Dahil sa kalituhan ng isip nakalimutan ni Yuna na wala nga pala si Myca at nasa shop malamang.Wala siya sa mood kaya nais na niyang magpahinga. Pumara ng taxi si Yuna at walang choice kundi ang magpahatid sa Villa ni Felix. Sa sitwasyung iyon ay naalala niya na wala siyang matitirhan. Naisip ni Yuna na kapag nagtagumpay na sng diborsyo ay bibigyan sila ng sapat na halaga ng biyenan at bahay nilang magama ang una niyang aasikasuhinPumasok si Yuna sa villa, at tinanong siya ni Manang Azun ng salubungin siya,"Senyorita, nakabalik ka na pala, nag almusal ka na ba ?" Magiliw na tanong nito"Hindi pa po" Ngumiti si Yuna, nasa magandang mood na siya at may gana kumain.Masustansyang almusal ang inihain ni Manang Azun.Dahan dahan kumain si Yuna. Maya maya pa, narinig ni Yuna ang isang maid sa labas na sumisigaw,"Sir, bumalik ka na ba " "Narito na ba ang sneyorita Yuna nyo?Nagbalik na ba ang asawa ko " tanong ni Felix sa maid."Bumalik na ho si senyorita at nag aalmusal na ang asawa nyo
Nang makita ang balita, natigilan si Yuna. Hindi niya inaasahan na ganoon kabilis kumilos ang biyenan niya.Nabasa rin niya sa mensahe na nagayos daw ito ng blind date para sa kanya sa loob lamang ng isang araw.Pinadala nadin daw nito ang ang number niya sa kanyang makaka blind date.Naiilig na nanlalaki ang mata ni Yuna.Gamun ba talaga kabilis na gusto nilang maalis ako sa paningin nila hah!"Okay lang Yuna" sabi niya sa sarili matapos lamang sana ang bagay na ito nang mas maaga at mas matanggal ito nang mas maaga.Sumagot si Yuna sa biyenan ng "oo", tumalikod at pumili ng bagong damit na sariling disenyo sa studio, nagsuot ng light makeup at pumunta sa appointment.Pagkakuha niya ng bag niya, tumunog agad ang mobile phone niya, pagtingin niya kung sino ang tumatawag ay nakita niyang si Felix iyon. nampot ito ni Yuna at bumaba sa hagdan,"Mr. Felix, hinahanap mo ba ako? may kailangan ka ba? " Tanong agad niya.Sinadya niyang tawagin ito sa pormal na pangalan kayatinawag niya itong M
Tumingin sa paligid si Yuna, patuloy siyang sinisigawan ng dalawang malalaking lalaki sa labas, nakita ni Yuna malayo siya sa Alta Tower sa harap pero may nakita siyang magandang landmark."Nasa pintuan ako ng hotel, may katabing 717 convenience store dito." sabi niya."Hintayin mo ako dyan, i lock mo ang pinto, at huwag kang bumaba sa kotse." sabi ni Patrick."Okay sige..." Medyo kalmado si Yuna, patuloy ang dalawang malalaking lalaki sa labas, atp ilit pa ring binubuksan ang pinto ng kotse niya. Nang mainis dahil ayaw niyang buksan ang pinto, parang baliw ang isa sa malalaking lalaki, na inilalim sa kotse niya ang kamay aka siya inalog alog at pilit pangn itinaas ang kotse niya na ala mo naman kakayanin.Gann pa man ay bahagyang namutla ang mukha ni Yuna sa takot"Ano ang ginagawa niya. Diysko ano bnang kailangan nyo. Umalis na kayo. Alis na please" dasal ni Yuna na sana ay umalis na ang masasamang lasing na ito. Sobra namang kalasingan ng mga ito na parang mga baliw na. Hindi k
Napansin ito ni Patrick na parang naiilang si Yuna sa kanya, binalingan niya ang ulo at saka ngumiti ng may pag galang."Sorry, Pasensya na, masyado akong naagaalala at hinid ko namalayan masyado na kaong malapit pasesyan na talaga" "Okay lang, hindi mo kailangang humingi ng paumanhin." sabi in Yuna na nahihiya din naan dahil sa naansin ng lalaki na naiilang siya. Naniniwala siya na hindi naman sinasadya iyon ng lalai at talagan lamang nagaalala sa kanya.Tinulungan siya ni Patrick na umupo sa kwarto ng doktor. Nang magtanong ang doktor, sagot niya, ay n sumagot naman siya at nakipagtulugnan ng maayos sa dotro para masuri ang kalagayaqn niya.Naupo si Patrick sa tabi ni Yuna at tiningnan siya, at nang matapos ang doktor sa pag-isyu ng report ay lumapit ulit ito para tulungan siya."Miss Yuna, ipapadala kita sa X-ray room para makita nating kgn may baling buto." Tumango si Yuna at muli siyang inalalayan ni Patrick."Maraming salamat pasensya na sa abala" Nagpasalamat sa kanya si
Naisip ni Yuna na kaya sila kinunan ng litrato ni Jessie ay para ipakita iyong kay Felix at magsumbong na naman ito ng mga gawa gawang kuwento. Mahilig sa ganoong scheme ang babae. Malamang sasabihin niya ito kay Felix at posibleng pati sa buong Altamirano Tama ang hula ni Yuna, dahil ng umuwi siya ng gabing iyon ay ganito nga ang sumbong nito kay Felix."Ano ang nangyari kay Yuna. Nakita ko silang magkasama ni Patrick sa ospital sa gabi Felix alam mo ba ?Si Jessie pala ay nag post ng larawan sa facebook nito.kaya inusisa ito ni Felix."Felix, nakita ko si Yuna at Patrick, ang big sabihin, nakita ko na sinamahan ni Patrick si Yuna sa ospital, hawak ni Patrick ang bag ni Yuna na para bang mayl kung ano sa kanila at parang matagal ng nagkikita ang datingan eh, at mukhang napaka intimate nila.Nagdi dinner si Felix sa bahay, nang makita niya ang balita, kaya mas lumamig ang mukha niya."Sir, handa na po ang crab soup, ihahain na po na mgayon O hihintayin mo muna si Senyorita Yuna"
"Saan ka galing?" Naglakad pababa si Felix at galit na nagtanong. Itinaas ni Yuna ang kanyang ulo at ngumiti,"Galing ako sa isang blind date." ”nang marinig ang salitang blind date, akala ni Felix ay mali ang narinig niya pero sa bibig mismo ni Yunan nagmula kaya napasimangot siya"Blind date?" Tumaas pa sngvlilsy nito."Oo" makiksing sagot ni Yuna pero taaa noo siyang umamin, nagpalit ng tsinelas sa loob ng bahay, at naglakad patungo sa kusina,"Gutom na ako, may makakain pa ba?" "Bakit ka Nakipag blind date " Sumunod naman si Felix sa kanya at hinablot ang braso niya at hinintay ang kanyang sagot.Inilagay ni Yuna ang strawberry cake sa ref at ayaw niyang kainin muna ito dah masama ang kumain ng malamig sa gabi.Pumunta siya ng kitchen para tingnan ang nakasalang sa kaldero, at talagang natuwa si Yuna na may mainit na sopas dito.Malamang na iniwan ito ni manang Azun para sa kanya, at tuwing uuwi siya ng gabi, nag iiwan si manang ng sopas para sa kanya.Mahilig humigop ng sopas si
Alam ni Felix na masyadong niyang pinaigting ang galit pero hidni natakot si Yuna wala siyang paraan para umatras, at sumagot,"Siguro naman gaganda ang buhay ko sa kanya. Siyempre, mabait kase siya.""Ngunit paano kung malaman niya na may asawa ka at hindi ka niya gustong maging kanya?" tanong ulit nito. Ang malamig na hininga ni Felix ay tumama sa mukha ni Yuna."Kung ganoon, Ay hahanap ako ng iba. Mahirap humanap ng tatlong paa na palaka, pero maraming lalaking may dalawang paa. Sa itsura ko, tiyak na makakahanap ako ng isa" taas noong sabi ni Yuna na nakipagtitigan kay Felix."Parang determinado ka sa panlilinlang?" Ngumiti si Yuna ng paismid"Hindi mo naman gustong magkipagdiborsyo, kaya hahanap ako habang kasal pa tayo. Kung nakahanap ka, makakahanap din ako. Lahat tayo'y magiging masaya patas lang diba?" Nangingiting sabi ni Yuna. Tiningnan siya ni Felix nang mabigat, tila ba't sa tingin pa rin nito ay nagbibiro siya kaya hinamon siya nito at sinabi nang may malungkot na m
"Madam, puwede ka bang pumunta at tulungan akong hanapin ito? Kung hindi, pagagalit naman ako ni Senyorito kanina pa mainit ang ulo, lahat tayo sa apektado at magsasakripisyo!"Naisip ni Yuna na karaniwan naman mabait si Manang Azun sa kanya, at hindi niya matiis na magdusa ito, kaya't pumunta siya upang tumulong sa paghahanap. Pumasok siya sa master bedroom. Nakaupo si Felix sa kama nang may malungkot na mukha, may kulay berdeng-abo sa ilalim ng kanyang mga mata, may eye bug ito, marahil dahil hindi ito makatulog nang maayos kagabi.Hindi siya nagsalita o binati man lang si Felix at diretso ng pumasok sa walk in closet. Nang buksan ang ilaw sa malaking kabinet may malawak na hanay ng mga damit. Sa kaliwa ay ang mga damit ay Felix, at sa kanan ay ang kanya.Noong mga nakaraan, gusto ni Yuna na pumasok sa umaga upang tulungan si Felix sa paghahanap ng damit.Iniisip niya ito bilang isang uri ng kaligayahan. Ngunit ngayon, sa pagtingin sa isang kuwarto na puno ng mga damit, nadsgdsgan
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p
Kanina ay matatag Si Yuna, ngunit ng mabanggit ang ama at marinig ang pagiyak ni Myca, doon nagsimulang bumangon ang lungkot at takot ni Yuna. Kung tutuusin ay nangpapakatatag lamang siya pero matagal nang para siyang living dead. Mula ng mawala ang kanyang anak ay para na rin siyang buhay na patay. Tanging ang kanyang ama na lamang ang nagiisang hibla ng pisi na nagpapanatili ng kanyang katatagan."Attorney Sandro, maaari ka nang bumalik at sabihin sa kanya na huwag nang mag-alala tungkol sa akin. Wala na akong pagmamahal sa kanya, tanging poot na lamang."Napatingin si Sandro sa kanyang payat na pigura at hindi alam kung ano ang sasabihin. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, nagtanong si Sandro."Sigurado ka ba Yuna?""Oo. " Tumango siya ng ilang ulit. Walang pagpipilian si Sandro, kundi mag-impake ng mga dokumento at tumayo para lisanin ang lugar. Lugar na alam niyang ayaw ni Felix kahantungan ng asawa nito."Attorney Sandro." Bigla siyang tinawag ni Yuna. Lumingon si Sandr
Halos manikip ang dibdib ni Felix sa mga narinig. Ang dugo sa kanyang katawan ay parang biglang kumulo at umapaw hanggang sa kanyang bumbunan.Halos hindi niya makontrol ang kanyang emosyon, at gusto niyang pigilan ang mga pulis upang huwag hulihin si Yuna. Ngunit si Yuna ay nakaupo sa itaas ng puno, kaya hindi siya nangahas kumilos ng padalos-dalos. Dalawa ang kinakatakutan ni Felix: una, baka maisip ni Yuna na talon kapag natakot, dahil sa kasalanang iyon; at pangalawa, hindi niya kayang makitang damputin si Yuna ng mga pulis.Tumingin si Yuna kay Felix, itinaas ang gilid ng kanyang mga labi, at pagkatapos ay tumitig sa kanyang mga mata. May bakas ng nakatagong lungkot at poot—para bang sinasabi nito kay Felix na oo, ayaw niyang humingi ng tawad kay Rowena, at tumatanggi itong tanggapin pa ang kabaitan ni Felix.Natakot si Felix. Sa ilang segundo, sa sandaling tinulungan niya si Yuna at ilang pulis sa pagbaba sa puno, halos gusto na ni Felix na lumapit at yakapin ito. Gusto niyang
"Sir, pumunta po si Madam para bisitahin ang kanyang ama na si Ginoong Shintaro? Pero hindi po siya nakapunta sa ward ni Miss Rowena?" Sagot ang tapat na tauhan ni Felix."Hindi niya pinuntahan si Rowena?""Hindi po, Sir." Nakagat na lamang ni Felix ang kanyang mga labi sa pagtitimpi."Ano pa ang sumunod niyang ginawa?" tanong ni Felix. "Pumunta po siya sa lumang villa, Sir," sagot ng tauhan."Anong ginagawa niya roon?" "Sir, si Madam po ay pumunta sa likod ng bundok ng lumang villa. Doon po sa puntod ng kanyang ina." "Um, pagkatapos po niyang pumasok sa lumang villa, hindi na po siya lumabas," dagdag ng unang tauhan."Kaya naisipan ko po na umuwi na lamang. At iniisip ko na maaaring doon na po magpalipas ng gabi ang inyong asawa." Hindi maipaliwanag ni Felix kung bakit nakakaramdam siya ng kaunting pagkabalisa. Patuloy na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Hindi talaga siya mapakali at tila kinakabahan. Kaya agad kinuha ni Felix ang telepono at lumabas. Pagkatapos ay inutusan ni
"Kuya , ibig mong sabihin, hahayaan mo lang siya na makalapit pa rin sa akin at hahayaan mo na saktan niya ako ulit kahit kelan niya gusto?" naaagrabyadong sinabi ni Rowena."Napakawalang halaga ba ng buhay ko? Gusto niya akong patayin, ngunit hindi ako namatay. Ngayon gusto niyang makipagkompromiso ako at patawarin siya." Tingin ito ng may pagdaramdam kay Felix."Kung patatawarin ko siya, hindi ko mapapangako sa kanya na hindi niya ako sasaktan. Sa kasong ito, magiging ligtas ba ako sa hinaharap?" Tanong ni Rowena.Natahimik sandali si Felix, Nagisip muna ito ng mabuti pagkatapos ay sinabi kay Rowena ang nais nitong marinig."Kung sasaktan ka niya sa hinaharap, sige poprotektahan kita." Iyon na lamang ang sinabi ni Felix para matapos na ang usapaan nila. Alam niyang iyon ang igigiit ni Rowena at iyon ang hinihintay nitong sabihin niya.Samantala sa kabilang dako........Nakita din ni Yuna sa balita na nailigtas nga si Rowena.Tatlong araw daw siyang naanod sa dagat, at ang pangyayar
"Mr.Felix, Nandito ako para makipag-ayos sa kanya!" Itinuro nito si Yuna. Ang mga mata ni Robert ay may kakaibang titig kay Yuna. Tahimik itong humihigop ng kanyang sopas, at nang marinig niya ang mga salita ni Robert, ngumiti siya at nagtanong, "Patay na ba si Rowena?" Nagbago ang mukha ni Robert nang marinig niya iyon,"Ikaw babae! hindi ako makapaniwalang napakasama mo palang babae! Hindi pa ako nakakita ng ng babaeng ganito kasamang na tulad mo. Matapos itulak si Rowena sa dagat, wala ka man lang bahid ng panghihinayang o takot!" Sabi ni Robert at lumakad para salakayin si Yuna. Hinawakan ni Felix ang kamay ng lalaki saka ito tinitigan g may pagbabanta at sinabi sa malamig at walang malasakit na boses, "Robert Ikaw ay nasa pamamahay ko, kung maglakas-loob kang saktan ang asawa ko ulit, hindi ako magdadalawang isip, gusto mong subukan?""Kapatid mo si Rowena!" Nagulat si Robert. Talagang ipinagtanggol ni Felix ang masamang babaeng ito hanggang sa oras na ito.Si Felix ng