang linya.“Don’t overreact, we’re not a carnivorous people, so you don’t have to worry about your lives. We just wanted to talk with Al. Only him, so we hope everyone didn’t follow him. We already asked someone to pick him up. Oh! I think he’s in your door.” Mahabang salaysay ng lalaki na hindi mahahalataang matanda na ang boses.Parang ang tono ay pang-bata pa. Pero imposible rin naman. Sakto rin na pagkasabi niya noon ay may nag-doorbell na nga sa labas pintuan namin. Narinig ko pa ang pagsabi ng ‘I knew it’ ng tao sa kabilang linya bago magpaalam at hihintayin niya ako pagpunta ro’n.“I think I
AL CYRIEL's POV: "Al, what's happening? Who are they?!" bulalas ni Raize papasok sa kusina dala-dala ang laptop na kinuha niya sa akin. Nagluluto kami ngayon ni Sinian ng tanghalian namin. Samantalang ang dalawa namang Linran at Weilan, sila ang nakatoka sa pag-aalaga sa mga bata. Pinag-day off muna namin ang siya talagang nag-aalaga kina Zefhan at Kidlat. May magaganap na reunion sa pamilya nila kaya hinayaan na muna namin sila na mag-enjoy. Kaya na rin naman namin ito kasi hindi naman abusado ang mga sanggol. They were so behave and doesn't cry, if they do, it's time for their food. "About what?" Nagtatakang wika ko pero halata sa tono ng boses ko ang inis sa lalaki. "I'll continue this, go and find out," Sinian said, as he touched my waist. Napatango na lang ako sa sinabi nito at saka tuluyang pinuntahan si Raize na umupo sa lamesa sa loob ng kusina. Malapit lang sa lutuan. "These," Raize said before pointing out several comments from people who we didn't even know. But r
AL CYRIEL's POV: Sa loob nga ng isang linggo, may isang post na kumalat sa Social Media. Post kung saan binabatikos ako dahil sa ginawa kong paggamit sa mga bata para bumalik lang ako kay Red. At marami pang iba na may mga kasamang picture kasama ang tatlo. May edited version pa kung saan pumunta kaming hotel, nakita akong may hawak na sigarily* habang hawak si Zefhan, at kung anu-ano pa na bad images na mas lalong nagpasiklab sa galit ng mga netizens. Alam ko naman na iisa lang ang may alam sa kung saan ba ako nakatira. Maliban sa akin, sa manager ko, sa katulong, at sa tatlo. Si Red lang ang nakikitaan ko na may gawa nito. Alam kong nagbayad siya ng malaking pera para siraan ako sa publiko. Tama siya, maraming nagalit sa akin na mga dating fans ko. Kung anu-ano pang mga pangalan ang tinatawag nila sa akin. May mga ni-me-mention pa sila na mga public affairs para sa kaligtasan ng mga kabataan. Buong linggo na iyon patuloy pa rin ang pag-angat ng fake news sa Social Media. Per
AL CYRIEL'S POV: "Al," tawag ng taong kilalang-kilala ko ang boses, dahil sa aking narinig biglang napantig ang tenga ko. Agaran akong napatayo sa aking pagkakaupo. Nakita ko sa aking harapan ang lalaking may sumbrero. Naka-tshirt lang siya na puti at itim na pantalon. Ilang buwan ko na siyang hindi nakikita simula ng bumalik ako sa mundo na ito. Ngayon ko lang ulit napagmasdan ang kaniyang itsura. Matikas man ang kaniyang mukha, hindi pa rin maitatago ang pagkapayat niya. Hindi tulad noong nagsasama kami na palagi siyang malaman. Pero kung ano man ang pinagkakaabalahan niya noong wala na kami, wala na akong pakealam pa ro'n. I'm now content with my current life. Two kids and the right one for my life, Sinian, and their uncles, with whom I have become friends. Sakto na sa akin ang lahat. Wala na akong dapat pang isipin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung paano nalaman ni Red ang pamamahay ko? "What are you doing here?" Tanong ko rito nang may malamig sa aking tono ng bos
AL CYRIEL'S POV: "Al, are you there?" Tanong ng manager ko sa labas ng bahay ko. After I got discharged from the hospital, I also asked Raize to find me a house that is suitable for us, and for my future family. Ayoko ng manatili sa condo kung saan maraming memories kasama si Red. Napirmahan ko na rin ang divorced paper matapos kong magising. Isang buwan akong walang malay, pero sa mundong iyon humigit anim na taon na ang itinagal ko. Ibang-iba talaga. Umalis na rin ako sa Entertainment Industry dahil gusto kong mag-focus sa pag-aalaga sa mga anak ko. Marami man ang nadismaya sa pag-alis ko, alam kong naiintindihan din nila iyon. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang tunay na dahilan ko, saka na kapag malalaki na ang mga anak ko. Pero kung may pagkakataon man, babalik ako. "Yes? Come in." Unti-unti namang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang payat pero may katangkaran na si Raize. May salamin siya na suot at sa kaniyang kaliwang kamay naman ay cellphone na nakabukas.
AL CYRIEL'S POV: "He's now fine, he need rest. And also he need someone to be with for the time being. You already know what he did back then, so please stay with him." Dinig kong paalala ng doctor kay Raize, ang manager ko. "I'm going." Paalam ng doctor sa amin, napatango na lang ako at maging gan'on din si Raize. Dumating ang ilang minuto na walang nagsasalita sa amin. Ayoko rin namang magsalita. "Are you okay now, Al?" Tanong sa akin ni Raize. Napatango na lang ako. "How did you do that?" Muling usal nito, pero halata na nagdadalawang-isip pa siya sa tanong niya. Siguro ang tinutukoy nito ay ang pagtalon ko sa building dahil lang kay Red. I'm a fool back then, killing myself because of a stupid guy? But I'm happy too, 'cause I've met them. The person I wanted to be with. The person who promised me that he'd come with me. No matter what. All I did was to wait... wait... until they came. "Raize, can you do me a favor..." medyo namamaos kong saad sa lalaki.
AL CYRIEL'S POV: "Daddy, don't you love us?" Naiiyak na tanong sa akin ni Kidlat. "No... I love you. I love you, son. I do!" Gusto kong lumapit, gusto kong yakapin ang mga anak ko. Pero na-stuck lang ako sa direksyon na ito, hindi makagalaw, hindi magawa ang ninanais ko. "Then, why are you leaving us, dad? Why? Why?!" Matapos sabihin ni Zefhan ang lahat, narinig ko na naman ang malakas na palahaw na iyak niya, kasunod din nito ang pag-iyak ng bunso. [... 95% ...96%...] System, you're so d*mn selfish. Why?! Bakit ang bagal ng proseso mo? Bakit mas pinahihirapan mo ako? Nahihirapan kong singhal sa taong ito. Pinapakita sa kaniya kung gaano ako naiinis sa kaniyang ginawa. [... 98%...] "I'm sorry, I'm sorry, sons. Please forgive your father. I'm sorry. Patawad dahil lilisanin ko na ang mundong ito. Mahalin ninyo ang ama at tito ninyo, ibigay ninyo lahat ng atensyon sa kanila. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Sana lumaki kayong marangal at matikas na mga binata." Iyon na
AL CYRIEL'S POV: [ System's activating 1% ... 2% 5%... 27%... 35% ... 50% ... 67% ... 79% ... 86% ... 95% ... 99%...] [System's Complete] [System's Searching For Main Character's Punishment...] [Searching...] [Searching...] [Searching] [Searching Finished] [System: Main Character's Punishment, Returning To The Real World] [System: Punishment Activating...] [System: Denied] [System: Punishment Activating... Denied... Denied... Denied.] [System: Accessing 24 Hours Stay Before Returning...] [System Activated] [System: Main Character's 24 Hours Stay Begins] Habang naririnig ko iyon sa aking ulo, mabilis akong pumanhik sa banyo at doon umiyak nang tahimik. Mahina rin akong nagmamakaawa, nagmamakaawa na bigyan pa ako ng pagkakataon na manatili. Manatili sa tabi nila. Pero wala... Walang nangyari. The System only give me 24 hours to be with them. To be with the people I treasured and loved. Ang unti, ang ikli ng oras, kung alam ko lang na may System