[KLIO KRIXTON]Kumukulo na siguro ang dugo ni Bria ngayon dahil sa pag tanggi kong pumirma. Nasasaktan ako hanggang sa huli dahil pinaninindigan niyang niloko ko siya. Wala ba talaga kahit ilang porsyentong pag aalangan sa kanya na hindi ko magagawa ang bagay na yun."Hello Maggie.." Saad ko ng sagutin ko ang tawag. "Are you free tonight? May gusto akong ipakita sayo.. Sunduin kita??" Malambing ang tinig nito. Napangiti niya ako sa sandaling maramdaman ko ang care niya sa akin. Nawala ang kaninang inis ko dahil kay Bria. Maggie is on the go talaga palagi para mag iba ang mood ko. "Sure.. Sige.. Saan ba tayo pupunta? San mo ko dadalhin?" Nakangiting sagot ko sa kanya. Hindi lingid kay Maggie na kasal pa ako. Alam din niya ang tungkol sa divorce. Nang makwento ko sa kanya ang lahat hindi siya lubos makapaniwala. Nagalit pa nga siya at sinabing ang tanga ng taong pinagbigyan ko ng buong puso ko. Sana raw mas una kaming nagkakilala kaysa sa mga taong nanakit sa amin. Lumabas pa sa la
[KLIO KRIXTON] "So anong sinadya mo sakin maliban sa gusto mo akong i date?" Nakangiting panimula ko kay Devin. "Ikaw talaga.. Malapit na kasi ang birthday ng best friend mo.." Tugon nito sabay ang pagsubo ng kanyang pasta."Oh shit oo nga pala.. So I guess yun ang pinunta mo? Ako nanaman ang mag iisip ng surprise for her??" Pagbibiro ko na ikinatawa naman naming dalawa. Nung araw na umuwi si Devin para tulungan ako sa kaso nagkaroon ng 2nd chance para maging malapit sila ni Yumi.Devin knows how much I love Bria and I supposed up to now, He feels it didn't change a bit. Masaya ako at dininig ng angel sa itaas na palayain si Devin sa pagmamahal sa akin. "Alam mo naman na hindi ako magaling sa mga ganyang bagay na ikinakikilig niyong mga babae.." Ngisi nito. Napasinghap lamang ako. Tama siya.. "Anyway hindi tayo pwede magtagal ha kasi may usapan kami ni Maggie... Susunduin niya ko.." Sambit ko. Ang mukha niya ay biglang naging seryoso. "Hmm I know Yumi did a great job on trying t
[BRIA BRIXTON]Mahimbing ng natutulog si Alex after our intercourse. Nanatili akong nakatingin sa maamo niyang mukha. Kasabay ng pag iisip kung paano kong tatapusin ang meron kami. Nasasalat ko na ngayon pa lang kung anong pwedeng mangyari. For sure hindi ito magiging madali. Minsan ng nabanggit sa akin ni Alex kung paano siya bago ako dumating sa buhay niya. I know what she'd been through and yet here I am going to break her heart again. Sobrang sama ko bang tao? Pero lalo lang magiging mahirap sa kanya kung ipagpapatuloy namin ang isang bagay na hindi na ngayon ako sigurado. Marahan kong inalis ang kamay niyang nakadantay sa akin saka ako tumayo. Kinuha ko ang bathrobe para takpan ang hubad kong katawan.Kumuha ako ng isang stick ng yosi saka nagtungo ng biranda. Unang hithit buga ko pa lang para na akong nabunutan ng mabigat na bagay sa dibdib. Muling naglakbay si Klio sa utak ko. Nanghina ako sa pagbabalik ng mga nangyari two years ago. Pinagtabuyan ko siya, pinalayas at hindi
[BRIA BRIXTON]Nang magising ako wala na si Alex.. Wala na din ang mga gamit niya.. Isa lang ang ibig sabihin nun.. Siya na mismo ang nagpalaya sa sarili niya sa akin. Isang sulat sa may bedside table ang nahagip ng paningin ko. Agad ko itong binuksan ng mahawakan ko. Lovey...Siguro nasa himpapawid na ako sa mga oras na mabasa mo to. Mahal kita Bria kaya pinaparaya na kita. Salamat sa mga panahong naramdaman ko uli ang totoong saya. Hindi man tayo tinadhana sa huli wala akong pinagsisisihan. Hindi ka pa man humihingi ng sorry pinapatawad na kita ngayon pa lang.. Sana dumating sayo ang kulang sa buhay mo na bubuo sa pagkatao mo.. I guess naging part lang ako ng paglalakbay mo. Hindi talaga ako ang nakalaan para sayo.Tanggap ko na Bria.. Siguro sa Denmark pa lang alam ko ng mauuwi tayo sa sitwasyon na to. I'm just being denial sa sarili ko. Inisip at pinilit kong isalba ang meron tayo. Wag mo na sana uulitin ang bagay na ito.. Wag kang papasok sa isang relasyon kung hindi ka pa si
[NARRATOR] Dumating na nga si Klio kasama si Maggie sa lugar. Binati naman ng mga staff si Klio dahil mataas ang posisyon niya rito."Hey! Klio.." Sigaw ni Devin palapit sa direksyon nila. Kinakampay ang kamay ng nasa executive area na sila kung saan ang ganap ng birthday party.."Hi Devin.. This is Maggie.." Nakangiting tugon agad ni Klio ng nakatayo na sa harapan nila si Devin."Hi! I'm Devin.." After makipag kamay ni Devin muli siyang bumalin kay Klio."Grabe! Ang ganda ng set up.. Nagustuhan ni Yumi.." Nagagalak nitong saad. "Hi!" Tawag pansin naman ang paglapit ni Yumi.. "Happy Birthday.." Salubong ni Klio sa kanyang best friennd. Nagyakap sila at nakipag beso beso naman kay Maggie. "Hmmm magkasama kayo ah.. Akala ko hindi ka isasama ni Klio ei.. Sa wakas at itong pihikan kong best friend may nakasundo na din. Diba hon?" Sabay tingin kay Devin sa huling salita niya. "Yeah! I'm happy for Klio and finally muli na niyang binubuksan ang puso niya..""Let's have a drink to that..
Balak ko na sanang iwan na lang si Wave dito pero kahit anong kumbinsi ko sa mga binti kong gumalaw tila maski sila isa lang ang gustong gawin.Hindi na nga ako nakatiis at humakbang palapit kay Klio.. Isang inhale exhale ang ginawa ko bago ako nagsalita. "KLIO!" Hindi malakas, hindi mahina at sapat para marinig niya ang tawag ko.. "A-anong ginagawa mo rito, Bria?" Tila isang panaginip ang marinig muli ang tinig niya. "Ahh.. Kunin ko muna si Baby Aria, Klio.." Malinaw kong narinig ang sinabi ni Devin pero pinigilan ko siya.. "So, finally pinatos ka na din ng asawa ko??" Taas ang kilay kong saad. Nakita ko ang paggalaw ng panga niya. "I suggest that you should think first, Bria before anything bad come out to that mouth of yours!" Matapang nitong ganti sakin. Wala akong pakialam. Asawa ko pa din si Klio. Pwede ko silang kasuhan ng adultery dahil hindi pa naman annulled ang kasal namin."Please, Bria wag kang magsimula ng gulo rito.." Awat ni Klio."Dito ka din pala babagsak.. Sa
[KLIO KRIXTON]Parang isang mahika ang lumabas sa labi ni Bria. Dinadala ako nito sa ibang dimensyon. Nagtatalo ang utak at puso kung magdudulot ba ito ng maganda o panibagong hapdi sa sugat. Lubhang talino ng utak ko dahil alam niyang isa itong bitag.. Ganun din naman ang puso ko.. Alam nitong mapanganig, mapanakit at posible akong masugatang muli pero tila magnet na may malakas na pwersang kayang mang attract..Sa mga oras na ito pilit kong binabakuran ang aking sariling wag mahulog sa banging malalim. Akala ko isang patibong na kaya kong iwasan o lagpasan. Yun pala sarili at damdamin ko mismo ang tila magpapahamak sa akin. "B-bria.." Tanging salitang kinaya kong bigkasin. Ang dalawang taong nasa aking harapan ay matyagang nag aantay saking kasagutan. Anu nga bang pipiliin ko? Ang mundong pinapangarap ko pero naging ilusyon. Sa kabila nun pilit pa ding umaasang magiging totoo dahil duon ko nakilala ang pagmamahal.. Pagmamahal na sisira din sa paniniwala ko rito. O doon ba tayo s
[KLIO KRIXTON]Madaling araw na ng ihatid ako ni Maggie. Muli kong naalala ang mga nangyari sa party. Isang iglap nagbago ang takbo ng lahat.Kagigising ko lang pero tila tulog pa ang diwa ko.. Isang paulit ulit na doorbell ang dumagundong sa tenga ko. Sinong maghahanap sa akin ng ganitong oras.. Tatayo na sana ako pero sunod na tumunog ang phone ko na nasa gilid ng kama. Kinuha ko to at agad na sinagot. "Ate Klio.. I'm so sorry pero wala akong choice.. Ayaw niyang tumigil at nag attempt pa siyang tatalon ng building if I didn't give your address.." Hindi magkandaugagang paliwanag ni Tyron.Sa sinabi niyang yun naisip ko na agad kung sinong ayaw paawat sa doorbell. Imbis na sagutin si Tyron, nawalan na ko ng choice kundi harapin ang problema. "Klio.." Sigaw niya pagsilip ko pa lang ng pinto at papunta pa lang ng gate.. Pansin ko agad na lango siya sa alak.."Anung ginagawa mo rito?" kunot noo kong tanong.. Wala akong balak na papasukin siya sa bahay ko.. Baka kung anong gawin niya
[KLIO BRIXTON] "Hello.. BABY! Andyan ka na? Sorry papunta na ako.." Hinihingal ang tinig nito. Mukhang paalis pa lang siya ng building at nagmamadali. Narinig ko pa ang pagtawag ng staff sa kanya. "Naiwan niyo po ang susi niyo Ms. Bria.." Saad nito. "Oh! Thank you.." Tugon niya. "Okay lang.. BABY! Take your time.. wag ka magmadali.. I'm fine.." Sambit ko naman. Four years na siyang cancer survivor. Wala pa ding makapag sabi kung anong himala ang nangyari nung araw na yun. Dumaan ang asawa ko sa maraming treatment. Chemotherapy, radiation at halos lahat ng herbal na nagkalat online locally man o international ay nasubukan namin. Bawat araw ay pahina siya ng pahina. Nawala ng tuluyan ang buhok at lalo pasensya niya. Palagi itong galit at iritable pero di ko siya sinukuan. Butot balat man hindi ako pinanghinaan ng loob na ilaban hanggang sa abot ng kaya naming dalawa. Ang buong pamilya at mga kaibigan ay fully support. Lahat ng kainin niya ay nakasunod sa chart. Ang oras ng pag
FOUR YEARS PASSED>>>[KLIO BRIXTON]"Klio, sure ka kaya mo ng mag isa?" Taimtim na tanong sa akin ni Yumi. Papunta kasi ako ng sementeryo. Isang taon na din ang lumipas simula ng iwan niya kami. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na dalawin siya. Nung mga unang araw, linggo o buwan ay wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong at umiyak lang sa kwarto ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko nagpabaya ako sa pag aalaga sa kanya. Tingin ko hindi naging sapat lahat ng ginawa ko kaya siya nawala sa akin. Akala ko noon hindi ko kakayanin pero binigyan pa ako ng dahilan ni God para lumaban, wag sumuko sa buhay, magpatuloy at para maging masaya. "Kaya ko na bes.. Pakisabi kay Devin salamat sa mga bulaklak. Magugustuhan niya to.." Nakangiting saad ko saka humalik sa kanyang pisngi at nag paalam. Habang tinatahak ang daan naalala ko ang araw ng mawala siya sa amin. FLASHBACK>>> "Wala na ho kaming magagawa Mrs. Brixton.. Hindi na po kinaya ng katawan niya.." Ang mga sa
"OO! MASAYA KA NA?!" Singhal ni Bria. "Wala akong ibang mapupuntahan kaya sa AYAW MO MAN O GUSTO.. Dito AKO mag SSTAY!" Ganti ni Klio. Akmang papasok na ng loob pero inawat siya ni Bria. "NAHIHIBANG KA NA BA TALAGA?!" Bulyaw nito kasabay ang paghigpit ng hawak sa braso ni Klio. "OO!! BALIW NA KO! Pero MAS MAY TILILING KA!" Banat ni Klio. Winaksi ang kapit ni Bria sa kanyan sabay humakbang papasok. Isang buntong hininga at hawak sa kanyang baywang na lang si Bria saka sumunod kay KLio. "Hindi ka pwede dito.. Alam mo ba ang ginagawa mo??!" Muling sita ni Bria. "Wala akong PAKE kung dalawa kami dito.. ASAWA KITA, BRIA! May TUMOR ka lang! WALA KANG AMNESIA!!" Sambulat nito. "Saan ang kwarto mo?!" Muling balin ni Klio sa kanyang asawa. "At BAKIT?!" Kunot noo nitong saad. "ANONG BAKIT? Alangang hiwalay tayong matutulog!" "Klio please..." Naging mababa ang tono ng salita nito. "Ako ang dapat magsabi niyan.. PLEASE BRIA..Don't do this to me!" Pakiusap ni Klio. "I AM DOING THIS F
Agad na kumonek si Tyron kay Alex para malaman nito ang eksaktong address nila sa L.A. Walang kamalay malay na binigay naman ito ni Alex. Hangad ni Alex lahat ng makakabuti kay Bria kaya naisip niyang matutuwa ito kung paminsan minsan makikita si Tyron na parte din naman ng pamilya."Kamusta ang tulog mo?" Salubong ni Alex ng lumabas ng kwarto si Bria. "Okay lang.." Tipid at walang emosyon nitong sagot. Pinaglapat lang ni Alex ang magkabilang pisngi ng kanyang labi. Alam na alam niya kung anong pinagdadaanan ngayon ni Bria. "Ahmm gusto mong sa labas kumaen?? Sa may beach.. I mean makalanghap ka ng fresh air.." Nagugulihanang pa anyaya ni ALex. "Ahmm dibale na lang.." Pagbawi agad nito, nag iingat siyang wag bigyan ni Bria ng meaning ang mga magiging kilos niya pero hindi nga naman ito maiiwasan dahil mag ex sila."Ahem yeah! SURE! That would be.. Hmm, Great.." Nakangiting saad ni Bria na ikinasilay ng kislap sa mata ni Alex.Naghanda na ang dalawa ng kani kanilang gamit. Si Alex sy
[BRIA BRIXTON] "We're here.." Turan ni Alex. Naputol ang pananahimik ko at bumaba ng sasakyan. Tinulungan ko siyang magbaba at magdala ng mga bagahe ko sa loob ng bahay. Sa may pinto pa lang sinalubong na kami ng isang babaeng nakauniform. "Manang may pagkaen na ho ba?" Balin ni Alex sa kanya habang kinukuha ng babae ang ibang hawak ni Alex. "Meron na ho mam.." Ngumiti si Alex saka nagsalita.. "Hai buti naman dahil gutom na gutom na ko. Delay kasi yung flight nitong kaibigan ko ei.." Paliwanag niya saka bumalin sakin. "Ikaw ba Bria nagugutom ka na ba? Tara na muna sa dining area.. Mamaya I will show you your room.." Hindi na ko sumagot at sumunod na lang. Wala akong gana magsalita o ang kumaen pero nakakahiya naman kung tatanggi ako. Iginaya ako ni Alex sa upuan saka ipinag sandok ng pagkaen ko. Wala siyang pinagbago. Ganun pa din siya kung paano ko siyang nakilala noon. "By the way kamusta ang lola mo, Alex?" Pag iiba ko ng usapan. Curious din naman kasi ako dahil
MAKALIPAS ang halos 14 hours lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Bria."Hey! Bria here!" Sigaw ni Alex ng makita si Bria. Inaantay nya to sa may arrival. Nasa Pinas pa lang si Bria pinaalam niya na rito ang tungkol sa kanyang kondisyun. Agad namang sinamantala ni Alex ito para makasama si Bria sa kabila ng pagkakaalam na hindi ito magiging daan para maging sila ulit. Tinanggap ni Alex ng buong puso at malinaw na malinaw sa kanya kung anu lang ang magiging papel niya sa buhay ni Bria sa mga dadating pang araw. [BRIA BRIXTON] Pagiging makasarili ang idamay ko pa si Alex sa sitwasyun ko pero si Tyron na mismo ang nagpaalam rito. Nung una hindi din naman ako sang ayon.Wala sa isip kong gawin ito kay Alex. Ginamit ko lang siyang dahilan pero nagbigay ideya ito kay Tyron. Inisip niyang hindi ako maaring mag isa sa laban ko. Kapalit ng pagtikom ng kanyang bibig patungkol sa sakit ko papayag akong alagaan at samahan ni Alex saking pagpapagamot."Kamusta ang byahe? Sumakit ba ang ulo mo
DUMAAN pa ang dalawang linggo na nasa bahay lang si Klio. Matapos ang tangkang saktan ang sarili minabuti ni Mayumi na mamalagi na lang sa poder niya si Klio at mag hire ng nurse na magbabantay rito kapag wala siya. Hindi ito lumalabas ng kanyang kwarto kahit na anong pilit sa kanya ng mga kaibigan. Maski ang mama nito ay walang magawa upang gustuhin niyang ipagpatuloy ang buhay. Hindi na lingid sa lahat ang pakikipaghiwalay ni Bria kay Klio kung kaya galit na galit nanaman si Trixie. "Alam mo akala ko nagbago na talaga yang Ate mo pero heto nanaman siya sa pagpapahirap sa pinsan ko! Dadating ang araw Tyron kakarmahin yang Ate mo!" Sambakol ang mukhang sabi ni Trixie ng makalabas sila ng kwarto ni Klio. Wala namang naging sagot si Tyron. Naninikip ang dibdib nito sa pagpipigil na isiwalat ang buong katotohanan. "Alam mo deserve ng Ate Bria mo ang mamatay! Wala siyang isang salita at hindi talaga niya alam ang salitang pagmamahal!!" Buryong saad pa ni Trixie. Kumuyom lang ang pal
Luhaang iniwan roon ni Bria si Klio. Parang bumagsak ang mundo nito at di magawang ibangon ang sarili. Patuloy sa pag iyak. Kinuyom ang sarili. Binaluktot ang mga paa, nilagay ang mukha sa tuhod at niyakap ang mga binti. Walang humpay na pag tangis. Si Bria naman ay bumalik sa kanyang condo. Kumuha lamang ito ng beer sa loob ng ref saka iyon binuksan at ininom. Wala pa din itong kahit anong reaction sa mukha. Tulalang iniinom ang alak hanggang sa sumabog. Sumilay ang mga guhit sa mukha ni Bria. Galit itong ibinato ang bote sa tapat na pader. Naningkit ang mga matang sumigaw ng pagka lakas lakas saka tuluyang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Ilan sandali at dumating si Tyron. "Anong ginagawa mo dito?!" sabog ang tinig nito. "Ate Klio called me.. Ano bang nangyayari Ate Bria? Nag away nanaman ba kayo? This time what would be the reason?" Pinukol sa kanya ni Tyron ang buong tingin. Napapikit lang si Bria at napayakap sa sariling nakaupo sa sahig. Nakasandal sa paanan ng sofa. "I
"Do I need to repeat myself? Bingi ka ba?!" Bulyaw ni Bria na bumangon sa kama. Hinawakan siya ni Klio sa pulso bago pa to makalayo. "Ano bang nangyayari sayo ha? Nasasaktan ako alam mo ba yun? Buong magdamag akong gising Bria tapos yan ang sasabihin mo sakin??" "Sinabi ko bang wag kang matulog? Tsaka tigilan mo nga ako sa drama mo! ANo iiyak ka nanaman? Napaka iyakin mong talaga.." Akmang aalis na to. Lalabas ng kwarto pero humarang roon si Klio. "San ka nanaman pupunta?!" Singhal ni Klio na umiiyak na ngayon. Di man lang makitaan si Bria ng konting simpatya. "Tumabi ka nga! Nagugutom ako! Malamang sa kusina ang punta ko.. Ano ba Klio? Tantanan mo nga ako.." Naguguluhanang tumabi na lang si Klio at hinayaang dumaan si Bria. [KLIO BRIXTON] Humagulgol ako pag labas niya ng kwarto. Parang ibang Bria yung nakaharap ko. WHat on earth happened to her? Bigla bigla na lang naging ganun ang pakitungo niya sakin? Napahilamos ako sa mukhang hindi malaman ang gagawin.. Nagtungo ako