Share

Chapter 16

Author: Gray
last update Last Updated: 2021-10-24 08:27:35

NANG imulat ko ang aking mga mata ay sa isang hindi pamilyar na lugar ako naroon. Pulos puti. Hindi ako ganoon kamangmang para hindi mahulaan kung nasaang lugar ako. Napangiwi naman ako nang makaramdam ng kirot sa bandang likod ng ulo pati na rin sa batok ko. Animo'y hinahati ang ulo ko sa dalawa. Napaihip na lang ako nang maramdaman pa rin ang sakit.

Napatingin ako sa gilid ko. Naroon si Tita Divine at nakasubsob sa tagiliran ko. Nang igalaw ko ang braso ko ay saka ito pabalikwas na bumangon. "Hija, ano bang nangyari? Ang sabi ni Sheena ay nadulas ka raw sa hagdan. Mag-iingat ka sa susunod." Napahawak sa sintido niya si Tita Divine.

Bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan ako. Iniluwa nito si Sheena na may dalang mga plastik ng pagkain ata. Hindi ko alam kung ano ang laman ng mga plastik dahil hindi naman ito transparent.

"Dapat ay sinabi mo na lang sa kapatid mo kung anong kailangan mo para siya na lamang ang na

Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 17

    "Ayos ka lang, Rosanne?"Bumalik ako sa ulirat nang marinig iyon mula sa katabi ko. Halos masampal ko ang sarili. Ba't ba ako nagkakaganito?"Gusto mo na bang magpahinga?" tanong niya ulit, kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata.Hindi ako umimik, natulala na lamang ako sa kawalan habang kinikiliti ang dibdib ng mga senaryong pumasok sa utak ko kanina. Napaiwas na lamang ako ng tingin nang magtama ang paningin naming dalawa. Umiling ako nang maraming beses, umehem, at saka umayos ng pagkakahiga sa kama."Kung kailangan mo nang magpahinga ay aalis na muna siguro ako, tatawagin ko na lang si Tita--""Hindi." Nagulat ako sa sarili ko nang biglaan kong putulin kung anuman ang sinasabi niya.Nagugulumihanan akong tiningnan ni Onyx, kitang-kita sa nakakunot niyang noo at medyo naniningkit niyang mga mata. "Ano?"Napaiwas ako ng tingin. "D-Dito ka lang muna."Dahan-dahang nabanat ang mga

    Last Updated : 2021-10-24
  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 18

    ILANG oras nang wala si Sheena matapos niyang umalis kanina. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nakita ko sa mga mata niya. Poot. Ganoon na ba katindi ang galit niya sa akin?Napailing ako habang pinagmamasdan ang buong kwarto. Nagpaalam si Tita Divine kanina na lalabas lamang siya saglit pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin siya. Matunog akong bumuntonghininga. Matapos iyon ay tumunog ang pinto at bumukas dahilan para lingunin ko.Iniluwa nito si Sheena. Halos gumewang sa paglalakad habang lumalapit sa akin. Mapula ang pisngi nito at singkit na ang mga mata. Salubong din ang mga kilay nito't parang sibat ang paningin na tutusok sa mga mata mo kapag nilabanan."Okay ka lang, Sheena?" agad kong tanong.Umirap ito. "Tss. Tigilan mo nga iyang kakaganiyan mo. Huwag ka nang magkunwaring mabait. Tayo lang naman ang nandito. Alam naman nating dalawa kung ano ang tunay na kulay mo." Halos mabulol na ito pagsasalita, hindi

    Last Updated : 2021-10-25
  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 19

    "MAGSISIMBA lang ako sa bayan, bantayan mo 'tong kapatid mo, Sheena. Kailangan pa niyang magpahinga para magtuloy-tuloy na ang paggaling.""Yes po,'Ma. Ingat po kayo. Anong oras po kayo babalik?" tanong ni Sheena habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin."Mamayang hapon din. I-text ko kayo kapag nakarating na ako roon. Ingat kayo dito!" Matapos iyon ay lumabas na si Tita ng pinto at naiwan kaming dalawa ni Sheena sa salas. Ilang minutong wala sa aming nagsasalita.Gusto ko sanang sumama kay Tita pero sigurado namang hindi niya ako papayagan. Ipagpipilitan niyang kailangan ko pa ring magpahinga kahit ayos na ayos naman na ang pakiramdam ko. Naigagalaw ko na nga nang normal ang leeg ko tulad ng nakasanayan. Hindi na ako nahihirapan pang igalaw ito."Nagugutom ako, Rose," imik ni Sheena out of the blue.Taka ko 'tong tinitigan. "May pagkain naman diyan, eh.""Gusto ko bagong luto. Gosh, I'm cravi

    Last Updated : 2021-10-25
  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 20

    KINABUKASAN, nagpumilit ako kay Tita. Gustong-gusto ko nang pumasok dahil baka may ma-miss akong subjects, baka mahirapan ako makahabol. Noong una ay ayaw niya pero sa paglalambing ko'y pumayag din naman.Sinundo ako ni Onyx. Nasalubong pa nga namin si Angelo na balak din pala akong sunduin. Ang sabi ko na lamang ay si Sheena ang isakay para hindi masayang ang pagod niya pagmamaneho papunta sa amin. Pero ayaw niya pumayag kaya hindi ko na pinilit."Hindi ka pumunta sa bahay," imik ko kay Onyx habang bumibiyahe kami papuntang school."Ha? Totoo ba 'to o nananaginip lang ako?" natatawang tanong ni Onyx."Anong pinagsasasabi mo diyan?""Ba't parang nagiging clingy ka na ulit sa akin?"Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Umirap pa ako bago ibinuka ang bibig. "Kalimutan mo na nga lang. Mas mabuti ngang hindi ka nagpunta para hindi ka nakapanggulo doon."Malulutong na tawa ang narinig ko kay On

    Last Updated : 2021-10-25
  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 21

    "ANO ba ang naisipan mo at pumunta ka doon?" tanong sa akin ni Tita matapos naming makarating sa bahay.Matapos nila akong makita sa mini-forest kanina ay sari-saring interogasyon mula sa guard at kay Tita Divine ang natanggap ko. Heto nga't may part two pa yata rito sa bahay. Wala akong nagawa kundi tumungo na lamang habang patuloy ang panenermon ni Tita."Hinahanap ko siya kanina, Mama, kasi uuwi na kami. Pero nakita ko siya kasama ng mga babaeng kasali sa gang."Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi ni Sheena. Nagbibiro ba siya? Siya pa nga ang nagpumilit sa akin na sumama ako sa mga babaeng hamog na iyon."Bakit mo naman gustong sumama sa mga iyon, ha, Rose? Gusto mo na rin bang mapariwara sa pag-aaral mo? Hindi pa ba sapat sa iyo ang pagod at sakripisyo ng nanay mo sa abroad para lang mapaaral ka?""Sorry po, Tita," nakatungo kong imik."Isa pa, kagagaling mo lang sa sakit! Paano kung mabinat k

    Last Updated : 2021-10-25
  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 22

    "PINATAWAG kita, Ms. Oliveros, dahil nakarating sa akin ang ginawa mong pag-trespass sa private property located at the back of PNHS. Nakarating din ang ginawa mo sa mismong may-ari ng property na iyon," imik ng Principal sa akin."Napaliwanag ko na sa guard kung anong nangyari. May mga babaeng nagtulak sa akin doon. Kung ayaw niyong maniwala, wala na akong magagawa.""Miss Oliveros, wala kang laban sa kasong ito. May ebidensya doon, ang naiwang sapatos mo. Ngayon, kung ayaw mong kasuhan ka pa ng may-ari ng property na iyon, makipag-usap ka sa kanila."Hindi na ako nakaimik. Napatungo na lamang ako habang naghihintay ng kung ano pang gustong sabihin ng principal sa akin. Basta-basta na lang kasi ako nitong ipinatawag kanina."Darating ang mga Francisco mamaya, sila ang may-ari ng lupa kung saan ka nag-trespass. Nagawa ko na ang parte ko, pinakiusapan ko na sila na huwag ka nang kasuhan pa. Ikaw na ang bahalang kumumbinsi pa sa kani

    Last Updated : 2021-10-30
  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 23

    "AKALA ko ba may lakad ka ngayon, Angelo?" tanong ni Jelay kay Angelo habang nakaupo kami sa sofa.Halos pahiga na ang pwesto ng pagkakaupo ni Angelo sa sofa habang nanonood ng TV. "Hindi na, tinamad na ako."Hindi ako makaimik. Maski si Onyx ay tahimik lang din sa gilid habang pinagmamasdan ang buong mansion."Ba't nandito iyan?" tanong ni Angelo saka tinuro si Onyx."Anong problema mo?" Nagsalubong ang kilay ni Onyx sa tanong niyang iyon. Napahawak ako sa braso nito at saka ko siya pinanlakihan ng mga mata. Magsisimula na naman, eh. Baka mamaya mag-away na naman sila nang wala namang katuturan."Inimbitahan ko sila rito, Angelo. You have a problem with that?""Wala naman, ate. Sana si Rose na lang ang dinala mo rito, sinama mo pa iyang asungot na iyan." Ngumiwi si Angelo at saka kumuha ng popcorn at walang gana iyong sinubo."Mas mabuting nandito ako para mabantayan ko si Rosanne mula sa iyo

    Last Updated : 2021-10-30
  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 24

    "A-ANGELO? Anong ginagawa mo?" tanong ko rito nang makita ang hingal na hingal na hitsura nito."G-Gusto mo ng tubig, 'di ba?""At paano mo nalaman?" Taka ko siyang tiningnan maging ang basong halos ipagduldulan sa akin. Wala na akong sinayang na panahon at kinuha na lang iyon mula sa kaniya.Napaiwas ng tingin si Angelo at hindi nakasagot sa tanong ko. Pilit siyang ngumiti at saka napakamot sa batok. "I overheard your conversation with her. Malakas kasi boses niyo kaya narinig ko mula rito sa labas ng kwarto." Isang segundo siyang tumingin sa akin at nang salubungin ko iyon ay muli na naman siyang umiwas ng tingin.Hindi ko na lang inusisa pa ang kakaibang inaakto ni Angelo at nilagok na lamang ang tubig sa basong hawak. "Salamat.""You're welcome. May kailangan ka pa ba?""Wala, okay lang." Napatingin ako sa relo ko. "Gusto ko na lang sanang umuwi since anong oras na, oh. Magpapaalam lang ako kay Jelay s

    Last Updated : 2021-11-01

Latest chapter

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 50 [ Last Chapter ]

    ANGELO'S POV NAPADAING ako nang makaramdam ng sakit ng ulo paggising. Ikinagulat ko nang makarinig ng ingay mula sa mga taong kasama. Tumayo ako sa kamang kinahihigaan saka nagpalinga-linga. Ano ang dahilan at nag-iingay sila nang ganito kaaga? Dahan-dahan akong humakbang sa sahig na yari sa kawayan at saka binuksan ang pintong gawa din sa kawayan. Bumungad sa akin ang mga kasamahan naming kaniya-kaniya ang paroo't parito. May tumatawag sa telepono at mayroon din namang panay ang pakikipagtalo sa isa pa. Napakagulo nila kaya taka ko silang pinakatitigan. "Anong nangyayari?" pupungas-pungas kong tanong. Saka lamang nila ako napansin nang sabihin ko iyon. Kitang-kita sa mukha nila ang pag-aalala. Lalong-lalo na sila Mr. and Mrs. Escara. "Nawawala si Rose," si Mama na ang sumagot sa tanong kong iyon. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang marinig iyon? Nawawala? Tek

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 49

    "SAAN kayo papunta?" tanong ni Jelay nang makita kami ni Angelo'ng magkasama.Napatingin kami ni Angelo sa isa't isa. Napakamot sa batok niya si Angelo at saka nginiwian ang ate niya. "Bakit mo tinatanong?""Wala. Bakit, masama bang magtanong?""Wala ka na do'n, ate."Hinampas siya sa braso ni Jelay kaya agad naman siyang humaplos sa parteng iyon. "Bakit ba?!""Sasama ako." Nagpa-cute pa si Jelay matapos iyong sabihin. Akma pa nitong yayakapin ang kapatid pero winaksi lang siya ni Angelo."Ate, hindi ka pwede sumama. Baka manggulo ka lang sa amin. May mga kasama ka namang mga lalaki diyan, ba't nanggugulo ka sa 'min ngayon?'"Nanggugulo agad? Nagtatanong lang naman ako!" Ngumuso ito na animo'y batang nagmamaktol. Tinawanan lang naman siya ni Angelo. Wala nang nagawa si Jelay kundi hayaan na lamang kaming umalis. Ayaw kasi magpatalo nitong isa, e.Wala sa aming umiimik ni Angelo habang naglalakad sa pampang. Maski ako ay wala ri

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 48

    "A-ANGELO?" hindi makapaniwalang bulong ko nang makitang tanggalin ng lalaking nakaitim ang bonnet na suot. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi nang makita ang pagkakangisi ni Angelo sa akin."HA!" Hingal na hingal akong napabangon sa kaninang pagkakahiga. Pulos butil ng pawis sa noo ko't dibdib. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid habang ako'y hingal na hingal pa rin.Nang mapagtantong wala na ako sa panaginip at gising na'y saka ako napapikit at napahinga nang maluwag. Ikatlong beses ko nang napanaginipan iyon. At ngayong ikatlong pagkakataon ko nakita kung sino ang nasa likod ng lalaking iyon na nakaitim.Hindi ako makapaniwala.Si Angelo?Alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin. Alam kong hindi niya ako kayang saktan. Hindi ko talaga maisip kung paanong nangyaring si Angelo ang pumatay sa akin sa panaginip kong iyon. It doesn't make sense. Hindi niya iyon kayang gawin sa akin. Hinding-hindi!Ngunit ano kaya ang ib

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 47

    NANG imulat ko ang mga mata ko ay laking gulat ko nang mapagmasdan ang lugar na hindi naman sa akin pamilyar. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Sobrang sakit pa ng ulo ko kaya nahirapan akong umupo mula sa kaninang pagkakahiga.Nasa isang kubo ako na maliit at walang kagamit-gamit bukod sa kamang hinihigaan ko. Pero nang tingnan ko sa sahig na yari sa kawayan ay nakalapag doon ang sari-saring mga bag. Iyon 'yung mga bag namin, kung 'di ako nagkakamali. Nakarating na kami sa resort? Marahil nga siguro.Abala pa ako sa pagmamasid nang bigla-biglang bumukas ang pintuang kawayan na nasa harap ko lang din. Iniluwa nito ang gulat na si Angelo. Pinakatitigan pa ako nito habang nakaawang ang mga labi. Nang matauhan ay agad itong lumapit sa akin. "A-Anong pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? May kailangan ka ba?" sunod-sunod nitong tanong.Dahan-dahan naman akong umiling bilang sagot sa huling katanungan niya.Bumuntonghininga naman siya at tumabi sa kin

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 46

    NAPATAKBO ako sa dalawang taong nakita ko sa pinto ng mansion nila Angelo. Hindi ko na napigilang mapahagulgol matapos silang makilala."Alesia, we miss you, anak." Hinaplos ni Mommy ang likod ko. Pati buhok at likod ng ulo ko ay hinagod niya saka niya ako binigyan ng halik sa tuktok ng ulo."We are happy you are safe. Please, lagi kang makinig sa amin. We only want what's best for you," si Daddy. Bumaling naman ako rito at agad na yumakap.Nagyakap kaming tatlo. Animo'y kami lang ang nandoon at hindi alintana na may mga nanonood sa amin, ang pamilya Francisco. Hinaplos nilang dalawa ang pisngi ko habang ako ay nagpipigil pa rin ng luha. "Na-miss ko po kayo.""Mas na-miss namin ang nag-iisa naming anak. We want to apologize for hiding the truth. Alam kong deserve mo na malaman ang lahat ng tungkol sa pagkatao pero kinain ako ng takot. I was so afraid that you'll leave us once na malaman mo ang totoo na hindi ka namin tunay na anak. Natatakot kaming ipaala

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 45

    NAGLAGLAG ako ng mga bulaklak sa bumababang kabaong ni Nanay. Inayos ko pa ang shades na suot at saka bumalik sa kaninang kinauupuan. Nang makabalik ay hinawakan ako sa balikat ni Onyx. Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti ng pilit.Kaunti lang ang dumalo sa libing ngayon ni Nanay. Ayon na rin iyon sa hiling ko. Gusto ko sana ay tahimik lang at talagang mga close lang ng pamilya namin ang makikita ko. Hindi ko rin kasi gusto pang makipag-usap kung kani-kanino ngayon."Ang sabi ng mga pulis ay nakasara daw ang pinto ng kwarto ni Tita Hyacinth. Naka-lock daw iyon kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong makalabas si Tita. Sa bintana nila nakita ang katawan nito, mukhang nagpipilit na lumabas mula roon."Nagsipagtuluan ang mga luha ko nang marinig iyon mula kay Angelo. Lumapit sa akin si Jelay at pinisil pa ang kamay ko. Napatingin ako dito at saka nagpasalamat sa pagdalo. Mabuti na lamang at may mga tulad nila na handang damayan ako sa mga ganitong pagkakataon. Hin

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 44

    NANG imulat ko ang mga mata ko ay ikinagulat ko nang mapagmasdan ang mga puno at halaman sa paligid. Taka akong nagpalibot-libot ng tingin at saka tumayo. Where am I? Nasaan na ang nasusunog na kwarto na kinaroroonan namin? At si Onyx...Tears escaped from my eyes as scenes flashed into my mind. Hindi ko siya nagawang iligtas. Napahagulgol ako habang bahagyang nakahawak sa dibdib. Napakabigat ng dibdib kong iyon at kailangan ko pang hilutin para mabawasan ang bahagyang sakit."Rose..." Boses iyon ng isang lalaki.Agad akong napalingon sa palagay ko'y pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon. Napaawang ang mga labi ko nang makilala kung sino ang lalaking bumanggit ng pangalan ko. Lalo pang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ng medyo may edad nang lalaki at umiiyak na niyakap iyon. "P-Papa!"Ginantihan nito ang yakap ko."P-Patay ka na po, 'di ba?" tanong ko matapos ang ilang segundong katahimikan.Ti

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 43

    "THE two of you will pay for everything," mariin kong bulong. Sapat na ang lakas niyon para marinig ako ng kaharap ko. Hindi pa rin mawala ang masama kong pagkakatitig dito.Tinawanan lamang ako nito. "Anong kaya mong gawin ngayon? Wala kang kalaban-laban, Rose. Mamamatay kang hindi nalalaman ng mga tao ang tunay na mga nangyari. Papaniwalaan pa rin ng lahat na si Sheena si Rosanne Oliveros. Kami ng anak ko ang makikinabang sa mga yaman na para sa iyo talaga. Saklap 'no?""Totoo ang karma, Divine. Kung sa akin at sa ibang tao makakatakas kayo sa mga kasalanan niyo, pwes sa karma hindi."Ngumisi ito. "Basta ba ang kapalit ng karmang iyon ay ang pagkamatay mo, okay lang. Handa akong harapin ang karma ko basta mapapatay kita."Lumapit ito sa akin at saka mahigpit na hinawakan ng isang kamay ang tigkabilang pisngi ko. Nagkumawala ako sa pagkakahawak niya pero sinampal lang niya ako. My cheeks were already feeling numb. Ilang beses nang nasam

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 42

    NAILINGON ko sa kanan ang mukha ko nang sampalin na naman iyon ni Sheena. Napangiwi ako nang makaramdam ng hapdi sa gilid ng labi. May likidong dumaloy doon at nang tingnan ko ang pagpatak niyon sa sahig ay nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng dugo.Nginig ang mga labing napatingin ako sa kaharap. I glanced at her nervously, her eyes were screaming resentment. Gustuhin ko mang magalit at sigawan siya ay nadadala ako ng takot sa hitsura niya. I am intelligent enough to restrain myself. Baka ikamatay ko pa ang pagpapairal ng emosyon ko.Napakagat labi na lamang ako habang pinapakiramdaman ang pagdaloy ng dugo sa baba ko. Ikinagulat ko naman nang hilahin ni Sheena ang buhok ko. Napangiwi ako at agad na napatingala. I looked at the ceiling. "S-Sheena, let go of me. P-please..."Napapikit naman ako nang may malamig na metal na dumaan sa leeg ko. I flinched after realizing what it was. That cold metal went up until my cheeks. Ilang beses akong na

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status