Sortitus POINT OF VIEW
"I, Sortitus Breackorn, Alpha king from the Black Pack, accepted you Heres as my --- " hindi na natuloy pa ang aking panunumpa nang biglang nagbagsakan ang mga katabing gusali at nagsisiliparan ang mga upuan, lamesa, dekorasyon ay pakalat-kalat na, nabasag ang mga malalaki at matitibay na babasaging bintana ng tumilapon ang isang kahel na lobo sa labas nang inihagis ng isang itim na lobo.
Ngayon sana ang araw na pinakahihintay ko, ang maiharap sa altar ang nag-iisang babaeng mahal ko, si Heres, ang kababata at matalik kong kaibigan na nauwi sa malalim na pag-iibigan, sa kabila ng katotohanang hindi siya ang nakatadhana para sa akin.
Ang aming kasal ay ginanap sa mismong kaharian ng Radisworn pack, ang pulang lahi ng mga lobo kung saan nagmula si Heres. Maraming werewolves ang dumalo sa aming magarbong kasal, lahat ng red and black wolf pack ay nandito kasama ng aking pamilya pati na rin ang lahat ng aking kanang kamay; maging ang hari at reyna, ang royal clans, ang mga magulang ni Heres; at kasama ang iba pang punong ministro at miyembro.
Ngunit hindi ko inaasahan na sisirain ng mga hindi nakikilalang mga kalaban ang kasal ko.
"Jesus," narinig kong wika ng pari na magkakasal sana sa amin. Kasunod ng kan'yang pag sign of the cross bago pa ito tangayin at lapain ng isang malaki at napakabangis na abong lobo.
Napalunok ako at bumilis ang pagtibok maging ang paghinga ko ay nagwawala na rin. Tumingin ako kay Heres na ngayo'y nasa harapan ko at nagbago na ang kaniyang anyo, ang mga kamay ay balbon, maging ang kulay ng mata ay naging lila at lumabas na ang kaniyang pangil sa ngipin at mga matutulis na kuko sa daliri.
"Umalis ka na dito! Iligtas mo ang sarili mo!" Pagkatapos sabihin agad na siyang tumalikod sa akin upang labanan ang mga kaaway.
Nakuyom ko ang aking kamao habang tinitingnan ang paligid ko. Wala akong lakas upang protekthan ang angkan ko.
Nang nakita ko ang isang itim na lobo sa ere at bibiktimahin si Heres ay agad kong itinulak siya sa aking likod at ako ang sumalo ng pangil ng lobo.
"Shit!" Naglalaban ang itim na lobo sa aking braso na ngayo'y kagat-kagat niya ito. Dumudugo na ang braso ko at bumaon na ang pangil nito hanggang buto ko.
"The fuck! Stay away from him!" Buong lakas na inihagis ni Heres ang lobo papalayo sa akin hanggang tumama ito sa mga kable ng kuryente at tuluyan ng namatay.
"Ang mga batang lobo!" Inalis ko ang mahigpit niyang paghawak sa aking kamay at tumakbo sa kinaroroonan ng mga batang lobo na ngayo'y inaatake nang lupon ng mga lobong hindi kilala.
"Umalis na kayo at magtago na!" Tumango-tango ang mga munting itim na lobo at tumakbo papalayo para magtago.
Hinarap ko ang limang lobo na ngayo'y nasa narapan ko. Unang sumugod ang isang brown na lobo at nailagan ko bago pa niya ako sagpangin at hindi ito natinag kaya't muli siya bumalik sa akin at inipit niya ako gamit ang kaniyang mga pangil at inalog-alog sa kaniyang malaking bibig saka inihagis sa sahig na puro bubog.
Tumayo ako habang akay-akay ang tagiliran na maraming basag na salamin at bote ang tumusok sa aking katawan. Pangagalaiti ko't pagliyab sa galit. Umalulong ako na tila'y aso habang hindi ko na namamalayan ang nasusugatan kong palad dahilanan sa hawak kong bubog.
Walang takot kong lumundag nang napakatas at sinipa ang mukha ng brown na lobo saka binaon ang basag na salamin sa kaniyang mata na s'yang naging sanhi ng kaniyang pagkabalisa at pagkabulag kaya't hindi na ako nahirapang kitilin ang kan'yang buhay. Sumampa ako sa kaniyang likod saka pinihit ang leeg.
"Next time kilalanin mo muna kung sinong alpha ang ihahagis mo," basag na bulong ko dito bago ko ito ibalibag sa sahig at mawalan tuluyan ng malay ang lobo.
Dumura ako at pinunasan ang dugo ng lobo na pumahid sa akin labi. Hindi ko maaring inumin ang dugo nila sapagkat hindi ko alam kung anong uring lobo ang mga ito, hindi sila galing sa itim maging sa pula.... maaaring sila ay mula sa "Puti."
Ang puting lobo ang mortal na kaaway at kinasusuklaman ng mga pula at itim na lobo.
Akmang hahakbang ako patalikod nang bigla akong sagpangin at itulak ng puting lobo sa labas ng bintana kasama siya. Pareho kaming nahulog at bumagsak sa semento sa labas ng kaharian.
Tumama ako sa malaking puno nang muli niya akong ibasibas pagkatapos niyang kagatin ang kanang hita ko. Pagkabagsak ko ay sumunod naman sumugod ang itim na lobo na kasama nito kanina sa loob ng palasyo, silang dalawa laban sa akin.
Sa kalagitnaan ng laban ay biglang lumitaw ang isang nakahood na lalaking itim na s'yang kinaamuhan ng mga lobo at lumuhod sa kaniya't isang sensyas nito ay umalis ang mga hayop at lumayo na sa akin.
Nahihirapan akong huminga at maging ang talukap ko sa mata't magang-maga na at puro duguan. Nakasubsob ako ngayon sa damuhan nang lumapit nang dahan-dahan ang lalaki sa aking kinaroroonan. "T-The man who wear a black hood. Who are you?!"
Nilahad nito ang kaniyang kamay sa akin at kinuha ko ito.
BOOM!
Inihagis lang din niya ako katulad ng ibang mga lobo at tumama naman ako ngayon sa lamesang puno nang mga alak at pagkain.
"Tayo!" nakatalikod nitong sikmat sa akin.
"Who the hell are you all?! Why are you messing up my wedding?!" nagaalab na galit na tanong ko. Pasimple kong itinago sa aking likuran ang kutsilyo na nadampot ko sa lamesang pinagbagsakan ko at paunti-unti at mahinahong paglalakad ko papalapit sa lalaking naka itim.
Habang papalapit ako sa kaniya ay mas lalong bumibilis ang paghinga ko at tumitindi ang takot ko at panginginig. "Arrgh!"
Nagulat na lamang ako nang agad niya akong sagpain at mabilis na tinanggal sa akin ang kutsilyo at binali ang braso at malakas na ibinalibag patalikod na s'yang nagpalipad sa akin ng napakataas at lumagutok ang mga buto sa pagkakabagsak, dinakot nito ang aking kwelyo at itinaas hanggang ang paa ko ay hindi na maabot ang lupa.
"Akala mo maiisahan mo ako, Alpha Sortitus?" Pag-iling nito at lumalagutok na dila, ipinakita niya ang kaniyang nangingitim at dilaw-dilaw na bulok na mga ngipin ng siya'y ngumisi laban sa akin. "Tunay nga! Tunay ngang napakahina mo! Paano mo ngayon pamumunuan ang iyong nasasakupan kung ikaw na mismo ang mauunang mamamatay?" Pinasadahan niya ng tingin ang mga lobong nasasakupan ko maging kay Heres na pinapatay ng mga kaaway. "Sa bagay kung nasaan ang ama nandoon din ang kan'yang mga tuta... kaya't tingnan mo, unti-unti ng nalalagas ang mga kalahi mo!"
Pagkasuklam at paghihiganti ang tanging na sa 'king isipan nyayon. Pinasadahan ko ito ng samutsaring mga mura at masasakit na mga salita na lumalabas sa aking bibig ngunit hindi siya tinatablan ng basta salita lang.
Nginitngit niya ang kaniyang kuko at saka nilunok ang dumi na kaniyang nalikom. Napakadugyot nito. "Hindi nagkamali ang nagbigay sa akin ng impormasyon na ikaw... ay isang ganap ng tao," huminto ito. "Dalawampu't lima taong gulang kana, subalit magpahangga't ngayon ay hindi kapa nagpapalit balat?" pagpapatuloy nito. "Ni-kahit katiting yata ay wala kang kakayahan ng lobo! Isa kang... nilaktawan!"
"Nilaktawan???" nakakaloko kong sikmat dito. Muli kong sinubukan na kumalas sa kan'yang pagkakasal subalit mas lalo pa niyang hinihigpitan ito sa tuwing nilalabanan ko ang mga sinasabi niya laban sa akin, nagsilabasan na ang mga ugat ko at bakas sa mukha ang sakit. "Hindi pangkaraniwang nilaktawan ang kinakausap mo!" Dinuraan ko ang mukha nito. "S-Sinong demonyong traydor ang mula sa lipi ko ang kasabwat mo? Isa ka bang puting lobo?!"
Magkakasunod na mga katanungan ko sa impit kong boses habang dakot ko ang manggas ng kaniyang itim na kasuotan kahit hindi ko kayang suntukin ito bunga ng mahigpit niyang pagkakasakal sa akin. Wala itong binigkas o sinagot kahit kaunti sa mga tinatanong ko sa kaniya bagkus ay pinagpatuloy lamang nito ang pang-iinis sa akin at pagtapak sa aking dangal at pagmamaliit sa kakayahang kong pamunuan ang aking lipi.
Humagalpak ito ng nakakatakot na tawa at mas pagbigat pa ng mga palad niya sa aking leeg sa pagdakmal. Halos sumabog na ang ugat ko sa kaniyang pagsakal na siyang mas nagpahirap sa pagdaloy ng hangin sa aking katawan, at hanggang ulo na ang aking paa sa kan'ya, napakatangkad at malaking tao ito kumpara sa mga normal na taong lobo. Nakatirik na ang aking mga mata at rinig na rinig ko ang bumabagal na tibok ng puso ko.
"Kaawa-awang liping Breackorn pack! Napakamalas nila dahil napakahina ng kanilang alpha... Paano ba naman! Isang tao ang namumuno sa mga lobo?!" Pagtawa niya at hindi mapakaling pagpapatunog sa kaniyang batok. Pinatunog naman niya ang mga dila at mayabang na ngumiti sa akin.
"K-Kaawa-a-awa? S-Sino sa ating d-dalawa ang kaawa-awa na sumugod d-dito kahit alam naman niyang tao lang ang alpha? Sa 'yo na rin naman galing iyan," gago kong asik sa kaniya nang nakangisi at nilalabanan ang kalagitnaan ng kamatayan. "S-Sabihin na nating isa kang m-magaling na lider na nagpapahirap at gustong-gusto ang brutal at walang katarungang pumapatay sa isang tabong alpha na tulad ko na hindi pa kayang magpalit balat lobo! Hindi ka lumalaban ng patas itim na lalaki!"
Mas lalo siyang nabanas sa aking mga itinugon sa kaniya kaya't ako'y kaniyang malakas na sinampal at minura. "Kilala ang lahi niyong itim sa galing sa pakikipaglaban at namumunong sandatahan sa oras ng labanan nang sangkalobohan..... noong buo pa at maayos pa ang lahat." Binasa niya ang kaniyang labi at inilihis ang tingin sa akin.
"A-Anong ibig mong sabihin?!" garalgal at utal kong tanong dito.
"Hmmm... Mahina ka na nga, wala ka pang utak. Ganito lang iyon. Hiwahiwalay na ang mga lobo at kailanman hindi na mabubuo ang dating samahan na nasira na!" Humagalpak ang kaniyang kasiyahan at nang aksidenteng nahulog ang kaniyang hood sa ulo ay nakita ko ang kaniyang malaking ekis na marka na nasa kanang bahagi nito malapit sa mata.
"I-Isa k-kang --" hindi na natapos ang pagsasalita ko nang biglaan niyang hinigop ang buong enerhiya sa aking bibig at sa paghigop nito ay ang unti-unting panghihina ko. Ginamit ko ang natitirang lakas ko para manlaban at tanggalin ang kaniyang kamay sa aking leeg at itulak ito papalayo pero sobrang lakas nito kumpara sa akin.
"Bitawan mo siya!" poot na babala ng isang babae.
Tumilapon ako, maging ang lalaki nang buong lakas na sinunggaban at itinulak ng babae ang lalaking may ekis at pareho silang tumama at bumagsak sa tusokang harang na gawa sa jade.
Nagkahiwalay ang aming landas at nasilayan ko ang hindi pangkaraniwang babaeng may lilang mata na katulad kay heres ngunit malaki ang pinagkaiba nila.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, parang may kung anong enerhiya na na nagtulak sa akin upang siya'y mahawakan. Tila sasabog na ako sa sobrang init at pagnanasa nang magtama ang aming mga mata.
"My mate," bigla akong nakarinig ng tinig sa loob ko. Kasabay no'n ang hindi ko maipaliwanag na sakit na parang sasabog ako at may gustong kumawala na halimaw sa loob ng katawan ko. Hindi ko siya kayang kontrolin, sobrang napakalakas niya. Nakita ko ang pagkagulat sa mata ng kalaban kong may ekis habang nakatingin siya sa akin na unti-unting nagpapalit anyo. Ramdam ko ang sobrang takot sa kanyang mga mata ng makita at makilala kung sino ang lobo ko.
"Fenrir!"
Bakas ng pagkasindak at takot na sigaw ng lobong may ekis.
Kitang-kita sa kaniyang reaksyon ang pagkasabik nitong mapatay ang lobo ko at magtagumpay sa laban subalit siya ang nabigo sa pagaakala niyang mahinang alpha ang kalaban nito at siya ang aking natalo. Nang dahil sa labis na lakas at enerhiyang aking nailabas ay biglaan na lamang nandilim ang aking paningin at tuluyan ng sumara ang mga talukap ko sa mata.
Sortitus POINT OF VIEW"Kumusta na ang pakiramdam mo?"Napakunot ang noo ko ng marinig ang boses ng babae. Kakapasok n'ya lang sa kubo na ito. Kanina pa ako gising ngunit nanatiling hindi malinaw sa utak ko ang mga nangyari sa digmaan.Umupo sa aking tabi ang babae at inalalayan niya akong umangat sa pagkakahiga dahil ramdam ko pa ang medyo kirot sa aking kalamnan kahit wala naman akong kahit anong sugat sa katawan."Kumain ka na," may halong pag-alala nitong sambit sa akin. Akmang susubuan na sana ako ng bigla kong tanggihan at tinabig ang kamay nito.Napalunok ako at napabalikwas ng bangon sa papag. "Sino ka? Teka.. ano ba ang nangyari?" Nagtataka kong tanong dahil hindi ko maalala kung paano ako napunta sa kubo na ito."Clavem, 'yan ang pangalan ko. Dinala kita rito dahil nawalan ka ng malay kanina sa digmaan."Napakuno't noo ako at napahawak sa aking sentido at gulong-gulo sa kaniyang mga itinuran. "N-Nawalan ng malay?" nalilitong tanong ko."Dahil lumabas na sa iyo ang iyong lobo
Clavem POINT OF VIEW"How many times I told you, Clavem. Hindi ka puwedeng makisalo sa amin sa hapagkainan. Tapos umaarte ka pang hindi mo alam o bobo ka talaga kaya hindi mo maintindihan?! How pity of you."Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa upuang kahoy dahil sa pagpipigil na sumabog ang emosyon ko at pilit na ngumiti. "P-Pa.. Pasensya na," nangangatal kong bigkas. "Sasabay na lamang ako sa mga katulong na kumain mamaya... pasensya na talaga, Luna.""Good to know," mayabang at kalmadong saad nito sa akin pabalik pagkatapos tumikhim ng pineapple juice.Yumuko ako at tahimik na ibinalik ang upuan at hinayaan ang alpha Sortitus at alpha-luna Heres na magsalo ng hapunan nang payapa at tahimik sa malaking mansyon na tinitirhan namin pansamantala na pagmamay-ari din ni Sortitus. Napahinto ako sa paglalakad nang biglang may pumigil sa akin na pumunta sa dirty kitchen."No. You may sit there, Clavem," malalim na tugon ng boses ni Alpha Sortitus. Hindi man ak
Clavem POINT OF VIEWNaibaba ko kaagad ang dala kong palanggana ng marinig ko ang sigaw galing sa banyo. Binuksan ko kaagad ang pinto sa banyo nang nakita ko si Heres sa bathtub at umiiyak dahil sa nakabukas na hot shower na aksidente nitong napihit.Pumasok ako kaagad at pinihit pasara ang shower. Kumuha ako agad ng towel at ipinalupot sa kanyang katawan. Basang-basa na ang buong pulang bestida niya at patuloy pa rin sa pagtangis."Clavem..." tawag niya.Tumingin ako sa kanya ng walang pagaalinlangan at gumuhit sa kaniyang mga mata ang pagsusumamo sa akin."Please... let him go. I'm begging you, Clavem... let him go."Namamaga na ang mga mata niya maging ang sipon nito ay tumutulo na sa kaniyang ilong pero wala itong pakialam."Clavem.. ." mahinang tawag niya sa akin. Kinuha niya ang dalawang kamay ko. "I can pay you how much just name your prize just stay away from him."I bit my lower lip and sighed. Binawi ko ang mga kamay ko sa kanya. "I don't need your money.""If you don't want
Sortitus POV"Alpha, are you sure you know what you are doing defending a criminal women?"Isinama ko si James, ang pinakapinagkakatiwalaan kong beta, sa pagtakas sa kaharian upang maunahanang mahanap si Clavem na ngayon ay pinagtutugis ng mga gwardiya sibil kasama ng mga Punong Zeta dahil sa binitawang mahalagang utos ni Heres lalo na't ang kanyang ama ay nasa pagpupulong sa kabilang panig ng bansa. Kaya't bilang si Heres ang inatasan ng kanyang Amang Hari na mamuno sa kanilang kaharian at ang pagbitaw ng isang hindi makakalimutan at napakabigat na kaparusahan...... ang Kamatayan na igagawad kay Clavem bilang bayad sa mahalagang buhay na kinitil nito."Fvck off!" malutong na mura ko. "Mabuti pa ay tulungan mo na lang ako hanapin siya!" Ngayon ay walang tigil ang mabilis na pagpintig ng puso ko't panginginig ng buong katawan bunga ng labis na takot at pangamba sa nagbabadyang pagpatay kay Clavem.Damn it! Hindi ko na maunawaan ang sarili ko pero ayaw ko rin mapahamak si Clavem at tila'
Sortitus POV "Ito rin naman ang ginusto mo, hindi ba?" mabalasik na sikmat ni Clavem. 'Kahit kailanman hindi ko hiniling na sapitin mo ito.' Napakunot ang noo kong umiling. Ikinukubli ang luhang nais ng lumuha. Ni-walang kahit anong boses ang lumabas sa aking bibig, dama ko ang pagsikip ng dibdib, maging ang paghinga'y hinaharangan na rin. Tanging boses lamang sa aking isip ang aking naririnig. Ang kanyang mga idinikta't iginiit ay sagad hanggang buto. Ilang ulit din akong napalunok nang pilit niyang kinakalas ang pagkakahawak ko sa kanya at mas piniling lumuhod muli at idinuko naman ang ulo sa pagkakataong ito. Ipinikit ang mga talukap at isinara ang bibig, walang ingay ang maririnig mula sa kaniya. Siya'y naghihintay na lamang sa kan'yang napipintong pagpanaw sa mundo. "Woughhh! Sarap! Iyon lang ba ang kaya mo 'insan?" Maangas na ani ni Fortis ng makatayo habang dinidilaan ang kanyang sariling dugo sa labi. Iritable kong minulat ang aking talukap. Malalim na suminghap at taas n
Sortitus POVPagtitimpi kong kinuyom ang kamao at pigil hiningang pag-iyak sa harapan nilang lahat. Datapwat hindi ko na ninais pang dagdagan ang pagiging mahina ko, pagkadismaya at pagkamuhi sa akin ng mga lobo nang dahil sa pinapakita kong pagka-amor kay Clavem na isang salot kung kanilang kutyain."Tama naman, o! Huwag n'yo namang batuhin ang babae!" suway ni Lucio, ang nakababatang kapatid ko, nang pinagbabato ng mga bulok na itlog, at kamatis si Clavem. Nagtama ang mga mata namin ni Lucio at bakas ang kanyang takot at pag-aalala sa aming dalawa ni Clavem. Sa sandaling panahon kahit na hindi niya pa lubusang kakilala ang babae ay magaan na ang loob nito dito."My Pack!" Suminghap ako at tinanggal ang pagkakakuyom ng aking palad at tumayo ng diretso kapantay ni Heres at tinitigan mata sa mata ang aking mga kasapi. "Walang kasalanan si Clavem. Alam ko sa loob-looban ko na inosente ang pinaparatangan ninyo! Hindi mamatay lobo ang fated mate ko!""Unbelievable!" walang prenong satsat
Sortitus POV"Bababaan ko ang parusa niya kung itatanggi mo s'ya pero kapag nagmatigas ka alam mo na kung saan ang kahahantungan ng fated mate mo.""D-Dont..." pagtutol ko."Yes. Gusto mo ba? O ako na ang magdedesisyon para sa iyo, mahal kong alpha!"Lumiyab ang mata ko, lumunok at sumara ng maigting ang panga't lumitaw ang mga ugat dito maging sa pareho kong kamay. Hindi ko namamalayang dumiin na pala ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa braso ni Heres. Humakbang paabante si Arnela upang ako'y dukutin nang sumenyas si Heres dahilanan nitong umaatras itong muli."W-Why are you doing this?! I married you and I love you so much," basag kong bulong na sapat na ito upang marinig niya."Yes! And I love you too deeply."Mahigpit niyang hinawakan pabalik ang kamay ko sa kaniyang braso at ramdam ko ang init na nagmumula sa palad nito. Matalim na tinitigan nito ako bago niya hinagod paalis sa kanyang balat ang kamay ko.Hindi na niya hinintay pa ang aking sagot nang biglaan na itong humarap sa
Clavem's POV"Servant, you look familiar?"Nagmadali ako nang lakad para maiwasan ang babaeng tila'y nakakakilala sa 'kin.BOOM!Sa labis na pagmamadali ay hindi ko na namalayan ang pagkabunggo sa isang matangkad at nakasuot ng mahabang telang mamahalin. Mabilis kong itinago ang aking mukha. Isang kasapi ng konseho ang nakabungguan ko."Watch out!" lisik nito.Hindi ako nagsalita baka ako'y kaniyang mabosesan.Agaw pansin din kasi niya ang aking gintong orasan nang mailagay sa 'king bulsa matapos kong pulutin sa pagkakahulog.Nanatiling tahimik at itinikom ang bibig. Dumiretso ako ng aking paglalakad."Hinto!"Nanatiling walang kibo ang aking tugon. Ilang sandali pa ay walang pag-aalinlangan akong nilapitan muli ng lalaki.Pailalim kong iginilid ang aking mukha nang papalapit ng dumampi ang kanyang kamay sa pirasong itim na tela na nakasuot upang matakpan ang kalahati ng aking kabuuang mukha."Why do you hide your face, servant?! Are you ugly or .... " nalilitong natigilan ito, "Isan
Sortitus POV"Alpha, Ito napo ang pinag-uutos ninyo. Lahat po ng inyong mga sinabi ay akin ng naisagawa."Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng aking masasaklaw sa walang hanggang ektarya ng lupain na puno ng mga sandatahan o mandirigma ng aming angkan. "Mahusay aking Beta. Maaari ka ng bumalik sa 'yong pageensayo." digta ko sa kanya saka siya umalis.Suminghap ako ng malalim at pwestong inilagay ang magkabilaang kamay sa 'king likuran. Bumaba ako na taas noo kahit mabigat ang aking pakiramdam. Kahit anong oras ay maaari kaming salakayin ng mga kaaway kaya napagdesisyujan at napagkasunduan ko at nang buong kunseho na mas lalo pang palakasin at pagtibayin ang bawat mandirigma ng aming lahi. "Hindi ganyan ang paghawak ng armas!" bulyaw ko sa isang baguhang scout na dalaga. Hindi siya umimik at napatagilid na lang ang ulo ng kaunti saka siya humakbag paatras.Pinalibuta ko siya. "Susuko kana? Gan'yan ba ang isang hinirang na sundalo?!" Nasaksihan ko kung paano niya higpitan ang ka
Clavem's POV"Salamat."Gumuhit ang matalas kong mata sa pagmamatyag kay Heres na ngayon ay biglaan ang paglitaw nito sa buhay ni Sortitus. "Walang anuman, Heres." Pagtataka kong tugon sa kanya. Ngumiti pa siya katapos ko itong sabihin. Tumalikod ako at sinara ang pinto ng kwarto nito kung saan siya pansamantala manunuluyan. Iniwan kong nakaawang ang pintuan at nang maobserbahan pa siya sa susunod niyang gagawin. Pero ako ang nasorpresa dahil ibang-iba na siya sa Heres na kilala ko no'n. Marunong ng magpasalamat at napakahinhin ng kanyang mga galaw. Hindi nagalit o nagwawala ng makita niya kaming dalawa ni Sortitus.Pero isang pagtataka ko lang, paano siya nabuhay? namatay ba talaga siya? At ng makasiguro, dito na muna siya pinatira ni Sortitus. Dahil kahit papaano ay may pinagsamahan ang dalawa, at si Heres ay isa sa pinakamalapit sa puso nito. Siyempre siya ang pinakaunahang babaeng minahal niya kaya hindi n'ya maaalis na mag-alala at hindi magawang pabayaan na lang ni Sortitus si
Clavem's POV"You said, na buhay pa ang anak ko?"Nagpakawala ako ng malalim na hangin at pinagkiskis ang mga palad sa aking narinig. Tumango si Kuya Dominic at iniabot ang kanyang ipad sa akin."As you can see, 'yan ang magiging itsura ni Miracle after a years. She's grown up and been a gorgeous young lady. I see her as you." Gumuhit ang linya sa kanyang mga labi. "And nung isang araw, may nakabungguan ako sa loob ng Mall, and when I see her face I immediately took a glimpse sa picture na sinend ng IT expert na hinired ko. I saw a young lady at her age na kamukang-kamukha ni Miracle based on the picture I compared of her."Bumagsak ang mga luha sa mata ko nang makita ko ang larawan na nakapaloob dito. Hindi ako makapaniwala na buhay pa pala ang kaisa-isa kong anak na ang buong akala ko ay nasunog nasa kweba.Tinutop ko ang kamay ko sa aking bibig sa sobrang saya. Napaangat ako ng tingin nang ipinatong ni kuya ang kanyang kamay sa akin."You did all of this, kuya?" Maluha-luha kong t
Clavem's POV "Dad, I-I'm sorry..." BAAAM! CRACK! Napakuyom ang kamao kong pinikit ang mga mata nang marinig ang pagbato ni Dad sa babasaging wine glass nito sa dingding. "Melissa! Paano mo nagawang traydurin at magback out sa plano natin?!" Panlilisik nito. "Damn it! Nakalimutan mo naba ng dahil sa Sortitus na 'yon ay namatay ang mga katribo at ang anak mo!?" Panginginig akong bumuhos ng wine sa glass. Bahagyang shinake ang baso at ininom ang wine. "I-I know. B-But I talk to him now, and he said na wala siyang kinalaman kasama na ang angkan nila," pagpapaliwanag ko. Hinawakan ko ang kamay kong nanginginig sa takot sa kanya. Tinaasan ko pa ang noo ko at nilakasan ang loob na lapitan siya sa office desk nito. Tama si Dad, bakit ko ba agad nakalimutan at pinatawad ang malaking atraso ng Black wolves sa akin? Ngunit ang totoo ay nandito pa rin ang sakit at sugat na dinala nila sa buhay ko at nag-iwan ng malaki at malalim na peklat. But the truth is I can't stop following my heart f
Sortitus POV "Do we really need to go in kind of strange things huh?" I closed my eyes in annoyance when Melissa spoke again and again. "Motherf-cker!" malakas na mura ko sa kanya. Napamaywang ako at nagsalubong ang kilay na binilugan siya ng matang gusto ko ng busalan ang bibig niya sa ingay. "Can you please do shut your mouth, woman!?" Tignan ko na lang kung hindi pa siya titiklop sa pagbulyaw ko. Halos mabasag na ang eardrums ko sa boses gg babaeng ito. Nanahimik na ang babae sa wakas. Napabuga ako ng malalim habang hinihintay naming dalawa ang pinakamagaling na manghuhula sa tagung lugar na ito na nahanap ko sa isang mystical hidden website na pinagsaliksikan ko sa internet. Sa paghahalukay ko kung saan ako nanggaling na aksidente kong naclick ang page na ito, sinasabi dito na masasagot ko lahat ang mga dugtong-dugtong na mga katanungan ko. "What the!?" Mahina akong napailing at mabalasik. Padabog ko pang binaba ang napakuyom kong kamao sa harap ni Melissa nang makita ko siya
Sortitus POV "F-ck! F-ck! F-ck!!!" Ilang beses akong nagmura pagkatapos ba namang makatakas ako sa kotseng sumusunod sa akin ay nastranded pa ako sa madilim at lumang daan kung nasaan ako ngayon. Damns-it! Lumabas na ako sa sasakyan at kinuha ko ang cell phone ko para tawagan si Brent. " Out of coverage area ...." "Tan-ina! Wala pang signal!?" galit na mura ko 'saka ibinalibag ang cell phone sa driver seat. Biglang bumukas ang mga senses ko ng makaamoy ako ng malansa. Kakaibang lansa, hindi siya lobo pero kakaibang amoy ang nasisinghot ko. Ang malansang ito ay hindi kalayuan kung nasaan ako ngayon. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid upang suriin kung may kakaiba ba ng nangyayari sa paligid pero wala naman. Bumalik na lang ako sa kotse ko at kinuha ang baril. Naglagay ako ng bala sa baril at lumabas ulit ng sasakyan. Sinara ko ang kotse ko at mabuti pang suungin ko ang buong malubak na daan na ito. Nakarinig ako ng kaunting ingay at tinutok ko ang baril at pinin
Good Morning po. Inform ko lang po kyo na hindi na po daily update or madalas ang pag-update ko sa PDAQL, medyo busy pi ako sa school na nyan and sa upcoming new story ko po na isasabak kay gn contest. But mag uupdate po ako dito in a week. Maraming salamat po sa mga sumubok, susubok at naggive try sa storing ito. Nawa andito la rin po kayo kapag nag uupdate po ako. And nawa suportahan niyo po ako sa upcoming story ko. I hope for your patience and considerations. Maraming salamat po, and Godbless. Have a nice day po sa lahat.
Sortitus POV "Ms. Montemayor is one of the board directors now." What!? Napatagilid ang ulo kong pinagkrus ang mga daliri habang sinandal ang siko sa arm chair. "Montemayor is not on the lists of our real estate group of companies." Pagdiin kong dikta sa mga miyembro ng board, "At bakit hindi ko alam ito?" Pagtataka ko na isa na siya sa amin without my consent. Walang Montemayor ang parte ng kumpanyang ito. "Oh, no!" Napaawang ang labi ng isa sa mga board. Napatutop pa ito sa kanyang labi. Natungo ang gawi nito kay Lia ngayon. Nagising ang natutulog na diwa ng babae ng lahat ay nakatingin sa kanya. "I-I sent you an email, sir." Inayos nito ang kanyang buhok at lace ng I.D. at gumuhit ang pantay na linya sa kanyang mga labi. Mahina akong napailing at nagbitaw ng mahinang buntong hininga. "Damn it!" mahinang mura ko. I clenched my jaw. Hindi ko nabasa ang email na sinend nito dahil sa debutant birthday party ng lintik na babae na pinuntahan ko. F-ckshit! "Nasend naman pala, Mr
Third Person POV "Alpha, magandang umaga." Pagbati ng isang babaeng kakapasok lang sa kuwarto kung saan nakahilatay at nagpapagaling si Sortitus. Pagkatapos ng madugong insidente na nangyari sa mismong puntod ni Heres ay agad na isinugod si Sortitus ng kanyang Beta sa doktor niyang kapatid sa mismong tahanan nito, dahil naniniwala si Brent na kaya ni Lucio na gamutin ng ligtas at matagumpay ang kaniyang kapatid. Dahil hindi pwedeng dalhin ang Alpha King sa Hospital o sa iba pang mga theta bilang pag-iingat. Pagkatapos ng maraming buwan na hindi nagpakita o sumalakay ang mga kalaban ay biglaan silang inatake ng mga ito kasama na ang karagdagan nilang leader. Hindi man lang nakapag-ensayo o nakapag handa si Sortitus para sa laban, kaya ngayon siya ang lantang gulay. At kahit kailan talaga ay palaging talo si Sortitus, mapalaban man o pag-ibig. Hindi sumagot ang Alpha sa babae. Napaismid ang babae at kinuha ang folding table. Pagkatapos ay itinabi ito sa side ng single bed ni Sortitus