❤️❤️❤️❤️❤️❤️
DEDAY'S POVNaging maayos kami ng asawa ko. Dahil maayos naman ang lahat ay pinayagan na kaming umuwi. Ang sabi ng doktor mas maganda na gawin na agad namin ang therapy ko habang hindi pa lumalaki ang tiyan ko. Mahihirapan na daw ako kapag lumaki na ang baby sa tiyan ko dahil bibigat na rin ako.Sa bahay na rin namin nakatira si Ate Maxine dahil siya ang kasama ko habang tinatapos ni Jace ang lahat ng kailangan niya sa University. Pinagbawalan ako ng asawa ko na gumamit ng selpon dahil baka maulit na naman ang mga nanyari noong nakaraan. Umiyak kasi ako dahil sa mga comments na nabasa ko. Kung marami ang naawa sa akin ay maramin rin ang nagalit. Maraming masasakit na salita ang sinabi nila sa akin.Malandi, bagay lang sa kanya 'yan. Karma is real at madami pang masasakit na salita.Nababagot ako at gusto kong magpahangin sa labas. Kaya lumabas muna ako sa kwarto namin. At habang hindi pa ako nakakalakad ulit ay dito muna sa baba ang silid namin. Nasa wheelchair ako ngayon habang pinagm
DEDAY'S POV Napadilat ako bigla."Are you okay babe?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jace.Biglang bumuhos ang luha ko dahil panaginip lang pala ang lahat. Humagulgol ako at nataranta naman ang asawa ko."Babe, Why are you crying? Babe," Tanong niya ulit sa akin. Niyakap niya ako at pinapatahan."A-A-Akala ko to-totoo na huhuhu. Panaginip lang pa-pala. Akala ko hindi mo na ako mahal huhu," umiiyak ako habang sinasabi ko 'yon sa kanya."Hindi mangyayari 'yon babe. Ikaw lang ang mamahalin ko. Saksi ka naman siguro kung gaano ako kabaliw sa 'yo," nakangiting sabi niya sa akin."Natatakot ako Jace. Paano kung magising ako isang araw hindi mo na ako mahal, kami ni baby?" sabi ko sa kanya."Puwede mo i-kwento sa akin kung ano ang panaginip mo," sabi niya sa akin habang pinupunasan niya ang luha ko."Nanaginip ako na si Cassy na ang mahal mo at iniwan mo ako. Sumama ka sa kanya," kwento ko sa kanya."Imposibleng mangyari 'yan babe. Matulog na tayo ulit. Always remember na ikaw lang ang mahal
DEDAY'S POVKasabay namin naghapunan sina Cassy at Max. Wala namang problema sa akin sa asawa ko meron. Nakabusangot ito at hindi umiimik. Tanging ako lang ang kinakausap niya. Alam ko na ayaw niyang nandito sa bahay namin ang dati niyang mga babae. Pero hindi ko naman puwedeng palayasin ang dalawa dahil maayos naman na ang pakikitungo nila sa akin."Kall, aalis kana daw sa university?" Biglang tanong sa kanya ni Max sa asawa ko.Ang asawa ko naman ay hindi ito pinapansin at patuloy lang sa pagkain. Tumingin naman ako kay Max ngumiti lang ito sa akin at suminyas na okay lang. Naging tahimik ang hapagkainan. Kahit si Cassy ay hindi na nagsasalita. Natapos ang hapunan at pumasok muna ang asawa ko sa silid namin. Hanggang sa umalis ang dalawa ay hindi na ito lumabas.Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa kwarto namin. Pagpasok ko ay kakalabas lang nito sa banyo. Napalunok naman ako dahil natakam ako bigla ng makita ko ang mga pandesal niya."Tumigil ka Deday," saway ko sa sarili ko d
DEDAY'S POVSa mga sumunod na araw ay naging maayos sa amin ng asawa ko ang mga pangyayari. Dahil sa mga nanyari ay dito na lang ako sa bahay. Nag o-online class ako dito sa bahay. Sa umaga ay therapy session ko sa hapon naman ay sa online class ko. Hindi madali pero pinipilit kong lumaban para sa anak at asawa ko.Lumalala na rin ang cravings ko kaya nahihirapan ng asawa ko. Madalas kasi ang weird ng mga ginagawa ko."Jace ko, hindi kapa ba uuwi?" Kausap ko sa asawa ko sa kabilang linya."Babe, kakaalis ko lang po d'yan sa bahay." Sagot naman niya sa akin."Namimiss na kasi kita," nakangusong sabi ko sa kanya. Totoong namimiss ko na siya."May gusto ka bang kainin?" Tanong niya sa akin. Alam ko na alam na niya dahil lagi itong nangyayari."Gusto ko ng sinigang na matamis," sabi ko sa kanya."What?!" Tanong niya at alam ko na napapreno ito."S-Sinigang na m-matamis?" Nauutal na tanong niya sa akin."Opo, Jace ko." Malambing na sagot ko sa kanya.Kahit wala ako sa tabi niya ay napapangi
DEDAY'S POVNandahil sa nanyari ay umalis si Cassy na umiiyak. May awa akong naramdaman pero naroon pa rin ang tuwa dahil sa wakas wala ng tatawag sa asawa ko ng Jace bukod sa akin.Hindi ko puwedeng itanggi na nagseselos ako kasi totoo naman. Hindi ko gusto na may ibang tumatawag kay Jace. Pinaubaya ko na nga sa kanila ang Kallix. Nagpapasalamat rin ako kay mommy dahil naisipan niyang gawin na dalawa ang pangalan ng anak niya. Sarap na sarap ako sa nilutong matamis na sinigang ng asawa ko. Habang ang mukha nang asawa ko ay hindi ko mawari. Natatawa na lang ako dahil mukhang hindi niya kayang kainin ang kinakain ko.Nanunuod kami ng tv ng bigla ko siyang tanungin."Jace ko, maganda ba 'yong babaeng bida?" Tanong ko sa kanya."Maganda," sagot niya sa akin kaya uminit naman kaagad ang ulo ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko."What tha f*c—""Minumura mo ako?!" Galit na tanong ko sa kanya."No babe, nagulat lang ako kasi bigla mo na lang akong sinampal." Saad niya sa akin.Tinignan k
DEDAY'S POVDalawang araw simula nang pumunta sa Cebu ang asawa ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. Dalawang araw na rin kaming hindi nag-uusap. Tuwing tulog kasi ako saka siya tumatawag sa akin. Napapansin ko rin na palagi ng dumadalaw dito si Max. Palagi niya akong kinukumusta. Naging panatag na rin ako sa kanya dahil mabait pala talaga ito.Si Cassy naman ay wala na akong balita. Simula noon ay hindi na ito nagpakita sa akin. Buong araw kong inabala ang sarili ko sa pagtatahi. Gusto kong burdahan ang isang lampin ni baby.Medyo lumalaki na ang tiyan ko kaya madalas ko na itong kausapin. Hindi pa ako ulit nakapunta sa check-up ko dahil hinihintay ko pa ang pag-uwi nang asawa ko."Baby, namimiss ko na ang daddy mo. Kumusta na kaya siya? Sobrang busy niya ngayon. Sana naging professor na lang ulit siya noh?" Kausap ko sa tiyan.Sobrang lungkot ng mga araw na nagdaan at sobra akong nababahala na baka hindi na siya bumalik. Isang linggo na kasi ang dumaan. Naiiyak na lang
DEDAY'S POVNagising ako dahil may narinig akong ingay. Nang idilat ko ang aking mga mata ay nakita ko si mommy umiiyak ito. Kaya nagtaka ako kung ano ang nanyayari."M-Mommy, a-ano po ang nangyari?" nauutal na tanong ko sa kanya."A-Anak ang ang asawa mo." Umiiyak na sagot niya sa akin."Ano po ang nanyari sa asawa ko? Bakit hindi niyo sabihin sa akin kung ano nanyari sa kanya! Nasaan ang asawa ko? Nasaan si Jace?!" Sumisigaw na ako. Naguguluhan na ako sa kanila. Parang walang may nais na magsalita sa kanila."Ano ba?! Magsalita naman kayo!" Umiiyak na sigaw ko sa kanila. Alam kong may mali at ramdam ko 'yon."W-Wala na si Kallix. Patay na ang anak ko," umiiyak na sabi sa akin ni mommy.Parang bomba sa pandinig ko ang narinig ko. Natulala ako hindi ko alam kong totoo ba ang sinasabi nila."W-Wala na si Kallix. Patay na ang anak ko.""W-Wala na si Kallix. Patay na ang anak ko.""W-Wala na si Kallix. Patay na ang anak ko.""W-Wala na si Kallix. Patay na ang anak ko." paulit-ulit kong n
DEDAY'S POVAFTER 5 YEARS Nagkaupo ako sa swivel chair ko dito sa opisina. Buong araw akong nag-aayos ng mga files para sa meeting bukas. Araw-araw ito ang trabaho ko."Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong sa akin ni Jacob."Mamaya pa po Sir," sagot ko sa kanya."Umuwi na tayo kanina pa tayo hinahanap ng mga bata," nakangiting sabi niya sa akin."Sige na nga," nakangiting sagot ko sa kanya.Nagtatrabaho ako sa company bilang secretary ni Jacob. Ang kapatid ng yumao kong asawa. Siya ang tumulong sa akin noong mga panahon na hirap na hirap ako. Lalo na noong lumalaki na ang tiyan ko pero hindi pa ako nakakalakad. Umuwi siya sa probinsiya para alagaan ako.Siya rin ang naging ama sa mga anak ko. Kasama ko rin siya noong nanganganak ako. Ewan ko ba at hindi pa rin ito nag-aasawa hanggang ngayon. Wala rin itong dinadalang babae kila mommy. Siguro ay wala pa itong balak na magseryoso.Sa loob nang limang taon ay naging matatag ako. Para sa mga mahal ko sa buhay ang dahilan kung bakit pinipilit ko p