Yamato Pov
Kasal?. Ano nga ba ang kasal?. Ito ang bumabagabag sa Isip ko ngayon dahil inaalala ko ang aking nalalapit na kaarawan. Tch! Ano ba kayo Di kayo dapat mag muk-muk diyan mga tanga walang mag papakasal saatin hindi tayo mag papatali sa kanila. Sabi ni Takeda.
Kasama niya ang grupo nila Yosuke At Nejima. Katulad ko ay mag Si-sixteen narin sila. Pero hindi lang iyon ang problema Dahil kapag Hindi na naman ako kumilos ay baka Hindi na siya maging akin. Di ko napigilan ang sarili ko at tumayo ako at lumabas ng room. Tumingin saakin ang iba kong classmates pero di ko nalang sila pinansin.
Tch! Nag tungo ako sa Park kong saan may mga palaruan. Naupo ako sa isang bench at inalala ang nakaraan.
(Flashback)
Nasa School ako noong middle School at uwian na nag lalakad ako noon at biglang umulan. Kaya't inilabas ko ang payong ko at pinag patuloy ang aking pag lalakad.
Atshu!!!! Atshu!!!!dinig ko mula sa isang tao kaya naman sinundan ko ang bahing na iyun. Maya maya pa ay nakita ko ang isang batang babae at alam ko kong sino siya. Bakit nag lalakad ka sa Ulan sabi ko na may pag aalala.
Oh! Ito panyo ipamunas mo sabi ko at Tumingin naman siya saakin at grabe Namumula siya. At medyo nanginginig. Mukhang may sakit ka! Sabi ko at Isinama siya sa talukbong ng aking payong. Itinuro niya kong saan ang address niya. At sinundo ko naman siya agad. Hawak parin niya ang panyo ko at nang makarating kami sa tapat ng bahay nila ay Pinapasok ko na siya.
Tatalikod na sana ako ng may kumalabit saakin at Nakita ko ang Mukha niya na lumapit sa tenga ko. Salamat! Sabi niya kaya naman bigla akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam. Walang anuman. Sabi ko at mabilis na naglakad paalis.
(End of flashback)
Yun ang simula ng aking pag ka gusto sa kaniya. Halos limang taon na ang lumipas naaalala pa kaya niya ako. Nag muni-muni ako hanggang sa marinig ko ang bell at senyales yun na Tanghali na. Agad akong naglakad paalis sa parke at Bumalik ako sa Hallway kung saan nanduon ang room niya ngayon.
Sakto pagdating ko ay ang paglabas niya mula sa pintuan ng classroom nila. Siya si Haruka Okimura 15 years old. Maganda,Mabait,Matalino at Siya lang naman ang babaeng gusto ko makasama habang buhay.
Nag lakad na siya patungo kong saan ako nakatayo ngunit kahit isang lingon lang wala. Tch! Di na kaya niya naaalala ang araw na iyun. Tiningnan ko nalang siya na maglakad palayo. Tinitingnan ko ang kaniyang Pulang Buhok na Umaabot hanggang Bewang niya tapos ang bango nito na umaabot lagi sa akin.
Ang kaniyang magandang mukha na bagay sa kaniyang Brown na Mata at Mapulang niyang labi. Makinis na balat at Magandang pangangatawan. Nakalayo na siya saakin at alam ko na pupunta siya sa School canteen. Palihim ko siyang sinundan at nakita ko siyang kumakain mag-isa. Eh! Kung lapitan ko kaya. Sabi ko sa isip ko.
Tanga baka di ka na niya kilala mapahiya kalang! Sabi naman ng isip ko. Wala namang silbi ng utak na ito ayaw makisama. Mag lalakad na sana ako patungo sa kaniya ng biglang dumating ang mga classmates niyang babae.
Tch! Kung minamalas nga naman. Agad akong umalis at bumalik sa aking classroom nakita ko na wala nang tao kaya naman naupo na ako sa silya ko. Binuklat ko ang Bag ko at Inilabas ang baon kong pagkain. Kumain muna ako at matapos ang ilang minuto ay iniligpit ko ang aking gamit.
Pagkatapos ay nanahimik lamang ako hanggang sa may mga bumalik na Classmates ko. Unang dumating ang grupo ni Yūsuke Nisaka kasama sila Yukari Nejima at iba pa. Dumating rin ang grupo ng mga babae. Dumating agad ang teacher at may mahalaga siyang announcement. Mayroon estudyante ang ililipat rito sa section namin dahil naging matataas ang marka niya nitong nakaraang exam.
Kaya may mga natuwa at mayroon nagbulungan. Ms. Okimura Pumasok kana. Sabi ni Sir kaya naman nagulat ako sa sinabi ni sir. Si Haruka lilipat rito. Bumukas ang pinto at isang babaeng may pulang buhok na abot aa bewang niya at may brown na mata at makinis na katawan.
May mga natuwa at isa na ako dahil nalipat rito ang isa matalino sa section namin. Agad siyang pinaupo at naghanap siya ng uupuan. Ako naman ay kumuha ng bakante na upuan para may maupuan siya. Agad siyang nagtungo saakin at naupo sa upuan na yun. Lumingon siya saakin at grabe kinakabahan ba ako.
Salamat! Sabi niya sa mahinhin na boses. Walang anuman sabi ko pero may kaunting piyok sa dulo. Agad bumalik sa pagtuturo ang aming guro pero di ko mapigilang tumingin sa kaniya parang hinihila niya ako papunta sa kaniya.
Lumipas ang ilang oras ay natapos na ang Lecture namin sa aming guro. Ako naman ay maglalakad na palabas ay bigla nalang may tumawag sa pangalan ko. Uemura! Tawag saakin ni Nisaka. Si Nisaka ay May Blue Violet na buhok at malakas ang dating niya lalo na sa babae.
Samantala ano kaya kailangan niya. Naglakad ako papunta sa grupo nila at wala kaming ginawa ni Nisaka kundi mag titigan. Alam niyo yun Glare to Glare kami. Nahinto lang ang Glare to glare namin dahil kay Nejima.
Uemura Pwede kaba sumama sa Group Activity Tatlo pa ang kulang ikaw sana sa isang slot. Sabi niya kaya naman tinanggap ko. Para matapos na bakit ba gusto nila akong makasama. Lugi naman ang iba. Maya maya pa ay may sumali pang dalawa. Si Takasaki at si Okimura kaya naman nagulat ako.
Paano nagkasama ang dalawang ito. Lagot na tiyak na grupo namin may mataas na grades. Halos lahat saamin ay Matatalino isa na rin ako diyan. Sinabi na nila ang mga materyales at napag disisyonan na namin umuwi.
Naglakad ako pauwi at napadaan ako sa park. May mga nakita akong mga taga gobyerno na nag lilibot libot. May nag birthday nanaman. Kailangan ko nang kumilos nauubos ang oras ko. Umuwi na ako sa bahay at nakita ko sila mama at papa sa lamesa.
Oh! Anak nakauwi kana pala. Halika rito kumain ka. Sabi ni mama kaya naman pumunta sa hapag kainan. Anak kamusta ang school! Tanong ni mama saakin. Ok lang at ang School ayun School parin! Matipid na sabi ko.
2 days nalang kasi Birthday ko na at makakakuha na ako ng Notice mula sa Goverment. Oh! Siya nga pala anak may sasabihin ako sayo. Sabi ni papa kaya tumahimik lamang ako. Yung kaibigan mo na si Ishida pinuntahan na kaninang umaga ng mga taga Goverment. Alam ko na papa! Nakita ko pa kanina. Sabi ko kaya naman napatahimik si Papa.
Sa palagay ko alam na niya at naramdaman din niya ito noon. Ayaw ko mag pakasal sa Hindi ko Mahal. Kumain lang ako ng kaunti tapos umakyat ako sa Aking Kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay malinis na Kwarto ang naabutan ko. Hayst Buhay.
*time skip*
Maaga akong nagising dahil sa ngayon ko na dapat siyang kausapin. Last day ko na ito ng pagiging 15 kaya naman Dapat maging akin na siya. Papunta na ako ngayon sa Classroom at dala ang lahat ng gagamitin sa project namin. Pagpasok ko siya ang una kong nakita. Haruka ikaw lang. sabi ko mula sa isip ko.
Ibinigay ko ang mga materyales na dala ko kay Nejima at itinabi niya naman ito sa dalang gamit ng iba naming ka group. Dumating ang una naming teacher at nagturo ito ng kung ano ano. Tapos nag break time na.
Kaya naman Pinuntahan ko si Haruka kasama sila Misaka at dalawa pang kaibigan. Okimura-San! Pwede ba kitang makausap nang tayo lang. Sabi ko at lumingon siya kagaya ng mga kasama niya. Uy mukhang may mag coconfess sabi ng babaeng kasama nila. Agad naman niyang pinauna ang tatlo.
Ano yun! Tanong ni Haruka. Mukhang timing ang lugar na ito walang tao at kami lang dalawa. Ako si Yamato Uemura Classmate mo noong middle school. sabi ko.
Ah! Saan bang school at sinong Teacher. Sabi niya kaya naman nabigla ako. Eh ito naaalala mo Sabi ko at ikiniwento ang nangyari ng araw na yun. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng malaman niyang ako yun.
Ah ganun ba Sorry di ko maalala yun eh sige bye!bigla niyang sinabi kaya nagulat ako. Ano sinabi niya di niya ako naaalala. Bigla akong natulala dahil sa mga sinabi niya. Para saakin espesyal na Araw yun dahil Siya ang nakasama ko noon.
Paalis na sana siya ng tawagin ko siya. Mamayang 6:00pm sa Park Hihintayin kita. Sabi ko ng malakas para marinig niya. Nang sabihin ko yun ay kakaibang kaba sa puso ang nadama ko. Bumalik ako sa classroom at tumulong sa pag gawa ng project.
Kahit wala ako ngayon sa sarili ko ay nagawa ko parin maki operate. Wala ang dalawang babae kaya kaming Tatlong lalaki lang ang gumawa. Hanggang sa matapos na naming gawin. Handa na itong maipasa mamaya bago umuwi.
Ako na magbibigay sabi ni Nisaka. O sige! Sabi ko at tumayo na. May lakad ako mamayang gabi sabi ko at aalis na sana ng magsalita rin si Nejima. Ako rin may gagawin mamaya salamat Nisaka Life saver ka. Sabi niya kay nisaka.
Agad siyang gumayak kaya pati ako ay umalis na. Half day nalang ako ngayon para mamayang gabi.
*time skip*
Nandito na ako ngayon sa park bali 5:45 na kaya umaasa akong darating siya. Nag hantay pa ako ng ilang minuto ay 6:10 na pero wala parin siya. Nag hantay pa ako hanggang sa mag 10:00 na. Mukhang hindi niya talaga naaalala.
Naglakad ako paalis nang may makita akong pares ng sapatos ng babae. Agad akong napatingin sa harapan ko. Sandali lang! Sabi niya at ipinangharang ang sarili niya sa tanging labasan ng Park. Mabuti nag punta ka kahit late ka na. Sabi ko.
Oo nanan pasensya na kong pinag hintay kita. Pag hingi niya ng pasensya. Tara upo ka muna pag yayaya ko sa kaniya. Agad siyang naupo at tumabi ako sa kaniya. Nag kwento ako ng mga kong ano anong bagay tungkol noong middle school namin.
Nakita ko naman na tumatawa siya kaya natatawa rin ako. Hanggang sa mapunta kami sa Topic kong bakit ko siya tinawag kanina at pinapunta ko siya rito ng Ganitong oras.
Ah eh! Alam mo kasi Haruka! Mula nang makita kita noon na hulog na ako sayo. Matagal na kitang gusto Haruka! Direkta kong sabi sa kaniya. Pagkasabi ko nun ay biglang tumulo ang luha niya. Haruka! Sabi ko ng may pa-aalala
Wala ito! Yamato sabi niya Teka bakit may nasabi ba akong masama. Teka Kukuha ako ng Panyo!. Wag na! Sabi niya! Tapos tumingin siya saakin. Ako rin Matagal na kitang gusto Yamato mula ng ibigay mo saakin ito. Sabi ni Haruka at ipinakita ang isang panyo. Kung ganun itinago mo yan ng ganun katagal. sabi niya kaya naman nakaramdam ako ng tuwa.
Agad ko siyang niyakap dahil sa nalaman ko. May gusto rin siya saakin. At itinago pa niya ang binigay kong panyo. Yamato! Let me kiss you. Sabi ni Haruka.
Huh! KISS? Oo Kiss, you didn’t like it? Tanong niya.
Gusto ko gusto ko! Sabi ko kaya naman tumayo siya at Isinandal niya ako sa bench na inuupuan namin. Pumatong siya saakin at inilapit ang kaniyang mukha. Inilihis niya ang buhok niya para di humarang sa mukha niya.
Pinagmasdan ko siya. Nang tingnan ko siya sa kaniyang mga mata ay nakita ko ang pagkislap sa nito. Naramdaman ko ang kaniyang pag hinga. Ilang sandal lang ay naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang labi!.
Damang-dama ko ang kaniyang malambot na labi. At naaamoy ko ang mabango niyang hininga. Humiwala’y siya saglit saakin at hinawakan niya ang labi niya at idinikit ang daliri niya sa Labi ko. Hinalikan niya akong muli. Pero sa pagkakataong ito ay sumabay ako sa kaniyang halik.
Nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng Puso ko. At para akong dinadala nito sa lugar kung saan kami lamang dalawa. Unti unti niyang ipinasok ang kaniyang dila saakin dahilan upang mas dumiin ang aking mga halik. Nang gawin ko yun ay napayakap siya sa aking leeg. Lumipas ang ilang sigundo ay huminto kaming dalawa.
Pareho kaming bumabawi ng paghinga. Nang makaipon na ako ng hangin ay ako naman ang h*****k sa kaniya. Kagaya kanina ay mas tumindi an gaming mga halik tila ba’y hayok na hayok kami sa tindi ng aming mga halik.
Ngunit nahinto kami ng biglang may malakas na pagtunog na tila ba kumakalembang. Ding! dong! Ding! Dong! Malakas na Pagtunog ng hindi kalakihan na orasan na nasa tabi ng inuupuan naming. Dahil sa tunog nito ay naudlot kami ni Haruka.
Kring!! Kring!! Biglang tumunog naman ang phone ko kaya naman akala ko sila mama lang at ng buksan ko ay.What The! ang Notice ko’ Sabi ko kaya naman nabigla si Haruka. tiningnan ko ang orasan at 12:01 na at 16 na ako. Agad kong binasa ang Notice ko. Na kadarating lamang.
“An Important message for you from the government of japan Taking your data and hopes into account...Marriage...Your Partner in Marriage Has been Decided. Resides in the city Born on April Sixteen Haruka Okimura..”
Yun ang nakasulat sa mensahe. Laking tuwa ko dahil sa nabasa ko. Kaya naman ipinakita k okay haruka ang phone ko. Haruka Himala Tayo ang!! Ito oh! Ipapabasa ko na sana sa kaniya ang mensahe ng bigla nalang mamatay ang phone ko.
Naman oh! Reklamo ko kasi sinusubukan ko buksan ang phone ko pero ayaw talaga.
“You ARE Yamato Uemura - kun, Right” Sabi ng isang boses “Good evening. I'm Ichijou, from the Ministry Health, Labor, and Welfare. I'm Yajima From The Ministry Health, Labor, and Welfare. Pag papakilala ng dalawang tao na nasa harap namin ni haruka. We've come to Deliver your notice. My apoligies for coming at this Hour. Congratulations on your forthcoming Marriage. Sabi ng babaeng nag ngangalang Ichijou.
Tha-Thank you! Sabi ko at binuklat ang binigay niyang Envelop. Binasa ko ang name ng Magiging Partner ko. Rumiko Harada. Teka bakit ganun Bakit nag iba ang pangalan si Haruka dapat ang magiging Partner ko.
E-excuse me! I received a text notification with a different person's name on it. with this girl's name. Sabi ko at agad siyang sumagot.
I don't believe that's possible Sagot niya. I'm telling you, it happened! Sabi ko. But this is the name on the official document. Sagot niya muli. But it had her name! Right here! Sabi ko muli hayst nakikipag talo na ako rito.
It was likely some mistake. These notices are absolute. Sabi niya
But...
Ah...Since you and your partner are both minors, Please use us as a go-between to arrange first contact. We wish you every happiness in your union. Sabi ng babae at maglalakad na dapat sila paalis ng magsalita ang kasama niya..
“Katulad ng isang binata kanina ang nangyari sayo ngayon Wag kang mag alala nagka aberya lang.” Sabi niya kaya lalo akong nainis. Bakit! Ganun. Tumingin ako kay Haruka at kita ko ang madilim na niyang mukha.
Haruka Pag kakamali lang yun nabasa ko kanina pangalan mo ang nakalagay Haruka. Sabi ko pero sa sinabi niya ako natahimik.
Happy Birthday Uemura-kun At sana wag mo na akong puntahan. Isipin mo nalang mula ngayon na isa ito sa masaya nating ala-ala. Sabi niya at hinawakan niya ang aking kamay. Nang hawakan niya ako ay naramdaman ko ang panginginig ng kaniyang mga kamay.
Yamato Patawad sabi niya at Bigla nalang siya tumakbo paalis. Teka! Haruka! Sigaw ko ngunit patuloy lamang siyang umalis. Hindi hindi ito totoo isa lang itong Kasinungalingan. Nag-sisinungaling siya
Agad ko siyang hinabol. Napakabilis ng kaniyang pagtakbo kaya naman mas binilisan ko ang aking pagtakbo para mahabol siya. Nang malapit na ako sa kaniya ay agad kong hinablot ang kaniyang kamay kaya naman huminto siya at kaya naman huminto rin ako. Iniharap ko siya saakin at niyakap ko siya ng mahigpit.
Mahal ko siya, mahal na mahal at hindi ko siya kayang ipag palit sa iba. Hindi ko siya kayang mawala saakin. Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Haruka.
Third Person Pov
Sa isang kwarto ay makikita ang isang dalaga na nakahiga sa kaniyang kama. Ay kapansin pansin sa mukha nito ang puyat. Sapagkat wala pa itong tulog dahil sa kakaisip kung sino ang magiging fiancé niya.
Ting! Tunog mula sa kaniyang telepono. Nang marinig nga ng dalaga ang pagtunog ng kaniyang telepono ay kinabahan siya bigla. Dahan dahan nilapitan ng dalaga ang kaniyang telepono ng makalapit siya sa kaniyang telepono ay nagulat siya dahil mayroon itong notification.
Kinuha niya ang kaniyang telepono at tiningnan ang nakalagay sa notification at doon nga ay nabasa niya kung saan iyun galling. Galing ito sa Ministry Health, Labor, and Welfare. Binuksan niya ang laman ng mensahe at agad niyang tiningnan ang pangalan.
Uemura Yamato…
: To Be Continued:
Yamato PovMaaga akong nagising dahil sa pag iisip ng mga nangyari kagabi. Tsk! Bakit hindi siya.Yamato! Gising kana ba! Tawag ni mama mula sa labas ng Kwarto ko. Opo ma! Sabi ko at tumayo na galing sa kama.Naligo muna ako sa Cr tapos nag bihis ako ng uniform at inayos ko ang buhok ko. Bali hindi ko pa pala pinapaalam ang itsura ko.Ang aking Buhok ay Kulay Yellow at may Kulay Green na mga mata. At makinis ang balat at sa madaling salita may itsura talaga ako.Papasok ako! Sabi ko agad kila mama at papa ng ako'y bumaba galing sa itaas ng bahay.Ah... Ganun ba sige basta mamaya bumalik ka ah hindi kasi pwede na wala ang lalaki sa pagkikita.Sabi ni mama kaya naman kumuha ako ng tinapay na nasa lamesa at lumabas na ng bahay. Kailangan ko siyang makita at makausap.Tumatakbo akong nakarating sa eskwelahan at nag suot a
Yamato PovNasa bahay kami ngayon nila Rumiko dahil sa kailangan namin itong gawin. Mag kwentuhan daw kami at kilalanin ang isa't isa.Di ko akalain na papayag si rumiko dahil sa siya ang may ayaw nito.Oh.. sige magpakasaya kayong tatlo sa itaas tawagin mo nalang ako pag may kailangan kayo ah. Sabi ng mama ni Rumiko at teka Tatlo.agad akong niyaya ni Rumiko sa kaniyang kwarto at nakita ko duon si haruka. teka Rumiko bakit nandito si haruka?Tanong ko kay rumiko pero ngumiti lang siya saakin naku! Ano kaya iniisip ng babaeng ito.Rumiko mukhang kailangan ko nang umalis! Sabi ni Haruka. At ginagayak na ang gamit niya ng pigilan siya ni Rumiko.Mamaya kana umalis Bessy talagang Niyaya ko itong si Yamato para may kasama tayo..Sabi ni rumiko at parang di ko magugustuhan ang mangyayari ngayon.Hm... ok sige! Sabi ni Haruka at tumitig saakin. Tila parang sinasabi niyang "Alam mo ba ito" sa pamamagitan ng mata n
Yamato PovNasa bahay kami ngayon nila Rumiko dahil sa kailangan namin itong gawin. Mag kwentuhan daw kami at kilalanin ang isa't isa.Di ko akalain na papayag si rumiko dahil sa siya ang may ayaw nito.Oh.. sige magpakasaya kayong tatlo sa itaas tawagin mo nalang ako pag may kailangan kayo ah. Sabi ng mama ni Rumiko at teka Tatlo.agad akong niyaya ni Rumiko sa kaniyang kwarto at nakita ko duon si haruka. teka Rumiko bakit nandito si haruka?Tanong ko kay rumiko pero ngumiti lang siya saakin naku! Ano kaya iniisip ng babaeng ito.Rumiko mukhang kailangan ko nang umalis! Sabi ni Haruka. At ginagayak na ang gamit niya ng pigilan siya ni Rumiko.Mamaya kana umalis Bessy talagang Niyaya ko itong si Yamato para may kasama tayo..Sabi ni rumiko at parang di ko magugustuhan ang mangyayari ngayon.Hm... ok sige! Sabi ni Haruka at tumitig saakin. Tila parang sinasabi niyang "Alam mo ba ito" sa pamamagitan ng mata n
Yamato PovMaaga akong nagising dahil sa pag iisip ng mga nangyari kagabi. Tsk! Bakit hindi siya.Yamato! Gising kana ba! Tawag ni mama mula sa labas ng Kwarto ko. Opo ma! Sabi ko at tumayo na galing sa kama.Naligo muna ako sa Cr tapos nag bihis ako ng uniform at inayos ko ang buhok ko. Bali hindi ko pa pala pinapaalam ang itsura ko.Ang aking Buhok ay Kulay Yellow at may Kulay Green na mga mata. At makinis ang balat at sa madaling salita may itsura talaga ako.Papasok ako! Sabi ko agad kila mama at papa ng ako'y bumaba galing sa itaas ng bahay.Ah... Ganun ba sige basta mamaya bumalik ka ah hindi kasi pwede na wala ang lalaki sa pagkikita.Sabi ni mama kaya naman kumuha ako ng tinapay na nasa lamesa at lumabas na ng bahay. Kailangan ko siyang makita at makausap.Tumatakbo akong nakarating sa eskwelahan at nag suot a
Yamato PovKasal?. Ano nga ba ang kasal?. Ito ang bumabagabag sa Isip ko ngayon dahil inaalala ko ang aking nalalapit na kaarawan. Tch! Ano ba kayo Di kayo dapat mag muk-muk diyan mga tanga walang mag papakasal saatin hindi tayo mag papatali sa kanila. Sabi ni Takeda.Kasama niya ang grupo nila Yosuke At Nejima. Katulad ko ay mag Si-sixteen narin sila. Pero hindi lang iyon ang problema Dahil kapag Hindi na naman ako kumilos ay baka Hindi na siya maging akin. Di ko napigilan ang sarili ko at tumayo ako at lumabas ng room. Tumingin saakin ang iba kong classmates pero di ko nalang sila pinansin.Tch! Nag tungo ako sa Park kong saan may mga palaruan. Naupo ako sa isang bench at inalala ang nakaraan.(Flashback)Nasa School ako noong middle School at uwian na nag lalakad ako noon at biglang umulan. Kaya't inilabas ko ang payong ko at pinag patuloy ang aking pag lalakad.Atshu!!!! Atshu!!!!dinig ko mula sa isang tao kaya naman sinund