Napansin ito ni Patrick na parang naiilang si Yuna sa kanya, binalingan niya ang ulo at saka ngumiti ng may pag galang."Sorry, Pasensya na, masyado akong naagaalala at hinid ko namalayan masyado na kaong malapit pasesyan na talaga" "Okay lang, hindi mo kailangang humingi ng paumanhin." sabi in Yuna na nahihiya din naan dahil sa naansin ng lalaki na naiilang siya. Naniniwala siya na hindi naman sinasadya iyon ng lalai at talagan lamang nagaalala sa kanya.Tinulungan siya ni Patrick na umupo sa kwarto ng doktor. Nang magtanong ang doktor, sagot niya, ay n sumagot naman siya at nakipagtulugnan ng maayos sa dotro para masuri ang kalagayaqn niya.Naupo si Patrick sa tabi ni Yuna at tiningnan siya, at nang matapos ang doktor sa pag-isyu ng report ay lumapit ulit ito para tulungan siya."Miss Yuna, ipapadala kita sa X-ray room para makita nating kgn may baling buto." Tumango si Yuna at muli siyang inalalayan ni Patrick."Maraming salamat pasensya na sa abala" Nagpasalamat sa kanya si
Naisip ni Yuna na kaya sila kinunan ng litrato ni Jessie ay para ipakita iyong kay Felix at magsumbong na naman ito ng mga gawa gawang kuwento. Mahilig sa ganoong scheme ang babae. Malamang sasabihin niya ito kay Felix at posibleng pati sa buong Altamirano Tama ang hula ni Yuna, dahil ng umuwi siya ng gabing iyon ay ganito nga ang sumbong nito kay Felix."Ano ang nangyari kay Yuna. Nakita ko silang magkasama ni Patrick sa ospital sa gabi Felix alam mo ba ?Si Jessie pala ay nag post ng larawan sa facebook nito.kaya inusisa ito ni Felix."Felix, nakita ko si Yuna at Patrick, ang big sabihin, nakita ko na sinamahan ni Patrick si Yuna sa ospital, hawak ni Patrick ang bag ni Yuna na para bang mayl kung ano sa kanila at parang matagal ng nagkikita ang datingan eh, at mukhang napaka intimate nila.Nagdi dinner si Felix sa bahay, nang makita niya ang balita, kaya mas lumamig ang mukha niya."Sir, handa na po ang crab soup, ihahain na po na mgayon O hihintayin mo muna si Senyorita Yuna"
"Saan ka galing?" Naglakad pababa si Felix at galit na nagtanong. Itinaas ni Yuna ang kanyang ulo at ngumiti,"Galing ako sa isang blind date." ”nang marinig ang salitang blind date, akala ni Felix ay mali ang narinig niya pero sa bibig mismo ni Yunan nagmula kaya napasimangot siya"Blind date?" Tumaas pa sngvlilsy nito."Oo" makiksing sagot ni Yuna pero taaa noo siyang umamin, nagpalit ng tsinelas sa loob ng bahay, at naglakad patungo sa kusina,"Gutom na ako, may makakain pa ba?" "Bakit ka Nakipag blind date " Sumunod naman si Felix sa kanya at hinablot ang braso niya at hinintay ang kanyang sagot.Inilagay ni Yuna ang strawberry cake sa ref at ayaw niyang kainin muna ito dah masama ang kumain ng malamig sa gabi.Pumunta siya ng kitchen para tingnan ang nakasalang sa kaldero, at talagang natuwa si Yuna na may mainit na sopas dito.Malamang na iniwan ito ni manang Azun para sa kanya, at tuwing uuwi siya ng gabi, nag iiwan si manang ng sopas para sa kanya.Mahilig humigop ng sopas si
Alam ni Felix na masyadong niyang pinaigting ang galit pero hidni natakot si Yuna wala siyang paraan para umatras, at sumagot,"Siguro naman gaganda ang buhay ko sa kanya. Siyempre, mabait kase siya.""Ngunit paano kung malaman niya na may asawa ka at hindi ka niya gustong maging kanya?" tanong ulit nito. Ang malamig na hininga ni Felix ay tumama sa mukha ni Yuna."Kung ganoon, Ay hahanap ako ng iba. Mahirap humanap ng tatlong paa na palaka, pero maraming lalaking may dalawang paa. Sa itsura ko, tiyak na makakahanap ako ng isa" taas noong sabi ni Yuna na nakipagtitigan kay Felix."Parang determinado ka sa panlilinlang?" Ngumiti si Yuna ng paismid"Hindi mo naman gustong magkipagdiborsyo, kaya hahanap ako habang kasal pa tayo. Kung nakahanap ka, makakahanap din ako. Lahat tayo'y magiging masaya patas lang diba?" Nangingiting sabi ni Yuna. Tiningnan siya ni Felix nang mabigat, tila ba't sa tingin pa rin nito ay nagbibiro siya kaya hinamon siya nito at sinabi nang may malungkot na m
"Madam, puwede ka bang pumunta at tulungan akong hanapin ito? Kung hindi, pagagalit naman ako ni Senyorito kanina pa mainit ang ulo, lahat tayo sa apektado at magsasakripisyo!"Naisip ni Yuna na karaniwan naman mabait si Manang Azun sa kanya, at hindi niya matiis na magdusa ito, kaya't pumunta siya upang tumulong sa paghahanap. Pumasok siya sa master bedroom. Nakaupo si Felix sa kama nang may malungkot na mukha, may kulay berdeng-abo sa ilalim ng kanyang mga mata, may eye bug ito, marahil dahil hindi ito makatulog nang maayos kagabi.Hindi siya nagsalita o binati man lang si Felix at diretso ng pumasok sa walk in closet. Nang buksan ang ilaw sa malaking kabinet may malawak na hanay ng mga damit. Sa kaliwa ay ang mga damit ay Felix, at sa kanan ay ang kanya.Noong mga nakaraan, gusto ni Yuna na pumasok sa umaga upang tulungan si Felix sa paghahanap ng damit.Iniisip niya ito bilang isang uri ng kaligayahan. Ngunit ngayon, sa pagtingin sa isang kuwarto na puno ng mga damit, nadsgdsgan
"Hindi niya gusto ang bag?" Nagtaka si Myca "Maganda naman itong bag, paano?""Siya talagang isang kakaiba." May ngiti si Yuna sa kanyang mga mata. Matapos niyang matawa, siya'y namangha. Dahil nakita niya ang isang bulto ng katawan na nakatayo sa labas ng opisina. Si Felix Altamirano na nakasuot ng itim na polo at itim na pantalon, at kasama niito ang haliparot este ang kabit este si Jessie ang dakilang babae ni Felix ganun din si Natsha ang pinsan ni Felix.Nagliyab ang mukha ni Yuna sa inis. Kung bakit naman kase sa dinami dam ng makikita ay ang mga pagmumukha pa nito. Kanina lang ay sinabi niya na itoy kakaiba, pero kakaiba naman talaga ito.Smantalang naroon si Jessie at nakakapit pa sa braso ng kanyang mahal na asawa. Ang kapal na ng mukha, nakatuon ang mga mata nito sa bag sa kanyang lamesa. Hindi malaman kung ano ang iniisip niya, at may kaunting lamig sa kanyang mga mata nito."Cousin, narinig mo ba 'yon? Palagi na lang iniisip ni Yuna na ikaw ay kakaiba." sabi ni Natas
"Ate Jessie, naaalala ko na marunong kang sumayaw. Pumili ng isang flowing dress. Napakaganda mo dyan sa araw ng kaarawan mo habang isinasayaw ka ng kuya Felix diba?" Sabi ni NatashaAng ganda nga," tugon ni Jessie na tumutukoy sa isang puting evening gown at nagtanong kay Felix na nasa tabi niya,"Felix, anong tingin mo? Okay lang ba itong gown na puti?" Tanong ni JessieTumingin si Felix rito at sinabi sa malinaw at falt na boses,"Okay lang." Maiksi at ni hindi man lang tumagal sa pagaulyap sa gown"Subukan ko ito," ngumiti ni Jessie sabay sabi kay Yuna,"Yuna, salamat sa tulong. Eto na ang susubukan ko." Ika nito sa pekeng ngiti.Si Yuna ay patuloy na nakayuko sa tabi niya. Nang marinig niya ang mga salita, ngumiti siya at sinabi ng walang anuman na walang emosyun.Tumawag siya ng kanyang assistant at kinuha ang evening gown para suotin ni Jessie."Felix, susubukan ko munang sukatin ang damit. Maghintay ka lang dito," sabi ni Jessie nang maayos.Tumingin si Felix ng bahagya at t
Si Felix na abala sa kausap sa telepono ay napatingin sa nangyayaring komusyun. Lumapit ito ng marinig ang ang mga boses.Tumaas ang kilay nito at malamig na nagtanong,"Ano ang nangyari?" tila pigil ang boses nito ng magtanong."Ah madulas kasi ang sahig, at nadapa si Natasha." Paliwanag ni Jessie nang mahinahon."Hindi ba nasagi ang tiyan mo?" Tanong ni Felix sa kanya. Umiling si Jessie,"Okay lang, nasagi ni Natasha ang paa ko lamang, at safe naman ang tiyan ko." paliwanag ni Jessie.Tumingin si Felix kay Yuna na nakayuko pa rin sa may palda ni Jessie."Okay ka lang ba?" sabi nito na may lamlam ang mata."Okay lang." Tahimik ang mukha ni Yuna.Nakita niya ang lahat, at nasasaktan si Yuna na sa naging pag-aalala nito tungkol sa bata kanina. Si Jessie ang agad nitong pinuntahan. Sa mga ganitong pagkakataon lalo lamang nababaon sa sakit ang damdamin ni Yuna at lalo lamang niyang hinihiling na mapabilis ang kanilang paghihiwalay. Pero biglang nahiya si Yuna dahil inisip niya ang sari
Hindi makapaniwalang napatitig si Yuna sa mga mata ni Felix. Nang ma realize na niya kung ano ang ibig sabihin nito ay sya namang pagpasok ni Jessie na nakabalik na mula sa pagkuha ng tubig. Binuksan ito ang pinto at nakitang magkayakap ang dalawa.Nakita naman ni Yuna sa gilid ng kanyang mga mata na nanlilisik ang mga mata ni Jessie."Anong ginagawa nyo?" Patay malisyang tanong nito."Nag uusap" Sinagot siya ni Felix sabay tinitigan ng hindi kanais nais. si Jessie naman ay tumingin kay Yuna pagkatapos ay biglang naisip ang mga payong na sinabi sa kanya ni Felix kanina. At naisip nIyang tama nga na lumaban siya. Sa naisip na iyon ay may kapilyahang pumasok sa isipan niyo Yuna.Bigla niyang Inunat niya ang kanyang mga kamay iniyakap sa bewang ni Felix At niyakap ito ng mahigpit."Felix nagugutom na ako. Gusto ko ng kumain, tulungan mo ako Felix" sabi niYuna na sinadyang lambingan at boses at ireguest na alalayan siya ni Felix. Nakita ni Yuna na tumaas ang sulok ng bibig ni Felix at kumis
Nabigla man sa mga sinabi ni Yuna ay nanatiling nakangiti si Jessie."Sa totoo lang ay hindi ko kaya. Pero mahal ko si Felix kaya sinisikap kong mahalin na rin yung mga mahal niya.Kung pipilitin niya na panatalihin ka sa tabi niya ay pag aaralan kong tanggapin na dalawa tayo sa buhay nya at gagawin ko yun kasi mahal ko talaga sya" Sabi ni Jessie.Pero imbis na humanga ay para pang nasuka si Yuna a pagiging tanga at sakim ng babae."Sa totoo lang naiisip ko naman na hindi natin kailangan magtalo eh" Pagpapatuloy ni Jessie."Kung sasang ayon ka sa akin. Meron akong plano. Mula ngayon, pwede tayong tumira sa iisang bubong na magkakasama. Kung oras ko ay sa akin si Felix. Kung oras mo sayo si Felix tapos pag oras mo hindi ko kayo gagambalain pero wag mo rin kaming gagambalain sa oras namin.Pwede tayong ngkaroon ng scheduling tulabg ng kapag mwf ay sa kain siya at TThS naman sa akin at kapag linggo sama sama tsyong tatlo" mungkahi pa nito.Natawa ng pagak si Yuna sa pinagsasabi ni Jessie.
Pagkatapos ng mahigpit na yakap ay isang napakasuyo at matagal na halik sa labi ang ginawa nito.Nagulat si Yuna at mahinang sinaaway si Felix"Felix, ano ang ginagawa mo?" "Saglit na lang" sabi ni Felix na itinuloy ang pagyakap sa kanya at mas pinalalim ang halik bago tumigil."Pinapupunta ako ng Mama sa hospital sandali" paalam nito.Gumalaw ang mga labi ni Yuna, may nais sabihin peroang tanging nasabi niya ay"Sige..." bukod sa salitang ito, hindi niya alam kung ano ang sasabihin.Pagkatapos niyang maaksidente sa sasakyan, iniligtas siya ni Felix at buong puso siyang inalagaan. Hindi niya kayang tanggihan ito ngayon o sa mas madaling salita ay hindi niya na kayang pakawalan ito ngayon.Kaya sa isip ni Yuna ay ayaw na muna niyang isipin muna ang mga masalimuot na bagay na iyon, tratuhin na lang niya ito bilang huling kasakiman niya.Sa ngsyon gusto niyang eenjoy na ganito sila ni Felix.Umalis na si Felix matapos siyang bilinan nang sangkatutak. Naghatid naman si Marlon ng isang ma
Ang akala ni Yuna ay aalalayan lamang siya ni Felix papuntang banyo pero nagulat siya dahil eto na ang nagtimpla ng temperatura pagkatapos ay dinala siya nito sa shower room at pagkatapos ay tinulungan na siyang magalis ng damit. "Ano ang ginagawa mo?sabi ko kaya ko na nga" tanggi ni Yuna.Ayaw niyang tulungan siya ni Felix na malinis ng karawan?."Huwag mong sabnihin papaliguan mo ako?""Oo naman, tama ang hula mo" sabi ni Felix."Ano? papaliguan mo talaga ako?ikaw ang maghuhugas ng katawan ko"gulat na tanong ni Yuna ."Anong nakakagulat doon? Anong parte ba ng katawan mo ang hindi ko pa nakita para magulat ka ng ganyan"msnghang tanong ni Felix " Biglang namula ang mukha ni Yuna "Huwag na nga hayaan mo na ako magisa" giit ni Yuna. "Hindi pwede, hindi ikaw ang masusunod, paano kung madulas ka sa banyo, mawalan ka ng malay o kaya tumama ulit ang ulo mo at maging delikado paano na? Bawal kang tumanggi" biglang sabi ni Felix pagkatapos ay bigla siyang binuhat ni Felix at dinala sa
"Nawala na ba ng kaunti ang pagkahilo mo" malambing na tanong nito na hinimas ng magaan ang kanyang ulo. Pagkatapos ay inilapag sa lamesa ang isang baunan."Ginawa ni Manang ang iyong paboritong chicken drumsticks at chopsuey ngayong gabi." Binuksan ni Felix ang baunan at humalimuyak ang mabangong amoy ng ulam.Napangiti si Yuna nang makita ang masarap na pagkain. Napangiti naman si Felix nang makita ang magandang ngiti ni Yuna, at bahagyang lumambot ang kanyang mga mata.Habang kumakain sila ay may kumatok sa pinto ng ward, at pagkatapos ay itinulak ito pabukas. Si Patrik ang nakita nilang nakatayo sa pintuan, hawak ang isang bouquet ng pink na rosas sa kanyang mga payat na kamay. "Anong ginagawa mo dito?" Nanlamig ang mukha ni Felix nang makita siya. "Narinig ko na naaksidente si Yuna" sabi nito."At narito ako para kamustahin siya." Ngumiti si Patrick at mabilis na naglakad papasok. "Yuna, pumunta ako para kamustahin ka." Iniabot ni Patrick.Ngunit sa sandaling iyon, nais
"Oo, nang ilang araw ka nang na-coma at hindi mo alam kung gaano siya kasungit sa amin. Kaming mga medical staff ay hindi na nangangahas na pumunta sa ward na ito. Dahil ng mga oras na hidi ka dumidilat ay halos patayin niya kami sa mga titig niya" kuwento ni Doc Shen.Hindi maisip ni Yuna kung ano bakit ganun si Felix.Hindi niya maimagin ang hitsura ng ekspresyong iyon. Galit ba ito dahil naaksidente siya? Ganun pa man ay naantig si Yuna. Saglit pa silang nagkwentuhan ni Doc Shen bago bumalik si Felix. Pagbukas nito ng pinto at pagpasok, nakita ni Felix na sila ay nag-uusap at nagtatawanan ng doktorSumulyap si Felix kay Shen, ang kanyang mga mata ay hindi maipaliwanag na malamig. Inakala ni Shen na baka galit ito dahil binubuking niya ang lalali kay Yuna.Kaya nagkunwaring ito nagulat at napasigaw."Kuya Felix nakabalik ka na taning niya sa papasok na si eix ba matalim ang titig sa kanya. "Kanina pa"sagot nito kaya nalaman ni Shen na narinig nga siguro nito ang kuwentuhan nipa ni Yu
Ang labis na pagaalala sa mukha ni Felix ay parang ipininta dahil hindi iyon nangbabago mula pa kanina."Normal lang ito.Naaksidente ka at ang-concussion ang sanhi ng hahihilo ka at sasakit ang ulo mo at baka masusuka ka rin. Nakukuka ka ba ngayon?" Umiling si Yuna.Ngunit pagdating sa aksidente sa sasakyan, naalala niya ang may peklat na mukha ni Mang Chino na siyang bumunggo sa kanya.Alam ni Yuna na sinadya ng lalaking sagasain ang sasakyan niya. Nanumbalik ang kilabot sa katawan niya kaya biglang hinawakan ni Yuna ang kamay ni Felix at nanginginig na sinabing."Si Mang Chino iyon... ang bumangga sa sinasakyan ko. Siya ang nakabanggga sa akin!"Nanlamig ang mga mata ni Felix. Bumalik ang poot sa mata kanina lamang ng marinig ang ulat ni Marlon."Alam ko, nasabi na nila sa alin.Nagpadala ako ng mga tao para arestuhin siya" sagot ni Felix.Sa ngayon si Chino ay natitikman na ang parusang ni sa panaginip ay hindi niya papangarapin.Tiyak na nagtatawag na iyon sa lahat ng santo ngayon.H
Samantala sa hospital ay walang malay si Yuna.Nabigyan na siya ng tamang lapat ng gamot.Habang nakapikit ang mga mata ay tila nanaginip si Yuna.."Yuna... Yuna..huwag kang matutulog...huwag mo akong iiwan...gumising ka please....Idilat mo ang mga mata please...huwag mo along iiwa, Yuna.....Yuna....!!"Napakalabo ng kahulugan, ngunit naririnig niya ang paulit-ulit na tumatawag sa kanyang pangalan. Hindi niya alam kung sino ang taong iyon, pero ang alam niya lang ay paulit-ulit nitong sinasabi,"Huwag kang matulog, imulat mo ang iyong mga mata at tingnan mo ako, huwag kang matulog..." Hinawakan pa nito ng mahigpit ang kamay niya. Nalilito at nalalabuan si Yuna hindi niya makita ang mukha ng kumakausap sa kanya.Hindi niya alam kung gaano ito katagal, pero pakiramdam niya ay parang nabitin ang katawan niya sa hangin, at may nagsindi ng flashlight sa mga mata niya. Narinig niyang may nagtanong na lalaki sa namamaos na boses...."Kamusta siya doc?""Doctor...? Doctor? nasa hospital n
Sumakay si Felix sa kanyang kotse at inutusan si Marlon na mabilis na magtungo sa direksiyon ng lumang Villa.Malayo layo ang lumang Vill sa kinaroroonan ni Felix kaya bago pa man makarating sina Felix sa lugar Pinauna na niya ang ilang mgha tauhan sa lugar pagkatpaos ay pinasunod ni Felix ang kanyang mga body guard upang tumulong sa paghahanap kung saka sakali.Pagsapit sa lugar ay agad kumilos ang mga ito. Ang isang grupo ay pupunta sa Villa mismo ni Yuna upang maghanap, at ang kabilang grupo ay pupunta sa shop ni Yuna upang maghanap din. Ang ilan ay sa paligid naman na daraanan ni Yuna naghanap. Pinayagan din niyang maghanap si Marlon kasama ng ilang tauhan para mabilis na mahanap si Yuna.Tinatawag ni Felix si Yuna sa habang nakaupo siya sa likurang upuan ng sasakyan at naghihintay ng balita ng mga tauhan.Ngunit hindi makalusot ang kanyang tawag, hindi niya makontak si Yuna at nagsisimula ng maging impeyerno ang pakiramdam ni Felix. Lalong nagsalubong ang kilay nito at sa sobra