Ngumisi ng makahulugan si Yuna at pinandilatan ang asawa at direktang sinabi."Bakit hindi ito makakapaekto sa akin aber? Mayroon siyang rh-negative na dugo, at ganoon din ako. Alam kong palihim mo akong kinukuhanan ng dugo noon para ibigay sa kanya, tama ba?" Glait na sumbat ni Yuna."Ang babaeng iyon ay may Aplastic anemia.Kailangan niya ang pagsasalin ng dugo sa mahabang panahon.Mahigit isang taon na ang nakalipas, nalaman mo ang tungkol sa uri ng dugo ko at bigla kang naging mabait sa akin at ang dahilan niyon ay dahil alam mo na mayroon akong isang bihirang uri ng dugo na kailangan niya, tama ba?" Dagdag na sumbat ni Yuna.Itinikom ni Felix ang kanyang mga labi at nanatiling tahimik.Blangko ang expresion ng mukha nito kaya mahirap basahin ang nasa kalooban nito.Nang makita ni Yuna ang walang ekspresyon na mukha ni Felix , naramdaman ni Yuna na totoo ang lahat ng haka haka niya."Tama ako hindi ba? Totoo ang naramdaman ko noon.Totoo talagang lihim mong kinukuha ang dugo ko.Kaya
Noong una ay nakonsensya muna siya kay Yuna, hanggang ang konsensya ay naging awa hanggang unti unti naramdaman ni Felix na nagkaroon na siya nang kakaibang damdamin para kay Yuna. Nang maglaon, dahil sa pagkuha ng dugo, si Yuna ay nawalan ng malay noong nangkaroon ng programa sa eskuwelahan nito at si Felix ay labis na naawa kay Yuna at mula noon hindi na niya muling ginawa ang kunan ng dugo si Yuna.Pagkatapos, nakiusap si Yuna sa kanya na bilhin niya ang lumang Villa ng pamilya ni Yuna na naibenta sa iba. Nang gabing iyon nang tumingin ito sa kanya nang malungkot at nakikiusap, ang puso ni Felix na walang malasakit sa loob ng maraming taon ay hindi na napigilan pang maakit sa asawa. Pinairal ni Felix ang damdamin at naging isang tunay na mag-asawa na sila ni Yuna. Iyong ang unang pagkakataon na inangkin ni Felix ang batang asawa. Alam ng Diyos na ng inangkin niya si Yuna ay mahal na ito ng puso niya hindi pa lamang niya maamin. Mula noon, itinuring na ni Felix si Yuna bilang
Sa oras na iyon, isang matatag na boses ang nangsalita na nagmula sa likuran,"Hindi po, lola, nagkaroon lang po kami ng mga ilang hindi pagkakaintindihan noon, ngunit ngayon ay nagkasundo na kami" sagot ng boses na alam ni Yuna kung kanino nagmula.Paglingon niya ay nakita ni Yuna ang matangkad at guwapong asawa na nakatayo sa pintuan ng villa.Nakasuot pa ito ng suit na suot nito sa press conference kaninang umaga, mukhang matikas at gwapo pa rin kahit pagod na. Medyo nagulat si Yuna peri hindi nagpahalata.Hindi ba siya pumasok sa trabaho? Bakit bigla itong bumalik dito?Lumapit si Felix kay Yuna at marahang hinawakan ang kanyang kamay. Medyo naiirita si Yuna ngunit nagtimpi siya, nasa harap sila ng mga matatanda, kaya napilitan si Yuna na hindi humiwalay kay Felix.Tuwang-tuwa si Mrs. Parson nang makitang nagkabalikan na pala ang dalawa."Mabuti naman at ayos na kayo. Sabi ko noon gusto kong makausap si Yuna at pagalitan ito at payuhan. Aba saan pa ba siya makakahanap ng ganoon
Ngunit nagkaroon siya ng buhol buhol na pakiramdam si Yuna sa kanyang puso at sa maraming agam agam na iyon ay talagang hindi niya maiwasang hindi isipin at problemahin ang kanyng sitwasyun.Kung saka sakali ay mapipilitan na naman siyang pakitunguhan ang asawa at muli ay mababaon na naman siya ng utang kay Felix katulad ng nakaraan. Magiging wala na namabg katapusang paghihirap ng damdni nang mundo niya Bakit ba sng unfair ng mundo sa kanya. Ang lalaking minamahal niya ay may mahal na ibaNgayon lamang ay natuklasan niyang ginagamit siya ng lalaking pinakamamahal niya para dugtungan ang buhay ng babeng pinakamamahal nito at sa dulo ng laban na ito saan siya dadamputin kung sa simula pa lang talo na siya.Samantlaa sa silid aklatan sa itaas ay binuksan ng ama ni Yuna ang pinto ng study.Natuwa ang am ni Yuna sa nakita. Ang kanyang anak na babae ay talagang kilala siya at ibinalik ang bahay mula sa larawan ng nakaraan. Kung titingnan ay parang walang nagbago sa silid na iyon kahit maha
Napanguso si Yuna at nabulunan Nakaramdam din siya ng inis pero hindi niya magawang itaboy ang sarili sa yakap ni Felix."Ikaw lang ang nakakaalam kung paano makuha ang puso ng mga tao. Tinatrato mo ako bilang bangko ng dugo para kay Rowena" sabi niya."Pagkatapos heto, binibigyan mo kami ng isang bagay na mahalaga sa pamilya namin at gusto mong habang buhay kami ay magpapasalamat sa iyo! sinadya mo ito hindi ba?"Pakiramdam ni Yuna ay sobra ang unfair ng lahat sa kanya Nakaramdam siya nang labis na hinanakit sa asawa kaya malungkot niyang sinabi."Alam mo ba na kapag palihim mong kinukuha ang dugo ko, lagi akong nawawalan ng lakas, hindi man lang gumuhit sa puso mo ang kalagayan ko at ang hindi magandang dulot nito sa akin" suminghot si Yuna."Ang mahalaga para sayo ay ang mapagtagumpayan ang nais mo para sa babaeng iyon at hayaan ako kahit manganib ang buhay ko. Alam mo bang sa mga sandaling iyon ay para mo na rin akong sinabihang mamatay para sa kaligayahan mo" lumuluhang sabi n
Walang pagpipilian si Yuna kundi ang hindi humiwalay, ang mga sulok ng kanyang mga labi ay nakakurba, at siya ay naglakad papasok sa villa kasama ni Felix.Pumasok ang dalawa sa sala at nag-iba ang atmosphere ng paligid. Ang lamig pa ng umaga, pero ngayon ay nakakurba na ang mga kilay niya, at parang nakapag-peace na sa kanila.Ang ama at lola ni Yuna ay labis na nasisiyahang ng makitang masayang bumalik sa sala ang mag asawa.Bilang mga nasa hustong gulang, mas mabuting tingnan na lamang nila ang mga bagay-bagay kesa ng magsalita pa o magkomento pa.Pumunta ang pamilya sa dining room para kumain. Biglang tinanong ni Mrs. Parson si Felix."Felix, may plano ba kayo ni Yuna na magdaos ng maayos na kasal sa simbahan?" Tanong nito na ikinagulat ni Felix. Sinabi pa ng matandang babae."Ang kasal na ginanap mo dalawang taon na ang nakakaraan ay nagmamadali lamang. Hindi dumalo ang aming pamilya buong pamilya, at hindi ipinakilala ni Shintaro ang kanyang manugang nang personal..."Ang sinabi
Natigilan si Yuna at mabilis na itinaas ang kanyang mga mata upang tumingin sa pintuan ng villa, sa takot na makita ito ng kanyang ama at lola."Mag focus ka sa akin." Hindi nasiyahan si Felix sa kanyang pagkaabala at bahagyang nakagat ang labi ni Yuna.Napangiwi si Yuna sa sakit at itinaas ang kamay para hampasin siya sa balikat."Huwag mong gawin ito sa bahay ko, magkikita pa ang tatay ko"babala niya. " Ayos lang na makitan nila kapag nagkataon ay sasabihin lang nila na maganda ang relasyon natin." Ngumiti si Felix at pinalalim ang halik kay Yuna Pati ang dila nito ay ipinasok pa sa bibig ni Yuna Mamula si Yuna st panandaliang nadala sa mga ahalik na iyon. Akala ni Yuna ay medyo matapang siya at baka tuluyang madala kaya't tinulak niya ng bahagya ang dibdib ni Felix."Hayaan mo ng makita nila tayo!" Kapag nakita nila eh di nakita nila walang dapat ikahiya" Naramdaman ni Yuna na hindi na niya mahanap ang Timog-Silangang at Hilagang Kanluran Marahan dahil sa mga halik nito. Para
Pinisil nito ng mahigpit ang kanyang maliit na kamay.Pero isinarado ni Yuna ang kanyang mga daliri.Ngumuso si Felix, mapanganib na umirap ang kanyang mga mata pagtingi niya sa asawa Naramdaman naman ni Yuna na mas ang timpla na ni Felix na parang kakainin siya ng buhay ng mga mata nito, kaya't mabilis siyang tumakas."Paalam na Felix papasik na ako sa loob. Mag -ingat sa kalsada!" Pasigaw na sabi ni Yuna.Tumakbo si Yuna papsok ng kabahayan na, medyo magulo at mabilis pa rin ang kanyang paghinga kaya halia hawak nuya ang kanyang diddib.Grabe talaga ang epekto sa kanya ni Felix."Nakaalis na si Felix?" Tanong ng kanyabg ama.Sa sandaling pumasok si Yuna sa villa ay umalingawngaw ang mapanuksong boses ng kanyang ama. Namula si Yuna at tumayo ng maayos, tulad ng isang mahiyaing bulaklak."Tay, ngayon mo lang ba kami nakitang ano...na ganito?" tumango ang kanyang ama at malapad ang ngiti."Nais ko sanang hanapin ka, ngunit sa hindi inaasahan ay...." hind na nais tapusin ng kanysng am
Isang araw, bigla siyang nakaramdam ng hindi komportable sa pakiramdam.Marahil nagsimula ito sa sandaling naramdaman niyang narating na ni Yuna ang isang destinasyon sa magkaibang landas.Nang makita ni Lester si Patrick, lumabas ito ng kotse, dire-diretsong naglakad palapit sa kanya at nagtanong,"Boss Patrick, maaari ba akong magtanong sa iyo?" Walang sinabi si Patrick kaya tinanong ito ni Lester ng deretso. "Ano ang relasyon mo ngayon sa asawa ng amo ko?"Itinaas ni Patrick ang kanyang mga labi at ngumiti, "Inutusan la na ni Felix para magtanong ng ganyan?""Hindi, gusto ko sanang itanong sa sarili ko." Tumayo ng tuwid si Lester at magiliw na nagpayo,"Si Boss Patrick ay isang matalinong tao. Dapat niyang makita kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ng aking Boss sa asawa niya. Kung si Boss Patrick ay may kaalaman sa sarili, dapat niyang layuan ang aming Madam. Pagkatapos ng lahat, ang sinumang makasakit sa aming Madam ay magdurusa." Sabi nito."Ang dapat na lumayo kay Yuna ngayo
Pero anumang pilit niYuna mapait talaga ang kape amerikani sa kanya epro hindi niya iyong iponahalata kay Felix. Sa harap nito ay hindi siya magpakita ng kahinaan at hinding-hindi siya dapat maakit sa kaguwapuhan nito ngayon.Dati siyang isang simpleng tao, kung saktan siya ng iba, nakakalimutan niya agad, at nagpapatuloy sa pagiging masaya. Dahil ayaw niyang parusahan ang kanyang sarili dahil sa pagkakamali ng iba.Pero simula nang maipasok ang kanyang ama sa ICU, at ayaw ni Felix na parusahan si Rowaena, nagpasiya si Yuna na parusahan ang kanyang sarili.Pinaparusahan niya ang kanyang sarili sa pagmamahal sa taong hindi niya dapat mahalin. Pinaparusahan din niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, nasaktan ng ganito ang kanyang ama. Mula noon, ayaw na niyang maging masaya.Parang naunawaan din ni Felix ang ibig niyang sabihin, at naging bahagyang malalim ang kanyang boses,"Ano ang gusto mong gawin?" Tumingin siya, at n
Kinabukasan ay maagang nangtungo si Yuna sa Shop.Naabutan niyang abala si Myca sa pagpili ng ibat ibang sample ng tela. Pagbukas ng pinto ay nagtaas ito ng tingin at nakita siya .Nabakas niya ang kaligayan pero pagkagulat sa mga mata nito."Yuna...""Boss, nakabalik ka na!" Sabi naman ni Lin na katuwang ni Myca."Magandang araw sa lahat!" Bati ni Yuna sa ilang tauhan at ngumiti kay Lin, at pagkatapos makipag-usap ng sandali, inalalayan niya si Myca paakyat sa opisina sa ikalawang palapag.Namumula ang mga mata ni Myca habang tinitingnan siya, "Yuna, natutuwa akong makita ka, kakalabas mo lang mula roon, hindi ka ba magpapahinga kahit lang araw man lang ?" Sabi ni Myca. Labis nipang ikinalungkot ng makulong si Yuna."Hindi na, wala naman akong gagawin." Tumingin si Yuna sa matambok na tiyan ni Myca."Sino ba ang nahihirap ha, ilang linggo na lang ba bago lumabas ang baby pero nagtatrabaho ka pa rin?"Tumingin si Myca sa kanyang tiyan, at naglabas ng dila, "Ganyan din ang sinasabi n
Medyo natulala si Yuna, hindi niya maintindihan ang nababasa sa mga mata ni Patrick. Pero para kay Yuna dapat ay wala ng madamay pa, dapat ay siya ang gumawa upang mapanatag ang kalooban niya. Sa kanya may atraso si Rowena kaya dapat sa mga kamay niya rinamgbayad ang babae. Kaya sa huli ay umiling siya,"Hindi na, Kuya Patrick, alam kong hindi ka rin masaya sa pamilya mo at may mga sarili ka ring problema, ikaw at ang iyong kuya ay magkalaban din diba. Mahirap din ang iyong buhay."Sinabi na sa kanya ni Myca dati, na si Petrick ay dumating lang sa pamilya Perez, at parang anak lamang sa labas, ang kuya nito ang tagapagmana, kaya't si Patrick, ang bagong ikalawang anak na lalaki, ay hindi masaya sa pamilya Perez.Yumuko si Patrick na tila napahiya at nainsulto bago muling tumingin kay Yuna."Okay lang, kaya kitang tulungan." Pero ilang ulit pa ring umiling muli si Yuna, at bahagyang lumabas ang kanyang mga dimples, sinabi niya kay Patrick,"Kuya Patrick, ayaw kong maging pabi
"Yuna!" Nag-iba ang tono ni Felix, at hinabol siya."Mr. Felix, itigil mo yan, hindi na tayo ganoon na magkakilala pa baka nakakalimutan. Mo wala na tay9ng konektion pa, huwag mo akong sundan pewde ba?" singhal nibYuna.Nang makarating si Yuna sa gilid ng kalsada, huminto ang isang sasakyan. Bumaba ang bintana, at muli niyang nakita ang nakakainis na mukha ni Patrick, binuksan nito ang pinto ng sasakyan at sinabi kay Yuna,"Yuna, nandito ako para sunduin ka." Ngumiti si Yuna ngvubod ng tamis, at sasakay na sana sa sasakyan, ngunit hinawakan na naman siya ni Felix sa kamay, ang kanyang guwapong mukha ay parang isang walang buhay na estatwa,"Huwag kang sumama sa kanya Yuna." "Sino ka ba para bawalan ako?" Sarcastic na ngumiti si Yuna, garapal niyang sinabi, "Hindi tayo magkakilala, huwag kang kumilos na parang aso na palaging nakasunod sa akin, nakakainis na." Pagkatapos sabihin iyon, sumakay na si Yuna sa sasakyan.Ngunit bagi isara ang pinto ay tumingin ulit kay Felix, bakas ni Yu
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p