Home / Romance / Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire / Chapter 383 : Gustong Maging Malaya At Tumayo Sa Sariling Paa

Share

Chapter 383 : Gustong Maging Malaya At Tumayo Sa Sariling Paa

Author: Epiphanywife
last update Last Updated: 2025-02-27 19:29:27

Napasigaw ang lalaki sa sakit. Nang walang sinasabi, at walang kibong hinubad ni Felix ang kanyang suit jacket at isinuot iyon kay Yuna at inakay siya paalis sal ugar na iyon.Lumingon si Yuna para tingnan si Felix

Ang mukha nito ay mukhang napakalamig at hindi maipnta ang mukha, ngunit kung titingnan mong maigi, makikita mo ang ilang emosyon na lumalabas sa kanyang mga mata.

Naglakad palabas si Felix habang hawak sa kamay si Yuna. Dinala siya ni Felix sa isang bench sa labas ng building. Isa sa mga body guard ni Felix ay lumapit at may inabot na ointment sa kanya.Binuksan niya ito saka ihinarap ang mukha ni Yuna, piniga ang ilang ointment gamit ang cotton swab, at inilapat ito sa mukha ng dating asawa. Napasigaw si Yuna sa sakit.Dahil sa naramdamang hapdi ay nabitawan ni Yuna ang fruit knife sa kanyang kamay. Nang marinig ang kutsilyong nahulog sa lupa, sumulyap si Felix sa kutsilyo, lumalim ang emosyon sa kanyang mga mata,lalo ng nang magtama ang paningin nila ni Yuna. Kumindat s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nemia Estrada Santos
ay Yuna ma fried chicken kanamn kasi
goodnovel comment avatar
Jackelyn Orina
More update plzzzzz
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 384: Dagdag Na Insulto At Pinsala

    Pagsapit nang hapon, nagpunta si Yuna sa iba pang mga kompanya na kakilala at kaibigan ng kanilang kompanya upang makipagkita sa mga may ari nito, ngunit tinanggihan pa rin siya ng mga ito.Sa secretary pa lamang ay tila may utos ng tanggihan siya. Ang mga tao sa labas ay tila naisip na ang Parson Group alubog na at wala ng pagasa kaya wala ng gustong tumulong. Medyo nasiraan na nang loob si Yuna, Ito na ang panglimang kompanyang pinuntahan niya at ni walang kumausap sa kanya. Bukod sa pagod sa pagbiyahe ay nai stress na rin siya sa paulit ulit na rejection. Bumangon si Yuna sa sofa at nagdesisyun na lamang na bumalik sa kanilang kompanya. Habang naglalakad papunta sa pinto ay nakita ni Yuna ang isang grupo ng mga tao na lumabas sa elevator. Nang makita siya ng mga, hindi sinasadyang ibinaba ni Yuna ang kanyang ulo, natatakot siyang maakit niyang ang atensyon ng mga ito. Ngunit kahit ibinaba na Ni Yuna ang kanyang ulo, ang kanyang hitsura ay namumukod-tangi pa rin at madaling makaak

    Last Updated : 2025-02-27
  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 385: Magkita Tayong Muli

    "Pakawalan nyo siya!" utos ni Jhiro sabay sumulyap kay Yuna bago matalim na sinulyapan ang pinsan. Tumanggi si Natasha."Alam mong inakit at inagaw niya ang nobyo ko, at ngayon tinulungan mo pa rin siya? may hinanakit na sabi nito."Gumagawa ka na naman ng gulo Natasha, kamakailan lamang ay hinarap mo ang papa at naging napaka istrikto nito sa iyo. Kapag nalaman ni Daddy na gunagawa ka na naman ng gulo tinitityak ko sayong ipadadala ka na niya sa ibang bansa at doon na mananatili" banta ni Jhiro."Pakawalan mo na siya!" utos ulit ni Jhiro. Walang nagawa si Natasah kundi ang bitawan si Yuna. Nakalaya si Yuna na agad na tumayo sapagkakasalampak sa tiles, pero namumutla pa rin sa takot. Lumapit si Jhiro at tumayo sa harap ni Yuna at inalalayan siyang makaupo sa silyang naroon. Napatingin ang lahat kay Yuna na ngayon ay akay ni Jhiro pagkatapos ay tumingin ang lahat kay Natasha."Natasha, ano ang nangyayari? Bakit pinoprotektahan ng iyong pangalawang kapatid ang babaeng yun?' tanong ng

    Last Updated : 2025-02-27
  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 386 : Masasanay Ka Rin

    Lumakas ang tibok ng puso ni Yuna nang makita si Felix. Noon at ngayon kahit hiwalay na sila ay ganun pa rin ang epekto ni Felix sa kanya.Nakasuot ito ng puting sports suit at guwapong guwapo sa kanyang golf cup at naglalaro ng golf kasama ang mga bisita sa di kalayuan. Bigla naka shoot si Felix at naka-goal kaya nagpalakpakan ang mga kasama nito.Isang maliit na babae ang lumapit kay Felix at inabutan ito ng isang bote ng tubig.Kinuha ito ni Felix at mahinahong ininom.Ang paraan ng pagkakaabot ng babae sa tubig ay para bang may koneksiyon ang dalawa.Parang kinurot ang puso ni Yuna,tumibok ng mabilis ang pulso niya dahil napansin niyang medyo kamukha niya ang babaeng nag-abot ng tubig kay Felix."Oh my God, ang kilay nito at kung paano manamit pati damit at halos kamukha niya talaga. Gulat na gulat ang mukha ni Yuna."Nagtataka ako kung sino ang babaeng iyon?" Singit ni Jhiro pagkatapos ay lumingon kay Yuna at muling nagtanong"Kilala mo na siya" Nakabawi naman na si Yuna sa pagkatu

    Last Updated : 2025-03-01
  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 387: Ang Pagsisinungaling Ni Jhiro

    Si Shen lamang na kasama sa grupo ni Felix ang nakapansin sa pagiba ng mood ni Felix kaya lumapit ito sa kanya na may hawak na tuwalya at taimtim na kinausap si Felix."Kung nagmamalasakit ka pa rin kase bakit hindi mo bawiin na lang ito. Hindi imposible yan kung gagamitin mo lamang ang kakayahan mo kuya Felix"sano ni Shen ngunit nanatiling tahikik si Felix at walang sinabi. Alam ni Shen na nagkukinwari itong nagkokoncentrate sa pagsipat ng butas ."Ayaw mo na ba sa kanya? ayaw na din ba talaga niya?" muling tanong ni Shen.Umalingawngaw sa tenga ni Felix ang tanong na iyon ni Shen."Ayaw na nga ba niya? pero si Yuna ang umayaw at hindi siya!Tama nga ba si Shen.Itinapon ni Felix ang golf club na may malungkot na mukha at naglakad papunta sa restaurant.Isang grupo ng mga tao ang sumunod sa kanya at nagtungo din sa restaurant.Nang paakyat na sila ay may nakasalubong silang ilang waiter na may hawak na bulaklak at cake nang makita sila ng mga waiter ay tumabi sng mga ito at pinauna

    Last Updated : 2025-03-01
  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 388 : Nagseselos Siya Nang Matindi

    Halos nagulantang at hindi malaman ni Yuna ang magiging pakiramdam ng sandaling iyon kayat halos lito siya at aligaga kaya hindi naintindihan ni Yuna ang nangyayari, at sa sobrang kalituhan ay sinunod niya ang sinabi ni Jhiro at tinawag itong "pinsan". Pagkatapos niyang magsalita, natahimik ang buong lugar.Tila naging parang freezer sa lamig ang atmospera sa loob para kay Yuna.Tumingin sa kanya si Felix gamit ang nanlilisik nitong mga mata. Ang kaninang makulimlim na mukha nito ay laong nangdilim na halos mamula na sa galit. Napagtanto ni Yuna na mali ang kanyang nasabi kaya agad niyang ibinaba ang kanyang mga mata sa inis sa sarili..Sa pagkakataong ito, itinulak ang pinto at pumasok ang waiter dala ang mga pinggan. Ibinaba ni Yuna ang kanyang ulo para kumain, at sa buong proseso, naramdaman ni YUna ang titig ni Felix sa kanya.Pumikit na lamang si Yuna pero hindi niya matikman ang pagkain.Bigla na lang naramdaman nI Yuna na may humawak sa bewang niya. Huminto si Yuna sa pagsubo

    Last Updated : 2025-03-01
  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 389 : Ang Pagamin Ni Yuna

    Sa kadiliman ng lugar na iyon, ang mga mata ni Felix ay masama at mapanganib.Lumapit ito sa kanyang tainga at bumulong sa malalim na boses. "Pinsan? Gusto mo ba talagang makasama si Jhiro? Nakalimutan mo na ba kung paano ka pinahirapan ni Tita Linda noon na asawa pa kita? At nakalimutan mo na rin ba kung paano ka binu-bully at kinakamuhian ni Natasha? Nagiisp ka na Yuna?Ganito ka na ba ka desperada?" Paalala sa kanya ni Felix. Napayuko si Yuna ngaalala ang nakaraan sa buhay niya."Bakit hindi ka maghanap ng mas mabuting lalaki, naisip mo ba ang mararamdaman ko dahil sa paglapit mong ito kay Jhiro. Gusto mo ba talaga akong tuluyang magalit ha Yuna?Layunin mo na maging masama akong tao dahil sayo?" "Pakawalan mo ako Felix ano ba?" Ngunit hindi bumitaw si Felix. Hindi lang iyon, sadyang iniunat din nito ang kamay at idiniin sa dibdib niya."Nahawakan na ba niya ito?" sumilay ang kakaibang panibugho sa mata ni Felix ng sandaling iyon. Ibinaba nito ang kanyang ulo at mapanganib na tinan

    Last Updated : 2025-03-01
  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 390: Si Jessie Pala Ang May Sala

    Ang puso ni Yuna ay napuno ng sakit at hinanakit, na naging sanhi upang mahirapan si Yuna na huminga. Hanggang sa si Yuna ay tuluyang bumagsak at bisig ni Felix at lalo lamang umiyak at halos manghina.Tahimik na pinanood ni Felix ang pagiyak ni Yuna habang nasa bisig niya na parang latang lata. at bahagyang kumunot ang noo nito."Ano bang iniiyak mo?""Ano bang kinalaman nito sa iyo? Umiiyak ako sa sarili kong dahilan, hayaan mo lang ako..." Nabulunan si Yuna at tinulak si Felix palayo.Napilitan naman si Felix na ibaba na siya. Sa pagkakataong ito, sa wakas ay pinakawalan siya ni Felix ngunit hindi pa rin binitawan ang kamay niya. Niyakap siya ni Felix sa kadiliman at hinayaan siyang umiyak hangga't gusto niya.Halos isang oras siyang umiyak. Nagalit si Felix dahil hindi pa rin tumitigil si Yuna kaya ibinaba nito ang kanyang ulo at tinanong si Yuna."Bakit ka ba grabe umiyak? May nangyari ba sa iyo kamakailan?""Hindi ko alam?" Hindi naniniwala si Yuna na walang alam si Felix.Sin

    Last Updated : 2025-03-01
  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 391: Ang Mga Banta

    Malayang nakatanaw si Yuna sa kalawakan ng golf course habang nakikinig sa payapang daloy ng tubig sa batis.Pagkaraan ng hindi malamang oras, nag-ring ang cell phone ni Yuna."Ms. Yuna, wala nang pera sa account ni Mr.Shintaru.Kailangan pongadagdagan ang deposit ninyo " sabi ng tawag na mula tauhan sa accounting office sa hospital.Saglit na natahimik si Yuna bago sumagot."Sige ho, pupunta ako dyan kaagad" Kailang ang deposito para sa mga pangunahing kailangan ng kanyang ama kaya kinakailangan ni Yuna na gumawa ng paraan ngayon. Malamang ay hinihintay na siya ng kanyang ama at kaiiangan niya aliwin ito.​Inayos muna ni Yuna ang gulong buhok at sinipat ang sarili bago itinulak baukas ang pinto ng ward ng ama.Sinusuri ng doktor ang Tatay niya ng mabungaran ito ni Yuna. Umupo siya nang tahimil at nakipagtulungan sa doktor. Mula noong bypass surgery, ng kanyang ama ang utak nito ay naapektuhan na ng anesthetic. Hindi ito nakakakilala pero kapag si Yuna ang nagpupunta ay magiliw siyang

    Last Updated : 2025-03-02

Latest chapter

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 446 : Pinoprotektahan mo Siya

    Medyo nagatubili s Felix na sumagot dahil inaalala niya ang kalagayan niYua emotionaly, pero kalaunan ay kailafan niyang sabihin dito."Nasa intensive care unit siya ngayon.Huwag lang magalala inaasikaso na siya ng mga doctor" sabi ni Felix.Babangon na sana si Yuna sa kama nang marinig niya iyon, ngunit hindi niya napansin na ang kamay niya ay nasa infusion. Nang hilahin niya ito, nahulog ang infusion needle, at ang matingkad na pulang dugo ay dumaloy pabalik sa bote.Walang pakialam si Yuna at tulala lang siyang tumakbo palabas.Hinabol siya ni Felix at inalalayan, "Kagigising mo lang at nanghihina ka pa. Dahan-dahan kang maglakad.""Gusto kong makita ang tatay ko." Isa lang ang nasa isip niya ngayon, na puntahan ang kanyang ama at siguraduhing ligtas ito.Ngunit nang makita niya ang kanyang ama, napaluha siya.Ang kanyang ama ay nakahiga sa isang espesyal na ward na may mga medikal na tubo sa buong katawan niya. Sinabi ng doktor na mayroon siyang cerebral infraction at ngayon ay nasa

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 445 : Ang Panibagong Kasinungalingan

    Nang makita ni Yuna ang mukha ni Rowena, bigla niyang naalala ang ekspresyon ng mukha ng kanyang ama habang kausap ni Rowena ang kanyang ama.Napakalamig ng mga mata nito kanina, kakaiba ang tindig nito na tila pa nanghahamon, hindi katulad ng mahina hitsura nito ngayon. Pinilit ni Yuna na tumayo, sumugod at hinawakan ang leeg ni Rowena."Hay*p ka, Rowena, anong ginawa mo sa tatay ko? Bakit nahulog ang tatay ko sa hagdan? Tinulak mo siya, tama ba?" "Hindi, hindi ko siya itinulak, nahulog siya mag-isa dahil sa sakit niya!" Umiling si Rowena. "Imposible! Napakalusog ng tatay ko kamakailan, paano siya magkakasakit ng walang dahilan? Bakit sinabihan ako ng tatay ko na huwag akong maghiganti? Ano bang ginawa mo?" Nagulat si Felix. Mukhang naintindihan niya ang sinabi ni Yuna ng sandaling iyon.Lumakad siya pasulong at sinampal si Roweba sa mukha. May nakakatakot na tingin sa kaibuturan ng kanyang mga mata, at siya ay mukhang lubhang mapanganib. Si Rowena ay napasalampak sa sahig matapo

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 444: Ang Pagkahulog Sa Hagdan

    Pinagmasdan ni Felix si Yuna habang natutulog, puno ng pagkabalisa ang mukha nito. Siya ay nakahiga sa kanyang gilid, nakayakap sa isang unan, na ang kanyang mga kilay ay mahigpit na nakakunot, tulad ng isang marupok na manika.Iniunat ni Felix ang kanyang mga daliri at pinakinis ang mga kulubot sa pagitan ng kanyang mga kilay."Malungkot ka pa rin ba dahil sa bata?Im so sorry Yuna" bulong ni Felix.Eto na ata ang pang dalawangpong sorry niya dito.Bumuntong-hininga siya, malalim at malungkot ang boses. Nakita niyang may pasa ang likod ng mga kamay nito. Ang kanyang mga kamay ay namamaga dahil sa araw-araw na pagdaloy ng Dextrose. Naglabas siya ng mainit na tuwalya at marahang itinapat sa likod ng kanyang mga kamay.Sa sandaling iyon, nagising na si Yuna. Nang makita niyang mukha niya iyon, agad na nawala ang malabong ulap sa kanyang mga mata. Binawi niya ang kanyang kamay, at pagkatapos ay nakita niya ang mga bulaklak sa bedside table at biglang napagtanto kung ano ang nangyari.Araw

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 443 : Hindi Na Maibabalik Pa Ang Nangyari

    Itay, ayoko na dito. Pwede mo ba akong iuwi?" Hinawakan ni Shintaru ang kanyang ulo at sinabing, "Okay, iuuwi ka ni Tatay.""Wala na ang anak ko, Tatay, wala na ang anak ko, nalulungkot ako..." Namumula ang mga mata ni Yuna sa pag-iyak.Nang makita ni Yuna ang ama na pinakamalapit na tao sa kanya, hinsi nahiya si Yuna na ipahayag niya ang kanyang pinaka-mahina na side. Kinagat niya ang kanyang mga ngipin at masakit na sinabing, "Linasusuklaman ko si Felix Itay.Galit ako sa kanya, ayoko na siyang makita pa!""Okay, kung galit ka sa kanya, sige lumayo ka na sa kanya. Hindi ko na rin siya gusto, at ayaw ko na rin siyang makita." Inaliw siya ng kantang ama na may malungkot na mga mata.Si Felix atly laglag ang balikat na nakatayo sa labas. Nang marinig niyang sinabi ni Yuna na galit siya sa kanya at kinasusuklaman pa siya, unti-unting lumamig ang dugo sa kanyang katawan, kumalat mula sa talampakan hanggang sa kanyang puso, na bumubuo ng hindi maipaliwanang na sakit...Namula ang kany

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 442 : Hindi Ko Siya Iiwan

    Itulak pabukas ang pinto ng ward.Nakahiga si Yuna sa kama ng ospital, nakatingin sa kesame na may dilat na mga mata ngunit walang ekspresyon ang mukha.Nakadurog sa puso ni Myca ang inabutan. Naglakad siya papunta sa gilid ng kama upang makita si Yuna, ngunit hindi siya nangahas na hawakan ito, dahil sa takot na masaktan si Yuna."Yuna, si Myca ito, kamustak a na? may masakit ba sayo? saan?" Doon lamang gumalaw ang mga mata ni Yuna na nakatitig sa kesame.Nang makita ni Yuna si Myca, biglang naging mas malinaw ang kanyang mga mga at umiling siya.Sa totoo lang, nanghihina pa siya, nanlalamig, masakit, at parang hinihiwa ng kutsilyo ang puso niya. Pero ayaw niyang mag-alala si Myca dahil sa kalagayan din nito kaya umiling si Yuna.Hinawakan ni Myca ang kanyang ulo, lumapit sa kanya, hinawakan ang kanyang payat na kamay at sinabing, "Narinig ko kay Sandro na tumanggi kang makipagtulungan sa paggamot. Yuna, hindi mo dapat gawin ito. Ang mahalaga ngayon ay ikaw ""Isipin mo lang, nasa

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 441: Ang Kalungkutan

    Hindi siya makumbin si ni Doc Shen, kaya bumuntong-hininga ito at lumabas ng ward. Si Felix ay nakatayo sa labas. Tatlong magkasunod na araw siyang walang tulog. Siya ang nag-aalaga kay Yuna sa ospital na wala pa itong malay. Duguan ang kanyang damit at namumula na ang kanyang mga mata sa puya at pagod na pagod ang mukha niya. Lumapit si Doc Shen at sinabi kay Felix,"Tatlong araw ka nang hindi natutulog. Bumalik kana muna at magpahinga sandali.""Kamusta na siya?" Lumingon si Felix at tinanong siya. Sinabi ni Shen,"Siya ay nasa masamang kalagayan ngayon at hindi masyadong nakikipagtulungan. Iminumungkahi ko na bumalik ka muna at magpahinga, at hayaan ang isang taong pinagkakatiwalaan niya na pumunta at makita siya." bilin ni Doc Shen."Pinagkakatiwalaan niya?" Inulit ni Felix ang pangungusap na ito, at ang una niyang naisip ay sina Ginoong Shintaru at Myca.Una siyang nakipag-ugnayan kay Myca at hiniling na pumunta siya sa ospital para samahan si Yuna, at pagkatapos ay hiniling ni

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 440 : Wala Na Ang Bata

    "I'm sorry, ma'am. Grabe ang pagdugo mo. Hindi na kayang mailigtas ang bata." Nang marinig ito, napaluha si Yuna. Dahil sa kawalan ng pakiramdam, ang kanyang mga luha ay napakababa umagos na parang binuhos na drum ng tubig. "Ma'am, ang mahalaga ay ang buhay niyo.Kuapingan ninyong lumaban, iyon ang pinakamahalagang bagay. Magkaroon ka pa ng mga anak sa hinaharap ngunit ang iyong buhay ay iisa lamang." Sabi sa kanya ng doktor at Inalo si Yuna na labis na nagdadalamhati. "Mga anak...hindi na ako magkakaroon pa..." nagsalita si Yuna na may mugtong mga mata, at pagkatapos ay nawalan muli ng malay. Sumigaw ang nurse, "Doktor, ang blood oxygen level ng nanay ay bumaba na sa isang delikadong lebel. Ang mabigat na pagdurugo ay hindi mapigilan, at ang Rh-negative na suplay ng dugo ng ospital ay hindi sapat..." Ang doktor ay mukhang balisa at nagmamadaling lumabas upang hanapin si Felix"Mr. Altamirano, ang maternal hemorrhage ay hindi mapipigilan, at ang Rh-negative na suplay ng dugo dit

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 439 : Ang Labis Na Hinanakit

    "So, ibig sabihin maari kong ipanganak ang bata tama ba ? Kung ganun ay hindi ako papayag na alisin ang bata." Tumanggi si Yuna na ipaalis ang sanggol. Ito ang resulta ng kanyang pagsusumikap sa 4 na buwang pagbubuntis. Gumagalaw na ang fetus. Paano niya natitiis na hindi ipatanggal ang batang ito? Ngunit malamig na sinabi ni Felix, "Stop talking, ayaw ko na sa batang yan." madlim ang mukhang sabi nito. Nanlisik ng mga mata ni Yuna sa galit lalo na ng tawagin ni Felix ang doktor. Hindi matanggap ni Yuna ang resultang ito, at nang humarap sa kanya si Felix, malamig siyang tumingin sa kanya at galit na sinabi,"Bakit napakawalang puso mo? Malinaw na sinabi ng doktor na maaari ko itong subukan." umiiyak na sabi ini Yuna. "Felix gusto kung mabuhay ang anak ko. Please, kung ayae mo sa bata ayos lang akin na lang siya lalayo kami at mamumuhay magisa. Para mo ng awa huwag mong ipaalis ang bata" pagsusumamo ni Yuna. "Huwag mo nang subukan." Seryosong sinabi ni Felix sa kanya, " Yuna,

  • Refuse To Divorce: In The Arms Of Ruthless Billionaire   Chapter 438: Ang Kawalan Ng Pag-asa

    Labis ang naging pagdaramdam ni Yuna, puno ng lungkot ang puso niya. Naaalala niya na malinaw na ipinangako ni Felix wala na siyang pakialam kay Rowena, ngunit ngayon, pumunta pa rin siya doon. Pakiramdam ni Yuna na siya ay dinaya at labis na nadismaya. Pero hindi maiwasang isipin ni Yuna kung nagkamali ba siya dito. Dapat niya bang hintayin na bumalik si Felix at tanungin siya ng mas malinaw? Nang gabing iyon, nang bumalik siya sa bahay, nakita niya ang coat ni Felix na nakalagay sa sofa. Humigpit ang hininga niya. Bumalik na ba si Felix? Tumingala si Yuna at nakakita ng ilaw sa ikalawang palapag. Naglakad siya pasulong nang hakbang na may hindi mapakali na puso. Si Felix ay nakatayo sa balkonahe at naninigarilyo. Sa katunayan, bihira itong naninigarilyo, at naninigarilyo lamang kapag siya ay partikular na iritable at depress. Tahimik na nanood si Yuna saglit, at hindi napigilang magsalita, "Bakit ka nakatayo sa balkonahe at naninigarilyo?" Huminto si Felix sa muling paghithit

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status