"Ano ba, kambal! Sasama ka ba o hindi?!" malakas na tawag ni Cassandra sa kambal niya.Sumubra naman yata ito sa pagkamahinhin sa araw na iyon. Dinaig pa ang alaga nitong pusa na naglilihi. Halos hindi na makagalaw! Mamatay yata ang langgam na maaapakan!"Why you're screaming out loud, young lady? Aba'y hindi naman kayo nag-aaway ng kapatid mo sa pagkakaalam ko," paninita tuloy ni MaCon."Sorry naman po, Mommy. After almost four years na hindi umuwi si Kuya, tapos ngayong nandito na..." nakangusong sagot ng dalaga.Excited lang naman siyang muling makita at makasama ang panganay nilang kapatid. Mahigit tatlong taon na simula ng ipinasa ng kanilang ama ang pamamahala sa MARGARITA, ganoon na rin katagal na hindi ito umuwi. Naging busy din naman kasi silang magkambal sa kanilang pag-aaral kaya't hindi sila nakasama noong nagtungo ang mga magulang nila."Nauumawaan naman kita, anak. Dahil kami rin ng Mommy mo ay sabik ding makita ang Kuya ninyo. Ganoon pa man, dahan-dahan lang. Mamaya niy
"Bakit ba ang init ng dugo mo kay Engineer Saavedra?" tanong ni Mariz habang nasa daan sila pauwi."Tsk! Eh, paano sa tuwing nagsasangga ang landas nami'y puro na lamang banggaan. Hindi ba kamalasan ang tawag doon?" Napaismid siya dahil sa tinuran ng kambal."Kaya nga sinabi kong accidentally, twin sister. He accidentally bumped at you. No, I'm wrong. You and him accidentally bumped to each other, that's the right words to say. Oh...baka naman..." pabitin pa nitong wika.Kaya naman ay hinarap niya ito. Magkatabi lang naman sila sa back seat dahil ang marino nilang kapatid ay nasa harapan. Katabi ng driver, ang tagamaneho ng abuelo nila na nagrereklamo na wala raw ginagawa kaya't kahit sino sa pamilya nila ay tinatawag ito. Iyon ay kung may deperensiya ang mga sasakyan nila dahil lahat sila ay may wheels."Kapag ako ang mainis sa iyong babae ka ay ipapaiwan kita kay Manong sa tabi. Kumpletuhin mo ang sinasabi kung gusto mong makauwi ngayong gabi." Napahalukipkip siyang humarap dito. Ka
Sa kabilang banda, hindi mawala-wala ang ngiting nakabalot sa mukha ng opisyal na si Rodney Guerrero. Dahil bukod sa isa siya sa mga kandidato for promotion ay nakapasa din ng walang aberya ang kapatid niya. May tiwala naman siya rito kaso minsan palpak din dahil spoiled ito sa kanya. Ito ang bagay na hindi nagagawa ng mga magulang nila bagkus ay puro sermon ang naririnig nilang magkapatid. Kahit hanggang sa kasalukuyan na isa na siyang opisyal sa militar ay nakakarinig pa rin siya ng sermon mula sa kanilang ina."Kuya, malalim na ang gabi pero mukhang nauuna ang dreaming kaysa matulog?" Kalabit ni Imelda sa kapatid. Kaso nababantutan siya sa buong pangalan niya kaya't pinauso ang Imie. Hindi pa nga ito natutulog kaso mukhang nananaginip na."Ikaw nga itong gising pa, Aling Imelda. Aba'y hindi mo pa ako inililibre kahit isang burger man lang sana simula nang pumasa ka sa board examination ah." Nakangisi namang pang-aasar ng binata."Heh! Grave offense iyan, Kuya. Una, tinawag mo akong
Sa uri ng trabaho niya (Tommy) sa barko ay nasanay siyang tulog manok lang ang pagtulog kahit pa sabihing may kanya-kanya silang cabin. Natutulog sila ng maayos pero para sa kaniya ay mababaw lang ang tulog niya. Madali siyang magising kahit kaunting kaluskos lang. Maaga siyang nagigising sa barko hindi upang maiwasan ang mahuli sa trabaho dahil maari naman silang papasok anumang oras basta ang mahalaga'y may naiiwang tao sa main monitor ng barko. He's on his vacation and supposedly nag-eenjoy siya, maaring matulog kahit tanghali kaso bago pa man mabulabog ang mag-asawang katiwala'y gising na siya at dinig na dinig niya ang usapan ng mga ito, kung paano nababahala ang Ginang, kung paano nito pinapahalagaan ang seguridad ng rancho na iniwan niya sa pangangalaga nila mahigit anim na taon ang nakalipas n"Hindi pa rin sila nagbabago. Alam ko namang walang ibang makakapasok dito ng walang bakas. Ako lang naman ang bukod tanging nakakalabas-masok dito dahil nasa akin ang access code, ako l
"Parang namukhaan ko ang kaibigan natin noong isang araw mga 'Tol," wika ni Samson. Isang gabi na magkakasama sila."Ha? Saan, Pare? Nilapitan mo ba?" sa narinig ay sunod-sunod ang tanong ni Anjo."Huh! Kako namukhaan ko 'Tol. How I wish na nalapitan ko." Nakailing siyan humarap dito.Anim na taon na ang nakalipas, ganoon katagal na rin na hindi nila nakasama, nakausap ang kaibigan nila. Nakahiyaan din naman nila itong itanong sa amo nito lalo na ng ipinasa sa batang Mondragon ang barko."Seriously speaking mga 'Tol, kumusta na kaya siya?" aniyang muli."Bakit ngayon lang natin naisip ang rancho? Tama! Kung nabanggit mo lang sana dati iyan ay baka may nalaman tayo tungkol sa kaniya. Ano kaya kung puntahan natin sila sa rancho?" wika naman ni Romy.Kaso napailing ang dalawa. Salungat sila sa usapang rancho. Kabilin-bilinan ng kaibigan nila na pakaingatan din nila ang rancho. Hindi sila bawal dumalaw pero siguraduhing walang matang nakasunod."Kung noon pa sana iyan 'Tol Romy, baka ora
"Kumusta naman daw si Tommy, anak?" tanong ni MaCon sa panganay na anak."Nandito yata sa centro, Mommy. Nakapag-isip-isip na yatang magapakita sa mga magulang niya," tugon ng binata saka naupo sa tabi ng ina."Maaring kinausap din siya ng mga katiwala ng rancho niya. Kaya naliwanagan ang pag-iisip niya. Pero sa totoo lang ay hindi ko akalaing hindi pa siya nagpakita sa Yaya niya hanggang sa kasalukuyan." Ibinaba naman ni Clarence ang hawak na pahayagan saka humarap sa mag-ina."Opo, Daddy. Masasabi kong kilala ko na siya dahil magkasama kami sa barko ng mahigit tatlong taon. Para sa akin ay hindi ko siya masisisi kung bakit ngayon lang niya naisipang magpakita sa kanila. Malalim ang sugat sa pagkatao niya dulot ng pinagmulan niya." Tumango-tango rin ang binata sa pagsang-ayun sa ama."Pero para sa akin ay magulang niya pa rin sila. Tama malalim ang idinulot nilang sugat sa katauhan niya. Ngunit wala siya sa mundong ibabaw kung wala sila. Kaya't sana ay maayos pa nila ang bagay na iya
"Yaya, sigurado ka na darating ang magaling mong alaga? Aba'y ilang araw na pala siyang nandito sa bansa pero hindi man lang nagawa ang magpakita rito sa bahay?" iritableng tanong ng panganay na kapatid ni Tommy."Oo, Sir. Siurado ak dahil nakausap ko siya sa telepono. Hintayin lang natin na kakatok siya sa main gate," sagot ng Yaya nila na panay ang tingin sa labas ng gate.Labis-labis ang panalangin na sana ay hindi nagbago ang isipan ng mahal niyang alaga. Kulang ang salitang masaya upang ilarawan ang sayang lumulukob sa kaniya ng bigla itong tumawag. Umiyak siya na halos hindi makapagsalita dahil dito. Anim na taon niya itong hindi nakita, biglang tatawag ng Yaya. Maaring hindi niya ito dinala ng siyam na buwan, hindi siya ang nagsilang, pero kung pagmamahal, respeto lang ang pag-uusapan, higit pa sa isang anak ang naibibigay, naipaparamdam nito sa kaniya. Ang bukod tanging hindi nagpapatawag ng Sir sa mga alaga niya."Kapag ako ang mainis sa inyo ng magaling mong alaga ay malilin
"Kumusta ang ipinapagawa ko, Jerry?" salubong na tanong ni Clarence sa bagong dating na PI. "Sa tingin ko, Sir, ito ang laban na kailangan nating panoorin," tugon nito saka naupo sa itinuro niyang upuan. Sa narinig ay napatingin siya sa panauhin. Mukhang may nalaman agad ito. Actually, private investigator ito kaso bihira lang ang kagaya niyang nakakaalam sa tunay na katauhan. Ito ang inupahan niyang manmanan ang pamilya Saavedra. Ito ang itinalaga niya sa pamilya ng binatang isinama niya sa MARGARITA six years ago. Iyon nga lang ay huli na ng maisipan niya ang bagay na iyon. "I guess may nalaman ka na?" Napatingin siya rito. Hindi nga siya nagkamali dahil napangiti rin ito. "Oo, Sir. Pero kagaya ng sabi ko ay ang laban na ito ay puwedi nating panoorin. Well, galing na ako sa tahanan ng mga Saavedra. Nasaksihan ko kung paano sinupalpal ni Engineer Saavedra ang mga kapatid niya. Sa tingin ko'y simula pa lamang ito ng kanilang kailangan," paliwanag nito. Sa narinig ay napangiti siya
"Ako ang natatakot, Andong. Hindi ko alam pero talagang kinakabahan ako simula pa kaninang umaga," ani Aling Tina. Sa boses pa lamang ay halatang hindi ito mapakali."Hindi lang naman ikaw ang kinakkabahan, asawa ko. Nagtungong siyudad si Tan-Tan upang sunduin ang Yaya ng Boss natin. Ngunit wala ring kasiguraduhan kung makakaalis ito ng mansion na walang makakapansin sa kaniya," tugon ni Mang Andong."Iyon na nga eh, madalas namang lumuluwas sa siyudad ang batang iyon ngunit ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Wala namang kasiguraduhan kung kailan darating si Sir Tommy." Palakad-lakad ang Ginang patunay lamang na hindi ito mapakali. Panaka-nakang sumisilip sa main gate na para bang nandoon ang mga taong hinihintay."Uuwi raw ang amo natin bago lalayag ang barko ni Sir Clarence. Pero mga ilang araw pa iyon dahil nasa Europe sila. Sigurado akong matatagalan din ang biyahe niya dahil sa distansiya." Sumusunod ang Ginoo sa kapaparoo't parito. Nagmukha tuloy silang nasa ROTC training dahi
"Who is she?" tanong ni Isabelle."Who? I mean who do you mean?" balik tanong kasama."Huh! I asked you first but you answered back with question. Well ,the lady who's with the owner of the cruise ship. She's with him since we stop few hours ago," Isabelle answered.Pero hindi pa nakasagot ang kasama ay inunahan ito ng ama. Nakalapit naman kasi ito na hindi nila nalamalayan."His sister, Isabelle. Why? Do you have problem with them?" tanong nito.Kaya naman napalingon sila. Sa direksyun pa lamang ng pinanggalingan nito ay kakarating din nito mula sa jewellery stand."No, Daddy. I don't have problem but I have some issues. What's her relationship with Tommy? I saw her with him a while ago. So I was wondering if who is she," tugon ng dalaga sa ama."Whatever their relation to each other, we don't need to mind them. Tommy Saavedra is one of the engineers here. As he told us few days ago, he's close to the Bosses of this cruise ship. But wait, why are you asking those question? Are you in
"Hey, guys. Are you not happy that I'm back here with you?" nakatawang tanong ni BN sa mga staff niya. Pero sa kaloob-looban niya ay may mali dahil naging tahanan na niya ang himpapawid at karagatan ngunit kailanman ay hindi pa nangyari na matamlay ang paborito niyang tauhan. Si Tommy Saavedra. Sa bawat pagsampa at pagbaba niya sa barko ay ito ang numero-unong madaldal. Kaya't labis-labis ang pagtataka niya sa katahimikan nito sa oras na iyon. Hindi pa nga niya ito nakakausap tungkol sa pasalubong niyang dala. Ang box ng yumaong opisyal at ang galing sa rancho na paborito daw nito ayun kay Tan-Tan."Of course not Boss." Napangiwi siya dahil sabay-sabay namang sumagot ang mga ito.Nakakapagtaka talaga ang reaksyons nila. Una ay halos hindi sila makapagsalita nang tuluyan siyang nakasampa dahil nauna na ang kapatid niya. Sa katunayan gumagala na ito sa mall. Ngayon naman nagsabay-sabay silang sumagot. Dahil dito ay mas mas tumibay ang pakiramdam niyang may mali sa mga ito. "In that
"Huwag mong kalimutan ang box para kay Tommy, anak. Maaring pauwi rin siya ngunit mas magandang dalhin mo iyan upang doon mo ibigay," wika ni Clarence sa anak.Abala ito sa muling pagliligpit kaya hindi nito napansin ang pagpasok niya. Ganoon naman kasi sila. Biniyayaan sila ng Maykapal ng yamang materyal ngunit hindi sila umaasa sa mga katulong. Lalo na sa mga gamit nila sa pagtravel. Sila mismo ang nag-aayos."Nandito ka pala, Daddy. Maupo ka po." Humarap ito sa kaniya. Akmang aasikasuhin pa siya nito kaso itinaas niya ang palad saka nagwika."Don't mind me here, anak. Ipagpatuloy mo lamang ang iyong ginagawa. Tomorrow afternoon, you will be leaving again. This time in Australia, papalapit na sa pier na ang MARGARITA. Kaya naisip kong puntahan ka rito at ipaalala ang box para kay Tommy." Sansala niya. Iminuwestra pa niya ang palad na ipagpatuloy lang ang ginagawa."Nailagay ko na rito sa isang maleta, Daddy. Safety na po ito sa personal luggage ko. Ang padala ni Mrs Rodrigo at Mrs
"Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring balita kung saan nakatira ang Tan-Tan na iyon, San? Aba'y ilang buwan na ang nakakaraan simula nang umalis ang kapatid mo pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring balita? Binigyan na rin kita ng ultimatum ngunit wala ka pa ring nagagawa? Aba'y anong ginagaws ninyo ng mga tauhan mo?" inis na tanong ni Don Felimon."Daddy, don't be mad alam mo namang mahirap hanapin ang taong nagtatago at sa pagkakaalam ko'y lumapit na ang taong iyon sa mga Boss ng gag*ng Tommy na iyon! Kung noon ka pa sana sumang-ayun sa suhestiyon namin ni Mommy. Gagamitin lang naman natin si Yaya eh," maangas na sagot ng binata."Shut up! I told you already before not to say that words anymore!" bulyaw ng Don."Scream all you want, Daddy. Ngunit nais ko rin pong ipaalala sa iyo na kayo na rin ni Mommy ang nagsabing we are running out of time. In other words, the more you resist to use Yaya, the more we lost the chance to gain back all your hard work," ayaw paawat na wika ni San.
MARGARITAKahit anong gawin ni Tommy ay hindi siya makatulog. Napapagdesisyunan niyang magpahangin kahit sa tapat lang ng cabin niya. Kaso paglabas niya ay sakto namang bumukas ang kabilang cabin. Kahit pa sabihing may pagitan ito mula sa kinaroroonan niya ay kitang-kita niya iyon."Kailan pa nila pinahintulutang may mamasyal sa bahaging ito ng barko lalo sa ganitong oras? Kaninang umaga ay ang Australian ang naligaw, sino naman kaya sa ganitong oras?" tanong niya sa sarili.Para sa kanilang mga engineers naman kasi ang deck na iyon. Gusto pa nga ng Boss niya na ilipat ang cabin niya dahil isa raw siyang right hand man ngunit mahigpit niyang tinutulan. Ang rason niya ay pare-parehas naman silang engineers, nagtatrabaho ng maayos kaya hindi na niya kailangan ang special treatment. Ang pinakadulo ay ang cabin ng co-captain ng Boss nila ngunit siya na ang co-captain ng Boss iyon nga lang ay right hand man ang tawag nila sa kaniya. Ang sampung cabin na magkakaharap ay para sa kanilang mga
"Hey! Watch out!" malakas niyang sabi dahil sa pagkabangga ng isang babae sa kaniya.Kung hindi pa niya ito naagapan ay parehas silang tumilapon. Baka nahulog pa sila sa karagatan kung walang railings. Pero sino ba kasi ito at paharang-harang sa dinaraanan niya samantalang nasa staff deck siya. Mga staff and engineers lamang ang maaring makatuntong sa bahaging iyon ng barko. Ngunit anong ginagawa ng babaing iyon doon?"I-im sorry, Sir. I-im lost." Nakatungo nitong paghingi ng paumanhin.Galit siya dahil sa pagkagulat ngunit ang paghingi nito ng paumanhin ay sapat na. Hindi naman siya ganoon kaipokrito lalo at may kasalanan din siya. Napalalim ang pag-iisip niya samantalang nasa daan siya."It's okay, Miss. But what are you doing in this side of the deck? Hindi mo ba alam na private part ito. Huwag mo ng ulitin ang pagpunta rito dahil baka iba ang makakita sa iyo," tugon niya."W-what are talking about? I don't get it," bakas sa mukha nito ang pagtataka.Kaya naman naisip niyang hindi
"Kailangan mo ba talagang babalik sa mansion, Nena?" tanong ni Aling Tina sa may edad ng Yaya ng mga Saavedra."Ok, Tina. Kailangang makabalik ako upang maiwasan ang pag-iisip nila laban sa inyo. Tama, napapaligiran ang buong rancho ng private armies pero huwag n'yo ring kalimutang tuso si Ma'am Sandra. Alam kong pinapaikot lamang niya si Sir kaya't naging sunod-sunuran ito. At oras na hindi ako babalik ngayon ay parang kinumpirma ko na nasa akin ang susi sa problema nila. Ayaw kong mangyari iyon, Tina. Wala sa bansa ang alaga ko kaya't hindi maaaring mabunyag ang lahat habang wala siya," paliwanag ng Yaya."Iyon na nga, Nena. Sa katusuhan nila ay baka kakalimutan na rin nila ang katutuhanan mahigit kuwarenta na taon ka sa kanila. Natatakot akong mapahamak ka, Nena." Napabuntunghininga siya dahil sa takot. Ayun sa anak niya ay binilinan ito ng amo nila na kumbinsihin nila ang Yaya nito upang huwag ng babalik sa mansion. Ngunit sa nakikita niya ay malabong papayag ito. Hindi lang kata
"Anong nalaman mo, San? Kalahating taon na ang nakalipas ngunit wala ka pa ring nagagawa upang alamin kung nasaan ang mga dokumento? Aba naman, San. Wala na ba talaga kaming pag-asa ng Daddy mo sa iyo?" hindi matukoy kung galit ba o ano na tanong ni Mrs Saavedra sa pangalawang anak."Mas naging maagap siya sa inaakala ko, Mommy. Wala na akong ibang masabi," nakatungong tugon ni San.Hindi naman sa wala siyang masabi ngunit nagsasawa na rin siya sa kakahanap ng paraan upang masiyahan ang magulang. Pinasok na rin niya ang mundo ng druga ngunit ito ay lingid sa kaalaman ng ina. Malupit ito sa kanilang magkakapatid, kinonsente sila ng yumao niyang Kuya Gil. Ngunit kailanman ay hindi ito konsintedor sa druga. Kumapit siya sa patalim para rin may pantustos siya bisyo dahil simula umalis at bumalik ng barko ang mortal nilang kaaway ay unti-unting nag-freezed ang income ng kabuhayan nila. Dahil dito ay naging mahigpit din ang ama niya sa pera. Mas naging eager naman ang ina sa paghahanap ng p