Share

Ang Pagbibigay Pugay

 

 

“Tanghali na, wala kaming pagkain!” katok ni Nuel sabay pasok sa kwarto at talon sa kama ng inang hinahagod ang likod ni Tala na naubo dahil sa pagkakasamid.

“Ay yaya mo!” nagulat si Dalisay sa ginawa nito. Dito namana ni Tala ang favorite expression niya.

 

Sunod na tumambad ang dalawang lalaki na may dala-dala pang plato. Gaya ni Nuel ay umupo rin ito sa maliit na kama. Kaya siksikan na silang lahat.

“Mag-asawa ba kayo na nagbababad sa kama. Abaý anong oras na?? Tanghali na ni hindi pa kami nag-aalmusal.” sabi ni Nimuel na dumantay pa sa ina.

“Teka muna Mang,” pigil ni Tala nang babangon na si Dalisay

“Katulong ba kami ng Mamang dito? Ang lalaki ninyo na eh di magluto kayo ng sarili ninyong pagkain!” sagot ni Tala na niyakap si Dalisay.

“Naku, ikaw na bata ka, halika na at magluto na tayo.” pilit kumalas ni Dalisay sa mga kamay na nakayakap sa kanya. Gustong-gusto niya ang mga lambing ng mga anak pero mas gusto niyang pinagluluto at pinagsisilbihan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status