Shit sobrang sakit ng ulo ko. I guess hindi ko na namalayan na nakatulog na ako kagabi. Saking pagkakamulat kasabay ng paghawak sa sintido ko, napatingin ako saking paligid. Naalala ko si Amara kung paano siyang nakauwi. Mabuti din at hindi siya dito nag stay dahil ayokong may mangyari sa amin na hindi dapat. Panandalian akong nag muni muni bago tuluyang bumangon. Agad akong nagtungo ng banyo para makapag hilamos at mahimasmasan. I miss my wife. I miss her like fucking crazy pero hindi dapat dahil niloko niya ako. I shouldn't let her enter my life again. This is all my fault. Ang tanga ko talaga. It should be a revenge not the other way around. Ako na ang pinaka tanga sa buong sansinukob dahil hinayaan ko ang sarili kong mahulog muli sa kanya. I let myself drown into her so deeply like I couldn't rise anymore. Fuck this damn feeling. I hate it so so much. Pinag masdan ko ang mukha ko sa salamin. Hindi nagtagal sumilay ang sobrang lungkot at tumulo ang luha mula sa mga mata ko. S
Paghinto pa lang ng taxi agad na akong bumaba at madaling nagtungo ng gate para buksan ito pero naka kandado na ito.Mabilis akong nakaramdam ng pangamba. Isang sigaw ang kusang kumawala mula saking labi. "Bria! Mag usap tayo, Bria. Please!! Nakikiusap ako sayo pakinggan mo ako.." Paulit ulit kong kinakalampag ang gate pero walang sinyales ni Bria. Naging malalim ang kabang nararamdaman hanggang muling tumulo ang luha ko."Bria! Please. I know you are there! Harapin mo naman ako.." Walang pagod kong pagtawag sa pangalan niya hanggang isang tao ang tumapik sa balikat ko. "Naku miss sinasayang mo lang ang laway mo. Walang tao diyan. Kaaalis lang nila. Siguro mga 20 mins ng nakalipas." Isang babae na nakauniform ang kumausap sa akin. "Mag aantay ho ako. Pasensya na ho kung naingayan ho ata kayo sakin." "Ang ibig kong sabihin miss lumipat na ata ung nakatira diyan kasi maraming gamit ang dala." "Imposible ho yun. San naman ho pupunta ang asawa ko? Andito ho ako kaya hindi. Imposible
"Anu na Klio? Kanina pa kami nag aantay! Asan ka na ba?" Galit galitang saad ni Yumi sa kanyang kaibigan sa telepono."I'm on my way. Ito naman masyadong atat." Nakangiting tugon naman ni Klio. Dalawang taon na ang lumipas at marami na din ang nagbago sa buhay ng bawat isa. Ang kasong isinampa kay Amir ay nagawang ipanalo ng lawyer na kaibigan ni Devin. Tama ang nasa isip nyu at agad ngang umuwi ng Pinas si Devin para kay Klio. Dalawang taon na ding walang balita si Klio kay Bria. Sa kabila ng lahat walang araw na dumaan na hindi niya ito naisip. Sa isang iglap nasira ang lahat sa pagitan nila ng nag iisang taong pinag alayan niya ng kanyang buong pagmamahal. Buong sarili at buong pagkatao. Wala siyang itinira ni kaunti para sa kapakanan. "Finally dumating ka na!" Nakangiting singhal ni Yumi. "Sorry guys! Sorry talaga. Hi Devin." Yumakap si Klio sa mag asawang si Yumi at Devin matapos ang paghingi ng pasensya at halatang nagmadali ito dahil humahangos pa. "It's fine. Pinagtitr
[BRIA BRIXTON] Hindi ko inakalang babalik pa ako sa lugar na ayoko na sanang makita pang muli pero kailangan. Kasi I'm being unfair to my partner habang tumatagal. She deserves security and assurance from my part too and that's why I came back. Habang nakaupo, nakatingin sa malayo. Pinagmamasdan ang magandang view, dinadama ang sariwang hangin na pumapasok mula sa balcony muling sumagi sa isip ko ang taong matagal ko ng ibinaon sa limot. Two years ago I was in hell. Nobody sees me and I don't want anyone either to notice me until I met Alex. Bago pa lang kami maybe mag one year. I didn't even remember. It does say that I don't love her? I don't know. All I know is I need to be fair. Gusto na niyang magpakasal but I can't coz I'm still knotted with Klio Krixton my ex wife. "Hey! Gising ka na pala. How's your sleep? Your first day here in the Philippines?" Malambing na umupo sa lap ko si Alex at pumulupot saking leeg. She's a good person, pretty and smart. She is so near to pe
[BRIA BRIXTON] "Ate.." Napalingon ako. It was Tyron with a bland face. Nagluluto ako ng dumating siya. Habang si Alex ay mahimbing pa ang tulog. "Oh, Tyron.. Nag breakfast ka na ba? Ang aga mo ata. What's the urgent?""I'm good. Hindi na ako magpapaligoy... Ate Bria nagbalik ka ba para tapusin na ang natitirang koneksyon sa inyo ni Ate Klio?" Nagsalubong ang kilay ko sa binanggit niya. Mukhang alam ko na kung saan papunta ang conversation na to. "Tyron if you are going to convince-." "I will not. Gusto ko lang malaman mo ate.. Hmm.."Sambit nya hindi niya ko pinatapos. I guess he knows hindi na mababago pa ang isip ko. Isang buntong hininga ang kumuha ng atensyon ko, huminto ako saking ginagawa at napatingin sa kanya. "Anung gusto mong sabihin, Tyron? And by the way congrats. I didn't know you are into Trixie back then." Ngumiti ako at ganun din siya. "As I was saying ate hindi na kita pipigilan anuman ang desisyon mo this time pero. Pero I hope ate Bria na tama. Tama sana lah
[NARRATOR]Hindi na pinatagal ni Bria at sinimulan ang tunay na pakay niya sa pagbabalik sa Pinas ,matapos ang dalawang taong pagkawala. Agad siyang dumulog sa kanyang lawyer upang malaman ang dapat gawin. Sa Denmark ikinasal si Klio at Bria. Lingid sa kaalaman ni Bria na may tinatawag na state's residency requirements.Ibig sabihin nito dapat at least isa man lang sa kanila ni Klio ay nakapag stay sa Denmark ng three to twelve months kung saan sila ikinasal at minimum na 10 days to 6 months sa bansa kung saan i fafile ang petition. Sa kasamaang palad hindi matatanggap ng korte ang kaso hanggang sa matugunan ng mga mag-asawa ang mga kinakailangan sa residency ng estado.Sa madaling salita kailangan manatili ni Bria o ni Klio sa Denmark ng at least three months upang umusad ang petition. Walang nagawa si Bria kundi ang mag punta ng Denmark kasama ang kanyang fiance na si Alex.[BRIA BRIXTON] Hindi ko naisip na ganito kakumplikado ang mag file ng divorce. Akala ko basta sumang ayon a
FAST FORWARD>>>[NARRATOR] Dumating ang araw ng pinaka hihintay ni Alex. Natapos sa wakas ang tatlong buwan. Kaakibat nun sa kanyang dibdib ang pag nanais na babalik sila sa dati ni Bria sa oras na maputol ang natitirang bigkis nito kay Klio.Ramdam niya ang pagbabago ni Bria pero iniisantabi niya ito alang alang sa iniingatan niyang relasyon. Naging mahirap ang bawat araw na magdaan. Sa kabila ng mabigat sa kanyang dibdib mas pinili niyang manahimik at mag antay sa pagtatapos ng lahat. "Napagod ka ba sa byahe?" Malambing na usal nito kasabay ang pagpulupot ng kanyang mga kamay sa leeg ni Bria."No. Hindi naman. Ikaw? Napagod ka ba? Gusto mo bang mag dinner tayo sa labas?" Malamlam man ang mukha ay matagumpay na naitago ni Bria ang gumugulo sa kanyang isipan.Hindi mawala sa kanya ang chat ni Tyron bago sila makabalik ng Pilipinas. "Wag na siguro. Perhaps it's better if mag padeliver na lang tayo.." Mungkahi ni Alex kasunod ang paghalik nito sa kanyang labi.Marahang pumikit si Ale
[NARRATOR]"Wag mo akong tatalikuran, Bria! Kinakausap pa kita!" Bulyaw ni Alex. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtanggi ni Klio sa pagpirma sa petition. "What do you want me to say? Ha? Alex?" Giit ni Bria. Bakas ang yamot sa mukha nito pero sa pagkakataong ito walang palalampasin si Alex. "Aminin mo nga ang totoo, Bria.. For once magpakatotoo ka!" Bahagya na ang pagtaas ng boses ni Alex. Nagsisimula ng kumawala sa kanya ang matagal niya ng kinikimkim. "What are you talking about? Alex? San nanaman to papunta? Palagi na lang ba tayong ganito?" Inis na sukli ni Bria sa kanya. "So kasalanan ko pa now? Oh my god, Bria.. Alam mo isa lang naman ang pinunta mo dito hindi ba?? Ang mapawalang bisa ang kasal ninyo.. Pero teka lang.. SANDALI NGA LANG... yun pa din nga ba ang gusto mo??" Namumuo ang mga luhang ganti ni Alex. Ang tinig niya ay naging basag."What??!! Alam mo hindi kita maintindihan.." Napapailing na sambit ni Bria. Salubong ang kilay nitong umiwas sa matalim na titig ni Alex
[KLIO BRIXTON] "Hello.. BABY! Andyan ka na? Sorry papunta na ako.." Hinihingal ang tinig nito. Mukhang paalis pa lang siya ng building at nagmamadali. Narinig ko pa ang pagtawag ng staff sa kanya. "Naiwan niyo po ang susi niyo Ms. Bria.." Saad nito. "Oh! Thank you.." Tugon niya. "Okay lang.. BABY! Take your time.. wag ka magmadali.. I'm fine.." Sambit ko naman. Four years na siyang cancer survivor. Wala pa ding makapag sabi kung anong himala ang nangyari nung araw na yun. Dumaan ang asawa ko sa maraming treatment. Chemotherapy, radiation at halos lahat ng herbal na nagkalat online locally man o international ay nasubukan namin. Bawat araw ay pahina siya ng pahina. Nawala ng tuluyan ang buhok at lalo pasensya niya. Palagi itong galit at iritable pero di ko siya sinukuan. Butot balat man hindi ako pinanghinaan ng loob na ilaban hanggang sa abot ng kaya naming dalawa. Ang buong pamilya at mga kaibigan ay fully support. Lahat ng kainin niya ay nakasunod sa chart. Ang oras ng pag
FOUR YEARS PASSED>>>[KLIO BRIXTON]"Klio, sure ka kaya mo ng mag isa?" Taimtim na tanong sa akin ni Yumi. Papunta kasi ako ng sementeryo. Isang taon na din ang lumipas simula ng iwan niya kami. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na dalawin siya. Nung mga unang araw, linggo o buwan ay wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong at umiyak lang sa kwarto ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko nagpabaya ako sa pag aalaga sa kanya. Tingin ko hindi naging sapat lahat ng ginawa ko kaya siya nawala sa akin. Akala ko noon hindi ko kakayanin pero binigyan pa ako ng dahilan ni God para lumaban, wag sumuko sa buhay, magpatuloy at para maging masaya. "Kaya ko na bes.. Pakisabi kay Devin salamat sa mga bulaklak. Magugustuhan niya to.." Nakangiting saad ko saka humalik sa kanyang pisngi at nag paalam. Habang tinatahak ang daan naalala ko ang araw ng mawala siya sa amin. FLASHBACK>>> "Wala na ho kaming magagawa Mrs. Brixton.. Hindi na po kinaya ng katawan niya.." Ang mga sa
"OO! MASAYA KA NA?!" Singhal ni Bria. "Wala akong ibang mapupuntahan kaya sa AYAW MO MAN O GUSTO.. Dito AKO mag SSTAY!" Ganti ni Klio. Akmang papasok na ng loob pero inawat siya ni Bria. "NAHIHIBANG KA NA BA TALAGA?!" Bulyaw nito kasabay ang paghigpit ng hawak sa braso ni Klio. "OO!! BALIW NA KO! Pero MAS MAY TILILING KA!" Banat ni Klio. Winaksi ang kapit ni Bria sa kanyan sabay humakbang papasok. Isang buntong hininga at hawak sa kanyang baywang na lang si Bria saka sumunod kay KLio. "Hindi ka pwede dito.. Alam mo ba ang ginagawa mo??!" Muling sita ni Bria. "Wala akong PAKE kung dalawa kami dito.. ASAWA KITA, BRIA! May TUMOR ka lang! WALA KANG AMNESIA!!" Sambulat nito. "Saan ang kwarto mo?!" Muling balin ni Klio sa kanyang asawa. "At BAKIT?!" Kunot noo nitong saad. "ANONG BAKIT? Alangang hiwalay tayong matutulog!" "Klio please..." Naging mababa ang tono ng salita nito. "Ako ang dapat magsabi niyan.. PLEASE BRIA..Don't do this to me!" Pakiusap ni Klio. "I AM DOING THIS F
Agad na kumonek si Tyron kay Alex para malaman nito ang eksaktong address nila sa L.A. Walang kamalay malay na binigay naman ito ni Alex. Hangad ni Alex lahat ng makakabuti kay Bria kaya naisip niyang matutuwa ito kung paminsan minsan makikita si Tyron na parte din naman ng pamilya."Kamusta ang tulog mo?" Salubong ni Alex ng lumabas ng kwarto si Bria. "Okay lang.." Tipid at walang emosyon nitong sagot. Pinaglapat lang ni Alex ang magkabilang pisngi ng kanyang labi. Alam na alam niya kung anong pinagdadaanan ngayon ni Bria. "Ahmm gusto mong sa labas kumaen?? Sa may beach.. I mean makalanghap ka ng fresh air.." Nagugulihanang pa anyaya ni ALex. "Ahmm dibale na lang.." Pagbawi agad nito, nag iingat siyang wag bigyan ni Bria ng meaning ang mga magiging kilos niya pero hindi nga naman ito maiiwasan dahil mag ex sila."Ahem yeah! SURE! That would be.. Hmm, Great.." Nakangiting saad ni Bria na ikinasilay ng kislap sa mata ni Alex.Naghanda na ang dalawa ng kani kanilang gamit. Si Alex sy
[BRIA BRIXTON] "We're here.." Turan ni Alex. Naputol ang pananahimik ko at bumaba ng sasakyan. Tinulungan ko siyang magbaba at magdala ng mga bagahe ko sa loob ng bahay. Sa may pinto pa lang sinalubong na kami ng isang babaeng nakauniform. "Manang may pagkaen na ho ba?" Balin ni Alex sa kanya habang kinukuha ng babae ang ibang hawak ni Alex. "Meron na ho mam.." Ngumiti si Alex saka nagsalita.. "Hai buti naman dahil gutom na gutom na ko. Delay kasi yung flight nitong kaibigan ko ei.." Paliwanag niya saka bumalin sakin. "Ikaw ba Bria nagugutom ka na ba? Tara na muna sa dining area.. Mamaya I will show you your room.." Hindi na ko sumagot at sumunod na lang. Wala akong gana magsalita o ang kumaen pero nakakahiya naman kung tatanggi ako. Iginaya ako ni Alex sa upuan saka ipinag sandok ng pagkaen ko. Wala siyang pinagbago. Ganun pa din siya kung paano ko siyang nakilala noon. "By the way kamusta ang lola mo, Alex?" Pag iiba ko ng usapan. Curious din naman kasi ako dahil
MAKALIPAS ang halos 14 hours lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Bria."Hey! Bria here!" Sigaw ni Alex ng makita si Bria. Inaantay nya to sa may arrival. Nasa Pinas pa lang si Bria pinaalam niya na rito ang tungkol sa kanyang kondisyun. Agad namang sinamantala ni Alex ito para makasama si Bria sa kabila ng pagkakaalam na hindi ito magiging daan para maging sila ulit. Tinanggap ni Alex ng buong puso at malinaw na malinaw sa kanya kung anu lang ang magiging papel niya sa buhay ni Bria sa mga dadating pang araw. [BRIA BRIXTON] Pagiging makasarili ang idamay ko pa si Alex sa sitwasyun ko pero si Tyron na mismo ang nagpaalam rito. Nung una hindi din naman ako sang ayon.Wala sa isip kong gawin ito kay Alex. Ginamit ko lang siyang dahilan pero nagbigay ideya ito kay Tyron. Inisip niyang hindi ako maaring mag isa sa laban ko. Kapalit ng pagtikom ng kanyang bibig patungkol sa sakit ko papayag akong alagaan at samahan ni Alex saking pagpapagamot."Kamusta ang byahe? Sumakit ba ang ulo mo
DUMAAN pa ang dalawang linggo na nasa bahay lang si Klio. Matapos ang tangkang saktan ang sarili minabuti ni Mayumi na mamalagi na lang sa poder niya si Klio at mag hire ng nurse na magbabantay rito kapag wala siya. Hindi ito lumalabas ng kanyang kwarto kahit na anong pilit sa kanya ng mga kaibigan. Maski ang mama nito ay walang magawa upang gustuhin niyang ipagpatuloy ang buhay. Hindi na lingid sa lahat ang pakikipaghiwalay ni Bria kay Klio kung kaya galit na galit nanaman si Trixie. "Alam mo akala ko nagbago na talaga yang Ate mo pero heto nanaman siya sa pagpapahirap sa pinsan ko! Dadating ang araw Tyron kakarmahin yang Ate mo!" Sambakol ang mukhang sabi ni Trixie ng makalabas sila ng kwarto ni Klio. Wala namang naging sagot si Tyron. Naninikip ang dibdib nito sa pagpipigil na isiwalat ang buong katotohanan. "Alam mo deserve ng Ate Bria mo ang mamatay! Wala siyang isang salita at hindi talaga niya alam ang salitang pagmamahal!!" Buryong saad pa ni Trixie. Kumuyom lang ang pal
Luhaang iniwan roon ni Bria si Klio. Parang bumagsak ang mundo nito at di magawang ibangon ang sarili. Patuloy sa pag iyak. Kinuyom ang sarili. Binaluktot ang mga paa, nilagay ang mukha sa tuhod at niyakap ang mga binti. Walang humpay na pag tangis. Si Bria naman ay bumalik sa kanyang condo. Kumuha lamang ito ng beer sa loob ng ref saka iyon binuksan at ininom. Wala pa din itong kahit anong reaction sa mukha. Tulalang iniinom ang alak hanggang sa sumabog. Sumilay ang mga guhit sa mukha ni Bria. Galit itong ibinato ang bote sa tapat na pader. Naningkit ang mga matang sumigaw ng pagka lakas lakas saka tuluyang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Ilan sandali at dumating si Tyron. "Anong ginagawa mo dito?!" sabog ang tinig nito. "Ate Klio called me.. Ano bang nangyayari Ate Bria? Nag away nanaman ba kayo? This time what would be the reason?" Pinukol sa kanya ni Tyron ang buong tingin. Napapikit lang si Bria at napayakap sa sariling nakaupo sa sahig. Nakasandal sa paanan ng sofa. "I
"Do I need to repeat myself? Bingi ka ba?!" Bulyaw ni Bria na bumangon sa kama. Hinawakan siya ni Klio sa pulso bago pa to makalayo. "Ano bang nangyayari sayo ha? Nasasaktan ako alam mo ba yun? Buong magdamag akong gising Bria tapos yan ang sasabihin mo sakin??" "Sinabi ko bang wag kang matulog? Tsaka tigilan mo nga ako sa drama mo! ANo iiyak ka nanaman? Napaka iyakin mong talaga.." Akmang aalis na to. Lalabas ng kwarto pero humarang roon si Klio. "San ka nanaman pupunta?!" Singhal ni Klio na umiiyak na ngayon. Di man lang makitaan si Bria ng konting simpatya. "Tumabi ka nga! Nagugutom ako! Malamang sa kusina ang punta ko.. Ano ba Klio? Tantanan mo nga ako.." Naguguluhanang tumabi na lang si Klio at hinayaang dumaan si Bria. [KLIO BRIXTON] Humagulgol ako pag labas niya ng kwarto. Parang ibang Bria yung nakaharap ko. WHat on earth happened to her? Bigla bigla na lang naging ganun ang pakitungo niya sakin? Napahilamos ako sa mukhang hindi malaman ang gagawin.. Nagtungo ako