Marahang humaplos pababa ang kanyang isang kamay mula sa aking balikat patungo sa palawit ng kwintas sa aking leeg. "This necklace looks good on you. Bagay na bagay," bulong niya sa aking tenga. Humaplos ito roon hanggang sa gumapang ang kanyang daliri sa pagitan ng aking mga dibdib. Just a mere touch from his fingers can send thousands of volts to my core. Pinagdikit ko ang aking mga hita at mariing pinaglapat. Maging ang boses niya ay napakasenswal sa aking pandinig. Bigla akong nakaramdam ng pag-iinit. Napapapikit na napasinghap ako ng bumaba pa ang daliri niya patungo sa ibabaw ng aking tiyan. Nagtaas- baba ito roon at lumikha ng nakakakiliting sensasyon. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi upang itago ang panginginig nito dulot ng antisipasyon. "Excuse me, Sir." Gulat na napalingon ako sa tumawag. 'Tsaka ko lamang naalala na may iba pa pala kaming kasama sa silid. Agad namula ang aking pisngi. Simpleng pagdantay lamang sa balat ko ay nakalimot na ako kung
Parang pinipiga ang puso ko habang nakikinig sa pagtatapat niya. This man in front of me is a man full of insecurity. Para siyang bata na nakikiusap na mahalin. At ako ang may gawa nito sa kanya. I broke him. I did this all to him." Hindi na ako aalis pa..." Kinuha ko ang isang palad niya at inilapat sa dibdib ko, sa tapat ng puso ko. I want him to feel the erratic beating of my heart. " Ikaw lang ang magmamay-ari ng puso ko, wala ng iba. " Hinuli ko ang kanyang tingin at matamis siyang nginitian." Simula ngayon...hindi ko lang basta sasabihin kung gaano kita kamahal....Ipaparamdam at ipapakita ko pa sa'yo."May nabanaag akong pangamba na humahalo sa lambong ng kanyang mga mata."Trust me, Marcus. I love you with all of my heart and with all that I am, okay?" Marahan siyang tumango bago niya ako kinabig upang yakapin. We stood there for a momentt, hugging each other tight, feeling the warmth of our body as I listen to the fast beating of his heart. Pagkaraan ng ilang sagli
Nagising ako na tila may matigas na bagay na tumutusok sa aking pang-upo. Nagmulat ako ng mata at agad na nilingon ang katabi. Natutulog pa si Marcus pero ang alaga nito ay gising na gising na. Nangangalabit pa nga. Morning glory! Very proud and standing. Marahan akong pumihit paharap sa kanya. Nangingiting pinagmasdan ko ang kagwapuhan ng mukha niya. Bahagyang nakaawang ang bibig at mahinang humihilik. I am still fully naked and so is he. Inangkin niya akong muli sa sala kagabi. Sa sobrang pagod ay nakatulog na ako. Hindi ko na namalayan na binuhat niya ako papunta rito sa kanyang silid. Ang sarap sa pakiramdam na gumising sa umaga na siya agad ang mamumulatan. It's making all my worries go away. It's making my heart be flooded with pure joy and contentment. Kapag ikinasal kami ay araw-araw na magiging ganito ang bawat umpisa ng araw ko. Wait. Why is my mind jumping into that conclusion? Well, now that things between us are finally better, our personal issues our taken care of..
"Elora!" Natigil ako sa pagwawalis nang marinig ang malakas na boses ni Miles. Napagpasiyahan kong bisitahin ang bahay ni Nana Salve. Medyo maalikabok na ang bahay sa tagal na walang nakatira rito. Kahit inalok ako ni Marcus na magpapadala ng taong maglilinis ay hindi ako pumayag. Gusto kong ako mismo ang makasiguro na maayos ang lagay nito. Mabilis ang nagiging paggaling ni Agatha. Hindi malayong makauwi sila agad dito sa Pilipinas sa oras na payagan ng doktor. Dito ko pa rin gustong tumuloy kami. "Kailan ka pa dumating? Dito ka na ba ulit titira?" Napangiti ako sa sunod-sunod na tanong nito. "Pumunta lang ako dito para i-check itong bahay. Uuwi rin ako mamaya." "So tama ang tsismis sa club noon?" Tuluyan ko nang itinigil ang ginagawa at hinarap ito. "Na ano?" "Na ibinahay ka na no'ng nakabili sa'yo." Hinawi ko ang buhok at pinunasan ng palad ang namamawis na leeg bago ko ito tinanguan. I took a deep breath before I started to talk. Ikinwento ko
"Can't I really come with you?" Napasimangot ako. Kanina pa niya ako kinukulit simula ng umalis kami ng Penthouse. Ngayon ang araw ng usapan namin ni Miles na magkikita. Nagpumilit itong ihatid ako kahit na pwede naman ang driver na lang. His becoming more clingy with each passing day. Isinama pa nga niya ako sa opisina niya. But we ended up making love on top of his office table. There is no moments passing by without him being extra sweet and caring. Laging nakayakap o kaya ay nakahawak sa akin. Daig pa naman ang bagong kasal na hindi mapaghiwalay. But I don't mind him being that way. Dahil sa totoo ay gustong-gusto kong gano'n siya sa akin. His presence and love is making me feel comfortable and secure. It made me forget the anxiety that my bad dream had brought to me. Hindi na naulit pa ang masamang panaginip ko na 'yon. Siguro nga ay dala lamang iyon ng alaala ng nakaraan. Inalis ko na sa isip ko ang posibilidad na mangyayari pa iyon. Nothing could ever take me away f
Napapitlag ako ng marinig ang malakas na tawanan. Umiikot pa ang aking paningin ng idilat ko ang aking mga mata. Isang malawak na bakanteng silid ang tumambad sa akin. May mga sirang silya at mukhang abandonado na rito. Sinubukan kong gumalaw ngunit may tila ako nakatali. Yumuko ako. Nakaupo ako sa isang silya. Nakatali ang mga kamay na nasa aking kandungan. Maging ang aking mga paa ay nakatali din. Pumikit ako ng mariin. Nasaan ako? Ang huling natatandaan ko ay may mga dumukot sa aking mga lalaki. May pinaamoy sila sa akin. Pero bago ako mawalan ng malay ay nakita kong maging si Miles ay dinukot nila. " Miles!" sigaw ko. Natigil ang tawanan at agad may lumapit sa aking isang lalaki. Maliwanag ang liwanag mula sa puting ilaw kaya kitang-kita ko nag mukha nito. May peklat ito sa kalahati ng mukha at may nanlilisik na mata. Black shirt, black ripped denim jeans and black baseball cap. Siya 'yon! Ang lalaking nakabangga ni Miles at siya din 'yong lalaking nakita ko sa loob
Kinapkapan ko ang sarili. Nakahinga ako ng maluwag ng walang makitang kahit na anong tama ng bala sa katawan." Miles!" Niyugyog ko ito. Drowned in fear, I examine her body. Red liquid was flowing from the side of her tummy." May tama ka!" Agad akong tumayo upang alalayan itong makalakad. Huminto ang pagpapaputok sa amin pero rinig ko ang pagkakagulo ng mga tauhan ni Garett na papalapit na sa kinaroroonan namin. "Elora...iwan mo na ako. T-tumakas ka na..." sa namimigat na talukap ng mata nito at pabulong na boses ay mas gusto pa rin nitong unahin ang kaligtasan ko. "No! I won't leave you! At hindi rin kita hahayaang mamatay!"Miles keep refusing as I continue to walk while carrying half of her weight. Hindi ko alam kung paanong nagawa naming makalayo sa pier. Maybe it was adrenaline. I could feel my exhaustion but my eagerness to save my friend is pushing my body's limits. Kesehodang kaladkarin ko siya ay gagawin ko makaalis lang kami rito. At nang akala ko ay nakalayo na kami ay
"Mamshie, akyat po muna ako," paalam ko. Hindi ko na ito hinihintay pang sumagot. Pumanhik na ako sa aking silid. Binuksan ko ang bintana at tinanaw ang kaharap na dagat pagpasok ko. Agad tumama sa balat ko ang malamig na hangin. Tulalang minasdan ko ang paghampas ng alon sa dalampasigan. May mangilan-ngilang naliligo at lumalangoy. Tanaw ko rin ang pagpalaot ng maliliit na bangka ng mga mangingisda. Napakapayapang tanawin. "Elora..." si Mamshie. Lumapit siya sa akin at tumayo sa tabi ko.Walang emosyong sinulyapan ko siya. " Ayos ka lang ba? Nag-aalala sa'yo si Juancho. Tahimik ka buong byahe. May dinaramdam ka ba?" Umiling ako. " Okay lang po ako. Pagod lang po siguro ito."Rinig ko ang pagbuntong-hininga nito. Kulang ako sa tulog at medyo nahihilo pa. Ngunit higit pa sa pagod ang dinaramdam ko." Alam kong hindi ka okay, Elora. Simula ng mapadpad ka rito at kupkupin kita, palagi ka na lang ganyan. Kung hindi tulala ay kay lalim ng iniisip. Kahit ang pagngiti mo ay hindi ko pa