Share

Day 02 [Weird Dream]

Penulis: Kei Abordo
last update Terakhir Diperbarui: 2024-01-04 14:26:22

'PATAY NA BA AKO?... SA GANUN NA LANG BA NATAPOS ANG BUHAY KO?..'

"Miss Sebastian?!" Boses ng isang lalaki ang biglang narinig ni Adee.

'May tumatawag sa pangalan ko?...'

"Miss Sebastian! Wake up!" Tawag muli nito kay Adee, pero sa pagkakataong ito ay sumigaw na ang lalaki sabay dabog sa lamesa.

Napabalikwas ng tayo si Adee mula sa mahimbing niyang pagkakatulog. 

‘Huh? Nakatulog ba ako?’

Buong pagtataka niyang inilibot ang tingin sa paligid at lalo lang siyang naguluhan at hindi makapaniwala nang mapagtantong nasa opisina siya. Tinignan niya rin isa isa ang mga katrabaho at lahat sila ay nakangisi sa kaniya at tila pinagtatawanan at kinukutya siya ng mga ito sa kanilang isip.

"Nananaginip lang ba talaga ako?" bulong ni Adee sa sarili kasabay ang pagkurot niya sa kaniyang kaliwang braso.

Napangiwi siya sa sakit.

Hindi pa rin makapaniwala si Adee na nanaginip lang siya.

"Miss Sebastian! You're sleeping during the office hours! Make an incident report and give it to me immediately! Hindi ko ito palalampasin!" Sigaw ng supervisor niya na si Larry. Kay Larry rin ang boses na kanina pa naririnig ni Adee na tumatawag sa kaniya.

"Sorry sir..." Napayuko na lang si Adee sa sobrang kahihiyan.

Lumabas na si Larry at nag-umpisa nang magbulungan ang mga katrabaho ni Adee.

"Natutulog sa oras ng trabaho? Nakakatawa!"

"Wala na ngang ginagawang tama, nagawa pang matulog dito?!"

Napako sa pagkakatayo si Adee, sinasalo ang bawat paratang at masasakit na salita na binabato sa kaniya ng mga katrabaho. Dinadamdam ang kahihiyan dahil sa nangyari. Pero wala siyang magawa dahil sa loob loob ni Adee alam niya at aminado siyang tama ang mga katrabaho niya.

'Adee... Ok lang yan...'

Tutulo na ang luha mula sa mga mata ni Adee pero pilit niyang pinipigilan ito. Pilit niyang kinakalma ang sarili.

Bumukas ang pinto ng opisina at biglang natahimik ang lahat.

Si JV Perez ang pumasok.

Natigil siya sa paglalakad ng mapansin ang mabigat na pakiramdam sa kwarto, pati na rin ang nakakabinging katahimikan na sumalubong sa kaniya. Nagtataka ito kung bakit ganun na lang ang reaksyon ng lahat. Nakaramdam niya ng bigat sa dibdib at agad na hinanap ng kaniyang mga mata ang kaibigan na si Adee. Natagpuan niya itong nakatayo sa harap ng kaniyang lamesa at nakayuko.

"Adee..." Agad niyang nilapitan si Adee. "Anong nangyari?" Nag-aalalang bulong niya sa kaibigan.

Iling lang ang isinagot ni Adee. Ni hindi rin siya nagawang tignan nito. Alam ni JV na pinipigilan ni Adee ang sarili na umiyak at alam rin niya na ayaw nito na makita siyang nasasaktan.

"Sorry Adee..." bulong pa ulit ni JV.

"Sorry JV. Mag-CCR lang ako..."

Nagmamadaling umalis si Adee at hindii niya napansing may kung anong nalaglag mula sa lamesa niya.

Isang singsing.

Isang lumang singsing na may itim na bato.

Dinampot ni JV ang nalaglag na singsing.

"Kay Adee ba ‘to?"

***

"ANG SABI SAKIN NI JOYCE, nahuli ka raw ni Sir Larry na natutulog kaya ka napagalitan kanina?"

Naglalakad na pauwi sila JV at Adee. Hanggang sa pag-uwi nila ay hindi pa rin maintindihan ni Adee ang nangyari. Kung tunay na panaginip lang ang lahat ng nakita niya at nangyari, bakit hanggang ngayon pakiramdam niya ay totoo pa rin ang lahat.

‘Nasagasaan ako ng sasakyan sa panaginip na iyon… Naramdaman ko yung sakit sa katawan ko…’ Isip ni Adee.

"Hoy, ang lalim ata niyang iniisip mo..." si JV ulit. Hindi kasi siya pinapansin ni Adee.

"JV, nagtataka lang ako... yung panaginip ko kasi kanina, parang totoo eh. Totoong totoo!”

Natawa si JV. "At nagawa mo pang managinip ha?!"

Natigil si JV sa pagtawa ng hampasin siya ni Adee sa braso. "Seryoso ako..."

"Ano bang napanaginipan mo?"

"Ordinaryong araw lang sa trabaho, napagalitan pa nga ako eh. Tapos nagpunta ako kay Sarah, sinabi niya na may bagong bukas na shop malapit sa kanila. Tapos, pinuntahan ko yung shop...."

"Anong klaseng shop naman yun?"

"Uhm...Parang antique shop siya. Nagbebenta rin ito ng lucky charms. Tapos, may nakilala akong matanda doon. Ang ibinigay niya sa akin na pampaswerte ay isang lumang singsing. Tandang tanda ko pa nga yung itsura ng singsing, may malaking itim na bato ito sa taas…”

Napaisip si JV sa sinabi ni Adee, naalala niya yung nadampot niyang singsing kanina sa opisina.

"Teka Adee... Kanina may nadampot ako sa ilalim ng table mo..." sabi ni JV habang kinakapa ang bulsa ng kaniyang pantalon. "Ito oh..."

Nanlaki ang mga mata ni Adee ng ipakita ni JV sa kaniya ang hawak nitong singsing. Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang singsing na binili niya mula sa matanda sa shop.

Pero, kung panaginip lang yon...

Paano napunta kay JV ang singsing?

"P-Paano napunta sayo ‘yan?" Tanong ni Adee na hindi inaalis ang tingin sa singsing.

"Nadampot ko nga ho sa ilalim ng table mo kanina... nahulog mo yan nung umalis ka..." 

Lalong napakunot ang noo ni Adee. Hindi na niya maintindihan kung anong nangyayari.

"Halika samahan mo ako!" Hinablot ni Adee ang kamay ni JV tsaka siya nagmamadaling naglakad.

"Teka! Saan tayo pupunta?"

"Pupuntahan natin yung shop na binilhan ko niyan..."

PAGDATING SA LUGAR, wala silang nadatnang tindahan. Isang abandonadong bahay ang nakatirik sa lugar kung saan di umano’y pinagbilhan ni Adee ng misteryosong singsing.

"Bakit wala?! Sigurado akong dito ‘yon! Di ako pwedeng magkamali!" Parang napaparanoid na si Adee dahil sa nangyayari. Kung panaginip lang ang lahat, bakit nasa kaniya ngayon yung singsing na binili niya sa kaniyang panaginip, pero nakakapagtaka rin na wala yung tindahan na pinagbilhan niya nito.

"Dito ba talaga yon?" Pati si JV ay naguguluhan na.

"Oo dito yon. Sigurado ako." 

"Kung dito nga yon,eh bakit wala? Oy Adee, baka tulog ka pa rin hanggang ngayon ha? Kurutin kita dyan."

"Sigurado ako JV..."

"Ang mabuti pa itanong natin doon sa ale..."

Nilapitan nila ang may edad nang babae na naglalakad papunta sa direksyon nila.

"Uhm, Madam... pwede ba kami magtanong?" Dahan dahan nilapitan ni JV ang babae

"Ano yon?"

"Alam nyo po ba kung kelan pa nawala yung antique shop doon?" Magalang na tanong ni JV sabay turo sa abandonadong bahay.

Sinundan ng babae ng tingin ang direksyon na tinuturo ni JV. Kumunot ang noo nito pagkakita sa lugar.

"Anong antique shop? Matagal nang abandonadong bahay ang nakatayo dyan. Tsaka wala akong alam na antique shop dito sa lugar na ‘to."

Nagkatinginan sila JV at Adee.

"Pero may alam po kayong tindahan ng mga lucky charms... mga pampaswerte po?" Si Adee.

Umiling ang babae, "Wala, hija..."

"Ganun po ba? Sige po, salamat..."

Umalis na ang matanda.

"Bakit ganun?!" Sabi ni Adee sabay kamot sa batok.

"Alam mo Adee, pati ako naguguluhan sayo... hindi ko alam kung nananaginip ka pa rin o naghahalucinate ka na?!"

"Sabihin mo nga JV, August 11, 2023 ngayon diba?"

Tumango-tango si JV. “Tama.”

"At si President Marcos ang presidente ng bansa, tama?"

Kumunot ang noo ni JV. "Ano? Anong presidente? Monarchy kaya ang Pilipinas."

"Monarchy?! Democratic kaya! Kailan pa tayo nagkaroon ng Hari at Reyna?  Ang lakas ng trip mo JV! Naguguluhan na ako sa nangyayari, please lang wag mo nang dagdagan!"

"Huh?! Di ako nagbibiro ha? Ito ipapakita ko sayo."

Kinuha ni JV ang cellphone niya mula sa bulsa at nagsearch sa internet.

"Ito Adee tignan mo..."

Pinakita ni JV ang cellphone niya kay Adee at binasa naman ni Adee ang nakasulat sa screen nito.

Nakasulat dito ang isang article tungkol sa Reyna ng bansa at may malaking picture ng may edad na Reyna. Nakasuot ito ng royal blue na traditional filipiniana dress sa tapat ng Malacanang Palace at may suot din itong korona sa ulo. Malaki ang ngiti sa labi ng reyna na nakatingin ng diretso sa camera. Pakiramdam ni Adee at nakatingin at nakangiti ito sa kaniya. Nakaramdam ng kakaibang sense of familiarity si Adee sa taong nasa larawan.

"Queen Helia O-Ongpauco? Siya ba talaga ang Reyna ng bansa ngayon?..." Nalilitong nakatingin si Adee sa kaibigan.

"Sabi naman sayo diba? Monarchy ang bansa natin at hindi democratic. Matagal nang Monarchy ang Pilipinas, bago ka pa ipanganak." Biro no JV sabay tawa.

Napakagat labi nalang si Adee habang pinipilit na isink in sa sarili niya ang mga nalaman.

Gaano katagal ba siyang nakatulog at nanaginip kaya ganun na lamang ang pagkalito niya sa nangyayari.

***

NAGLALAKAD PAUWI SI ADEE ng mapadaan siya sa isang parke. Umupo muna siya sa bench at nagpalipas ng oras. Hawak hawak niya ang singsing at tinitigan ito.

"Kung panaginip lang ang lahat ng iyon, paano to napunta sa akin? Impossible namang matagal ko na tong pagmamay-ari, ngayon ko lang nakita ang singsing na to?! Pampaswerte raw?! Eh mababaliw na ako kakaisip dahil dito... Mamaya niyan may sumpa pala ‘tong singsing!"

Inilapit pa ni Adee yung singsing sa mata niya.

"Nakakatakot naman itong itim na batong ito... Sorry singsing pero ayoko na sayo. Baka lalo lang akong malasin dahil sayo!"

Inihagis ni Adee ang singsing sa malayo tsaka siya tumayo at naglakad paalis.

Gumulong ang singsing hanggang sa paanan ng isang may edad na lalaki.

Maayos ang pananamit ng lalaki, nakaamericana ito at leather na sapatos.

Dahan dahan na dinampot ng matanda ang singsing, tinignan niya ito tsaka niya gulat na tinanaw si Adee na naglalakad palayo.

"Tapos na... ang paghahanap ko..."

***

GABI NA PERO BUSY pa rin si Adee sa ginagawa niya. Idino-drawing niya sa papel ang misteryosong singsing na itinapon niya kanina sa park.

Natigilan siya at inisip niya kung tamang itinapon niya ang singsing.

'Paano kung may makadampot ng singsing na yon?... mamalasin kaya siya o suswertehin?'

"Haaaay!!.." sabay gulo sa buhok niya.

"Ano ba kasi nangyayari sa akin ngayong araw? Paano ko nagawang kalimutan na Monarkiya na ang bansa? Baka paputulan ako ng ulo ng Mahal na Reyna! Bakit ba kasi ganun ang panaginip ko?! Para naman kasi talagang totoong totoo."

Tumayo si Adee at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig nang may kumatok sa pinto ng apartment niya.

Nagtaka si Adee sabay napatingin sa orasan – 11:36 na ng gabi. 

"Sino kaya ang kumakatok? Malayo namang sila Sarah yan, gabing gabi na masyado..."

Lumapit si Adee sa may pintuan at idinikit niya yung tenga dito. Pinapakinggan niya yung tao sa labas, pero wala siyang marinig. Kumatok pa ulit yung kung sino mang nasa labas. Nasapo ni Adee yung dibdib niya sa gulat.

"S-Sino kaya ito?..."

Dahan-dahan pinihit ni Adee ang doorknob, nakasilip siya habang dahan-dahan din niyang binubuksan ang pinto.

Nang nabuksan na niya ito, isang may edad na lalaki ang nakatayo sa harapan niya. Nakaitim itong amerikana, may itim din siyang sumbrero at bag. Seryoso ang mukha nito.

"A-Ano pong kailangan nila?" kinakabahang tanong ni Adee habang bahagyang nakatago sa likod ng pinto.

"Ipagpaumanhin ninyo ang aking pang-aabala Mahal na Prinsesa." Magalang na lumuhod ito sa harapan niya.

Nanlaki ang mata ni Adee sa nakikita at sa narinig.

'T-Tinawag niya akong Mahal na Prinsesa?! Wala ba sa katinuan itong si Manong? O nagkamali lang ako ng rinig?' Isip ni Adee.

Nakaluhod pa rin ang matandang lalaki at tila ba’y walang balak na tumayo hanggat hindi siya papatayuin.

"Hala! Manong, tumayo na po kayo!" Pinipilit ni Adee patayuin ang lalaki.

Tumayo naman ang matanda at masaya niyang tinignan si Adee. "Ang tagal ko kayong hinanap Kamahalan.."

To Be Continued>>>

Bab terkait

  • Prince In My Dream (Book 1)   Day 03 [The Impossible Dream]

    'TINAWAG NIYA AKONG KAMAHALAN?!' "Manong, Sorry ha? Pero nagkamali po yata kayo ng napuntahan. Hindi po ako isang prinsesa. I-try niyo na lang po sa ibang bahay..." Hindi sumagot ang lalaki bagkus ay may kinuha ito sa bag niya. Isang maliit na kulay pulang kahon ng alahas. Ibinigay niya ito kay Adee. Dahan dahan na binuksan ni Adee ang kahon, kahit na may kutob na siya kung anong nasa loob nito. At tama nga ang iniisip niya. Nasa loob ng kahon ang lumang singsing na inihagis niya kanina. "Itinapon ko na ito kanina ah? P-Paano napunta sa inyo ito?" Hindi agad sumagot ang matanda sa halip ay nakatitig lang ito kay Adee na may kasiyahan sa mukha at mga matang halos mapuno ng luha. Biglang naantig ang puso ni Adee sa pagkakita sa ekspresyon na iyon ng estranghero na kausap. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sa loob loob niya ay tila ba’y matagal na niya itong kilala. Hindi alam ni Adee kung bakit siya tinawag nito na prinsesa pero interesado siya sa kung ano mang sasabihin ng mata

    Terakhir Diperbarui : 2024-01-04
  • Prince In My Dream (Book 1)   Day 04 [Dream or Dream?]

    "SI ADEE NAKITA NYO? HINDI BA SIYA PUMASOK NGAYONG ARAW?" Tanong ni JV sa mga katrabaho ng bumalik ito sa department nila. Si Joyce ang sumagot sa kanya. "Nandito siya kanina JV, pinatawag siya ni Manager Sevilla kanina. Ang tagal nga niya bumalik eh..." "Bakit daw?" "Ang narinig kong sabi ni Manager, may gustong kumausap sa kanya." Pacute pang ngumiti ito kay JV. "Sino kaya iyon?" Tanong ni JV sa sarili. Pero sinagot pa rin siya ni Joyce. "Baka pinapa forced resign na siya." Tinignan ni JV ito ng masama. Napangiwi si Joyce. "Nako, wag naman sana mangyari ‘yon! Ang sipag sipag ni Adee..." Nilapitan ni Joyce si JV. "Uhm JV, may lakad ka ba mamaya after work? Parang may maganda kasing movie na showing ngayon. Gusto ko sana manood kaso wala akong kasama." Todo ang pagpapacute nito kay JV. "Sorry Joyce, may kailangan akong asikasuhin mamaya. Iba na lang ang yayain mo" Sabay alis ni JV. Umupo na ito sa table niya at nag umpisa na magtrabaho. Asar na nakatingin si Joyce dito. "

    Terakhir Diperbarui : 2024-01-04
  • Prince In My Dream (Book 1)   Day 05 [Robin The Nightmare]

    MAGANDA ANG SINAG NG ARAW, MAALIWALAS ANG PALIGID. Maagang gumising si Adee para pumasok sa trabaho. Paalis na si Adee, ngunit nagulat siya sa taong bumungad sa kanya pagkabukas ng pintuan. Si Sir Vladimir. "Magandang umaga, Kamahalan." "Ano pong ginagawa niyo dito?" Hindi pa rin naalis ang pagkagulat sa mukha ni Adee. "Pinapunta ako ng Mahal na Reyna para sunduin kayo." "Pero papasok pa po ako sa opisina. Hindi ako pwede umabsent ngayon." Ngumiti si Vladimir kay Adee. "Wag kayo mag-alala. Nagpaalam na ako kay Mr. Sevilla. Halina kayo Mahal na Prinsesa, naghihintay ang mahal na Reyna." Napakagat labi na lang si Adee. Wala naman siyang magagawa kundi ang sumama, lalo na at utos iyon ng Reyna. Pero sa totoo lang ay ayaw niya pumunta muli sa palasyo. Pakiramdam niya ay hindi siya bagay doon. Sumakay siya sa itim na kotseng sinakyan din niya noong unang beses siyang magpunta sa palasyo. Hindi maipinta ang mukha ni Adee. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit maaga siyang pina

    Terakhir Diperbarui : 2024-01-04
  • Prince In My Dream (Book 1)   Day 06 [Dream vs Nightmare]

    "OH BRO! KAMUSTA? EMERGENCY BA?!"Bati ni Jaime kay Robin ng magkita sila sa lagi nilang tinatambayan na coffee shop.Si Jaime ang matalik na kaibigan ni Robin. Mayaman din ang pamilya nito na kilala sa field ng business and law.Umorder na sila ng maiinom at makakain at saka naupo sa bakanteng pwesto."Kapag magkasalubong yang kilay mo at lalo pang naniningkit yang mga mata mo, I could tell that there's definitely something wrong." Komento ni Jaime na may halong pang-aasar sa tono.Naglabas si Robin ng kahon ng sigarilyo at nagsindi ng isa. Hindi niya pinansin yung sinabi ni Jaime at nag hithit-buga lang ng usok."Plus the cigarettes!" Dagdag pa ni Jaime na may malaki at mapang-asar na ngiti sa labi."Diba alam mo naman yung tungkol sa nawawalang 'Crowned Princess'?" Umpisa ni Robin habang nakatitig sa malayo."Yeah. Siya yung fiance mo na matagal ng hinahanap ng Mahal na Reyna–"Napatigil si Jaime sa pagsasalita ng dumating ang waiter at inilapag sa lamesa ang order nila. Nang umali

    Terakhir Diperbarui : 2024-01-06
  • Prince In My Dream (Book 1)   Day 07 [Dream At Stake]

    "ROBIN, BAKIT NGAYON KA LANG? SAAN KA GALING?"Pasado alas-dyes na ng gabi ng nakauwi si Prince Robin ng palasyo galing sa lakad nila ni Jaime. Mula sa Reynang nagsalita lumipat ang nakakatakot niyang tingin kay Adee na nasa bandang likuran ng Reyna.Simula sa gabing iyon ay sa palasyo na rin titira si Adee. At magsisimula sa gabing iyon ang nakakatakot niyang panaginip.Pinagpapawisan ng malamig si Adee sa matatalim na tingin ni Robin. Seryoso ang itsura nito at kahit hindi niya sabihin kitang kita sa mukha nito na hindi siya natutuwang makita ulit si Adee.Napaatras si Adee.'A-Ang mga tingin niya... nakakatakot...'"Nagkita kami ni Jaime. Nagkwentuhan lang." Malamyang sagot ni Robin sa Reyna."Alam mo namang ngayon ang paglipat ni Adee dito sa palasyo, sana sinamahan mo siya kunin ang mga gamit niya."Batid sa tono ng Reyna na pinipigilan nito na tuluyang magalit kay Prince Robin.Inismiran ni Robin ang Reyna. "What's the use? Nandyan naman si Sir Vladimir.""Ah...Ok lang po Mahal

    Terakhir Diperbarui : 2024-01-13
  • Prince In My Dream (Book 1)   Day 08 [What Are Dreams For?]

    "ROBIN, I UNDERSTAND THAT THIS SITUATION IS REALLY HARD FOR YOU, pero hindi mo maaring suwayin ang nais ng iyong ama. Before he died, making Adee your wife was the last wish he wanted you to do for him..."Sabi ni Queen Helia na may concern sa tono at sa mga mata niya. Hawak niya ang isang kamay ni Robin na nanginginig sa matinding emosyon na nararamdaman niya. May galit, inis sa sitwasyon, at lungkot sa puso niya.Magkatabi silang nakaupo sa kama ni Robin.Malinaw na malinaw pa rin sa isip ni Robin ang mga alaala ng kanyang Ama. Namatay ito ng walong taon pa lang siya. Isa itong magaling na Hari - Responsable, matalino, buo at malakas ang loob, outspoken, isang napakagaling na LEADER at higit sa lahat... mahal nito ang bansa at lahat ng mamamayan nitong. Iginagalang siya ng lahat, iniidulo at sinusuportahan siya ng mga tao sa lahat ng gawin niya.At tulad ng mga taong iyon, labis labis din ang pag

    Terakhir Diperbarui : 2024-01-29
  • Prince In My Dream (Book 1)   DAY 09 [FOR KEEPS]

    "ANONG GUMUGULO SA ISIP NIYO, KAMAHALAN?"Nag-aalalang tanong ni Lyka kay Adee habang naglalakad sila sa malaking mall. Kanina pa niya pinapanuod ang Prinsesa at kitang kita niya sa mukha nito ang lalim ng pag-iisip at pag-aalala.“Wala naman Lyka. Okay lang ako, wag kang mag-alala.” Sagot ni Adee kay Lyka. Ngumiti pa siya para lalo itong makumbinsi.Iniisip ni Adee na baka lalong maging masama ang tingin sa kanya ni Robin kapag ginamit niya ang perang hindi sa kanya sa pamimili ng sarili nyang gamit. Baka isipin ni Robin na isa siyang gold-digger at sinasamantala niya ang pagiging prinsesa niya at ang pagiging mabait sa kanya ng Reyna.Bumaling si Adee kay Vladimir, “Sir Vladimir, ayoko pong mamili ng mga para sa akin lang. Pwede ko rin po bang ipamili sila Queen Helia at si Robin?”Nag-isip sandali si Vladimir."Kung yan ang gusto nyo Kamahalan kayo ang masusunod."

    Terakhir Diperbarui : 2024-02-11
  • Prince In My Dream (Book 1)   DAY 09 [FOR KEEPS] part 2

    ‘Boyfriend?’"Ayy! Hindi po. Hindi po boyfriend... Actually, ahmmm...""Ah! Siguro para sa matalik nyong kaibigan? Sige po. Sa pagpili po ng relo, may mga bagay na dapat tayong iconsider. Like, yung lifestyle ng taong magsusuot." Paliwanag ng sales lady."Lifestyle?...""Uhm, into Business po ba yung tao? Sport Type po ba sya? Fashionista? Ganun po?"Nag-isip si Adee.Hindi niya alam ang lifestyle ni Robin dahil ilang beses pa lang naman sila nagkita at hindi pa sila nagkakausap ng masinsinan."Uhm... Honestly, di ko po alam kung anong lifestyle nya." Nahihiyang sagot ni Adee."Ay ganun po ba? Yung built po ng body niya? Kailangan din po yun para mapili natin ang tamang circumference ng face ng watch para sa kanya.""Uhm, matangkad po siya. Tama lang yung katawan niya, hindi siya mataba at hindi din masyadong mapayat."Tumango tango ang babae na wari'y naiimagine ang sinasabi ni Adee."Miss, ipili mo ako ng relo na magagamit niya kahit sa pinaka ordinaryong araw. Ang totoo kasi nyang,

    Terakhir Diperbarui : 2024-02-15

Bab terbaru

  • Prince In My Dream (Book 1)   Day 14 [ So Close Yet So Far ]

    HINDI MAPAKALI SI JV MULA SA PAGKAKAUPO NIYA, maya’t maya ang tayo at naglalakad lakad siya sa paligid ng kanyang lamesa.Alam niyang ngayon ang unang araw ng leave ni Adee at ngayon din ang alis ni Adee papuntang Palawan kasama ang Prinsipe.Kahapon ay paulit ulit ang pagpapaalala niya kay Adee na ingatan niya ang sarili niya. At paulit ulit ding sinasabi ni Adee na wala siyang dapat ipag-alala.Maya’t maya rin ang sulyap ni JV sa cellphone niya. Gusto niyang tawagan si Adee and at the same time, naghihintay siya ng tawag mula dito."Wala pa si Adee? Ang dami pa naman nitong ipapagawa ko sa kanya. This is the first time na nalate siya." Kausap ni Joyce ang sarili niya. "Ang alam ko Miss Joyce, nagleave si Adee." Sabat ng katabi niyang katrabaho.Nagulat pa si Joyce. "Oh for real?! Bakit naman siya biglaang nagleave? That's unusual huh?""Vacation leave, Miss Joyce.""Vacation leave?! For 5 years ngayon ko lang narinig na magbabakasyon si Adee! Wow?!""Wala ba siyang karapatan magba

  • Prince In My Dream (Book 1)   DAY 13 [ DREAM VACATION ]

    "ADEE, I HEARD FROM MR. VLADIMIR. Bakit hindi ka nagpahatid sa kanya kanina?"Sabay-sabay nagdidinner sila Adee, Robin at Queen Helia. Halos mabilaukan si Adee sa tanong na iyon ng Reyna. Hindi niya inakala na sasabihin ni Vladimir sa Reyna ang tungkol sa nangyari nung umaga. Ang akala niya kasi ay itatago ito ni Vladimir at hahayaan siya nito na siya na mismo ang magsabi sa Reyna.Sinulyapan ni Adee si Robin, seryoso itong nakain."Uhm...Sorry po lola. Iniiwasan ko lang po kasi na may makakita sa akin na hinahatid at sinusundo ng magandang kotse. Kaya po… pinakiusapan ko si Sir Vladimir na wag na lang po niya muna ako ihatid sa trabaho." Malungkot ang ekspresyon ng mukha ni Adee. Nag-aalala siya na mamisunderstood ng reyna ang intensyon niya. Kahit na labis ang kanyang pag-aalala, sobra-sobra pa rin ang pasasalamat niya sa kabutihan ng Reyna."Why Adee? May nangyari b

  • Prince In My Dream (Book 1)   Day 12 [Everything's Going To Be OK]

    "DO EVERYTHING YOU CAN TO STOP THE RUMOR ABOUT ADEE SEBASTIAN. And if you can trace, give me the name of the person who spread it out. As soon as possible. You know what I can do, Mr. Sevilla.""Opo, Sir."***"TARA NA PO SA SASAKYAN KAMAHALAN." Sinalubong ni Sir Vladimir si Adee na palabas na ng palasyo.Maganda ang araw at papasok na sa trabaho si Adee. Tinitigan niya si Vladimir at naalala niya ang nangyari sa opisina.Ayaw niyang lalo pang lumala ang problema, ayaw niyang may ibang taong madamay."Uhm... Sir Vladimir, kung pwede lang po wag niyo na lang po muna akong ihatid at sunduin sa trabaho." Nag-aalangan si Adee sa sasabihin niya. Ayaw niyang ma-misinterpret ni Vladimir ang gusto niyang sabihin. Pero hindi rin naman niya masabi ang totoong dahilan."Pero Mahal na Prinsesa, ito po ang utos ng Mahal na Reyna." Nagulat at nagtataka si Vladimir sa sinabi ni Adee."Alam ko po pero... please po. Kahit dalawang linggo lang.""Prinsesa, mahirap pong sundin ang gusto niyo. Baka may m

  • Prince In My Dream (Book 1)   Day 11 [Dream Unfold]

    PUMASOK SI ADEE SA DEPARTMENT nila at dumiretso sa table niya. Nagulat siya at nandun pa ang iba nyang katrabaho.Nilapitan siya ni Joyce. "So, How's life Adee?""Ha? Okay naman. Bakit mo natanong Joyce?" Masayang sagot ni Adee.Lumingon si Joyce sa iba pa nilang kasamahan na may makahulugang ngiti."Ah... Masaya ka naman sa kanya?" Pabulong na nagpatuloy si Joyce. "Magkano binibigay niya sayo tuwing nagkikita kayo?"Nagsalubong ang kilay ni Adee, nagtataka. "Anong sinasabi mo Joyce?""Yung Sugar Daddy mo?!" "Ha?! Sugar daddy?! i Hindi ko alam kung anong sinasabi mo."Naasar si Joyce. "Oh! Cut the crap out Adee! You went out with an old man last night, and pinagshopping ka pa niya!"Nagulat si Adee. "Paano mo nalaman ang tungkol dun?""Adee?"Agad napalingon ang lahat sa lalaking nagsalita. Hindi nila namalayang pumasok si JV. Lumapit ito kela Adee at Joyce."Totoo ba ‘yon Adee? Kaya ba hindi ka nakasama sa akin kahapon?"Malungkot na tumango si Adee.Biglang sumabat si Joyce. "See?!

  • Prince In My Dream (Book 1)   DAY 10 [ OPEN YOUR HEART ] part 2

    ***SERYOSONG NANINIGARILYO SI ROBIN sa garden. Malayo ang tingin at malalim ang iniisip."Just in case na hindi ka aware, let me tell you… Hindi kita tinatanggap bilang fiance. At hindi rin kita itinuturing na parte ng pamilya! Nakakahiya sa mga kaibigan ko na may kakilala akong katulad mo?! Baka nakakalimutan mo?! Hindi ako ordinaryong tao, isa akong Prinsipe!"Was he too rude to Adee?Pero sinabi lang niya ang nasa isip nya.He don't like innocent-looking girls, malay ba niya kung umaarte lang ito para kaawaan? O para kampihan ng lola nya?Hindi niya alam.Ang gusto lang niya ay makaalis sa ganitong sitwasyon.Robin let go of a deep sigh."What are you doing here Robin?"Agad napalingon si Robin sa pinanggalingan ng boses. Ang lola nya pala iyon. Nilapitan siya nito."Gabing gabi na nag-s-smoke ka pa rin. Wouldn't you quit that?"Sabay abot ng Reyna sa hawak ni Robin na sigarilyo, itinapon ito sa lupa at tinapakan."I know why you're here grandma. Go ahead and scold me." Sarkastiko

  • Prince In My Dream (Book 1)   DAY 10 [ OPEN YOUR HEART ]

    DUMATING NA SA PALASYO sila Adee galing sa pamimili. Dala dala nila Vladimir at Lyka ang mga paper bag habang si Adee naman ay para bang nalungkot at nawala sa mood.'Don't over work yourself, may bukas pa'Paulit ulit niyang naririnig sa utak niya ang mga sinabing yon ni Robin. Sigurado ay iniisip nito na ginamit niya ang credit card ng lola niya sa pamimili ng mga gamit. At sigurado ay iniisip din nito na nagpapakasaya na siya maging prinsesa."Nakabalik ka na Adee!" Sinalubong sila ng Reyna. "Kamusta ang pamimili? Marami ka bang napili para sa iyo?""Nandito na po pala kayo, Mahal na Reyna... Sabi po sa akin ni Sir Vladimir may meeting kayo kanina." "Oo may meeting nga ako kanina pero lunch meeting lang iyon." Napatingin si Queen Helia sa labas. "Teka, where's Robin? Hindi ba sinamahan ka niya sa pagsha-shopping?""Po?" Agad siyang nag isip ng alibi. "Uhm, pinauna na po kami ni Robin bumalik ng palasyo kasi po... may importante siyang tawag na natanggap. Kaya po, ayun, kailangan

  • Prince In My Dream (Book 1)   DAY 09 [FOR KEEPS] part 2

    ‘Boyfriend?’"Ayy! Hindi po. Hindi po boyfriend... Actually, ahmmm...""Ah! Siguro para sa matalik nyong kaibigan? Sige po. Sa pagpili po ng relo, may mga bagay na dapat tayong iconsider. Like, yung lifestyle ng taong magsusuot." Paliwanag ng sales lady."Lifestyle?...""Uhm, into Business po ba yung tao? Sport Type po ba sya? Fashionista? Ganun po?"Nag-isip si Adee.Hindi niya alam ang lifestyle ni Robin dahil ilang beses pa lang naman sila nagkita at hindi pa sila nagkakausap ng masinsinan."Uhm... Honestly, di ko po alam kung anong lifestyle nya." Nahihiyang sagot ni Adee."Ay ganun po ba? Yung built po ng body niya? Kailangan din po yun para mapili natin ang tamang circumference ng face ng watch para sa kanya.""Uhm, matangkad po siya. Tama lang yung katawan niya, hindi siya mataba at hindi din masyadong mapayat."Tumango tango ang babae na wari'y naiimagine ang sinasabi ni Adee."Miss, ipili mo ako ng relo na magagamit niya kahit sa pinaka ordinaryong araw. Ang totoo kasi nyang,

  • Prince In My Dream (Book 1)   DAY 09 [FOR KEEPS]

    "ANONG GUMUGULO SA ISIP NIYO, KAMAHALAN?"Nag-aalalang tanong ni Lyka kay Adee habang naglalakad sila sa malaking mall. Kanina pa niya pinapanuod ang Prinsesa at kitang kita niya sa mukha nito ang lalim ng pag-iisip at pag-aalala.“Wala naman Lyka. Okay lang ako, wag kang mag-alala.” Sagot ni Adee kay Lyka. Ngumiti pa siya para lalo itong makumbinsi.Iniisip ni Adee na baka lalong maging masama ang tingin sa kanya ni Robin kapag ginamit niya ang perang hindi sa kanya sa pamimili ng sarili nyang gamit. Baka isipin ni Robin na isa siyang gold-digger at sinasamantala niya ang pagiging prinsesa niya at ang pagiging mabait sa kanya ng Reyna.Bumaling si Adee kay Vladimir, “Sir Vladimir, ayoko pong mamili ng mga para sa akin lang. Pwede ko rin po bang ipamili sila Queen Helia at si Robin?”Nag-isip sandali si Vladimir."Kung yan ang gusto nyo Kamahalan kayo ang masusunod."

  • Prince In My Dream (Book 1)   Day 08 [What Are Dreams For?]

    "ROBIN, I UNDERSTAND THAT THIS SITUATION IS REALLY HARD FOR YOU, pero hindi mo maaring suwayin ang nais ng iyong ama. Before he died, making Adee your wife was the last wish he wanted you to do for him..."Sabi ni Queen Helia na may concern sa tono at sa mga mata niya. Hawak niya ang isang kamay ni Robin na nanginginig sa matinding emosyon na nararamdaman niya. May galit, inis sa sitwasyon, at lungkot sa puso niya.Magkatabi silang nakaupo sa kama ni Robin.Malinaw na malinaw pa rin sa isip ni Robin ang mga alaala ng kanyang Ama. Namatay ito ng walong taon pa lang siya. Isa itong magaling na Hari - Responsable, matalino, buo at malakas ang loob, outspoken, isang napakagaling na LEADER at higit sa lahat... mahal nito ang bansa at lahat ng mamamayan nitong. Iginagalang siya ng lahat, iniidulo at sinusuportahan siya ng mga tao sa lahat ng gawin niya.At tulad ng mga taong iyon, labis labis din ang pag

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status