"Tsk! Tsk! Bakit ba hindi mo na lang kalimutan ang nangyaring iyon kanina? Aba'y nakakapanibago naman yata ang ugali mong iyan. Baka naman crush mo siya?" paninita ni Mariz Kaye sa kambal.
Lahat silang magkakapatid ay mayroong kuwarto. Kaso dahil parehas silang engineering students ay nasa iisang library silang dalawa. Nakabukod lamang ang study room ng Kuya nilang isa ring engineering student iyon nga lang ah marine engineering ito unlike them. Siya ay theatrical engineering dahil simula't sapol ay pangarap na niyang pamahalaan ang HERRERA THEATER.
Ang kambal niyang natuluyang naging dragona sa araw na iyon ay flight engineering. Flight engineers are responsible for operating the systems in older airplanes. Before sophisticated computers, complex systems on airplanes such as the electrical, pneumatic, fuel, and hydraulic systems required specially trained operators. Ang rason ng mga magulang nila ay balang araw ito ang mamahala sa HERRERA AIRLINES. Kahit wala raw sumunod sa yapak ng ina nila bilang airplane pilot dati sa Swedish Airlines ay may mamahala sa AIRLINES na ipinamana ng abuelo nila sa ina nila.
"Ano kaya ang ipinakain ng poncio pilatong iyon kay Daddy, kambal? Mukhang baguhan naman siya ngunit pinagkatiwalaan agad niya. We know our father, twin sister. Hindi siya nagtitiwala ng basta-basta kaso mukhang giniba na ng taong iyon ang paniniwala ni Daddy," anito imbes na sagutin ang tanong niya.
"Kambal, alam kong nagalit ka sa pagkabangga niya sa iyo accidentally. Nandoon ako kasama mo kanina kaya't nasaksihan ko ang kaganapan. Okay, magalit ka sa kaniya hanggat gusto mo kasi karapatan mo iyan. Subalit makatarungan ba namang tawagin mo siya ng poncio pilato? Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa pero bilang kambal mo na wala ng higit na nakakakilala sa iyo, pinagsasabihan kita dahil ayaw kong magtanim ka ng galit sa kaniya. Tauhan iyon ni Daddy, ibig sabihin kapamilya natin siya dahil sa MARGARITA. So forget about those matter an focus your mind to your reviewers." Naupo siya(Mariz) paharap sa kambal.
Pinayuhan lang naman niya ito dahil ayaw niyang magaya ito sa ibang tao na mapagtanim ng galit. Magkaiba naman kasi sila sa lahat ng bagay. Kung may pagkakapareho silang dalawa ay ang pagiging palabiro. Mahaba ang pasensiya niya samantalang dragona ang kambal niya. Mainitin ang ulo nito, pero kagaya niyang malambing. Kahit mainitin ang ulo ay may pusong mamon. Mapagmahal itong tao.
"Tsk! Tsk! Mukhang sa akin ka na naman nagpapraktis sa isasagawa n'yo sa theater bukas eh. Maari bang hayaan mo muna akong tawagin siyang poncio pilato habang nandito pa sila sa Manila? Sabi mo nga ay magiging kapamilya na natin siya pagsampa niya sa barko." Nakangisi niyang pinitik ang ilong ng kambal niya (Cassandra).
Actually, aminado naman siyang masyado niyang dinibdib ang pagkakabangga ng bagong engineer sa MARGARITA. Nagninilay-nilay siya kaso mukhang nag-practice na naman sa kaniya ang kambal niya. Tagos hanggang kalamnan na naman niya ang mga payo nito. But at the end, she understand it well. Ayaw nitong may kaaway sila sa mga tauhan ng ama sa barko.
"Kambal naman eh, sa ganda ng speeches ko aba'y pitik lang ang napala? Hmmm, diyan ka na lang at ako'y pupunta sa kusina. Narinig ko kanina ang sinabi ni Manang. Yummylicious ang ulam, bibilinan ko siyang huwag kang bibigyan---"
Alam niyang nagbibiro lang ito. Kailanman ay hindi naging gamahan ang kambal nila. Kaya't bago pa nito maisipang tutuhanin ang pananakot nito ay agad niyang pinutol ang pananalita nito. Mabilis siyang tumayo saka pinutol ang pananalita nito.
"Oo na, kambal. Erase na ang poncio pilato. Aba'y mahirap ang matulog na kumukulo ang tiyan. Ikaw din baka mabibingi ka sa pag-aalburuto ng tiyan ko mamaya. Baka pa nga aabot sa kuwarto mo ang tunog kapag ako ang magutom." Tinakpan niya ang labi nito sa pamamagitan ng palad niya. Ikinawit pa ang isang braso sa siko nito saka inakay palabas ng library nila.
Kaso ang scenaryong iyon sa pagitan nila ay hindi na bago. Kahit nasa gitna sila ng seryosong usapan, pag-aaral sa mga leksyun nila kapag maisipan nilang magharutan ay basta na lamang sila magtatakbuhan hanggang sa mauuwi sa harutan. Kagaya ng hapong iyon. Ilang oras ang nakalipas mula ng nakabanggaan niya ang bagong engineer ng Daddy nila. Ayun sila, para na naman silang mga batang naghahabulan.
"Hey, you two! Will you stop that foolishness of yours! Hindi na kayo nakakatuwa ah. Aba'y wala ba kayong exam bukas?" tinig ng Kuya Brian Niel nila. Nasa third year of his marine engineering course.
Kaya naman ay para silang mga kriminal na nahuli sa akto. Bigla silang nanahimik, nagkatinginan. And without a word, patakbo silang bumalik sa kinatatayuan ng Kuya nila. Pinagitnaan nila ito, umangkla sa magkabilang braso.
"Huwag ka ng magalit, Kuya. Masyado kasing seryoso itong si Mariz kaya't---"
"Heh! Ikaw kaya itong---"
"Anong ako---"
Walang gustong magpatalo kaya't muling nagsalita ang Kuya nila. Well, iyon naman talaga ang nais nilang dalawa. Ang isali ito sa kalokohan nila upang makaiwas sa mas matindi nitong sermon!
"Kapag ako ang mapuno sa inyong dalawa ay malilintikan talaga kayo sa akin. Kung gusto ninyong magharutan ay itaon n'yo iyan kapag walang exam. Aba'y paano kayo magiging engineers kung palaro-laro kayong dalawa instead of reviewing your lessons? Tsk! Tsk!" anito.
Kaso ang dalawang sutil ay hindi nilubayan ang Kuya nila. Alam naman nilang hindi ito galit. Actually madalas pa nila itong kasama sa kalokohan nila. Imbes na matakot sila sa pagtaas ng boses nito ay hinila pa nila ito ng walang pag-aalinlangan patungo sa kusina. Kulang na lamang ay mahulog silang tatlo sa hagdan. Kaya naman ay napailing na lamang ang mga magulang nilang napatakbo upang alamin kung ano ang nangyayari.
Sa kabilang banda, sa sekretong rancho na pag-aari ni Tommy. Abala siya sa pag-iimpake ng lumapit sa kaniya ang mag-asawang Andong at Tina. Sila ang mga trusted people na namamahala sa rancho.
"Talaga bang hindi ka magpapaalam sa mga magulang mo na aalis ka ng bansa, Iho?" tanong ni Mang Andong sa kaniya.
"Hindi na kailangan, Tata. Bakit pa ako magpapaalam sa kanila samantalang sila ang nagtulak sa akin upang gawin ito? Sigurado akong magsasaway sila sa tuwa oras na malaman nilang wala ako. Baka iisipin pa nga nilang namatay na ako sa gutom, o di naman kaya ay baka sumama na sa mga organisasyun ng mga sindikato upang may ikabuhay ako. So, bakit pa ako muling magpapakita sa kanila? Para muling marinig ang disappointment nila sa blackship of the family na tulad ko? Ilang buwan na simula nagtapos ako ng kolehiyo, nakapasa na rin sa board examination, sa awa ng Diyos ay nakakuha na ng trabaho kahit ilang beses nila akong pina-blocked listed sa mga kumpanyang maaring pasukan. Sa lagay na iyan, Tata, kailangan ko pa bang ipaalam sa kanila kung saan ako pupunta?" paliwanag niya.
Hindi lang sila katiwala para sa kaniya. Sila ang tunay niyang pamilya. Hindi siya pinapabayaan sa hirap man o ginhawa. Ang mga taong tulad nila ang maaring sandalan sa oras ng pangangailangan. Maaring pinapasahod niya sila, ibinibigay ng sobra-sobra ang pangangailangan nila pero lahat ng iyon ay pagtanaw niya ng utang na loob. Sila ang kaagapay ng Yaya niya sa pag-aalaga sa kaniya kahit pa sabihing ito ay lingid sa mga magulang niya.
"Nauunawaan kita, anak. Kahit sa Yaya mo man lang sana. Ang Yaya ninyong magkakapatid, sigurado akong nag-aalala na iyon sa iyo. Alam mo namang sa iyo napalapit ng husto. Sigurado akong wala siyang kaalam-alam kung nasaan ka, dahil kung alam niyang nandito ka sumugod na iyon dito kahit noong bagong dating ka pa lamang. Ilang buwan na ang nakalipas simula noong umalis ka sa mansion ninyo, ganoon na rin katagal na hindi ka niya nakita, anak," wika ni Aling Tina.
Sa narinig ay napabuntunghininga siya. Dahil totoo naman kasing sa kanilang magkakapatid ay siya ang paborito ng Yaya nila. Sa kaniya ito napalapit ng husto, marahil dahil siya ang malayo ang loob sa mga magulang nila kaya't ito na ang pumuno sa pagkukulang nila sa kanya. Hindi naman sa malayo ang loob niya sa kanila, sadya lamang na ayaw nila sa kaniya. Para siyang namamalimos ng atensiyun nila. Walang anak ang ayaw makapiling ang magulang kaso naiiba ang parents niya dahil sila mismo ang nagpalayo sa kaniya. Simula nang iniwan niya ang marangyang bahay nila sa siyudad ay wala na rin siyang balita dito kahit paminsan-minsan ay nakatanaw siya sa kanilang bahay ng palihim. Hindi niya ito natitiyempuhan kaya't ilang buwan na rin niya itong hindi nakikita.
"Gustuhin ko man po na makausap si Yaya ngunit wala na po akong oras, Nana, Tata. Dahil bukas din ay kailangan ko ring babalik sa siyudad dahil sasampa na kami ng Boss ko sa barko. Opo, sa international cruise ship po ako magtatrabaho. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakabalik dito. Kagaya po ng dati ay kayo na muna ang bahala rito habang wala ako. Alam ko naman po na kahit hindi ko sabihin ay gagawin ninyo kaya't muli ko pong ipagkakatiwala sa inyo ang lahat. Hindi ko po alam kung kailan ulit ako makakauwi rito kaya't mag-ingat po kayo lagi, Nana, Tata. Tandaan n'yo lagi in case of emergency ay lumuwas kayo ng Maynila hanapin ninyo ang mag-asawang Maria Concepcion Herrera at Clarence Keith Mondragon dahil sa kanila ako magtatrabaho pero sa international cruise ship nila," mahaba-haba niyang paliwanag.
He really wants to see his Yaya dahil miss na rin niya ito pero wala ng oras. Kailangan pa niyang tapusin ang pag-iimpake niya para makaluwas siya ng maaga. Bukas ng hapon pa naman ang alis nila, almost a day ahead pa ngunit sa daloy ng trapiko sa bansa ay hindi niya maaring ipagsawalang-bahala ang lahat. Ayaw din naman niyang sirain ang tiwalang ipibagkaloob ng amo niya sa kaniya. He need to prove that he is worthy enough for that trust as well as the job that he entrusted to him.
"Huwag mo kaming alalahanin dito, anak. Ikaw ang inaalala namin dahil sa ibayong dagat ka magtatrabaho samantalang maari kang mabuhay ng malaya rito. Huwag kang mag-alala, anak, dahil gagawin namin ang lahat para mapangalagaan ang buong rancho hanggang sa abot ng aming makakaya. At sana pagbalik mo'y mas mapaganda pa namin ang buong paligid. Kunin mo ito, anak, kahit sa simpleng rosaryo ay maiparamdam namin sa iyo ang aming hangaring sana ay lagi kang gabayan ng DIYOS." Ipinahawak ni Aling Tina ang rosaryo na binili nilang mag-asawa sa tapat ng simbahan.
Ipina-bless pa nila iyon sa pari dahil talagang ibibigay nila sa butihin nilang young master. Kailan man ay hindi nila naramdamang alila sila sa binata. More than a family kung ituring sila kaya't mas pinagbubutihan nila ang serbisyo nila. Sa panahon ngayon ay mahirap na ang magtiwala ng basta-basta. Wala na silang hahanapin pa sa bata nilang amo. Hindi nalalayo ang edad nito sa anak nilang si Tan-Tan pero ito rin ang nagpapa-aral dito.
"Rosaryo po ito 'di ba, Nana?" alam naman niyang rosaryo ang ipinahawak ng matanda sa kaniya ngunit nais niyang siguraduhin.
Sa pag-aalala, pag-aasikaso nila sa kaniya ay mas sumiphayo sa isipan niya ang butihin niyang Yaya. Sigurado siyang ganoon din ang gagawin nito kapag ito ang nasa harapan niya. Muli, naisip niya tuloy na mas mabuti pa ang mga taong hindi niya kaano-ano, hindi niya kadugo dahil may pagmamalasakit sa kaniya samantalang ang mga mismong kapamilya niya ay sila pa ang nagbibigay ng pasakit sa kalooban niya.
"Oo, anak. Alalahanin mo na ang dasal sa Diyos ang pinakamalakas nating sandata sa ating buhay. Sana'y makatulong iyan sa paglalayag ninyo sa barko. God will bless you, anak. Huwag kang lumimot sa Maykapal dahil SIYA ang tangi nating pag-asa," tugon nito.
Without hesitation he wore it. Mananatili ang Holy Rosary sa leeg niya hanggat siya ay nasa laot. Alam niyang ito ang magliligtas sa kaniya anumang oras. Sa pamamagitan ng rosaryo ay mananatili siyang malapit sa DIYOS.
"Thank you so much, Nana. Ipagpaumanhin n'yo na sana kung hihilingin ko sa inyo na iwanan n'yo muna ako. Kailangan ko po kasing tapusin ang pag-iimpake ko. Siya nga po pala, pakisabi po kay Tan-Tan, huwag siyang mag-alinlangan na magsabi kung may kailangan siya. Kumpleto ang gamit ko rito lalo at engineering student din siya kaya't magagamit niya ang lahat ng nandito including computer and printer para hindi na siya magpapagabi sa labas," aniya.
"Ang bait-bait mo, Iho. Wala kang ipinagkaiba kina Senyor at Senyora noong nabubuhay pa sila. Kailanan ay hindi kami itinuring na trabahador ng rancho bagkus ay kapamilya kami kung itinuring. Pagpalain ka sana ng Maykapal, anak. Ipagdadasal ko araw-araw na sana ay makamit mo ang pangarap mo sa buhay." Nakangiti man pero banaag sa boses ni Mang Andong ang kalungkutan dahil aalis ang butihin nilang young master.
"Salamat po, Tata," tugon niya saka dahan-dahang isinara ang pinto ng silid niya. Gustuhin man niyang makipag-usap sa kanila ng mas matagal ngunit talagang nagagahol siya sa oras.
Samantalang hinintay muna ng mag-asawa na nawala ang binata sa paningin nila saka sila naglakad pabalik sa bahay nila sa tabi ng main house sa loob ng rancho kung saan nakatira amo nila. Ipinatayo ng mga abuelo nito ang bahay nila sa loob din ng rancho, house and lot na nga ito. Regalo raw nila sa kanilang mag-asawa. Ang binata nama'y taunang ipinapaayos ang main house including their own house kaya't parang laging bago. Ilang sandali pa ay muling nagwika ang Ginang.
"Mula noon, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maunawaan kung bakit ganoon ang mga magulang niya sa kaniya samantalang napakabait naman niyang bata." Napailing ito sa muling pagkakaalala sa pagtrato ng mga Saavedra sa binata.
"Hayaan mo na, asawa ko. Ipanalangin na lang natin na sana'y pagpalain at gabayan siya ng Diyos sa landas na kaniyang tatahakin. Malaki ang respeto at tiwala ko kay Tommy kaya't tanging dasal ang maitutulong natin sa kaniya," tugon ng Ginoo.
"Sabagay tama ka, asawa ko. Kaya halika na rin sa ating silid upang makapahinga na rin tayo. Bukas na lang natin ipapaabot kay Tan-Tan ang bilin ni Tommy," muli ay sabi ng Ginang saka naunang lumakad patungo sa kanilang kuwarto o bahay sa mismong tabi ng bahay na kinaroroonan ng binata.
Few hours later...
"There you are. Sa wakas ay natapos ko rin ang pag-iimpake. Panahon na rin upang ipakita ko sa kanila na hindi lahat ng bagay ay nahaharang nila. I'll never back down nor surrender to them. Magulang ko sila pero kailanman ay hindi sila naging magulang sa akin kaya't hindi nila ako masisisi sa landas na tinahak ko. At sana huwag dumating ang sandaling hanapin nila ako dahil hindi ko alam kung mapagbigyan ko sila sa kanilang kahilingan." Isinara na niya ang katamtamang maleta na pinaglagyan niya mga gamit saka niya inilagay ang padlock. Isinunod naman niyang hnarap ang bag pack niya upang tingnan muli ang personal things at travel documents niya kung naroon na ba ang lahat.
"Kaya pala may kung anong humila sa akin upang magpagawa ng passport dahil international pala ang naghihintay sa akin na trabaho. Thank you, God, for everything," bulong niya saka dinampot ang newly released passport na nakalapag sa tabi ng bag niya.
"Sana magpakabait din ang mga kaibigan ko sa HERRERA COMPANY upang magtagal sila sa kanilang trabaho. Hindi ko na rin sila nakausap ngunit hindi na bale dahil maari naman siguro akong makibalita kay Boss Clarence tungkol sa kanila." Isinara na rin niya ang kaniyang bag pack ng masiguradong kumpleto na ang lahat.
Ipinatong niya sa lamesa dahil ayaw niyang mahulog ito. He is in the modern world but he still believe in superstitious beliefs. Wala naman kasing mawawala kung paniniwalaan ang mga ito.
Nang masigurado niyang okay na ang lahat ay nahiga na rin siya upang makapagpahinga. Maaga pa ang biyahe niya kinaumagahan subalit natagalan din bago siya hinila ng antok. At sa nag-aagaw niyang diwa ay nagpakita ang maamong mukha ng babaing nakabanggaan. Maamo ito kaso madaling magalit, iyon ang napansin niya sa maikling panahon na nandoon siya sa tahanan ng mga Mondragon. Sa pagkakaalala sa babaing anak ng Boss niya ay napangiti siya bago tuluyang hinila ng karimlan ang kaniyang diwa.
"WOW!" Ang salitang tanging nanulas sa labi ng binata nang makaapak sa main deck ng MARGARITA. Alam niyang magagara ang mga cruise ship dahil mga bigating tao sa lipunan ang mga pasarehos kadalasan ng mga cruise ship pero ibang-iba ang MARGARITA para sa kanya. Para tuloy siyang nanonood sa television dahil sa nakikitang kagandahan ng barkong tinutuntungan niya."Oh, Iho, may problema ba? Hindi ka na naimik diyan ah. May masakit ba sa iyo ng sa ganoon ay maipatawag ko ang doctor," pukaw ni Clarence sa binatang natahimik. Naisip tuloy niya na baka nagbago ang isipan nito na imbes sasama sa kanya'y uuwi na."I'm sorry, Sir. Kung naumid ang dila ko, pero okay po ako. Sa kagandahan ng barko, Bossing, ay wala akong masabi. Kulang ang salitang maganda upang ilarawan ito. Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang pakiramdam ko dahil sa wakas ay natupad na ang pangarap kong makapagtrabaho bilang marine engineer as what I've studied. Pasensiya ka na, Bossing, dahil talagang hindi ko po makuh
"Ang bilis din nang panahon, parang kailan lang ng unang araw ko rito sa barko pero ngayon dalawang taon na pala akong nandito. Hindi ko namalayan ang panahon," bulong niya habang nakatanaw sa papalubog na araw while he's standing infront of his cabin."Yeah, Bro. Dalawang taon ka na rito subalit kailan man ay hindi pa kita nakitang nakipag-usap sa mga kalahi ni Eva samantalang napakarami lounge. May nagmamay-ari na ba sa puso mo, Bro? O baka naman ako ang type mo?" Napalingon siya dahil sa tinig and only to found out na isa ito sa mga kasamahan niya."Tsk! Tsk! Okay na sana kaso dinagdagan mo pa. Hsssh, anong ikaw ang type ko? Tsk! Anong akala mo sa akin bakla? No way! May napupusuan na ako kaya't huwag kang maingay kung ayaw mong ihulog kita sa tubig. Ikaw ang kakainin ng mga sharks upang mas maging mataba sila bago mailagay sa tuna in can na paninda nila sa Pilipinas. Idinadalangin ko ring ikaw ang makabili dahil ikaw din ang mahilig sa tuna." Nakangisi niyang iniumang ang kamao. H
"Ilang taon na ang nakaraan simula umalis si Kuya Tommy, kumusta na kaya siya ngayon? Wala pa kaya siyang balak magbalik-bansa?" tanong ni Tan-Tan sa ina.Isang umaga na nadatnan niya itong naglilinis sa bahay ng young master nila. Kung tutuusin ay hindi ito marumi dahil wala namang gumagamit pero nakasanayan na rin nilang araw-arawin itong linisan. Ang dahilan nila ay hindi nila alam kung kailan ito darating. Kahit anong oras man na susulpot ito kagaya ng bigla nitong pagsulpot sa rancho ilang taon na ang nakaraan ay malinis ang kabahayan."Tama ka, anak. Isang taon pa ang bubuuin mo sa iyong pag-aaral, tangi kong dasal ay makauwi siya bago ka matapos. Kami ang magulang mo pero siya ang gusto naming kasama mo sa entablado. Kahit sa ganitong paraan man lang ay makabawi tayo sa kaniya," tugon naman ni Aling Tina."Opo 'Nay, alam kong matutuwa siya kapag malaman niyang malapit na akong magtapos. Ano pala ang balita sa Yaya ni Kuya?" muli ay tanong ni Tan-Tan."Bukod sa tumanda na rin ay
"Ano ba, kambal! Sasama ka ba o hindi?!" malakas na tawag ni Cassandra sa kambal niya.Sumubra naman yata ito sa pagkamahinhin sa araw na iyon. Dinaig pa ang alaga nitong pusa na naglilihi. Halos hindi na makagalaw! Mamatay yata ang langgam na maaapakan!"Why you're screaming out loud, young lady? Aba'y hindi naman kayo nag-aaway ng kapatid mo sa pagkakaalam ko," paninita tuloy ni MaCon."Sorry naman po, Mommy. After almost four years na hindi umuwi si Kuya, tapos ngayong nandito na..." nakangusong sagot ng dalaga.Excited lang naman siyang muling makita at makasama ang panganay nilang kapatid. Mahigit tatlong taon na simula ng ipinasa ng kanilang ama ang pamamahala sa MARGARITA, ganoon na rin katagal na hindi ito umuwi. Naging busy din naman kasi silang magkambal sa kanilang pag-aaral kaya't hindi sila nakasama noong nagtungo ang mga magulang nila."Nauumawaan naman kita, anak. Dahil kami rin ng Mommy mo ay sabik ding makita ang Kuya ninyo. Ganoon pa man, dahan-dahan lang. Mamaya niy
"Bakit ba ang init ng dugo mo kay Engineer Saavedra?" tanong ni Mariz habang nasa daan sila pauwi."Tsk! Eh, paano sa tuwing nagsasangga ang landas nami'y puro na lamang banggaan. Hindi ba kamalasan ang tawag doon?" Napaismid siya dahil sa tinuran ng kambal."Kaya nga sinabi kong accidentally, twin sister. He accidentally bumped at you. No, I'm wrong. You and him accidentally bumped to each other, that's the right words to say. Oh...baka naman..." pabitin pa nitong wika.Kaya naman ay hinarap niya ito. Magkatabi lang naman sila sa back seat dahil ang marino nilang kapatid ay nasa harapan. Katabi ng driver, ang tagamaneho ng abuelo nila na nagrereklamo na wala raw ginagawa kaya't kahit sino sa pamilya nila ay tinatawag ito. Iyon ay kung may deperensiya ang mga sasakyan nila dahil lahat sila ay may wheels."Kapag ako ang mainis sa iyong babae ka ay ipapaiwan kita kay Manong sa tabi. Kumpletuhin mo ang sinasabi kung gusto mong makauwi ngayong gabi." Napahalukipkip siyang humarap dito. Ka
Sa kabilang banda, hindi mawala-wala ang ngiting nakabalot sa mukha ng opisyal na si Rodney Guerrero. Dahil bukod sa isa siya sa mga kandidato for promotion ay nakapasa din ng walang aberya ang kapatid niya. May tiwala naman siya rito kaso minsan palpak din dahil spoiled ito sa kanya. Ito ang bagay na hindi nagagawa ng mga magulang nila bagkus ay puro sermon ang naririnig nilang magkapatid. Kahit hanggang sa kasalukuyan na isa na siyang opisyal sa militar ay nakakarinig pa rin siya ng sermon mula sa kanilang ina."Kuya, malalim na ang gabi pero mukhang nauuna ang dreaming kaysa matulog?" Kalabit ni Imelda sa kapatid. Kaso nababantutan siya sa buong pangalan niya kaya't pinauso ang Imie. Hindi pa nga ito natutulog kaso mukhang nananaginip na."Ikaw nga itong gising pa, Aling Imelda. Aba'y hindi mo pa ako inililibre kahit isang burger man lang sana simula nang pumasa ka sa board examination ah." Nakangisi namang pang-aasar ng binata."Heh! Grave offense iyan, Kuya. Una, tinawag mo akong
Sa uri ng trabaho niya (Tommy) sa barko ay nasanay siyang tulog manok lang ang pagtulog kahit pa sabihing may kanya-kanya silang cabin. Natutulog sila ng maayos pero para sa kaniya ay mababaw lang ang tulog niya. Madali siyang magising kahit kaunting kaluskos lang. Maaga siyang nagigising sa barko hindi upang maiwasan ang mahuli sa trabaho dahil maari naman silang papasok anumang oras basta ang mahalaga'y may naiiwang tao sa main monitor ng barko. He's on his vacation and supposedly nag-eenjoy siya, maaring matulog kahit tanghali kaso bago pa man mabulabog ang mag-asawang katiwala'y gising na siya at dinig na dinig niya ang usapan ng mga ito, kung paano nababahala ang Ginang, kung paano nito pinapahalagaan ang seguridad ng rancho na iniwan niya sa pangangalaga nila mahigit anim na taon ang nakalipas n"Hindi pa rin sila nagbabago. Alam ko namang walang ibang makakapasok dito ng walang bakas. Ako lang naman ang bukod tanging nakakalabas-masok dito dahil nasa akin ang access code, ako l
"Parang namukhaan ko ang kaibigan natin noong isang araw mga 'Tol," wika ni Samson. Isang gabi na magkakasama sila."Ha? Saan, Pare? Nilapitan mo ba?" sa narinig ay sunod-sunod ang tanong ni Anjo."Huh! Kako namukhaan ko 'Tol. How I wish na nalapitan ko." Nakailing siyan humarap dito.Anim na taon na ang nakalipas, ganoon katagal na rin na hindi nila nakasama, nakausap ang kaibigan nila. Nakahiyaan din naman nila itong itanong sa amo nito lalo na ng ipinasa sa batang Mondragon ang barko."Seriously speaking mga 'Tol, kumusta na kaya siya?" aniyang muli."Bakit ngayon lang natin naisip ang rancho? Tama! Kung nabanggit mo lang sana dati iyan ay baka may nalaman tayo tungkol sa kaniya. Ano kaya kung puntahan natin sila sa rancho?" wika naman ni Romy.Kaso napailing ang dalawa. Salungat sila sa usapang rancho. Kabilin-bilinan ng kaibigan nila na pakaingatan din nila ang rancho. Hindi sila bawal dumalaw pero siguraduhing walang matang nakasunod."Kung noon pa sana iyan 'Tol Romy, baka ora
"Ako ang natatakot, Andong. Hindi ko alam pero talagang kinakabahan ako simula pa kaninang umaga," ani Aling Tina. Sa boses pa lamang ay halatang hindi ito mapakali."Hindi lang naman ikaw ang kinakkabahan, asawa ko. Nagtungong siyudad si Tan-Tan upang sunduin ang Yaya ng Boss natin. Ngunit wala ring kasiguraduhan kung makakaalis ito ng mansion na walang makakapansin sa kaniya," tugon ni Mang Andong."Iyon na nga eh, madalas namang lumuluwas sa siyudad ang batang iyon ngunit ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Wala namang kasiguraduhan kung kailan darating si Sir Tommy." Palakad-lakad ang Ginang patunay lamang na hindi ito mapakali. Panaka-nakang sumisilip sa main gate na para bang nandoon ang mga taong hinihintay."Uuwi raw ang amo natin bago lalayag ang barko ni Sir Clarence. Pero mga ilang araw pa iyon dahil nasa Europe sila. Sigurado akong matatagalan din ang biyahe niya dahil sa distansiya." Sumusunod ang Ginoo sa kapaparoo't parito. Nagmukha tuloy silang nasa ROTC training dahi
"Who is she?" tanong ni Isabelle."Who? I mean who do you mean?" balik tanong kasama."Huh! I asked you first but you answered back with question. Well ,the lady who's with the owner of the cruise ship. She's with him since we stop few hours ago," Isabelle answered.Pero hindi pa nakasagot ang kasama ay inunahan ito ng ama. Nakalapit naman kasi ito na hindi nila nalamalayan."His sister, Isabelle. Why? Do you have problem with them?" tanong nito.Kaya naman napalingon sila. Sa direksyun pa lamang ng pinanggalingan nito ay kakarating din nito mula sa jewellery stand."No, Daddy. I don't have problem but I have some issues. What's her relationship with Tommy? I saw her with him a while ago. So I was wondering if who is she," tugon ng dalaga sa ama."Whatever their relation to each other, we don't need to mind them. Tommy Saavedra is one of the engineers here. As he told us few days ago, he's close to the Bosses of this cruise ship. But wait, why are you asking those question? Are you in
"Hey, guys. Are you not happy that I'm back here with you?" nakatawang tanong ni BN sa mga staff niya. Pero sa kaloob-looban niya ay may mali dahil naging tahanan na niya ang himpapawid at karagatan ngunit kailanman ay hindi pa nangyari na matamlay ang paborito niyang tauhan. Si Tommy Saavedra. Sa bawat pagsampa at pagbaba niya sa barko ay ito ang numero-unong madaldal. Kaya't labis-labis ang pagtataka niya sa katahimikan nito sa oras na iyon. Hindi pa nga niya ito nakakausap tungkol sa pasalubong niyang dala. Ang box ng yumaong opisyal at ang galing sa rancho na paborito daw nito ayun kay Tan-Tan."Of course not Boss." Napangiwi siya dahil sabay-sabay namang sumagot ang mga ito.Nakakapagtaka talaga ang reaksyons nila. Una ay halos hindi sila makapagsalita nang tuluyan siyang nakasampa dahil nauna na ang kapatid niya. Sa katunayan gumagala na ito sa mall. Ngayon naman nagsabay-sabay silang sumagot. Dahil dito ay mas mas tumibay ang pakiramdam niyang may mali sa mga ito. "In that
"Huwag mong kalimutan ang box para kay Tommy, anak. Maaring pauwi rin siya ngunit mas magandang dalhin mo iyan upang doon mo ibigay," wika ni Clarence sa anak.Abala ito sa muling pagliligpit kaya hindi nito napansin ang pagpasok niya. Ganoon naman kasi sila. Biniyayaan sila ng Maykapal ng yamang materyal ngunit hindi sila umaasa sa mga katulong. Lalo na sa mga gamit nila sa pagtravel. Sila mismo ang nag-aayos."Nandito ka pala, Daddy. Maupo ka po." Humarap ito sa kaniya. Akmang aasikasuhin pa siya nito kaso itinaas niya ang palad saka nagwika."Don't mind me here, anak. Ipagpatuloy mo lamang ang iyong ginagawa. Tomorrow afternoon, you will be leaving again. This time in Australia, papalapit na sa pier na ang MARGARITA. Kaya naisip kong puntahan ka rito at ipaalala ang box para kay Tommy." Sansala niya. Iminuwestra pa niya ang palad na ipagpatuloy lang ang ginagawa."Nailagay ko na rito sa isang maleta, Daddy. Safety na po ito sa personal luggage ko. Ang padala ni Mrs Rodrigo at Mrs
"Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring balita kung saan nakatira ang Tan-Tan na iyon, San? Aba'y ilang buwan na ang nakakaraan simula nang umalis ang kapatid mo pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring balita? Binigyan na rin kita ng ultimatum ngunit wala ka pa ring nagagawa? Aba'y anong ginagaws ninyo ng mga tauhan mo?" inis na tanong ni Don Felimon."Daddy, don't be mad alam mo namang mahirap hanapin ang taong nagtatago at sa pagkakaalam ko'y lumapit na ang taong iyon sa mga Boss ng gag*ng Tommy na iyon! Kung noon ka pa sana sumang-ayun sa suhestiyon namin ni Mommy. Gagamitin lang naman natin si Yaya eh," maangas na sagot ng binata."Shut up! I told you already before not to say that words anymore!" bulyaw ng Don."Scream all you want, Daddy. Ngunit nais ko rin pong ipaalala sa iyo na kayo na rin ni Mommy ang nagsabing we are running out of time. In other words, the more you resist to use Yaya, the more we lost the chance to gain back all your hard work," ayaw paawat na wika ni San.
MARGARITAKahit anong gawin ni Tommy ay hindi siya makatulog. Napapagdesisyunan niyang magpahangin kahit sa tapat lang ng cabin niya. Kaso paglabas niya ay sakto namang bumukas ang kabilang cabin. Kahit pa sabihing may pagitan ito mula sa kinaroroonan niya ay kitang-kita niya iyon."Kailan pa nila pinahintulutang may mamasyal sa bahaging ito ng barko lalo sa ganitong oras? Kaninang umaga ay ang Australian ang naligaw, sino naman kaya sa ganitong oras?" tanong niya sa sarili.Para sa kanilang mga engineers naman kasi ang deck na iyon. Gusto pa nga ng Boss niya na ilipat ang cabin niya dahil isa raw siyang right hand man ngunit mahigpit niyang tinutulan. Ang rason niya ay pare-parehas naman silang engineers, nagtatrabaho ng maayos kaya hindi na niya kailangan ang special treatment. Ang pinakadulo ay ang cabin ng co-captain ng Boss nila ngunit siya na ang co-captain ng Boss iyon nga lang ay right hand man ang tawag nila sa kaniya. Ang sampung cabin na magkakaharap ay para sa kanilang mga
"Hey! Watch out!" malakas niyang sabi dahil sa pagkabangga ng isang babae sa kaniya.Kung hindi pa niya ito naagapan ay parehas silang tumilapon. Baka nahulog pa sila sa karagatan kung walang railings. Pero sino ba kasi ito at paharang-harang sa dinaraanan niya samantalang nasa staff deck siya. Mga staff and engineers lamang ang maaring makatuntong sa bahaging iyon ng barko. Ngunit anong ginagawa ng babaing iyon doon?"I-im sorry, Sir. I-im lost." Nakatungo nitong paghingi ng paumanhin.Galit siya dahil sa pagkagulat ngunit ang paghingi nito ng paumanhin ay sapat na. Hindi naman siya ganoon kaipokrito lalo at may kasalanan din siya. Napalalim ang pag-iisip niya samantalang nasa daan siya."It's okay, Miss. But what are you doing in this side of the deck? Hindi mo ba alam na private part ito. Huwag mo ng ulitin ang pagpunta rito dahil baka iba ang makakita sa iyo," tugon niya."W-what are talking about? I don't get it," bakas sa mukha nito ang pagtataka.Kaya naman naisip niyang hindi
"Kailangan mo ba talagang babalik sa mansion, Nena?" tanong ni Aling Tina sa may edad ng Yaya ng mga Saavedra."Ok, Tina. Kailangang makabalik ako upang maiwasan ang pag-iisip nila laban sa inyo. Tama, napapaligiran ang buong rancho ng private armies pero huwag n'yo ring kalimutang tuso si Ma'am Sandra. Alam kong pinapaikot lamang niya si Sir kaya't naging sunod-sunuran ito. At oras na hindi ako babalik ngayon ay parang kinumpirma ko na nasa akin ang susi sa problema nila. Ayaw kong mangyari iyon, Tina. Wala sa bansa ang alaga ko kaya't hindi maaaring mabunyag ang lahat habang wala siya," paliwanag ng Yaya."Iyon na nga, Nena. Sa katusuhan nila ay baka kakalimutan na rin nila ang katutuhanan mahigit kuwarenta na taon ka sa kanila. Natatakot akong mapahamak ka, Nena." Napabuntunghininga siya dahil sa takot. Ayun sa anak niya ay binilinan ito ng amo nila na kumbinsihin nila ang Yaya nito upang huwag ng babalik sa mansion. Ngunit sa nakikita niya ay malabong papayag ito. Hindi lang kata
"Anong nalaman mo, San? Kalahating taon na ang nakalipas ngunit wala ka pa ring nagagawa upang alamin kung nasaan ang mga dokumento? Aba naman, San. Wala na ba talaga kaming pag-asa ng Daddy mo sa iyo?" hindi matukoy kung galit ba o ano na tanong ni Mrs Saavedra sa pangalawang anak."Mas naging maagap siya sa inaakala ko, Mommy. Wala na akong ibang masabi," nakatungong tugon ni San.Hindi naman sa wala siyang masabi ngunit nagsasawa na rin siya sa kakahanap ng paraan upang masiyahan ang magulang. Pinasok na rin niya ang mundo ng druga ngunit ito ay lingid sa kaalaman ng ina. Malupit ito sa kanilang magkakapatid, kinonsente sila ng yumao niyang Kuya Gil. Ngunit kailanman ay hindi ito konsintedor sa druga. Kumapit siya sa patalim para rin may pantustos siya bisyo dahil simula umalis at bumalik ng barko ang mortal nilang kaaway ay unti-unting nag-freezed ang income ng kabuhayan nila. Dahil dito ay naging mahigpit din ang ama niya sa pera. Mas naging eager naman ang ina sa paghahanap ng p