"Ikakasal na sila? Paano nangyari yun samantalang kagabi ay..?" Hinahawakan pa rin siya ni Felix at hinihiling na hintayin siya, bakit siya magpapakasal kay Jessie ngayon? Sa isip isip ni Yuna."Ngayon lang ay dumating ang ahente ni Jessie sa studio para magyabang, at ipinakita pa sa amin ang ilang larawan mula sa kasal" galit na sinabi ni Myca."Kung gayon ang lintek na babaeng iyon ay magpapakasal kay Felix, at gusto ni Felix ay maghintay ka pa rin sa kanya" "Bakit may mga kasuklam-suklam na tao tulad ng lalaking ito.Napakasama ng Felix na yun. Huwag siyang magpapakita sa akin talaga" biglang silakbo ng poot sa sibdib ni Myca.Si Yuna ay natigilan, "Myca, i padala mo sa akin ang mga larawan" sabi niya at agad namang ginawa ni Myca."Binuksan ni Yuna habang nanginginig ang mga kamay ang ipinadalang larawan ni Myca. Sa larawan ay makikita na si Felix ay nakasuot ng suit na para lamang sa mga nobyo at sa isang silid at nakatayo namab doon si Jessie, na nakasuot naman ng puting da
"Mama, basahin mo muna ang nakalagay sa folder na yan" Utos ni Felix sa kanyang ina. Medyo naiinis na si Donya Belinda kaya wala sa loob na binuksan na lamang ang file na inabot sa kanya.Ang pamilya naman ni Jessie ay masayang nakaupo sa medyo gawing malapit sa linatatayuan nina Donya Belinda.Nakita ng ina ni Jessie, na kausap ni Felix ang kanyang inang si Donya Belinda.Samantalang si Donya Belinda naman ay sinulyapan ang file na inabot sa kanya ng anak. Pagkatapos ay makita ang nilalaman ng file, ang mukha ni Donya Belinda ay tila nagulat at hindi makapaniwala sa nakita.Pansin naman ng ina ni Jessie ang tila masinsinang usap ng mag ina.Nagtanong ito sa assistant ni Jessie na si hannah."Hanna, Anong nangyayari?Hindi ba't ang sabi nila ay alas onse ang oras ng kasal ni Felix at Jessie? Pero bakit lagpas na ng alas onse ay hindi pa nagsisimula ang kasalan?" Tanong nito kay Hannah.Si Hannah naman sumulyap sa mag inang nag uusap. Pagkatapos ay tumingin sa hagdan.Totoo ngang alas onse
Sa nakitang eksena ay nag alala naman si Donya Belinda na baka pangit ang maging tingin ng mga tao sa paligid sa tungkol sa kanila.Baka isipin ng mga tao na ginagamit ng Altamirano ang kanilang kapangyarihan para mang api ng ibang tao At ayaw niyang isipin ng ibang tao na ganun lamang ang sitwasyon na basta na lamang sila magpapakasal at basta na lamang hindi itutulog ng ganun na lamang."Donya Belinda, Bakit mo nagawa ito?Di ba't sabi mo dati Ikaw ang may gusto na ipakasal si Jessie sa iyong anak. Ngayon ay sinasabi hindi mo na gustong ipakasal sya. Bakit nagkaganon?Bakit mo kami pinahiya ng ganito?" nagtaas na ng boses ang ina ni Jessie at tinanong ang ina ni FelixAng lahat naman ng naroroon ay nato9n ang atensiyon kay Donya Belinda, halos magkanda haba ang leeg ng mga ito para panoorin ang eksenang nangyayari. Lalo pa nga at mataas mataas na ang boses ng ina ni Jessie at halos nakaka iskandalo na.Sinulyapan naman ang pagkalamig lamig at may panunuri ni Donya Belinda ang ina ni
Namula ng husto ang mukha ni Jessie sa kahihiyan lalo pa at malakas at boaea ng matanda at pinalibutan na sila ng mga tao para magusisa.Ipinilig ni Jessie ang kanyang ulo at ginawa ang lahat para idepensa ang sarili."Don, Julio, Hindi ko po talaga yun ginawa.Nang mga panahong iyon Ako po talaga ay niloko ng aking kaklase.Nagsabwatan sila At pinaakyat ako sa silid ni Felix. Hindi ko talaga yun. Kagustuhan" Katwiran pa ni Jessie."Tumigil ka sa kasinungalingan mo.Nakita ko, nang dalawang mata ko na wala namang nag utos sayo ar wala ang mga kalase nyo ng araw na nahuli kita kusa kang pumasok sa silid ni Felix.Nahuli na kita noon pero nagsinungaling ka pa rin sa akin nang tanungin kita.Sa ganoong edad mo pa lamang ay sinungaling ka na Jessie kaya hindi na nakapagtataka na nagsisinungaling ka ulit ngayon"galit na sabi ni Don Julio."Alam ko naman na hindi ka aamin at ipagpapatuloy mo ang sunod sunod pa ring kasinungalingang sinimulan mo. Sampung taon na nakakaraan kaya naman nitong mg
Nakaramdam naman ng sobrang kahihiyan ai Donya Belinda. Hindi siya makapaniwala n sa kabila ng kanyang edad ay niloko pa siya ni Jessie. Kung hindi lamang buntis si Jessie ay tiyak na bibigyan siya niya ito nang magasawang sampal ngayon."Napakawalanghiya babae!" Galit niyang sabi."Manang, itulak mo na ako sa itaas, ayoko ng magtagal pang makita ang pagmumukha ng babaeng iyan." Galit na sabi ni Donya Belinda at gusto na lamang niyang bumalik sa itaas dahil sa kaguluhan.Wala na siya sa mood parang kausapin nang mga bisita lalo na ang magdiwang pa ng kaarawan.Si Jessie ay hindo naman pumayag na hayaan ang relasyon na magwakas ng ganito, Malingkot soyang tayo mula sa pagkakaluhod at nagmadaling lapitan si Donya Belinda na nakalayo na."Tita, tutulungang ko na po kayo" habol niya para sana tulungan nang matandan.Gusto pa rin niyang makabawi hanggang sa mga sandaling iyon. Ngunit hindi na ito pinahalagahan pa ni Donya Belinda at walang ganang nagsalita."Huwag mo na akong tulungan ngayo
Nanigas si Jessie nang marinig niya ito. Akala niya ay sinusubukan siya ng kanyang ina na paglubagin ang loob, ngunit hindi niya inaasahan na pagkatapos marinig ang mga salita ni Felix, hinahayaan talaga siya nitong magpatuloy na magkaanak kapalit ng mga benepisyo para sa negosyo nila.Kaya lang... tumigil na ang tibok ng puso ng kanyang anak. Pagkatapos ng kanyang huling prenatal check-up, ayaw niyang tanggapin ang mga resulta, kaya naghintay siya ng tatlong araw at naghanap ng pribadong ospital para sa isa pang check-up.Ngunit parehas lang ang resulta ng klinika. Na-diagnose ito bilang fetal arrest.Sa sandaling ito, ang kanyang puso ay napuno ng poot. Siya ay napakatalino at maganda, ngunit siya ay naging kasangkapan lamang para sa mga interes ng kanyang pamilya.Samantala, si Felix naman ay pinagmaneho si Marlon papuntang San Jose kung nasaan si Yuna. mahaba ang biyahe na aabutin ng limang oras bago makaratng iyon.Alas siyete ng gabi, lumitaw si Felix sa pintuan ng bahay ng ina
"Bitawan mo ako!" Hinawakan ni Yuna ang kamay niFelix at pinilit kalasin sa kamay niya.Nakakaramdam si Yuna ng labis na hinanakit."Sira ulo ka! Sinabi ko sa iyo na bitawan mo ako dito." Galit na sigaw ni Yuna."Halika nga dito.Dito ka manatili ka dito!" Sabi ni Felix at hinila siya sa gilid ng kalsada.Pumalag pa rin si Yuna at ipinilig ng ilang ulit ang ulo. Pinipilit kalasin ang kamay ni Felix."Sinabi ng bitawan mo nga ako ano ba?" "Ano bang ginangawa mo?" sigaw ni Felix, ang kanyang mukha ay naging sobrang lamig,"Hindi mo ba ito nakita ngayon lang? Muntik ka nang mabundol ng kotse. Hindi ka ba nakatingin sa kaldad? Ilang buhay ang mayroon para makaligtas na mabangga ng kotse ha?"galit na sita niya. Nagalit naman si Yuna sa narinig."Kung hindi ka pumunta rito, hindi mo sana naaabala ang mood ko!" Sigaw niya.Kung kase ito nagpakita sa kanya ng nakadamit pa ng pang nobyo hindi niya gagawin ito,hindi siya tatakbo.Namumula ang tungki ng ilong ni Yuna at gusto na niyang umiyak,
Namulagat pa si Yuna bago nakapagsalita."Ibinalita mo ang katotohanan tungkol sa anak ni Jessie?" Shock na tanong ni Yuna."Oo nga!" Sagot nito."Anong reaksiyon ng mga tao, ng mga narorooon?" " Naging paksa kami ng buling bulungan lalo na si Jessie. Maramjng nagalit sa kanya at sinabing hindi niya karapat dapat maging parte ng aming pamilya dahil isa siyang disgrasyada. Maraming kumutya sa kanya at tinawag siyang reyna ng mga singungaling" sabi ni Felix.Natigilan si Yuna, totoo ba ito? Masisira ba talaga ni Felix ang kasal dahil sa kanya.Ibog sabihin ay labis labis na gulo ang dulot noon.Pagkatapos ang kasal ay naging isang pulong ng pagtuligsa. Sa takot na naman na hindi siya paniwalaan ni Yuna, nagdagdag pa ng kuwento ni Felix "Kung hindi ka naniniwala, maaari kang pumunta sa bahay ni Yaya Maria, at tanungin si Marlon tungkol dito.Sa puntong ito, hindi na siya pinagdudahan ni Yuna, at ang kalungkutan at galit sa mga mata nito ay unti unting naglaho pero napalitan ng pagaala
Naalala pa ni Yuna na ng noong gabing iyon, sinabi sa kanya ni Patrick na hindi ito magpapakasal kay Natasha ngunit pinakiusapan siya nitong isekreto iyon at umaasa itong maaasahan siya sa isang lihim.Kaya ngayon, paano niya sasabihin sa pamilyang ni Natasha ang sinabi ni Patrick noong gabing iyon. Pero kung sasabihin naman niya iyon, hindi ba ito ang magpapatunay na si Patrick ang may plano na putulin ang engagement nila ni Natasha noon pa man at wala siyang kinalaman?.Kapag magalit si Don Julio baka pumunta ito sa pamilya ni Patrick, at hindi magiging masaya noon si Patrick.Kahit papaano sa mundong ito si Patrick ay itinuturjng niyang kaibigan bukod kay Myca ay palagi niyang naaasahan si Patrick. Hindi gustong saktan ni Yuna si Patrick kaya nasabi na lang niya. "Hindi ko masasabi sa iyo ang napag-usapan namin noong gabing iyon. Nangako ako kay Patrick na ililihim iyon para sa kanya."Magaling, ang galign mo ngang msmgtsho ng lihim. Palihim kang nakipagkita kay Kuya Patrick, pero
Lalapat na sana ang palad ni Natasha sa pisnge ni Yuna ngunit Itinaas ni Yuna ang kanyang kamay at hinawakan ang kamay ni Natasha kaya napigil ang nais sanang pagsampal nito."Natasha, hindi ko sinira ang kasal mo, wala kang karapatang saktan ako" sigaw ni Yuna na hindi na rin nagawang magtimpi sa mga bintang ng mga ito."Ang lakas ng loob mong hawakan ang kamay ko pagkatapos mong gumawa ng isang bagay na nakakahiya?" halos magluwa na ng apoy ang mga mata ni Natasha at muling, itinaas nito ang isa pang kamay para muling sampalin siya.Hindi iyon nagawang iwasan ni Yuna sa oras at gusto sana niyang ipikit ang kanyang mga mata upang hindi masyadong maramdaman ang sakit.Ngunit ang inaasahang sakit ng pagtama ng sampal sa kanyang pisnge ay hindi dumating.Bagkos ay isang malagim na boses ang dumating."Tumigil ka Natasha!" Sigaw ng malagim na boses ni Felix na dumating na pala ng hindi nila namamalayan. Malalaking hakbang ang ginawa nito saka tumayo sa harapan ni Yuna at agad na hinata
"Hindi ko ho alam ang sinasabi ninyo?Anong nangyayari?" "Hindi rin ako sigurado pero nagpunta ako dito para magbigay ng pagbati sa Bagong Taon at nakita ko silang nagkakagulo kaya inutusan ako ng lolo mo na tawagan kita" sabi ni Donya Belinda. Medyo kumplikado ang pakiramdam ni Yuna Akala kase ni Yuna siya ay hinihiling na magpunta upang makipag-usap tungkol sa diborsyo, ngunit ito pala ay tungkol kay Natasha na naghahanap ng gulo. Kailangan ni Yuna ang manatili kung hindi ay hahanapin siya ni Natasha at gagawa pa ulit ng gulo. Pamilya ng mga Altamirano si Natasha.Si Felix ay maari pagsabihan at balaan si Natasha pero hindi iyon maaring gawin ni Yuna. Kung hindi niya maharap nang maayos ang sitwasyon ngayon, maaaring sundan siya ni Natasha pagkatapos ng diborsyo. Huminga ng malalim si Yuna at tinanong ang kanyang biyenan, "Mama, nasaan po si Natasha ngayon?" Tanong niya sa biyenan. "Nasa sala sila. Ang buong pamilya ay naroon" sagot ng kanyang biyenan. "Si Mr.Patrick p
"Nabalitaan ko ang tungkol sa nangyari kamakailan mula kay Yuna. Sinabi ni Yuna na hindi siya masaya sa kanyang kasal at gusto niyang hiwalayan ka. Pumayag ang pamilya namin dito" bungad ni Ginoong Shintaru."Medyo natakot si Yuna na salubungin ang mga mata ni Felix, kaya ibinaba niya ang kanyang mga mata at tumingin sa hugis kuneho na cotton na sapatos sa kanyang mga paa."Ito ang inihanda kong kontrata sa paglilipat." Inilabas ni Ginoong Shintaru ang isa pang dokumento, na siyang kontrata ng paglipat na ibinigay ni Felix sa Parson Group noong panahong iyon."Ito ang kontrata ng paglilipat ng Parson Group. Hiniling ko sa isang abogado na i-notaryo ito ngayong hapon. Kung gusto mong bawiin ang Parson Group, pipirmahan ko ito. Ganun din ang Villa na ito.Kung gusto mong bawiin, ibabalik ko sa iyo ang lahat ng iyon."Sinulyapan ni Felix ang mga dokumento sa mesa at walang sinabi. Ang mga salita ni Shintaru ay nagpaunawa kay Felix na sa pagkakataong ito, sila ay talagang maghihiwalay n
Paguwi ni Yuna sa lumang Villa, pagpasok niya pa lang sa bahay, ay naramdaman na niyang may mali.Nakaupo sa sala ang lola ni Yuna.Nang makita nito si Yuna ay agad na tumayo ang matandang babae at nagtanong."Yuna, totoo bang gusto mo hiwalayan si Felix?" nang makita ni Yuna ang kanyang ama na nakaupo sa sofa ay tumango si Yuna mula sa kanyang puso at, sumagot."Kase lola, nakapagdesisyun na ako...""Yuna nahihibang ka na ba.Kinailangan ng matinding effort ng ama mo para makuha natin ang kasal na ito. Pagkatapos ay sasayangin mo lang. Si Felix ay napakabuti sa iyo. Bakit bigla kang makikipaghiwalay?" Sumbat nito.Tahimik na lamang na itinago ni Yuna ang kanyang pag-iyak, ibinaba ang kanyang mga mata at sinabing."Pasensya na po, lola, hindi na po tayo maaarjng umasa sa kanya. Buo na po ang pasya ko." Ulit ni Yuna."Paano kung magdiborsiyo tayo pagkatapos magpakasal, ano ang gawin ni Felix.Paano kung bawiin niya ang Parson Group?" balot ng pagaalala ang tanong na iyong ng lola niya.
"Hindi niya alam ang resulta Yuna, Kinailangan niyang umalis matapos ka niyang ihatid sa hospital" "Myca, huwag kang magsabi ng kahit ano sa kanya." "Bakit..?" sagot ni Myca."Myca, gusto ko sanang panatilihing sikreto ang aking pagbubuntis. Sa ngayon ay kailanganin ko nang makipagusap kay Felix para sa diborsyo."Kung malalaman ni Felix na buntis siya, siguradong hindi niya ito papakawalan" sa isip isip ni Yuna. Noong nakaraan, walang muwang niyang inisip na kung hindi mahal ni Felix si Jessie, maghihintay na lang siya at aasa pa. Ngayon naiintindihan na niya si Jessie ay nariyan lang at hindi mabitawan ni Felix dahil kailangan nito ang dugo upang iligtas si Rowena, at si Rowena ang pinakamahalagang tao sa puso ni Felix.Si Rowena ay may malubhang anemia at sakit sa pag-iisip at kung hindi siya maikakasal sa buhay tiyak na mananatili si Felix sa pagaalaga sa kanya. At siya...siya ay walang halaga kay Felix at hindi na siya papansinin nito. Pagod na si Yuna sa lahat. Ayaw na niy
Inakay ni Myca ang kaibigan at pinakahiga sa kama, kumuha ito ng towel para punasan ang katawan nito."Demonyo ang asawa mong iyon Yuna.Isa siyang halimaw na nananakit ng babae. Naku! galit talaga ako at parang gusto ko siyang kagat kagatin saka paghahampasin ng ganito" sabi ni Myca na pinaghahampas ang hawak na unan.Ayaw na ni Yuna na pagusapan ang tungkol kay Felix at ang nangyari kaya nakiusap siya kay Myca na gusto na niyang matulog"Sige Yuna magpahinga ka na.Marahil ay grane anf nato mong stress, maaari ka ng matulog.Dito lang ako babantayan kita." Sabi ni Myca.Tumagilid na si Yuna para ipikiy ang mga mata. Halos hindi niya mapigilan ang masaganang luha pati na rin ang paghikbi.Naninikip ang dibdib niya sa hinanakit at sa ng loob. Niyakap na lang ni Yuna ang kumot at kinagat upang hindi na maabala si Myca sa kantang malakas na pagiyak, saka isinuklob upang itago ang kalungkutan.Kinabukasan bagamat nagising ay natulala si Yuna.Bumangon ito at wala sa sariling naglakad papu
Hindi pumayad si Felix at lalong naging agresibo."Halika dito." Hinila nito si Yuna para para mapaharpa sa lanya ang asawa.Kinagat nito ang malambot na labi ni Yuna habang hinamplos likod gamit ang malalaking kamay nito. Mabilis na hinubad ni Felix ang palda at agad na sinaklot ang kanyang binti upang maghiwalay.Sa sobrang galit ni Yuna ay halos umiyak siya.Namumula na ang kanyang mga mata sa pagpipigil. "Ano ba Felix, huwag kang ganyan, bitawan mo ako, Ano ba? Kung gagawin mo ulit ito, tatawag talaga ako ng pulis!" Galit ng sabi ni Yuna.Ngunit ayaw makinig ni Felix at diretsong inilagay ang malaking palad sa ibabaw ng kanyang itim na underwear.Nagulat at natakot si Yuna kaya bigla niyang sinampal ang asawa at galit tono ng boses na sinaway si Felix."Sabi kong ayoko eh narinig mo ba? Felix mula ngayon bawal ka ng hawakan ako"sigaw ni Yuna."Anong sabi mo?" Nag igtingan ang mga panga ni Felix. "Hindi mo na ito maaring gawin. Pamumuwersa ang tawag dito. Hindi pa ako nakakita n
Biglang ngumiti si Yuna.Napakaseryoso ni Felix, nakakatawa, hanggang ngsypn pa rin ba ay iniisip pa rin ni Felix na nagmamarakulyo lamang siya at nais lamang mangggulo?"Sino ba ang nanggugulo sa'yo?" Seryoso ang bawat salita na sinasabi ni Yuna.May namumuong bagyo sa mga mata ni Felix , hindi niya makontrol ng galit at tension kaya sinabi niya ang bawat salita."Yuna, gusto mo ba talagang makipaghiwalay?""Oo...!" Habol ang hininga ni Yuna."Nasabi ko na sa iyo noon.Kapag nakipaghiwalay ka sa akin mahihirapan kita" banta ni Felox sabay pinisil ang baba ni Yuna na may malamig na ekspresyon."Hangga't nagpapakita ka ng awa at huwag mong pakialaman ang aking pamilya ko ay okay lang ang lahat.Naniniwala ako na magiging maganda ang buhay natin" nakakaramdam ng takot si Yuna dahil baka iadamay ni Felix ang pamilya niya.Nang marinig iyon ni Felix ay naging malamig ang atmospera sa paligid niya.Inalis ni Yuna ang kamay ni Felix na napipigilan siya at bubuksan na sana ang pinto nang hina