"Mama, basahin mo muna ang nakalagay sa folder na yan" Utos ni Felix sa kanyang ina. Medyo naiinis na si Donya Belinda kaya wala sa loob na binuksan na lamang ang file na inabot sa kanya.Ang pamilya naman ni Jessie ay masayang nakaupo sa medyo gawing malapit sa linatatayuan nina Donya Belinda.Nakita ng ina ni Jessie, na kausap ni Felix ang kanyang inang si Donya Belinda.Samantalang si Donya Belinda naman ay sinulyapan ang file na inabot sa kanya ng anak. Pagkatapos ay makita ang nilalaman ng file, ang mukha ni Donya Belinda ay tila nagulat at hindi makapaniwala sa nakita.Pansin naman ng ina ni Jessie ang tila masinsinang usap ng mag ina.Nagtanong ito sa assistant ni Jessie na si hannah."Hanna, Anong nangyayari?Hindi ba't ang sabi nila ay alas onse ang oras ng kasal ni Felix at Jessie? Pero bakit lagpas na ng alas onse ay hindi pa nagsisimula ang kasalan?" Tanong nito kay Hannah.Si Hannah naman sumulyap sa mag inang nag uusap. Pagkatapos ay tumingin sa hagdan.Totoo ngang alas onse
Sa nakitang eksena ay nag alala naman si Donya Belinda na baka pangit ang maging tingin ng mga tao sa paligid sa tungkol sa kanila.Baka isipin ng mga tao na ginagamit ng Altamirano ang kanilang kapangyarihan para mang api ng ibang tao At ayaw niyang isipin ng ibang tao na ganun lamang ang sitwasyon na basta na lamang sila magpapakasal at basta na lamang hindi itutulog ng ganun na lamang."Donya Belinda, Bakit mo nagawa ito?Di ba't sabi mo dati Ikaw ang may gusto na ipakasal si Jessie sa iyong anak. Ngayon ay sinasabi hindi mo na gustong ipakasal sya. Bakit nagkaganon?Bakit mo kami pinahiya ng ganito?" nagtaas na ng boses ang ina ni Jessie at tinanong ang ina ni FelixAng lahat naman ng naroroon ay nato9n ang atensiyon kay Donya Belinda, halos magkanda haba ang leeg ng mga ito para panoorin ang eksenang nangyayari. Lalo pa nga at mataas mataas na ang boses ng ina ni Jessie at halos nakaka iskandalo na.Sinulyapan naman ang pagkalamig lamig at may panunuri ni Donya Belinda ang ina ni
Namula ng husto ang mukha ni Jessie sa kahihiyan lalo pa at malakas at boaea ng matanda at pinalibutan na sila ng mga tao para magusisa.Ipinilig ni Jessie ang kanyang ulo at ginawa ang lahat para idepensa ang sarili."Don, Julio, Hindi ko po talaga yun ginawa.Nang mga panahong iyon Ako po talaga ay niloko ng aking kaklase.Nagsabwatan sila At pinaakyat ako sa silid ni Felix. Hindi ko talaga yun. Kagustuhan" Katwiran pa ni Jessie."Tumigil ka sa kasinungalingan mo.Nakita ko, nang dalawang mata ko na wala namang nag utos sayo ar wala ang mga kalase nyo ng araw na nahuli kita kusa kang pumasok sa silid ni Felix.Nahuli na kita noon pero nagsinungaling ka pa rin sa akin nang tanungin kita.Sa ganoong edad mo pa lamang ay sinungaling ka na Jessie kaya hindi na nakapagtataka na nagsisinungaling ka ulit ngayon"galit na sabi ni Don Julio."Alam ko naman na hindi ka aamin at ipagpapatuloy mo ang sunod sunod pa ring kasinungalingang sinimulan mo. Sampung taon na nakakaraan kaya naman nitong mg
Nakaramdam naman ng sobrang kahihiyan ai Donya Belinda. Hindi siya makapaniwala n sa kabila ng kanyang edad ay niloko pa siya ni Jessie. Kung hindi lamang buntis si Jessie ay tiyak na bibigyan siya niya ito nang magasawang sampal ngayon."Napakawalanghiya babae!" Galit niyang sabi."Manang, itulak mo na ako sa itaas, ayoko ng magtagal pang makita ang pagmumukha ng babaeng iyan." Galit na sabi ni Donya Belinda at gusto na lamang niyang bumalik sa itaas dahil sa kaguluhan.Wala na siya sa mood parang kausapin nang mga bisita lalo na ang magdiwang pa ng kaarawan.Si Jessie ay hindo naman pumayag na hayaan ang relasyon na magwakas ng ganito, Malingkot soyang tayo mula sa pagkakaluhod at nagmadaling lapitan si Donya Belinda na nakalayo na."Tita, tutulungang ko na po kayo" habol niya para sana tulungan nang matandan.Gusto pa rin niyang makabawi hanggang sa mga sandaling iyon. Ngunit hindi na ito pinahalagahan pa ni Donya Belinda at walang ganang nagsalita."Huwag mo na akong tulungan ngayo
Nanigas si Jessie nang marinig niya ito. Akala niya ay sinusubukan siya ng kanyang ina na paglubagin ang loob, ngunit hindi niya inaasahan na pagkatapos marinig ang mga salita ni Felix, hinahayaan talaga siya nitong magpatuloy na magkaanak kapalit ng mga benepisyo para sa negosyo nila.Kaya lang... tumigil na ang tibok ng puso ng kanyang anak. Pagkatapos ng kanyang huling prenatal check-up, ayaw niyang tanggapin ang mga resulta, kaya naghintay siya ng tatlong araw at naghanap ng pribadong ospital para sa isa pang check-up.Ngunit parehas lang ang resulta ng klinika. Na-diagnose ito bilang fetal arrest.Sa sandaling ito, ang kanyang puso ay napuno ng poot. Siya ay napakatalino at maganda, ngunit siya ay naging kasangkapan lamang para sa mga interes ng kanyang pamilya.Samantala, si Felix naman ay pinagmaneho si Marlon papuntang San Jose kung nasaan si Yuna. mahaba ang biyahe na aabutin ng limang oras bago makaratng iyon.Alas siyete ng gabi, lumitaw si Felix sa pintuan ng bahay ng ina
"Bitawan mo ako!" Hinawakan ni Yuna ang kamay niFelix at pinilit kalasin sa kamay niya.Nakakaramdam si Yuna ng labis na hinanakit."Sira ulo ka! Sinabi ko sa iyo na bitawan mo ako dito." Galit na sigaw ni Yuna."Halika nga dito.Dito ka manatili ka dito!" Sabi ni Felix at hinila siya sa gilid ng kalsada.Pumalag pa rin si Yuna at ipinilig ng ilang ulit ang ulo. Pinipilit kalasin ang kamay ni Felix."Sinabi ng bitawan mo nga ako ano ba?" "Ano bang ginangawa mo?" sigaw ni Felix, ang kanyang mukha ay naging sobrang lamig,"Hindi mo ba ito nakita ngayon lang? Muntik ka nang mabundol ng kotse. Hindi ka ba nakatingin sa kaldad? Ilang buhay ang mayroon para makaligtas na mabangga ng kotse ha?"galit na sita niya. Nagalit naman si Yuna sa narinig."Kung hindi ka pumunta rito, hindi mo sana naaabala ang mood ko!" Sigaw niya.Kung kase ito nagpakita sa kanya ng nakadamit pa ng pang nobyo hindi niya gagawin ito,hindi siya tatakbo.Namumula ang tungki ng ilong ni Yuna at gusto na niyang umiyak,
Namulagat pa si Yuna bago nakapagsalita."Ibinalita mo ang katotohanan tungkol sa anak ni Jessie?" Shock na tanong ni Yuna."Oo nga!" Sagot nito."Anong reaksiyon ng mga tao, ng mga narorooon?" " Naging paksa kami ng buling bulungan lalo na si Jessie. Maramjng nagalit sa kanya at sinabing hindi niya karapat dapat maging parte ng aming pamilya dahil isa siyang disgrasyada. Maraming kumutya sa kanya at tinawag siyang reyna ng mga singungaling" sabi ni Felix.Natigilan si Yuna, totoo ba ito? Masisira ba talaga ni Felix ang kasal dahil sa kanya.Ibog sabihin ay labis labis na gulo ang dulot noon.Pagkatapos ang kasal ay naging isang pulong ng pagtuligsa. Sa takot na naman na hindi siya paniwalaan ni Yuna, nagdagdag pa ng kuwento ni Felix "Kung hindi ka naniniwala, maaari kang pumunta sa bahay ni Yaya Maria, at tanungin si Marlon tungkol dito.Sa puntong ito, hindi na siya pinagdudahan ni Yuna, at ang kalungkutan at galit sa mga mata nito ay unti unting naglaho pero napalitan ng pagaala
Wala na ngang choice si Felix kundi bumalik sa sasakyan para magpahinga. Pagkaalis niya ay nagong malapad ang ngiti ni Benjo, "Sa wakas ay wala na siya.Akala mo kung tumayo siya, parang diyos. Kaya niyang takutin ang lahat ng bisita dito"sabi ng binatilyo.Napangiti naman si Yuna, maliwanag ang kanyang mukha.Hindi maitayago ang ligaya sa puso niya." Napansin ni Benjo ang pagbabago sa kanya at itinaas ang kanyang kilay at sinabing, "Ate, napansin kong bumuti na naman ang mood mo ngayon ah.Mukhang nasuyo ng asawa mo eh?"Hindi noh, hiwa kang ano dyan. ph may mga costumer tayo, magbenta ka ng maayos dyan" sabi ni Yuna ngunit nalangiti. Makalipas ang kalahating oras, unti-unting nawala ang night market.Nagkanya kanyang sara ng mga Stall nila ang mga naroon. Pero bukas pa rin sina Yuna at nagbebenta pa rin si Benjo ng isang balde ng higit pang mga bulaklak at ilang prutas."Hayaan mo na kung hindi maubos. Magbenta tayo ng mga bulaklak para sa isa pang araw. Bukas ay Pasko na at Linggo
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p
Kanina ay matatag Si Yuna, ngunit ng mabanggit ang ama at marinig ang pagiyak ni Myca, doon nagsimulang bumangon ang lungkot at takot ni Yuna. Kung tutuusin ay nangpapakatatag lamang siya pero matagal nang para siyang living dead. Mula ng mawala ang kanyang anak ay para na rin siyang buhay na patay. Tanging ang kanyang ama na lamang ang nagiisang hibla ng pisi na nagpapanatili ng kanyang katatagan."Attorney Sandro, maaari ka nang bumalik at sabihin sa kanya na huwag nang mag-alala tungkol sa akin. Wala na akong pagmamahal sa kanya, tanging poot na lamang."Napatingin si Sandro sa kanyang payat na pigura at hindi alam kung ano ang sasabihin. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, nagtanong si Sandro."Sigurado ka ba Yuna?""Oo. " Tumango siya ng ilang ulit. Walang pagpipilian si Sandro, kundi mag-impake ng mga dokumento at tumayo para lisanin ang lugar. Lugar na alam niyang ayaw ni Felix kahantungan ng asawa nito."Attorney Sandro." Bigla siyang tinawag ni Yuna. Lumingon si Sandr
Halos manikip ang dibdib ni Felix sa mga narinig. Ang dugo sa kanyang katawan ay parang biglang kumulo at umapaw hanggang sa kanyang bumbunan.Halos hindi niya makontrol ang kanyang emosyon, at gusto niyang pigilan ang mga pulis upang huwag hulihin si Yuna. Ngunit si Yuna ay nakaupo sa itaas ng puno, kaya hindi siya nangahas kumilos ng padalos-dalos. Dalawa ang kinakatakutan ni Felix: una, baka maisip ni Yuna na talon kapag natakot, dahil sa kasalanang iyon; at pangalawa, hindi niya kayang makitang damputin si Yuna ng mga pulis.Tumingin si Yuna kay Felix, itinaas ang gilid ng kanyang mga labi, at pagkatapos ay tumitig sa kanyang mga mata. May bakas ng nakatagong lungkot at poot—para bang sinasabi nito kay Felix na oo, ayaw niyang humingi ng tawad kay Rowena, at tumatanggi itong tanggapin pa ang kabaitan ni Felix.Natakot si Felix. Sa ilang segundo, sa sandaling tinulungan niya si Yuna at ilang pulis sa pagbaba sa puno, halos gusto na ni Felix na lumapit at yakapin ito. Gusto niyang
"Sir, pumunta po si Madam para bisitahin ang kanyang ama na si Ginoong Shintaro? Pero hindi po siya nakapunta sa ward ni Miss Rowena?" Sagot ang tapat na tauhan ni Felix."Hindi niya pinuntahan si Rowena?""Hindi po, Sir." Nakagat na lamang ni Felix ang kanyang mga labi sa pagtitimpi."Ano pa ang sumunod niyang ginawa?" tanong ni Felix. "Pumunta po siya sa lumang villa, Sir," sagot ng tauhan."Anong ginagawa niya roon?" "Sir, si Madam po ay pumunta sa likod ng bundok ng lumang villa. Doon po sa puntod ng kanyang ina." "Um, pagkatapos po niyang pumasok sa lumang villa, hindi na po siya lumabas," dagdag ng unang tauhan."Kaya naisipan ko po na umuwi na lamang. At iniisip ko na maaaring doon na po magpalipas ng gabi ang inyong asawa." Hindi maipaliwanag ni Felix kung bakit nakakaramdam siya ng kaunting pagkabalisa. Patuloy na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Hindi talaga siya mapakali at tila kinakabahan. Kaya agad kinuha ni Felix ang telepono at lumabas. Pagkatapos ay inutusan ni
"Kuya , ibig mong sabihin, hahayaan mo lang siya na makalapit pa rin sa akin at hahayaan mo na saktan niya ako ulit kahit kelan niya gusto?" naaagrabyadong sinabi ni Rowena."Napakawalang halaga ba ng buhay ko? Gusto niya akong patayin, ngunit hindi ako namatay. Ngayon gusto niyang makipagkompromiso ako at patawarin siya." Tingin ito ng may pagdaramdam kay Felix."Kung patatawarin ko siya, hindi ko mapapangako sa kanya na hindi niya ako sasaktan. Sa kasong ito, magiging ligtas ba ako sa hinaharap?" Tanong ni Rowena.Natahimik sandali si Felix, Nagisip muna ito ng mabuti pagkatapos ay sinabi kay Rowena ang nais nitong marinig."Kung sasaktan ka niya sa hinaharap, sige poprotektahan kita." Iyon na lamang ang sinabi ni Felix para matapos na ang usapaan nila. Alam niyang iyon ang igigiit ni Rowena at iyon ang hinihintay nitong sabihin niya.Samantala sa kabilang dako........Nakita din ni Yuna sa balita na nailigtas nga si Rowena.Tatlong araw daw siyang naanod sa dagat, at ang pangyayar
"Mr.Felix, Nandito ako para makipag-ayos sa kanya!" Itinuro nito si Yuna. Ang mga mata ni Robert ay may kakaibang titig kay Yuna. Tahimik itong humihigop ng kanyang sopas, at nang marinig niya ang mga salita ni Robert, ngumiti siya at nagtanong, "Patay na ba si Rowena?" Nagbago ang mukha ni Robert nang marinig niya iyon,"Ikaw babae! hindi ako makapaniwalang napakasama mo palang babae! Hindi pa ako nakakita ng ng babaeng ganito kasamang na tulad mo. Matapos itulak si Rowena sa dagat, wala ka man lang bahid ng panghihinayang o takot!" Sabi ni Robert at lumakad para salakayin si Yuna. Hinawakan ni Felix ang kamay ng lalaki saka ito tinitigan g may pagbabanta at sinabi sa malamig at walang malasakit na boses, "Robert Ikaw ay nasa pamamahay ko, kung maglakas-loob kang saktan ang asawa ko ulit, hindi ako magdadalawang isip, gusto mong subukan?""Kapatid mo si Rowena!" Nagulat si Robert. Talagang ipinagtanggol ni Felix ang masamang babaeng ito hanggang sa oras na ito.Si Felix ng