[NARRATOR]Happy ending na nga ang ganap ng dalawa pero hindi ito nagustuhan ni Trixie, ang pinsan ni Klio. Galit na galit ito ng malaman ang pagbabalikan nila."Can't you just be happy for them?! Para sa cousin mo? Diba ito naman ang hangad mo ang maging masaya siya.." Paliwanag ni Tyron. "Sasaktan lang siya ulit ng babaeng yun! Hindi mo ba yun naiintindihan, Tyron? Palibhasa Ate mo siya.. Siya talaga kakampihan mo kaysa sakin. Noon pa naman di talaga ako yung priority mo ei..!" Giit nito sa huling salita."San ba nanggagaling ang lahat ng to Trixie? It is not about Ate Bria being my only family, Trixie. It's about them na gusto kong maging masaya. At nakikita ko yun. They love each other.. Pipigilan mo ba yun? Deserve naman ng kahit sinong tao ang second chance.. Hindi mo ba kayang ibigay yun? Ate Bria is reaching out to you too. What more do you want from her? She loves Ate Klio so much. Let them, Trixie.." Pakiusap ni Tyron."Isa pa anong hindi ikaw ang priority? What do you me
After two days>>>Nagpasya si Bria at KLio na mag out of town para magkaroon ng magandang simula sa second chances ng marriage nila. Disconnecting to the tiring world to focus to each other.."Ready ka na ba?" Nakangiting tanong ni Bria sa kanyang asawa. "Ahmmm.." Tango ni Klio. Labas ang guhit sa magkabilang pisngi niya. Tila nag papacute sa asawa."I love you.." Paglalambing ni Bria. Saka kinuha ang bagahe ni Klio at sinakay sa trunk.Sumunod naman si Klio at nag sabi ng I love you too, baby.. Sinuklian naman ng mabilis na halik sa labi ni Bria si Klio. Pagpasok sa loob ng sasakyan, malambing na kinabit ni Bria ang seatbelt ni Klio na nagawa pang humalik sa pisngi niya bago siya muling makaayos ng pwesto.Isang malagkit na tinginan pa ang pinukaw sa bawat isa saka tuluyan pinaandar ni Bria ang sasakyan. Parang bagong kasal lang sila na masayang naglalakbay. Masasabing tila ito ang tunay na honeymoon nila simula ng maging mag asawa sila. Sa Puerto Prinsesa nila naisip gugulin ang
"Kanina ka pa walang imik ha.. May problema ba, baby?" "Nothing, Bria... Napagod lang siguro ako.." Tipid kong sagot sa kanya ng makabalik kami ng hotel. Ayokong palakihin ang bagay na to pero di siya mawala sa sistema ko. Am I being immature? Part na yun ng past niya. Kasama sa pagbibigay ko ng chance sa relasyon na to ang ibaon sa limot ang nakaraan niya. Kasama sa pagsisimula namin ang tanggapin at kalimutan ang mga nangyari noon. Pero bakit kahit anong pangungumbinsi gawin ko sa utak ko iba ang sinisigaw ng puso ko. Nasasaktan ako... Naaapektuhan pa din ako... Ang hirap gawin ng sa tingin natin ay tama.. "Klio hindi ka okay.. Ano bang problema? Nagsimula lang naman yan ng.. ng makita mo si Alex kanina. Siya ba? Siya ba ang dahilan ng pag iiba ng mood mo?" "No! Bria.. Bakit ba marunong ka pa sa nararamdaman ko? Sinabi ko naman napagod lang siguro ako. Syempre ang dami natin pinuntahan diba? Buong araw kung anu ano ginawa natin so malamang NAPAGOD LANG AKO, BRIA!" "So bakit
[NARRATOR] "Brilliant! Magaling.." Saad nito ng may kasamang palakpak. Matapos ibalita ang good news."Pero bakit gusto niyo silang maghiwalay? Hindi bat anak anakan mo ang Klio na yun?" "It's non of your business. Bayad ka na sa trabaho mo kaya pwede ka ng umalis..!" Singhal ng matanda."Hmmm.. Okay. Salamat dito. Hindi ko expect na dadagdagan mo sa simpleng ginawa ko.." Tinanggap ng babae ang sobre na naglalaman ng pera saka agad na nilisan ang lugar. Nakita pa nga nito si Klio sa labas na kumukuha ng taxi. Nagkatitigan pa silang dalawa pero agad ng sumakay si Klio ng may driver na huminto sa harapan niya. "Tssk tskk sayang sila.. Pero kung talagang totoo ang love o tadhana na madalas sabihin ng lahat then magkakabalikan sila for sure at uusok ang ilong ni madrasta, ang dragon hehe.." Sambit lang nito na naglakad na din patungo kung san ang destinasyon niya. Ang humanap ng bagong mapagkakakitaan matapos ang matagumpay na transakyun niya kay Mayumi. [KLIO KRIXTON] Muling tumu
[NARRATOR] Dahil hindi kinaya ni Bria ang desisyun ni Klio. Umalis itong wala sa tamang kondisyun.Masama ang loob nitong nilisan si Klio matapos ang hindi magandang pag uusap nila sa bahay nila Trixie. "KUNIN MO NA KO, LORD!!!" Sigaw nito.Sa sobrang bigat ng nararamdaman niya ibinuntot niya ito sa pagmamaneho. Ang biglang paghinto ng malaking truck sa harapan niya ay di nagawang iwasan o hintuan dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya.. FAST FORWARD>>> Agad na nadala si Bria sa pinaka malapit na hospital. Duguan ito at sa kanyang itsura tila milagro na lang ang maaring magligtas sa kanya.Agad itong nakarating kay Tyron. "Ate Klio naaksidente si Ate Bria!" Singhal nito. "Ano?? Pero kaaalis lang niya kanina!" Nangangatal na saad ni Klio. "Saang hospital? Puntahan na natin siya!" Balisang hayag ni Klio. Muli nanaman itong napaluha. Nagmamadaling kinuha ang kanyang bag. Kasama si Trixie mabilis na tinunton ni Tyron ang hospital. "I need to call her Dad..' Sambit ni Tyron. Ganun ng
[NARRATOR]"Bennet! Anong ibig mong sabihin?" Kunot ang noong tanong ni Mayumi ng maabutan si Bennet."Si Klio ang anak na matagal mo ng hinahanap, Mayumi.." Sagot nito na nagpatigil sa mundo ni Mayumi. "Hindi totoo yan! Impossible ang sinasabi mo dahil patay na ang anak ko.." "Yun ang akala mo! Dahil malaki ang naging kasalanan ko sa pagkawala ng best friend ko, na asawa mo. Kumuha ako ng private investigator para hanapin ang anak nyu ni Benjamin. Kahit ako hindi makapaniwala ng malaman ko na si Klio.. Si klio pala ang anak mo. I thought you know it dahil kinupkop mo siya, binigyan ng magandang trabaho at nag aantay ka lang ng tamang tyempo na sabihin sa kanya ang lahat." "Paanong mangyayari yun?? Andun ako ng mamatay ang anak ko." "Niloko ka ng mga taong pinagkatiwalaan mo! Hindi yun ang tunay mong anak. Ngayon kapag may nangyari kay Bria hindi ka niya mapapatawad, Mayumi at ilalayo ko siya sayo. TANDAAN MO YAN!" Dahil sa pinagtapat ni Bennet naguluhan ang isip ni Mayumi. Pin
"K-klio.." Mahinang sambit ni Bria. "Andito ako, baby.. Andito ako.." Tumutulo ang luhang tugon ni Klio. Maagap itong rumisponde sa tawag ng kanyang mahal."I- I didn't do a-anything wro-wrong.." Tila isang ungol na hayag ni Bria.."Ssshhh... I know, Baby! I know.. I'M SO SORRY!! . I should have listen first. Mahal kita, Bria.. MAHAL NA MAHAL KITA.. I CAN'T LOSE YOU..." Garalgal ang boses nitong hayag. Pansamantalang lumayo si Klio para magawa ng Doctor ang kanyang trabaho. Sa labas nagkausap si Klio at ang Doctor matapos matignan si Bria."Ligtas na siya pero syempre kailangan pa din natin masigurong mag tuloy tuloy ang recovery ng pasyente. Sa totoo lang isa itong milagro Mrs. Brixton.." "Thank you, po Doc. Thank you.." Agad na bumalik si Klio sa tabi ni Bria. Nakalimutan na niya na gusto siyang makausap ng kanyang Tiya.Napunta ang buong sentro niya sa asawa. "Andito lang ako. Don't talk, baby.. Kailangan mong magpalakas.. Okay?!" Marahang ginalaw ni Bria ang ulo bilang pag s
[NARRATOR] FAST FORWARD>>> "Oh! Dahan dahan.." Sita ni Klio ng muntik ng matumba si Bria sa pagmamadali nitong makausad sila sa loob ng bahay. Ito ang araw na sa wakas nakalabas na din ng hospital si Bria. Bagamat meron itong therapy tatlong beses sa isang linggo. Bahagya kasing napuruhan ang mga binti niya kaya hindi pa niya ito ganun mailakad ng diretso gaya ng normal. "Ahhh!" Halinghing ni Bria ng maiupo siya ni Klio sa couch. "Okay ka lang?" Pag aalala ni Klio. "Yeah! I'm alright.. Baby, sorry kailangan mo pa tuloy mahirapan-" "Ssshhh! Ano bang sinasabi mo. Asawa mo ako.. Kasama to sa papel ko bilang asawa mo at isa pa I love what I'm doing kaya tigilan mo yang kakaganyan mo.. OKAY.." Putol ni Klio sa litanya ni Bria. "I know! That's why I'm so grateful, Klio. Thank you dahil sa kabila ng mga nagawa ko sayo noon-" Putol muli ni Klio. "Hep hep.. Enough na sa past. Present na tayo at hindi na natin babalikan ang mga tapos na. Bagong yugto na to ng buhay natin, Baby.. Magp
[KLIO BRIXTON] "Hello.. BABY! Andyan ka na? Sorry papunta na ako.." Hinihingal ang tinig nito. Mukhang paalis pa lang siya ng building at nagmamadali. Narinig ko pa ang pagtawag ng staff sa kanya. "Naiwan niyo po ang susi niyo Ms. Bria.." Saad nito. "Oh! Thank you.." Tugon niya. "Okay lang.. BABY! Take your time.. wag ka magmadali.. I'm fine.." Sambit ko naman. Four years na siyang cancer survivor. Wala pa ding makapag sabi kung anong himala ang nangyari nung araw na yun. Dumaan ang asawa ko sa maraming treatment. Chemotherapy, radiation at halos lahat ng herbal na nagkalat online locally man o international ay nasubukan namin. Bawat araw ay pahina siya ng pahina. Nawala ng tuluyan ang buhok at lalo pasensya niya. Palagi itong galit at iritable pero di ko siya sinukuan. Butot balat man hindi ako pinanghinaan ng loob na ilaban hanggang sa abot ng kaya naming dalawa. Ang buong pamilya at mga kaibigan ay fully support. Lahat ng kainin niya ay nakasunod sa chart. Ang oras ng pag
FOUR YEARS PASSED>>>[KLIO BRIXTON]"Klio, sure ka kaya mo ng mag isa?" Taimtim na tanong sa akin ni Yumi. Papunta kasi ako ng sementeryo. Isang taon na din ang lumipas simula ng iwan niya kami. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na dalawin siya. Nung mga unang araw, linggo o buwan ay wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong at umiyak lang sa kwarto ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko nagpabaya ako sa pag aalaga sa kanya. Tingin ko hindi naging sapat lahat ng ginawa ko kaya siya nawala sa akin. Akala ko noon hindi ko kakayanin pero binigyan pa ako ng dahilan ni God para lumaban, wag sumuko sa buhay, magpatuloy at para maging masaya. "Kaya ko na bes.. Pakisabi kay Devin salamat sa mga bulaklak. Magugustuhan niya to.." Nakangiting saad ko saka humalik sa kanyang pisngi at nag paalam. Habang tinatahak ang daan naalala ko ang araw ng mawala siya sa amin. FLASHBACK>>> "Wala na ho kaming magagawa Mrs. Brixton.. Hindi na po kinaya ng katawan niya.." Ang mga sa
"OO! MASAYA KA NA?!" Singhal ni Bria. "Wala akong ibang mapupuntahan kaya sa AYAW MO MAN O GUSTO.. Dito AKO mag SSTAY!" Ganti ni Klio. Akmang papasok na ng loob pero inawat siya ni Bria. "NAHIHIBANG KA NA BA TALAGA?!" Bulyaw nito kasabay ang paghigpit ng hawak sa braso ni Klio. "OO!! BALIW NA KO! Pero MAS MAY TILILING KA!" Banat ni Klio. Winaksi ang kapit ni Bria sa kanyan sabay humakbang papasok. Isang buntong hininga at hawak sa kanyang baywang na lang si Bria saka sumunod kay KLio. "Hindi ka pwede dito.. Alam mo ba ang ginagawa mo??!" Muling sita ni Bria. "Wala akong PAKE kung dalawa kami dito.. ASAWA KITA, BRIA! May TUMOR ka lang! WALA KANG AMNESIA!!" Sambulat nito. "Saan ang kwarto mo?!" Muling balin ni Klio sa kanyang asawa. "At BAKIT?!" Kunot noo nitong saad. "ANONG BAKIT? Alangang hiwalay tayong matutulog!" "Klio please..." Naging mababa ang tono ng salita nito. "Ako ang dapat magsabi niyan.. PLEASE BRIA..Don't do this to me!" Pakiusap ni Klio. "I AM DOING THIS F
Agad na kumonek si Tyron kay Alex para malaman nito ang eksaktong address nila sa L.A. Walang kamalay malay na binigay naman ito ni Alex. Hangad ni Alex lahat ng makakabuti kay Bria kaya naisip niyang matutuwa ito kung paminsan minsan makikita si Tyron na parte din naman ng pamilya."Kamusta ang tulog mo?" Salubong ni Alex ng lumabas ng kwarto si Bria. "Okay lang.." Tipid at walang emosyon nitong sagot. Pinaglapat lang ni Alex ang magkabilang pisngi ng kanyang labi. Alam na alam niya kung anong pinagdadaanan ngayon ni Bria. "Ahmm gusto mong sa labas kumaen?? Sa may beach.. I mean makalanghap ka ng fresh air.." Nagugulihanang pa anyaya ni ALex. "Ahmm dibale na lang.." Pagbawi agad nito, nag iingat siyang wag bigyan ni Bria ng meaning ang mga magiging kilos niya pero hindi nga naman ito maiiwasan dahil mag ex sila."Ahem yeah! SURE! That would be.. Hmm, Great.." Nakangiting saad ni Bria na ikinasilay ng kislap sa mata ni Alex.Naghanda na ang dalawa ng kani kanilang gamit. Si Alex sy
[BRIA BRIXTON] "We're here.." Turan ni Alex. Naputol ang pananahimik ko at bumaba ng sasakyan. Tinulungan ko siyang magbaba at magdala ng mga bagahe ko sa loob ng bahay. Sa may pinto pa lang sinalubong na kami ng isang babaeng nakauniform. "Manang may pagkaen na ho ba?" Balin ni Alex sa kanya habang kinukuha ng babae ang ibang hawak ni Alex. "Meron na ho mam.." Ngumiti si Alex saka nagsalita.. "Hai buti naman dahil gutom na gutom na ko. Delay kasi yung flight nitong kaibigan ko ei.." Paliwanag niya saka bumalin sakin. "Ikaw ba Bria nagugutom ka na ba? Tara na muna sa dining area.. Mamaya I will show you your room.." Hindi na ko sumagot at sumunod na lang. Wala akong gana magsalita o ang kumaen pero nakakahiya naman kung tatanggi ako. Iginaya ako ni Alex sa upuan saka ipinag sandok ng pagkaen ko. Wala siyang pinagbago. Ganun pa din siya kung paano ko siyang nakilala noon. "By the way kamusta ang lola mo, Alex?" Pag iiba ko ng usapan. Curious din naman kasi ako dahil
MAKALIPAS ang halos 14 hours lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Bria."Hey! Bria here!" Sigaw ni Alex ng makita si Bria. Inaantay nya to sa may arrival. Nasa Pinas pa lang si Bria pinaalam niya na rito ang tungkol sa kanyang kondisyun. Agad namang sinamantala ni Alex ito para makasama si Bria sa kabila ng pagkakaalam na hindi ito magiging daan para maging sila ulit. Tinanggap ni Alex ng buong puso at malinaw na malinaw sa kanya kung anu lang ang magiging papel niya sa buhay ni Bria sa mga dadating pang araw. [BRIA BRIXTON] Pagiging makasarili ang idamay ko pa si Alex sa sitwasyun ko pero si Tyron na mismo ang nagpaalam rito. Nung una hindi din naman ako sang ayon.Wala sa isip kong gawin ito kay Alex. Ginamit ko lang siyang dahilan pero nagbigay ideya ito kay Tyron. Inisip niyang hindi ako maaring mag isa sa laban ko. Kapalit ng pagtikom ng kanyang bibig patungkol sa sakit ko papayag akong alagaan at samahan ni Alex saking pagpapagamot."Kamusta ang byahe? Sumakit ba ang ulo mo
DUMAAN pa ang dalawang linggo na nasa bahay lang si Klio. Matapos ang tangkang saktan ang sarili minabuti ni Mayumi na mamalagi na lang sa poder niya si Klio at mag hire ng nurse na magbabantay rito kapag wala siya. Hindi ito lumalabas ng kanyang kwarto kahit na anong pilit sa kanya ng mga kaibigan. Maski ang mama nito ay walang magawa upang gustuhin niyang ipagpatuloy ang buhay. Hindi na lingid sa lahat ang pakikipaghiwalay ni Bria kay Klio kung kaya galit na galit nanaman si Trixie. "Alam mo akala ko nagbago na talaga yang Ate mo pero heto nanaman siya sa pagpapahirap sa pinsan ko! Dadating ang araw Tyron kakarmahin yang Ate mo!" Sambakol ang mukhang sabi ni Trixie ng makalabas sila ng kwarto ni Klio. Wala namang naging sagot si Tyron. Naninikip ang dibdib nito sa pagpipigil na isiwalat ang buong katotohanan. "Alam mo deserve ng Ate Bria mo ang mamatay! Wala siyang isang salita at hindi talaga niya alam ang salitang pagmamahal!!" Buryong saad pa ni Trixie. Kumuyom lang ang pal
Luhaang iniwan roon ni Bria si Klio. Parang bumagsak ang mundo nito at di magawang ibangon ang sarili. Patuloy sa pag iyak. Kinuyom ang sarili. Binaluktot ang mga paa, nilagay ang mukha sa tuhod at niyakap ang mga binti. Walang humpay na pag tangis. Si Bria naman ay bumalik sa kanyang condo. Kumuha lamang ito ng beer sa loob ng ref saka iyon binuksan at ininom. Wala pa din itong kahit anong reaction sa mukha. Tulalang iniinom ang alak hanggang sa sumabog. Sumilay ang mga guhit sa mukha ni Bria. Galit itong ibinato ang bote sa tapat na pader. Naningkit ang mga matang sumigaw ng pagka lakas lakas saka tuluyang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Ilan sandali at dumating si Tyron. "Anong ginagawa mo dito?!" sabog ang tinig nito. "Ate Klio called me.. Ano bang nangyayari Ate Bria? Nag away nanaman ba kayo? This time what would be the reason?" Pinukol sa kanya ni Tyron ang buong tingin. Napapikit lang si Bria at napayakap sa sariling nakaupo sa sahig. Nakasandal sa paanan ng sofa. "I
"Do I need to repeat myself? Bingi ka ba?!" Bulyaw ni Bria na bumangon sa kama. Hinawakan siya ni Klio sa pulso bago pa to makalayo. "Ano bang nangyayari sayo ha? Nasasaktan ako alam mo ba yun? Buong magdamag akong gising Bria tapos yan ang sasabihin mo sakin??" "Sinabi ko bang wag kang matulog? Tsaka tigilan mo nga ako sa drama mo! ANo iiyak ka nanaman? Napaka iyakin mong talaga.." Akmang aalis na to. Lalabas ng kwarto pero humarang roon si Klio. "San ka nanaman pupunta?!" Singhal ni Klio na umiiyak na ngayon. Di man lang makitaan si Bria ng konting simpatya. "Tumabi ka nga! Nagugutom ako! Malamang sa kusina ang punta ko.. Ano ba Klio? Tantanan mo nga ako.." Naguguluhanang tumabi na lang si Klio at hinayaang dumaan si Bria. [KLIO BRIXTON] Humagulgol ako pag labas niya ng kwarto. Parang ibang Bria yung nakaharap ko. WHat on earth happened to her? Bigla bigla na lang naging ganun ang pakitungo niya sakin? Napahilamos ako sa mukhang hindi malaman ang gagawin.. Nagtungo ako