Yvo Artemis POV
Ibinagsak ko ang katawan sa kama. Itinaklob ko ang unan sa mukha dahil sa inis. Naiinis ako dahil alam ko ang nararamdaman ni Crielle. She's a good buddy and I know that she's offended with that moron. I know that she knew nothing but is she didn't know how to avoid questions that is too personal? Nakakainis!
I sighed heavily and go at the balcony just to have fresh air.
'How can I talk to Crielle now? Tsh'
A knock on the door made me back to reality. I look at it and I saw the girl walking towards my direction.
"Ginoo" tawag nito sa'kin nang nakangiti. She's wearing the red dress I bought a while ago. Bagay na bagay sa kan'ya.
"Ano?"
"N-Nag-aalala kasi ako sa inasal mo kanina. Iniisip ko kung bakit nagmukha kang galit" pumasok na ko sa loob at umupo sa kama. Nakasunod lang s'ya ng tingin sa akin.
"Tss. Wala. Umalis ka na"
"Gusto kong malaman nang sa gayon ay mapagaan k
Yvo Artemis POVAfter a couple of an hour, I decided to go outside since I am already hungry. Naabutan ko si Shaylla na inaayos ang mga curtain."Good Afternoon Sr" she greeted but I didn't greeted her back. Dumiretso ako ng kusina para kumuha ng ice cream. Lumabas din ako pagtapos."Oy Maid, where's Atyrrah?""Ahh Sr? Yung babae pong kasama n'yo rito kanina?""Ay hindi. May iba ba kong kasama kanina?" I said sarcastically and open my ice cream."Ay hehehe, nasa room n'ya po ata. Hindi pa s'ya lumalabas eh" nagsalubong ang aking kilay dahil sa sinabi n'ya."As in, hindi pa? Edi hindi pa yun nagta-tanghalian?""Wag n'yo po akong tanungin Sir at badtrip ako" tinaliman ko ang tingin ko sa kan'ya. "Jojowa-jowa tapos sa'kin tatanungin psh" nakanguso nitong bulong habang nakatalikod sa akin.'Di ako magjojowa ng bobo tsh'Instead of arguing with that maid, I decided to go at her room. Ano na naman kaya
Yvo Artemis POVNanggigigil akong bumuntong-hininga. Nakakabadtrip! Una yung kay Atyrrah. Pangalawa itong si Viola na titira dito at pangatlo paniguradong nand'yan din si Beatrice sa loob.'Ano pang aasahan ko? Eh golddigger yun. Kung nasa'n si Daddy, doon din s'ya. Tsh'Ipinikit ko ang aking mata at saka tumingala. Inihahanda ko ang sarili ko dahil alam kong walang makikinig sa'kin sa loob at paniguradong ipipilit nila ang gusto nila. Magaling magpaikot ng tao si Daddy kahit ako mismo hindi alam ang galaw ng utak n'ya kaya alam kong ipipilit nila ang gusto nilang mangyari."Ginoo" napadilat ako ng mata at saka tiningnan ang nagsalita. Nasa harapan ko ngayon si Atyrrah na nakatingala sa'kin. Nakangiti s'ya at nakahawak ang kamay sa pendant n'ya. Inis akong humalukipkip saka tiningnan s'ya nang seryoso."Ano?" Ngumiti s'ya pero kita rin ang pagseseryoso."Nakausap ko ang mga magulang mo""Tss. Hindi ko sila magulang"
Prinsesa Atyrrah POVTatlong araw na ang nakalipas mula no'ng dito tumira si Biyola at tatlong araw na rin bitin ang tulog ko. Palagi na lang akong nagigising dahil sa bangayan ng dalawa. Bago at pagtapos ng araw ay puro pag-iingay nila ang maririnig na animo'y nasa giyera."Umalis ka kung aalis ka basta umuwi ka sa tamang oras!" Dinig kong sigaw ni Ginoong Ibo kay Biyola. Nasa baba naman sila pero hanggang dito ay rinig ko ang ingay ng dalawa."Duh, aalis ako kung kailan ko gusto at wala akong pakialam d'yan sa mga patakaran mo!" Sigaw rin ni Biyola. Nakaraang gabi ay alas dose na ng gabi umuwi ang dilag na iyon kaya simula no'n ay nilimitahan na ng Ginoo ang oras ng pag-uwi ni Biyola."Gusto mo isumbong pa kita kay Daddy ha?! Napakatigas ng ulo mo ah!" Sigaw ulit ng Ginoo. Malakas akong bumuntong-hininga at saka tumayo. Nagsuklay ako ng aking buhok at bago lumabas sa pinto ay lumabas si Aireen mula sa pandeha."Oh? Kay aga
Chapter 10: Hindi Tayo PwedePrinsesa Atyrrah POVPagtapos kumain ay narito ako sa harap ng teknolohiyang malamig at maraming pagkain sa loob para mamili ng makakaing panghimagas. Gano'n kasi ang hilig ko sa aming mundo. Tuwing pagtapos ng pagkain ay hahanap ako ng makakain ulit panghimagas naman. Pero kahit nakita ko na ang aking gusto ay hawak ko lang ito. Tinitingnan at binabasa ang letra na hindi ko naman maintindihan ang ibig sabihin. Ito ang kinain ko nakaraan nang dumating dito.May kung ano sa aking puso na lumulukob dahilan para hindi ako makangiti nang maayos bagaman alam ko na ang masarap ang lasa nitong hawak ko. Kapag naaalala ko ang mga pinag-usapan ng Ginoo at Binibini sa sala ay binabalot ng kung anong kalungkutan ang aking puso. May maliit na parang tumutusok sa aking puso dahilan para sumakit ito.'Naku, may sakit ata ako sa puso'Huminga ako nang malalim at saka isinara ang teknolohiya. Hawak ko pa rin ang panghimagas. Nagu
Prinsesa Atyrrah POVNakangiti akong bumangon sa pagkakahiga. Umaga na pala at hindi ako nakapag-hapunan kagabi dahil sa aking pagkanta at pag-iyak. Iwinaksi ko sa aking isip ang mga nangyari kahapon kaya nakangiti akong naligo. Pagtapos maligo ay umupo ako sa kama at hinawakan ang aking pandeha."Aireen?" Tawag ko sa aking acrinim. Hindi ko kasi alam kung umuwi siya kagabi. Matapos niya magpaalam ng umaga ay hindi ko alam kung bumalik ba siya.Maya-maya lang ay lumabas na si Aireen na nakangiti ngunit halata sa mata ang antok. Nanliliit ang kaniyang mata at ilalim nito'y maitim."Bakit Prinsesa?" Tanong niya habang ginugusot ang mata."Umuwi ka pala? Hindi ko napansin. Anong oras ka umuwi?" Tanong ko sa kaniya. Lumapag siya sa aking hita."Madilim na rin Prinsesa no'ng ako'y umuwi. M-May tiningnan kasi ako" sabi nito habang kamot ang ulo."May inililihim ka sa akin" seryoso kong turan. Nanlaki ang
Viola POVOkay, it is monday today. Brats and jerks are all in my way through the canteen. Hindi ko alam kung ano ba ang meron sa buhay ko at panay ang pagpapansin ng mga taong 'to. Nakakabadtrip lang patulan dahil paulit-ulit lang kaso parang wala naman silang balak akong lubayan. Wala naman silang patunay. Makagawa lang ng kwento."Hi bitch. It's Monday today" maarteng salubong ni Mika. His father is a senator and her mother was a model kaya ganito katapang ang loob niya. Malakas ang kapit eh."Mamaya. I'm still not withdrawing my money. My Mom wasn't still sending my allowance" para lang tigilan ako ng demonyitang 'to, I decided to give her my full allowance every Monday. Matigil lang ang kaingayan ng mundo ko."Oh? Baka naman di ka na tinuring na anak since sampid ka lang sa Artemis hahahaha. You're so lucky because you'd been part of Artemis. Based on my Dad, magaling si Tito Nate sa pasikot-sikot ng business kaya nga--- hey wait! W
Yvo Artemis POVNakaupo lang ako sa sahig habang hawak ang panga ko. Malakas ang suntok niya. Solid na solid pero kapag naalala ko ang nangingilid niyang luha habang galit na galit sa akin ay nagi-guilty ako. Unang beses kong makita siyang galit, naghahabol ng hininga at namumuo ang luha. Sa isang iglap, ibang Atyrrah ang nakita ko. Ibang Atyrrah ang nakasanayan ko. Iyon ay ang Atyrrah na marunong lumaban at iyon ang Atyrrah'ng bigla kong hinangaan.'She's really unbelievable'Nakatulala lang ako sa pinto ng kwarto niya. Namamanhid ang panga ko."Woah, she can punch" rinig kong comment ni Crielle. Even I am not looking at her, I know that she's staring at me, confusingly and amazingly."She is violent. Kanina pa noong nakita niyang hawak si Viola ng schoolmates niya" napatingin ako kay Klyton. Nakapamulsa siya at nakangisi habang nakatingin sa pinto. Bigla ay nakaramdam ako ng inis.'Kanina pa sila magkasama kung gano'n?'
Viola POV"Nakatanggap ako ng email mula sa principal ng school niyo" napatingin ako kay Kuya Yvo. We're now taking up breakfast. After nang nangyari kahapon ay naging panatag ang loob ko. For unknown reason, I trusted Atyrrah's word. It seems she have magic to make me believe in her words."It's okay. Ako nalang magpapaliwanag kay Dean. I knew, he'll listen" I said. Ang totoo, kinakabahan ako. Alam kong mangyayari 'to, ang kaso, sinong isasama ko? Alanganing si Atyrrah eh mas mainitin pa ang ulo niya kaysa sa'kin. Alam ko ring hindi ako pakikinggan ni Dean Ruiz dahil suki na ko sa Guidance Office. Lalo na't paniguradong nandiyan sina Mr. And Mrs. Salvador para ipagtanggol ang haliparot nilang anak.'Kung gano'n lang din ang magiging pamilya ko, wag nalang. All I want is complete family at hindi konsintidor'"Sasama ako" napatingin ako kay Kuya Yvo because of what he said. He's attention is on the food we're eaten. Himala! As in himala. Mas gu
Hello!Maraming Salamat sa suporta'ng ibinigay niyo kayla Atyrrah at Yvo. Maraming Salamat sa mga nanatiling magbasa hanggang dulo. Maraming Salamat sa bumoto, nagbasa, nagbigay ng gems at nag-aksaya ng coins. Doon pa lang sa part na nagbigay kayo ng coins para mabuksan 'yong chapter, thankful na po ako. At lalo akong nagpapasalamat sa pagbibigay ng gems at vote.Salamat sa pag-intindi ng kabuuan ng istorya kahit maraming typographical and grammatical errors. I'm still learning bud so I highly appreciate that you'd understand Atyrrah and Yvo's lovestory.I did my best to create this story. This is part of Pentagon Series at sana na-satisfy ko kayo. Marami pa'ng lalakbayin ang Pentagon, at ito pa lang ang simula.Napasaya ko ba kayo?Nalungkot ba kayo?Nagalit ba kayo?Kasi kung naramdaman niyo iyan sa pamamagitan nila Atyrrah, Yvo, Lucidiro, Hariette at Reyna Karis, then, maybe I'd satisfied you.Bud, it isn't yet the epilogue.
Mataman kong tiningnan ang mga batang naglalaro at nagtatawanan mula sa pinto ng palasyo. Ang kamay ko ay nasa loob ng aking pantalon habang nakasandal ako sa hamba ng pinto.Isang taon na rin ang lumipas.Masagana na ang lahat. Masigla na. Puro masasaya ang mga bata. Maayos na pinamumunuan ang Kaharian ng Cladmus ni Tiyo Atikus habang hinihintay si Viola na maging ganap na tagapag-mana ng kaharian. Sa kabila ng kasalanan ng Reyna Karis sa Kahariang ito at nalaman man ng mga Acrañum ang tunay na identidad ni Viola, hindi nadamay ang bata sa galit nila kay Reyna Karis.Si Tiya Agnes naman ang pansamantalang namumuno sa Kaharian ng Bilbun. Si Atirrah at Galleion sa Kaharian ng Lintuen at mag-isang pinamumunuan ni Reyna Althea ang Kaharian ng Minimulis.Binigyan ng parusa sina Atirrah, Aireen, Lucidiro at Heneral Baron. Ang parusang tinanggap nila ay depende sa kasalanang nagawa nila sa kanilang kaharian.Maraming nangyari sa
Yvo Artemis POVIto ang ika-anim na araw pagtapos ng nangyari sa Kaharian ng Cladmus. Marami na kong natutunan tungkol sa mga narito dahil araw-araw ay wala kaming ginawa ni Atyrrah kung hindi ang umalis at mamasyal sa lugar. Proud niyang ipinakikilala sa akin ang mga bagay-bagay. Halata ang tuwa lagi sa kaniyang mukha. Masaya rin naman ako pero hindi kapag gabi.Sa oras na natutulog dapat ang lahat at nagpapahinga ay hindi ako. Gusto kong titigan siya magdamag at walang pakialam kahit umaga na. Ayokong ipikit ang mga mata ko dahil sa takot na baka pagdilat ko ng mata ay wala na siya.Natatakot ako."Anong iniisip mo?" Ibinaba ko ang tingin kay Atyrrah. Nakaupo kami sa isang puno na mayabong ang mga dahon habang pinagmamasdan ang dapit-hapon."Wala" pagsisinungaling ko. Hinaplos ko ang kaniyang balikat dahil nakaakbay ako sa kaniya habang siya ay nakahilig ang ulo sa dibdib ko. Magkasiklop ang aming kamay at panay ang haplos ng hinlalak
Yvo Artemis POVHumagulgol ang lahat. Lahat sila nakapalibot sa amin. May mga paru-parong nagsiliparan sa paligid na kulay asul at dumarapo sa mga patay na Acrañum. May lumapit na dalawang puting paru-paro na lumapag sa likod ng palad ni Atyrrah.Ayokong paniwalaan. Para akong nakalutang. Ang sakit ng ulo ko dulot ng pag-iyak. Wala pa kong nasasabi sa kaniya. Hindi ko pa napapatunayan ang pagmamahal ko sa kaniya."Atyrrah..." umiiyak kong tawag sa pangalan niya. Pilit kong isinisiksik sa utak ko na biglang magmumulat ang mata niya kahit alam kong imposible. Wala na ang mainit niyang hininga."Halika na," tumingala ako. Dumapo sa entrada ang mata ko. Isang babaeng naka-trahe de boda at isang lalaking walang mukha ang nakita ko. Unti-unting humarap sa gawi ko ang babaeng naka-trahe de boda. Ngumiti ang labi niya sa akin saka tumango."Atyrrah.." bulong ko sa aking sarili saka binitiwan ang katawan niya. Lumapit ako sa e
Yvo Artemis POVNabitawan ako ng Reyna nang hawakan siya ni Atyrrah sa pulsuhan. I can't believe of what I am seeing right now. The consistency of smirk and glare at her face gave shivers in my body. She is way too far from what she was used to be.Nanghihina kong tiningnan ang laban nila. Simpleng hawak lang sa braso ang ginawa ni Atyrrah pero ang gulat sa mukha ng Reyna ay bakas na bakas. Bigla ay hinawakan niya ang buhok ng Reyna at iniuntog ang ulo nito sa tuhod niya. Hindi nagpakita ng sakit ang Reyna. Hinawakan niya si Atyrrah sa braso at ipinaikot pero mabilis pa sa pagkurap na tumalon si Atyrrah na sa likod ng Reyna napunta. Iyon ang naging dahilan kung bakit tila nakakulong ang Reyna sa sarili nitong braso."Bumitaw ka!" Makapangyarihang sigaw ng Reyna pero isang kakila-kilabot na tawa ang pinakawalan ni Atyrrah."Baka nakakalimutan mo. Ako ang bida sa kwentong ito" hindi ko maipaliwanag ang boses niya. Magkahalo ang boses niya at ng
Prinsesa Atyrrah POVHindi ko magawang magsaya. Ang puso ko ay nilulukob ng takot at lungkot dahil sa mga naririnig na sigaw at iyak ng mga Acrañum. Sa pagkakataong ito nasabi ko na mahina ako. Bilang Prinsesa, dapat ko silang ipagtanggol ngunit heto ako. Nakasakay kay Havok kasama ang Ginoo.Hindi.Hindi ang aking sarili ang pwede kong isipin ngayon. Hindi ang Ginoo kung hindi ang responsibilidad ko. Hindi ako ipinanganak upang marinig ang tangis at makita ang paghihirap ng mga Acrañum."Bumaba ka Havok--""Ano?! Hindi!" Salubong ang kilay na tiningnan ko ang Ginoo. Kunot ang noo niya."Kailangan ako ng mga Acrañum" ani ko. Umiling siya at saka hinawakan ang aking tiyan."Hindi ka pwedeng masaktan. Nasa iyo ang anak ko Atyrrah" kunot man ang noo ay kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Inilapit ko ang labi sa kaniya saka iyon inilapat sa labi niya."Huwag kang mag-aalala. Sa'
Yvo Artemis POVHabang dumadampi ang hangin sa aking mukha na ginugulo ang aking buhok ay hindi ko maiwasang matakot. Fear is creeping me out not by me but for those creature. I saw the messy place. I saw how powerful the Queen is. And I can't help myself but to get worried about them especially to Atyrrah.Bumaliktad ang sitwasyon namin. Ako naman ang ignorante sa nakikita pero hindi ko ma-appreciate ang paligid dahil sa pag-aalala.Habang nililipad ako ni Havok ay lumilipad rin ang aking isip. Ano ang pwede kong gawin para makatulong? Hindi ako sumama dito para lang magtago.Inilapag ako ni Havok sa isang bundok. Kakaiba rito dahil nagliliwanag ang mga puno. May mga alitaptap rin na nagpapaganda sa lugar. I roam my eyes at the place. My hands are in my pocket as I withdraw myself from Havok's back.This place was breath-taking. It is charming. A fantasy. What I am seeing right now makes me amaze.How God created this kind
3rd Person POVNaging marahas ang bawat isa, alisto sila. Ang mga kawal at ibang Acrañum ay nakatutok ang mga palaso sa mga nag-alyansa laban sa Reyna na pinamumunuan ni Heneral Baron. Nanatili itong nakaupo sa kaniyang kabayo.Ang mga opisyal ay handa na ang kapangyarihan habang nakatingin kina Prinsesa Atyrrah at Reyna Karis. Bakas naman ang takot sa mukha ni Yvo Artemis. Hawak niya ang brasong nakapalibot sa kaniyang leeg.Ang Reyna na may apoy sa kaniyang palad ay desidido sa gagawin. Kapag naipasa sa kaniya ng pormal ang Kaharian ng Cladmus, mapapasakaniya na ang buong kaharian. Nang dumating ang Tiyo at Tiya ng magkapatid na Prinsesa ay kinabahan siya. Ayaw niyang mawala ang Kaharian na simbolo ng kaniyang kapangyarihan."Kapag sinunod niyo ang nais ko, papakawalan ko ng walang galos ang taong ito" banta niya sa lahat lalo na kay Prinsesa Atyrrah na ngayon ay walang makikitang emosyon sa mukha. Palipat-lipat na rin ang kulay
Prinsesa Atirrah POVBumuntong-hininga ako. Nalulungkot ako na magagaya ang tadhana ng aking kapatid sa akin. Natatakot ako na magaya ang kapalaran niya sa akin. Ano pa kapag nalaman ni Lucidiro na may bata sa kaniyang sinapupunan?Tiningnan ko ang aking anak. Seryoso niyang iginagala ang tingin sa Kaharian ng Cladmus. Sobra akong naaawa sa kaniya. Halata ang pagiging ignorante niya sa mundong ito. Paano nga ba mabubuksan ang isip niya kung ikinukulong siya ni Galleion sa kaharian? Na hanggang pagtingin nalang mula sa bintana ang tanging nagagawa niya.Iniangat ko ang tingin. Hinihiling kong matapos na ang paghihirap, hindi ng sarili ko kung hindi ng aking anak.Tumunog ang gong. Senyales ng pagpasok ng mga opisyal. Pangungunahan ni Narnion ang pagpasok. Ang unang pumasok ay ang mga kawal na nasa kinse ang bilang.Nag-martsa sila sa pasilyo at nang tumapat ang pinuno sa hilera ng gintong upuan ay huminto siya, gano'n rin ang mga k