Naisip ni Donya Belinda na may katuturan iyon. Ilang buwan na nitong iniinom ang gamot na ito, at wala pa ring epekto. Nag-isip ito ng ilang sandali,"Siguro mali ang reseta. Maghahanap ako ng isang matandang manggagamot ng Tsino bukas. Bumalik ka na sa loob at magpahinga." sabi na lamang nito.Tinawag ni Felix ang isang katulong. Tinulungan ang matandang Donya pababa, at sa wakas ay natapos na ang usapin tungkol sa pag-inom ng gamot. Umupo si Yuna sa kama, iniisip na sa tuwing pupunta siya rito, pinipilit siyang magbuntis. Matapos harapin ang pagkakataong ito, hindi na siya babalik. Sa katahimikan, nagpalit na ng damit si Felix. Mahilig siya sa suit, at nagsusuot ng suit araw-araw. Ngayong gabi, nakasuot siya ng mahabang suit jacket. Matangkad at may mahahabang binti, napakaguwapo ng hitsura nito. "Lalabas ka ba?" Tanong sa kanya ni Yuna. Nakasuot ito at nakaporma ng ganoong kaganda, pupunta ba siya kay Jessie? sa isip isip ni Yuna."Sasama ka ba?"walang pakialam na tan
Kung hindi ka makikinig, umuwi ka at tingnan mo kung paano kita aasikasuhin ngayong gabi." banta nito. Ang kanyang "pag-aasikaso" ay hindi pangkaraniwang pag-aasikaso. Namula ang mukha ni Yuna. Lumapit siya sa kanyang tainga at sinabi sa isang malambing na boses,"Ang apoy na sinindihan mo kagabi ay hindi pa namamatay. Kung mangahas kang uminom, kailangan mong harapin ang mga kahihinatnan mo ngayong gabi." bulong nito na tila dumikit pa ang abi sa tenga niya Yuna."Yuna, ay Hoy, hoy! Kuya, hindi mo pwedeng ganyan. Bitawan mo si hipag. magsaya lamang tayo. hayaan mo naman siyang mam enjoy" Naisip ni Ross na pinagalitan ni Feliz si Yuna Nakita niyang asiwa at namumula ang mukha ni Yuna kaya tumayo si Ross para hilahin silang dalawa at paghiwalayin. Binitawan naman ni Felix ang asawa saka mahinahon nagsalita.Naisip ni Ross na nakakatawa at nakakatuwa ang dalawa Naisip niya na dapat ay sinaway ni Felix si Yuna bakit? dahil natatakot siyang marinig ang tungkol sa aral? Nag "tsk t
Natigilan si Yuna. Ang buong kayamanan niya ay nasa 100,000 lamang. Paano niya ito mababayaran?.Bakit hinid niya napansin na may bet palang pera.Akala niya laro laro lamang.Nakita ni Jong ang kanyang nag-aalalang ekspresyon, ngumiti si Jong at tila nangaasar na sinabi,"Yuna, hindi ka naman siguro ganun kahirap na wala ka man lang ilang daang libon sa wallet mo di ba?" Tila nang aarok na tanong nito."Syempre naman hindi." Sinagot ni Ross."Dahil nandito si Kuya Felix natural hindi niya pababayaa ang asawa niya diba.Sisiw at panis lang ang halagang yan, wala namang halaga ang ilang daang libong halaga sa yaman ni kuya. Siguradong tutulungan nito si Yuna." sabi pa ni RossNanlaki ang mga mata ni Yuna ng banggitin ni Ross ang pera at pangalan ng asawa at nilakasan pa ang boses nito.Ang kanyang card na dapat sana ay ititira niya ay biglang pinigilan ni Felix."Saan ka naman siya kukuha ng pera para mabayaran sila?" bulong ni Felix sabay titig ng masama kay Yuna."Kuya, patuloy na
Kinakabahan na talaga si Yuna.Dahil bukod sa natetense siya sa seryosong mukha ni Felix, malaking halaga na rin kase ang nagiging pusta milyon an ang usapan ng mga ito.agliwanag naman ang mga mata ni Yuna ng makitang nananalo ang asawa at ang katotohanang hindi siya nito hinayaang mapahiya at hindi siya pinabayaan."Narito si kuya Felix para suportahan ka hipag. Maaari mong bulungan si Kuya na huwag magpapatalo o kaya ay sabihan mo ng mga masasarap na salita para ganahan ano sa tingin mo" bulong ni Ross."Magaling si Kuya at may matalas na memorya pero ikaw ang totoong nagpapakalma sa kanya kaya sa palagay ko ikaw ang suwete niya" sabi pa nito.Namula ang mukha ni Yuna at nakita itong ni Ross kaya lalo itong ngumiti. "Alam mi bang walang sinuman ang nagtatangka sa amin na kalabanin siya dahil tiyak na luhaan yun. Sa galing at talas ng isip ni kuya Felix hindi ka niyang paliligtasin. Nagkataon lamang na si Jong ay ikaw ang hinamon kaya pasensya siya " pagyayabang ni Ross.Pansin nga
Hindi siya pinansin ni Felix si Jessie bsgkos ay iginala sng mata.Nabg hindi makita si Yuna sy tumayo ito inihajbang palayo ang mga ahahabang binti.Natagpuan niya si Yuna sa labas ng tarangkahan ng club. Nakaupo siya sa gilid ng kalsada, tulala, nakatingin sa taniman ng mga bulaklak. Lumapit si Felix ar tayo sa gilid ng asawa.Nagulat naman si Yuna at tumingala si Hinawakan ni Felix ang kanyang pulso saka siya tinitigan na parang inaalam ang kanyang damdamin. Hindi kumikibo walang namutawing salita, pero hinila siya nito paalis sa kinauupuan. Natigilan si Yuna at nagtaka dahil palayo sa club ang direksiyon nila."Felix, ano ang ginagawa mo?" Pigil niya dito."Uuwi na tayo." Dalawang salitang lamang iyon pero tagos kay Yuna ang seryosong kahulugan noon, Inalalayan siya ni Fleix at ipinasok sa kotse ng sapilitan at ito mabilis na pinaharurot pauwi sa lumang mansyon. Hindi nagsalita si Yuna sa buong biyahe ngunit malayo ang nilakbay ng kanyang isipan. Puro mga tanong puno pagaagam a
Matapos ang nakakakilabot na katahimilan ay biglang nagsalita si Felix sa malamig na tono."Manatili ka lang maging Mrs. Altamirano. Walang magpapahirap sa iyo." sabi ni Felix.Nagulat saglit si Yuna pero biglang tumawa ng malakas."Paano kung ayaw ko? " Kumunot ang noo ni Felix at tinitigan siya. Nagkatitigan sila sa dilim. Malalim ang mga mata ni Felix. Palagi niyang nararamdaman na nasa kanya ang mga tingin nito. Hindi niya mapigilang magtanong."Mr.Felix, pwede ba akong magtanong?" Sabi ni Yuna, walang reaksiyon si Felix."Kung bibigyan kita ng pagkakataon, handa ka bang makipaghiwalay kay Jessie para maayos ang lahat" taning ni Yuna. Iyon na ang huling magpapakumbaba siya at maglalakas ng loob na baguhin ang kapalaran niya. Iyong na ang huli sumpa niya. Panalangin ni Yuna na sana iyon na ang hulibumagsak ang tingin ni Felix sa kanya, at saglit siyang natahimik."Hindi ko kaya." Sabi ni Felix na tila may bikig sa lalamunanNapangiti si Yuna, ang kanyang labi ay tumikom, ang muk
Nagulat si Yuna at napatingin sa biyenan. Malakas ang pintig ng kanya kanyang puso."Mama, paano nyo po nalaman?" ”"Tumawag siya sa akin kaninang umaga." May ngiti sa mukha Si Donya Belinda at halatang masaya ito sa balita na hindi maitatago iyon ng matanda at parang tinutusok ang dibdub ni Yuna dahil hindi inya nakityang ganito ang ngiti ng matanda sa kanya.Sa wakas ay nalaman na ni Yuna ang dahilan kung bakit masaya ang kanyang biyenan, nalaman pala nito na buntis si Jessie, at alam pala nito at kinokonsitei ang pangbabae ng anak. Wala siyang naging reaksiyun, walang pagbabagong emosyona."Hmm aah ganun po pala sabi in Yuna na tumango tango para mamgmukhang relax siya" ”Ang pagbubuntis ni Jessie ay isang katotohanan, at si Yuna ay hindi makapagsalita dahil simampal lamang siya ma maliwanag na katotohanan."Anak ba talaga ni Felix ang bata? " tanong ni Donya Belinda."Pwede nyo pong itanong yan kay Jessie Mama." Hindi talaga alam ni Yuna hindi naman kase siya nanguusisa at wa
Ikinatuwa ni Yuna ang narinig kaya nagpasiya siyang mapadali ang lahatTuluyan ng isinuko nang biyenan niya ng lahat para sa kalayaan ni Felix para lamang mapasa kanila ang bata na gagamitin nilang kasangkapan ng ngayon para mapanatili ang kapangyarihan kay Felix. Alam ni Yuna na sa mga sandaling iyon ay kumakaway na ang kalayaan sa kanya. Ngunit kailangan maniguro si Yuna dahil hindi simple ang kaso ng ama at hindi lanag doon nagtatapos iyon.Nagtanong si Yuna sa biyenan at nanigurado."Ano namang mangyayari doon sa mga mga reklamo sa pagitan ng pamilyang ko at ng pamilya nyo noon " paninigurong tanong ni Yuna.Ang tinutukoy ni Yuna ay ang katotohanan tungkol sa pinagbantaan ng kanyang ama si Felix.Sinabi ng kanyang biyenan na kapag natapos ang mga bagay sa oagitan nila ni Felix ay hindi na hahabulin ng pamilya Altamirano ang pamilya niya, at ang dalawang pamilya ay magiging magkaibigan pa rin sa hinaharap yun ang pangako nito.Masaya si Yuna sa mga narinig. Kapag diniborsiyo niya
Hindi makapaniwalang napatitig si Yuna sa mga mata ni Felix. Nang ma realize na niya kung ano ang ibig sabihin nito ay sya namang pagpasok ni Jessie na nakabalik na mula sa pagkuha ng tubig. Binuksan ito ang pinto at nakitang magkayakap ang dalawa.Nakita naman ni Yuna sa gilid ng kanyang mga mata na nanlilisik ang mga mata ni Jessie."Anong ginagawa nyo?" Patay malisyang tanong nito."Nag uusap" Sinagot siya ni Felix sabay tinitigan ng hindi kanais nais. si Jessie naman ay tumingin kay Yuna pagkatapos ay biglang naisip ang mga payong na sinabi sa kanya ni Felix kanina. At naisip nIyang tama nga na lumaban siya. Sa naisip na iyon ay may kapilyahang pumasok sa isipan niyo Yuna.Bigla niyang Inunat niya ang kanyang mga kamay iniyakap sa bewang ni Felix At niyakap ito ng mahigpit."Felix nagugutom na ako. Gusto ko ng kumain, tulungan mo ako Felix" sabi niYuna na sinadyang lambingan at boses at ireguest na alalayan siya ni Felix. Nakita ni Yuna na tumaas ang sulok ng bibig ni Felix at kumis
Nabigla man sa mga sinabi ni Yuna ay nanatiling nakangiti si Jessie."Sa totoo lang ay hindi ko kaya. Pero mahal ko si Felix kaya sinisikap kong mahalin na rin yung mga mahal niya.Kung pipilitin niya na panatalihin ka sa tabi niya ay pag aaralan kong tanggapin na dalawa tayo sa buhay nya at gagawin ko yun kasi mahal ko talaga sya" Sabi ni Jessie.Pero imbis na humanga ay para pang nasuka si Yuna a pagiging tanga at sakim ng babae."Sa totoo lang naiisip ko naman na hindi natin kailangan magtalo eh" Pagpapatuloy ni Jessie."Kung sasang ayon ka sa akin. Meron akong plano. Mula ngayon, pwede tayong tumira sa iisang bubong na magkakasama. Kung oras ko ay sa akin si Felix. Kung oras mo sayo si Felix tapos pag oras mo hindi ko kayo gagambalain pero wag mo rin kaming gagambalain sa oras namin.Pwede tayong ngkaroon ng scheduling tulabg ng kapag mwf ay sa kain siya at TThS naman sa akin at kapag linggo sama sama tsyong tatlo" mungkahi pa nito.Natawa ng pagak si Yuna sa pinagsasabi ni Jessie.
Pagkatapos ng mahigpit na yakap ay isang napakasuyo at matagal na halik sa labi ang ginawa nito.Nagulat si Yuna at mahinang sinaaway si Felix"Felix, ano ang ginagawa mo?" "Saglit na lang" sabi ni Felix na itinuloy ang pagyakap sa kanya at mas pinalalim ang halik bago tumigil."Pinapupunta ako ng Mama sa hospital sandali" paalam nito.Gumalaw ang mga labi ni Yuna, may nais sabihin peroang tanging nasabi niya ay"Sige..." bukod sa salitang ito, hindi niya alam kung ano ang sasabihin.Pagkatapos niyang maaksidente sa sasakyan, iniligtas siya ni Felix at buong puso siyang inalagaan. Hindi niya kayang tanggihan ito ngayon o sa mas madaling salita ay hindi niya na kayang pakawalan ito ngayon.Kaya sa isip ni Yuna ay ayaw na muna niyang isipin muna ang mga masalimuot na bagay na iyon, tratuhin na lang niya ito bilang huling kasakiman niya.Sa ngsyon gusto niyang eenjoy na ganito sila ni Felix.Umalis na si Felix matapos siyang bilinan nang sangkatutak. Naghatid naman si Marlon ng isang ma
Ang akala ni Yuna ay aalalayan lamang siya ni Felix papuntang banyo pero nagulat siya dahil eto na ang nagtimpla ng temperatura pagkatapos ay dinala siya nito sa shower room at pagkatapos ay tinulungan na siyang magalis ng damit. "Ano ang ginagawa mo?sabi ko kaya ko na nga" tanggi ni Yuna.Ayaw niyang tulungan siya ni Felix na malinis ng karawan?."Huwag mong sabnihin papaliguan mo ako?""Oo naman, tama ang hula mo" sabi ni Felix."Ano? papaliguan mo talaga ako?ikaw ang maghuhugas ng katawan ko"gulat na tanong ni Yuna ."Anong nakakagulat doon? Anong parte ba ng katawan mo ang hindi ko pa nakita para magulat ka ng ganyan"msnghang tanong ni Felix " Biglang namula ang mukha ni Yuna "Huwag na nga hayaan mo na ako magisa" giit ni Yuna. "Hindi pwede, hindi ikaw ang masusunod, paano kung madulas ka sa banyo, mawalan ka ng malay o kaya tumama ulit ang ulo mo at maging delikado paano na? Bawal kang tumanggi" biglang sabi ni Felix pagkatapos ay bigla siyang binuhat ni Felix at dinala sa
"Nawala na ba ng kaunti ang pagkahilo mo" malambing na tanong nito na hinimas ng magaan ang kanyang ulo. Pagkatapos ay inilapag sa lamesa ang isang baunan."Ginawa ni Manang ang iyong paboritong chicken drumsticks at chopsuey ngayong gabi." Binuksan ni Felix ang baunan at humalimuyak ang mabangong amoy ng ulam.Napangiti si Yuna nang makita ang masarap na pagkain. Napangiti naman si Felix nang makita ang magandang ngiti ni Yuna, at bahagyang lumambot ang kanyang mga mata.Habang kumakain sila ay may kumatok sa pinto ng ward, at pagkatapos ay itinulak ito pabukas. Si Patrik ang nakita nilang nakatayo sa pintuan, hawak ang isang bouquet ng pink na rosas sa kanyang mga payat na kamay. "Anong ginagawa mo dito?" Nanlamig ang mukha ni Felix nang makita siya. "Narinig ko na naaksidente si Yuna" sabi nito."At narito ako para kamustahin siya." Ngumiti si Patrick at mabilis na naglakad papasok. "Yuna, pumunta ako para kamustahin ka." Iniabot ni Patrick.Ngunit sa sandaling iyon, nais
"Oo, nang ilang araw ka nang na-coma at hindi mo alam kung gaano siya kasungit sa amin. Kaming mga medical staff ay hindi na nangangahas na pumunta sa ward na ito. Dahil ng mga oras na hidi ka dumidilat ay halos patayin niya kami sa mga titig niya" kuwento ni Doc Shen.Hindi maisip ni Yuna kung ano bakit ganun si Felix.Hindi niya maimagin ang hitsura ng ekspresyong iyon. Galit ba ito dahil naaksidente siya? Ganun pa man ay naantig si Yuna. Saglit pa silang nagkwentuhan ni Doc Shen bago bumalik si Felix. Pagbukas nito ng pinto at pagpasok, nakita ni Felix na sila ay nag-uusap at nagtatawanan ng doktorSumulyap si Felix kay Shen, ang kanyang mga mata ay hindi maipaliwanag na malamig. Inakala ni Shen na baka galit ito dahil binubuking niya ang lalali kay Yuna.Kaya nagkunwaring ito nagulat at napasigaw."Kuya Felix nakabalik ka na taning niya sa papasok na si eix ba matalim ang titig sa kanya. "Kanina pa"sagot nito kaya nalaman ni Shen na narinig nga siguro nito ang kuwentuhan nipa ni Yu
Ang labis na pagaalala sa mukha ni Felix ay parang ipininta dahil hindi iyon nangbabago mula pa kanina."Normal lang ito.Naaksidente ka at ang-concussion ang sanhi ng hahihilo ka at sasakit ang ulo mo at baka masusuka ka rin. Nakukuka ka ba ngayon?" Umiling si Yuna.Ngunit pagdating sa aksidente sa sasakyan, naalala niya ang may peklat na mukha ni Mang Chino na siyang bumunggo sa kanya.Alam ni Yuna na sinadya ng lalaking sagasain ang sasakyan niya. Nanumbalik ang kilabot sa katawan niya kaya biglang hinawakan ni Yuna ang kamay ni Felix at nanginginig na sinabing."Si Mang Chino iyon... ang bumangga sa sinasakyan ko. Siya ang nakabanggga sa akin!"Nanlamig ang mga mata ni Felix. Bumalik ang poot sa mata kanina lamang ng marinig ang ulat ni Marlon."Alam ko, nasabi na nila sa alin.Nagpadala ako ng mga tao para arestuhin siya" sagot ni Felix.Sa ngayon si Chino ay natitikman na ang parusang ni sa panaginip ay hindi niya papangarapin.Tiyak na nagtatawag na iyon sa lahat ng santo ngayon.H
Samantala sa hospital ay walang malay si Yuna.Nabigyan na siya ng tamang lapat ng gamot.Habang nakapikit ang mga mata ay tila nanaginip si Yuna.."Yuna... Yuna..huwag kang matutulog...huwag mo akong iiwan...gumising ka please....Idilat mo ang mga mata please...huwag mo along iiwa, Yuna.....Yuna....!!"Napakalabo ng kahulugan, ngunit naririnig niya ang paulit-ulit na tumatawag sa kanyang pangalan. Hindi niya alam kung sino ang taong iyon, pero ang alam niya lang ay paulit-ulit nitong sinasabi,"Huwag kang matulog, imulat mo ang iyong mga mata at tingnan mo ako, huwag kang matulog..." Hinawakan pa nito ng mahigpit ang kamay niya. Nalilito at nalalabuan si Yuna hindi niya makita ang mukha ng kumakausap sa kanya.Hindi niya alam kung gaano ito katagal, pero pakiramdam niya ay parang nabitin ang katawan niya sa hangin, at may nagsindi ng flashlight sa mga mata niya. Narinig niyang may nagtanong na lalaki sa namamaos na boses...."Kamusta siya doc?""Doctor...? Doctor? nasa hospital n
Sumakay si Felix sa kanyang kotse at inutusan si Marlon na mabilis na magtungo sa direksiyon ng lumang Villa.Malayo layo ang lumang Vill sa kinaroroonan ni Felix kaya bago pa man makarating sina Felix sa lugar Pinauna na niya ang ilang mgha tauhan sa lugar pagkatpaos ay pinasunod ni Felix ang kanyang mga body guard upang tumulong sa paghahanap kung saka sakali.Pagsapit sa lugar ay agad kumilos ang mga ito. Ang isang grupo ay pupunta sa Villa mismo ni Yuna upang maghanap, at ang kabilang grupo ay pupunta sa shop ni Yuna upang maghanap din. Ang ilan ay sa paligid naman na daraanan ni Yuna naghanap. Pinayagan din niyang maghanap si Marlon kasama ng ilang tauhan para mabilis na mahanap si Yuna.Tinatawag ni Felix si Yuna sa habang nakaupo siya sa likurang upuan ng sasakyan at naghihintay ng balita ng mga tauhan.Ngunit hindi makalusot ang kanyang tawag, hindi niya makontak si Yuna at nagsisimula ng maging impeyerno ang pakiramdam ni Felix. Lalong nagsalubong ang kilay nito at sa sobra