Hello po, kumusta po kayo? Maraming salamat po sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi <3 <3 <3
DEDAY'S POV "Nay Vida kumusta na po kayo!" tawag ko dito habang papasok ako sa kusina."Deday ikaw na ba 'yan?" Tanong nito sa akin."Opo, ako po ito ang pinakamagandang manang." Pabirong sabi koo kay Nanay."Ang ganda-ganda mo na. Bagay sa 'yo ang buhok mo. Higit sa lahat ang blooming mo. Iba yata mag-alaga si senyorito," pabulong lang ang huli niyang sinabi."Alam niyo rin po?" Tanong ko dito."Siyempre," proud na sabi nito sa akin."Sagana po kasi sa dilig iyong mga bulaklak sa amin. Nakakablooming po 'yon," sabi ko dito."Talaga ba? Siguro ako na magdidilig ng mga halaman sa hardin. Para magmukhang bata pa ako," sabi naman ni nay Vida.Napatampal ako sa noo ko. Akala ko naman naintindihan niya ako. Ngumiti na lang ako sa kanya. "Ano po ang puwede kong maitulong sa inyo?" Tanong ko dito dahil mas gusto ko kasi na may ginagawa ako."Huwag na anak kaya na namin ito. Sinabihan ako ni Senyora na 'wag kang hayaan na tumulong," saad sa akin ni Nay Veda."Po? Hayaan niyo na po akong tumu
KALLIX POVNag-panic ako bigla dahil hindi na siya sumasagot sa mga tawag ko. Simula pa ako kanina tumatawag. Parang gusto ko ng itapon ang phone ko. "Mom, hanapin ko lang po si Desra kanina pa siya hindi nagrereply." Paalam ko kay Mommy."Sige son," sagot naman niya sa akin.Nag-ikot ako sa buong bahay para hanapin siya. Sobrang frustrated na ako. Ang dami ko ng text at tawag sa kanya pero wala pa rin siyang naging tugon."Nay Veda, nakita niyo po ba si Desra?" Tanong ko kay nanay dahil baka alam niya kung saan ito."Hindi po Senyorito," sagot nito sa akin."What happened?" tanong sa akin ni Cassy."It's none of your business," sagot ko sa kanya at lumabas ako sa kusina."Bakit mo ba siya hinahanap? Hayaan mo siya dahil malaki na siya." Biglang sabi niya sa akin. Hindi ko ito pinansin at naglakad ako dahil kapag pinatulan ko lang siya masasayang lang ang oras ko. Nagulat ako ng bigla na lang niya akong yakapin."Kall, please ako na lang ulit. Please! Kaya ko naman ibigay lahat sa 'yo
DEDAY'S POV Magkatabi kaming natulog ni Jace ko. Maaga pa lang ay bumangon na ako."Babe, punta na ako sa kwarto ko," bulong ko sa kanya."No babe, just stay here," sagot niya sa akin."Pero bab—""Good morning babe," bati niya sa akin sabay halik sa labi ko. "Okay lang ba na dito ako?" nag-aalalang tanong ko."Of course babe. Don't mind them. Ano naman kung kasama ko ang asawa ko," nakagiting sabi niya. Hinampas ko siya. "Tumigil ka nga diyan kung ano-ano pinagsasabi mo," saad ko sa kanya habang umiinit ang buo kong mukha.Narinig ko itong tumawa. Pinagtatawanan talaga ako. Bumangon na ako. Nagsuklay ako ng buhok ko. Npatingin ako sa salamin. Suot ko ang malaki niyang damit. Hindi ako katangkaran kaya umabot sa tuhod ko."Ang hot mo babe," kumikindat na sabi niya na para bang inaasar pa ako."Tumigil ka diyan! Sige na labas na ako," paalam ko sa kanya.Akmang aalis na ako ng bigla na lang niya akong yapusin."Dito ka lang," bulong niya sa tainga ko na nagdulot ng kakaibang init sa
DEDAY'S POV Nagising ako dahil nagugutom na ako. Napabalikwas ako ng bangon dahil nandito na ako sa kwarto namin. Binuhat ba niya ako kanina? Napasarap yata ang tulog ko.Bumangon na ako at bumaba. Katamtaman lang ang laki ng bahay namin. Hinanap ko kaagad siya sa kusina pero wala ito."Jace ko!" Tawag ko sa kanya."Yes babe," sagot niya sa likuran ko."Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya."Do you miss me?" Tanong niya sa akin."Anong miss sinasabi mo? Gutom na ako babe," sabi ko sa kanya."Okay," bulong niya sa akin. Sabay yakap sa akin.Niyaya niya ako papunta sa dining area. Pinaupo niya ako habang siya ang naghanda ng pagkain namin.Nakangiti naman ako habang pinagmamasdan ko siya. "Babe h'wag mo ngang gawin 'yan," saway niya sa akin."Ang alin po?" Tanong ko sa kanya."Ang titigan ako, alam ko naman gwapo ako," pabirong saad niya sa akin."Kumain na lang tayo baka gutom ka lang," sabi ko sa kanya.Sanay na ako dahil ganyan ang lagi niyang sinasabi. Umupo na ito sa tabi ko. Magsi
DEDAY'S POV Seryoso ako na hindi ako uuwi sa bahay. Kasalukuyan akong nasa condo ni Mira. Malapit lang ito sa campus kaya nilakad ko na lang. Gusto ko munang mag-isa. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Humiga ako dahil sobrang inaantok ako. Pero sinilip ko muna ang phone ko kung tumawag ba siya sa akin. Pero nalungkot lang ako dahil wala. Humiga na lang ako sa sofa. Hindi ko alam kong ilang oras akong tulog basta nagising ako na nangangasim ang sikmura ko. Nahihilo rin ako. Pagkatapos kong dumuwal sa lababo ay bumalik na ako sa sofa."Ate," tawag sa akin ni Mira."Mira, pasensiya kana ha. Hindi kasi kami okay at hindi ko rin alam kung naniniwala ba siya doon sa mga lumabas sa social media," saad ko sa kanya."Okay lang 'yon ate. Saglit kukuha lang ako ng mga damit na puwede mong gamitin," paalam niya sa akin.Magka-edad lang kami ni Mira pero ate na kasi ang tawag niya simula ng maging kami ni Jace. Namimiss ko na siya. Pinatay ko ang phone ko para hindi niya ako matawagan. Nagluto
DEDAY'S POV Malungkot akong nagising. Araw ng linggo at monthsary pa namin ni manong. Kasalukuyan akong nakaupo sa kama. Hindi ko na napigilan ang sarili ko umiyak ako ng umiyak. Hindi man lang ba niya ako hinanap?Hindi man lang ba niya ako namiss? Tumayo ako at naligo na. Buo na ang desisyon ko kukunin ko na doon sa bahay ang mga gamit ko. Maghahanap na lang ako ng apartment na puwede kong tuluyan pansamantala. Bukas na bukas din ay hahanap ako ng part time job.Paglabas ko ay nagulat ako dahil nakauwi na pala si Mira. Ang buong akala ko ay mamayang gabi pa ito uuwi."Good morning ate," sabi nito sa akin."Good morning Mira." Matamlay na sagot ko sa kanya."Para sa 'yo ate," aniya sabay abot nang isang bouquet na bulaklak."Thank you pero bakit mo ako binibigyan ng bulaklak?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Napadaan kasi ako sa flower shop alam ko na gusto mo 'yan saka sabi kasi n— i mean sabi kasi ni mommy punta daw tayo sa mansiyon mamaya," sagot sa akin ni Mira."Bakit daw?" Na
KALLIX POVHindi ko siya maintindihan kaya iniwan ko siya sa kusina. Umakyat muna ako sa opisina ko para magpalamig. Habang nag-aayos ako ng mga files sa laptop ko ay nag pop up ang notification mula sa page na University. Hindi ko alam pero binuksan ko ito at doon ko nakita ang mga pictures nila ni Stephen.Umahon ang selos at galit sa puso ko. Alam ko na hindi iyon totoo pero hindi ko maiwasang hindi magselos. Uminom ako at hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising ako na nasa office ko pa rin ako.Pumasok ako sa kwarto namin. Nakita ko itong tulog na tulog. Naligo ako at naghanda para pumasok.Ewan ko ba pero nagseselos pa rin ako. Nais ko na lambingin niya ako. Hinalikan ko siya bago ako umalis."I love you babe," bulong ko dito bago ako umalis.Papasok pa lang ako sa first class ko ay naririnig ko ang bulungan ng mga estudyante tungkol sa kanila ni Stephen. Malapit na akong magsimula ay wala pa ito. Nang dumating siya ay hindi ko siya pinapasok. Alam ko na nasaktan ko siya p
DEDAY'S POV Palabas na ako ng subdivision ng harangan ako ng kotse. Nagulat pa ako dahil kotse ito ni manong. Mabilis itong lumabas sa kotse niya sabay yakap sa akin ng mahigpit. Hindi ko naman mapigilan ang luha ko. Sumubsob ako sa dibdib niya at umiyak ako ng umiyak. Ang buong akala ko talaga ay hahayaan na lang niya ako pero bumalik siya. "I'm sorry babe.. I'm really sorry," bulong nito sa tainga ko."Huhuhu," tanging sagot ko sa kanya. Humagulgol na ako dahil hindi ko na makayanan ang sakit. Nasaktan talaga ako sa pagbalewala niya sa akin.Hinawakan niya ang mukha ko at tumingin sa mga mata ko. Tanging ilaw ng kotse ang nanging ilaw namin."Mahal na mahal kita babe. Sorry kung nasaktan kita," saad niya sabay halik sa labi ko.Walang tigil ang pag-agos ng luha ko. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa pamamagitan ng halik niya. Pero hindi ko ito tinugon. "Sshh, stop crying. I'm really sorry babe," sabi niya ulit habang pinupunasan ang luha ko sa mata."Ang sama mo! Nakakainis ka! huhu
Warning matured content!!!DEDAY'S POVNiregaluhan kami ni Mira ng trip to Iceland. Tinanong niya kasi ako dati kong saan ko gusto pumunta kaya ang sabi ko sa iceland. Mabait ang tatlong bata dahil nagpa-iwan sila.Natatawa pa nga ako sa sinabi nila, na gusto raw nila ng maraming kapatid pagbalik namin. Magiging apat na sila kaya sigurado akong magiging magulo na ang buong bahay kapag lumaki na sila. Ngayon na limang taon pa lang sila ay ang ingay na ng bahay paano pa kapag nadagdagan ng nadagdagan? Pero kahit gano'n ay iba ang hatid na saya ng mga anak ko sa buhay namin ng asawa ko."What are you thinking?" Tanong sa akin ng asawa ko habang nakayakap sa likuran ko."Jace, sigurado ka ba talaga na marami ang gusto mong anak?" Tanong ko sa kanya."Gusto ko sana kaya lang iniisip kita. Alam ko na hindi madali ang manganak kaya ikaw pa rin ang masusunod babe." Sagot niya sa akin."Jace ko, nagsisisi ka ba na ako ang naging asawa mo? Hindi ka ba nahihiya dahil dati akong maid?" Wala sa sar
KALLIX POVNaging abala kami ni Cassy sa pag-aayos para sa kasal. Gusto niyang bumawi sa mga nagawa niya kay Desra. Nalaman rin namin na si Max ang nasa likod ng lahat ng mga pangyayari. Pati na ang aksidenti na nangyari sa akin at sa asawa ko."Kuya, bukas daw ang uwi ng asawa mo." Saad sa akin ni Mira."Okay, thank you." Bandang alas siyete ng gabi no'ng may biglang tumawag sa amin at may video kung saan ang asawa ko nakatali habang ang walanghiyang Joseph ay nasa tabi niya at inaamoy ang asawa ko.Gusto kong sumabog sa galit. Nagplano si Rico kung paano namin sila mapupuntahan. Ginamit pa namin ang private jet ng pinsan ko para makarating kami kaagad. Hindi ko hahayaan na tumagal doon ang asawa ko. Pasalamat talaga ako dahil suot ng asawa ko ang binigay ko sa kanya na kwentas.Nasaktan lang ako sa part na parang wala lang ako sa asawa ko. Pero alam ko na may puwang pa ako sa puso niya. Hindi ako makakapayag na hindi matuloy ang kasal namin. Six years ago hindi ko naibigay sa kanya
DEDAY'S POV"Mga kuya, sino ba ang boss niyo?" Tanong ko sa mga kumuha sa akin. Gusto ko lang alamin kung sino na naman ang may galit sa akin."Bakit mo tinatanong?" Tanong rin niya sa akin."Bakit bawal na bang magtanong ngayon? Dapat kong itanong dahil palagi na lang ako kinikidnap. Hindi mo ba alam na kakaligtas lang sa akin kahapon!" Sigaw ko sa kanya."Wala kaming pakialam! Magpaligtas ka na lang ulit sa asawa mo," sagot ng mga ito sa akin. Parang balewala lang sa kanila. Napansin ko na maganda ang pangangatawan ng mga ito."Kung pera ang kailangan niyo. Wala akong pera at para sabihin ko sa inyo hindi ko na 'yon asawa. Magpapakasal na 'yon sa iba." Naiinis na sabi ko sa kanila."Ha? Paano nangyari 'yon? Ah basta sumusunod lng kami sa utos," sabi sa akin no'ng isang lalaki sa akin."Bahala na kayo! Basta wala kayong mapapala sa akin." Sabi ko pa sa kanila dahil umiinit lang ang dugo ko. Nagugutom na rin kasi ako kaya lalong mainit ang ulo ko."May mapapala kami, sa yaman ng asawa
Deday's POVSa loob ng isang linggo ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Hindi ko matiis ang mga anak ko kaya tumawag ako kay Mira."Hello Mira" kausap ko sa kanya."Ate? Ikaw ba ito? Nasaan ka? Kumusta ka?" Tuloy-tuloy na tanong niya sa akin."Okay lang ako Mira, kumusta ang mga anak ko." Tanong ko sa kanya."Umiiyak sila ate, hinahanap ka kasi nila." Malungkot na sagot niya sa akin."Alagaan mo muna sila Mira. Uuwi na ako bukas. Pasensiya na kung nahihirapan din kayo ng dahil sa akin." Hingi ko ng pasensiya dahil alam ko na naaabala ko na sila."Sige ate susunduin na lang kita bukas," sabi niya sa akin."Sige Mira, salamat. Pakiyakap na lang sila para sa akin." Sabi ko sa kanila.Namimiss ko rin sila pero ngayon lang ako humingi ng oras para makapag-isip ng maayos. Alam ko rin na nanay na ako at kailangan ako ng mga anak ko. Pagkatapos naming mag-usap ni Mira ay inayos ko na ang mga gamit ko. Sapat na ang isang linggo para umuwi. At kung ano man ang mangyari sa pagsasama namin
DEDAY'S POV Ilang araw na akong matamlay. Simula ng bumalik si Cassy ay nagkaroon ako ng pagduda sa pagmamahal sa akin ni Jace. Palagi niyang kasama si Cassy at nasasaktan ako kapag naiisip ko na magkasama sila. Pakiramdam ko hindi ako makahinga pakiramdam ko kailangan kong umalis dito sa bahay. Marami ang pumapasok sa isipan ko. Stress na akonsa kakaoverthink ko sa mga bagay na hindi naman dapat. "Hello mommy, puwede po ba akong humingi ng pabor." Sabi ko kay mommy, tinawagan ko siya dahil sa tingin ko ay siya ang makakatulong sa akin."May problema ba iha?" Tanong niya sa akin."Puwede po ba akong umalis? Kahit isang linggo lang po. Frustrated na po ako at kung hindi ko po ito gagawin mababaliw po ako, mommy." umiiyak na sabi ko sa kanya."Alam ko na nahihirapan ka ngayon. Sige anak, nirerespeto ko ang desisyon mo." Sabi niya sa akin."Salamat po mommy, kayo na po muna ang bahala sa mga anak ko.""Aalagaan ko sila kaya h'wag kang mag-alala." Sagot niya sa akin."Maraming salamat po
DEDAY'S POVDumaan ang mga araw at hindi pa rin nakakaalala si Jace. Pero kahit ganu'n ay malambing pa rin siya at naging masaya ang bahay namin. Nakikipaglaro kasi siya palagi sa mga anak niya at siyempre sa akin rin. Naging buo ang pamilya na matagal ko ng pinapangarap."Papasok na ako sa office," paalam ko sa kanya."Babe, bakit nagtatrabaho ka pa rin kay Jacob?" Tanong nito sa akin habang nakanguso. Alam ko na nagseselos na naman ito kaya nagpapalambing."Wala pa siyang secretary kaya hindi ko maiwan ang trabaho ko at nagpapagaling pa ang kapatid mo." Sagot ko sa kanya. "Sasama ako sa 'yo," aniya sa akin at pumasok sa walk in closet namin.Umupo na lang ako sa kama habang hinihintay ko siya. Ilang sandali pa ay lumabas na ito."Let's go," yaya niya sa akin.Bumaba kami habang nakahawak ang kamay niya sa baywang ko. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nainis sa kanya."H'wag ka nga panay hawak sa akin." Naiinis na bulalas ko sa kanya."Babe, may problema ba?" Tanong niya sa akin
DEDAY'S POV Mabilis ko siyang hinampas dahil kung anu-ano kasi ang lumalabas sa bibig niya. "Siraulo ka! D'yan kana nga!" naiinis na sabi ko bago ako pumasok sa banyo.Balak kong maghilamos ng mukha ko. Paglabas ko ay nakaupo ito sa kama niya. Tumingin ito sa akin kaya inirapan ko siya. Kung suplado siya magmamaldita na rin ako sa kanya."Uuwi na ba tayo ngayon?" Tanong niya sa akin."Hindi ko pa alam. Itatanong ko pa sa doktor mo. Nakakatakot naman kasi ang nangyari kahapon sa 'yo. Nawalan ka ng malay pagkatapos nacoma ka. Nang nagising ka naman ang sigla mo na kaagad." Sagot ko sa kanya."Magaling kasi ang nurse ko," nakangiting sabi niya sa akin."Sinong nurse? Magaling pala, okay." Sabi ko sabay naglakad ako palabas ng silid niya. Narinig ko na tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Nakakainis lang dahil pinupuri niya 'yon samantala ako ang asawa niya. Pumara ako ng taxi at umuwi sa bahay. Naiinis ako na nagseselos. Pagkarating ko ay sinalubong ako ng mahigpit na yakap ng
DEDAY'S POVMabilis naming isinugod sa ospital si Jace at Jacob. Wala akong tigil sa pag-iyak. Natatakot ako para sa asawa ko at lalo na kay Jacob."M-Mommy," umiiyak na sabi ko kay mommy. Kahit siya ay hindi tumitigil sa pag-iyak nandito kami ngayon sa labas ng emergency room. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya nakaupo na ako sa sahig. "Hindi ako titigil hangga't hindi nahuhuli ang Max na 'yon!" Galit na sabi ni mommy."Napakawalang hiya niya. Nagdusa tayo at nalungkot sa pagkawala ng anak ko. Pero itinago lang niya." Dagdag pa nito.Niyakap ako ni mommy. Noon at ngayon at karamay pa rin namin ang isa't-isa. Tumagal ng halos dalawang oras ang operasyon kay Jacob. Pagkalabas ng doktor ay agad kaming lumapit sa kanya."Successful po ang operation. Hintayin na lang natin na gumising siya at medyo matatagalan ang recovery niya." Saad sa amin ng doktor."Ang asawa ko, ano pong lagay ng asawa ko?" Umiiyak na tanong ko sa doktor."Ang asawa mo ay kasalukuyang co
DEDAY'S POVMaaga akong gumising para magluto ng almusal namin. Habang abala ako sa paghahali ng fried rice ay may biglang yumakap sa akin."Good morning babe," bulong sa akin ni Jace."Good morning," sagot ko sa kanya.Naramdaman ko na hinalikan niya ang leeg ko kaya napangiti ako. Ang akala ko kasi behave siya kagabi pero humirit ng dalawang rounds noong natulog ang mga bata. Hindi rin talaga makatiis ang manong na 'to."Bakit ang aga mo gumising?" Tanong niya sa akin."Kasi po, magluluto po ako ng breakfast." Sagot ko sa kanya."Ako na ang magluluto babe. Alam ko na pagod ka pa," sabi niya sa akin."Tayo na lang pong dalawa," nakangiting sabi ko sa kanya."Okay babe," sagot niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.Naging masaya ang simula ng araw ko kasama sila. Isang pamilya kasi ulit kaming kumain. Iba ang saya ko tuwing magkakasama kamia. Larawan ng isang buong pamilya, isang masayang pamilya. Kasalukuyan kaming bumabiyahe papunta sa hospital para tignan ang resulta ng DNA test.