Nakaka 500 meters palang ako ay nagsimula na akong hingalin. Habang palayo ng palayo ay parang hindi na ako makahinga at hindi ko na rin kaya pang ihakbang ang aking mga paa. Ngunit patuloy akong sinisigawan ni Russel. Lagi niyang sinasabi na kailangan ko ito kung gusto kong balikan si Jason at mabawi ang aking anak at si Tatang. Nandiyang halos itulak na niya ako. Napakahirap para sa aking gawin iyon ngunit sa katulad kong determinado ay kailangan kong gawin iyon. Napakahirap para sa akin ang huminga. Nang narating ko ang pinakatuktok ng burol ay ibinagsak ko ang aking hapo at basa sa pawis kong katawan ngunit wala pang tatlong minuto nang dumating si Mang Lito. Tinalian ni Russel ang baywang ko. “Patatakbuhin ni Mang Lito ang motor pabalik. Kung titigil ka sa pagtakbo, paniguradong hihilain ka lang niya at magkakasugat-sugat ka pagdating ninyo sa baba. Kailangan mong sumabay sa pagtakbo sa bilis ng pagpapatakbo ni Mang Lito.” Huminga ako
Nang makapagpalit na ako ay tinignan ko ang hitsura ko sa salamin. Gusto kasi ni Russel na makita ni Jason ang aking mukha kapag sumugod ako. Ang maganda at seksing ako. kung maganda ako noong bago kami ikasal ni Jason, ngayon parang lalo na akong gumanda. Lalong pumuti at kahit nanganak na ako ay wala pa ring bakas. Maayos naman na ang kilay ko. Sakto lang ang fresh make up ko at saktong pula ng lipstick na ginamit ko para umangat pa lalo ang kagandahan ko. Gusto ko, kapag makita muli ako ni Jason, hindi na ako yung baliw at buntis niyang nakita noon. Ibang Nadine na. Lalong gumanda, mas naging sexy, mas palaban. Hapit na black leather jeans ang suot ko at black sando na hapit sa sexy kong katawan. May makapal akong sinturon kubg saan doon nakasabit ang aking baril at iba pang mga armas. Assassin na assassin na ang datingan ko. Parang si Black Widow sa Avengers. Nakatali ang mahaba kong buhok. Nakaboots ako ng itim. May baril ako pero ang usapan, hindi ko iyon gagamitin dahil ang m
“Doon sa dati mong kuwarto noon. Noong inilipat ka nang dumating ako.” Binuksan ko ang pintuan. Sumilip muna ako baka may makakita sa akin pero mukhang nasa labas pa ang lahat. Nang nasa labas na ako ay halos hindi sumasayad ang paa ko papunta sa kuwarto ng anak ko. Inilabas ko ang baril ko. Pinihit ko ang pintuan. Nakita ko ang anak kong nasa crib niya. Isinara ko ang pinto ngunit hindi saradong-sarado. Gusto kong marinig ang yabag kung may parating.Himbing na himbing sa pagtulog ang nakaguwapong anak ko. Mag-isa lang siya sa kanyang kuwarto. Pinagmasdan ko siya ng husto. Hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Napakguwapo talaga niya. Malusog na bata. Nakuha niya ang matangos na ilong ni Jason at sa akin na ang labi niya. Baby Ivan. Iyon ang nabasa ko sa ilan sa mga gamit doon. Ivan pala ang pangalan niya. Mula siguro sa Nadine. Ikinabit pa rin ni Jason ang pangalan ko sa anak namin. Pero bakit? Iyon ang hindi ko maintindihan? Gumalaw an
Halos hindi na sumasayad ang mga paa ko sa lupa. Hanggang sa tumatahol na ang mga aso. Alam kong kahit praktisado na ako at matuling tumakbo ay ipa pa rin ang bilis at bangis ng mga aso. Lalapain ako ng mga iyon kapag maabutan ako. Narinig ko na rin ang mga putok ng baril. Malapit na sa akin ang mga aso. Lalapain na ako at mahuhuli na ako nina Jason! Alam kong ilang dipa na lamang hanggang sa wakas nakarating din. Mabilis kong hinila ang tali. Ramdam ko pa ang pagsakmal sana ng aso sa puwit ko kaso hindi na niya ako naabutan pa at para ko lang tinakbo paitaas ang mataas na bakod. “Huwag kayong magpaputok putang ina! Matamaan ninyo siya! Hindi siya dapat matamaan! Kailangan mahuli siyang buhay!” sigaw ni Jason. Tumigil ang putok ng baril. Hanggang sa tuluyan kong narating ang taas nang bakod at mabilis din akong bumaba. Sinakyan ko agad ang aking motor. Isinuot ko ang aking helmet. Pinaharurot palayo roon. Hingal na hingal ako sa pagod habang m
Hindi siya sumagot. Ngunit ngayon na nakaharap ko na siya, ilalaban ko ang buhay ko at isang maling kilos lang niya ay paniguradong sasaksakin ko siya. Maayos ang kanyang tindig sa pakikipaglaban. Wala siyang hawak na armas. Ako ang may knife kanina at baril ngunit sa tikas ng kanyang pagkakatayo, mukhang may alam nga siya sa martial arts kagaya ng sinabi sa akin ni Russel. Nakaramdam ako ng takot samantalang ako ay mga basic pa lang na di ko pa gaano kabisado. Naka-jackpot lang ako kanina kasi hindi niya inakala na may alam na ako. nakalusot ang sipa ko kasi hindi niya napaghandaan ngunit ngayon, ibang Jason na ang kaharap ko. Mukhang tagilid ako ngunit kailangan kong iparamdam sa kanya na hindi ako natatakot. Pumuwesto na rin ako. Kung kaya kong ilagan ang mga troso at pagpalo ni Mang Lito sa akin nang unang training ko, kakayanin ko rin ito. Sa konting pagkakamali ni Jason ay isasaksak ko ang kutsilyong hawak ko sa kanyang dibdib. Siya ang sumugod sa akin. Walang magi
Pagbalik ko ay naroon na siya sa kama. Matiyagang naghihintay sa akin. Nakangiti siya sa akin. Ang mga ngiting iyon ang pamatay niya lalo na kung nakalabas na ang kanyang mga dimples at ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin. Kita ko ang nakatakip na iyon sa putting manipis na kumot na bahagyang umangat. Nakaganda ng kanyang katawan. Maumbok ang kanyang dibdib na tinutubuan ng diretsong maninipis na balbon. Dahil sa kanyang kaputian, pinkish ang kulay ng kanyang nipples. May abs man siya ngunit hindi kagaya ng iba na batu-bato ang katawan. May konting taba na siyang lalong nagpapaganda sa kanyang palubog na pusod at tulad ng kanyang dibdib, mas malago ang diretsong balbon doon patungo sa nakatakip na iyon na hindi pa man kami nagsisimula o nag-Lulupang Hinirang na sa pagkakatindig. Pinunasan ko ang katawan ko ng tuwalya. Tinanggal ko ang ginamit kong balabal at wala ni kahit anong tumakip sa aking katawan. Nakita ko ang pamimilog ng kaniyang mga mata at paglunok. Buhay na buhay na t
“Magpahinga lang tayo hanggang mamayang hapon na, then we start on your training sa pag-asinta at paghawak ng baril. Mahusay-husay ka na sa martial arts, trainings na lang ang kailangan para ma-improve mo.” “Okey. Sige. Salamat ha?” “Salamat saan na naman?” “Sa pagmamamahal, sa pagtanggap kahit alam mong hindi ikaw ang nauna at kasal pa ako sa iba.” “Don’t mention it. I love you and I am willing to do everything for you.” Pagkakain namin ay humiga muna kami sa silong ng isang malaking puno ng manga. Habang nakahiga ako sa kanyang kandungan ay humalik siya sa akin.“Can I have my guitar muna baby ko?” malambing niyang sinabi.“Sure,” sagot ko.Binuksan niya ang kanyang sasakyan at kinuha niya ang kanyang ginatra. Nakangiti siyang sumandal sap uno habang nakatitig siya sa akin.“Can you please join me singing this song of Moira Dela Torre and her husband Jason Marvin? I’ll sing the line of Jason and you
“Ang galing no’n ah.” Itinaas niya ang kamay niya para makipag-apir. Tinanggap ko iyon. Hinila niya ako at niyakap saka niya ako hinalikan sa labi. “Ano sa tingin mo? Pwede na ako?” “Well, iba ang actual sa ensayong ganito lang lalo na kung alam mong tao na ang iyong aasintahin. Hindi madaling kumitil ng buhay lalo na kung unti-unting nababawasan na yung galit sa dibdib mo. Lalo na kung ang papatayin mo ay ang dati mong asawa, yung taong nagkaroon ng puwang sa puso mo” “Hindi mawawala yung galit sa dibdib ko Russel, habang tumatagal, lalo pa iyon tumitindi! Naiisip ko ang lahat ng kanyang mga napatay at hanggang ngayon, malaya siya sa batas. Iba talaga ang nagagawa ng pera ano? Pero hindi lahat ng panahon, pasko para kay Jason. Parating na ako para gawing todos los santos ang kanyang buhay.” “At the same time, huwag mo rin dapat hahayaan na pangungunahan ka ng galit. Yung sobrang galit mo ang siyang magpapabagsak sa’yo. Lag
FINAL CHAPTER"Nadine, gusto kong lumaban ka para sa akin ha? Ipangako mo sa akin na tuloy lang buhay. Masamahan man kita o hindi, kailangan mong manatili para sa pamilya mo at kay Ivan.”"Hindi. Magkasama tayo. Asawa moa ko. Nangako tayo sa isa’t isa. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin. Hindi ako papaya na maghihiwalay tayo kahit anong mangyari.""Iba ito Nadine.""Paanong iba? Anong ipinagkaiba sa nagiging laban natin?" tanong ko."Yakapin mo ako. Pumikit tayong dalawa. Sabi ni Mommy sa akin, kailangan nating magtiwalang kaya pa at sa ngayon, alam kong ikaw ang may kakayahan pa para lumaban.""Oh my God. Hindi ko gusto ang naiisip ko. Nakausap mo ang Mommy mo? Ibig sabihin, hindi! Hindi pwede!”"Relax at hayaan nating dalhin tayo ng ating mga isip sa kung saan tayo dapat naroon sa mga panahong ito. Please do it for me now bago mahuli ang lahat.""What do you mean?""Just please do it. Huminahon ka muna. Pumikit ka lang at yakapin mo ako nang mahigpit. Tulad ng pagyakap ko sa'yo,
Chapter 82NADINE’S POINT OF VIEW Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Sandali akong nagtaka kung bakit ako naroon pero bumalik sa akin ang lahat. Nakaupo ako sa bakal na upuan kung saan nakaposas ang aking kamay at nakakadena ang aking paa. Iyon ang upuang bakal na ginamit ni Jason kina Joana, Emma at Tatang. Ibig sabihin ako na ba ang isusunod ni Jason? Nakita kong nakatalikod siya at naninigarilyo. Kita ko sa kanyang mga kamay ang panginginig. Ninenerbiyos. “Alam kong ikaw ‘yan, Jason! Ginamit mo lang ang mukha ni Russel na maskara ngunit ikaw ‘yan.” Sigaw ko. Nagulat pa siya at lumingon sa akin. “Mahusay! Ito naman ang gusto ninyong laro hindi ba? Ang mangopya ng mukha para makapanlinlang? Hindi kayo humaharap ng kayo. Hindi ninyo kayang ayusin ang gusot na kayo mismo ang magpapakita. Ganito pala ang pakiramdam nang hindi mo gamit ang sarili mong mukha ano? Malayang makagawa ng kahit anong gusto mong gawin.” Ngumiti siya. Naiinis ako n
CHAPTER 81Nang nakaburol na siya at nasa loob na siya ng kabaong, bago siya tuluyang ilibing ay nakumpirma ko na patay na nga siya. Ito ang gusto kong mangyari noon sa kanya. Ang makitang bangkay na siya ngunit bakit ganoon? Bakit parang angsakit pa rin pala sa akin. Inaamin kong abot-langit ang galit ko sa kanya noon pero nang dumating si Russel sa buhay ko at ipinaunawa sa akin ang kahalagahan ng pagpapatawad at ngayon na nakita ko nang malamig nang bangkay ang lalaking unang nagparamdam sa akin ng pagmamahal, naiintindihan ko na ang patuloy niya sa aking ipinaglalaban na huwag patayin si Jason. Nang sandaling pinagmamasdan ko ang bangkay niya, naalala ko ang lahat lahat. Hindi ang mga pangit na nakaraan kundi ang mga nakaraan kung saan niya ako unang pinahanga.“ Siya nga pala, si sir Jason. Boss ko. Pangalawang beses na siyang kasama ko ritong umuwi at dalawang beses na rin niya akong kinukulit na ipakilala raw kita sa kanya dahil may pagkasuplada ka raw.”“Hi, Nadine,” inilahad
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a
CHAPTER 77 “Simple lang. Mahal kita, pare. Nakapangako ako sa mga magulang mo na I’ll do everything, para tumino ka.” namumula ang mukha ni Russel na puno ng luha. Lumapit siya kay Jason. Umupo siya katabi nito. Inakbayan. “Hindi kita isusuko eh. Hindi kita kayang pabayaan kasi alam ko, biktima ka ng maling pagpapalaki. Mali ang kinagisnan mong pagpapalaki and your parents knew that. Sila mismo aminadong may mali sila and here you are now, just totally lost but not hopeless. Hindi kita pwedeng iwan at isuko eh, hindi ako dapat mawala. Hindi ito dapat matapos lang ng ganito. Ako na lang pare, ako na lang ang meron ka. Ang naniniwala na kaya mo. Your son might hate you too kung manatili kang ganyan pero ako, nakita kita nang mabuti ka pang tao. Nasiksihan ko na kaya mo. Na pwede pa. Please prove them wrong. You can do better than this. Please!” niyakap niya si Jason. Mahigpit na mahigpit. “No! You don’t really care. Nang mawala si Lizzie, nawala ka rin. Nagpa
CHAPTER 76 “Alam ko, kahit luluha ako ng dugo…”“Oo, kahit luluha ka pa ng dugo,” hindi ko na siya pinatapos pa, “Hindi na babalik pa sa’yo, hindi mo na rin makikita pa ang babaeng gusto mong ipalit sa akin, ang babaeng sasamahan mo sa ibang bansa kasama ang anak ko, ang babaeng dahilan kung bakit ka mahirap na ngayon, kung bakit wala ka nang maipagmamayabang pang kayamanan.”“Anong ibig mong sabihin? Anong alam mo kay Margie? Anong wala na akong kayamanan? Anong kinalaman mo sa kanya?” sunud-sunod niyang mga tanong sa akin.Gusto mo bang malaman? Gusto mong marinig kung anong totoo? Kung bakit ko alam lahat lahat?” “Hindi ako tanga. Hindi ako bobo. May naramdaman ako, may pakiwari ngunit ayaw kong pangunahan. Gusto ko pa ring marinig. Kailangan ko pa ring malaman mula sa’yo ang katotohanan.” Humawak siya sa aking balikat. Tinanggal ko iyon. Hinarap ko siya. Malapit na malapit ang mukha ko sa kanya. Tinignan ko siiya sa kanyang mga mata para mabasa ko laha
CHAPTER 74 Hindi man iyon ang gusto kong mangyari kay Jason pero nakikita ko yung punto ni Russel at sa pagdaan ng mga oras. Hindi na ako tumutol pa.Nang nakita naman ng Doktor na pwedeng outpatient na lang si Tatang at may mga nareseta naman nang gamot sa kanya ay dineretso na lang naming siya sa bahay ni Russel. Doon na lang siya tuluyang magpagaling.Nang dumating kami sa bahay, nakita ko ang saya sa mukha ni Nanang at aking mga kapatid. Pinatunayan ko ang kakayanan ko. Natupad ko ang pangako kong ligtas kong maiuuwi si Tatang sa kanila at iyon nga ang nangyari. Ang problema lang, naiwan pa rin ang anak ko at natatakot ako na ngayong wala siyang panghahawakan sa akin, maisip niyang gamitin ang anak ko. Ngunit planado na ang lahat. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Mababawi ko ang anak ko na hindi malalagay ang buhay nito sa alanganin. Kailangang hindi papalya ang huling misyon namin ni Russel. Oras na ako naman ang mangibabaw at magwagi pagkatapos ng kanyang pananaki
CHAPTER 73“Nasa sa akin ang lahat ng simtomas Nadine. Nang sinasabi ng Psychiatrist ko ang mga simtomas ay alam kong akong ako ang kanyang binabanggit. I disregard for right and wrong, I persistent lying or deceit to exploit others kasi may pera ako. May kapangyarihan akong gamitin ang ibang tao. Binabalewala ko ang damdamin ng iba, inuuyam, minamaliit at hindi ko iginagalang ang kanilang mga karapatan. Alam kong alam mo na ginagamit ko rin ang aking charm or wit to manipulate others for personal gain or personal pleasure. I am arrogant, superior and being extremely opinionated. I have repeatedly violated the rights of others through intimidation and dishonesty. I am abusive in our relationship. I showed lack of empathy for others and lack of remorse about harming others. Inaamin ko, masama akong tao ngunit sana maintindihan mong may kondisyon akong pinagdadaanan. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ko nang ganoon, I am traying my best para maging mabuting tao mula nang alam kong mahal k