Sumakay si Felix sa kanyang kotse at inutusan si Marlon na mabilis na magtungo sa direksiyon ng lumang Villa.Malayo layo ang lumang Vill sa kinaroroonan ni Felix kaya bago pa man makarating sina Felix sa lugar Pinauna na niya ang ilang mgha tauhan sa lugar pagkatpaos ay pinasunod ni Felix ang kanyang mga body guard upang tumulong sa paghahanap kung saka sakali.Pagsapit sa lugar ay agad kumilos ang mga ito. Ang isang grupo ay pupunta sa Villa mismo ni Yuna upang maghanap, at ang kabilang grupo ay pupunta sa shop ni Yuna upang maghanap din. Ang ilan ay sa paligid naman na daraanan ni Yuna naghanap. Pinayagan din niyang maghanap si Marlon kasama ng ilang tauhan para mabilis na mahanap si Yuna.Tinatawag ni Felix si Yuna sa habang nakaupo siya sa likurang upuan ng sasakyan at naghihintay ng balita ng mga tauhan.Ngunit hindi makalusot ang kanyang tawag, hindi niya makontak si Yuna at nagsisimula ng maging impeyerno ang pakiramdam ni Felix. Lalong nagsalubong ang kilay nito at sa sobra
Samantala sa hospital ay walang malay si Yuna.Nabigyan na siya ng tamang lapat ng gamot.Habang nakapikit ang mga mata ay tila nanaginip si Yuna.."Yuna... Yuna..huwag kang matutulog...huwag mo akong iiwan...gumising ka please....Idilat mo ang mga mata please...huwag mo along iiwa, Yuna.....Yuna....!!"Napakalabo ng kahulugan, ngunit naririnig niya ang paulit-ulit na tumatawag sa kanyang pangalan. Hindi niya alam kung sino ang taong iyon, pero ang alam niya lang ay paulit-ulit nitong sinasabi,"Huwag kang matulog, imulat mo ang iyong mga mata at tingnan mo ako, huwag kang matulog..." Hinawakan pa nito ng mahigpit ang kamay niya. Nalilito at nalalabuan si Yuna hindi niya makita ang mukha ng kumakausap sa kanya.Hindi niya alam kung gaano ito katagal, pero pakiramdam niya ay parang nabitin ang katawan niya sa hangin, at may nagsindi ng flashlight sa mga mata niya. Narinig niyang may nagtanong na lalaki sa namamaos na boses...."Kamusta siya doc?""Doctor...? Doctor? nasa hospital n
Ang labis na pagaalala sa mukha ni Felix ay parang ipininta dahil hindi iyon nangbabago mula pa kanina."Normal lang ito.Naaksidente ka at ang-concussion ang sanhi ng hahihilo ka at sasakit ang ulo mo at baka masusuka ka rin. Nakukuka ka ba ngayon?" Umiling si Yuna.Ngunit pagdating sa aksidente sa sasakyan, naalala niya ang may peklat na mukha ni Mang Chino na siyang bumunggo sa kanya.Alam ni Yuna na sinadya ng lalaking sagasain ang sasakyan niya. Nanumbalik ang kilabot sa katawan niya kaya biglang hinawakan ni Yuna ang kamay ni Felix at nanginginig na sinabing."Si Mang Chino iyon... ang bumangga sa sinasakyan ko. Siya ang nakabanggga sa akin!"Nanlamig ang mga mata ni Felix. Bumalik ang poot sa mata kanina lamang ng marinig ang ulat ni Marlon."Alam ko, nasabi na nila sa alin.Nagpadala ako ng mga tao para arestuhin siya" sagot ni Felix.Sa ngayon si Chino ay natitikman na ang parusang ni sa panaginip ay hindi niya papangarapin.Tiyak na nagtatawag na iyon sa lahat ng santo ngayon.H
"Oo, nang ilang araw ka nang na-coma at hindi mo alam kung gaano siya kasungit sa amin. Kaming mga medical staff ay hindi na nangangahas na pumunta sa ward na ito. Dahil ng mga oras na hidi ka dumidilat ay halos patayin niya kami sa mga titig niya" kuwento ni Doc Shen.Hindi maisip ni Yuna kung ano bakit ganun si Felix.Hindi niya maimagin ang hitsura ng ekspresyong iyon. Galit ba ito dahil naaksidente siya? Ganun pa man ay naantig si Yuna. Saglit pa silang nagkwentuhan ni Doc Shen bago bumalik si Felix. Pagbukas nito ng pinto at pagpasok, nakita ni Felix na sila ay nag-uusap at nagtatawanan ng doktorSumulyap si Felix kay Shen, ang kanyang mga mata ay hindi maipaliwanag na malamig. Inakala ni Shen na baka galit ito dahil binubuking niya ang lalali kay Yuna.Kaya nagkunwaring ito nagulat at napasigaw."Kuya Felix nakabalik ka na taning niya sa papasok na si eix ba matalim ang titig sa kanya. "Kanina pa"sagot nito kaya nalaman ni Shen na narinig nga siguro nito ang kuwentuhan nipa ni Yu
"Nawala na ba ng kaunti ang pagkahilo mo" malambing na tanong nito na hinimas ng magaan ang kanyang ulo. Pagkatapos ay inilapag sa lamesa ang isang baunan."Ginawa ni Manang ang iyong paboritong chicken drumsticks at chopsuey ngayong gabi." Binuksan ni Felix ang baunan at humalimuyak ang mabangong amoy ng ulam.Napangiti si Yuna nang makita ang masarap na pagkain. Napangiti naman si Felix nang makita ang magandang ngiti ni Yuna, at bahagyang lumambot ang kanyang mga mata.Habang kumakain sila ay may kumatok sa pinto ng ward, at pagkatapos ay itinulak ito pabukas. Si Patrik ang nakita nilang nakatayo sa pintuan, hawak ang isang bouquet ng pink na rosas sa kanyang mga payat na kamay. "Anong ginagawa mo dito?" Nanlamig ang mukha ni Felix nang makita siya. "Narinig ko na naaksidente si Yuna" sabi nito."At narito ako para kamustahin siya." Ngumiti si Patrick at mabilis na naglakad papasok. "Yuna, pumunta ako para kamustahin ka." Iniabot ni Patrick.Ngunit sa sandaling iyon, nais
Ang akala ni Yuna ay aalalayan lamang siya ni Felix papuntang banyo pero nagulat siya dahil eto na ang nagtimpla ng temperatura pagkatapos ay dinala siya nito sa shower room at pagkatapos ay tinulungan na siyang magalis ng damit. "Ano ang ginagawa mo?sabi ko kaya ko na nga" tanggi ni Yuna.Ayaw niyang tulungan siya ni Felix na malinis ng karawan?."Huwag mong sabnihin papaliguan mo ako?""Oo naman, tama ang hula mo" sabi ni Felix."Ano? papaliguan mo talaga ako?ikaw ang maghuhugas ng katawan ko"gulat na tanong ni Yuna ."Anong nakakagulat doon? Anong parte ba ng katawan mo ang hindi ko pa nakita para magulat ka ng ganyan"msnghang tanong ni Felix " Biglang namula ang mukha ni Yuna "Huwag na nga hayaan mo na ako magisa" giit ni Yuna. "Hindi pwede, hindi ikaw ang masusunod, paano kung madulas ka sa banyo, mawalan ka ng malay o kaya tumama ulit ang ulo mo at maging delikado paano na? Bawal kang tumanggi" biglang sabi ni Felix pagkatapos ay bigla siyang binuhat ni Felix at dinala sa
Pagkatapos ng mahigpit na yakap ay isang napakasuyo at matagal na halik sa labi ang ginawa nito.Nagulat si Yuna at mahinang sinaaway si Felix"Felix, ano ang ginagawa mo?" "Saglit na lang" sabi ni Felix na itinuloy ang pagyakap sa kanya at mas pinalalim ang halik bago tumigil."Pinapupunta ako ng Mama sa hospital sandali" paalam nito.Gumalaw ang mga labi ni Yuna, may nais sabihin peroang tanging nasabi niya ay"Sige..." bukod sa salitang ito, hindi niya alam kung ano ang sasabihin.Pagkatapos niyang maaksidente sa sasakyan, iniligtas siya ni Felix at buong puso siyang inalagaan. Hindi niya kayang tanggihan ito ngayon o sa mas madaling salita ay hindi niya na kayang pakawalan ito ngayon.Kaya sa isip ni Yuna ay ayaw na muna niyang isipin muna ang mga masalimuot na bagay na iyon, tratuhin na lang niya ito bilang huling kasakiman niya.Sa ngsyon gusto niyang eenjoy na ganito sila ni Felix.Umalis na si Felix matapos siyang bilinan nang sangkatutak. Naghatid naman si Marlon ng isang ma
Nabigla man sa mga sinabi ni Yuna ay nanatiling nakangiti si Jessie."Sa totoo lang ay hindi ko kaya. Pero mahal ko si Felix kaya sinisikap kong mahalin na rin yung mga mahal niya.Kung pipilitin niya na panatalihin ka sa tabi niya ay pag aaralan kong tanggapin na dalawa tayo sa buhay nya at gagawin ko yun kasi mahal ko talaga sya" Sabi ni Jessie.Pero imbis na humanga ay para pang nasuka si Yuna a pagiging tanga at sakim ng babae."Sa totoo lang naiisip ko naman na hindi natin kailangan magtalo eh" Pagpapatuloy ni Jessie."Kung sasang ayon ka sa akin. Meron akong plano. Mula ngayon, pwede tayong tumira sa iisang bubong na magkakasama. Kung oras ko ay sa akin si Felix. Kung oras mo sayo si Felix tapos pag oras mo hindi ko kayo gagambalain pero wag mo rin kaming gagambalain sa oras namin.Pwede tayong ngkaroon ng scheduling tulabg ng kapag mwf ay sa kain siya at TThS naman sa akin at kapag linggo sama sama tsyong tatlo" mungkahi pa nito.Natawa ng pagak si Yuna sa pinagsasabi ni Jessie.
Napatingin si Felix sa screen ng telepono, kitang kita niyang talagang may itinapon na telepono sa labas ng bintana. Ayun iyon sa cctv ng lugar. Hindi mawari ang ekspresyon ng babae sa sasakyan. Siya ay nakasuot ng isang sumbrero at isang mask."Ano ang sumunod na nangyayari?" Malamig ang buong katawan ni Felix tagos hanggang buto ang takot niya. Nakakakilabot din ang lamig ng boses ni Felix. Ipinagpatuloy ni Marlon ang report..Pagkatapos ay nagmaneho ang inyong asawa patungo sa isang maliit na bayan sa labas ng lungsod. Doon, iniwan niya ang kotse at pumasok sa isang tindahan ng damit. Pagkatapos noon, wala nang surveillance kaya hindi na nakita pa kung saan na nagpunta si Madam."Siguro sa tindahan ng damit na ito nagpalit ng damit at nag disguise ang asawa nyo Sir, at umalis sa likod ng pinto. Walang surveillance doon, kaya hindi namin siya matunton sa puntong ito, nawala siya ng tuluyan sa kanilang paningin.Malungkot ang mukha ni Felix. Sa sandaling iyon tila kinailangan na ni
Dinala mo ba ang lahat ng damit para sa akin? " tanong niya."Oo, ibinili na din kita ng sportwear, at sumbrero saka itong request mo na mask" pabulong na sabi ni Myca.Para makatakas, siyempre kailangan niyang magsuot ng sportswear at sumbrero.Isinuot ni Yuna ang dala ni Myca ng tumunog ang kanyang cell phone.Ang kanyang mobile phone nasa kanyabg bulsa, kinuha niya iyon at bumulong kay Myca.Si Felix ang tumatawag" sabi niya na halos pawisan ang kanyang ilong, ngunit kailangan niyang tratuhin ito nang mahinahon at ipinikit ang kanyang mga mata."Hello." " Narinig kong nagpunta la daw ng Time Square?" Alam na agad ni Felix kung nasaan si Yuna.Kanina lang ay tinawagan niya si Leon. Sinabi nito na si Yuna ay namimili sa Times Square. Sa una ay hindi masaya si Felix dahol hindi pa ito magaling, ngunit ang sumunod na pangungusap ni Leon ay nagpakalma sa kanyang inis. "Sir, sinabi ng iyong asawa na malapit na ang Pasko. Gusto raw niyang pumili ng regalo para sa iyo." Pagkarinig nga
Matapos noon, nagmatigas si Yuna, ibinaba ang kanyang mga mata at sinabi,"Well, gusto ko nang matulog.""Okay." Banayad ang mga mata ni Felix ng sumagot at tinakpan nito ng kumot ang asawa. Pumikit si Yuna.Matapos ang mahabang sandali ay hindi umalis si Felix sa tabo niya, Sa katunayan, hindi pa talaga siya inaantok sinabi lang niya iyon para iwan na siya ni Felix, ngunit naroon pa rin si Felix , at ang kanyang presensya nito ay masyadong malakas, kaya hindi niyang magawang makatulog.Wala ng magawa si Yuna kaya napapikit na lang siya.Hindi ko alam kung gaano katagal, pero dumapo ang kamay ni Felix sa noo niya at marahang hinaplos ang pisngi nito.Bahagyang nanginig ang mga tuhod ni Yuna lalo na ng hinalikan siya ito. Hinalikan siya nito ng marahan.Iba sa bawat nangingibabaw at mariing halik noon, maingat siya itong hinalikan ngayon.Unti-unting nag-init ang halik na nag-aapoy sa kanyang mga ugat.Hindi na nangahas si Yuna na magkunwaring tulog at biglang idinilat ang kanyang m
Pasensya ka na Myca, kailangan sa ibang lugar tayo magita at kailangan mong mag disguise muna""Okay lang naman 'yan." Ipinaalala sa kanya ni Myca."Na activate ko na ang card at mobile phone para sa iyo, at nag withdraw ako ng 100,000 sa cash. Medyo mabigat nga lang. Pwede ko bang ilagay sa isang maleta?""Oo, salamat, Myca.""Yuna, magiingat ka, nagaalala ako pero alam kong alam mo ang ginagawa mo.Sa susunod na pagkikita natin, sana sabihin mo na sa akim ang lahat." Pakiusap ni MycaNapuno ng luha ang mga mata ni Yuna."Okay." sa puntong ito, may kumatok sa pinto sa labas laya nataranta si Yuna. Bimilis ang tibok ng puso ni Yuna at nanuyo ang kanyang lalamunan. Inalarma niya ang sarili at sumagot"Sino yan?""Ako ito. ?" Boses ni Felix iyon. Nakatayo ito sa pintuan ng banyo.Takot na takot si Yuna kaya muntik nang mahulog ang phone sa kamay niya. Hindi niya alam kung narinig ba nito sng usapan nila ni Myca. Agad niyang binaba ang telepono at lumabas ng banyo.Paglabas niya, nakit
"Hello po." Sagot ni Yuna sa tawag ngunit ang kanyang puso ay tumibo ng malakas. Ang pakiramdam niya para siyang gumagawa ng pagkakasala na itinatago. Pakiramdam niya ngayon pa lang ay gumagawa na siya ng mali."Nagpapalit ka na ba ng benda sa ulo mo? " Banayad ang boses ni Felix sa kabilang dulo ng telepono habang nagtatanong."Oo, napalitan na, bago na." Maiksing sagot niya."Saan ka pa nagpunta " tanong nito alam niyang alam ni Felix na hindi pa siya umuuwi, na wala siya sa bahay. Medyo naguilty si Yuna at napasulyap kay Myca bago nakangiting sinabi."Nasa studio ako. Ilang araw na rin akong hindi nagtatrabaho, at marami akong nakasalansan pwnding na trabaho.Sumaglit lang ako para harapin sandali ang mga pending" pagsisinungaling ni Yuna.Nakasimangot si Felix ng marimig na nagpunta sa trabaho si Yuna."Pasyente ka pa rin ngayon, bawal kang magtrabaho, umuwi ka ng maaga, sasabihan ko si Manang Azun na magluto ka ng masarap." utos nito sa kanya.Napaka gentle ni Felix sa kanya nito
Hindi mapakali si Yuna kaya dinayal niya ulit ang numero ng biyenan. Medyo hindi nakatiis si Yuna, gusto niyang siguruhin kung galing nga ba dito ang mensahe. Pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Pero maya maya ay nakatanggap siyang muli ng mensahe."Wag mo na akong tawagan, hindi mo ako makokontact. Kailangan mo lang malaman na nagsasabi ako sa iyo ng totoo. Huwag ka nang magtiwala kay Felix. Galit siya sa tatay mo. Kung magtitiwala ka ulit sa kanya, paglalaruan ka lang niya" sabi sa mensahe."Kung hindi ka naniniwala sa akin, hintayin mo na lang lumabas ang tatay mo at tanungin mo siya kung si Felix nga ba ang nanakit sa kanya" dagdag pa nito.Lalong nalito si Yuna, alam niyang pinarurusahan siya ni Felix dahil sa shotgun na kasal at ang ama ay makukulong naman ng ilang taon dahil sa isang pagkakamali sa pera.Laya gulat na gulat siya sa isiniwalat na ito. Kung totoo nga ito malamang ay habang buhay siyang magbabayad ng kasalaan.Sinubukan ulit ni Yuna na tumawag muli sa num
Sa kabilang banda.Tatlong araw na hindi nakapunta sa ospital si Jessie. Sa ikaapat na araw, naramdaman ni Donya Belinda na baka may nangyari kaya tinawagan nito si Jessie. Marahang nagsalita si Jessie ng sagutin ang telepono,"Madam, sa tingin ko hindi na ako dapat pumunta sa ospital para makita ka ulit. Madam ang itinawag niya dito at hindi tita. Napasimangot si Donya Belinda."Bakit?anong nangyari?" Saglit na namang nanahimik si Jessie, at bumulong"Wala lang, Madam, dapat magpahinga ka ng mabuti."Bakit Madam ang tawag mo sa akin?" Hindi nagsalita si Jessie."Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari." pilit ni Donya Belinda sa kanya.Tila hindi na nakayanan ni Jessi ang tanggihan si Donya Belinda, at napabuntong hininga,"Madam, naging matagumpay na ho ang iyong operasyon. Sinabi ni Felix na wala siyang balak na pakasalan ako, at hiniling na lang niya sa akin na huwag pumunta sa ospital upang guluhin ka." Nagdilim ang mukha ni Donya Belinda,"Sinabi ito ni Felix sa iyo?" hindi mak
Biglang nalungkot si Yuna nang sandaling iyon.Dahil ang damdamin na iyon ay malapit nang maging alaala na lamang na ibabaon niya ng malalim sa kanyang puso habang buhay.Hindi niya alam kung gaano katagal bago niya talaga makayang bitawan ang lahat matapos silang maghiwalay, pero mapapaghilom ng panahon ang lahat.Kaya pagkatapos ng hapunan, tinanong ni Yuna si Felix."Anong oras ka babalik sa mansion?" Si Felix na kanina pa nakangiti, pero biglang naging malamig ang mukha nang marinig ang sinabi nito."Itinataboy mo ba ako" nakasimangot na tanong nito."Hindi naman pero halos alas nueve na pala. Aabutin ka ng hindi bababa sa kalahating oras upang makabalik sa mansion.Kailangan mong pumunta sa ospital upang bisitahin ang iyong ina bukas ng umaga hindi ba? Kaya dapat bumalik ka ng maaga ngayon." Nang matapos magsalita si Yuna, nagsimula siyang maglinis ng mesa.Natikom ng mahigpit ni Fel ang kanyang mga labi at napakunot ng noo.Maya maya pa, sabay na siyang tumayo at nagligpit.Nang
Nakaramdam ng awa si Yuna para kay Felix. Siya ay kamakailan lamang na naospital, at ang ina nito na si Donya Belinda ay naospital din. Kailangan din nitong asikasuhin ang mga gawain ng kompanya at ilang lugar ang kailangan nitong puntahan sa loob ng isang araw. Naiimagine na ni Yuna kung gaano iyon kahirap.Nang makita ni Yuna na nakatulog na ito ay, hindi na siya nagsalita pa bagkus ay marahang nag squat pababa at napatingin sa gwapong mukha nito.Sa oras na ito lamang siya nangahas na tingnan nang walang pag-aalinlangan ang asawa."Ano ba ang tinitingnan mo " Bigla nagmulat ng mata si Felix na ikinagulat bigla ni Yuna.Nahalatang niyang namumula ang ang mga ugat sa ilalim ng mga mata ni Felix ngunit ngumiti ito, malinaw na pinipilit na maging matatag.Natigilan si Yuna at sinabing,"Pinag iisipan ko kung gigisingin kita o hindi."Hindi ako tulog, nagpapahinga lang ako habang nakapikit." Tiningnan niya ang malambot na maliit na mukha nito, at lumambot ang kanyang ekspresyon."Pagod