Pagkaalis ni Felix, sinundan ito ni Yuna hanggang sa ibabasa unang palapag. Sinilip niya ito ng malapad ng bintanang salamin.Nagsimulang umulan sa labas, at ang matangkad na pigura ni Felix ay sumakay sa kotse sa kabila ng ulan at mabilis na umalis.Matagal na nanahimik si Yuna.Hindi na siya makatulog pa, dahil nasa isip niya ang imahe ng paglalapat nito ng gamot sa kanyang silid. Parang binitbit ni Felix ang kamalayan niya nang umalis ito, wala pang minuto ito nawala ay miss na niya ito.Kung tutuusin, hindi naman talaga sila umabot sa puntong magkaaway sila. Bagama't maaaring naging malupit si Felix minsan, mas madalas ay mabait ito sa kanya. Minabuti ni Yuna na pilitin na lang na makatulog pa ulit dahil marami siyang trabaho sa susunod na araw.Nabalitaan niya nakakaranas ang lugar nila ng malakas na pag-ulan na bihirang mangyari sa lugar nila ilang dekada na rin ang nakalipas.Ayun sa ulat ng panahon ay nagsasabing magkakaroon ng malakas na ulan pagsapit ng hapon at mas malakas
Pagkaalis ni Felix, sinundan ito ni Yuna hanggang sa ibaba sa unang palapag.Sinilip niya ang asawa sa malapad ng bintanang salamin. Nagsimulang umulan sa labas, at ang matangkad na pigura ni Felix ay sumakay sa kotse sa kabila ng ulan at mabilis na umalis.Matagal na nanahimik si Yuna.Hindi na siya makatulog pa, dahil nasa isip niya ang imahe ng paglalapat nito ng gamot sa kanyang silid. Parang binitbit ni Felix ang kamalayan niya nang umalis ito.Kung tutuusin, hindi naman talaga sila umabot sa puntong magkaaway sila. Bagama't maaaring naging malupit si Felix minsan, mas madalas ay mabait ito sa kanya. Minabuti ni Yuna na pilitin na lang na malatulog pa ulit dahil oras ng trabaho sa susunod na araw.Nabalitaan niya nakakaranas ang lugar nilang malakas na pag-ulan na bihirang mangyari sa lugar nila ilang dekada na rin.Ang ulat ng panahon ay nagsasabi na uulan ng malakas sa pagsapit ng hapon at mas malakas na ulan pagkalipas ng ilang orasalo na sa gabi, kaya lahat ay dapat na umuwi n
Sumakay si Felix sa kanyang kotse at inutusan si Marlon na mabilis na magtungo sa direksiyon ng lumang Villa.Malayo layo ang lumang Vill sa kinaroroonan ni Felix kaya bago pa man makarating sina Felix sa lugar Pinauna na niya ang ilang mgha tauhan sa lugar pagkatpaos ay pinasunod ni Felix ang kanyang mga body guard upang tumulong sa paghahanap kung saka sakali.Pagsapit sa lugar ay agad kumilos ang mga ito. Ang isang grupo ay pupunta sa Villa mismo ni Yuna upang maghanap, at ang kabilang grupo ay pupunta sa shop ni Yuna upang maghanap din. Ang ilan ay sa paligid naman na daraanan ni Yuna naghanap. Pinayagan din niyang maghanap si Marlon kasama ng ilang tauhan para mabilis na mahanap si Yuna.Tinatawag ni Felix si Yuna sa habang nakaupo siya sa likurang upuan ng sasakyan at naghihintay ng balita ng mga tauhan.Ngunit hindi makalusot ang kanyang tawag, hindi niya makontak si Yuna at nagsisimula ng maging impeyerno ang pakiramdam ni Felix. Lalong nagsalubong ang kilay nito at sa sobra
Samantala sa hospital ay walang malay si Yuna.Nabigyan na siya ng tamang lapat ng gamot.Habang nakapikit ang mga mata ay tila nanaginip si Yuna.."Yuna... Yuna..huwag kang matutulog...huwag mo akong iiwan...gumising ka please....Idilat mo ang mga mata please...huwag mo along iiwa, Yuna.....Yuna....!!"Napakalabo ng kahulugan, ngunit naririnig niya ang paulit-ulit na tumatawag sa kanyang pangalan. Hindi niya alam kung sino ang taong iyon, pero ang alam niya lang ay paulit-ulit nitong sinasabi,"Huwag kang matulog, imulat mo ang iyong mga mata at tingnan mo ako, huwag kang matulog..." Hinawakan pa nito ng mahigpit ang kamay niya. Nalilito at nalalabuan si Yuna hindi niya makita ang mukha ng kumakausap sa kanya.Hindi niya alam kung gaano ito katagal, pero pakiramdam niya ay parang nabitin ang katawan niya sa hangin, at may nagsindi ng flashlight sa mga mata niya. Narinig niyang may nagtanong na lalaki sa namamaos na boses...."Kamusta siya doc?""Doctor...? Doctor? nasa hospital n
Ang labis na pagaalala sa mukha ni Felix ay parang ipininta dahil hindi iyon nangbabago mula pa kanina."Normal lang ito.Naaksidente ka at ang-concussion ang sanhi ng hahihilo ka at sasakit ang ulo mo at baka masusuka ka rin. Nakukuka ka ba ngayon?" Umiling si Yuna.Ngunit pagdating sa aksidente sa sasakyan, naalala niya ang may peklat na mukha ni Mang Chino na siyang bumunggo sa kanya.Alam ni Yuna na sinadya ng lalaking sagasain ang sasakyan niya. Nanumbalik ang kilabot sa katawan niya kaya biglang hinawakan ni Yuna ang kamay ni Felix at nanginginig na sinabing."Si Mang Chino iyon... ang bumangga sa sinasakyan ko. Siya ang nakabanggga sa akin!"Nanlamig ang mga mata ni Felix. Bumalik ang poot sa mata kanina lamang ng marinig ang ulat ni Marlon."Alam ko, nasabi na nila sa alin.Nagpadala ako ng mga tao para arestuhin siya" sagot ni Felix.Sa ngayon si Chino ay natitikman na ang parusang ni sa panaginip ay hindi niya papangarapin.Tiyak na nagtatawag na iyon sa lahat ng santo ngayon.H
"Oo, nang ilang araw ka nang na-coma at hindi mo alam kung gaano siya kasungit sa amin. Kaming mga medical staff ay hindi na nangangahas na pumunta sa ward na ito. Dahil ng mga oras na hidi ka dumidilat ay halos patayin niya kami sa mga titig niya" kuwento ni Doc Shen.Hindi maisip ni Yuna kung ano bakit ganun si Felix.Hindi niya maimagin ang hitsura ng ekspresyong iyon. Galit ba ito dahil naaksidente siya? Ganun pa man ay naantig si Yuna. Saglit pa silang nagkwentuhan ni Doc Shen bago bumalik si Felix. Pagbukas nito ng pinto at pagpasok, nakita ni Felix na sila ay nag-uusap at nagtatawanan ng doktorSumulyap si Felix kay Shen, ang kanyang mga mata ay hindi maipaliwanag na malamig. Inakala ni Shen na baka galit ito dahil binubuking niya ang lalali kay Yuna.Kaya nagkunwaring ito nagulat at napasigaw."Kuya Felix nakabalik ka na taning niya sa papasok na si eix ba matalim ang titig sa kanya. "Kanina pa"sagot nito kaya nalaman ni Shen na narinig nga siguro nito ang kuwentuhan nipa ni Yu
"Nawala na ba ng kaunti ang pagkahilo mo" malambing na tanong nito na hinimas ng magaan ang kanyang ulo. Pagkatapos ay inilapag sa lamesa ang isang baunan."Ginawa ni Manang ang iyong paboritong chicken drumsticks at chopsuey ngayong gabi." Binuksan ni Felix ang baunan at humalimuyak ang mabangong amoy ng ulam.Napangiti si Yuna nang makita ang masarap na pagkain. Napangiti naman si Felix nang makita ang magandang ngiti ni Yuna, at bahagyang lumambot ang kanyang mga mata.Habang kumakain sila ay may kumatok sa pinto ng ward, at pagkatapos ay itinulak ito pabukas. Si Patrik ang nakita nilang nakatayo sa pintuan, hawak ang isang bouquet ng pink na rosas sa kanyang mga payat na kamay. "Anong ginagawa mo dito?" Nanlamig ang mukha ni Felix nang makita siya. "Narinig ko na naaksidente si Yuna" sabi nito."At narito ako para kamustahin siya." Ngumiti si Patrick at mabilis na naglakad papasok. "Yuna, pumunta ako para kamustahin ka." Iniabot ni Patrick.Ngunit sa sandaling iyon, nais
Ang akala ni Yuna ay aalalayan lamang siya ni Felix papuntang banyo pero nagulat siya dahil eto na ang nagtimpla ng temperatura pagkatapos ay dinala siya nito sa shower room at pagkatapos ay tinulungan na siyang magalis ng damit. "Ano ang ginagawa mo?sabi ko kaya ko na nga" tanggi ni Yuna.Ayaw niyang tulungan siya ni Felix na malinis ng karawan?."Huwag mong sabnihin papaliguan mo ako?""Oo naman, tama ang hula mo" sabi ni Felix."Ano? papaliguan mo talaga ako?ikaw ang maghuhugas ng katawan ko"gulat na tanong ni Yuna ."Anong nakakagulat doon? Anong parte ba ng katawan mo ang hindi ko pa nakita para magulat ka ng ganyan"msnghang tanong ni Felix " Biglang namula ang mukha ni Yuna "Huwag na nga hayaan mo na ako magisa" giit ni Yuna. "Hindi pwede, hindi ikaw ang masusunod, paano kung madulas ka sa banyo, mawalan ka ng malay o kaya tumama ulit ang ulo mo at maging delikado paano na? Bawal kang tumanggi" biglang sabi ni Felix pagkatapos ay bigla siyang binuhat ni Felix at dinala sa
Matapos turuan ni Yuna si Benjo asignatura nito sa Ingles, hiniling nito sa kanya na bumaba at sabay na kumain ng hapunan. Sobrang nagustuhan ni Benjo si Yuna kaya tinanong siya nito."Ate, malapit na ang Bisperas ng Pasko. Plano naming pumunta sa bayan para magbenta ng mga peace fruit at bulaklak sa araw na iyon. Gusto mo bang sumama sa amin?"Hindi namalayan ni Yuna na malapit na pala ang Pasko.Kung nagkataon, ang kaarawan ni Donya Belinda ay sa Bisperas ng Pasko, na tatlong araw pa mula ngayon."Ate?" Nang makitang hindi siya tumugon ay tinawag siya ni Benjo ng ilang beses. Bumabalik sa katinuan si Yuna at nakangiting sinabi, "Nagbebenta ka ng mga peace fruit at bulaklak sa Bisperas ng Pasko? Mayroon akong lubos na kaalaman sa negosyo.""Oo, si lola ay nagtatrabaho nang husto, gusto kong tulungan siyang kumita ng kaunti." Sabi ni Benjo.Si Benjo ay isang mabuting bata sa isip isip ni Yuna. Hinawakan ni Yuna ang kanyang ulo ng binatilyo at sinabing, "Okay, sasamahan kita na magtay
Tatlong araw na mula ng mawala si Yuna. Narinig niya na nagpadala si Felix ng mga tao kung saan-saan upang hanapin siya sa nakalipas na tatlong araw.Natagpuan ang bayan kung saan siya nawala.Hinanap din ang Bayan ng San Jose na bayang sinilangan ng kanyang ama. Ngunit hindi mahanap ng mga ito si Yuna. Si Yuna ay tila nawala bigla, ang kanyang mobile phone, ID card, at bank card ay hindi na nito ginamit na muli kaya nahirapan itong i trace kung nasaan ang babae at hindi malaman kung paano ni Yuna ito ginawa.Nang marinig ni Jessie ang balita, ay kasalukuyan siyang naghihintay ng kanyang prenatal check-up. Itinaas niya ang sulok ng kanyang mga labi at ngumiti,"Ang galing! mabuti naman pala at hindi ko na kailangan pang makita ang nakakainis na babaeng iyon." Bulong ni Jessie"Mukhang maganda ang mood ng susunod na misis Altamirano at masayaang magdiwang ng isang masaganang salo salo para sa isang magandang panimula hindi ba?" Sabi ng assistant ni Jessie. Napangiti naman si Jessie"
Napatingin si Felix sa screen ng telepono, kitang kita niyang talagang may itinapon na telepono sa labas ng bintana. Ayun iyon sa cctv ng lugar. Hindi mawari ang ekspresyon ng babae sa sasakyan. Siya ay nakasuot ng isang sumbrero at isang mask."Ano ang sumunod na nangyayari?" Malamig ang buong katawan ni Felix tagos hanggang buto ang takot niya. Nakakakilabot din ang lamig ng boses ni Felix. Ipinagpatuloy ni Marlon ang report..Pagkatapos ay nagmaneho ang inyong asawa patungo sa isang maliit na bayan sa labas ng lungsod. Doon, iniwan niya ang kotse at pumasok sa isang tindahan ng damit. Pagkatapos noon, wala nang surveillance kaya hindi na nakita pa kung saan na nagpunta si Madam."Siguro sa tindahan ng damit na ito nagpalit ng damit at nag disguise ang asawa nyo Sir, at umalis sa likod ng pinto. Walang surveillance doon, kaya hindi namin siya matunton sa puntong ito, nawala siya ng tuluyan sa kanilang paningin.Malungkot ang mukha ni Felix. Sa sandaling iyon tila kinailangan na ni
Dinala mo ba ang lahat ng damit para sa akin? " tanong niya."Oo, ibinili na din kita ng sportwear, at sumbrero saka itong request mo na mask" pabulong na sabi ni Myca.Para makatakas, siyempre kailangan niyang magsuot ng sportswear at sumbrero.Isinuot ni Yuna ang dala ni Myca ng tumunog ang kanyang cell phone.Ang kanyang mobile phone nasa kanyabg bulsa, kinuha niya iyon at bumulong kay Myca.Si Felix ang tumatawag" sabi niya na halos pawisan ang kanyang ilong, ngunit kailangan niyang tratuhin ito nang mahinahon at ipinikit ang kanyang mga mata."Hello." " Narinig kong nagpunta la daw ng Time Square?" Alam na agad ni Felix kung nasaan si Yuna.Kanina lang ay tinawagan niya si Leon. Sinabi nito na si Yuna ay namimili sa Times Square. Sa una ay hindi masaya si Felix dahol hindi pa ito magaling, ngunit ang sumunod na pangungusap ni Leon ay nagpakalma sa kanyang inis. "Sir, sinabi ng iyong asawa na malapit na ang Pasko. Gusto raw niyang pumili ng regalo para sa iyo." Pagkarinig nga
Matapos noon, nagmatigas si Yuna, ibinaba ang kanyang mga mata at sinabi,"Well, gusto ko nang matulog.""Okay." Banayad ang mga mata ni Felix ng sumagot at tinakpan nito ng kumot ang asawa. Pumikit si Yuna.Matapos ang mahabang sandali ay hindi umalis si Felix sa tabo niya, Sa katunayan, hindi pa talaga siya inaantok sinabi lang niya iyon para iwan na siya ni Felix, ngunit naroon pa rin si Felix , at ang kanyang presensya nito ay masyadong malakas, kaya hindi niyang magawang makatulog.Wala ng magawa si Yuna kaya napapikit na lang siya.Hindi ko alam kung gaano katagal, pero dumapo ang kamay ni Felix sa noo niya at marahang hinaplos ang pisngi nito.Bahagyang nanginig ang mga tuhod ni Yuna lalo na ng hinalikan siya ito. Hinalikan siya nito ng marahan.Iba sa bawat nangingibabaw at mariing halik noon, maingat siya itong hinalikan ngayon.Unti-unting nag-init ang halik na nag-aapoy sa kanyang mga ugat.Hindi na nangahas si Yuna na magkunwaring tulog at biglang idinilat ang kanyang m
Pasensya ka na Myca, kailangan sa ibang lugar tayo magita at kailangan mong mag disguise muna""Okay lang naman 'yan." Ipinaalala sa kanya ni Myca."Na activate ko na ang card at mobile phone para sa iyo, at nag withdraw ako ng 100,000 sa cash. Medyo mabigat nga lang. Pwede ko bang ilagay sa isang maleta?""Oo, salamat, Myca.""Yuna, magiingat ka, nagaalala ako pero alam kong alam mo ang ginagawa mo.Sa susunod na pagkikita natin, sana sabihin mo na sa akim ang lahat." Pakiusap ni MycaNapuno ng luha ang mga mata ni Yuna."Okay." sa puntong ito, may kumatok sa pinto sa labas laya nataranta si Yuna. Bimilis ang tibok ng puso ni Yuna at nanuyo ang kanyang lalamunan. Inalarma niya ang sarili at sumagot"Sino yan?""Ako ito. ?" Boses ni Felix iyon. Nakatayo ito sa pintuan ng banyo.Takot na takot si Yuna kaya muntik nang mahulog ang phone sa kamay niya. Hindi niya alam kung narinig ba nito sng usapan nila ni Myca. Agad niyang binaba ang telepono at lumabas ng banyo.Paglabas niya, nakit
"Hello po." Sagot ni Yuna sa tawag ngunit ang kanyang puso ay tumibo ng malakas. Ang pakiramdam niya para siyang gumagawa ng pagkakasala na itinatago. Pakiramdam niya ngayon pa lang ay gumagawa na siya ng mali."Nagpapalit ka na ba ng benda sa ulo mo? " Banayad ang boses ni Felix sa kabilang dulo ng telepono habang nagtatanong."Oo, napalitan na, bago na." Maiksing sagot niya."Saan ka pa nagpunta " tanong nito alam niyang alam ni Felix na hindi pa siya umuuwi, na wala siya sa bahay. Medyo naguilty si Yuna at napasulyap kay Myca bago nakangiting sinabi."Nasa studio ako. Ilang araw na rin akong hindi nagtatrabaho, at marami akong nakasalansan pwnding na trabaho.Sumaglit lang ako para harapin sandali ang mga pending" pagsisinungaling ni Yuna.Nakasimangot si Felix ng marimig na nagpunta sa trabaho si Yuna."Pasyente ka pa rin ngayon, bawal kang magtrabaho, umuwi ka ng maaga, sasabihan ko si Manang Azun na magluto ka ng masarap." utos nito sa kanya.Napaka gentle ni Felix sa kanya nito
Hindi mapakali si Yuna kaya dinayal niya ulit ang numero ng biyenan. Medyo hindi nakatiis si Yuna, gusto niyang siguruhin kung galing nga ba dito ang mensahe. Pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Pero maya maya ay nakatanggap siyang muli ng mensahe."Wag mo na akong tawagan, hindi mo ako makokontact. Kailangan mo lang malaman na nagsasabi ako sa iyo ng totoo. Huwag ka nang magtiwala kay Felix. Galit siya sa tatay mo. Kung magtitiwala ka ulit sa kanya, paglalaruan ka lang niya" sabi sa mensahe."Kung hindi ka naniniwala sa akin, hintayin mo na lang lumabas ang tatay mo at tanungin mo siya kung si Felix nga ba ang nanakit sa kanya" dagdag pa nito.Lalong nalito si Yuna, alam niyang pinarurusahan siya ni Felix dahil sa shotgun na kasal at ang ama ay makukulong naman ng ilang taon dahil sa isang pagkakamali sa pera.Laya gulat na gulat siya sa isiniwalat na ito. Kung totoo nga ito malamang ay habang buhay siyang magbabayad ng kasalaan.Sinubukan ulit ni Yuna na tumawag muli sa num
Sa kabilang banda.Tatlong araw na hindi nakapunta sa ospital si Jessie. Sa ikaapat na araw, naramdaman ni Donya Belinda na baka may nangyari kaya tinawagan nito si Jessie. Marahang nagsalita si Jessie ng sagutin ang telepono,"Madam, sa tingin ko hindi na ako dapat pumunta sa ospital para makita ka ulit. Madam ang itinawag niya dito at hindi tita. Napasimangot si Donya Belinda."Bakit?anong nangyari?" Saglit na namang nanahimik si Jessie, at bumulong"Wala lang, Madam, dapat magpahinga ka ng mabuti."Bakit Madam ang tawag mo sa akin?" Hindi nagsalita si Jessie."Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari." pilit ni Donya Belinda sa kanya.Tila hindi na nakayanan ni Jessi ang tanggihan si Donya Belinda, at napabuntong hininga,"Madam, naging matagumpay na ho ang iyong operasyon. Sinabi ni Felix na wala siyang balak na pakasalan ako, at hiniling na lang niya sa akin na huwag pumunta sa ospital upang guluhin ka." Nagdilim ang mukha ni Donya Belinda,"Sinabi ito ni Felix sa iyo?" hindi mak