Tinulungan mo ang aking ama na linisin ang kanyang pangalan. Gusto kitang pasalamatan.." Malalim ang mga mata ni Felix. "Paano mo ako gustong pasalamatan?" "Gusto ko sana na ano na ganito.." Itinaas nito ang ulo at tumingin sa kanya. ang kanyang maganda at kaakit akit na mga mata."Gusto kong pasalamatan ka at ibigay ang sarili ko sayo" sabi ni Yuna na namumula sa hiya.Natigilan si Felix... "Kung ayaw mo, kalimutan mo na..." nagtatampong sabi ni Yuna nang hindi nagsalita si Felix, medyo napahiya siya kaya, ibinaba ang ulo at umalis.Hinila siya ni Felix pabalik, pinulupot ang kanyang mga braso sa kanyang makinis na baywang, at sinabi sa may malalalim na mga mata,"Sino ang nagsabing hindi ko gusto ito?" ang mga mata ni Felix ay nahulog sa kanyang dibdib, tinitigan siya nito ng mabuti."Hmm, napaka-sexy, gusto ko ito" namula ang mukha ni Yuna sa papuri ni Felix at ngumiti naman si Felix."Paano mo ibibigay ang iyong sarili sa akin?""Ah?" Sa pagsasalita nito, medyo nalito si Yu
"Eh ano naman kung ako sng nangsabi noon" sabi ni Felix."Siya ay parang nakakainis na langaw na aali aligid at sunud ng sunud sayo"Sabi pa ni Felix.Siya rin ang may kagagawan nito. mangmang ni Patrick, Kaya ginswqn ko ng paraan para mapakasal siya kay Natasha at hayaan siyang mabaliw sa sakit ng ulo. Mabuti iyon at wala na siyang oras na guluhin ka pa."Nakakainis ka." Naramdaman ni Yuna na hindi makatwiran ang ginawa ni Felix, at walang ginawa si Patrick sa kanya ."Ano? Ikakasal na si Patrick kay Natasha, hindi ka ba masaya? kinurot ni Felix ang baba ni Yuna, medyo nanlamig ang mga mata. Napakunot ang noo ni Yuna,"Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Sa tingin ko ay hindi talaga gusto ni kuya Patrick si Natasha. Hindi ba't mas masama kung pipilitin mo siya bumuo ng masasamang loob sa pag-aasawa?"Ang kasal at tungkol sa matibay na pagbubuklod ng matibay Pondasyun ng negosyo. Pangalawa lamang ang ibang bagayHindi naiintindihan ni Yuna ang usapin ng kasal ay hindi pa rin siya tina
Bakit nagbago bigla si Belinda?Bakit ganito nito itrato ngayon si Yuna. Hindi niya pinansin ang mga utos ko kay Yuna noon? Bakit naging matapang na ito bigla ngayon? May nanonood, at saglit siyang hindi makababa ng stage. Nakita ito ni Zian sa gilid at mabilis na lumapit para maayos ang mga bagay-bagay,"Mama, hayaan mo lang akong ilipat ito. Malakas ako. Maaari mong hayaang magpahinga sina Auntie at Yuna, inilipat nga ni Zian ang nakapaso ng halaman "Hindi nangahas si Donya Linda na magsabi ng kahit ano at dali-daling tumakbo palayo sa kusina. Dinala ni Donya Bleinda si Yuna sa sala at pinaupo sa tabi ng matanda.Tinanong siya ng matanda, "Ano ang nangyari ngayon lang? "Inutusan po kao ni Auntie na msmgbuhdy ng mga halaman kaya lamang ho ay mahina ang katawan ko ngayon kaya sabi ko ay baka hindi ko makaya" tapat na sabi ni Yuna. Tumango ang matanda, "Nasaan si Felix? " "Hindi pa ho makakadating agad. May meeting daw siya sa gabi at mahuhuli na siya ng dating""Eto ba ang as
Si Jhiro ay di hamak na mas bata nang pitong taon kay Felix at katatapos lamang nito ng kanyang ng Ph.D."Huwag mong guluhin ang sitwasyon.Halatang gusto mong i-bully si Yuna. Nandito ako para iligtas siya" sabi ni ni Patrick."Napangiti si Jhiro,"Nakita mo ba akong binu-bully si Yuna? Gusto ko lang siyang kausapin" katwiran ni Jhiro."Kung anuman ang gusto mong gawin, alam mo ito sa iyong sarili ba mali ang kulitin siya" dagdag ni Patrick.Sumulyap si Jhiro kay Yuna nang hindi sigurado at nangdududa at nakangiting sinabi."Okay, dumating na ang magandang panahon, kakain na lamang ako." May pagdududang sabi ni Jhiro.Pagkatapos nito, nag-walk out na ito at umalis sa lugar kung nasaan si Yuna. Bumalik ito sa banquet hall, saktong dumating naman si Felix at kausap si Peter ng sandaling iyon, si Peter ang tagapagmana ng pamilya ng mga Perez. Kumuha si Jhiro ng isang baso ng alak, lumakad patungo kay Felix at sinabi sa mapagpakumbaba ng tono,"Pinsan, noong una akong dumating dito nak
Pagkapasok, umupo na si Felix sa main table.Naroon na ang pamilya ni Patrick at pamilya ni Natasha.Nakasunod naman na ng sandaling iyon si Yuna sa asawa at umupo sa tabi ni Felix. Tinanong si Yuna ni Don Julio "Nasaan ka kanina? Bakit hindi kita nakita?" Sabi nito."Nagpuntq pamang po ako sa banyo" Nagdahilan si Yuna at sinulyapan si Felix.Pero hindi siya nito pinansin at bumaling ng tingin kay Patrick.Nakaupo naman si Jhiro sa tapat ni Yuna, na may nakakainis na ngiti sa kanyang mukha.Kumunot ang noo ni Natasha matapos itong marinig at tumingin ng masama sa direksyon ni Yuna.Hindi na kailangang hulaan ni Yuna ang kahulugan niyon, alam din niya na si Jhiro ang nagsabi ng masama tungkol sa kanya kay Natasha.Pagkaraan ng ilang sandali, bumalik si Patrick at nagsimula na ang engagement ceremony.Pansamantalang isinantabi ni Natasha ang poot sa kanyang puso, tumayo at kinuha sng kamay ni, Patrick at pumagitna habang hawak ng isang baso ng alak at humarap sa lahat ng naroroon.Matapos
Medyo sumakit ang mukha niya kaya hinawakan niya ito at umakyat sa taas para hanapin ang box ng gamot pagkahanap nito ay naglagay siya ng gamot sa sarili sa salamin.Saktong pumasok mula sa labas si Felix at nakita siyang nag -aaplay ng gamot na may isang madilim na mukha."Tama lang sayo yan!" Sabi nito. Napahinto si Yuna at lumingon saka galit na nagtanong."Anong sabi mo?""Sinabi kong dapat ka lanhlg madampal sa paglalandi mo sa alaki ng iba." Ulit ni Felix.Agad na namula ang mga mata ni Yuna sa pagdaramdam.Bigla na lang niyang hindi na gustong makipag-usap at tinapon ang cotton swab na pinaglagyan ng gamot at tumalikod na at naglakad palabas.Bahagyang nagdilim ang mukha ni Felix nang makita niyang kukunin ni Yuna ang bag nito. Gumawa siya ng dalawang mabilis na hakbang at hinila si Yuna pabalik sa kanyang matigas na dibdib at doon napaiyak si Yuna."Saan ka pupunta?" Pinisil ni Felix ang kanyang baba na may masamang tingin sa kanyang mga mata. Masakit ang dulo ng ilong ni Yuna
Nagulat si Yuna sa narinig kay Jessie, bahagyang nag-iba ang mga mata ni Yuna,naging mapanglaw at nabalisa. Nakangiting parang nasiyahan si Jessie sa reaksiyon ni Yuna kaya nagpatuloy ito."Noong una, naiinggit ako sa'yo, pero wala na akong nararamdaman ngayon. Sa huli, ikaw lang naman ay isang blood bag tulad ko. Kapag gumising na si Rowena balang araw, wala ka na ring halaga sa buhay ni Felix." Sabi niJessie."Huwag mong sirain ang relasyon namin ni Felix. Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo." Malamig ang mukhang sabi ni Yuna.Hindi siya naniniwala kay Jessie. Perouling nangsalita si ang babae."Talaga ba? Naalala mo ba kung kailan naging mabait sa'yo si Felix?" Tanong nito na nagpalingon kay Yuna."Hindi ba ilang araw pagkatapos ng kasal ay nasugatan ka at naospital, doon, nalaman niya ang iyong blood type, at saka siya naging mabait sa'yo?"Ang mga sinabi ni Jessie ay hindi sinasadyang nagpaalala kay Yuna sa nakaraan.Sa unang anim na buwan pagkatapos ng kasal, talagang malamig sa
Pero para kay Yuna kapag naitanim na sa isip niya ang pagdududa tatagos na ito sa kanyang kaluluwa at hindi na ito maaalis pa hanggang sa hindi niya natutuklasan ang lahat.Dalawang araw ang lumipas matapos matuklasan ang laman ng Villa na pink, pero halos hindi mapakali si Yuna sa mga nagdaang sandali. Dalawang gabi na siyang puyat at pinahihirapan ng bagay na iyon.Sa ikatlong araw ay hindi na napigilan ni Yuna ang kuryusidad ay ang matinding kirot sa kanyang dibdib na hindi nagpapatulog sa kanya.Kaya pagkatapos niyang dalawin ang kanyang ama sa ospital, hindi na niya magawang humakbang paalis.Parang may humahatak sa kanyang umakyat sa itaas ng hospital na iyon. Naging napakahirap para kay Yuna ang labanan ang isipan upang makalabas siya ng silid.Tumingin siya sa pinakamataas na palapag ng ospital, parang bang sa kanyang balintàtaw ay nakita niya ang isang babaeng nakahiga sa kama sa likod ng makapal na pader, at lalong gusto alamin ni Yuna ang lahat.Kung Rowena nga ba ang nakati
"Masakit ba kapag sinipa ka ng bata?" "Medyo lang. Okay na ngayon." Sa katunayan, nagsisinungaling siya sa kanya, ngunit nang makita siyang kinakabahan at medyo nagi-guilty, yumakap siya sa mga bisig nito at mahinang sinabing, "Huwag kang magalit, okay? Huwag na tayong mag-away at kumain na lang ng masarap." "Oo." Pumayag naman siya.Tahimik na kumain ang dalawa. Kinuha ni Felix ang isang piraso ng abalone mula sa sopas at ibinigay sa kanya, "Buka ang bibig mo." Si Yuna ay masunuring ibinuka ang kanyang bibig at kinain ang abalone. Ang kapaligiran ng malamig na digmaan ay ngayon lang nawala at naging sobrang init.Sa gabi bago matulog, bigla siyang dinalhan ng ilang lata ng kung ano mi Felix. "Ano ito?" Kinuha ni Yina ang bote at tumingin. May mga probiotics para sa mga buntis na kababaihan, calcium para sa mga buntis na kababaihan, bitamina para sa mga buntis na kababaihan, at AD. "Lahat ba ito ay makakain ng mga buntis?" Nagulat si Yuna. "Well, tinanong ko ang doktor, at
Hindi inaasahan ni Felix na babalik pa si Patrick. Isa talaga siyang langaw na hindi maitaboy!"Aakyat ako sa taas para puntahan ka." Sabi niFelix at Ibinaba na ang telepono nang hindi hinihintay na magsalita si Yuna.Nakaramdam ng kaunting kawalan si Yuna at tumingin kay Patrick. Naunawaan nito ang ekspresyon niya sa isang sulyap at ngumiti, malamig at malinaw ang boses, "Si Felix ba ang tumawag?""Oo.""Bumalik ka ba sa mansion para tumira sa kanya?""Oo, hindi bat nasabi ko na sayo na may tumulong sa akin na tanggalin na kalabanin si Jhiro, at si Felix iyon. Tapos nalaman ko na si Jhiro pala ang may utos sa ginawa ng uncle ko" sabi ni YunaMasyadong busy si Felix noong mga panahong iyon at hindi niya alam kung ano ang nangyari sa aming kompanya kaya umabot sa pagkalugi At hindi niya kasalana ang lahat tulad ng dati kong bintang. Nalutas ang hindi pagkakaunawaan, at walang hadlang sa pagitan nila.Nang hindi alam ni Yuna kung ano ang sasabihin, pumasok si Felix sa kanyang opisina
Kapag ganitong mabait si Felix sa mga tao,hindi naiiwasang manumbalik ang paghanga ni Yuna dito na noon pa niyan inaalagaan. Mabait naman talaga ito, natutulungan niya ang mga tao nang hindi pinaparamdam sa kanila ang pagkakautang.Bagama't si Felix ay medyo chauvinistic, siya ay napaka responsable sa mga mahahalagang sandali, na nagpaparamdam sa mga tao na napakaligtas at maaasahan.Walang ibang sinabi si Yuna,masaya sng puso niya, ngunit hindi rin niya nagawang pumasok sa silid at iean si Felix. Sumandal na lang siya sa upuan at doon na nakaidlip.Pagod na pagod siya pagkatapos ng isang abalang araw kaya marahil pagsandal ng likod ni Yuna sa sofa ay inakay na siya ng antok.Halos madaling araw na nang muli magising si Yuna. Napansin niya na nakahiga na siya sa loob ng silid, natatakpan ng malambot at mabangong kubrekama at ang amerikana ni Felix."Siya ba ang nagdala sa kanya kagabi sa kuwarto?"Hinawakan ni Yuna ang kanyang ulo at umupo, pagkatapos ay narinig niyang may tumatawag
Aalis na sana si Yuna dahil ayaw naman niyang makita ng lola niya ang galit sa mga mata niya ayaw niyang baunin ito sa paglisan.Nang marinig ang kanyang mga salita, tumango ang matandang Parson at ngumiti.Masaya itong hindi nagtanim ng galit sa kanya ang apo. Ipinikit ng matanda ang kanyang mga mata, at natulog ng payapa at mahimbing...Ang electrocardiogram sa tabi niya ay naging isang tuwid na linya. Natulos sa kinatatayuan si Yuna, pumanaw ang kanyang lola a harap niya. Para naman binagsakan ng langit at lupa si Ginoong Shintaru, wala itong nagawa lundi ang mapasobsob sa tabi ng ina at umiyaknang umiyak na lamang.Pinanood ni Yuna ang kanyang ama na umiiyak at nalungkot. Ang susunod na hakbang ay ang ayusin ang burol at libing at kailangan niyang maging matatag para sa ama.Ang kanyang ama ay wala sa maayos na kundisyon para pangasiwaan ang mga bagay-bagay ngayon, at si Yuna naman ay walang karanasan. Nakatayo siya sa corridor, nakatingin sa mga tauhan ng punerarya na dumating
Niyakap siya nito sa bewang at hinila papalapit. Nagulat si Yuna nang mapagtanto na pareho silang hubad. Namula ang mukha niya at galit na sabi niya, "Bitawan mo na nga ako, tigilan mo ang kakayakap sa akin, gusto ko ng bumangon." Nahihiyang sabi ni Yuna."Hindi naman kita sinaktan kagabi diba?" tanong niya."Hindi nga," sabi ni Yuna na nag blush ang mukha "Himala nga eh mahinahon ka."Tumango si Felix at seryosong nagsabi, "So, pwede pala nating itong gawin kahit buntis ka."Inisip ni Yuna kung ano ang kanyang sasabihin, ngunit ito pala ang iniisip nito nito. Sa sobrang kahihiyan ay ayaw na niyang makipag-usap pa dito, kaya hinawi niya ang kubre kama at tumakbo palayo. Pagkababa niya sa sahig, doon napagtanto niyang wala siyang suot na damit. Natigilan si Yuna, Akma na sanan niyang tatakpan ang kanyang mga mahahalagang bahagi, ngunit nakaramdam siya ng bigat sa kanyang mga balikat at isang Night coat ang nakapatong sa balikat niya."Hindi mo ba alam na malamig? Pupunta ka sa sahig n
Naisip ni Yuna na baka ayaw ng nanay ni Sandro na makipagdiborsiyo, kaya tumalon ito sa gusali, at dahil dito, nawalan ng tiwala si Sandro sa kasal."Ganyan ka ba kainteresado sa mga gawain niya?" Muli siyang tiningnan ni Felix. Mahinang sinabi ni Yuna, "Hindi, nararamdaman ko lang na si Myka ay lubhang nakakaawa. Kapag naipanganak niya ang bata, ang bata ay kailangang ibigay kay Sandro."Nanay na rin si Yuna ngayon at naiintindihan na niya ang nararamdaman ni Myka. Sa panahon ng pagbubuntis, mapupunta ka mula sa hindi komportable sa una hanggang sa unti-unting pag-asa sa pagdating ng isang maliit na buhay. Akala niya si Myka ay kapareho niya, pero si Myka ay malamang na mawalan ng anak. Biglang nakaramdam ng kaunting pagiging emosyonal si Yuna .Bago niya namalayan, dumating na ang sasakyan sa bahay ni Felix. Natigilan sandali si Yuna at sinabing, "Bakit mo ako ibinalik sa bahay mo? Sinabi ko bang babalik ako?" Ngumiti si Felix, binuksan ang pinto sa bahagi ni Yuna nang hindi nag-
"Nag-order ako ng pork bone noodles para sa iyo. Kumain ka nito, mas maganda ito sa kalusugan ninyo ng baby, " bilin ni Sandro. Nagtaas ng kilay si Myka "Kung gayon, dapat mo ring bigyan si Yuna dahil buntis din siya.""Buntis din siya?" Tumingin ang lalaki kay Yuna, ang gwapong mukha ni Sandro ay nagtaka. "Buntis ka rin? Anak ba ito ng Ng tagapagmana ng Alta Group?" Sa tanong na iyon ay hindi alam ni Yuna kung ano ang sasabihin, kaya tumango lang siya."Kung gayon, bakit siya nakakaramdam ng kagaanan na hinahayaan kang lumabas mag-isa?" Nagtaka si Yuna "Kaya ko ma gisa, wala akong kapansanan." Sabi niya."Bakit sa mata mo ba Sandro, ang pagiging buntis ay kapareho ng pagiging baldado, at hindi makalabas mag-isa?" Tanong ni Yuna.“Hindi naman ganun yun, nag-aalala lang ako.” Kinagat ni Sandro ang kanyang mga labi. Siya ang uri ng tao na nag-aalala sa paglabas ni Myka mag-isa.Kamakailan lamang, si Myka ay nasa ilalim ng kanyang mahigpit na kontrol. Maliban sa pagpunta sa trabaho sa
Hinawakan ni Yun ang pink roses sa bouquet, "Pink na naman, pink lover ka batalaga." Medyo nainis siya ng konti."Sa palagay ko nana ay bagay na bagay sa iyo ang pink. Napakaganda mo sa pink nang unaNg beses kitang makita noon." Sabi ni Felix." Unang beses? Kailan nan yun ?""Malamang sa 20th birthday mo." Naalala ni Felix na noong pumunta siya sa pamilya Parson at nakita niya si Yuna na naglalakad pababa ng spiral staircase. Nakasuot si Yun noon ng pink na princess dress, at hindi na ito iniiwan ng mga mata niya ng gabing iyon.Natigilan si Yuna, "So, ganun ka naattract ka sa akin sa unang tingin? At hindi mo nakalimutan"Ang relasyon sa pagitan nila ay hindi lamang likha ng kanyang pagnanasa? Pero na-attract talaga siya kay Yuna sa simula pa lang, noong una niya itong makilala? Na in love at first sight ba sila sa isa't isa?"Oo." Hindi ito itinanggi ni Flei .Iyon mana talaga ang nararamdaman niya para sa asawa. Sapat na ang nga taon na pinigilan niya ang sarili na ipakita ang ka
Alam ni Yuna na may dahilan para magtampo si Fleix dahil sa hindi niya pagsasabi ng totoo pero hindi naman niya din kayang iisang tabi ang tunay niyang plano."Pero hindi mo ba talaga napapansin? Hindi mo ba naramdaman na tumaba ako?""Nararamdaman ko?" "Eh, bakit hindi ka man lang nang duda o nangusisa."Ilang beses kitang tinanong, naaalala mo ba? At palagi mong sinasabi hindi, noon sa hoapitla ang lakas na ng kaba ko, pero sinabi mo na bumalik lang ang sakit mo sa tiyan kaya ayokong pag dudahan ka. Saka nang mga panahong iyon magulo ang isip dahil sa mawawala ka na sa akin" deretsong sabi ni Felix."Saka kaya hindi ko tahasang mapuna na nananaba ka, baka isipin mo na pinipintasan na kita at inaayawan kita, at baka magalit ka sa akin""Hindi mangyayari yun noh!" Sumandal si Yuna sa mga braso ni Felix at hindi napigilang matawa. Tumingin sa kanya si Felix at hindi nito maiwasang mapangiti na din. Walang naging usapan ang dalawa walang nagbukas ng usapin sa kanilang dalawa kung g