Medyo sumakit ang mukha niya kaya hinawakan niya ito at umakyat sa taas para hanapin ang box ng gamot pagkahanap nito ay naglagay siya ng gamot sa sarili sa salamin.Saktong pumasok mula sa labas si Felix at nakita siyang nag -aaplay ng gamot na may isang madilim na mukha."Tama lang sayo yan!" Sabi nito. Napahinto si Yuna at lumingon saka galit na nagtanong."Anong sabi mo?""Sinabi kong dapat ka lanhlg madampal sa paglalandi mo sa alaki ng iba." Ulit ni Felix.Agad na namula ang mga mata ni Yuna sa pagdaramdam.Bigla na lang niyang hindi na gustong makipag-usap at tinapon ang cotton swab na pinaglagyan ng gamot at tumalikod na at naglakad palabas.Bahagyang nagdilim ang mukha ni Felix nang makita niyang kukunin ni Yuna ang bag nito. Gumawa siya ng dalawang mabilis na hakbang at hinila si Yuna pabalik sa kanyang matigas na dibdib at doon napaiyak si Yuna."Saan ka pupunta?" Pinisil ni Felix ang kanyang baba na may masamang tingin sa kanyang mga mata. Masakit ang dulo ng ilong ni Yuna
Nagulat si Yuna sa narinig kay Jessie, bahagyang nag-iba ang mga mata ni Yuna,naging mapanglaw at nabalisa. Nakangiting parang nasiyahan si Jessie sa reaksiyon ni Yuna kaya nagpatuloy ito."Noong una, naiinggit ako sa'yo, pero wala na akong nararamdaman ngayon. Sa huli, ikaw lang naman ay isang blood bag tulad ko. Kapag gumising na si Rowena balang araw, wala ka na ring halaga sa buhay ni Felix." Sabi niJessie."Huwag mong sirain ang relasyon namin ni Felix. Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo." Malamig ang mukhang sabi ni Yuna.Hindi siya naniniwala kay Jessie. Perouling nangsalita si ang babae."Talaga ba? Naalala mo ba kung kailan naging mabait sa'yo si Felix?" Tanong nito na nagpalingon kay Yuna."Hindi ba ilang araw pagkatapos ng kasal ay nasugatan ka at naospital, doon, nalaman niya ang iyong blood type, at saka siya naging mabait sa'yo?"Ang mga sinabi ni Jessie ay hindi sinasadyang nagpaalala kay Yuna sa nakaraan.Sa unang anim na buwan pagkatapos ng kasal, talagang malamig sa
Pero para kay Yuna kapag naitanim na sa isip niya ang pagdududa tatagos na ito sa kanyang kaluluwa at hindi na ito maaalis pa hanggang sa hindi niya natutuklasan ang lahat.Dalawang araw ang lumipas matapos matuklasan ang laman ng Villa na pink, pero halos hindi mapakali si Yuna sa mga nagdaang sandali. Dalawang gabi na siyang puyat at pinahihirapan ng bagay na iyon.Sa ikatlong araw ay hindi na napigilan ni Yuna ang kuryusidad ay ang matinding kirot sa kanyang dibdib na hindi nagpapatulog sa kanya.Kaya pagkatapos niyang dalawin ang kanyang ama sa ospital, hindi na niya magawang humakbang paalis.Parang may humahatak sa kanyang umakyat sa itaas ng hospital na iyon. Naging napakahirap para kay Yuna ang labanan ang isipan upang makalabas siya ng silid.Tumingin siya sa pinakamataas na palapag ng ospital, parang bang sa kanyang balintàtaw ay nakita niya ang isang babaeng nakahiga sa kama sa likod ng makapal na pader, at lalong gusto alamin ni Yuna ang lahat.Kung Rowena nga ba ang nakati
Umupo si Doc Shen sa likod ng mesa at tumingin kay Yuna saglit bago nagsalita."Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay Rowena ang pangalan niya at nag-aaral siya sa ibang bansa. Isang araw ilang taon na ang nakakaraan, biglang ang Kuya Felix ay bumalik mula sa China at nakita kung nakayakap sa kanya na labis na balisa at malungkot." panimula ni Shen."Lantang gulay na siya at halos hindi na kumikilos ng makita ko ang pasyente" sabi pa ng doktor."Siya ba ang dating girlfriend ni Felix?" Kinurot ni Yuna ang kanyang mga kamay dahil sa kapangahasan at medyo namutlaat nanikip ang dibdib. Napatingin sa kanya si Shen na madilim at puno ng pagkabalisa."Hindi ako nagtatanong sa kanya ng ganyang ka personal. Hindi ko masyadong kilala ang babae at hindi nagsabi sa akin ang kuya Felix ng kahit maliban sa ang gamutin siya."Pero gumastos siya ng malaki, nagtayo ng isang pribadong medical team para sa kanya , tama ba?""Oo, totoo iyon." sagot ni Shen.Hindi nagsinungaling si Shen kay Yuna,para kase k
Limang araw si Felix mula ng magpumunta sa America.Hindi niya nagustuhan ang biyaheng iyon. Walang kapaki-pakinabang sa mga balita ng pulisya tungkol sa kaso ng ama nito na namatay 18 taon na ang nakakaraan, ang mga pasilidad ng hotel ay hindi perpekto at walang surveillance sa mga koridor.Nagpadala si Felix ng mga tao sa hotel upang suriin, ngunit wala rin nakuhahg kahit anong malinaw na paliwanag sa kaso ng ama ni Felix kaya bigong umuwi si Felix ng Pilipinas.Ngunit kasabay nito, nakaramdam pa rin ng kaunting saya sa puso si Felix, dahil natatakot din talaga itong malaman ang isang bagay kung halimbawa, paano nga kung si Shintaro ang ...ahh, kung sakali ay napakasakit noon para sa kanya at kay Yuna.Sinubukan ni Felix ang kanyang makakaya upang matunton ang katotohanan ilang taon na ang nakalipas, ngunit nang siya ay malapit nang maabot ang dulo, nagsimula naman ang takot niya at ang pagnanais na huwag na lamang malaman ang lahat. Siguro magiging masaya lang siya kung mananatil
Nagulat si Yuna, at ibinaba niya ang kanyang mga mata at humingi ng pasensya."Pasensya na Kuya Patrick." Nahihiya niyang sabi."Okay lang, alam ko naman na lagi ka niyang binubully, siguro dapat na siyang pagsabihan sa lalong madaling panahon." May kislap ng galit sa mga mata ni Patrick ng sabihin iyon.Medyo nagulat si Yuna, at nang tumingin ulit siya sa mga mata ni Patrick ay nakangiti na ito sa kanya at wala na ang galit na nakita niya kanina lang."Tara na, mabuti pa ay kumain na lamang tayo." Sabi ni Patrick. Hindi naman na tumanggi si Yuna dahil sa totoo lamang ay gutom na siya matatagal siyang naghintay sa hospital kanina. Inalalayan ni Patrick si Yuna pasakay ng kotse. Napasulyap si Yuna sa lalaking palaging nariyan sa sandaling lubog siya sa problema.Hindi mahal ni Patrick si Natasha, at hindi dapat laging ikinokonekta ni Yuna si Patrick kay Natasha.Para kay Yuna si Patrick ay kanyang matalik na kaibigan at dapat rin niyang unawain.Habang kumakain, nagdala ang waiter n
Hindi sumuko si Felix, hinigpitan niya ang hawak sa baywang ni Yuna at dinala ang asawa sa kanyang harapan at tiningnan ito ng gauze na nakabalot sa pulsuhan niya, kaya hindi niya makita kung ano ang hitsura ng sugat."Bakit nasugatan ang kamay mo?""Wala itong kinalaman sa iyo." Sabi ni Yuna na tingin sa malayo at iniwasang tingnan ang asawaNang marinig niya itong magsalita sa ganung tono ay medyo umasim na naman ang dulo ng ilong ni Yuna, kaya hinila niya ang kamay nito at gustong na niyang umalis talaga.Kumunot ang noo ni Felix at naging mas naging salubong ang kilay.Tumigil si Yuna sa kanyang mga hakbang at namula ang kanyang mga mata, hindi na niya napigilan ang mga luha.Kanina pa niya kinikimkim ang lahat.Alam naman ni Felix kung ano ang ikinagagalit niya, ngunit hindi man lang ito umiimik at patuloy lang na inaakusahan siya nang hindi makatarungan. Doon lalong bumulwak ang galit ni Yuna.Limang araw, limang araw na hindi sila nagkikibuan. Ang malamig nilang away ay tumagal n
Ngumisi ng makahulugan si Yuna at pinandilatan ang asawa at direktang sinabi."Bakit hindi ito makakapaekto sa akin aber? Mayroon siyang rh-negative na dugo, at ganoon din ako. Alam kong palihim mo akong kinukuhanan ng dugo noon para ibigay sa kanya, tama ba?" Glait na sumbat ni Yuna."Ang babaeng iyon ay may Aplastic anemia.Kailangan niya ang pagsasalin ng dugo sa mahabang panahon.Mahigit isang taon na ang nakalipas, nalaman mo ang tungkol sa uri ng dugo ko at bigla kang naging mabait sa akin at ang dahilan niyon ay dahil alam mo na mayroon akong isang bihirang uri ng dugo na kailangan niya, tama ba?" Dagdag na sumbat ni Yuna.Itinikom ni Felix ang kanyang mga labi at nanatiling tahimik.Blangko ang expresion ng mukha nito kaya mahirap basahin ang nasa kalooban nito.Nang makita ni Yuna ang walang ekspresyon na mukha ni Felix , naramdaman ni Yuna na totoo ang lahat ng haka haka niya."Tama ako hindi ba? Totoo ang naramdaman ko noon.Totoo talagang lihim mong kinukuha ang dugo ko.Kaya
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p
Kanina ay matatag Si Yuna, ngunit ng mabanggit ang ama at marinig ang pagiyak ni Myca, doon nagsimulang bumangon ang lungkot at takot ni Yuna. Kung tutuusin ay nangpapakatatag lamang siya pero matagal nang para siyang living dead. Mula ng mawala ang kanyang anak ay para na rin siyang buhay na patay. Tanging ang kanyang ama na lamang ang nagiisang hibla ng pisi na nagpapanatili ng kanyang katatagan."Attorney Sandro, maaari ka nang bumalik at sabihin sa kanya na huwag nang mag-alala tungkol sa akin. Wala na akong pagmamahal sa kanya, tanging poot na lamang."Napatingin si Sandro sa kanyang payat na pigura at hindi alam kung ano ang sasabihin. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, nagtanong si Sandro."Sigurado ka ba Yuna?""Oo. " Tumango siya ng ilang ulit. Walang pagpipilian si Sandro, kundi mag-impake ng mga dokumento at tumayo para lisanin ang lugar. Lugar na alam niyang ayaw ni Felix kahantungan ng asawa nito."Attorney Sandro." Bigla siyang tinawag ni Yuna. Lumingon si Sandr
Halos manikip ang dibdib ni Felix sa mga narinig. Ang dugo sa kanyang katawan ay parang biglang kumulo at umapaw hanggang sa kanyang bumbunan.Halos hindi niya makontrol ang kanyang emosyon, at gusto niyang pigilan ang mga pulis upang huwag hulihin si Yuna. Ngunit si Yuna ay nakaupo sa itaas ng puno, kaya hindi siya nangahas kumilos ng padalos-dalos. Dalawa ang kinakatakutan ni Felix: una, baka maisip ni Yuna na talon kapag natakot, dahil sa kasalanang iyon; at pangalawa, hindi niya kayang makitang damputin si Yuna ng mga pulis.Tumingin si Yuna kay Felix, itinaas ang gilid ng kanyang mga labi, at pagkatapos ay tumitig sa kanyang mga mata. May bakas ng nakatagong lungkot at poot—para bang sinasabi nito kay Felix na oo, ayaw niyang humingi ng tawad kay Rowena, at tumatanggi itong tanggapin pa ang kabaitan ni Felix.Natakot si Felix. Sa ilang segundo, sa sandaling tinulungan niya si Yuna at ilang pulis sa pagbaba sa puno, halos gusto na ni Felix na lumapit at yakapin ito. Gusto niyang
"Sir, pumunta po si Madam para bisitahin ang kanyang ama na si Ginoong Shintaro? Pero hindi po siya nakapunta sa ward ni Miss Rowena?" Sagot ang tapat na tauhan ni Felix."Hindi niya pinuntahan si Rowena?""Hindi po, Sir." Nakagat na lamang ni Felix ang kanyang mga labi sa pagtitimpi."Ano pa ang sumunod niyang ginawa?" tanong ni Felix. "Pumunta po siya sa lumang villa, Sir," sagot ng tauhan."Anong ginagawa niya roon?" "Sir, si Madam po ay pumunta sa likod ng bundok ng lumang villa. Doon po sa puntod ng kanyang ina." "Um, pagkatapos po niyang pumasok sa lumang villa, hindi na po siya lumabas," dagdag ng unang tauhan."Kaya naisipan ko po na umuwi na lamang. At iniisip ko na maaaring doon na po magpalipas ng gabi ang inyong asawa." Hindi maipaliwanag ni Felix kung bakit nakakaramdam siya ng kaunting pagkabalisa. Patuloy na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Hindi talaga siya mapakali at tila kinakabahan. Kaya agad kinuha ni Felix ang telepono at lumabas. Pagkatapos ay inutusan ni
"Kuya , ibig mong sabihin, hahayaan mo lang siya na makalapit pa rin sa akin at hahayaan mo na saktan niya ako ulit kahit kelan niya gusto?" naaagrabyadong sinabi ni Rowena."Napakawalang halaga ba ng buhay ko? Gusto niya akong patayin, ngunit hindi ako namatay. Ngayon gusto niyang makipagkompromiso ako at patawarin siya." Tingin ito ng may pagdaramdam kay Felix."Kung patatawarin ko siya, hindi ko mapapangako sa kanya na hindi niya ako sasaktan. Sa kasong ito, magiging ligtas ba ako sa hinaharap?" Tanong ni Rowena.Natahimik sandali si Felix, Nagisip muna ito ng mabuti pagkatapos ay sinabi kay Rowena ang nais nitong marinig."Kung sasaktan ka niya sa hinaharap, sige poprotektahan kita." Iyon na lamang ang sinabi ni Felix para matapos na ang usapaan nila. Alam niyang iyon ang igigiit ni Rowena at iyon ang hinihintay nitong sabihin niya.Samantala sa kabilang dako........Nakita din ni Yuna sa balita na nailigtas nga si Rowena.Tatlong araw daw siyang naanod sa dagat, at ang pangyayar
"Mr.Felix, Nandito ako para makipag-ayos sa kanya!" Itinuro nito si Yuna. Ang mga mata ni Robert ay may kakaibang titig kay Yuna. Tahimik itong humihigop ng kanyang sopas, at nang marinig niya ang mga salita ni Robert, ngumiti siya at nagtanong, "Patay na ba si Rowena?" Nagbago ang mukha ni Robert nang marinig niya iyon,"Ikaw babae! hindi ako makapaniwalang napakasama mo palang babae! Hindi pa ako nakakita ng ng babaeng ganito kasamang na tulad mo. Matapos itulak si Rowena sa dagat, wala ka man lang bahid ng panghihinayang o takot!" Sabi ni Robert at lumakad para salakayin si Yuna. Hinawakan ni Felix ang kamay ng lalaki saka ito tinitigan g may pagbabanta at sinabi sa malamig at walang malasakit na boses, "Robert Ikaw ay nasa pamamahay ko, kung maglakas-loob kang saktan ang asawa ko ulit, hindi ako magdadalawang isip, gusto mong subukan?""Kapatid mo si Rowena!" Nagulat si Robert. Talagang ipinagtanggol ni Felix ang masamang babaeng ito hanggang sa oras na ito.Si Felix ng