Hello po sa inyo lahat. Nais ko lang po magpasalamat sa lahat ng nagbigay ng gems, nag-iiwan ng comments at bumibili ng coins. Higit sa lahat po maraming salamat sa lahat ng patuloy na nagbabasa sa mga stories ko. Sana po ay subukan niyo rin po ang iba kong story. Thank you po sa suporta niyo sa kagaya ko na baguhan pa lang sa larangan ng pagsusulat. Ingat po kayo palagi, <3 <3 <3
DEDAY'S POVPagdating namin sa bar ay sinalubong kami ni Stephen."Wow! Is that you Desra? Ang ganda mo sobra," may paghanga sa mga mata niya. Literal na napa O pa ang bibig niya sa gulat.Nahiya naman ako bigla. Pero wala na akong magagawa dahil nandito na ako at tumakas lang talaga ako."O-oo," nahihiyang sagot ko sa kanya."Let's go na guys! It's time to party!!" Sigaw ng mga kaibigan niya.Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko ngayon. Nakikita ko na masaya sila. Kaya naisip ko na magsasaya rin ako ngayon."Tara na," saad sa akin ni Stephen.Nagulat ako sa nakita ko dahil ang daming taong nagsasayaw. Habang nag-iinuman. Nang tumingin ako sa ibang parte ng bar ay may mga naghahalikan sa sulok. Napalunok tuloy ako. Napaisip ako bigla kung tama ba ang desisyon ko na pumunta dito.Hawak ni Stephen ang kamay ko. Kahit na naiilang ako ay pinilit ko na maging okay. Ayaw ko rin kasing mawala dito. Umupo kami at naghorder sila ng drinks. "Here," abot sa akin ni Stephen."Puwede bang juic
KALLIX POVI'm so happy na nakapasa siya. Hindi ko puwedeng ipakita na masaya ako o i-cheer ang pangalan niya.Nadala na naman ako ng emosyon ko. Nagseselos ako ako dahil ang dalawang garapata ay kayang isigaw ang pangalan niya.Nakatanaw lang ako sa malayo. Masaya ako dahil natanggap siya. She deserve it. Ang galing niyang sumayaw kaya pala ang galing din niya sa ibabaw ko."Tsk! Iyan talaga ang nasa isip mo Kallix?" Kontra ko sa sarili.Umani ng bulongan ang pagyakap sa kanya ni Stephen. "Girlfriend ba 'yan ni Stephen? Maganda naman siya baduy lang manamit," rinig ko na sabi ng isang estudyante.Gusto kong sagutin na hindi. Na ako ang totoong boyfriend pero pinili ko na umalis para magpalamig ng ulo."F*ck!" Hindi ko maiwasang magmura habang papunta ako sa opisina ko."Good afternoon po Sir, pinapatawag po kayo ni Dean." Sabi sa akin ng isang estudyante."Okay," tipid na sagot ko dito. Kinuha ko muna ang mga gamit ko. Naglakad ako papunta sa office ng Dean."Good afternoon Sir," bat
DEDAY'S POV Bumaba ako dala ang mga labahin namin. Kahit na masakit ang balakang ko ay pinilit ko parin na gawin ang trabaho ko. Hindi na ako nag-abala pang magpaalam kay manong. Hindi ko inaasahan na makakasabay ko si Stephen. "Hi Desra," bati niya sa akin."Hi Steph," binati ko rin siya."Nauna kana pa lang umuwi kagabi. Sinabi ng friends mo na nagtext ka."Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Sa pagkakaalam ko ay iniwan ko ang phone ko."Nagtext ako? Talaga?" Tanong ko sa kanya."Oo kay— Gie. Tama kay Gie nga," sabi niya."Nagtext pala ako?" Hindi makapaniwalang bulalas ko."Lasing kana yata kagabi kaya hindi mo naalala na nagtext ka haha," tumatawang saad niya sa akin."Oo nala—""Nandito ka lang pala!" Nagulat ako dahil dumating si manong."Senyorito," tawag ko sa kanya.Nakita ko na ang pagtataka sa mukha ni Stephen."Kuya Kallix," tawag sa kanya ni Stephen."Don't call me kuya hindi tayo magkapatid," direktang sabi ni Manong kay Stephen."You're still my kuya. Lahat ng kai
Warning matured content!!KALLIX POVSa sobrang selos ko ay binalak ko na agad na lumipat sa magiging bahay namin. Hindi ko gusto na nagkikita sila ni Stephen sa building. Umalis ako para ayusin ang lilipatan namin. Kahit na ayaw ko pa sabihin sa kapatid ko ang tungkol sa amin ay wala akong choice. Laking tuwa ko dahil masaya siya para sa amin."Kuya hindi mo sinabi na type mo pala si Desra. Kaya siguro dati lagi kang galit kasi gusto mong magpapansin sa kanya," pang-aasar sa akin ng kapatid ko.Tanging ngiti lang nag isinagot ko sa kanya. "Woah! Iba talaga ang inlove. Ngayon ngumingiti kana," pacute na sabi niya."Oo na, Kaya tulungan mo na ako para naman matuwa ako sa 'yo," saad ko dito."Nagbibiro lang ako kuya. Isumbong kita kay Desra pagsinungitan mo 'ko.""Do whatever you want," sabi ko naman para manahimik na siya."Talaga. Lagot ka hahaha," sabi niya.Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na ako sa pag-aayos. Pumasok ako sa kwarto namin para ayusin. Hindi ako romantic na ta
DEDAY'S POV Hindi ko akalain na lumipat na kami dito sa bagong bahay. Tinanghali na ako ng gising at masakit pa ang katawan ko. Ang Jace ko kasi parang walang kapaguran. Hahaha! Natutuwa ako kapag may ko ang tawag ko sa kanya. Ewan ko ba nakakahawa na talaga ang mga ginagawa niya sa akin. Pakiramdam ko tumanda ako bigla.Kahit nga birthday ko ay nakalimutan ko na. Inaantok pa sana ako kaya lang kinukulit niya ako na bumangon na."Babe, Happy birthday I love you. Gising na may lakad tayo," bulong niya sa akin."Puwede bang magpahinga na lang ako ngayong araw?" Tanong ko sa kanya kasi inaantok pa talaga ako ngayon."Babe kasi ano—""Ano?" Nagtatakang tanong ko sa kanya."May naghihintay kasi sa atin sa baba. May bisita ka," sagot niya sa akin habang may malawak na ngiti sa labi.Nagtaka ako sa sinabi niya."Bisita?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko lang kasi inaasahan na may magiging bisita kami kaagad."Kaya bumangon kana baka umuwi na sila kapag matagal kapa," sabi niya ulit.Kahit na tin
DEDAY'S POV Umuwi na sila nanay sa probinsya. Kami naman ay tuluyan ng nagsama ni Jace sa iisang bahay. Araw-araw ay sabay kaming pumasok sa university. Binababa niya ako, isang kanto bago mag-university."Good luck to your exam babe," sabi niya sa akin. Pababa na kasi ako sa kotse niya."Thank you Jace ko," malambing na sagot ko sa kanya.Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ng kabigin niya ako sabay halik sa labi ko. Napangiti naman ako dahil ang sweet niya talaga. Palagi niya itong ginagawa. Walang mintis halos araw-araw."Aalis ka na lang ng hindi nag ki-kiss sa akin," nakabusangot na sabi niya."Jace ko, ang cute mo po love you," saad ko sa kanya bago ako bumaba sa kotse niya.May exam kami ngayon. Aminado ako na hindi ako katalinuhan kaya kabado ako. Kagabi ay tinulungan niya akong magreview. Hindi ko nga masabi kung review ba talaga ang ginawa namin. Ang harot kasi ni manong at gustong-gusto ko naman.Umiiwas na rin ako kay Stephen kasi ayaw ko na nagseselos si manong dahil
KALLIX POVSobrang saya ng buhay ko ngayon. Ang totoo talaga bago ako umalis galing sa probinsya nila Desra ay humingi na ako ng permiso na ligawan siya. Laking pasasalamat ko na pumayag naman ito at ipinagkatiwala sa akin ang anak niya.Kung araw-araw masaya ako na siya ang bumubungad pagkagising kabaliktaran naman kapag nasa University kami. Sa dami ng lumalapit sa kanya ay lahat sila gusto kong ibagsak sa subject ko. Lalo na tuwing practice niya sa Cheerdance.Simula ng nagbago siya ng style ng pananamit ay ang daming umaaligid sa kanya isa na doon si Stephen na lantaran ang pagpapakita ng pagkagusto sa kanya. Palihim ko siyang pinapanood sa mga practice niya nakakainip kasi ang maghintay sa loob ng kotse ko.Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Stephen."Kuya, can you give me a minute? Hindi na ako magpapa ligoy-ligoy pa. Gusto kong ligawan si Desra," direktang sabi niya sa akin.Umigting kaagad ang panga ko sa galit. Ang lakas kasi talaga ng loob niya na magpaalam sa akin.
DEDAY'S POVAlam ko na hindi siya naniniwala sa sinabi ko na kinamot ko lang ang pisngi ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na sinampal ako ng ex niya. Dahil sa practice hindi pa kami nag-usap ni Joseph. Siguro sa monday ko na lang siya kakausapin.Sa ngayon ay nilalasap ko muna ang sarap ng ihaw-ihaw na binili namin. Habang kumakain kami ay bigla na lang siya kumuha ng isaw ko. Bigla na lang ako nainis at umiyak. Ang sarap kasi ng isaw na tinitinda ni kuya sa labasan. At gusto ko na ako lang ang kakain."Babe.." Tawag niya sa akin.Nandito na kami ngayon sa silid namin dahil matutulog na kami."Babe, nagagalit ka pa rin ba sa akin?" Tanong niya ulit dahil hindi ko siya pinansin."Puwede ba akong matulog sa kabilang kwarto?" Tanong ko sa kanya."What?" Kumunot ang noo niya habang tinatanong niya ako."Ayaw kitang katabi," sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin."May problema ba?" Malumanay na tanong nito sa akin.Bigla akong nakonsensya sa ginawa ko. Hindi na lang ako sumagot at humi
Warning matured content!!!DEDAY'S POVNiregaluhan kami ni Mira ng trip to Iceland. Tinanong niya kasi ako dati kong saan ko gusto pumunta kaya ang sabi ko sa iceland. Mabait ang tatlong bata dahil nagpa-iwan sila.Natatawa pa nga ako sa sinabi nila, na gusto raw nila ng maraming kapatid pagbalik namin. Magiging apat na sila kaya sigurado akong magiging magulo na ang buong bahay kapag lumaki na sila. Ngayon na limang taon pa lang sila ay ang ingay na ng bahay paano pa kapag nadagdagan ng nadagdagan? Pero kahit gano'n ay iba ang hatid na saya ng mga anak ko sa buhay namin ng asawa ko."What are you thinking?" Tanong sa akin ng asawa ko habang nakayakap sa likuran ko."Jace, sigurado ka ba talaga na marami ang gusto mong anak?" Tanong ko sa kanya."Gusto ko sana kaya lang iniisip kita. Alam ko na hindi madali ang manganak kaya ikaw pa rin ang masusunod babe." Sagot niya sa akin."Jace ko, nagsisisi ka ba na ako ang naging asawa mo? Hindi ka ba nahihiya dahil dati akong maid?" Wala sa sar
KALLIX POVNaging abala kami ni Cassy sa pag-aayos para sa kasal. Gusto niyang bumawi sa mga nagawa niya kay Desra. Nalaman rin namin na si Max ang nasa likod ng lahat ng mga pangyayari. Pati na ang aksidenti na nangyari sa akin at sa asawa ko."Kuya, bukas daw ang uwi ng asawa mo." Saad sa akin ni Mira."Okay, thank you." Bandang alas siyete ng gabi no'ng may biglang tumawag sa amin at may video kung saan ang asawa ko nakatali habang ang walanghiyang Joseph ay nasa tabi niya at inaamoy ang asawa ko.Gusto kong sumabog sa galit. Nagplano si Rico kung paano namin sila mapupuntahan. Ginamit pa namin ang private jet ng pinsan ko para makarating kami kaagad. Hindi ko hahayaan na tumagal doon ang asawa ko. Pasalamat talaga ako dahil suot ng asawa ko ang binigay ko sa kanya na kwentas.Nasaktan lang ako sa part na parang wala lang ako sa asawa ko. Pero alam ko na may puwang pa ako sa puso niya. Hindi ako makakapayag na hindi matuloy ang kasal namin. Six years ago hindi ko naibigay sa kanya
DEDAY'S POV"Mga kuya, sino ba ang boss niyo?" Tanong ko sa mga kumuha sa akin. Gusto ko lang alamin kung sino na naman ang may galit sa akin."Bakit mo tinatanong?" Tanong rin niya sa akin."Bakit bawal na bang magtanong ngayon? Dapat kong itanong dahil palagi na lang ako kinikidnap. Hindi mo ba alam na kakaligtas lang sa akin kahapon!" Sigaw ko sa kanya."Wala kaming pakialam! Magpaligtas ka na lang ulit sa asawa mo," sagot ng mga ito sa akin. Parang balewala lang sa kanila. Napansin ko na maganda ang pangangatawan ng mga ito."Kung pera ang kailangan niyo. Wala akong pera at para sabihin ko sa inyo hindi ko na 'yon asawa. Magpapakasal na 'yon sa iba." Naiinis na sabi ko sa kanila."Ha? Paano nangyari 'yon? Ah basta sumusunod lng kami sa utos," sabi sa akin no'ng isang lalaki sa akin."Bahala na kayo! Basta wala kayong mapapala sa akin." Sabi ko pa sa kanila dahil umiinit lang ang dugo ko. Nagugutom na rin kasi ako kaya lalong mainit ang ulo ko."May mapapala kami, sa yaman ng asawa
Deday's POVSa loob ng isang linggo ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Hindi ko matiis ang mga anak ko kaya tumawag ako kay Mira."Hello Mira" kausap ko sa kanya."Ate? Ikaw ba ito? Nasaan ka? Kumusta ka?" Tuloy-tuloy na tanong niya sa akin."Okay lang ako Mira, kumusta ang mga anak ko." Tanong ko sa kanya."Umiiyak sila ate, hinahanap ka kasi nila." Malungkot na sagot niya sa akin."Alagaan mo muna sila Mira. Uuwi na ako bukas. Pasensiya na kung nahihirapan din kayo ng dahil sa akin." Hingi ko ng pasensiya dahil alam ko na naaabala ko na sila."Sige ate susunduin na lang kita bukas," sabi niya sa akin."Sige Mira, salamat. Pakiyakap na lang sila para sa akin." Sabi ko sa kanila.Namimiss ko rin sila pero ngayon lang ako humingi ng oras para makapag-isip ng maayos. Alam ko rin na nanay na ako at kailangan ako ng mga anak ko. Pagkatapos naming mag-usap ni Mira ay inayos ko na ang mga gamit ko. Sapat na ang isang linggo para umuwi. At kung ano man ang mangyari sa pagsasama namin
DEDAY'S POV Ilang araw na akong matamlay. Simula ng bumalik si Cassy ay nagkaroon ako ng pagduda sa pagmamahal sa akin ni Jace. Palagi niyang kasama si Cassy at nasasaktan ako kapag naiisip ko na magkasama sila. Pakiramdam ko hindi ako makahinga pakiramdam ko kailangan kong umalis dito sa bahay. Marami ang pumapasok sa isipan ko. Stress na akonsa kakaoverthink ko sa mga bagay na hindi naman dapat. "Hello mommy, puwede po ba akong humingi ng pabor." Sabi ko kay mommy, tinawagan ko siya dahil sa tingin ko ay siya ang makakatulong sa akin."May problema ba iha?" Tanong niya sa akin."Puwede po ba akong umalis? Kahit isang linggo lang po. Frustrated na po ako at kung hindi ko po ito gagawin mababaliw po ako, mommy." umiiyak na sabi ko sa kanya."Alam ko na nahihirapan ka ngayon. Sige anak, nirerespeto ko ang desisyon mo." Sabi niya sa akin."Salamat po mommy, kayo na po muna ang bahala sa mga anak ko.""Aalagaan ko sila kaya h'wag kang mag-alala." Sagot niya sa akin."Maraming salamat po
DEDAY'S POVDumaan ang mga araw at hindi pa rin nakakaalala si Jace. Pero kahit ganu'n ay malambing pa rin siya at naging masaya ang bahay namin. Nakikipaglaro kasi siya palagi sa mga anak niya at siyempre sa akin rin. Naging buo ang pamilya na matagal ko ng pinapangarap."Papasok na ako sa office," paalam ko sa kanya."Babe, bakit nagtatrabaho ka pa rin kay Jacob?" Tanong nito sa akin habang nakanguso. Alam ko na nagseselos na naman ito kaya nagpapalambing."Wala pa siyang secretary kaya hindi ko maiwan ang trabaho ko at nagpapagaling pa ang kapatid mo." Sagot ko sa kanya. "Sasama ako sa 'yo," aniya sa akin at pumasok sa walk in closet namin.Umupo na lang ako sa kama habang hinihintay ko siya. Ilang sandali pa ay lumabas na ito."Let's go," yaya niya sa akin.Bumaba kami habang nakahawak ang kamay niya sa baywang ko. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nainis sa kanya."H'wag ka nga panay hawak sa akin." Naiinis na bulalas ko sa kanya."Babe, may problema ba?" Tanong niya sa akin
DEDAY'S POV Mabilis ko siyang hinampas dahil kung anu-ano kasi ang lumalabas sa bibig niya. "Siraulo ka! D'yan kana nga!" naiinis na sabi ko bago ako pumasok sa banyo.Balak kong maghilamos ng mukha ko. Paglabas ko ay nakaupo ito sa kama niya. Tumingin ito sa akin kaya inirapan ko siya. Kung suplado siya magmamaldita na rin ako sa kanya."Uuwi na ba tayo ngayon?" Tanong niya sa akin."Hindi ko pa alam. Itatanong ko pa sa doktor mo. Nakakatakot naman kasi ang nangyari kahapon sa 'yo. Nawalan ka ng malay pagkatapos nacoma ka. Nang nagising ka naman ang sigla mo na kaagad." Sagot ko sa kanya."Magaling kasi ang nurse ko," nakangiting sabi niya sa akin."Sinong nurse? Magaling pala, okay." Sabi ko sabay naglakad ako palabas ng silid niya. Narinig ko na tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Nakakainis lang dahil pinupuri niya 'yon samantala ako ang asawa niya. Pumara ako ng taxi at umuwi sa bahay. Naiinis ako na nagseselos. Pagkarating ko ay sinalubong ako ng mahigpit na yakap ng
DEDAY'S POVMabilis naming isinugod sa ospital si Jace at Jacob. Wala akong tigil sa pag-iyak. Natatakot ako para sa asawa ko at lalo na kay Jacob."M-Mommy," umiiyak na sabi ko kay mommy. Kahit siya ay hindi tumitigil sa pag-iyak nandito kami ngayon sa labas ng emergency room. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya nakaupo na ako sa sahig. "Hindi ako titigil hangga't hindi nahuhuli ang Max na 'yon!" Galit na sabi ni mommy."Napakawalang hiya niya. Nagdusa tayo at nalungkot sa pagkawala ng anak ko. Pero itinago lang niya." Dagdag pa nito.Niyakap ako ni mommy. Noon at ngayon at karamay pa rin namin ang isa't-isa. Tumagal ng halos dalawang oras ang operasyon kay Jacob. Pagkalabas ng doktor ay agad kaming lumapit sa kanya."Successful po ang operation. Hintayin na lang natin na gumising siya at medyo matatagalan ang recovery niya." Saad sa amin ng doktor."Ang asawa ko, ano pong lagay ng asawa ko?" Umiiyak na tanong ko sa doktor."Ang asawa mo ay kasalukuyang co
DEDAY'S POVMaaga akong gumising para magluto ng almusal namin. Habang abala ako sa paghahali ng fried rice ay may biglang yumakap sa akin."Good morning babe," bulong sa akin ni Jace."Good morning," sagot ko sa kanya.Naramdaman ko na hinalikan niya ang leeg ko kaya napangiti ako. Ang akala ko kasi behave siya kagabi pero humirit ng dalawang rounds noong natulog ang mga bata. Hindi rin talaga makatiis ang manong na 'to."Bakit ang aga mo gumising?" Tanong niya sa akin."Kasi po, magluluto po ako ng breakfast." Sagot ko sa kanya."Ako na ang magluluto babe. Alam ko na pagod ka pa," sabi niya sa akin."Tayo na lang pong dalawa," nakangiting sabi ko sa kanya."Okay babe," sagot niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.Naging masaya ang simula ng araw ko kasama sila. Isang pamilya kasi ulit kaming kumain. Iba ang saya ko tuwing magkakasama kamia. Larawan ng isang buong pamilya, isang masayang pamilya. Kasalukuyan kaming bumabiyahe papunta sa hospital para tignan ang resulta ng DNA test.