Share

Four (2)

Penulis: BellaDonna
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-07 18:25:25

“Sus! Denial pa itong babaita na ito! Gumalaw ang ilong mo ibig sabihin kinilig ka rin!” Hindi pa nakuntento si Chelle at malakas itong humalakhak na akala mo kami lang ang tao sa opisina. “Basta! Iba ang kutob ko d’yan kay sir Jax. May duda nga ako na siya iyang secret admirer mo na palaging nagbibigay ng mga bulaklak. Grabe! Ganda mo talaga, girl!” Dagdag na saad ni Chelle. 

Gusto kong takpan ang mukha ko sa kahihiyan ng sinasabi nito. Imposible kasi na mangyari iyo dahil sa bikod na nakikita ko kung gaano nito kamahal ang yumaong asawa, ano ba ako kumpara sa mga babaeng dini-date nito ngayon?  

Muli kong hinampas si Chelle nang akma itong magsasalita. Kung anu-ano na lang ang sinasabi.  

Hindi ba ito natatakot na marinig ng ibang kasama namin?  

“Ewan ko sa’yo. Punta muna ako ng cafeteria. Nagutom ako bigla.” Lumabas ako at iniwan na si Chelle doon. Ayokong makipag-usap sa kan’ya kapag iyon ang topic niya. Nakakahiya na nakakainis. Napaka-imposible kasi base sa kung paano ako tratuhin ng boss namin. 

Nasa ika-30 na palapag ang opisina ni sir Jax kaya nandoon din ang cubicle namin. Sa katunayan ay nandoon ang buong team na nagha-handle sa lahat ng transactions ni sir. Kami ni Chelle ang mas malapit sa opisina mismo ng CEO at katabi sa opisina ni miss Cindy. Mayroong glass partition ang cubicle namin ni Chelle kaya hindi masyadong naririnig ang pinag-uusapan namin sa labas, gano’n din kay miss Cindy na executive secretary ni sir.  

Habang naglalakad ako patungong elevator ay nakasalubong ko si Elise Trinidad, ang anak ng presidente ng Pilipinas. Sandali akong natigilan at piangmasdan ito mula ulo hanggang paa. 

Maarte itong naglalakad habang nakataas ang noo. Napatingin ako sa suot niyang damit. She wore a very sexy dress in red with a thin spaghetti strap. Hindi lingid sa kaalaman namin na patay na patay ang babaeng iyon kay sir Jax. Kahit na medyo malaswa ang suot nitong damit dahil kaunti na lang ay luluwa na ang malalaki nitong dibdib ay hindi pa rin maikakaila na magaling itong magdala sa sarili. She looked sexy but classy.  

Napataas ang kilay ko sa suot nitong damit, halatang inayos niya talaga ang sarili para maakit si sir Jax. Kaunting hila na lang kasi ay luluwa na talaga ang dibdib nito at kaunting yukod ay sigueadong makikita na ang pwet nito. Napailing na lamang ako. Iba pa rin talaga ang karisma ni sir kahit na masama ang ugali.  

“Masungit pa rin siya kahit na guwapo kaya ekis pa rin,” bulong ko sa sarili bago sumakay sa elevator.  

Pagkabukas ng pinto ng elevator ay kaagad na sumalubong sa akin ang isang batang babae na sumihinghot habang pinapahiran ang pisngi nitong puno ng luha. Natigilan ako sa nakita. Kaawa-awa ang itsura nito habang nakaupo sa isang gilid. May mga taong dinadaraanan lamang siya at hindi man lang pinapansin.  

Kaagad ko itong nilapitan at tumalungko ako sa harap niya para magpantay ang mga mukha namin. Hindi siya nagsalita nang makita ang ginawa ko. Patuloy lamang ito sa paghikbi. Her nose was red and her eyes were full of tears. Namangha ako sa ganda ng bata.  

Ngumiti ako sa kan’ya. “Hi. Bakit ka umiiyak?” Sinigurado ko rin na malambing ang boses ko para hindi matakot ang bata.  

She was dress in a frozen-themed gown with a small tiara on top of her messy hair. Tantiya ko ay nasa pitong taon ang batang ito base sa laki niya.  

Mas lalo lamang itong ngumawa nang magtanong ako. Nataranta ko itong niyakap para tumahan.  

“I want my daddy, I can’t find him.” Suminghot ito at ang mga luha ay patuloy na tumutulo.  

Nakadam ako ng awa sa sinabi nito. Nasaan na ba ang ama ng batang ito? Wala bang nagbabantay sa kan’ya? Marami pa naman mga masasamang loob ang naglipana sa paligid.  

“Tahan na, baby. Tutulungan ka ni ate. Nawawala ka ba? Kasama mo ba ang daddy mo dito?” Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala naman itong ibang kasama. “Ano ba pangalan mo para matulungan kita?”  

“My grandma said I should not talk to strangers. I don’t know you po, ate kaya you’re a stranger.” Sagot nito sa paggitan ng paghikbi. Pinahid nito ang basang pisngi.  

Diyos ko po, englisera pala itong batang ito. Mapapasak ang pang-kanto kong englis dito. Sana naman nakakaintindin ito ng tagalog. Gusto kong mapakamot sa buhok ko pero pinigilan ko ang sarili.  

Bigla nag-alburuto ang tiyan ko tanda ng matinding gutom. Hindi ako nakapag-almusal kanina dahil hindi ako mapakali. Ngayon lang ako nakadama ng gutom. Pero tutulongan ko muna itong bata na mahanap ang ama niya.  

“Paano kita matutulungan niyan kung hindi mo ako kakausapin? Nawawala ka ba? Saan na nanay mo?” Ngumiti ako ng matipid sa kan’ya. Diyos ko! Ang gandang bata naman nito! 

“I was just wandering and I lost my yaya. I'm here to visit my dada po kasi dahil na-miss ko na siya.” Lumabi ito na parang nagtatampo pa sa ama.  

Napatango na lamang ako. So, hinahanap ng batang itong ang ama niya. Kahit na nagugutom na ako at gusto ko ng kumain, hindi ko naman maiwan ang kawawang bata. May kung anong humaplos sa puso ko. Napakaamo kasi ng mukha nito, dagdagan pa ng pag-iyak nito. Parang nakikita ko ang sarili ko na namimiss na ng husto ang mga magulang.  

“Sino ba ang papa mo? Para mahatid na kita sa kan’ya.” Sinuklay ko ang magulo nitong buhok. Mukhang may lahi ang batang ito dahil kulay brown ang buhok nito at mga mata ay kulay abo, parang pamilyar pa sa akin ang mga mata nito.  

Nag-isip pa ng ilang segundo ang bata, parang nag-iisip kung maniniwala pa ito sa akin o hindi. Muli nito pinahid ang pisngi na may kaunting luha pa na natira.  

“Ang papa ko ang may-ari ng building na ito.” Nakahinga ako ng maluwag, marunong pala talaga magtagalog.  

Natigilan ako sa narinig. Tama ba iyong narinig ko? Hindi ba ako nagkamali ng dinig sa sinabi nito? Napatitig ako sa mukha ng batang babae. Napaawang ang bibig ko nang matanto na anak pala ni sir Jax itong bata. Mayroon talagang resemblance sila ni sir Jax. Ang mga mata nito ay kaparehas sa kulay ng mata ni sir na kulay abo, kaya pala parang pamilyar ang itsura nito.  

“Alam mo, kilala ko ang papa mo. Isa ako sa mga sekretarya niya at puwede kitang tulungan na makapunta sa opisina niya. Gusto mo ba iyon?” tanong ko sa bata. “Ano pala pangalan mo?” 

Pinahid muna nito ang tuyo na pisngi bago nagsalita. “My mom named me Amythyst, derived from her birthstone.” 

Noong una ay parang nag-alinlangan pa ito. She looked at me. Hindi ako makakilos at nahigit ko ang hininga nang magtagpo ang mga mata namin, para kasing si sir ang nakatitig sa akin. Kuhang-kuha ng batang ito ang mata ng ama kaya para na rin akong nakipagtitigan kay sir Jax, at dahil doon ay ramdam ko ang biglang pag-iinit ng aking pisngi.  

S***a ka, Bree! Nagpapadala ka na sa mga sinasabi ni Chelle sa’yo! 

“Are you sure you’re not one of the bad guys? My dad will punish you if you lied, he hates liars.”  

Nagumiti ako at pinahid ang natirang luha sa gilid ng mata nito. Sinuklay ko rin gamit ang mga daliri ko ang nagulo niyang buhok at inayos ang tiara sa tuktok ng ulo nito, hinayaan lang din niya ako sa mga ginawa ko.  

Itinaas ko ang kanang kamay bago nagsalita. Ipinakita ko rin sa kan’ya ang company ID na nakasabit sa leeg ko. “Promise, I'm not one of the bad guys. Let’s go?” Tumayo ako at inilahad ang aking kamay sa kan’ya.  

“Okay po, I trust you.”  

Amythyst took my hand. Napangiti ako dahil ang cute ng kamay niya kumpara sa kamay ko. Hindi ako makapaniwala na may anak si sir Jax na ganito ka-cute, at sweet pa.  

Nagpatianud si Amy sa paghila ko. Bumalik kami sa ika-30 palapag. Hindi ko maiwasang kabahan habang papalapit kami sa opisina ni sir Jax, may atraso pa ako sa kan’ya at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung kaharap ko na siya. Hindi pa dapat ako magpapakita sa kan’ya pero ano naman ang gagawin ko dito sa bata? Alangan naman na iwan ko lang itong mag-isa doon, baka mapahamak pa ito at ako na naman ang sisisihin.  

Gusto ko na lang talaga tampalin ang noo ko. Ngayong linggo ay puro na lang yata kapalpakan ang ginagawa ko, hindi ko naman sinasadya ang mga iyon at ingat na ingat na nga ako pero talagang trip yata ako gambalahin ng kamalasan.  

Nasa tapat lang naman ang cubicle namin ni Chelle sa CEO’s office, siguro si Chelle na lang ang uutusan ko na maghatid nitong bata.  

Tama! Iyon na lang ang gagawin ko para hindi na ako makita ni sir Jax, mahirap na.  

Itutulak ko na sana ang glass door ng cubicle namin nang biglang may nagsalita sa likod ko.  

“What the fuck are you doing?” Mababa ang boses nito pero puno iyon ng pagbabanta kapag hindi ko masagot ng maayos ang kan’yang tanong. 

Hindi ako makagalaw nang makilala ko ang boses na nagsalita sa likod ko. Tumigil yata ang baga ko sa pagbuga ng hangin at ang puso ko ay tumalon na yata palabas sa ribcage ko! Diyos ko!  

“Daddy!”  

Matinis ang boses ni Amy at bigla nitong hinila ang kamay na hawak ko. Nakagat ko ang sariling labi dahil ayoko kong humarap kay sir Jax. Presko pa sa isip ko ang mga nangyari kahapo, naghalo ang guilt at takot sa puso ko, samahan na rin ng hiya.  

“Why are you with my daughter? Are you planning to do?” Ngayon ay mapanganib na nag boses niya.  

Doon na ako humarap sa kan’ya. Tunog pang-aakusa na siya at hindi ko mapigilan na makadama ng inis. Pero nang magtagpo ang mga mata namin ay bigla yata umurong ang inis ko. Nagbabaga ang mga mata nito, kitang-kita ko ang galit at panghuhusga sa mata niya habang nakatitig sa akin.  

Napalunok ako ng wala sa oras. Nakakatakot talaga ang itsura ni si Jax.  

“Ano po kasi... nakita ko po si Amy na umiiyak doon sa ibaba, kaya tinulungan ko siya na makabalik dito. Ang sabi kasi niya nawawala raw siya.” Maliit ang boses ko, parang takot na kuting.  

“Daddy, is she your secretary? She helped me find you again! I like her already!” deklara ni Amy.  

Kaagad na bumaling si Jax sa anak at kinarga ito. Ngayon ay kitang-kita na talaga ang pagiging magkamukha nilang dalawa. Amy is the softer version, while sir Jax is the monster version.  

Ang mabangis niyang mukha kanina habang nakatingin sa akin ay napalitan ng maamong mukha ngayong nasa bata na ang tingin nito. Namangha ako sa biglaang pagbabago ng kan’yang facial expression.  

“Really? She didn’t do anything to you?” Nagdududa itong tumingin sa gawi ko. 

Umiling lang ang bata at inilibot ang maliliit nitong mga braso sa leeg ni sir. “Nope, she’s kind and I like her already. Can I take her home with me? I want her to be my friend. Wala kasi akong friends.” 

 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    Five (1)

    Huminga ng malalim si Bree para pakalmahin ang naghuhuramentado niyang puso. Dumuble ang kaba niya noong nakaharap na niya talaga si sir Jax at nakita sa mga mata nito kung gaano ito kagalit sa kaniya. Nag-aapoy iyon ng pang-aakusa. Napalunok ng wala sa oras si Bree. “Jax, darling, what took you so long?” Biglang lumitaw si Elise mula sa likod Jax na nakabusangot ang mukha. Pero nang makita nito na karga ni Jax si Amy ay biglang nagbago ang itsura nito. Umaliwalas ang mukha at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa bata. Hindi mawari ni Bree kung totoo iyon o pakitang-tao niya lamang. “Amy, baby! Oh, my... I’m so worried about you! Where have you been? Are you alright?” Maarte nitong sigaw sabay lapit at yakap sa bata. Napangiwi si Bree sa arte ng boses nito. Okay. Confirmed! Pakitang-tao lang iyon. Napataas ang kilay ni Bree nang sinadya ni Elise na idikit ang katawan kay Jackson nang yakapin nito ang bata. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga empleyado ni Jackson ang relasyon

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    Five (2)

    Jax was pulled from his train of thought when a soft and small hand caressed his face. It was Amy. Nakatingin ito sa kaniya na may nagtatanong na mga mata. Nagbuga ng isang malalim na buntong-hininga si Jax at pilit na ningitian ang anak. “What is it, baby?” “Daddy, please don’t fire ate Vicky. It's not her fault, it was my fault.” If there is someone who has the ability to bend Jackson’s decision, it’s his daughter Amy, aside from Cindy, of course, who is one of his trusted friends since college. He just loves his daughter dearly. She resembled his late wife’s face so much that it became hard for Jax to live with her. Kaya pansamantala itong nakatira sa mga magulang ni Jax. Besides, he’s a total mess right now, and Jax doesn’t want Amy to witness how wrecked he is. “Sir, pasensya na po talaga kayo. Pangako po pagbubutihin ko po ang trabaho ko.” Nagsalita ang yaya ni Amy na si Vicky na nasa gilid lang, nagsusumamo ang boses nito at mukha ng maiiyak dahil sa kaba. “Amy, baby,

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    Six (1)

    Spartan. The high-end bar owned by the infamous Andrei Morotov. It's Friday night, and as usual, the place was jammed-pack. People from the high society were swarming the bar like hungry bees. Some were dancing and bouncing their bodies to the upbeat music. Everybody was having a good time; some were out to search for a good fuck, while others just wanted to have some booze and enjoy. Malaki ang ngisi ni Andrei nang makitang paparating si Jax sa inuukopa nilang mesa sa VIP section. And as usual, Jackson’s face was scowling like the whole world was his enemy. Hindi mawawala sa mukha nito ang pagkakakunot ng mga kilay at ang walang emosyon na mga mata. Sila na magkakaibigan ay naiintindihan naman kung bakit naging ganoon ang ugali ng lalaki. He doesn’t talk too much anymore; he’s always scowling and he fucks hard. Ang buong akala nga nila ay hindi sila nito sisiputin. Simula kasi noong mamatay ang asawa nito ay hindi na ito masyadong nagpapakita sa kanila, maliban na lamang kung mg

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    Six (2)

    Monica, on the other hand, busied herself seducing Jax. She would press her huge boobies to Jax's arms, caressed him anywhere on his body. Hinayaan lamang ni Jackson ang ginagawa ng babae, hindi naman kasi iyon napapansin ni Jax kaya naging malaya ang babae. Hinaplos ni Monica ang panga ni Jax, dahilan para bumalik si Jax sa kasalukuyan. With brows knitted, he looked down at the woman beside him. Ngumiti ito ng kaakit-akit habang bumababa ang kamay nito patungo sa sentrong bahagi ng katawan ng lalaki. Mas lalong nangunot ang noo ni Jax nang sapuhin ni Monica ang kaniyang pagkalalaki. She gave it a little squeezed before she rubbed the pad of her palms on the fabric. Paulit-ulit nitong hinaplos ang ngayong tumitigas na na pagkalalaki ni Jax. He grabbed her hand with the intention to stop her. Pero nagmamatigas ang babae. Hindi makapapayag si Monica na hindi niya muling matitikman ang lalaki ngayong gabi. She waited for this opportunity, and she can’t let this go to waste. “What

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    Seven (1)

    Jax slammed the front door of his condominium unit. Hindi na siya umuwi sa bahay niya. He knew he’s not in a good state to drive. Mabuti na lamang at malapit lang sa hotel ang condo niya. The drive was not long, but it took a lot of effort to concentrate on his driving. Nanlalabo na kasi ang mga mata niya, dagdagan pa ng hindi maintindihan na damdamin na lumukob sa kaniyang puso. Nakakuyom ang kaniyang mga kamao at gustong sabunotan ang kaniyang sariling buhok. Hindi siya makapaniwala sa sarili. What he did was so out of the line. Walang kamalay-malay ang babaeng iyon na ginagamit niya ang imahe nito sa isip niya habang may katalik siya. “Fuck! What were you thinking, you stupid shit?!” Itinukod niya ang dalawang kamay sa bar counter ng kaniyang condo. Hinihingal siya at namumula sa galit; galit para sa sarili. “Shit!” Inis na hinilamus niyang ang mga palad sa mukha. He's just making everything more complicated. Pinatulan niya si Monica sa pag-aakalang mabubura sa isip niya si Br

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    Seven (2)

    He became suicidal, which made it difficult for the people around him to handle him. Ilang beses siyang naospital noon sa pagtatangkang magpakamatay. But every time he tried to hurt himself, his friends reminded him that the culprit was still out there, that he can’t die just yet. He still needs to punish the killer. Ito ang mga panahon na napagdesisyonan niyang sa mga magulang muna niya namatili si Amy. Hindi niya kayang masakasihan ng anak niya kung gaano siya ka wasak sa mga nangyari. Thankfully, because of Trisha’s help, and those people who really care about him, he overcame depression. The nightmares stopped and he was on his way to being a better version of himself. Kaya naguguluhan siya kung bakit bumalik ang masasamang panaginip na iyon. After her death, he became a changed man. He had trust issues and he opted for the company of himself alone. Hinayaan lamang siya ng kaniyang mga kaibigan sa mga pagbabago niya. Kath’s death changed him, and it was for the worst. “Okay

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    Eight (1)

    The annual grand ball for the celebreties is one week away from now. Lahat ng mga staff na involve sa pag-aayos ng naturang pagtitipon ay walang pahinga sa kanilang trabaho. They had to make sure that the event will be a blast, and that there will no mistake. The marketing team was in-charge for the event. Ito na rin ang nag-hire ng ng event's organizer para mayroon silang kasama sa paghahanda. Mr. Samaniego wanted to make sure that this event will be the biggest for this year, aside, of course, for the company’s anniversary. Sa loob ng isang linggo ay sa marketing department na na-assign si Bree para sa kaniyang porbation. After the incident with Amy, she was automatically transferred to the twentieth floor where the marketing department was located. Maging madali lang para kay Bree na mag-adjust sa bagong department na kinaroroonan niya. Friendly naman ang mga kasama niya, lalo na ang kanilang department head na si sir Renz. May iba naman na hindi natuwa sa paglipat niya. Bree

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    Eight (2)

    So, once again, he tried to have sex with someone. At sana hindi na lamang niya ginawa iyon. Dahil kahit na ano ang gawin niya ay ayaw tumayo ng pagkalalaki niya. Erika had been sucking him for almost an hour, but his stupid manhood wouldn’t coooperate. And to make it worst, Erika got mad at him and called him names like gay and impotent. Halos mamatay kakatawa ang mga kaibigan niya dahil sinabi ni Erika ang nangyari nang bumaba ito. Hiyang-hiya siya nangyari. Naging paksa siya ng mga kaibigan niya. They forced him to talk and give them reason why that happened. SI Sebastian ay hindi naniniwala na walang babaeng involve. Because he experienced that kind of shit. May gustong-gusto itong babae, na hindi naman nito pinangalanan,. Sebastian relayed the story of the uncooperative little piece of shit. Kagaya niya ay hindi rin ito tinigasan. Ibinaba ni Jax ang cellphone at hindi na itinuloy ang pagtawag. No, he wouldn’t go the same shameful events again. Jax thoughts were interrupte

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10

Bab terbaru

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    140

    Nagpatianod lang si Bree sa paghila ni Jackson. They exited the bar house before she even realized it. Ramdam ni Bree na naiinis si Jackson hindi lang nito ipinapakita, marahil dahil maraming customer doon sa ihawan at ayaw nitong magkagulo doon.Jackson used to be a hot-headed man, she wondered what happened to the man who gets pissed easily and shows it without hesitation. Ngayon kasi ay nakikita ni Bree ang pagbabago ni Jackson. Hindi na ito gaanong nagagalit, at kung galit man ito ay tatahimik lang ito at hindi na papatulan ang issue. Which is a good thing for Bree.“Jackson, uuwi na tayo?”Hindi man lang sumagot si Jackson sa tanong ni Bree.Bree bit her lower lip to suppress a smile. Pero hindi niya pa rin napigilan ang sarili. Natutuwa kasi siya na nakikitang naiinis si Jackson dahil sa isang lalake. Bree knew that Ares had a thing for her, it’s obviou

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    139

    Maingay at mausuok ang ihawan na pinagdalhan ni Jackson kay Bree kinagabihan. It’s on the insurance of Bree. Kasama nila sa mesa si Rostom at nakilala na rin ni Bree si mang Tomas. Halos puno na ang buonbg lugar. Bree realized that it’s the usual go-to place by most of the residence here.“Are you okay? We can go now if you’re uncomfortable.” Dumukwang si Jackson at bumulong sa tainga ni Bree.Ngumiti at umiling lang siya. She liked it here. She likes to explore the place Jackson had been. Ang sabi ng lalake ay ito lang ang nag-iisang ihawan dito kaya palagi itong nalalagi sa lugar para uminum. It’s the total opposite kind of place Jackson used to go when he’s in the city.“Okay lang ako. Nag-e-enjoy nga ako, e.”They occupy one table near the counter. Katabi niya si Jackson at kanina kpa humahaplos ang kamay nito sa hita niya. Nakikiliti siya sa dami ng mainit nitong palad pero hin

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    138

    Pagkauwi nila galing sa laot ay inimbitahan ni Jackson si Bree sa bahay mismo nito. She wanted to spend more time with him so she agreed. Marami pa silang dapat na pag-usapan ni Jackson at naghahanap ng tamang panahon si Bree para rito.They still need to talk about Lennox. Hindi masyadong inuungkat ni Jackson ang tungkol sa bata at naisip ni Bree baka nahihiya ito dahil sa mga nangyari noon.Then, there’s Niel. pagkatapos ng mga nangyari sa kanila ni Jackson sa laot, hindi na kaya ni Bree na ipagpatuloy ang relasyon niya kay Niel. masakit man dahil may pinagsamahan naman sila ng binata pero ayaw ni Bree na lukohin ang sarili, lalo na si Niel.It only took one day to be with Jackson to fully realized that she’s still not over him. Ito pa rin talaga ang laman ng puso niya kahit na ilang taon na ang lumipas. Minahal niya naman si Niel pero hindi iyon ganoon katindi. He’s nice that’

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    137

    Jackson was just staring at the ceiling of the cabin. Kanina pa siya hindi makatulog, at kahit na pagod siya sa ginawa nila ni Bree ay hindi siya dinalaw ng antok. There were lots of things swimming inside his head right now.Gumalaw si Bree dahilan para mabaling ang tingin ni Jackson sa dalaga. She was fast asleep beside him, naked and looking so beautiful. Sumiksik ito sa dibdib ni Jackson at and isang binti nito ay tumanday sa kaniya.He love the feel of her smooth skin against his. Masarap sa pakiramdam ang mainit na dampi ng balat nito sa kahubadan niya. Her breasts were pressed against his chest making him want to fuck her again.Hinaplos ni Jackson ang mga labi ni Bree. Masyado

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    136.2

    Tumigil ito saglit sa paghalik sa kanya. Gustong magprotesta ni Bree pero hindi niya ginawa. Hinintay niya ang sagot nito.“I don’t need to ask permission from her if I want to spend my time with you, Bree. She’s not that significant to me.”Kinalas ni Bree ang mga braso nito at hinarap ang lalake. Nakakunot ang noo niya, nagtataka kung ano ang ibig bnitong sabihin.“Hindi ba asawa mo si Merina? Sabi mo hindi mo siya girlfriend.”Jackson’s hearty laugh erupted to the silent seas around them.“Hindi ko nga siya girlfriend. But that doesn’t mean that she’s my wife. She’s nothing, Bree. Kak

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    136.1

    Umawang ang bibig ni Bree sa ginawang paglapit ni Jackson. The anticipation making her nerves shiver. Her stomach knotted as she think of the things that Jackson had in mind.Ano ang binabalak nito? Hindi ito hahakbang palapit sa kanya at ipagdikit ang ang mga katawan nila kung wala itong binabalak.Did he plan on kissing her?Nanlaki ang mga mata ni Bree nang biglang dumukwang si Jackson at sinakop ang mga labi niya.The first touch of his lips to her was like magic. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Bree. Her heart beat raced as his soft lips began to move in a very slow yet passionate way. Hindi siya nakatugon sa ginawang paghalik nito. She was still shocked at his move.Umakyat ang mga kamay ni Bree sa dibdib ng lalake, hindi para itulak ito. She wanted to feel the beating of his heart. At kagaya ng sa kaniya at malakas din ang tibok ng puso

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    135.2

    “Hijo, Jackson, mabuti naman at napadalaw ka rito. Miss na miss na kita, anak. Hindi ko alam na darating ka ngayon. Kung alam ko lang sana ay nagpahanda ako ng mga paborito mong pagkain.” Unang nakabawi ang ginang. Lumapit ito kay Jackson.“Mom, hindi rin ako magtatagal, may inasikaso lang ako rito, at naisipan ko na dalawin kayo. How’s dad?”Nagbeso si Madeline at Jackson bago yumakap ng mahigpit ang ginang sa anak.Si Bree ay nakatayo lang sa isang gilid at nakangiting pinagmasdan ang mag-ina. Tumabi bigla si Tyler kay Bree.“Ang lapad ng ngiti mo nang makita si kuya, huh. May comeback ba akong aasahan sa inyo?”

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    135.1

    Jackson took the passenger side of the car. He closed his eyes the moment he settled on the seat. He was angry and irritated, and he wanted to shout in pure rage. But behind all those negative feelings, he was also relieved. The meeting with the members of the board of directors went well when they all agreed to the decision to take Chris out of his position.At least one of his problems was solved. Ang dami niyang iniisip, dumagdag pa talaga itong pinsan niya. Good thing his father didn’t know.“Sa mall tayo.”“Copy, sir.” Rex eased the car.Sumandal si Jackson para ipahinga ang sarili. He just wanted to go home, he missed Bree so much and he wanted to at least see her smiling face. Pagkatapos niyang bisitahin ang mga magulang ay planong umuwi ni Jackson sa isal ngayon gabi. He can’t wait for tomorrow.He strolled the t

  • LUSTFUL NIGHTS WITH THE BILLIONAIRE    134

    Napahilot si Jackson sa sintido niya habang binabasa niya ang report na binigay ni Rex sa kanya. He was forced to fly back to Manila for an emergency meeting with the board of directors of Diamond Entertainment. Kahit na hindi na siya ang CEO ng kompanya ay hawak niya pa rin ang pinakamalaking shares of stocks, and one click of his fingers he can alter the board’s decision.Ano mang oras ay p’wede niyang patalsikin si Chris sa posisyon nito sa kompanya lalo na ngayong ang daming umaangal sa paraan ng pamamalakad nito sa kompanya.His cousin Chris has been laundering money, and as Jackson scrolled on the reports, Diamond is on the verge of bankruptcy. Kung hindi siya kikilos ay tuluyan nang maagaw ang kompanya sa kanila.“Fuck! What have you done, Chris?” Napahilamos siya sa sarilinbg mukha. He hated how this situation had gone from bad to worst.Nilapag

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status