"BAKIT ngayon ka lang dumating?" tanong sa akin ni Sheena habang sumasayaw sa sikat na tugtugin sa Tiktok ngayon.
Napatingin siya sa hawak kong notebook kaya agad ko iyong nilagay sa loob ng bag ko. "Pagod ako, Sheena. Huwag mo akong guluhin."
"Nagtatanong lang naman, ah. Late ka na kasi umuwi. Pasalamat ka nagma-mahjong si Mama sa kapitbahay kundi lagot ka."
"Wala akong pakialam manahimik ka."
Nginusuan ako ni Sheena habang panay pa rin ang sayaw sa harap ng cellphone niya. "Bakit ganiyan ka sa akin ngayon? Wala naman akong ginagawa, ah."
Napairap na lang ako bago umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko. Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya agad ko naman iyong sinagot.
"Hello, anak!"
"Hello."
"Oh? Bakit naman parang wala kang ganang makausap ako?"
Pilit akong ngumiti kahit alam kong hindi naman ako kita ng nasa kabilang linya. "Pagod lang, 'nay."
"Kumusta ang araw mo sa school? Marami ka naman bang natutunan?"
"Opo," malamya kong pagsagot.
"Mabuti naman kung gano'n, anak."
Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan. Hinubad ko ang sapatos ko bago ako umupo sa kama.
"Alam mo, 'nay, ayos din naman pala mag-aral sa PNHS." Ipinatong ko ang bag ko sa kama saka ako pabagsak na humiga roon.
"Talaga? Bakit naman?"
Napaisip ako. "Kasi..." Bakit nga ba? Bakit bigla akong natameme dahil wala akong maibigay na sagot?
"Siguro may bagong crush ka na sa bagong school mo, ano?"
"Wala, 'nay. Talagang mas maayos lang magturo ang mga teacher sa PNHS kesa sa private school ko dati."
"Gano'n ba? Ay siya, sige, gising na ang alaga ko kaya kailangan ko nang ibaba ang telepono. Ingat ka lagi riyan."
"Sige, 'nay. Ingat ka din diyan."
Matapos akong babaan ng kabilang linya ay natulala na lamang ako sa kisame.
"Ikaw pala 'yung pinalit sa akin ni Rose?"
"Eh, ano naman sa'yo kung ako nga?" mapanuyang pagtatanong ni Angelo kay Onyx.
Napailing ako nang maraming beses nang bigla iyong pumasok sa isip ko. Bakit ba bigla-bigla na lang sumisingit ang hunghang na Angelo na iyon? Tss.
---
KINABUKASAN ay sinundo pa rin ni Angelo si Sheena. At dahil sa pagpupumilit nilang dalawa ay sumakay na rin ako at nakisabay sa kanila. Pabor din naman sa akin kaya hindi na rin ako tumanggi.
"Parang may iba kay Angelo ngayon," bulong sa akin ni Sheena.
"Ano na naman?"
"Basta, I will chika it to you later."
Tumango na lamang ako sa sinabi niyang iyon kahit pa medyo naguguluhan. Hanggang sa pagdating ng PNHS ay ang sinabi pa rin ni Sheena ang nasa isip ko.
"GOOD MORNING, baby girl!" bati sa akin ni Onyx matapos akong makitang pumasok sa classroom.
Nginiwian ko siya saka ako pumunta sa likuran at doon ay umupo. Kahit pa hindi talaga rito ang upuan ko, bahala na basta hindi makatabi ang kumag na Onyx na iyon. Manloloko, tss.
Hindi nagtagal ay dumating na ang teacher at agad na nagturo, malamang. Nag-focus na lamang ako sa mga itinuturo nito. Ang kaso ay hindi ako makapokus masiyado dahil panay ang tingin ni Onyx dito sa pwesto ko.
Pinanlakihan ko siya ng mata pero tinawanan lang niya ako. Kumag talaga.
Patuloy pa rin sa pagtuturo ang teacher sa unahan. Maya-maya ay natigilan siya pati na rin ang buong klase nang biglang may kumatok. Agad na pinagbuksan iyon.
"Oh, Mr. Francisco! Pasok ka. Anong sadya mo?" tanong ng guro sa unahan.
Napatingin ako sa pumasok at napangiwi nang makitang si Angelo iyon. May hawak-hawak itong papel at blangko lamang ang ekspresyon.
"Nais ko lamang ipabatid sa inyong lahat, bilang bahagi ng SSG, na magkakaroon tayo ng Acquaintance Party ngayong nalalapit na Biyernes. Lahat din ng mga transferee ay inaasahan ang pagpunta sa quadrangle after class." Para bang hindi huminga si Angelo nang sabihin iyon.
Lahat ay kaniya-kaniya ang mga naging bulungan. Mukhang excited sila sa mga gaganaping kung anu-ano. Ako naman ay walang pakialam doon. Nandito ako para mag-aral at hindi sa kung anupaman.
Pinasalamatan ng guro si Angelo at saka lumabas ang huli ng classroom. Walang lingunan itong naglakad na akala mo ay isang taong may kataasan ang katayuan sa buhay.
Nagpatuloy ang pagtuturo ng teacher sa unahan kaya't lahat kami ay nakinig na. Dumating pa ang isang subject para sa hapon na mabilis lamang din natapos.
Lalabas na sana ako ng classroom nang bigla ay may humawak sa braso ko. Agad ko namang tiningnan kung sino ang may ganang painitin ang ulo ko. Gustong gusto ko nang umuwi leche.
"Hindi ba't kailangan daw tayo sa quadrangle ngayon? Transferee tayo pareho, nalimutan mo na ba?"
Nginiwian ko si Onyx saka ko hinila ang braso ko. Handa na sana akong umalis pero nasalubong ko naman si Angelo. Napatitig si Angelo sa kasama ko, awtomatikong nagsalubong ang mga kilay niya nang makita si Onyx.
"Huwag niyo sabihing mag-aaway ulit kayo?" tanong ko. Pumagitna na ako sa kanila dahil paraan pa lang ng pagtitig nila ay para bang hindi na nila hahayaang mabuhay pa ang bawat isa.
Bago pa sila kung ano ang gawin ay parehas ko na silang hinila papuntang quadrangle. Hindi na naman sila nakaangal at nagkusa nang maglakad.
"Welcome to the acceptance rites! Lahat kayong mga bagong mag-aaral ng PNHS ay dadaan sa gan'tong uri ng seremonya upang maging opisyal ang pagiging bahagi ninyo ng paaralan. Palakpakan naman diyan." Napahikab ako habang nakatingin sa nagsasalita sa unahan. Siguro ay ito ang presidente ng SSG.
"Palakpak daw." Siniko ako ni Onyx kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pumalakpak na rin ako para hindi na niya ako guluhin pa.
Kung anu-ano pang mga sinabi ng nasa unahan pero hindi naman ako makapag-focus dahil sa katabi ko.
"At para opisyal na masimulan ang programa para sa hapong ito, lahat kayo ay kinakailangang pumunta sa covered court."
Napatingin ako sa orasan. Mag-aalas singko na hindi pa rin ako umuuwi. Bakit pa ba may mga ganitong seremonyas? Hindi ba pwedeng pumasok na lang kami nang matiwasay? Ang dami nilang arte.
"Tayo na sa covered court, baby girl." Inakbayan ako ni Onyx pero agad ko siyang siniko sa tagiliran.
"Baby girl mo mukha mo." Nagmadali ako sa paglalakad at pagpunta ng covered court. Ngunit maya-maya ay natigilan ako nang bigla-bigla ay may tumama sa mukha kong kung anong malagkit na bagay. Napapikit ako nang wala sa oras at napahaplos sa mukha ko.
Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapagtantong harina iyon na mukhang may nilagay na kung ano para lumagkit.
"Iyan ang highlight ng acceptance rites. Dahil diyan ay tunay at ganap na kayong PNHS students."
Napatingin ako sa mga kasama kong mga transferee, lahat sila ay sinabuyan din ng malalagkit na harina. May itlog na hilaw atang nilagay. Argh, ang lagkit na ng buong blouse ko!
"Pft!" Napatingin ako kay Onyx na mukhang nagpipigil na ng pagtawa. Bakit wala siyang harina? Ang daya!
Agad kong kinuha ang harina sa isang SSG officer at saka ko sinabuyan si Onyx.
"Tama na! Hoy!" tatawa-tawang pag-ilag ni Onyx habang ako ay panay ang pag-saboy sa kaniya ng harinang may hilaw na itlog.
Hindi pa rin ako tumigil. Natatawang inagaw ni Onyx sa akin ang hawak kong kaserola saka niya ibinuhos lahat sa akin ng laman. Napabusangot na lamang ako dahil doon.
"Gosh, white lady na pangit!" Sinamaan ko ng tingin ang estudyanteng nagsabi no'n.
Humanda ka talaga sa aking Onyx ka! Sinamaan ko ng tingin ang kumag at saka ko siya hinabol.
"Ikaw ang nagsimula! Huwag kang pikon!" sigaw ni Onyx habang tumatakbo.
Hindi naman ako tumigil sa paghahabol sa kaniya. Gustong gusto ko talaga siyang kalbuhin. Ang lagkit-lagkit ko na ngayon lalo dahil sa ginawa niya.
Panay ang pagtawa ni Onyx habang tumatakbo kaya lalong uminit ang ulo ko. Nakakaasar ang mukha niya sa totoo lang. Parehas sila ni Angelo na mukha pa lang nabibwisit na ako.
Sa dami ng iniisip ay hindi ko napansin ang nakausling ugat ng puno sa tinatakbuhan ko. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paghihintay sa mga susunod na pangyayari.
Katapusan ko na, madadapa ako at nakakahiya iyon sa mga nandito.
Napikit ko ang aking mga mata. Ilang segundo pa ang lumipas at hindi ko naramdaman ang malamig na lupa. Animo'y kalong ako ng isang matipunong braso. Agad kong naimulat ang aking mga mata.
"Be careful," blangko ang ekspresyong sabi ni Angelo. Salo niya ako mula sa muntikan ko nang pagkakadapa.
Napalunok na lamang ako habang pino-proseso ang mga nangyayari. Napakalapit namin sa isa't isa. Ang mukha niya ay ilang pulgada lamang sa akin kaya hindi ko naiwasang pagmasdan iyon.
Makakapal ang mga kilay niya at itim na itim. Matangos ang kaniyang ilong at perpekto ang medyo mapupulang mga labi. Bwisit at inis ako sa mukha niya noon pa pero hindi ko maikakailang gwapo ang hunghang na nasa harap ko.
Lumipas pa muna ang ilang segundo para matauhan ako. Tumayo ako at bahagya pang naitulak si Angelo. Napatingin ako sa paligid kung may nakakita sa mga nangyari. Lahat sila ay nasa amin ang atensyon na siyang nagpausbong ng natitirang hiya sa akin.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga naroroon at nagulat nang makita si Sheena sa bulwagan ng covered court, nanlalaki ang mga mata.
PINASADAHAN ko ng tingin ang mga naroroon at nagulat nang makita si Sheena sa bulwagan ng covered court. Nanlalaki ang mga mata nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "OMG! WHAT HAPPENED TO YOU?!" humahangos na tanong sa akin ni Sheena. "Okay ka lang, sister girl?" Dahan-dahan akong tumango saka pinagpag ang mga harina sa blouse ko. Ikinagulat ko naman nang hilahin bigla ni Sheena ang braso ko. Wala akong nagawa kundi magpahila sa kaniya palabas ng covered court. Nang tuluyan na kaming makalabas ay saka ko hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak ng kapatid ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mahaba niyang pagkakanguso. Animo'y isa itong batang nagmamaktol. "Anong p
SUMAKAY ako ng kotse niya, ganoon din naman siya. Buong biyahe ay wala sa aming umiimik. May mahinang tugtog mula sa kotse niya na ipinapagpasalamat ko dahil nabawasan ang awkwardness. Napailing ako. Bakit kailangang mailang ako sa hunghang na ito? Siya lang naman si Angelo Francisco! Hindi siya dapat kinaiilangan. Tulad lang siya ng ibang mga tao! Anong nangyayari sa'yo Rose at nagkakaganiyan ka? Tumigil ang kotse sa tapat ng isang cafe. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang cafe kung saan nakipag-meet itong si Angelo sa kapatid ko. Out of all places bakit dito pa? "Malamig ang panahon ngayon, mukhang masarap din ang kape nila rito." Napasinghal ako. Kape lang pala ang gusto niya edi sa
"BAKIT naman kasi nagpaulan kang bata ka? Ano bang pumasok sa isip mo? Alam mo namang malamig ang panahon ngayon at uso ang mga nagkakasakit."Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at saka ko nakita ang alalang-alalang mukha ni Tita Divine— ang mama ni Sheena. Anong nangyari? Ang naalala ko lang ay umuwi akong basang-basa at saka ko kinausap si Sheena. "A-ano pong nangyari?" dahan-dahan kong tanong."Nawalan ka ng malay, hija. Nakita ko na lamang ay nakabulagta ka sa sahig diyan sa salas." Pinunasan ni Tita ang mga braso ko ng malamig na bimpo.Nagpalinga-linga ako at napatingin sa orasan. Alas-singko na ng umaga. Sinubukan kong bumangon pero dulot ng panghihina ay hindi ako nagtagumpay."Magpahinga ka na lamang, Rose. Huwag ka nang pumasok tutal naman ay Biyernes na ngayon.""S-si Sheena po?""Nandoon sa baba kumakain na. Bakit, may kailangan ka sa kapatid mo?"
NANG imulat ko ang aking mga mata ay sa isang hindi pamilyar na lugar ako naroon. Pulos puti. Hindi ako ganoon kamangmang para hindi mahulaan kung nasaang lugar ako. Napangiwi naman ako nang makaramdam ng kirot sa bandang likod ng ulo pati na rin sa batok ko. Animo'y hinahati ang ulo ko sa dalawa. Napaihip na lang ako nang maramdaman pa rin ang sakit.Napatingin ako sa gilid ko. Naroon si Tita Divine at nakasubsob sa tagiliran ko. Nang igalaw ko ang braso ko ay saka ito pabalikwas na bumangon. "Hija, ano bang nangyari? Ang sabi ni Sheena ay nadulas ka raw sa hagdan. Mag-iingat ka sa susunod." Napahawak sa sintido niya si Tita Divine.Bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan ako. Iniluwa nito si Sheena na may dalang mga plastik ng pagkain ata. Hindi ko alam kung ano ang laman ng mga plastik dahil hindi naman ito transparent."Dapat ay sinabi mo na lang sa kapatid mo kung anong kailangan mo para siya na lamang ang na
"Ayos ka lang, Rosanne?"Bumalik ako sa ulirat nang marinig iyon mula sa katabi ko. Halos masampal ko ang sarili. Ba't ba ako nagkakaganito?"Gusto mo na bang magpahinga?" tanong niya ulit, kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata.Hindi ako umimik, natulala na lamang ako sa kawalan habang kinikiliti ang dibdib ng mga senaryong pumasok sa utak ko kanina. Napaiwas na lamang ako ng tingin nang magtama ang paningin naming dalawa. Umiling ako nang maraming beses, umehem, at saka umayos ng pagkakahiga sa kama."Kung kailangan mo nang magpahinga ay aalis na muna siguro ako, tatawagin ko na lang si Tita--""Hindi." Nagulat ako sa sarili ko nang biglaan kong putulin kung anuman ang sinasabi niya.Nagugulumihanan akong tiningnan ni Onyx, kitang-kita sa nakakunot niyang noo at medyo naniningkit niyang mga mata. "Ano?"Napaiwas ako ng tingin. "D-Dito ka lang muna."Dahan-dahang nabanat ang mga
ILANG oras nang wala si Sheena matapos niyang umalis kanina. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nakita ko sa mga mata niya. Poot. Ganoon na ba katindi ang galit niya sa akin?Napailing ako habang pinagmamasdan ang buong kwarto. Nagpaalam si Tita Divine kanina na lalabas lamang siya saglit pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin siya. Matunog akong bumuntonghininga. Matapos iyon ay tumunog ang pinto at bumukas dahilan para lingunin ko.Iniluwa nito si Sheena. Halos gumewang sa paglalakad habang lumalapit sa akin. Mapula ang pisngi nito at singkit na ang mga mata. Salubong din ang mga kilay nito't parang sibat ang paningin na tutusok sa mga mata mo kapag nilabanan."Okay ka lang, Sheena?" agad kong tanong.Umirap ito. "Tss. Tigilan mo nga iyang kakaganiyan mo. Huwag ka nang magkunwaring mabait. Tayo lang naman ang nandito. Alam naman nating dalawa kung ano ang tunay na kulay mo." Halos mabulol na ito pagsasalita, hindi
"MAGSISIMBA lang ako sa bayan, bantayan mo 'tong kapatid mo, Sheena. Kailangan pa niyang magpahinga para magtuloy-tuloy na ang paggaling.""Yes po,'Ma. Ingat po kayo. Anong oras po kayo babalik?" tanong ni Sheena habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin."Mamayang hapon din. I-text ko kayo kapag nakarating na ako roon. Ingat kayo dito!" Matapos iyon ay lumabas na si Tita ng pinto at naiwan kaming dalawa ni Sheena sa salas. Ilang minutong wala sa aming nagsasalita.Gusto ko sanang sumama kay Tita pero sigurado namang hindi niya ako papayagan. Ipagpipilitan niyang kailangan ko pa ring magpahinga kahit ayos na ayos naman na ang pakiramdam ko. Naigagalaw ko na nga nang normal ang leeg ko tulad ng nakasanayan. Hindi na ako nahihirapan pang igalaw ito."Nagugutom ako, Rose," imik ni Sheena out of the blue.Taka ko 'tong tinitigan. "May pagkain naman diyan, eh.""Gusto ko bagong luto. Gosh, I'm cravi
KINABUKASAN, nagpumilit ako kay Tita. Gustong-gusto ko nang pumasok dahil baka may ma-miss akong subjects, baka mahirapan ako makahabol. Noong una ay ayaw niya pero sa paglalambing ko'y pumayag din naman.Sinundo ako ni Onyx. Nasalubong pa nga namin si Angelo na balak din pala akong sunduin. Ang sabi ko na lamang ay si Sheena ang isakay para hindi masayang ang pagod niya pagmamaneho papunta sa amin. Pero ayaw niya pumayag kaya hindi ko na pinilit."Hindi ka pumunta sa bahay," imik ko kay Onyx habang bumibiyahe kami papuntang school."Ha? Totoo ba 'to o nananaginip lang ako?" natatawang tanong ni Onyx."Anong pinagsasasabi mo diyan?""Ba't parang nagiging clingy ka na ulit sa akin?"Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Umirap pa ako bago ibinuka ang bibig. "Kalimutan mo na nga lang. Mas mabuti ngang hindi ka nagpunta para hindi ka nakapanggulo doon."Malulutong na tawa ang narinig ko kay On
ANGELO'S POV NAPADAING ako nang makaramdam ng sakit ng ulo paggising. Ikinagulat ko nang makarinig ng ingay mula sa mga taong kasama. Tumayo ako sa kamang kinahihigaan saka nagpalinga-linga. Ano ang dahilan at nag-iingay sila nang ganito kaaga? Dahan-dahan akong humakbang sa sahig na yari sa kawayan at saka binuksan ang pintong gawa din sa kawayan. Bumungad sa akin ang mga kasamahan naming kaniya-kaniya ang paroo't parito. May tumatawag sa telepono at mayroon din namang panay ang pakikipagtalo sa isa pa. Napakagulo nila kaya taka ko silang pinakatitigan. "Anong nangyayari?" pupungas-pungas kong tanong. Saka lamang nila ako napansin nang sabihin ko iyon. Kitang-kita sa mukha nila ang pag-aalala. Lalong-lalo na sila Mr. and Mrs. Escara. "Nawawala si Rose," si Mama na ang sumagot sa tanong kong iyon. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang marinig iyon? Nawawala? Tek
"SAAN kayo papunta?" tanong ni Jelay nang makita kami ni Angelo'ng magkasama.Napatingin kami ni Angelo sa isa't isa. Napakamot sa batok niya si Angelo at saka nginiwian ang ate niya. "Bakit mo tinatanong?""Wala. Bakit, masama bang magtanong?""Wala ka na do'n, ate."Hinampas siya sa braso ni Jelay kaya agad naman siyang humaplos sa parteng iyon. "Bakit ba?!""Sasama ako." Nagpa-cute pa si Jelay matapos iyong sabihin. Akma pa nitong yayakapin ang kapatid pero winaksi lang siya ni Angelo."Ate, hindi ka pwede sumama. Baka manggulo ka lang sa amin. May mga kasama ka namang mga lalaki diyan, ba't nanggugulo ka sa 'min ngayon?'"Nanggugulo agad? Nagtatanong lang naman ako!" Ngumuso ito na animo'y batang nagmamaktol. Tinawanan lang naman siya ni Angelo. Wala nang nagawa si Jelay kundi hayaan na lamang kaming umalis. Ayaw kasi magpatalo nitong isa, e.Wala sa aming umiimik ni Angelo habang naglalakad sa pampang. Maski ako ay wala ri
"A-ANGELO?" hindi makapaniwalang bulong ko nang makitang tanggalin ng lalaking nakaitim ang bonnet na suot. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi nang makita ang pagkakangisi ni Angelo sa akin."HA!" Hingal na hingal akong napabangon sa kaninang pagkakahiga. Pulos butil ng pawis sa noo ko't dibdib. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid habang ako'y hingal na hingal pa rin.Nang mapagtantong wala na ako sa panaginip at gising na'y saka ako napapikit at napahinga nang maluwag. Ikatlong beses ko nang napanaginipan iyon. At ngayong ikatlong pagkakataon ko nakita kung sino ang nasa likod ng lalaking iyon na nakaitim.Hindi ako makapaniwala.Si Angelo?Alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin. Alam kong hindi niya ako kayang saktan. Hindi ko talaga maisip kung paanong nangyaring si Angelo ang pumatay sa akin sa panaginip kong iyon. It doesn't make sense. Hindi niya iyon kayang gawin sa akin. Hinding-hindi!Ngunit ano kaya ang ib
NANG imulat ko ang mga mata ko ay laking gulat ko nang mapagmasdan ang lugar na hindi naman sa akin pamilyar. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Sobrang sakit pa ng ulo ko kaya nahirapan akong umupo mula sa kaninang pagkakahiga.Nasa isang kubo ako na maliit at walang kagamit-gamit bukod sa kamang hinihigaan ko. Pero nang tingnan ko sa sahig na yari sa kawayan ay nakalapag doon ang sari-saring mga bag. Iyon 'yung mga bag namin, kung 'di ako nagkakamali. Nakarating na kami sa resort? Marahil nga siguro.Abala pa ako sa pagmamasid nang bigla-biglang bumukas ang pintuang kawayan na nasa harap ko lang din. Iniluwa nito ang gulat na si Angelo. Pinakatitigan pa ako nito habang nakaawang ang mga labi. Nang matauhan ay agad itong lumapit sa akin. "A-Anong pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? May kailangan ka ba?" sunod-sunod nitong tanong.Dahan-dahan naman akong umiling bilang sagot sa huling katanungan niya.Bumuntonghininga naman siya at tumabi sa kin
NAPATAKBO ako sa dalawang taong nakita ko sa pinto ng mansion nila Angelo. Hindi ko na napigilang mapahagulgol matapos silang makilala."Alesia, we miss you, anak." Hinaplos ni Mommy ang likod ko. Pati buhok at likod ng ulo ko ay hinagod niya saka niya ako binigyan ng halik sa tuktok ng ulo."We are happy you are safe. Please, lagi kang makinig sa amin. We only want what's best for you," si Daddy. Bumaling naman ako rito at agad na yumakap.Nagyakap kaming tatlo. Animo'y kami lang ang nandoon at hindi alintana na may mga nanonood sa amin, ang pamilya Francisco. Hinaplos nilang dalawa ang pisngi ko habang ako ay nagpipigil pa rin ng luha. "Na-miss ko po kayo.""Mas na-miss namin ang nag-iisa naming anak. We want to apologize for hiding the truth. Alam kong deserve mo na malaman ang lahat ng tungkol sa pagkatao pero kinain ako ng takot. I was so afraid that you'll leave us once na malaman mo ang totoo na hindi ka namin tunay na anak. Natatakot kaming ipaala
NAGLAGLAG ako ng mga bulaklak sa bumababang kabaong ni Nanay. Inayos ko pa ang shades na suot at saka bumalik sa kaninang kinauupuan. Nang makabalik ay hinawakan ako sa balikat ni Onyx. Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti ng pilit.Kaunti lang ang dumalo sa libing ngayon ni Nanay. Ayon na rin iyon sa hiling ko. Gusto ko sana ay tahimik lang at talagang mga close lang ng pamilya namin ang makikita ko. Hindi ko rin kasi gusto pang makipag-usap kung kani-kanino ngayon."Ang sabi ng mga pulis ay nakasara daw ang pinto ng kwarto ni Tita Hyacinth. Naka-lock daw iyon kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong makalabas si Tita. Sa bintana nila nakita ang katawan nito, mukhang nagpipilit na lumabas mula roon."Nagsipagtuluan ang mga luha ko nang marinig iyon mula kay Angelo. Lumapit sa akin si Jelay at pinisil pa ang kamay ko. Napatingin ako dito at saka nagpasalamat sa pagdalo. Mabuti na lamang at may mga tulad nila na handang damayan ako sa mga ganitong pagkakataon. Hin
NANG imulat ko ang mga mata ko ay ikinagulat ko nang mapagmasdan ang mga puno at halaman sa paligid. Taka akong nagpalibot-libot ng tingin at saka tumayo. Where am I? Nasaan na ang nasusunog na kwarto na kinaroroonan namin? At si Onyx...Tears escaped from my eyes as scenes flashed into my mind. Hindi ko siya nagawang iligtas. Napahagulgol ako habang bahagyang nakahawak sa dibdib. Napakabigat ng dibdib kong iyon at kailangan ko pang hilutin para mabawasan ang bahagyang sakit."Rose..." Boses iyon ng isang lalaki.Agad akong napalingon sa palagay ko'y pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon. Napaawang ang mga labi ko nang makilala kung sino ang lalaking bumanggit ng pangalan ko. Lalo pang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ng medyo may edad nang lalaki at umiiyak na niyakap iyon. "P-Papa!"Ginantihan nito ang yakap ko."P-Patay ka na po, 'di ba?" tanong ko matapos ang ilang segundong katahimikan.Ti
"THE two of you will pay for everything," mariin kong bulong. Sapat na ang lakas niyon para marinig ako ng kaharap ko. Hindi pa rin mawala ang masama kong pagkakatitig dito.Tinawanan lamang ako nito. "Anong kaya mong gawin ngayon? Wala kang kalaban-laban, Rose. Mamamatay kang hindi nalalaman ng mga tao ang tunay na mga nangyari. Papaniwalaan pa rin ng lahat na si Sheena si Rosanne Oliveros. Kami ng anak ko ang makikinabang sa mga yaman na para sa iyo talaga. Saklap 'no?""Totoo ang karma, Divine. Kung sa akin at sa ibang tao makakatakas kayo sa mga kasalanan niyo, pwes sa karma hindi."Ngumisi ito. "Basta ba ang kapalit ng karmang iyon ay ang pagkamatay mo, okay lang. Handa akong harapin ang karma ko basta mapapatay kita."Lumapit ito sa akin at saka mahigpit na hinawakan ng isang kamay ang tigkabilang pisngi ko. Nagkumawala ako sa pagkakahawak niya pero sinampal lang niya ako. My cheeks were already feeling numb. Ilang beses nang nasam
NAILINGON ko sa kanan ang mukha ko nang sampalin na naman iyon ni Sheena. Napangiwi ako nang makaramdam ng hapdi sa gilid ng labi. May likidong dumaloy doon at nang tingnan ko ang pagpatak niyon sa sahig ay nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng dugo.Nginig ang mga labing napatingin ako sa kaharap. I glanced at her nervously, her eyes were screaming resentment. Gustuhin ko mang magalit at sigawan siya ay nadadala ako ng takot sa hitsura niya. I am intelligent enough to restrain myself. Baka ikamatay ko pa ang pagpapairal ng emosyon ko.Napakagat labi na lamang ako habang pinapakiramdaman ang pagdaloy ng dugo sa baba ko. Ikinagulat ko naman nang hilahin ni Sheena ang buhok ko. Napangiwi ako at agad na napatingala. I looked at the ceiling. "S-Sheena, let go of me. P-please..."Napapikit naman ako nang may malamig na metal na dumaan sa leeg ko. I flinched after realizing what it was. That cold metal went up until my cheeks. Ilang beses akong na