Prinsesa Atyrrah POV
"Magandang gabi Ginoo" bati ko sa isang lalaki na dumating dito sa lugar na hindi ko tiyak kung anong tawag. Ako'y namamangha pagdating ko rito. Napakaraming kakaibang bagay na narito tulad ng isang hindi ko alam na may apat na gulong. Kaiba sa aming mundo dahil karaniwan ay karwahe at kariton ang aming ginagamit. May usok na lumalabas sa tuwing gagamitin.
"Good Evening Ma'am. Kayo ata yung tinutukoy ni Sir hehehe" nakangiting sabi ng lalaki. Mukha s'yang kaedad ng aking ama. Hindi ko inaasahang maglalabas ako ng pekeng ngiti sa lalaking kaharap.
'Nawa'y makita ko rin ang gan'yang kagandang ngiti ng aking Ama'
"Ginoo, hindi ko mawari kung ako'y nasaan. Nais ko sanang matanong ka kung may alam kang lugar na maaari kong tuluyan"
"Naku Miss. Sabi ni Sir, bawal daw kitang paalisin eh"
"Sino ang iyong tinutukoy? Bakit gan'yan ang kan'yang iniuutos sa akin?" Taka kong tanong. Wala akong kilala sa mundo ng mga tao kaya sino ang magbabawal sa'kin? Paniguradong hindi alam ng mga kawal na narito ako kaya hindi nila ako maaaring pagbawalan.
"Si Sir Yvo Ma'am. Yung may-ari nitong kumpanya"
"Paumanhin Ginoo, ngunit ang iyong tinutukoy ay hindi ko nakikilala. Wala akong kilala sa mundong ito kaya hindi ko alam kung sino ang sinasabi mo sapagkat ako'y hindi tagarito"
"Lalim ng words n'yo Ma'am hahahaha. Mahirap ako pero may konti naman akong alam na ingles" napangiwi ako dahil sa kawirduhan ng lalaki. Ganito ba talaga sa mundong ito? Mainit, maingay at wirdo ang mga tao.
Naalala ko bigla ang lalaking sumulpot noong sandali na sasama ako sa tatlong Ginoo na nagmagandang-loob na patuluyin ako sa kanilang tirahan ngunit nang dahil sa ginoo'ng dumating ay hindi natuloy. Bigla na lamang silang tumakbo at sumigaw sa hindi mawaring dahilan.
Ang wirdo nila.
"Ganito nalang Miss, para hindi ako mapagalitan ni Boss eh, doon ka na muna sa guard hall magpahinga. Walang aircon do'n, electric fan lang so tiis-tiis nalang Miss" nanliit ang aking mata sa lalaking ito.
"Ako ba'y pinagsasalitaan mo ng masama Ginoo?" Tanong ko habang nakaangat ang isang kilay at nakataas ang aking baba. Napakamot sa batok ang ginoo.
"Hindi Miss. Ang ibig kong sabihin eh, sa guard hall nalang kita patutuluyin tapos hintayin mo na lang si Sr. Yvo tutal pinababantayan ka n'ya sa'kin" mahabang litanya ng ginoo.
"Bantay? Hindi ko kailangan ng kawal. Kaya kong lumaban Ginoo"
"Hindi naman sa gano'n Miss. Ano ba 'yan? Akala ko ako na bobo sa mundo putsa meron palang hihigit sa'kin tsk" dinig kong turan n'ya. Ano ang bobo? Makakain pa 'yon?
"May sinasabi ka?"
"Ah hehehe wala naman Miss. Tara na nga" tumalikod ito sa'kin at humakbang kaya sinundan ko s'ya. Sa kasusunod ko sa lalaking ito ay nakarating kami sa isang lugar. Madilim na rito at maingay ang paligid. Ang kalsada ay walang puno o maski damo. Ang hangin ay nakakasulasok ang amoy. Parang bumabaliktad ang aking kalamnan dahil sa amoy. Mainit rin dito kaiba sa lugar namin.
Hindi ko namalayang napahinto ako dala ng pagpapaikot-ikot ng aking ulo at mata sa lugar. Iniangat ko ang aking ulo at tiningnan ang madilim na kalangitan. Pinagmasdan ko ang bilog na buwan.
'Ama, pasens'ya na kung sumuway ako sa inyong utos ngunit hindi ko talaga kaya ang iniuutos n'yo sa'kin. Hinihiling kong, sana ay maunawaan n'yo'
Isang malakas na tunog ang umalingawngaw dahilan para ako'y mabahala at kunin ang aking pana't palaso na nakasukbit sa aking hita at nakatago sa pamamagitan ng aking trahe de boda. Itinutok ko ito sa isang malaking bagay na parihaba. May apat na gulong at nakasisilaw ang liwanag na nakakakabit. Gusto kong mamangha ngunit ang aking katawan ay alerto.
'Isang kalaban!'
Inipit ko ang palaso sa pagitan ng hintuturo at gitna kong daliri. Inilagay sa pisi at itinutok sa bagay na iyon. Kita kong may mga tao sa loob.
'Binihag n'ya ang mga tao!'
Hinila ko ang pisi at pakakawalan na sana ang palaso nang sumigaw ang lalaking nasa harap.
"Hoy Miss! Umalis ka nga d'yan! Istorbo ka!"
'Ililigtas ko sila! Humihingi sila ng tulong sa akin!'
"H'wag kayong mag-alala mga tao. Sasagipin ko kayo!" Sigaw ko.
"Hoy! Ano ba, male-late ako sa trabaho!"
Nang muling umalingawngaw ang tunog na iyon ay pinakawalan ko na ang palaso na s'yang tumama sa salamin! Kita ko ang pagbasag ng salamin na iyon kaya napangiti ako.
'Talo ko agad ang kalaban'
"Aba'y g*go ka ah! Tang*na ka, sinira mo pa ang salamin ko!" Base sa reaksyon ng lalaking nagsalita kanina na nasa loob ay galit ito. Bakit s'ya nagagalit eh iniligtas ko ang kan'yang buhay? Hindi ba't dapat lang n'ya kong pasalamatan?
'Ganito ba ang mundo ng mga tao? Ganito sila magpasalamat?'
Nanlaki ang aking mata at namilog ang aking bibig dahil pagtapos ng ingay na iyon ay mabilis na lumapit ang bagay na iyon sa akin. Gumalaw ito at mabilis na pumunta sa'kin dahilan para kumuha ulit ako ng palaso ngunit huli na ang lahat dahil hindi ko pa naiaayos ang palaso sa pisi ay nakarating na ang bagay sa akin. Napapikit ako nang mariin ngunit sa hindi inaasahan ay may naramdaman akong yumakap sa akin kasabay no'n ay ang paggulong ng aming katawan sa lupa. Masakit ang maliliit na batong tumatama sa aking balat ngunit protektado ang aking ulo dahil sa kamay na nakaalalay dito. Para itong proteksyon para hindi tumama ang aking ulo sa sementado at malubak na sahig.
Paniguradong pagagalitan ako ni Ate oras na magkaroon ng sugat ang aking katawan at magagalit si Ama kung bakit ako napunta dito.
Huminto ang aming paggulong at nasa ibabaw ako ng taong nagligtas sa akin. Nakahiga ang aking ulo sa dibdib nito. Ang kan'yang kamay ay nasa likod ng aking ulo habang ang isa ay nakapalibot sa aking bewang. Ibinangon ko ang aking ulo kahit na may indang sakit sa ilang balat ko. Tiningnan ko ang may mabuting puso na nagligtas sa akin.
"I-Ikaw?" Gulat kong sabi. Tiningnan ako nito nang magkasalubong ang kilay ngunit ngumisi ito at saka inihiga ang ulo sa lupa. "G-Ginoo?" Natatakot kong tawag rito nang ipikit nito ang kan'yang mata. Bumangon ako't umupo sa tabi n'ya. Bahagya kong tinapik ang kan'yang pisngi upang magkamalay s'ya.
"P-Patay ka na ba?" Tanong ko rito. Sa hindi inaasahan ay dumilat ito at tiningnan ako nang matalim.
"Moron!" Sigaw nito sa'kin at saka tumayo. Tumingala ako sa lalaking ito. S'ya yung lalaking nagpaalis sa mga tutulong dapat sa akin at s'ya ring umiwan sa lugar na kakaiba. Ano't narito s'ya sa harap ko at iniligtas n'ya pa ako?
Yvo Artemis POV
Hindi ko alam kung anong naisip ko't bumalik ako sa kumpanya. I just found out riding my car and driving it unto my company. The woman's image always passed at my mind without any reason. When I got at company, I saw her holding a bow and arrow and f*ckingly pointing it to a f*cking jeep. So moron! And with that, jeepney driver get mad at her and about to ambush her but I saved this idiot lady. Tuloy ang dami kong sugat at ang sakit ng katawan ko.
"Moron!" I shout at her and stand. I look at her who's heading up. I smirked and offer my hand. She accepted it.
"Salamat Ginoo" mahinhing nitong sabi. Umiling-iling ako saka tiningnan ang kan'yang mukha. Probinsyana kaya siguro tanga.
"May kilala ka ba dito?"
"Wala"
"Sa'n ka tutuloy?"
"May pumuntang Ginoo kanina sa lugar kung saan mo ko iniwan at sinabi n'ya sa... gards hol daw ako tutuloy"
"Guards hall 'yon. Tss" hinawakan ko ang kan'yang braso at hinila.
"Ginoo, saan mo ko dadalhin?"
"I'll adopt you" I simply said while still walking. I want to face the jeepney driver but he's gone.
'Buti namukhaan kita. Yari ka sa'kin 'pag nakita kita dito'
We walk towards my car ang open the door for her. I look at the girl who's curiousingly looking inside the car.
"What are you looking at?" I asked her
"Huwag mo kong pagsalitaan ng masama" sabi nito nang masama ang tingin. Napangisi ako.
"Hindi kita pinagsasalitaan ng masama. Gagawan lang kita ng masama"
"Ano ang iyong ibig sabihin? Gusto mo bang maramdaman ang talim ng aking palaso ginoo?" Napailing nalang ako. Napakawirdo ng taong ito.
"Tss. Pumasok ka nalang" I madly said. Ngumuso ito at tumingin muli sa loob ng sasakyan. Papasok na sana s'ya nang mauntog ang tanga.
"Aray ko! Ikaw na masamang nilalang! Wala kang karapatan para ako'y saktan!"
"Ano ka ba? Katangahan mo 'yan. H'wag mong sisihin 'yan dahil ikaw 'tong tanga na di nagdadahan-dahan" iritado kong sabi dahil pinapalo n'ya ang ibubong sasakyan ko matapos mauntog. Hinilot ko ang aking sentido dahil bigla itong sumakit.
'Ang tanga tanga tangaaa!'
Tumingin ito sa'kin nang inosente.
"Pasens'ya na Ginoo, talagang hindi ako sanay sa mundo ng mga tao"
"Okay lang. Just go inside and behave"
"Ako'y humingi ng paumanhin ngunit pinagsasalitaan mo pa ko ng masama?"
"Ano ba?! Pumasok ka na sa loob. Masakit na katawan ko dahil sa'yo" huminga ito nang malalim saka yumuko at pumasok sa loob. Nang makita kong kumportable na s'ya sa pagkakaupo at lilinga-linga na sa kotse ay yumuko ako at iniharang ang aking braso kaya gulat itong napatingin sa'kin habang ako naman ay nakangisi.
"A-Ano ang iyong ginagawa?"
"Wala pa. Atat ka naman ata?" nakangisi kong saad saka kinuha ang seatbelt at ikinabit sa katawan niya. Matapos no'n ay tiningnan ko s'ya na namumula na ang mukha. Ngumisi ako saka umayos ng tayo. Patakbo akong pumunta at umupo sa driver's seat. Tiningnan ko s'ya.
"Kay ganda at lamig dito hindi katulad kanina sa labas" nakangiti n'yang sabi.
"Wala ba nito sa inyo?" Tanong ko saka pinaandar ang kotse.
"Karaniwan ay karwahe at kariton ang gamit sa aming mundo" tumingin ako sa kan'ya sa side mirror saka binalik ang atensyon sa pagmamaneho.
"Saan bang mundo ang tinutukoy mo? At anong klaseng nilalang ka ba? Para kang timang na kung ano-anong sinasabi" rinig ko ang malalim niyang paghinga.
"May dahilan kung bakit ako narito sa mundo n'yo" tanging sabi n'ya. I looked at her using the side mirror. She is looking outside while caressing her necklace's pendant. I sighed.
'She's really insane'
I decided to shut my mouth until we reach my house. I went outside and open the door. Lumapit akong muli sa kan'ya ang I unlocked her seatbelt. She went outside too and rotate her head all over my place.
"Kay ganda! Sariwa ang hangin at maraming mga damo!" She happily said. I shook my head with a smirked in my face.
"Let's go" I said and walk first. I opened the gate and let her come first. She's still visiting every detail of my house using her eyes that roaming my place.
"Katulad ng mga maharlika sa amin ngunit mas moderno ang pagkakagawa nito. Magaling sa estruktura ang gumawa" I didn't talk until we went to the door. I opened it using my key and enter first. I open the lights and sit on the couch. I analyze the girl who's still unbelievably looking at my mansion.
'Pathetic'
"Teknolohiya. Kay ganda!" Patuloy n'yang papuri.
"You can do whatever you want moron" I said and rested my nape on the backrest of couch. I closed my eyes and I found myself travelling my mind to Hariette. Our bonding together. I sighed heavily because of that.
'Kung kailan okay na 'ko, saka ka magpapakita? Ginugulo mo ang utak ko'
She is there when I need someone to talk to. She is there in my up's and down and she is there in my darkness. Tinulungan ko s'yang mapunta sa job na gusto n'ya. Ako ang dahilan kung bakit s'ya napunta ro'n and with that, she changed. I don't know what I am going to do the time when she left me and with this moment where she came back, I don't know what will I do basta ang alam ko, galit ako sa kan'ya.
Idinilat ko ang aking mata dahil tahimik ang lugar.
'Nasaan na 'yon?'
I sighed heavily because of stupidity I did? Bakit ko sinabing aampunin ko ang baliw na 'yon? Sakit lang naman sa ulo. Hindi ko alam kung inosente ba s'ya o tanga? O baka baliw? Ang gulo n'ya sobra. Simpleng bagay, tuwang-tuwa.
I decided to stand and find where she is now.
"Moron!" I shouted all over the mansion but no one responded. "Moron, where are you?" I shouted again while walking towards the CR. I knocked but no one answered. Nangunot ang aking noo. Umalis ba s'ya? Ba't di man lang s'ya nagpaalam?
I caress my tummy when it sounded. Nagugutom na 'ko tsk. Pumunta ako sa kusina pero napahinto ako dahil nakabukas ang ref. I open the switch. Nakabukas nga ang ref. Pumunta ako at isasara na dapat nang may sumigaw.
"Aray!" Napatingin ako sa taong kinuha ko. Nakaharap s'ya sa ref habang nakaupo at hawak ang chocolate ice cream ko. Ang hintuturo n'ya ay nasa bibig habang hawak n'ya ang isang cup ng ice cream ko. "Magandang gabi, Ginoo" nakangiting bati nito saka itinuon ang paningin sa hawak na ice cream. Muli s'yang kumain gamit ang hintuturo. "Kay sarap nitong pagkain at ang lamig sa harap ng teknolohiyang ito" nakangiting sabi nito. Tuwang-tuwa.
Napahinga nalang ako nang malalim at humawak sa sentido ko. She is a head ache. Tumalikod ako at naglakad palabas ng kusina. Dumiretso ako ng kwarto at naligo para man lang mawala ang sakit at init ng ulo ko.
Napangisi ako habang naliligo.
'Masyadong inosente. Tuwang-tuwa sa maliit na bagay'
Prinsesa Atyrrah POVHindi ko maipaliwanang ang kakaiba kong nararamdaman dito sa lugar na aking napuntahan. Hindi ko akalaing maganda at angat ang kabuhayan dito sa mundo ng mga tao. May masama man nangyari ay hindi ko na iyon inalala dahil napakasarap nitong kinakain ko.Kulay dumi ang hitsura. Malamig ito at matamis. Kung alam ko lang na ganito ang lasa ng dumi, edi sana ay kinain ko rin ang inilalabas ko hihihi.Muli kong inilibot ang aking paningin sa loob ng teknolohiyang kaharap ko. Malamig ito at may yelo sa loob. Ang mga pagkaing nakakubli ay malalamig. Kakaiba talaga ang mundong ito. Hiling kong sana ay may ganito rin sa aming mundo para maranasan nila Ate at Ama ang ganitong buhay.'Sana'y hindi magalit sa akin si Ama'Napabuntong-hininga ako at saka tumayo. Ki
Yvo Artemis PovMorning comes and I didn't want to work 'coz all I wanted to do is to have some grocery since my refrigerator is empty. I am now here at the guestroom and waiting for the moron. I want her to bring at the mall so she can be familiar here at Manila but before that, I need a maid. I need someone to assist that moron if ever I am not around.[Oh?] Crielle--one of my buddy--answered the phone."I need maid" sagot ko saka pinatay ang tawag. Tumingin ako sa labas. Naalala ko na naman yung kagabi hahahaha.'Ahas huh?'I am at the middle of my thought when my phone rang. It's Crielle.[G*go ka ba?] Napangiwi ako sa bungad nito."Ano ba iyon?"
Chapter 5: The PentagonYvo Artemis POV"What are you doing here?" I asked Hariette while my brows are intersected. Nakakabadtrip. Umagang-umaga dumating ang malas."Who's that girl Yvo? Huh?! Who's that f*cking girl?!" Gigil n'yang tanong habang hinahampas ang braso ko. Lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko kaya hinawakan ko ang kaniyang brasong panay ang hampas sa akin."Eh ano bang pakialam mo?""I am your girlfriend!" Napatawa ako ng mapait dahil sa sinabi n'yang kalokohan."Are you insane? Daydreaming? Tapos na tayo, tatlong taon na ang nakakalipas at hindi ako ang tumapos kung hindi ikaw" hindi siya umimik. Masamang tingin ang ibinigay niya sa akin. "Kung ano man ang gagawin ko sa buhay ko, labas ka na do'n. I can only see you as nothing" isang malutong na sampal ang inabot ng pisngi ko. Isang masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya ngunit agad natunaw nang makita ko ang pagtulo ng luha niya. Napaiwas ako ng tingin."I am
Yvo Artemis POVIbinagsak ko ang katawan sa kama. Itinaklob ko ang unan sa mukha dahil sa inis. Naiinis ako dahil alam ko ang nararamdaman ni Crielle. She's a good buddy and I know that she's offended with that moron. I know that she knew nothing but is she didn't know how to avoid questions that is too personal? Nakakainis!I sighed heavily and go at the balcony just to have fresh air.'How can I talk to Crielle now? Tsh'A knock on the door made me back to reality. I look at it and I saw the girl walking towards my direction."Ginoo" tawag nito sa'kin nang nakangiti. She's wearing the red dress I bought a while ago. Bagay na bagay sa kan'ya."Ano?""N-Nag-aalala kasi ako sa inasal mo kanina. Iniisip ko kung bakit nagmukha kang galit" pumasok na ko sa loob at umupo sa kama. Nakasunod lang s'ya ng tingin sa akin."Tss. Wala. Umalis ka na""Gusto kong malaman nang sa gayon ay mapagaan k
Yvo Artemis POVAfter a couple of an hour, I decided to go outside since I am already hungry. Naabutan ko si Shaylla na inaayos ang mga curtain."Good Afternoon Sr" she greeted but I didn't greeted her back. Dumiretso ako ng kusina para kumuha ng ice cream. Lumabas din ako pagtapos."Oy Maid, where's Atyrrah?""Ahh Sr? Yung babae pong kasama n'yo rito kanina?""Ay hindi. May iba ba kong kasama kanina?" I said sarcastically and open my ice cream."Ay hehehe, nasa room n'ya po ata. Hindi pa s'ya lumalabas eh" nagsalubong ang aking kilay dahil sa sinabi n'ya."As in, hindi pa? Edi hindi pa yun nagta-tanghalian?""Wag n'yo po akong tanungin Sir at badtrip ako" tinaliman ko ang tingin ko sa kan'ya. "Jojowa-jowa tapos sa'kin tatanungin psh" nakanguso nitong bulong habang nakatalikod sa akin.'Di ako magjojowa ng bobo tsh'Instead of arguing with that maid, I decided to go at her room. Ano na naman kaya
Yvo Artemis POVNanggigigil akong bumuntong-hininga. Nakakabadtrip! Una yung kay Atyrrah. Pangalawa itong si Viola na titira dito at pangatlo paniguradong nand'yan din si Beatrice sa loob.'Ano pang aasahan ko? Eh golddigger yun. Kung nasa'n si Daddy, doon din s'ya. Tsh'Ipinikit ko ang aking mata at saka tumingala. Inihahanda ko ang sarili ko dahil alam kong walang makikinig sa'kin sa loob at paniguradong ipipilit nila ang gusto nila. Magaling magpaikot ng tao si Daddy kahit ako mismo hindi alam ang galaw ng utak n'ya kaya alam kong ipipilit nila ang gusto nilang mangyari."Ginoo" napadilat ako ng mata at saka tiningnan ang nagsalita. Nasa harapan ko ngayon si Atyrrah na nakatingala sa'kin. Nakangiti s'ya at nakahawak ang kamay sa pendant n'ya. Inis akong humalukipkip saka tiningnan s'ya nang seryoso."Ano?" Ngumiti s'ya pero kita rin ang pagseseryoso."Nakausap ko ang mga magulang mo""Tss. Hindi ko sila magulang"
Prinsesa Atyrrah POVTatlong araw na ang nakalipas mula no'ng dito tumira si Biyola at tatlong araw na rin bitin ang tulog ko. Palagi na lang akong nagigising dahil sa bangayan ng dalawa. Bago at pagtapos ng araw ay puro pag-iingay nila ang maririnig na animo'y nasa giyera."Umalis ka kung aalis ka basta umuwi ka sa tamang oras!" Dinig kong sigaw ni Ginoong Ibo kay Biyola. Nasa baba naman sila pero hanggang dito ay rinig ko ang ingay ng dalawa."Duh, aalis ako kung kailan ko gusto at wala akong pakialam d'yan sa mga patakaran mo!" Sigaw rin ni Biyola. Nakaraang gabi ay alas dose na ng gabi umuwi ang dilag na iyon kaya simula no'n ay nilimitahan na ng Ginoo ang oras ng pag-uwi ni Biyola."Gusto mo isumbong pa kita kay Daddy ha?! Napakatigas ng ulo mo ah!" Sigaw ulit ng Ginoo. Malakas akong bumuntong-hininga at saka tumayo. Nagsuklay ako ng aking buhok at bago lumabas sa pinto ay lumabas si Aireen mula sa pandeha."Oh? Kay aga
Chapter 10: Hindi Tayo PwedePrinsesa Atyrrah POVPagtapos kumain ay narito ako sa harap ng teknolohiyang malamig at maraming pagkain sa loob para mamili ng makakaing panghimagas. Gano'n kasi ang hilig ko sa aming mundo. Tuwing pagtapos ng pagkain ay hahanap ako ng makakain ulit panghimagas naman. Pero kahit nakita ko na ang aking gusto ay hawak ko lang ito. Tinitingnan at binabasa ang letra na hindi ko naman maintindihan ang ibig sabihin. Ito ang kinain ko nakaraan nang dumating dito.May kung ano sa aking puso na lumulukob dahilan para hindi ako makangiti nang maayos bagaman alam ko na ang masarap ang lasa nitong hawak ko. Kapag naaalala ko ang mga pinag-usapan ng Ginoo at Binibini sa sala ay binabalot ng kung anong kalungkutan ang aking puso. May maliit na parang tumutusok sa aking puso dahilan para sumakit ito.'Naku, may sakit ata ako sa puso'Huminga ako nang malalim at saka isinara ang teknolohiya. Hawak ko pa rin ang panghimagas. Nagu
Hello!Maraming Salamat sa suporta'ng ibinigay niyo kayla Atyrrah at Yvo. Maraming Salamat sa mga nanatiling magbasa hanggang dulo. Maraming Salamat sa bumoto, nagbasa, nagbigay ng gems at nag-aksaya ng coins. Doon pa lang sa part na nagbigay kayo ng coins para mabuksan 'yong chapter, thankful na po ako. At lalo akong nagpapasalamat sa pagbibigay ng gems at vote.Salamat sa pag-intindi ng kabuuan ng istorya kahit maraming typographical and grammatical errors. I'm still learning bud so I highly appreciate that you'd understand Atyrrah and Yvo's lovestory.I did my best to create this story. This is part of Pentagon Series at sana na-satisfy ko kayo. Marami pa'ng lalakbayin ang Pentagon, at ito pa lang ang simula.Napasaya ko ba kayo?Nalungkot ba kayo?Nagalit ba kayo?Kasi kung naramdaman niyo iyan sa pamamagitan nila Atyrrah, Yvo, Lucidiro, Hariette at Reyna Karis, then, maybe I'd satisfied you.Bud, it isn't yet the epilogue.
Mataman kong tiningnan ang mga batang naglalaro at nagtatawanan mula sa pinto ng palasyo. Ang kamay ko ay nasa loob ng aking pantalon habang nakasandal ako sa hamba ng pinto.Isang taon na rin ang lumipas.Masagana na ang lahat. Masigla na. Puro masasaya ang mga bata. Maayos na pinamumunuan ang Kaharian ng Cladmus ni Tiyo Atikus habang hinihintay si Viola na maging ganap na tagapag-mana ng kaharian. Sa kabila ng kasalanan ng Reyna Karis sa Kahariang ito at nalaman man ng mga Acrañum ang tunay na identidad ni Viola, hindi nadamay ang bata sa galit nila kay Reyna Karis.Si Tiya Agnes naman ang pansamantalang namumuno sa Kaharian ng Bilbun. Si Atirrah at Galleion sa Kaharian ng Lintuen at mag-isang pinamumunuan ni Reyna Althea ang Kaharian ng Minimulis.Binigyan ng parusa sina Atirrah, Aireen, Lucidiro at Heneral Baron. Ang parusang tinanggap nila ay depende sa kasalanang nagawa nila sa kanilang kaharian.Maraming nangyari sa
Yvo Artemis POVIto ang ika-anim na araw pagtapos ng nangyari sa Kaharian ng Cladmus. Marami na kong natutunan tungkol sa mga narito dahil araw-araw ay wala kaming ginawa ni Atyrrah kung hindi ang umalis at mamasyal sa lugar. Proud niyang ipinakikilala sa akin ang mga bagay-bagay. Halata ang tuwa lagi sa kaniyang mukha. Masaya rin naman ako pero hindi kapag gabi.Sa oras na natutulog dapat ang lahat at nagpapahinga ay hindi ako. Gusto kong titigan siya magdamag at walang pakialam kahit umaga na. Ayokong ipikit ang mga mata ko dahil sa takot na baka pagdilat ko ng mata ay wala na siya.Natatakot ako."Anong iniisip mo?" Ibinaba ko ang tingin kay Atyrrah. Nakaupo kami sa isang puno na mayabong ang mga dahon habang pinagmamasdan ang dapit-hapon."Wala" pagsisinungaling ko. Hinaplos ko ang kaniyang balikat dahil nakaakbay ako sa kaniya habang siya ay nakahilig ang ulo sa dibdib ko. Magkasiklop ang aming kamay at panay ang haplos ng hinlalak
Yvo Artemis POVHumagulgol ang lahat. Lahat sila nakapalibot sa amin. May mga paru-parong nagsiliparan sa paligid na kulay asul at dumarapo sa mga patay na Acrañum. May lumapit na dalawang puting paru-paro na lumapag sa likod ng palad ni Atyrrah.Ayokong paniwalaan. Para akong nakalutang. Ang sakit ng ulo ko dulot ng pag-iyak. Wala pa kong nasasabi sa kaniya. Hindi ko pa napapatunayan ang pagmamahal ko sa kaniya."Atyrrah..." umiiyak kong tawag sa pangalan niya. Pilit kong isinisiksik sa utak ko na biglang magmumulat ang mata niya kahit alam kong imposible. Wala na ang mainit niyang hininga."Halika na," tumingala ako. Dumapo sa entrada ang mata ko. Isang babaeng naka-trahe de boda at isang lalaking walang mukha ang nakita ko. Unti-unting humarap sa gawi ko ang babaeng naka-trahe de boda. Ngumiti ang labi niya sa akin saka tumango."Atyrrah.." bulong ko sa aking sarili saka binitiwan ang katawan niya. Lumapit ako sa e
Yvo Artemis POVNabitawan ako ng Reyna nang hawakan siya ni Atyrrah sa pulsuhan. I can't believe of what I am seeing right now. The consistency of smirk and glare at her face gave shivers in my body. She is way too far from what she was used to be.Nanghihina kong tiningnan ang laban nila. Simpleng hawak lang sa braso ang ginawa ni Atyrrah pero ang gulat sa mukha ng Reyna ay bakas na bakas. Bigla ay hinawakan niya ang buhok ng Reyna at iniuntog ang ulo nito sa tuhod niya. Hindi nagpakita ng sakit ang Reyna. Hinawakan niya si Atyrrah sa braso at ipinaikot pero mabilis pa sa pagkurap na tumalon si Atyrrah na sa likod ng Reyna napunta. Iyon ang naging dahilan kung bakit tila nakakulong ang Reyna sa sarili nitong braso."Bumitaw ka!" Makapangyarihang sigaw ng Reyna pero isang kakila-kilabot na tawa ang pinakawalan ni Atyrrah."Baka nakakalimutan mo. Ako ang bida sa kwentong ito" hindi ko maipaliwanag ang boses niya. Magkahalo ang boses niya at ng
Prinsesa Atyrrah POVHindi ko magawang magsaya. Ang puso ko ay nilulukob ng takot at lungkot dahil sa mga naririnig na sigaw at iyak ng mga Acrañum. Sa pagkakataong ito nasabi ko na mahina ako. Bilang Prinsesa, dapat ko silang ipagtanggol ngunit heto ako. Nakasakay kay Havok kasama ang Ginoo.Hindi.Hindi ang aking sarili ang pwede kong isipin ngayon. Hindi ang Ginoo kung hindi ang responsibilidad ko. Hindi ako ipinanganak upang marinig ang tangis at makita ang paghihirap ng mga Acrañum."Bumaba ka Havok--""Ano?! Hindi!" Salubong ang kilay na tiningnan ko ang Ginoo. Kunot ang noo niya."Kailangan ako ng mga Acrañum" ani ko. Umiling siya at saka hinawakan ang aking tiyan."Hindi ka pwedeng masaktan. Nasa iyo ang anak ko Atyrrah" kunot man ang noo ay kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Inilapit ko ang labi sa kaniya saka iyon inilapat sa labi niya."Huwag kang mag-aalala. Sa'
Yvo Artemis POVHabang dumadampi ang hangin sa aking mukha na ginugulo ang aking buhok ay hindi ko maiwasang matakot. Fear is creeping me out not by me but for those creature. I saw the messy place. I saw how powerful the Queen is. And I can't help myself but to get worried about them especially to Atyrrah.Bumaliktad ang sitwasyon namin. Ako naman ang ignorante sa nakikita pero hindi ko ma-appreciate ang paligid dahil sa pag-aalala.Habang nililipad ako ni Havok ay lumilipad rin ang aking isip. Ano ang pwede kong gawin para makatulong? Hindi ako sumama dito para lang magtago.Inilapag ako ni Havok sa isang bundok. Kakaiba rito dahil nagliliwanag ang mga puno. May mga alitaptap rin na nagpapaganda sa lugar. I roam my eyes at the place. My hands are in my pocket as I withdraw myself from Havok's back.This place was breath-taking. It is charming. A fantasy. What I am seeing right now makes me amaze.How God created this kind
3rd Person POVNaging marahas ang bawat isa, alisto sila. Ang mga kawal at ibang Acrañum ay nakatutok ang mga palaso sa mga nag-alyansa laban sa Reyna na pinamumunuan ni Heneral Baron. Nanatili itong nakaupo sa kaniyang kabayo.Ang mga opisyal ay handa na ang kapangyarihan habang nakatingin kina Prinsesa Atyrrah at Reyna Karis. Bakas naman ang takot sa mukha ni Yvo Artemis. Hawak niya ang brasong nakapalibot sa kaniyang leeg.Ang Reyna na may apoy sa kaniyang palad ay desidido sa gagawin. Kapag naipasa sa kaniya ng pormal ang Kaharian ng Cladmus, mapapasakaniya na ang buong kaharian. Nang dumating ang Tiyo at Tiya ng magkapatid na Prinsesa ay kinabahan siya. Ayaw niyang mawala ang Kaharian na simbolo ng kaniyang kapangyarihan."Kapag sinunod niyo ang nais ko, papakawalan ko ng walang galos ang taong ito" banta niya sa lahat lalo na kay Prinsesa Atyrrah na ngayon ay walang makikitang emosyon sa mukha. Palipat-lipat na rin ang kulay
Prinsesa Atirrah POVBumuntong-hininga ako. Nalulungkot ako na magagaya ang tadhana ng aking kapatid sa akin. Natatakot ako na magaya ang kapalaran niya sa akin. Ano pa kapag nalaman ni Lucidiro na may bata sa kaniyang sinapupunan?Tiningnan ko ang aking anak. Seryoso niyang iginagala ang tingin sa Kaharian ng Cladmus. Sobra akong naaawa sa kaniya. Halata ang pagiging ignorante niya sa mundong ito. Paano nga ba mabubuksan ang isip niya kung ikinukulong siya ni Galleion sa kaharian? Na hanggang pagtingin nalang mula sa bintana ang tanging nagagawa niya.Iniangat ko ang tingin. Hinihiling kong matapos na ang paghihirap, hindi ng sarili ko kung hindi ng aking anak.Tumunog ang gong. Senyales ng pagpasok ng mga opisyal. Pangungunahan ni Narnion ang pagpasok. Ang unang pumasok ay ang mga kawal na nasa kinse ang bilang.Nag-martsa sila sa pasilyo at nang tumapat ang pinuno sa hilera ng gintong upuan ay huminto siya, gano'n rin ang mga k