Dahil nga hindi mapakali si Yuna, naisipan niya na lamang na lumabas at magpunta sa isang mall.Naghanap siya ng isang mamahaling jade amulet para ibigay kay Patrick para kapalit.Kailangan niyang kunin ang buda amulet pabalik para hindi na siya parusahan pa ni Felix para hindi na rin magalit si Felix sa kanya.Nakiusap si Yuna na makipagkita sa kanya si Patrick sa isang western restaurant at sinabi na lamang niya na ite treat kita ng lunch pumayag naman si Patrick at nagpakita sa kanya sa oras ng kanilang usapan. Nakasuot si Patrick ng casual shirt lamang na damit pero gwapo pa rin at charming pa rin ang binata.Nahihiya si Yuna na magsalita at simulan kung ano man ang pakay niya kaya't sinabi na lamang niya na umorder na ang lalaki ng pagkain."Mister President, sinabi ko sayo na ililibre kita ng tanghalian kaya pwede ka nang umorder" napangiti naman si Patrick at umorder nga ng dalawang klase ng ulam sinundan naman ito ni Yuna ng dalawa pang klase ng ulam.Tahimik sila habang kumakai
Napansin naman ni Patrick na para lutang si Yuna, biglang namutla si Yuna at parang tulala kaya hinabol ito ni Patrick at hinawakan ang kanyang kamay"Yuna, parang hindi ka okay. Kung ako na lang kaya ang maghatid sayo kung saan ka man pupunta baka kasi mapahamak ka sa pagmamaneho" alok nito.Tumango naman si Yuna at sinabi nya na kailangan niya talaga ng makakasama dahil para talaga syang hindi okay para siyang biglang nanlalata at posibleng baka hindi nga siya safe para magmaneho.S wakas ay naihatid sIya ni Patrick sa ospital. Lumabas si Yuna sa sasakyan at nagpasalamat kay mister Patrick at sinabing iti treat niya na lang ulit sa dinner kapag may time. Tumango naman si Patrick at ngumiti."Sige okay lang huwag mo akong alalahanin" sabi nito na nagpaalam na.Nang dumating na siya sa pintuan ng ward at huminga ng malalim si Yuna at binuksan ang pinto. Nang bumukas ang pinto at tumingin si Yuna sa loob, ang unang bumungad sa kanya ay ang mukha ni Jessie. Nakita niyang abala ito at h
"Fourteen weeks na ang tiyan ko at sa mga susunod na buwan ay umbok na ito at magiging halata na masyado. Alam mo bang pinangangalanan na ito ni Tita Belindana. Gusto niya ay Bryan Franz na ang ibig sabihin daw ay daring at fighter at magiging successful daw ang anak namin sa career" kuwento nito. Napatingin si Yuna sa tiyan ni Jessie pero walang sinabi."Si Tita Belinda na mismo ang nagsabi na kinikilala na niya na ako bilang asawa ni Felix at ang sabi niya pa matapos daw ang kanyang operasyon ay ipapakasal niya na kami ni Felix para maging legal ang bata" sabi ni Jessie sa kanya. Nahihiya man ay tumingin si Jessie at nagpapaawa sa harap ni Yuna."Yuna umaasa ako na maisasagawa mo agad ang huling hiling ni tita Belinda bago pa mahuli ang lahat kaya sana hinihingi ko ang kooperasyon mo. Please i divorce mo si Felix sa lalong madaling panahon" matapos sabihin iyon ay tiningnan ni Jessie ang reaksyon ni Yuna .Nakita nyang medyo namutla ito kaya nagpatuloy si Jessie."Sinabi sa akin
Nagulat talaga si Yuna ng marinig na hawak ni Felix ang bracelet."Kaya mo ba to ipinagbili dahil sira?" tanong ni Felix sa kanya."Aah oo" yun na lamang ang sagot ni Yuna, hindi naman niya masabi kung ano ang totoong dahilan kung bakit niya pinagbili pati yung bracelet na sira."Hindi naman talaga to sira hayaan mo at ipapaayos ko ito mamaya huwag mo itong itapon" sabi ni Felix sa mahinahong boses. Wala na lang nasabi si Yuna. Mamasa masa na kasi ang kanyang mga mata and crack na rin ng boses nya kaya minabuti na lang nyang huwag nang magpaliwanag."Sige, pabalik na ako dyan" yun na lang ang sinabi niya."Okay hihintayin kita" sagot ni Felix pagkatapos ay tinawag si manang Azun at inutus itong gumawa ng isang ulam ni medyo maanghang."Ah eh Sir, ano po ba ang gusto nyong iluto ko?" tanong naman ni manang Azun."Paborito ni Yuna ang hipon ah, mabuti siguro kung gumawa ka na lang ng spicy seafoods flatter, gustong gusto niya yun" utos ni Felix. Tumango tango naman ang matanda.Pagka
Matapos magpasalamat ay lumaway na lamang si Yuna sa binata at hinintay nito hanggang sa makalayo ang sasakyan ni Patrick sa driveway. Saktong paglingon niya ay nakita niya ang madilim na mukha ni Felix na nakatayo sa pinto ng villa. Madilim ang mukha at at magkasalubong ang mga kilay.Medyo kinabahan si Yuna ng makita ang tila galti sa mga mata nito kaya nag aalangang lumapit si Yuna palakad patungo sa pintuan. Balak niya sana ay hindi pansinin si Felix at dumire diretso na lamang sa loob ng villa pero nabangga niya ang balikat nito kaya napahinto si Yuna kaya nakorner siya nito."Bakit kasama mo sya?kayo bang dalawa ang magkasama kanina?' tanong ni Felix na hinatak siya sa kanyang braso."Hiniling kong magkita kami para kunin sa kanya yung amulet at ibinalik naman niya sa akin" yun na lamang ang naging sagot ni Yuna pagkatapos ay medyo itinulak palayo si Felix at tinangkang makawala sa mga bisig nito. Pero hindi pumayag si Felix at mas lalo lamang siyang niyakap nito at inilagay pa
"Ano ba Felix, hindi mo ba naiintindihan? hindi kita mabigyan ng anak at napakasakit nun! Nalaman na ng mama mo na buntis si Jessie sa anak niyo." Nabigla si Felix "Pagdating ko doon nakita ko na si Jessie naang nag aasikaso sa kanya at ang mama mo itinuturing na si Jessie na siya yung manugang. Sinabi mismo sa akin ng mama mo na magpunta sa ospital dahil gusto niya akong makausap. Alam mo ba kung ano yung sinabi nila? na madaliin na daw natin yung divorce dahil pag naging successful daw yung operasyon ng mother mo ay gusto nang mother mo na ipakasal na kayo ni Jessie agad agad" nabasag ba ang boses ni Yuna."Alam mo kung ano yung nakakatawa pati si Jessie ay nag eenjoy naman na gampanan yung dapat ay gawain ko" sabi ni Yuna na bagamat sobrang lungkot ay sobrang galit din naman.A lam mo ba kung ano yung masakit at tsaka yung ikinagagalit ko, ay anbg katotohanang alam mo na nandun si Jessie at alam mo rin na si Jessie na ang nag aasikaso sa nanay mo" sumbat niya.Namutla si Felix at
"Tuparin mo yung pangako mo Felix!"sigaw niya."Ikaw ang unang hindi tumupad sa pangako" sabi naman ni Felix."Niloko mo ako, ikaw ang hindi tumupad" Nagtaka si Yuna."Anong sinasabi mo? alam ko yung mga plano mo, wala kang maitatago sa akin" sabi ni Felix.Wala halos masabi si Yuna, sabagay hindi nga naman nakapagtataka na alam ni Felix ang lahat. Alam niyang alam ni ni Felix ang tungkol sa nagiging pakikipag deal niya tungkol sa kanyang ama.Gusto sanang magtanong ni Yuna lung alam nga nito pero hindi niya nagawa dahil sakop na ni Felix ngayon ang mga labi niya.Pero, tumangi si Yuna, hindi na siya papayag na muli pang mahulog muli kay Felix kaya pinipilit niyang iwasan ang mga halik nito."Tumigil ka huwag mo na akong halikan!" Sita nito.Lalong dumilim ang mukha ni Felix dahil sa pagtanggi ni Yuna na halikan siya.Sandaling natigilan si Felix at tumingin ng makahulugan sa kanya. Pero walang pakialam si Yuna."Kahit na anong mangyari makikipag divorce pa rin ako sayo hindi ako gusto
"Kaya ka aalis dahil akala mo hindi kita mahal?" tanong ni Felix pero nagta tagis na ang kanyang mga bagang"Syempre, ano naman tingin mo sa kin bato hindi naman ako ganun katigas. Siguro naman may karapatan naman akong maghanap ng taong magmamahal sa akin kasi unfair eh.Ikaw nandyan na si Jessie buntis pa.So, ano na ako? Asan na ako dun? ano po bang kailangan mo sa akin? Gusto mo ba akong maging tao tauhan mo na lang ako o alagang aso nasa susunod na lang sa anumang gusto mo?" sumbat na ni Yuna.Tagos sa buto at lamang ang lahat ng sinabing iyon ni Yuna. Muling bumalik sa kanya ang katotohanang hindi talaga siya nagawang mahalin ni Felix."Alam ko, magiging napakahirap para sa akin ang makipaghiwalay sayo. Sino ba ako? aaminin kong dadaan ako sa sa butas ng karayom at gagapang ako sa hirap pero gusto ko ng kalayaan.Kalayaan para hanapin ang sarili ko. Gusto ko ng kalayaan para hindi na ako makulong sa magulo at unfair na relasyong ganito. Gusto ko ng pagmamahal na hindi ko naranasan
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p
Kanina ay matatag Si Yuna, ngunit ng mabanggit ang ama at marinig ang pagiyak ni Myca, doon nagsimulang bumangon ang lungkot at takot ni Yuna. Kung tutuusin ay nangpapakatatag lamang siya pero matagal nang para siyang living dead. Mula ng mawala ang kanyang anak ay para na rin siyang buhay na patay. Tanging ang kanyang ama na lamang ang nagiisang hibla ng pisi na nagpapanatili ng kanyang katatagan."Attorney Sandro, maaari ka nang bumalik at sabihin sa kanya na huwag nang mag-alala tungkol sa akin. Wala na akong pagmamahal sa kanya, tanging poot na lamang."Napatingin si Sandro sa kanyang payat na pigura at hindi alam kung ano ang sasabihin. Pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, nagtanong si Sandro."Sigurado ka ba Yuna?""Oo. " Tumango siya ng ilang ulit. Walang pagpipilian si Sandro, kundi mag-impake ng mga dokumento at tumayo para lisanin ang lugar. Lugar na alam niyang ayaw ni Felix kahantungan ng asawa nito."Attorney Sandro." Bigla siyang tinawag ni Yuna. Lumingon si Sandr
Halos manikip ang dibdib ni Felix sa mga narinig. Ang dugo sa kanyang katawan ay parang biglang kumulo at umapaw hanggang sa kanyang bumbunan.Halos hindi niya makontrol ang kanyang emosyon, at gusto niyang pigilan ang mga pulis upang huwag hulihin si Yuna. Ngunit si Yuna ay nakaupo sa itaas ng puno, kaya hindi siya nangahas kumilos ng padalos-dalos. Dalawa ang kinakatakutan ni Felix: una, baka maisip ni Yuna na talon kapag natakot, dahil sa kasalanang iyon; at pangalawa, hindi niya kayang makitang damputin si Yuna ng mga pulis.Tumingin si Yuna kay Felix, itinaas ang gilid ng kanyang mga labi, at pagkatapos ay tumitig sa kanyang mga mata. May bakas ng nakatagong lungkot at poot—para bang sinasabi nito kay Felix na oo, ayaw niyang humingi ng tawad kay Rowena, at tumatanggi itong tanggapin pa ang kabaitan ni Felix.Natakot si Felix. Sa ilang segundo, sa sandaling tinulungan niya si Yuna at ilang pulis sa pagbaba sa puno, halos gusto na ni Felix na lumapit at yakapin ito. Gusto niyang
"Sir, pumunta po si Madam para bisitahin ang kanyang ama na si Ginoong Shintaro? Pero hindi po siya nakapunta sa ward ni Miss Rowena?" Sagot ang tapat na tauhan ni Felix."Hindi niya pinuntahan si Rowena?""Hindi po, Sir." Nakagat na lamang ni Felix ang kanyang mga labi sa pagtitimpi."Ano pa ang sumunod niyang ginawa?" tanong ni Felix. "Pumunta po siya sa lumang villa, Sir," sagot ng tauhan."Anong ginagawa niya roon?" "Sir, si Madam po ay pumunta sa likod ng bundok ng lumang villa. Doon po sa puntod ng kanyang ina." "Um, pagkatapos po niyang pumasok sa lumang villa, hindi na po siya lumabas," dagdag ng unang tauhan."Kaya naisipan ko po na umuwi na lamang. At iniisip ko na maaaring doon na po magpalipas ng gabi ang inyong asawa." Hindi maipaliwanag ni Felix kung bakit nakakaramdam siya ng kaunting pagkabalisa. Patuloy na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Hindi talaga siya mapakali at tila kinakabahan. Kaya agad kinuha ni Felix ang telepono at lumabas. Pagkatapos ay inutusan ni
"Kuya , ibig mong sabihin, hahayaan mo lang siya na makalapit pa rin sa akin at hahayaan mo na saktan niya ako ulit kahit kelan niya gusto?" naaagrabyadong sinabi ni Rowena."Napakawalang halaga ba ng buhay ko? Gusto niya akong patayin, ngunit hindi ako namatay. Ngayon gusto niyang makipagkompromiso ako at patawarin siya." Tingin ito ng may pagdaramdam kay Felix."Kung patatawarin ko siya, hindi ko mapapangako sa kanya na hindi niya ako sasaktan. Sa kasong ito, magiging ligtas ba ako sa hinaharap?" Tanong ni Rowena.Natahimik sandali si Felix, Nagisip muna ito ng mabuti pagkatapos ay sinabi kay Rowena ang nais nitong marinig."Kung sasaktan ka niya sa hinaharap, sige poprotektahan kita." Iyon na lamang ang sinabi ni Felix para matapos na ang usapaan nila. Alam niyang iyon ang igigiit ni Rowena at iyon ang hinihintay nitong sabihin niya.Samantala sa kabilang dako........Nakita din ni Yuna sa balita na nailigtas nga si Rowena.Tatlong araw daw siyang naanod sa dagat, at ang pangyayar
"Mr.Felix, Nandito ako para makipag-ayos sa kanya!" Itinuro nito si Yuna. Ang mga mata ni Robert ay may kakaibang titig kay Yuna. Tahimik itong humihigop ng kanyang sopas, at nang marinig niya ang mga salita ni Robert, ngumiti siya at nagtanong, "Patay na ba si Rowena?" Nagbago ang mukha ni Robert nang marinig niya iyon,"Ikaw babae! hindi ako makapaniwalang napakasama mo palang babae! Hindi pa ako nakakita ng ng babaeng ganito kasamang na tulad mo. Matapos itulak si Rowena sa dagat, wala ka man lang bahid ng panghihinayang o takot!" Sabi ni Robert at lumakad para salakayin si Yuna. Hinawakan ni Felix ang kamay ng lalaki saka ito tinitigan g may pagbabanta at sinabi sa malamig at walang malasakit na boses, "Robert Ikaw ay nasa pamamahay ko, kung maglakas-loob kang saktan ang asawa ko ulit, hindi ako magdadalawang isip, gusto mong subukan?""Kapatid mo si Rowena!" Nagulat si Robert. Talagang ipinagtanggol ni Felix ang masamang babaeng ito hanggang sa oras na ito.Si Felix ng