Napailing si Yuna ng mapagtanto ang pagsisinungaling ni Jessie. Isa itong mataas na uri ng tsaa pero masama ang lasang tsaa. Hindi sinasadyang naitirik ni Yuna ang mga mata sa pagkadismaya sa babaeng ipinagpalit ni Felix sa kanya, pero lingid sa kanya ay nakamasid pala si Felix."Ano ang problema? Natulala ka ba sa mga marka ng ngipin mo sa pagkagat mo sac akin kagabi?" Namula si Yuna dahil sa hiy at sa papgkahuli sa kanya nito na nakatitig"Pasensya na." Hinila niya ang kwelyo nito at itinali ulit ang kanyang kurbata. Pagkatapos itali ang kurbata, parehong natahimik ang dalawa. Wala nang masabi si Yuna, kayasumandal siya sa upuan, pumikit siya at nagpahinga. Mulign inilagay sa isip na kahit ano man ang natuklasan niya ituturing niya ns lamang itong isang estranghero. Biglang huminto ang kotse. Nagmulat si Yuna at gumala ang paningin."Halika, Bumaba ka sa kotse Yuna." Sabi ni Felix at nauna na itong bumaba ng sasakyan. Tumingin si Yuna sa labas.Nagyon lamang niya napansin na Ito
Nalilisik ang mga mata ni Felix ng lumipat si Yuna sa harapan pero wala siyang pakialam. Ayaw niyang manatili sa iisang espasyo kasama si Felix, hindi komportable. Nag-pause si Felix at kunot ang noong nagtanong,"Hindi pa ba gumagaling ang tiyan mo?" Nagulat si Yuna at tumingin sa kanya. Muli nagtanong ni Felix "Regular ka bang umiinom ng gamot mo nitong mga nakaraang araw?" nakatingin ito sa rear mirror."Oo." Hindi inaasahan ni Yuna na naaalala pa rin niya ito."Araw-araw naman akong umiinom" matipid na sagot niya.Sa totoo lang, gumaling na ang kanyang tiyan. Wala nang ibang sinabi si Felix at tumahimik na ito sa wakas. Nang umandar na ang sasakyan ay nagsalita si Marlon."Ma'am, masama po ba ang tiyan mo nitong mga nakaraang araw? Pwede ka pong kumain ng maraming spinach at repolyo. Mabuti para sa tiyan iyon sabi ng nanay at lola ko, mayaman sa bitamina at fiber , maaaring maayos ng nasirang gastric lining mo ma'am" sabi nito. "Sige, tatandaan ko yan" sabi in Yuna na tinapunan
Hindi nakapagsalita si Yuna. May kung anong sumapal sa kanyang masakit na katothanan. Pero bakit nga ba siya nasasaktan? Hindi ba dapat ay alam na niya iyon noon pa man."So This is for the show.. Kaya pala, para lang pala sa reputasyun niya kaya nagabala itong bihisan siya at pasuotin pa ng alahas" Parang gustong magwala ni Yuna pero na timpi siya. Huminga ng malalim si Yuna at naghintay na isuot ni Felix ang kuwentas."Be ready..!" sabi nito na binuksan na ang pinto ng kotse."Oo." sabi ni Yuna na pinilit ngumiti dahil alam niysng un ang dapat. Sabay silang naglakad papasok sa gate. Malapit na sila sa tarangkahan ng isang tasa ang lumipad mula sa kung saan at tumama iyon sa paa ni Felix."Walang hiya ka, Ang lakas naman ng loob mo. Walang katulad mo sa pamilya Altamirano!" sigaw ng nasa dulo ng tarangkahan. Ang pinakamatanda sa Pamilya Altamirano"Hindi ko siya pinayagang pumasok noon, pero nakialam ka sa kanya, ngayon ayusin mo yun at huwag mong bigyan ng kahihiyan ang pamilya Alt
Pagod galing sa biyahe si Felix mula sa pakikipagusap sa mga bagong ka merge sa bago niyang business at hindi pa rin nawawala ang inis ibya sa biyanan sa ginawa nito ng lingid sa knayang kaalaman.Bagamat sinabi ng kanyang asawa na wala itong kinalaman sa naging hakbang ng ama ay hindi niya ito pinaniwalaan.Kaya kahit sana maaari na siyang umuwi sa ikalawang araw ay mas pinili ni Felix na umuwi sa ikatlo at magpalipas sa kanyang suites sa isang hotel na pagaari din naman niya. Kinabukasan pagpasok niya sa opisina ay nakatawag ng pansin sa kanya ang isang folder na nakapatong sa kanyang lamesa.Ikinagulat at ikinakuyom ng mga kamao ni Felix nang makita ulit ang folder na nasa ibabaw ng table sa kanyang opisina. Sa pagkakatanda niya, matagal na ito doon.Naging abala siya nang sobra nitong nakaraang buwan kaya hindi niya pinagtuunan ng pansin. Pagbuklat niya ay divorce paper iyon mula sa asawa ngunit ang ikinakunot ng noo ni Felix ay ang dahilan o ground ng diborsyo na nakakabilog p
Nakatanaw sa bintana si Yuna, sa malayo tinangay ang kanyang kamalayan. Sa mga panahon ‘yon ay simple lamang ang kanyang gustong mangyari— ang makamit ang nag-iisang bagay. Pang-ilang araw na ba? Palagay niya ay matagal na. Inikot ni Yuna ang paningin sa labas ng mansyon ng mga Altamirano. Magara, matayog, malawak… pero salat sa ligaya, salat sa lahat. Sagana sa kung anumang makakapagpaligaya sa mata ang kanyang paligid ngunit nababalot ng lungkot at kadiliman ang puso niya.“Miss Yuna, dumating na po ang Senyorito Felix,” pukaw sa kanya ng nag-iisang katulong na kakampi niya sa malaking hawlang iyon. Dumagundong ang kaba at excitement sa dibdib ni Yuna nang marinig ang sinabi ni Manang Asun.“Totoo bang nandito na siya? Bumalik na siya?” Walang mapagsidlan ang kaligayahan at tuwa si Yuna. Hinawi niya ang kurtinang tumatakip sa isa pang bahagi ng bintana saka tumanaw sa malawak na bakuran. Humantong ang mga mata sa sasakyang nakahinto sa malawak na garahe.Kakaibang tuwa, kilabo
Isang araw ay niyaya ito ng kanyang ama na uminom at sa pakikisama ay pumayag ito. Ngunit hindi pala sanay ang mayaman na binata sa inuming inilatag ng kanyang ama. Medyo gabi na noon nang makabalik si Yuna mula sa paglalako ng paninda at nadatnan niyang lango na sa alak ang ama at ang binatang bisita nito. Hahayaan na sana niya ang mga ito sa labas nang biglang umambon at mababasa ang dalawa. Unang binuhat at kinaladkad ni Yuna ang ama at ihiniga sa sofa saka niya isinunod ang binatang bisita. Dahil maliit at lupa ang kanilang sahig ay sa silid niya ito dinala at pinahiga muna. Saka niya niligpit ang pinag-inuman ng mga nito. Ang kaso ay habang nagliligpit ay bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin at kulog. Halos basang-basa si Yuna. Nagpalit na lamang ng damit ang dalaga at sumiksik sa isa pang maliit na sofang kawayan. Pero mga hating gabi ay naramdaman niya na para siyang binuhat at pagkatapos ay inilapag sa kama. Mainit ang pakiramdam niya kaya akal
Tahimik na lamang na lumuha si Yuna. Inaamin niyang crush niya noon si Felix kahit pa nga sampung taon ang tanda nito sa kanya noon. Sixteen pa lamang siya nang una niya itong makita at si Felix ay bente-otso na noon. Pinakabatang milyonaryo sa kanilang lugar. Sa loob ng isang taon ay mga apat na beses niyang nakita ang binata na kausap ng ama. Kaarawan niya nang muli itong makita at isinayaw pa nga siya. Doon muling nabuhay ang paghanga ni Yuna sa binata at inalagaan na niya iyon sa kanyang puso.Oo, mahal niya si Felix. Masaya siyang inadya ng kapalaran na maikasal sila. Ramdam naman niyang pinakialaman siya ni Felix nang gabing iyon kaya hindi na siya tumutol kahit pa nga mukhang shotgun wedding ang nangyari. Sa kanyang puso ay hindi na magiging mahirap ang mahalin ito kaya naman ipinangako niyang gagawin ang lahat upang matutunan siyang mahalin ng lalaki. Naniniwala kasi siya na kung nagawa naman siyang galawin ni Felix ay baka magawa din siyang mahalin nito. Ngunit sa pag
Mabilis at malalaking hakbang na sinalubong ni Yuna ang dalawang walang kamalay-malay na naroon siya. Nataranta namang sumunod ang katulong na kasama niya. Pero napako ang mga paa ni Yuna na isang dipa na lang layo sa dalawa. Nakita kasi ni Yuna na malambing na inaakay ng kanyang asawa ang babae. Parang sinaksak ang puso niya. Dahil sa pagkatulala ay nakatawag iyon ng pansin kay Felix na napatingin sa direksyon niya. Kumunot pa ang noo nito. “Bakit, Felix? Kilala mo ba ang babaeng iyon?” tanong ng babaeng inaalalayan ni Felix. Hindi kumibo si Felix pero inakay ang babae papasok ng kotse pero hinarang sila ni Yuna na nagawa kumilos mula sa pagkatulala saka nakipagtitigan sa asawa. “Felix, sino ba ang babaeng ito?” sabi ng babaeng kasama ni Felix.“Ako sino ako? Hah! Sino nga ba ako, Felix? Bakit hindi mo sagutin ang tanong ng malanding babaeng kasama mo?” sabi in Yuna.“Stop it, Yuna. Nakakahiya ka!” Hasik ni Felix.“Sino ka bang mahadera ka. Parang laking eskwater! Sino ba siya