"Pakawalan nyo siya!" utos ni Jhiro sabay sumulyap kay Yuna bago matalim na sinulyapan ang pinsan. Tumanggi si Natasha."Alam mong inakit at inagaw niya ang nobyo ko, at ngayon tinulungan mo pa rin siya? may hinanakit na sabi nito."Gumagawa ka na naman ng gulo Natasha, kamakailan lamang ay hinarap mo ang papa at naging napaka istrikto nito sa iyo. Kapag nalaman ni Daddy na gunagawa ka na naman ng gulo tinitityak ko sayong ipadadala ka na niya sa ibang bansa at doon na mananatili" banta ni Jhiro."Pakawalan mo na siya!" utos ulit ni Jhiro. Walang nagawa si Natasah kundi ang bitawan si Yuna. Nakalaya si Yuna na agad na tumayo sapagkakasalampak sa tiles, pero namumutla pa rin sa takot. Lumapit si Jhiro at tumayo sa harap ni Yuna at inalalayan siyang makaupo sa silyang naroon. Napatingin ang lahat kay Yuna na ngayon ay akay ni Jhiro pagkatapos ay tumingin ang lahat kay Natasha."Natasha, ano ang nangyayari? Bakit pinoprotektahan ng iyong pangalawang kapatid ang babaeng yun?' tanong ng
Lumakas ang tibok ng puso ni Yuna nang makita si Felix. Noon at ngayon kahit hiwalay na sila ay ganun pa rin ang epekto ni Felix sa kanya.Nakasuot ito ng puting sports suit at guwapong guwapo sa kanyang golf cup at naglalaro ng golf kasama ang mga bisita sa di kalayuan. Bigla naka shoot si Felix at naka-goal kaya nagpalakpakan ang mga kasama nito.Isang maliit na babae ang lumapit kay Felix at inabutan ito ng isang bote ng tubig.Kinuha ito ni Felix at mahinahong ininom.Ang paraan ng pagkakaabot ng babae sa tubig ay para bang may koneksiyon ang dalawa.Parang kinurot ang puso ni Yuna,tumibok ng mabilis ang pulso niya dahil napansin niyang medyo kamukha niya ang babaeng nag-abot ng tubig kay Felix."Oh my God, ang kilay nito at kung paano manamit pati damit at halos kamukha niya talaga. Gulat na gulat ang mukha ni Yuna."Nagtataka ako kung sino ang babaeng iyon?" Singit ni Jhiro pagkatapos ay lumingon kay Yuna at muling nagtanong"Kilala mo na siya" Nakabawi naman na si Yuna sa pagkatu
Si Shen lamang na kasama sa grupo ni Felix ang nakapansin sa pagiba ng mood ni Felix kaya lumapit ito sa kanya na may hawak na tuwalya at taimtim na kinausap si Felix."Kung nagmamalasakit ka pa rin kase bakit hindi mo bawiin na lang ito. Hindi imposible yan kung gagamitin mo lamang ang kakayahan mo kuya Felix"sano ni Shen ngunit nanatiling tahikik si Felix at walang sinabi. Alam ni Shen na nagkukinwari itong nagkokoncentrate sa pagsipat ng butas ."Ayaw mo na ba sa kanya? ayaw na din ba talaga niya?" muling tanong ni Shen.Umalingawngaw sa tenga ni Felix ang tanong na iyon ni Shen."Ayaw na nga ba niya? pero si Yuna ang umayaw at hindi siya!Tama nga ba si Shen.Itinapon ni Felix ang golf club na may malungkot na mukha at naglakad papunta sa restaurant.Isang grupo ng mga tao ang sumunod sa kanya at nagtungo din sa restaurant.Nang paakyat na sila ay may nakasalubong silang ilang waiter na may hawak na bulaklak at cake nang makita sila ng mga waiter ay tumabi sng mga ito at pinauna
Halos nagulantang at hindi malaman ni Yuna ang magiging pakiramdam ng sandaling iyon kayat halos lito siya at aligaga kaya hindi naintindihan ni Yuna ang nangyayari, at sa sobrang kalituhan ay sinunod niya ang sinabi ni Jhiro at tinawag itong "pinsan". Pagkatapos niyang magsalita, natahimik ang buong lugar.Tila naging parang freezer sa lamig ang atmospera sa loob para kay Yuna.Tumingin sa kanya si Felix gamit ang nanlilisik nitong mga mata. Ang kaninang makulimlim na mukha nito ay laong nangdilim na halos mamula na sa galit. Napagtanto ni Yuna na mali ang kanyang nasabi kaya agad niyang ibinaba ang kanyang mga mata sa inis sa sarili..Sa pagkakataong ito, itinulak ang pinto at pumasok ang waiter dala ang mga pinggan. Ibinaba ni Yuna ang kanyang ulo para kumain, at sa buong proseso, naramdaman ni YUna ang titig ni Felix sa kanya.Pumikit na lamang si Yuna pero hindi niya matikman ang pagkain.Bigla na lang naramdaman nI Yuna na may humawak sa bewang niya. Huminto si Yuna sa pagsubo
Sa kadiliman ng lugar na iyon, ang mga mata ni Felix ay masama at mapanganib.Lumapit ito sa kanyang tainga at bumulong sa malalim na boses. "Pinsan? Gusto mo ba talagang makasama si Jhiro? Nakalimutan mo na ba kung paano ka pinahirapan ni Tita Linda noon na asawa pa kita? At nakalimutan mo na rin ba kung paano ka binu-bully at kinakamuhian ni Natasha? Nagiisp ka na Yuna?Ganito ka na ba ka desperada?" Paalala sa kanya ni Felix. Napayuko si Yuna ngaalala ang nakaraan sa buhay niya."Bakit hindi ka maghanap ng mas mabuting lalaki, naisip mo ba ang mararamdaman ko dahil sa paglapit mong ito kay Jhiro. Gusto mo ba talaga akong tuluyang magalit ha Yuna?Layunin mo na maging masama akong tao dahil sayo?" "Pakawalan mo ako Felix ano ba?" Ngunit hindi bumitaw si Felix. Hindi lang iyon, sadyang iniunat din nito ang kamay at idiniin sa dibdib niya."Nahawakan na ba niya ito?" sumilay ang kakaibang panibugho sa mata ni Felix ng sandaling iyon. Ibinaba nito ang kanyang ulo at mapanganib na tinan
Ang puso ni Yuna ay napuno ng sakit at hinanakit, na naging sanhi upang mahirapan si Yuna na huminga. Hanggang sa si Yuna ay tuluyang bumagsak at bisig ni Felix at lalo lamang umiyak at halos manghina.Tahimik na pinanood ni Felix ang pagiyak ni Yuna habang nasa bisig niya na parang latang lata. at bahagyang kumunot ang noo nito."Ano bang iniiyak mo?""Ano bang kinalaman nito sa iyo? Umiiyak ako sa sarili kong dahilan, hayaan mo lang ako..." Nabulunan si Yuna at tinulak si Felix palayo.Napilitan naman si Felix na ibaba na siya. Sa pagkakataong ito, sa wakas ay pinakawalan siya ni Felix ngunit hindi pa rin binitawan ang kamay niya. Niyakap siya ni Felix sa kadiliman at hinayaan siyang umiyak hangga't gusto niya.Halos isang oras siyang umiyak. Nagalit si Felix dahil hindi pa rin tumitigil si Yuna kaya ibinaba nito ang kanyang ulo at tinanong si Yuna."Bakit ka ba grabe umiyak? May nangyari ba sa iyo kamakailan?""Hindi ko alam?" Hindi naniniwala si Yuna na walang alam si Felix.Sin
Malayang nakatanaw si Yuna sa kalawakan ng golf course habang nakikinig sa payapang daloy ng tubig sa batis.Pagkaraan ng hindi malamang oras, nag-ring ang cell phone ni Yuna."Ms. Yuna, wala nang pera sa account ni Mr.Shintaru.Kailangan pongadagdagan ang deposit ninyo " sabi ng tawag na mula tauhan sa accounting office sa hospital.Saglit na natahimik si Yuna bago sumagot."Sige ho, pupunta ako dyan kaagad" Kailang ang deposito para sa mga pangunahing kailangan ng kanyang ama kaya kinakailangan ni Yuna na gumawa ng paraan ngayon. Malamang ay hinihintay na siya ng kanyang ama at kaiiangan niya aliwin ito.Inayos muna ni Yuna ang gulong buhok at sinipat ang sarili bago itinulak baukas ang pinto ng ward ng ama.Sinusuri ng doktor ang Tatay niya ng mabungaran ito ni Yuna. Umupo siya nang tahimil at nakipagtulungan sa doktor. Mula noong bypass surgery, ng kanyang ama ang utak nito ay naapektuhan na ng anesthetic. Hindi ito nakakakilala pero kapag si Yuna ang nagpupunta ay magiliw siyang
Si Jhiro ay matikas na nakatayo sa bumukas na pintuan. Matangkad at balingkinitan sa magara nitong coat. Isang malabong ngiti ang sumilay sa kaakit-akit na mga mata nito. "Bakit nagkakagulo kayo dito? Miss Yuna, Alam mo bang nagpunta ako dito upang mamuhunan sa iyong kompanya?kanina pa ako nanghijintay sa iyong opisina at nainip na lamang laya pinintahan na kita dito." Sabi ni Jhiro. Nagulantang ang lahat ng naroon."Ano ang sinabi niya?Tama ba ang narinig ko?" Bulong ng ilang mga namumuhunan."Siya daw at narito upang mamuhunan sa kompanya. Malinanw ang narinig ko!" Isang grupo ng mga tao ang tumingin kay Yuna, ngunit wala kibo si ito.Hindi niya alam ang sasabihin.Ngunit alam ni Ginoong Samuel kung ano ang nangyayari.Nagpunta na rin kase si Jhiro sa kompanya kahapon at sinabing gusto nitong mamuhunan sa kanilang bagong proyekto.Agad na tinanggap ni Ginoong Samuel ang proposal nito at ipinakita kay Jhino ang plano ng bagong proyekto.Sa ngayon siya ang tanging pagasa ng kumpany
Si Yuna ay binaril sa braso, ang kanyang mukha ay namutla, at siya ay duguang nasa isang sulok ng bangka at tahimik na hinintay ang kanyang kapalaran.Kung mabubuhay siya ay tiyak na para lang harapin ang kanyang pa paglilitis.Nag-utos si Robert at hinawakan ang buhok ni Yuna na may namumulang mata,"Bakit mo siya tinulak sa dagat?""May utang siya sa akin at kailangan kong maningil." Sagot ni Yuna.Kalmado ang ekspresyon ni Yuna, Naisip na niya ang mga kahihinatnan ng pagpatay niya kay Rowena. Dahil hindi siya makapaghiganti, papatayin niya ito, isang buhay para sa isang buhay."Bakit ang lakas ng loob mo, babae?" Gusto siyang patayin ni Robdrt ng sandaling iyon. Naglabasan anr mga ugat sa kanyang noo. Muli niyang ikinasa ang gatilyo ng baril at inilagay ang baril sa noo ni Yuna.Tahimik niyang ipinikit ang kanyang mga mata, na para bang naghihintay na lang ang kanysng katapusan.Handa naman siya ljng iyonab ang kanyang k kahinantnan.Wala na rin namang saysay ang buhay niya.Nawala a
Gaya ng inaasahan, naging mabangis ang mga mata ni Yuna at direktang sinampal ng malakas si Rowena."Mas makapal ang mukha mo sa akin. At ang kalsgayan ng ama ko ay kagagawan mo!" Isa pa uling sampal ang pinadapo ni Yuna sa mukhan g babae.Medyo natigilan si Rowena pagkatapos ng malakas na sampal, duguan ang gilid ng kanyang bibig, ngunit siya ay nakatali at hindi magawang makaganti. Pero alam ni Rowena kung paano gaganti sa paraang alam niyang mas mapipikon niya si Yuna.Tumatawa pa rin siya ng malakas kahit nasaktan.Pinitcherahan ni Yuna si Rowena, "Rowena, tatanungin kita ulit, ano ang sinabi mo sa tatay ko noong araw na iyon? Sabihin mo!" Nanggigigil na tanong ni Yuna."Hindi ko sasabihin sayo!" Ngumiti si Rowena na may dugo sa gilid ng kanyang mga labi."H*yop ka, kapag hindi mo sinabi, papatayin kita Rowena!" Sa sandaling ito ay nawalan na ng kontrol si Yuna, at isang di mapigilang poot ang lumaki sa kanyang kalooban.Gusto ni Yuna na tapusin din ang buhay nito tulad ng gina
"Yuna, labag sa batas ang pagkidnap. Ano ang nangyari sa iyo at ginawa mo ang ganoong bagay?" di makapaniwalang sabi ni Patrick.Kinagat ni Yuna ang kanyang mga ngipin, "Kuya Patrick, gusto ko lang itanong kungmaaari mo ba akong tulungan?" Natahimik si Patrick.Sinabi ni Yuna, "Naisip ko na ang mga kahihinatnan, at matatanggap ko ang lahat ng magiging kalalabasan nito."Nag-isip si Patrick ng halos sampung minuto, at sinabi sa malalim na boses, "Handa akong tulungan ka." Medyo uminit ang mga mata ni Yuna, "Salamat, Kuya Patrick, kung may pagkakataon sa hinaharap, tiyak na babayaran kita."Hindi alam ni Patrick kung ano ang sasabihin sa kabilang dulo ng telepono, at pinayuhan na lamang si Yuna, "Mag-ingat ka sana Yuna"Buong maghapon ay balisa si Yuna. Bandang alas-tres, tumunog ang cell phone ni Yuna. Napuno siya ng kaba. Nang makita niyang nagri-ring ang cellphone niya, bigla niya itong hinawakan at inilapit sa tenga niya,"Hello.""Ms.Parson, nakatali na ho yung tao na pinaduko
Kinabukasan.Pagkagising ni Yuna, napakalma na niya ito. Itinulak ni Felix ang pinto at nakita siyang nagpapalit ng damit si Yuna. Mabilis siyang naglakad para pigilan ito at sinabing,"Bakit ka nagpalit ng damit?gusto mo bang lumabas? Saan mo gustong pumunta?"Ibinaling niya ang kanyang ulo at tila isinantabi ang lahat ng masasamang emosyon. Siya ay naging lubhang kalmado at sinabing,"Mahigit sa sampung araw na akong nasa ospital at maaari na akong ma-discharge ngayon." Sabi niya.Hindi alam ni Felix kung bakit, ngunit naramdaman niyang naging kakaiba ito at nasulyapan ang mukha nitong tila makulimlim. Ang kanyang mahabang buhok ay itim na walang anumang dumi. Nakatayo si Yuna doon na may mukha na kasing puti ng perlas ngunit walang ekspresyon, na para bang naalis ang lahat ng kanyang emosyon."Yuna, ano ang iniisip mo?" Napansin ni Felix na parang hindi siya nakakakita nito. Itinaas ni Yuna ang kanyang mga mata at walang pakialam na tumingin sa kanya,"Wala akong iniisip. Mas gumaa
Medyo nagatubili s Felix na sumagot dahil inaalala niya ang kalagayan niYua emotionaly, pero kalaunan ay kailafan niyang sabihin dito."Nasa intensive care unit siya ngayon.Huwag lang magalala inaasikaso na siya ng mga doctor" sabi ni Felix.Babangon na sana si Yuna sa kama nang marinig niya iyon, ngunit hindi niya napansin na ang kamay niya ay nasa infusion. Nang hilahin niya ito, nahulog ang infusion needle, at ang matingkad na pulang dugo ay dumaloy pabalik sa bote.Walang pakialam si Yuna at tulala lang siyang tumakbo palabas.Hinabol siya ni Felix at inalalayan, "Kagigising mo lang at nanghihina ka pa. Dahan-dahan kang maglakad.""Gusto kong makita ang tatay ko." Isa lang ang nasa isip niya ngayon, na puntahan ang kanyang ama at siguraduhing ligtas ito.Ngunit nang makita niya ang kanyang ama, napaluha siya.Ang kanyang ama ay nakahiga sa isang espesyal na ward na may mga medikal na tubo sa buong katawan niya. Sinabi ng doktor na mayroon siyang cerebral infraction at ngayon ay nasa
Nang makita ni Yuna ang mukha ni Rowena, bigla niyang naalala ang ekspresyon ng mukha ng kanyang ama habang kausap ni Rowena ang kanyang ama.Napakalamig ng mga mata nito kanina, kakaiba ang tindig nito na tila pa nanghahamon, hindi katulad ng mahina hitsura nito ngayon. Pinilit ni Yuna na tumayo, sumugod at hinawakan ang leeg ni Rowena."Hay*p ka, Rowena, anong ginawa mo sa tatay ko? Bakit nahulog ang tatay ko sa hagdan? Tinulak mo siya, tama ba?" "Hindi, hindi ko siya itinulak, nahulog siya mag-isa dahil sa sakit niya!" Umiling si Rowena. "Imposible! Napakalusog ng tatay ko kamakailan, paano siya magkakasakit ng walang dahilan? Bakit sinabihan ako ng tatay ko na huwag akong maghiganti? Ano bang ginawa mo?" Nagulat si Felix. Mukhang naintindihan niya ang sinabi ni Yuna ng sandaling iyon.Lumakad siya pasulong at sinampal si Roweba sa mukha. May nakakatakot na tingin sa kaibuturan ng kanyang mga mata, at siya ay mukhang lubhang mapanganib. Si Rowena ay napasalampak sa sahig matapo
Pinagmasdan ni Felix si Yuna habang natutulog, puno ng pagkabalisa ang mukha nito. Siya ay nakahiga sa kanyang gilid, nakayakap sa isang unan, na ang kanyang mga kilay ay mahigpit na nakakunot, tulad ng isang marupok na manika.Iniunat ni Felix ang kanyang mga daliri at pinakinis ang mga kulubot sa pagitan ng kanyang mga kilay."Malungkot ka pa rin ba dahil sa bata?Im so sorry Yuna" bulong ni Felix.Eto na ata ang pang dalawangpong sorry niya dito.Bumuntong-hininga siya, malalim at malungkot ang boses. Nakita niyang may pasa ang likod ng mga kamay nito. Ang kanyang mga kamay ay namamaga dahil sa araw-araw na pagdaloy ng Dextrose. Naglabas siya ng mainit na tuwalya at marahang itinapat sa likod ng kanyang mga kamay.Sa sandaling iyon, nagising na si Yuna. Nang makita niyang mukha niya iyon, agad na nawala ang malabong ulap sa kanyang mga mata. Binawi niya ang kanyang kamay, at pagkatapos ay nakita niya ang mga bulaklak sa bedside table at biglang napagtanto kung ano ang nangyari.Araw
Itay, ayoko na dito. Pwede mo ba akong iuwi?" Hinawakan ni Shintaru ang kanyang ulo at sinabing, "Okay, iuuwi ka ni Tatay.""Wala na ang anak ko, Tatay, wala na ang anak ko, nalulungkot ako..." Namumula ang mga mata ni Yuna sa pag-iyak.Nang makita ni Yuna ang ama na pinakamalapit na tao sa kanya, hinsi nahiya si Yuna na ipahayag niya ang kanyang pinaka-mahina na side. Kinagat niya ang kanyang mga ngipin at masakit na sinabing, "Linasusuklaman ko si Felix Itay.Galit ako sa kanya, ayoko na siyang makita pa!""Okay, kung galit ka sa kanya, sige lumayo ka na sa kanya. Hindi ko na rin siya gusto, at ayaw ko na rin siyang makita." Inaliw siya ng kantang ama na may malungkot na mga mata.Si Felix atly laglag ang balikat na nakatayo sa labas. Nang marinig niyang sinabi ni Yuna na galit siya sa kanya at kinasusuklaman pa siya, unti-unting lumamig ang dugo sa kanyang katawan, kumalat mula sa talampakan hanggang sa kanyang puso, na bumubuo ng hindi maipaliwanang na sakit...Namula ang kany
Itulak pabukas ang pinto ng ward.Nakahiga si Yuna sa kama ng ospital, nakatingin sa kesame na may dilat na mga mata ngunit walang ekspresyon ang mukha.Nakadurog sa puso ni Myca ang inabutan. Naglakad siya papunta sa gilid ng kama upang makita si Yuna, ngunit hindi siya nangahas na hawakan ito, dahil sa takot na masaktan si Yuna."Yuna, si Myca ito, kamustak a na? may masakit ba sayo? saan?" Doon lamang gumalaw ang mga mata ni Yuna na nakatitig sa kesame.Nang makita ni Yuna si Myca, biglang naging mas malinaw ang kanyang mga mga at umiling siya.Sa totoo lang, nanghihina pa siya, nanlalamig, masakit, at parang hinihiwa ng kutsilyo ang puso niya. Pero ayaw niyang mag-alala si Myca dahil sa kalagayan din nito kaya umiling si Yuna.Hinawakan ni Myca ang kanyang ulo, lumapit sa kanya, hinawakan ang kanyang payat na kamay at sinabing, "Narinig ko kay Sandro na tumanggi kang makipagtulungan sa paggamot. Yuna, hindi mo dapat gawin ito. Ang mahalaga ngayon ay ikaw ""Isipin mo lang, nasa