Napasigaw ang lalaki sa sakit. Nang walang sinasabi, at walang kibong hinubad ni Felix ang kanyang suit jacket at isinuot iyon kay Yuna at inakay siya paalis sal ugar na iyon.Lumingon si Yuna para tingnan si FelixAng mukha nito ay mukhang napakalamig at hindi maipnta ang mukha, ngunit kung titingnan mong maigi, makikita mo ang ilang emosyon na lumalabas sa kanyang mga mata.Naglakad palabas si Felix habang hawak sa kamay si Yuna. Dinala siya ni Felix sa isang bench sa labas ng building. Isa sa mga body guard ni Felix ay lumapit at may inabot na ointment sa kanya.Binuksan niya ito saka ihinarap ang mukha ni Yuna, piniga ang ilang ointment gamit ang cotton swab, at inilapat ito sa mukha ng dating asawa. Napasigaw si Yuna sa sakit.Dahil sa naramdamang hapdi ay nabitawan ni Yuna ang fruit knife sa kanyang kamay. Nang marinig ang kutsilyong nahulog sa lupa, sumulyap si Felix sa kutsilyo, lumalim ang emosyon sa kanyang mga mata,lalo ng nang magtama ang paningin nila ni Yuna. Kumindat s
Pagsapit nang hapon, nagpunta si Yuna sa iba pang mga kompanya na kakilala at kaibigan ng kanilang kompanya upang makipagkita sa mga may ari nito, ngunit tinanggihan pa rin siya ng mga ito.Sa secretary pa lamang ay tila may utos ng tanggihan siya. Ang mga tao sa labas ay tila naisip na ang Parson Group alubog na at wala ng pagasa kaya wala ng gustong tumulong. Medyo nasiraan na nang loob si Yuna, Ito na ang panglimang kompanyang pinuntahan niya at ni walang kumausap sa kanya. Bukod sa pagod sa pagbiyahe ay nai stress na rin siya sa paulit ulit na rejection. Bumangon si Yuna sa sofa at nagdesisyun na lamang na bumalik sa kanilang kompanya. Habang naglalakad papunta sa pinto ay nakita ni Yuna ang isang grupo ng mga tao na lumabas sa elevator. Nang makita siya ng mga, hindi sinasadyang ibinaba ni Yuna ang kanyang ulo, natatakot siyang maakit niyang ang atensyon ng mga ito. Ngunit kahit ibinaba na Ni Yuna ang kanyang ulo, ang kanyang hitsura ay namumukod-tangi pa rin at madaling makaak
"Pakawalan nyo siya!" utos ni Jhiro sabay sumulyap kay Yuna bago matalim na sinulyapan ang pinsan. Tumanggi si Natasha."Alam mong inakit at inagaw niya ang nobyo ko, at ngayon tinulungan mo pa rin siya? may hinanakit na sabi nito."Gumagawa ka na naman ng gulo Natasha, kamakailan lamang ay hinarap mo ang papa at naging napaka istrikto nito sa iyo. Kapag nalaman ni Daddy na gunagawa ka na naman ng gulo tinitityak ko sayong ipadadala ka na niya sa ibang bansa at doon na mananatili" banta ni Jhiro."Pakawalan mo na siya!" utos ulit ni Jhiro. Walang nagawa si Natasah kundi ang bitawan si Yuna. Nakalaya si Yuna na agad na tumayo sapagkakasalampak sa tiles, pero namumutla pa rin sa takot. Lumapit si Jhiro at tumayo sa harap ni Yuna at inalalayan siyang makaupo sa silyang naroon. Napatingin ang lahat kay Yuna na ngayon ay akay ni Jhiro pagkatapos ay tumingin ang lahat kay Natasha."Natasha, ano ang nangyayari? Bakit pinoprotektahan ng iyong pangalawang kapatid ang babaeng yun?' tanong ng
Lumakas ang tibok ng puso ni Yuna nang makita si Felix. Noon at ngayon kahit hiwalay na sila ay ganun pa rin ang epekto ni Felix sa kanya.Nakasuot ito ng puting sports suit at guwapong guwapo sa kanyang golf cup at naglalaro ng golf kasama ang mga bisita sa di kalayuan. Bigla naka shoot si Felix at naka-goal kaya nagpalakpakan ang mga kasama nito.Isang maliit na babae ang lumapit kay Felix at inabutan ito ng isang bote ng tubig.Kinuha ito ni Felix at mahinahong ininom.Ang paraan ng pagkakaabot ng babae sa tubig ay para bang may koneksiyon ang dalawa.Parang kinurot ang puso ni Yuna,tumibok ng mabilis ang pulso niya dahil napansin niyang medyo kamukha niya ang babaeng nag-abot ng tubig kay Felix."Oh my God, ang kilay nito at kung paano manamit pati damit at halos kamukha niya talaga. Gulat na gulat ang mukha ni Yuna."Nagtataka ako kung sino ang babaeng iyon?" Singit ni Jhiro pagkatapos ay lumingon kay Yuna at muling nagtanong"Kilala mo na siya" Nakabawi naman na si Yuna sa pagkatu
Si Shen lamang na kasama sa grupo ni Felix ang nakapansin sa pagiba ng mood ni Felix kaya lumapit ito sa kanya na may hawak na tuwalya at taimtim na kinausap si Felix."Kung nagmamalasakit ka pa rin kase bakit hindi mo bawiin na lang ito. Hindi imposible yan kung gagamitin mo lamang ang kakayahan mo kuya Felix"sano ni Shen ngunit nanatiling tahikik si Felix at walang sinabi. Alam ni Shen na nagkukinwari itong nagkokoncentrate sa pagsipat ng butas ."Ayaw mo na ba sa kanya? ayaw na din ba talaga niya?" muling tanong ni Shen.Umalingawngaw sa tenga ni Felix ang tanong na iyon ni Shen."Ayaw na nga ba niya? pero si Yuna ang umayaw at hindi siya!Tama nga ba si Shen.Itinapon ni Felix ang golf club na may malungkot na mukha at naglakad papunta sa restaurant.Isang grupo ng mga tao ang sumunod sa kanya at nagtungo din sa restaurant.Nang paakyat na sila ay may nakasalubong silang ilang waiter na may hawak na bulaklak at cake nang makita sila ng mga waiter ay tumabi sng mga ito at pinauna
Halos nagulantang at hindi malaman ni Yuna ang magiging pakiramdam ng sandaling iyon kayat halos lito siya at aligaga kaya hindi naintindihan ni Yuna ang nangyayari, at sa sobrang kalituhan ay sinunod niya ang sinabi ni Jhiro at tinawag itong "pinsan". Pagkatapos niyang magsalita, natahimik ang buong lugar.Tila naging parang freezer sa lamig ang atmospera sa loob para kay Yuna.Tumingin sa kanya si Felix gamit ang nanlilisik nitong mga mata. Ang kaninang makulimlim na mukha nito ay laong nangdilim na halos mamula na sa galit. Napagtanto ni Yuna na mali ang kanyang nasabi kaya agad niyang ibinaba ang kanyang mga mata sa inis sa sarili..Sa pagkakataong ito, itinulak ang pinto at pumasok ang waiter dala ang mga pinggan. Ibinaba ni Yuna ang kanyang ulo para kumain, at sa buong proseso, naramdaman ni YUna ang titig ni Felix sa kanya.Pumikit na lamang si Yuna pero hindi niya matikman ang pagkain.Bigla na lang naramdaman nI Yuna na may humawak sa bewang niya. Huminto si Yuna sa pagsubo
Sa kadiliman ng lugar na iyon, ang mga mata ni Felix ay masama at mapanganib.Lumapit ito sa kanyang tainga at bumulong sa malalim na boses. "Pinsan? Gusto mo ba talagang makasama si Jhiro? Nakalimutan mo na ba kung paano ka pinahirapan ni Tita Linda noon na asawa pa kita? At nakalimutan mo na rin ba kung paano ka binu-bully at kinakamuhian ni Natasha? Nagiisp ka na Yuna?Ganito ka na ba ka desperada?" Paalala sa kanya ni Felix. Napayuko si Yuna ngaalala ang nakaraan sa buhay niya."Bakit hindi ka maghanap ng mas mabuting lalaki, naisip mo ba ang mararamdaman ko dahil sa paglapit mong ito kay Jhiro. Gusto mo ba talaga akong tuluyang magalit ha Yuna?Layunin mo na maging masama akong tao dahil sayo?" "Pakawalan mo ako Felix ano ba?" Ngunit hindi bumitaw si Felix. Hindi lang iyon, sadyang iniunat din nito ang kamay at idiniin sa dibdib niya."Nahawakan na ba niya ito?" sumilay ang kakaibang panibugho sa mata ni Felix ng sandaling iyon. Ibinaba nito ang kanyang ulo at mapanganib na tinan
Ang puso ni Yuna ay napuno ng sakit at hinanakit, na naging sanhi upang mahirapan si Yuna na huminga. Hanggang sa si Yuna ay tuluyang bumagsak at bisig ni Felix at lalo lamang umiyak at halos manghina.Tahimik na pinanood ni Felix ang pagiyak ni Yuna habang nasa bisig niya na parang latang lata. at bahagyang kumunot ang noo nito."Ano bang iniiyak mo?""Ano bang kinalaman nito sa iyo? Umiiyak ako sa sarili kong dahilan, hayaan mo lang ako..." Nabulunan si Yuna at tinulak si Felix palayo.Napilitan naman si Felix na ibaba na siya. Sa pagkakataong ito, sa wakas ay pinakawalan siya ni Felix ngunit hindi pa rin binitawan ang kamay niya. Niyakap siya ni Felix sa kadiliman at hinayaan siyang umiyak hangga't gusto niya.Halos isang oras siyang umiyak. Nagalit si Felix dahil hindi pa rin tumitigil si Yuna kaya ibinaba nito ang kanyang ulo at tinanong si Yuna."Bakit ka ba grabe umiyak? May nangyari ba sa iyo kamakailan?""Hindi ko alam?" Hindi naniniwala si Yuna na walang alam si Felix.Sin
Isang araw, bigla siyang nakaramdam ng hindi komportable sa pakiramdam.Marahil nagsimula ito sa sandaling naramdaman niyang narating na ni Yuna ang isang destinasyon sa magkaibang landas.Nang makita ni Lester si Patrick, lumabas ito ng kotse, dire-diretsong naglakad palapit sa kanya at nagtanong,"Boss Patrick, maaari ba akong magtanong sa iyo?" Walang sinabi si Patrick kaya tinanong ito ni Lester ng deretso. "Ano ang relasyon mo ngayon sa asawa ng amo ko?"Itinaas ni Patrick ang kanyang mga labi at ngumiti, "Inutusan la na ni Felix para magtanong ng ganyan?""Hindi, gusto ko sanang itanong sa sarili ko." Tumayo ng tuwid si Lester at magiliw na nagpayo,"Si Boss Patrick ay isang matalinong tao. Dapat niyang makita kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ng aking Boss sa asawa niya. Kung si Boss Patrick ay may kaalaman sa sarili, dapat niyang layuan ang aming Madam. Pagkatapos ng lahat, ang sinumang makasakit sa aming Madam ay magdurusa." Sabi nito."Ang dapat na lumayo kay Yuna ngayo
Pero anumang pilit niYuna mapait talaga ang kape amerikani sa kanya epro hindi niya iyong iponahalata kay Felix. Sa harap nito ay hindi siya magpakita ng kahinaan at hinding-hindi siya dapat maakit sa kaguwapuhan nito ngayon.Dati siyang isang simpleng tao, kung saktan siya ng iba, nakakalimutan niya agad, at nagpapatuloy sa pagiging masaya. Dahil ayaw niyang parusahan ang kanyang sarili dahil sa pagkakamali ng iba.Pero simula nang maipasok ang kanyang ama sa ICU, at ayaw ni Felix na parusahan si Rowaena, nagpasiya si Yuna na parusahan ang kanyang sarili.Pinaparusahan niya ang kanyang sarili sa pagmamahal sa taong hindi niya dapat mahalin. Pinaparusahan din niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, nasaktan ng ganito ang kanyang ama. Mula noon, ayaw na niyang maging masaya.Parang naunawaan din ni Felix ang ibig niyang sabihin, at naging bahagyang malalim ang kanyang boses,"Ano ang gusto mong gawin?" Tumingin siya, at n
Kinabukasan ay maagang nangtungo si Yuna sa Shop.Naabutan niyang abala si Myca sa pagpili ng ibat ibang sample ng tela. Pagbukas ng pinto ay nagtaas ito ng tingin at nakita siya .Nabakas niya ang kaligayan pero pagkagulat sa mga mata nito."Yuna...""Boss, nakabalik ka na!" Sabi naman ni Lin na katuwang ni Myca."Magandang araw sa lahat!" Bati ni Yuna sa ilang tauhan at ngumiti kay Lin, at pagkatapos makipag-usap ng sandali, inalalayan niya si Myca paakyat sa opisina sa ikalawang palapag.Namumula ang mga mata ni Myca habang tinitingnan siya, "Yuna, natutuwa akong makita ka, kakalabas mo lang mula roon, hindi ka ba magpapahinga kahit lang araw man lang ?" Sabi ni Myca. Labis nipang ikinalungkot ng makulong si Yuna."Hindi na, wala naman akong gagawin." Tumingin si Yuna sa matambok na tiyan ni Myca."Sino ba ang nahihirap ha, ilang linggo na lang ba bago lumabas ang baby pero nagtatrabaho ka pa rin?"Tumingin si Myca sa kanyang tiyan, at naglabas ng dila, "Ganyan din ang sinasabi n
Medyo natulala si Yuna, hindi niya maintindihan ang nababasa sa mga mata ni Patrick. Pero para kay Yuna dapat ay wala ng madamay pa, dapat ay siya ang gumawa upang mapanatag ang kalooban niya. Sa kanya may atraso si Rowena kaya dapat sa mga kamay niya rinamgbayad ang babae. Kaya sa huli ay umiling siya,"Hindi na, Kuya Patrick, alam kong hindi ka rin masaya sa pamilya mo at may mga sarili ka ring problema, ikaw at ang iyong kuya ay magkalaban din diba. Mahirap din ang iyong buhay."Sinabi na sa kanya ni Myca dati, na si Petrick ay dumating lang sa pamilya Perez, at parang anak lamang sa labas, ang kuya nito ang tagapagmana, kaya't si Patrick, ang bagong ikalawang anak na lalaki, ay hindi masaya sa pamilya Perez.Yumuko si Patrick na tila napahiya at nainsulto bago muling tumingin kay Yuna."Okay lang, kaya kitang tulungan." Pero ilang ulit pa ring umiling muli si Yuna, at bahagyang lumabas ang kanyang mga dimples, sinabi niya kay Patrick,"Kuya Patrick, ayaw kong maging pabi
"Yuna!" Nag-iba ang tono ni Felix, at hinabol siya."Mr. Felix, itigil mo yan, hindi na tayo ganoon na magkakilala pa baka nakakalimutan. Mo wala na tay9ng konektion pa, huwag mo akong sundan pewde ba?" singhal nibYuna.Nang makarating si Yuna sa gilid ng kalsada, huminto ang isang sasakyan. Bumaba ang bintana, at muli niyang nakita ang nakakainis na mukha ni Patrick, binuksan nito ang pinto ng sasakyan at sinabi kay Yuna,"Yuna, nandito ako para sunduin ka." Ngumiti si Yuna ngvubod ng tamis, at sasakay na sana sa sasakyan, ngunit hinawakan na naman siya ni Felix sa kamay, ang kanyang guwapong mukha ay parang isang walang buhay na estatwa,"Huwag kang sumama sa kanya Yuna." "Sino ka ba para bawalan ako?" Sarcastic na ngumiti si Yuna, garapal niyang sinabi, "Hindi tayo magkakilala, huwag kang kumilos na parang aso na palaging nakasunod sa akin, nakakainis na." Pagkatapos sabihin iyon, sumakay na si Yuna sa sasakyan.Ngunit bagi isara ang pinto ay tumingin ulit kay Felix, bakas ni Yu
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p