"Let's go, Love. We'll both be late." Umirap naman ako dahil talagang hinintay niya pa akong tapusin 'yong pagkain ko pero ang totoo ay siya lang naman itong late na. 11 o'clock na kaming natapos dalawa dahil sa mga pinaggagawa namin kanina, ang oras ko ay after lunch pa. Siya naman ay pang-umaga. Alam niya na palang umaga siya sabay ngayon lang siya papasok? Ang balak ko talaga ngayon ay mamaya pa akong luch pero mukhang mapapaaga pa ako at feeling ko ay wala pang tao sa studio. Though, kahit may extra key naman ako para i-open 'yon pero nakakatamad lang dahil wala pa akong kasama roon. Sa huli ay wala na rin naman na akong choice at narito na, ang dami ko pang sinabi. "Good wife. Come on!" "Sobrang relax mo pa, ah? Ikaw nga 'tong late na sabay parang wala ka lang pakialam diyan?" mataray kong sambit habang inaayos ko ang bag ko. Kinuha ko rin laptop ko dahil naroon ang mga files na design ko for upcoming event ulit kay Ms. Jeremiah, at tuluy-tuloy lang kami dahil nakakontrata kam
"What the actual F?!" sigaw ni Amiel pagkaalis na pagkaalis pa lang ni Louis sa aming harapan. Kitang-kita pa rin namin kung paano siya sumakay sa sasakyan niya at saka mabilis na umalis. Saka na ako humarap kay Amiel at saka tamad na tinignan. Sabay siya ay kitang-kita ko na sa mata niya ang gusto niya nang pagkilatis sa akin."Aba?! Talagang ganyang mukha pa ang ibibigay mo sa 'kin? Magkuwento ka, hoy! Siya ba? Sa kanya ba galing iyong mga pagkain, iyong kotseng naghahatid at sundo sa 'yo... siya ba 'yon? Oh my gosh!" Napasapok pa sa ulo si Amiel na kung bakit ngayon niya lang na-realized ang mga bagay na 'yon, at para na rin siyang t*nga ngayon.Hindi ko alam kung sasagutin ko ba 'yong napakaraming tanong, ayaw ko talagang ipagsabi sa kahit na sino ang nangyari sa amin. Matatapos din naman itong pagsasamahan namin ni Louis, pero bakit habang iniisip ko 'yon ay naninikip ang d*bdib ko? Iniwaksi ko sa isipan ko 'yon at saka bumuntonghininga at saka nagsalita."Yes, we are married...
"Oh, that's great!" malakas na sigaw ni Amiel kaya napasigaw rin ako sa gulat. Tumawa pa siya dahil sa naging reaksyon ko. "Ano ba?! Nakakagulat ka naman!" sigaw ko rin pabalik dahil ang tahi-tahimik sabay bigla siyang sisigaw, napatingin naman sa puwesto namin ang iba naming kasamahan dahil sa sigawan namin dito ni Amiel. Paano, ang ingay namin. Tumawa-tawa lang si g*ga at napairap na lamang ako sa kanya. "Ang sungit! Pasensya ka na, hah, ito lang ako." Tumawa naman siya kaya natawa na rin ako. Kadiri, ang cringe niya sa part na 'yon. "Ano ba 'yong kailangan mo?" direkta ko nang tanong dahil alam ko kapag narito naman siya ay may kailangan siya, hindi naman siya mangungulit ngayon kung wala. "Huh? Grabe, wala! Gusto ko lang tingnan iyong progress na nagaganap na! Oh, ang ganda niyan! Talagang mas naging powerful pa 'yong dress na 'yan." Tinuro niya pa ang laptop ko, napatingin naman ako roon. Ayon 'yong dress na Hot Pink na napag-usapan namin ni Louis at namin ng mga rito kanina.
"These are the other designs that hopefully you would like, we can still revise it anytime as you wish. I, myself, would gladly change it depending your liking," nakangiting sabi ko kay Ms. Jeremiah. Nanginginig pa ang kamay ko dahil baka mamaya ay hindi niya magustuhan ang mga ginawa ko. Hindi niya kasi nagustuhan iyong nakahanda nang mga susuotin niya, iyong mga tinignan ko kagabi bago ako umalis dito. Pero ewan ko bakit hindi niya nagustuhan ang mga 'yon, eh, ang gaganda naman no'n. Siguro ay hindi niya lang feel 'yong mga damit at saka hindi pasok sa taste niya't standards niya kaya we should adjust. Ngayon ay pinapakita ko sa kanya ang mga nagawa ko na para sa kanya, kinakabahan ako dahil baka hindi niya rin magustuhan ang mga ito. Right click siya nang right click, hinahanap kung ano ang matitipuhan niya. Dati naman ay hindi ganito, alam ko na sa lahat ng ginawa namin ay talagang pasok sa standards niya, hindi ko lang malaman kung ano ang nangyari ngayon. Kung ano ang brandi
"May mali ba sa sinabi ko? Pero feeling ko mayroon talaga, ewan ko lang... pero bakit parang nasaktan din ako? Nasaktan din ako sa sarili kong sinabi, at lalong nanikip ang d*bdib ko no'ng binigay niyang reaksyon sa akin?" tanong ko, na pati ako ay hindi ko alam kung ano ba ang exact word sa nararamdaman ko. "Girl, of course, you'll also get hurt! Ang mean mo kaya! Masyadong straight to the point, though. What we should say? You're just stating facts, and we all know that's true. Na both of you are married, yes. But under a paper. And given what he reacted, hmm! So, fishy no'n, ah!" Tinignan ako ni Amiel na mayroong pang-aasar sa kanyang mukha pero hindi ko makuha ang gusto niyang iparating sa akin. "I don't get you that much?" patanong ko pang sambit dahil hindi ko naman talaga makuha ang gusto niyang iparating sa akin. Tinaasan pa ako ni Amiel ng kilay na parang hindi siya makapaniwala pero binigyan ko lang siya ng inosenteng mukha, dahil wala naman talaga akong kaide-idea. Umira
"Sumama ka na kasi sa amin, Allison! Minsan lang iyon, panigurado ay masaya 'yon! Hindi ka ba napapagod sa cycle lang ng buhay mo? Puro ka na lang trabaho sabay uuwi lang din, gano'n lang palagi ang takbo ng buhay mo! Kahit ngayon lang naman, tara na kasi mag-bar na tayo!" sigaw sa akin ni Amiel, tinakpan ko pa ang tainga ko dahil sa sobrang lakas at ingay ng boses niya. Nakakarindi naman itong babaeng ito. Paano pilit kasi siya nang pilit na mag-bar kami, eh, ayaw ko nga at busy ako. Pero sabi niya kailangan daw muna ng excitement sa buhay at para daw mas ganahan pa raw lalo na magtrabaho, so paano matatapos kung hindi pa gawin ang trabaho ngayon? Kaya mas gusto kong gawin kaagad ang trabaho ko kaysa sa pag-bar-bar na gusto ni Amiel. "Eh, ayaw ko talaga, Amiel. Baka mamaya ano pa ang mangyari sa akin o sa atin diyan, eh. Delikado, kaya ayaw ko," pagtatanggi kong muli sa kagustuhan niyang isama ako sa lakad nila mamaya. Kasama rin ang mga kasamahan namin, halos lahat sila ay kasama,
"Allison! Saan ang punta mo?! Ang daya mo, ah! Tumatakas ka sa shot mo. Ikaw na ang sunod, huwag mo kaming takasan!" sigaw ni Amiel, obviously lasing na siya. Pero patuloy lang ako palabas at gusto ko 'man siyang lingunin ay hindi ko na ginawa dahil nawala na sa paningin ko ang lalaking hinahabol ko. Si Louis... Marami na kaagad na tumatakbo sa isipan ko at una na roon kung siya ba talaga 'yon? Pero hindi ako puwedeng magkamali, kilala ko na siya. Alam ko na ang buo niyang pangangatawan. Pero sa kabilang bahagi ng isipan ko ay bakit naman siya narito, eh, mayroon siyang trabaho ngayon? Busy siya ngayon. Sa kabilang banda rin ng iniisip ko ay baka naman kaya siya narito ay baka iinom din siya, nakita niya lang ako sabay umalis din kaagad dahil baka mahuli ko siya? Hindi ko na alam! Ayaw ko na munang mag-conclude, anu-ano na naman ang pumapasok sa isipan ko dahil lang naman nakita ko siya. Baka mamaya ay hindi naman pala siya 'yon. Baka mamaya ay ibang tao naman pala 'yon, at baka
Minulat ko nang kaunti ang mata ko at naramdaman ko kaagad ang sakit ng aking ulo. Napahawak ako sa noo ko at agad ko ring nilayo ang kamay ko dahil parang napaso ako nito. Ramdam ko rin ang panghihina ko, may sakit ba ako? Hinawakan ko naman ang leeg at ang kili-kili ko upang malaman kung mainit ba 'ko, at kung masakit ba talaga ang ulo ko dahil sa sakit o sa hangover lang naman ito?"Aray..." mahinang daing ko dahil sa tindi ng sakit ng nararamdaman ko. Narinig ko ang mahinang yabag mula sa ilabas kaya mabilis akong umayos at nagtulug-tulugan. Pumasok ang pamilyar na presensya, si Louis 'yon. Kahit papaano ay may naramdaman akong saya sa puso ko dahil alam kong narito na siya.Tahimik lang siyang lumapit sa akin at narinig ko ang pagbuhos ng tubig at unti kong minulat ang mata ko para makita ang ginagawa niya. Mayroon siyang bimpo at maliit na palanggana na mayroong lamang tubig at may yelo rin doon, amoy na amoy ko pa ang alcohol na sigurado ay nilagyan niya 'yon doon sa maliit na