"Wow!" sigaw ng mula sa crowd at awkward naman akong napangiti dahil sa narinig kong 'yon.
"Is it by the A.A. Studio? I never imagined it would be this good, and it's extremely well-detailed; I'm in love! I love how it suits everything, with the model, the shoes, the makeup, and everything was gorgeous!" Napangiti naman ako dahil sa mga magandang sinasabi na nanggagaling mula sa ibang tao.
Ibang klaseng fulfillment 'yon para sa akin. Days passed so fast and here we are. Narito na kami sa grand entrance na suut-suot ng pinag-usapan naming meeting noon na may gustong sikat na artista na suotin ang masterpieces namin, ang kliyente namin na 'yon ay ang isa sa sikat na sikat na artista hindi lang dito sa Pilipinas kung 'di sa ibang bansa rin. Kaya isang karangalan ito para sa akin.
"I heard Allison made all of those, and she has an
Minsan sa ating buhay hindi natin maiiwasan na maging masaya dahil sa nagawa't mga parangal sa atin. Sa mga oportunidad, malaki 'man o maliit ay ating buong pusong dapat tanggapin. Oo, masaya na makakuha tayo ng mga ganoon at hindi rin natin maiiwasan na ma-overwhelm. Mayroon tayong mga pagkakataon na tayo ay nagwawagi at hindi rin naman natin maiwasang matalo sa ating tinatahak na mga daan. Lahat dapat ay balanse at ganoon naman talaga ang nangyayari sa atin. Buung-buo ang ating pasasalamat at kagalakan dahil sa mga taong nagbigay sa atin ng tiwala upang atin itong gawin, at magpatuloy. Ngunit hindi naman talaga masusukat ang iyong tagumpay sa buhay kung gaano na karami ang iyong nagawa, kung gaano na karami ang iyong naibigay sa iyong kapwa. Bagkus makikita mong matagumpay na ang isang tao kung siya ay kuntento na sa kung anong mayroon at kung ano naging siya.
Natahimik lamang ako nang dahil sa sinabi niya. Hindi ko maramdaman ang suporta niya sa binanggit niyang 'yon. Mayroon ba siyang problema na hindi niya sinasabi sa akin? Bakit hindi niya ito sa akin sabihin? Parang sinambit niya lang ang mga katagang 'yon para lang masabing mayroon siyang sagot sa aking mga katanungan. Tumingin ako sa kanya at agad din akong umiwas ng tingin dahil ayaw kong gumawa ng kahit anong inaakala niyang ikibabahala ko. Ang iniisip ko lang naman ay bakit ganoon ang kanyang inaakto. Hindi ko maramdaman ang totoo niyang presensya, parang mayroong mali at alam ko na sobra nitong laki. Alam ko kapag mayroon siyang problema ay agad niya itong sinasabi sa 'kin, ngunit ngayon ay wala akong naririnig sa kanya na kahit ano. Hindi ko na lamang 'yon pinansin at hindi na rin na ako nagsalita pa. Hinayaan ko na lamang na mayroong agam-agam sa akin dahil
"Congratulations, girl! You deserved everything you are receiving! We are extremely proud of you!" sigaw ni Amiel at ng kasamahan namin pagkapasok na pagkapasok ko. Hindi pa ako maka-get over dahil sa hinanda nila ngayon. Mabilis silang lahat na yumakap sa akin at niyakap ko rin sila nang mahigpit. Nag-iyakan kaagad kami dahil sa mga hirap na pinagdaanan namin. Hindi rin madaling itaguyod ang 'yong sarili. Walang madaling daan upang makamit lahat ng bagay, hindi naging madali ang buhay kahit kailan, palaging ganoon—kaya lumaban ka lang. Magpatuloy ka lang. Wala 'mang naniniwala sa 'yo, p'wes ikaw, maniwala ka sa sarili mo. "Bakit n-naman kayo g-ganyan..." naiiyak kong sambit at pinupunasan ko pa ang mata ko dahil patuloy ang pagtulo nito. "Girl, huwag ka namang umiyak! Naiiyak din tuloy kami." Natawa naman ako sa sinabi
Umiyak lang ako lalo, dahil sa wakas ay mayroon na rin siyang sinasabi. Ayaw ko naman na wala akong kamalay-malay sa kung ano ang nangyayari. Isang araw ay bigla niya na lang ako hindi pinapansin at wala akong kaalam-alam kung ano ang ginawa kong mali, wala akong alam kung mayroon ba akong ginawa sa kanya na hindi niya nagustuhan o kung ano. "Naisip mo ba? Naisip mo ba na ayon ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko? Sana 'man lang kahit saglit ay naglaan ka ng pag-iisip kung ano ba ang tunay kong nararamdaman o kung ano na ang pumapasok sa isipan ko. Kung ano na rin ang nararamdaman ko dahil sa ginawa mo sa akin, dahil sa totoo lang... sa totoo lang, ang sakit-sakit sa akin ng ginawa mo." Humahagulgol na ako rito at hindi ko na rin ako makahinga nang maayos. Nang dahil lang sa mga sinambit niyang mga salita na 'yon. Sa isang sorry lang? Sa isang pasensya lang ay
Sa huli niyang sinabi ay para akong nanlambot, parang nawala ako sa aking sarili. Narinig ko naman ang pag-upo niya sa tapat ng pinto ko. Hindi ako dumiretso roon sa Master's bed namin, narito ako ngayon sa dati kong kuwarto. Buti na lang at may iba pa akong naiwan na mga gamit ko rito kaya ayon ang mga nagamit ko ngayon.Narinig ko rin ang mga mahihina niyang bulong, na hindi ko na maintindihan masyado dahil malayo ako mula roon sa pinto. Mukhang wala siyang balak na umalis doon. Bahala siya sa buhay niya at hindi ko siya lalabasan.Bigla namang pumasok sa isipan ko ang huli niyang sinabi kanina... sinabi niya talaga ang mga katagang 'yon ulit. Na kaninang akala ko na hindi ko siya lalabasan ay nagulat na lang ako sa aking sarili na tumayo ako at papunta ako sa tapat ng aking pinto. Hanggang sa nasa tapat na ako ng aking pinto ay ako'y natigilan.
"And this is for making me cry!" Sinuntok ko ulit ang braso niya sa lakas ng aking makakaya. Nakakapikon at nakakairita kasi siya. Napaaray naman siya dahil sa lakas ng suntok ko sa kanya. Wala akong pakialam kung nasaktan siya roon, gusto ko lang talagang iganti 'yong sarili ko, at sa daang ito ay naiilalabas ko 'yong sama ng aking loob. "Ang lakas mo talaga! Pa-kiss nga!" sigaw niya at nandiri naman ako kaagad dahil sinubok niya nang ilapit 'yong mukha niya. Binatukan ko pa siya dahil do'n at saka ako tumawa. "Sadista." "May sinasabi ka?!" mataray kong tanong dahil mayroon siyang sinambit pero hindi ko narinig 'yon nang maayos. "Nothing, it was nothing!" Tinaas niya pa ang mga kamay niya na parang sumusuko, pinagtaasan ko pa siya ng kilay at saka sinamaan ng tingin. "You're so cute, Mrs. Sorreño." Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya, pero nang tumawa siya ay napabalik ako sa aking sarili. At saka ko siya sinamaan ng tingin, tuluy-tuloy pa rin ang pagtawa niya at naiirita na
Gising na ang diwa ko pero hindi ko pa rin minumulat ang mata ko. Naramdaman ko na mayroong nakatingin sa akin kaya dahan-dahan ko na munang dinilat ang mata ko, at kahit unti pa lang ang pagbuklat no'n ay kitang-kita ko na kaagad na nakatitig si Louis sa akin. Dahil inaantok pa ako at wala pa ako sa mood na makipag-away kaya tumalikod ako mula sa kanya at saka nagpatuloy na matulog. May narinig akong mahinang tawa at kaluskos at pinabayaan ko na lamang 'yon at saka ako nagpatuloy na matulog. Mag-aayos na siguro ng pagkain sa ibaba si Louis, palagi naman ganoon ang scenario sa amin. Wala namang bago roon pero araw-araw ko rin namang ninanais na gano'n lang kami. Nang mayroong presensya sa unahan ko ay alam ko na kaagad kung sino 'yon. Ang kulit naman nito pero muli akong tumalikod mula sa kanya at kung ano lang ang puwesto ko kanina ay ngayon ay gano'n lang din. Inaantok pa ako kaya wala pa akong lakas upang gumising na talaga nang tuluyan. Naramdaman ko ang muling kilos niya at al
"Let's go, Love. We'll both be late." Umirap naman ako dahil talagang hinintay niya pa akong tapusin 'yong pagkain ko pero ang totoo ay siya lang naman itong late na. 11 o'clock na kaming natapos dalawa dahil sa mga pinaggagawa namin kanina, ang oras ko ay after lunch pa. Siya naman ay pang-umaga. Alam niya na palang umaga siya sabay ngayon lang siya papasok? Ang balak ko talaga ngayon ay mamaya pa akong luch pero mukhang mapapaaga pa ako at feeling ko ay wala pang tao sa studio. Though, kahit may extra key naman ako para i-open 'yon pero nakakatamad lang dahil wala pa akong kasama roon. Sa huli ay wala na rin naman na akong choice at narito na, ang dami ko pang sinabi. "Good wife. Come on!" "Sobrang relax mo pa, ah? Ikaw nga 'tong late na sabay parang wala ka lang pakialam diyan?" mataray kong sambit habang inaayos ko ang bag ko. Kinuha ko rin laptop ko dahil naroon ang mga files na design ko for upcoming event ulit kay Ms. Jeremiah, at tuluy-tuloy lang kami dahil nakakontrata kam
"Look, Daddy! I have a perfect score!" bungad kaagad sa akin ni Philo pagkadating na pagkadating ko sa school nila para sunduin na sila. Hawak-hawak niya pa ang notebook niya para maipakita niya sa akin ang score niya at nakita ko nga roon ang perpekto niyang marka. "Wow! Well done, Philo!" Ngumiti naman siya nang matimis at si Allistair naman ay nahihiya niyang nilahad sa akin ang notebook niya at puro numbers 'yon kaya hindi na ako magdadalawang-isip na Math subject 'yon at perfect niya dahil paborito niya itong subject. Ginulo ko ang buhok ni Allistair at saka ko siya pinuri sa perfect score niya rin. "Ang galing ng mga anak ko ngayon, ah. We need to celebrate these small wins!" "Yay!" masayang sigaw ni Philo at si Allistair naman ay nakangiti lang. Sabay-sabay na kaming pumunta sa kotse ko at saka muna kami dumaan sa isang paborito nilang kainan after ng classes nila. Isa itong kilalang kainan dito dahil sa pang-snacks ang mga ito 'tulad ng mga donuts, drinks na mga milktea or
Louis' POV "Daddy, Daddy, Daddy! Wake up! Please! Wake up, wake up!" sigaw ng matinis na boses at kahit inaantok pa ako ay pinilit ko namang imulat ang aking mata at nakita ko ang mala-angel na mukha ng anak kong babae. Napangiti naman ako dahil do'n, nakikita ko kasi si Allison sa kanya kaya tuwang-tuwa ako sa kanya. "Daddy, please! Stand up now, I'm getting mad already!" Natawa naman ako sa aking isipan ko dahil sa sinabi niya, para talagang makita kung magagalit talaga siya kaya nagtulug-tulugan pa muna ako para asarin siya. "Daddy, no!" Minulat ko ang aking mata at nakita kong namula na ang mata niya, malapit nang tumulo ang luha niya. Mabilis ko naman siyang niyakap at saka hiniga ko siya sa akin at saka mahigpit ko siyang niyakap, hindi ko na maramdaman sa aking tabi si Allison siguro ay hinahanda na si Allistair sa unang araw ngayon sa eskwelahan nila na ngayong dalawa. Nakapang-alis na nga ang anak kong babae, baka magusot ko ang damit niya kaya nagrereklamo na siya. "Dadd
"Allistair Kyzen Gomez Sorreño." Natuwa naman ako nang tawagin ko ang pangalan ng aking anak, nasa kamay ko na siya at ang liit-liit niya. Kakaibang tuwa ang aking naramdaman. Ang tuwang walang katumbas na tanging iisang tao lang ang makakapagbigay nito sa akin. Hinaplos ko nang dahan-dahan ang mukha ng anak ko habang natutulog ito. Dahan-dahan ko pa hinalikan ang pisngi nito at saka nilapit ko ang pisngi ko sa kanya. Pumikit ako at dinamnam ang pagkakataon at saka minulat ang aking mga mata at nakita ko na si Louis ito, nakangiti nang matamis at saka niya ako hinalikan sa noo. "Thank you for this, love." Nantubig ang mata ko dahil sa kakaibang saya na naging hatid nito sa amin 'to ni Louis para sa aming dalawa. Ang tagal ko na ring inaasam ang ganitong klaseng pangyayari sa aking buhay at si Louis ang kasama ko. Tinignan ko ulit ang anak naming dalawa at nakita ko kung paano sumilay ang ngiti niya. Lumigaya naman ang puso ko dahil lang sa simpleng gano'n. Lumipas ang ilang araw a
Allison's POV. "Love, pretty please?" pagpipilit ko pa sa kanya dahil hindi niya pa rin siya pumapayag sa gusto ko. Gustung-gusto ko na kasing gawin sa akib ni Louis ang isang bagay na kahit ito na lang kasi wala eh... bored ako. Gusto ko lang talaga gawi ni Louis ang bagay na hinihiling ko sa kanya. "Are you even serious?" Tumango naman ako sa kanya kaagad at saka nag-pretty eyes pa sa kanya para sundin niya na ako, hindi ko na nga alam kung maayos pa ba ang itsura ko at kung may kinang pa ba 'yong ganda ko, wala na akong pakialam. Bumuntonghininga naman siya at saka niya kinuha ang kamay ko at saka niya lang naman hinilot ang mga ito, pero... ang sinabi ko sa kanya na hanggang gabi niya gagawin 'yon. Natawa naman ako sa pinapagawa ko sa kanya. Talagang lahat ng gusto ko ay susundin niya, kahit ano pa 'yan. Well, siguro kaya niya ginagawa because I'm happy to announce that I'm already 9 months pregnant! Ang bilis talaga ng mga araw na nagdaan parang kahapon lang ay sinasabi lang
"Allison!" tawag ko at saka naman nagtuluy-tuloy ang pagdaan ng mga tao, nakita ko na tumingin pabalik si Allison at hindi akong magkakamali na siya 'yon. Sabi ng tauhan ko na nasa airport ang mahal ko at papaalis na ito. Ayaw kong iwanan niyang ganito lang kami, ang halos tatlong taon namin o dalawang taon na magkasama kami ay matatapos lang din nang ganu'n-gano'n lang, hindi ako papayag. Nangako rin isyang kakauspain niya ako, na magkakaayos kami at papakinggan niya na ako. Kung ano ba talaga ang tunay na nangyari, nalaman ko na lang din sa mga katulong na kinuha na raw lahat ni Allison ang mga gamit niya. Ngayon ay ito pala ang rason, may kinailangan lang akong asikasuhin sa kumpanya at ito na pala kaagad ang malalaman ko... iiwan niya na ako. Pero huli na ang lahat, wala na siya. Tuluyan na siyang nawala hanggang sa tinitigan ko na lang kung paano lumipad ang eroplanong sinasakyan niya at tuluyang na nga siyang nawala sa kamay ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gusto kon
"Okay then, if that makes you feel okay. I'll do it, anything for you. Just name it, my love," sabi ko at kung ano ang gusto ng mahal ko ay gagawin ko. Nakakainis kasi 'yong nurse na 'yon kaya pinatanggal ko, i know that I acted so immatured pero hindi ko kasi mapigilan at 'yong mga tinginan no'ng lalaking 'yon. Kaya talagang galit na galit ako sa hospital at tinakot ko na kayang-kaya kong pabagsakin 'yon para lang matanggal nila 'yong nurse. Pero nalaman ng mahal ko, at sinabi niya na ngayon ang dapat kong gawin at mas alam niya. Kaya makikinig din ako sa kanya, wala, eh... under ako. Pagkatapos no'n ay balik na ulit kami sa kailangan naming gawin. Habang nagscro-scroll ako online at nakita ko na may mga alagang hayop ang iba't ibang celebrities at kahit papaano ay nakakuha ako ng idea na kumuha na rin ako ng isa, matagal ko na ring pangarap na mag-alaga ng mga hayop at nakakaginhawa siya kapag pag-uwi mo sa bahay na makikita sila na kasama ang Mommy nila, si Allison. Natawa naman
"Bro, what do you think? Punta ka na rin para pupunta na rin ako! Nakakatamad kasi baka mamaya ay wala akong kilala ro'n. Inimbita magulang ko sabay idadamay nila ako, eh, ayaw ko ngang dumalo roon," pagpipilit pa ng kaibigan kong si Hermes. Ilang beses niya na akong niyaya na um-attend ako ng isang kasal, isang kasal sa dami kong ginagawa. At sa tingin niya ba ay libre ako no'ng araw na 'yon? Hindi. Hindi na ako puwedeng gumawa pa ng ibang bagay dahil tambak ako ng daming gawain. "No," simple kong sagot sa kanya at natawa naman siya agad. "Ayan kasi! Lasing pa, inom pa, babae pa! Ano ka ngayon? Ang dami mong gagawin ngayon sa kumpanya niyo, tambak na tambak ka!" pang-aasar niya at saka siya tumawa nang malakas, sinamaan ko naman siya ng tingin. Palagi na lang sinasabi na kung sinu-sino ang babae ko, sila naman itong nagi-insist sa akin pero hindi ko tinutuloy hangga't walang consent nila. Ayaw ko rin namang gumawa ng gano'ng klaseng bagay lang ng walang permisyon ng babae at syemp
"Bakit naman ako iiyak? Sino ba kayo?" narinig ko 'yon mula sa malapit na parte sa paligid ko kaya humarap ako kung saan-saan hanggang sa narinig kong muli ang boses ng matinis na babae. Nang makita ko na ay mayroong nakapalibot sa kanyang dalawang babae at mukhang inaasar siya nito. "Ano naman ngayon kung may bungal ngipin ko?! Eh, maganda pa rin naman ako. Eh, kayo ba?" dagdag pa ng babae, at hindi ko maiwasan na masiyahan dahil sa kung papaano siya magsalita.Maldita ito pero ramdam mo na tinatapangan niya lang ang kanyang boses para maipakitang matapang siya. Tinuruan ako ni Mommy na huwag akong makialam sa ginagawa ng ibang tao, pero naramdaman ko ngayon ay gulo naman ito at gusto kong maging maayos lang ang lahat ng ito kaya naman napagpasyahan ko na lapitan sila at awatin.Tinulak no'ng babae na inaasar 'yong babaeng tinatapangan ang kanyang sarili para hindi maapi, nag-alala naman ako kaagad kaya mabilis akong pumunta sa gawi nila. "Eh, bungal ka kasi! Ang pangit! At saka iiya
"Huh? Puwede bang ipaliwanag mo muna sa akin kung ano'ng nangyayari? Akala ko ba ay may nangyayari kay Louis? Nasaan ba siya? Pinag-aalala niyo pa ako, lalo ka na! 'Yong mga sigaw-sigaw mo pa sa akin kanina, nag-aalala talaga ako nang sobra!" irita kong sabi sa kanya at siya naman ay nag-peace sign lang at tumawa. Napairap naman ko dahil kalokohan niya na naman ata kung anu-ano ang mga sinabi niya kanina. "Huwag ka nang maraming tanong at sinasabi basta ang malinaw ay narito ka na! Kapag sinabi ko sa 'yo, edi hindi na siya surprise, 'di ba? Okay 'yang pag-aalala mo, ibig sabihin lang no'n na sobra-sobra mong mahal si Louis, ayie!" Tinulak niya pa ako nang mahina at patuloy pa rin ang kasiyahan sa aking gilid, pero limited pa 'yong ilaw, may iba pang parte ng venue ay walang ilaw. "Well, ang galing ko na atang umarte at napaniwala kitang may nangyari nga sa mahal na mahal mo!" Tumawa naman siya nang malakas kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "At saka huwag mo muna siyang hanapin,